Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Thirty Nine

Neko's note: hi SikSy21. Dedicated sayo tong chapter na to because you're a dedicated reader. 💕 sobrang natutuwa ako sa comments mo every chapter and I'm happy na di ka nagsasawa. Love loveee. 💕💕💕

Chapter Thirty Nine

Paglabas ko e nakita ko si Keanu sa tapat ng pinto.

Uhh... hindi pa ako handa na makausap sya nang kami lang pagkatapos ng nangyari.

Binigyan ko na lang sya ng pilit na ngiti. Yumuko na rin ako nang bahagya saka nagsimulang maglakad papuntang baba.

Pero...

pinigilan niya ko. Hinawakan niya 'yung braso ko.

Halos mapatalon ako dahil dun... mangisay... at mapatili.

Ramdam ko 'yung init ng palad niya.

Ayan na naman 'yung puso ko. Parang sasabog sa sobrang bilis ng tibok nito. Gustong lumabas sa dibdib kong nonexistent. Parang may drumset doon sa loob.

Tangina Keanu. Wag ka namang ganyan. Ano na naman bang kailangan mo?

Mahirap mag-pretend, Keanu.  Aalis na lang ako at lahat gaganituhin mo pa ko? Masakit na. Gusto mo pa ata na magka-heart attack ako dahil sa presensya mo.

Keanu... wag ka namang ganito. Mahirap pigilan ang sarili ko na yakapin ka at magmakaawa na sana ako na lang.

Kung tingin mo madali lang sa'yo na simulang iwasan ka, dakyu hindi! Gusto kitang yakapin ngayon na mismo.

Ramdam kong naiiyak ako. Ramdam kong malapit nang tumulo 'yung mga luha ko. Tangina kasi! Sinasampal ako ng katotohanan na hindi niya ako gusto... na umasa lang ako kasi assuming ako. Hahahaha. Assume pa more.

Sinong tanga?

Tinatanong pa ba 'yan?? Siyempre! Si Ziandrina Cortez.

Huminga ako nang malalim saka nilingon siya nang nakangiti.

Hindi ko alam kung ngiti ba 'yun o ngiwi kasi nararamdaman ko na talaga na tutulo na 'yung luha ko. Kung hindi pa ko makakaalis agad ay malamang magbe-breakdown ako rito at maglulupasay kakaiyak.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya. Pero nakatitig lang sya sa akin. Nakalalunod yung tingin nya. Feeling ko hinihila ako papunta sa kaniya.

'Yang kulay itim niyang mga mata na nakakalunod kapag tumingin... mamimiss ko 'yan.

"Ano..." mahinang sabi niya.

Ano? Babawiin mo na ba? Sasabihin mo na bang mahal mo ako? Kasi kung oo willing akong magpakatanga at kalimutan ang lahat para lang makasama ka. Wala akong pake kung sinaktan mo na ako. Wala na akong pake kung anong isipin ni Krista at Sui. Willing akong magpakatanga Keanu. Sabihin mo lang. Isang sabi mo lang Keanu tatakbo ako pabalik sa iyo.

Tinitigan ko lang siya. Hinihintay na sundan 'yung sasabihin nya.

Bumuntong hininga sya.

Ngumiti.

'Yang ngiti na lyan.. Diyan ako nahulog. Diyan ko siya minahal. Kaya kong tumayo rito ng isang buong araw para tingnan siya na ngumiti.

"Wala. Good luck ha? Ingat kayo ni Pia," nakangiti niyang sabi..

Unti-unti niyang binitawan 'yung braso ko. Unti-unti ko ring naramdaman na nawasak at nabasag yung natitirang pag-asa ko na baka nga kasi naramdaman niyang gusto niya ako. Na baka narealize niyang mahal na pala niya ako at tanga siya kasi nireject niya ako.

Hahaha kaso hindi, e.

Pwede bang humiling na sana panaginip na lang ang lahat? Hindi ko na kasi kaya yung ganito. Haha.

Kung ganito pala magmahal sana hindi ko na lang siya minahal. Hindi laging masaya, e. May kasamang sakit. At hindi ko ata kaya 'yun.

Gagu ka tears kalma ka lang d'yan. Wag ka munang babagsak k? Please. Magmukha man lang akong strong kahit papano. Kahit sa harap n'ya lang ngayon.

Ngumiti ako. Inalay ko lahat ng lakas ko para sa ngiting yun. Nagdasal na rin ako sa lahat ng pwedeng dasalan na wag muna akong magbe-break down sa harap niya. Na sana tatagan ko pa para magmukhang okay man lang ako.

Tumango ako saka agad na tumalikod.

Buti na lang nakatalikod na ko...

kasi naramdaman ko nang nag-uunahan ang mga luha ko sa pisngi. Na parang gripo na ayaw tumigil.

Ugh. Tangina.

Ilang beses kong pinunasan nang palihim pero hindi nababawasan.

Tuloy-tuloy lang 'yung pagtulo nila na parang nag-uunahan sila.

Hindi ko na sya sinubukang lingonin. Ayokong makita nya na nasasaktan ako. Ayoko rin na makita kung ano reaksyon niya. Gusto ko na lang na umalis na rito.

Bumaba ako nang dahan dahan. Sinusubukan pa rin na pigilan yung bumabagsak na luha mula sa mga mata ko pero wala.

Napasinghot na lang ako.

Ayoko ng ganitong feeling. Yung sa sobrang sakit e tuloy-tuloy na lang sila. Kahit na anong pigil at tingala ang gawin ko hinding-hindi sila matitigil sa pagtulo. Parang ulan na titigil lang kapag nailabas na ang lahat. Parang ulan na ilalabas ang lahat nang tuloy-tuloy at walang makapipigil doon.

Parang ulan na nagluluksa.

Tangina naman, e. 'Yung luha ko. Ayaw maubos. Hindi nila dapat ako makitang ganito. Hindi ko alam sasabihin ko kapag tinanong ako kung bakit ako umiiyak.

Hindi ko na rin kasi kayang mag-pretend. Feeling ko sumobra na hindi ko na kayang pigilan pa yung nararamdaman ko. Ang bigat bigat kasi. Parang sasabog ako sa sobrang sakit.

Napaupo ako sa huling baitang ng hagdan at napahagulgol.  Hindi ko na alam kung ano "yung sasabihin ko sa makakakita sa akin pero hindi ko na kasi kayang pigilan e. Napadukmo na lang ako doon at parang batang umiiyak dahil inagawan sya paboritong laruan.

Sabihan man ako na maarte ako wala akong pake. Sobrang sakit kasi. Parang dinudurog 'yung puso ko.

"Oh my gosh! Zia! What happened?" Narinig kong sabi ni Sui.

Nag-angat ako ng tingin.

"Ghad. You look gross. Mukha kang drug addict. Tamo 'yung mata mo pulang-pula na. Tapos 'yung buhok mo gulo-gulo tas what the fuck??? Punasan mo nga 'yang sipon mo," inis na sabi niya.

Pero wala akong pake sa sinabi niya. Patuloy lang na tumutulo 'yung luha ko at sumisingot.

Bumuntong hininga siya saka kinuha yung braso ko.

'Yung braso na hinawakan ni Keanu kanina.

Lalo tuloy akong napahagulgol dahil naalala ko yung paghawak niya sa'kin na parang may gusto syang sabihin sa akin.

"Oh my god. Wait lang Zia. I don't know how to handle crybabies! Omg let's go sa garden," sabi niya saka hinila ako. Iniwan ko na lang 'yung gamit ko sa hagdanan kasi wala na akong lakas.

Nang makarating kami dun ay niyakap niya ako bigla. Kaya lalo akong napaiyak dahil sobrang kailangan ko ng yakap ngayon. Parang sinasabi kasi niya sa akin na i-share ko sa kaniya 'yung sakit.

Dahil mas matangkad siya sa'kin e siya yung mukhang ate. Tinatap niya pa 'yung likod ko na parang pinapatahan ako.

"Hays. Ano ba naman kasing nangyari sayo Zia?"

Hikbi lang sinagot ko sa kanya. Wala akong lakas ng loob na magsalita. Feeling ko sasabihin ko pa lang iiyak na ako.

"Hey. I don't really know kung ano bang sasabihin sa mga broken hearted pip pero 'wag mo na iyakan yung tanga kong pinsan."

Kung makautos kayo sakin parang ang dali lang na pigilan yung luha. I tried my best not to cry pero ang sakit sakit na kasi.

"I... I can listen to you."

Umiling ako. Kumalas sa yakap nya.

"You don't have to do it. I'm.. I'm okay," sabi ko saka pinilit na ngumiti.

"Puro sipon mo na yung tshirt ko. Bad. Pero ngayon lang kita papayagan."

Inabutan niya ako ng panyo. Pinunas ko na agad sa mga luha ko na sa tingin ko ay tumigil na muna pansamantala. Siningahan ko na rin. Kita ko namang diring-diri 'yung mukha ni Sui. Gusto ko man syang tawanan pero wala akong buhay. Wala akong ganang tumawa.

"Labhan mo 'yan ha? Hindi kita pipilitin na magsabi but you know that you can always count on me. It's always okay to cry. Kung 'yun 'yung tingin mong magiging paraan para mawala yung sakit then cry your eyes out," sabi niya saka ngumiti, "ako na bahala sa gamit mo. Umuwi ka na doon. Ako na rin mage-explain kay tito at tita pati na rin sa baliw kong mga pinsan," sabi niya kaya tumango ako.

"Ay nevermind. Sasamahan na pala kita hanggang sa kwarto mo sa inyo. Baka kung ano pang gawin mo e."
"No. Ayaw kong maging bother. Masyado na kong pabebe," sabi ko saka tumawa. Tawang walang buhay.

"Drink water. Eat chocolates," pagpapaalala niya na parang nanay na kahahatid lang sa anak.

Tumango ako at nag-thumbs up. Ayos na rin 'to.

Tumalikod.. Nagsimulang maglakad.

Makaka-move on din ako, Keanu. Kung mabilis kitang minahal, mas mabilis kitang makalilimutan.

Summer lang kita mamahalin. Hindi aabot ng tag-ulan at ng pasukan..

Dumere-derecho ako sa kwarto ko saka pabagsak na dumapa sa kama..

Namiss ko rin 'tong kwarto na 'to..

Wala na... wala na. Tapos na ang dalawang linggo na 'yun.

Tapos na ang dalawang linggong saya at sakit na doon ko lang siguro mararanasan.

Sobrang daming nangyari na halos hindi na ako makapaniwala na nangyari pala sa akin 'yun.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

——————

Neko's note: hiii. I decided to enter Wattys2018 homayghad. Please support me. HAHAHAHAHA. Actually wala talaga akong alam pero Alchemistic_Me asked me if sasali ba ako so I gave it a shot. I am actually pretty reluctant about this kasiiii mababa confidence ko sa story na ginagawa ko kasi I feel that it isn't enough peroooo wish me luckkkk! Wala namang mawawala, e. Pero ie-edit ko muna 'to sobrang kalat e. Thank you for your all out support. You all deserve the world. Love you all. 💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro