Thirty Seven
Chapter Thirty Seven
"Andito naman ako e," bulong n'ya pero dinig ko naman. Lol.
Pero teka... sandali. Wat?
Tiningnan ko s'ya nang nakakunot ang noo.
Uhh narinig ko naman talaga. Papaulit ko lang.
"Uhhhh... I mean... uhm... andito naman ako p-pwede mong maging kuya."
Napangiti ako. Buti naman.
"Kuya e mas matanda ako sa'yo."
"Immature ka naman," sabi n'ya saka dumila. Cute talaga!
"Luh! Mature ka na n'yan? E nadila ka nga."
"Haha pogi naman ako e kaya ayos lang."
'Di na lang ako sumagot.. Mas pogi si Keanu sa kan'ya e.
Narinig ko namang tumunog 'yung phone n'ya.
"O?" cold na sabi n'ya.
Wow. Sungit. Haha. Grabe ha? Baka may period! Duck hahaha eew. Hahahaha.
Paano kaya lalabas kung may period yung guys?
Shet. Erase erase. Kung anu-ano pinag-iisip mo Zia ha?
"Pake mo?" sabi ni kuya mo Kevin sa kausap n'ya. So sungit po talaga. Hahaha.
"Park," sabi n'ya saka binaba 'yung tawag.
Wow. Hahaha bilis ng usapan. Ikli pa ng sagot.
"Sino yun?" tanong ko kasi chismosa ako forever.
"Kuya," maikling sagot nya.
Agad na 'yung tibok ng puso ko na para akong kinakabahan at natatae.
Bakit ganun? 'Di naman n'ya sinabi 'yung pangalan ni Keanu ah?
Dakyu hypothalamus! Dakyu Zia! Duck myself huhu. Bakit ba affected pa rin ako? 'Di naman dapat affected ah?
"A-ah!" Malakas na sigaw ko. Dakyu Ziaaaa obvious na uncomfortable ka! "B-bakit?"
"Alam mo. Okay lang naman na maging mahina ka sa harap ko e. You don't need to try to be strong when you're alone with me," bigla n'yang sabi. "You don't need to pretend. I'm always here," sabi n'ya saka pinat 'yung ulo ko at ngumiti.
Wow ha? Gawin ba akong bata?
Tumayo na s'ya saka inalok 'yung kamay n'ya sakin.
"Tara na?"
Tiningnan ko lang s'ya kasi I'm lost.
"Susunduin nila tayo. Pupuntahan natin sila tita."
"Owww," sabi ko saka tumango-tango kaya kinuha ko na lang 'yung kamay n'ya.
Nakita ko namang ngumiti s'ya saka n'zya hinigpitan 'yung hawak n'ya sa kamay ko.
Naghintay lang kami sa kalsada ilang minuto lang e medyo natatanaw ko na 'yung van nila. Rk po kasi sila. May dalawang kotse na may van pa. K kayo na po.
Tangina nandito nga pala si Keanu.
Duck! Muntanga ako kanina. Paano ko sya haharapin???
Tingin ko pasmado na 'yung kamay ko. Sobrang nagpapawis mga bes. Dahil nahihiya na ako kay Kevin e sinubukan kong hilahin 'yung kamay ko pero di n'ya binitawan. Tiningnan n'ya lang ako saka nginitian.
Dakyu Kevin. Kahit ang cute mo ngumiti e dakyu pa rin. Nakakahiya! Parang may waterfalls sa palad ko. Taena naman kasi Zia e ba't gan'to ka 'pag kinakabahan?
Ginulo n'ya lang ulit 'yung buhok ko saka tumawa. Urat naman ako kasi 'di na nga ako nagsusuklay e guguluhin pa n'ya. Ano na? Magulo na lang forever?
Inayos ko na lang 'yung buhok ko habang nakatingin nang masama sa kanya kaya tumawa s'ya saka kinurot pisngi ko.
"DAKYU KEVIN ANO BANG PROBLEMA MO????" sigaw ko sa kan'ya kaya lalo s'yang natawa.
"Wala. Andyan na sila o," sabi n'ya saka ngumuso dun sa van nila.
Holy cheesecakes. Kahiya!!
"Bwisit!" sabi ko saka naglakad kaso hawak pa rin pala n'ya 'yung kamay kong producer ng waterfalls kaya sumunod na s'ya.
Pinagbuksan naman n'ya 'ko ng pinto ng kotse nila. Ngiting-ngiti si Kevin at hindi ko alam kung bakit. Munggagu e. Hahaha kanina urat na urat tas ngayon happy. Anyare kuya? Ano na? Hahahaha. May period ba talaga?
Si Keanu pala 'yung nagda-drive kaya napatingin ako sa kanya.
Tangina.
Keanu miss na kita.
Nakatingin lang s'ya sa labas ng kotse at nakabusangot. Kung good mood si Kevin si Keanu naman hindi. Anong nangyari? Pinagtripan ka ba ni Pia?
Sana talaga hindi ako umamin. Edi sana hindi awkward diba?
Sana talaga nakuntento na lang ako.
Nagulat ako nang hinilamos ni Kevin yung kamay n'ya sa mukha ko.
"DAKYU!!" inis na sigaw ko kaya tumawa s'ya.
Tangina ba't ba trip na trip mo 'ko.
"Ang lalandi nyo. Leche," mahinang sabi ni Sui kaya napatigil kami. Nandun pala s'ya sa passenger seat. D'yan na lang ako Sui. "Sumakay na nga kayo," straight faced na sabi n'ya.
'Di naman kami malandi ah? Friends lang naman kami ni Kevin. At saka may Rina na 'yan 'no.
Sumakay na lang kami. Nagsimula nang mag-drive si Keanu. Nasa unang row kaming tatlo. Si Pia 'yung nasa bintana, nasa gitna ako tas si Kevin e nasa tabi ko.
"Si Krista?" tanong ko. Andito 'yun kanina 'di ba?
"Umuwi kanina pagdating n'yo ni Kevin. Hinahanap na raw s'ya ng mama n'ya," biglang sagot ni Keanu kaya napatingin ako sa kan'ya.
Tangina. Yung boses n'ya mga bhe! Namiss ko. Kinausap n'ya ko. Parang nagdiwang ang puso ko sa sobrang saya. Wala akong pake kung nireject n'ya ko. Gusto kong irecord 'yung boses n'ya at pakinggan nang buong araw.
Hindi ako magsasawa. Hinding-hindi..
Nararamdaman ko na tutulo na naman 'yung luha ko. Gusto kong itigil ang mundo at yakapin sya. Pero at the same time gusto ko s'yang tigilan para matapos na.
"Ay ducking sheep! Aray!" sigaw ko nang hinampas ni Kevin 'yung noo ko. Pota. Nakakailan ka na ha? Huhubells. You're so bad. Sumbong kita kay Rina.
"Bwisit ka Kevin bat ba trip na trip mo ko?" inis na sabi ko sa kan'ya.
"Wala lang." sabi n'ya saka kumindat.
"'Di dahil cute ka kapag ginagawa mo 'yan gaganyan-ganyan ka na!" sabi ko sa kan'ya.
Biglang nagpreno si Keanu kaya napa-headbang kami. Lol. tas narinig kong tumawa si Sui. Nag-drive na lang ulit si Keanu.
"May pusa," biglang sabi ni Keanu.
Buti 'di nasagasaan? Nako highway pa naman. Dapat walang pusa sa highway, e.
Pero meron ba? Baka meron?
Tumatawa pa rin si Sui.
Tang'na ano na naman bang nilaklak ng abno na 'to?
"Kalmahan," tumatawang sabi ni Sui.
"Ha?" tanong ko.
"Wala," sagot ni Sui.
K. Laklak kape pa bhe. Hahaha.
"Ay ate!! Hahahahahaha," tumatawang sabi ni Pia.
Tiningnan ko lang s'ya kasi para s'yang gago na tumatawa.
"Hahaha kanina kasi hahahahaha ano diba hahahaha ano kasi si Keanu hahahahahahahahahahahaha."
Naintindihan ko s'ya guys. Promise. Wow. Pwede na s'yang storyteller guys. Napaka-awesome po.
"Ano? Ubusin mo muna tawa mo," inis na sabi ko.
Naramdaman kong hinawakan ni Kevin 'yung kamay ko kaya hinayaan ko lang kahit na gusto ko na s'yang itapon palabas ng kotse.
"Okay. Hahahahahaha." Tiningnan ko lang s'ya na tumawa dun. "Wooo. Okay na," sabi n'ya.
"Okay na? O ano yun?"
"Kanina kasi si Keanu tapos hahahahaha 'yung ano hahahahahaha tangina laughtrip hahahahaha 'di ko kinaya e hahahhaahahhahaha." Napa-facepalm ako dahil sa sinabi n'ya.
"Pia wag tanga," gaya ko sa kan'ya.
"Hahahahahaha eto na nga. Hahahaha seryoso na." Huminga ulit s'ya nang malalim. "Sinapak ni Krista si Keanu. HAHAHAHA TANGINA TAWA AKO E," tumatawa na naman n'yang sabi.
Teka... whaaaatt?? Sinapak ni Krista si Keanu????
Woah. My bestfriend is really bad ass. Wala kayo n'yan hehehe.
"Bakit?" tanong ko saka tiningnan nang mabilis si Keanu. Mabilis lang guys pramis! Baka matulala na naman ako e.
Umiling si Pia. "Sya tanungin mo."
Tumango na lang ako. I doubt magsasalita si Pia. Gagu 'yan e. Tatanungin ko na lang si Krista ~~
"Meron pa. Hahahahahahaha," tumatawa na sabi n'ya ulit.
"Ano pa?"
"Nakita kong nagsapakan 'yung dalawa sa labas ng kwarto mo pagtapos ka ihatid ni Kevin." Seryoso n'yang sabi.
Bigla na namang pumreno si Keanu kaya napa-headbang kami dahil sa lakas ng impact. May narinig din ako na bumusina..
"Walang pusa," sabi ni Sui.
Uhhh... okay?
"Seryoso nga ate. Hahahaha tangina cute nila tingnan. Hahaha sayang walang video, e. Pero cool sana 'yun! Hahahaha."
Napakunot ang noo ko saka napatingin kay Keanu.
"Keanu okay ka lang?" tanong ko sa kan'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro