Thirty Four
Neko's note: Dedicated to SikSy21 hehe if you'd notice she always comments "update na" 💕💕 thank you. ❤️
Chapter Thirty Four
Kevin's Point of View
"Ni-reject n'ya ako."
Nanahimik ako dahil sa narinig ko. Eto nga naman 'yung purpose ko rito 'di ba? Makinig sa kan'ya.
"'Di ko kasi napigilan Kevin, e. Dapat pinigilan ko na lang. Nagpabulag kasi ako, e. Dapat sinunod ko favor mo. Sana pinigil ko pa," she laughed, but not that happy of laugh... 'yung tawang pinipilit. Ganun, "sino ba naman kasing gagawa ng move nang 'di mo pa gaanong kilala 'yung tao? Tanga ka rin Zia, e."
Unti-unting tumulo 'yung luha n'ya.
"Ay. Akala ko ubos na to. Haha." Tumawa ulit sya. "Sorry. Hindi ko kasi mapigilan. Masakit pala talaga. haha." She keeps on trying to laugh even though her tears are falling down from her eyes. At masakit 'yun sa akin kasi nakikita ko mismo na nasasaktan s'ya. Kuya, bakit mo ba kasi sinaktan si Zia?
"Tangina naman kasi ni Keanu. Masyadong pa-fall. May kung anu-anong gimmick tapos may pers lab pala. hahaha. Baka tinatawanan ako nun, sinasabing 'Ay napaka-easy to get ni Zia. hahahaha'. Tangina Kevin 'pag sinabi n'ya 'yun 'wag mo na sabihin sakin? Baka mamatay ako sa hiya."
Nakatingin lang ako sa kan'ya. hindi sumasagot. Paano naman ako sasagot kung nasasaktan din akong nakikitang nasasaktan s'ya?
"Kaso Kevin kahit anong gawin ko mahal ko talaga sya e. Baka ginayuma ako nun." tumawa sya nang medyo awkward.. "mahal ko talaga, e. Kahit na ilang araw pa lang ang nakakalipas, mahal ko talaga 'yung kuya mo."
Haha. Tangina Zia. Nakakasakit ka na ha? Ilang beses mo bang papamukha sa akin na mahal mo si kuya?
Bakit ko ba kasi sya sinisisi e in the first place ako 'yung late... ako 'yung torpe. Ako 'yung nahiya. Dapat gumawa agad ako ng move.
"Sabagay, 'di nga naman kasi ako maganda." Hindi raw. Ganda mo nga e. "Iyakin pa ko, maingay, halos hindi kilos babae, ano nga namang pana!ma ko kay Allison? E malamang ang ganda ganda nun. Malamang kahit napaka-out of the blue n'ya e maganda s'ya at kakaiba. Ano nga namang panama ko?" sumisinghot pa na tanong n'ya.
"Maganda ka, Zia. Mas maganda ka kaysa kay Ali"
Natahimik s'ya kaya napatingin ako sa kanya. Gulat? Gulat ata.
Totoo naman e. Mas maganda s'ya kaysa kay Ali. Mas maganda pa attitude n'ya kaysa kay Ali kasi alam kong 'di n'ya sasaktan si kuya.
Nginitian ko s'ya.
"Maniwala ka sakin. Pihikan ako sa babae." Tumawa ako. Zia, hindi mo dapat sinasayang ang mga luha mo para sa ganung lalaki.
Pinunasan ko 'yung luha nya. Nagulat pa nga s'ya sa ginawa ko e kaya lalo akong natawa.
"Kantahan kita. Wait lang dala ko yung gitara e."
"'Wag na. Sayang energy."
"Nah. Wait mo lang ako."
Tumayo na ako saka tumakbo papuntang kotse. Putek, may hagdan nga pala.
"Para kay Zia!!" Sabi ko saka bumaba nang mabilis.
Pumunta na ako sa pinagpark-an ko saka kinuha ko 'yung gitara. Kumuha na rin ako ng tubig at saka chips.
Tumakbo ulit ako pabalik. Potek nakakapagod to. Pero para sa'yo Zia, gagawin ko 'to. Shet ang cheesy. Sa utak ka lang naman ganyan Kevin sa personal tameme ka. Psh.
Pag-akyat ko sa hagdan hinihingal ako. Shet. Nakakapagod umakyat ng hagdan. Nakita ko si Zia na nakatingin ulit sa kawalan. Kinuha ko 'yung phone ko saka kinuhaan s'ya ng picture.
Cute.
Pumunta agad ako dun sa bench na inuupuan namin kanina.
"Hala Kevin! Bakit ka kasi tumakbo?? Dapat kalma kalma ka lang, e. 'Yan tulooooy! Pahiram nga ng panyo!" sabi n'ya kaya kahit confused ako e kinuha ko 'yung panyo ko saka binigay sa kan'ya.
Tumayo s'ya saka pinunasan 'yung pawis ko sa mukha.
Shit. Gagu guys ang lapit n'ya. Feeling ko namumula na ako or something. Buti na lang dense si Zia kaya 'di n'ya mapapansin.
Zia wag ka namang ganyan! 'Wag kang nanggugulat ng gan'yan.
Hala baka ambaho ko na.
"Hindi pwede yung panyo ko kasi puro sipon ko na 'yun. Hahahaha" Keanu, 'yan 'yung sinayang mo. Tingnan mo nga.
"Cute mo talaga." Hindi ko na napigilan kaya kinurot ko 'yung pisngi nya.
"Bitch please. I'm pretty," sabi n'ya saka tumawa.
"Oo nga pala."
"Hala Kevin bad yan! Ba't nakalimutan mo na ang pretty ko?"
"Hindi ah," sabi ko saka umupo na. Makiupo na rin s'ya. Gaya-gaya. Hahaha.
Kinuha na n'ya 'yung chips at tubig kahit 'di ko pa sinasabi. Takaw talaga. Hahaha.
"Kanina ko pa gusto ng tubig feeling ko drain na drain na ko," sabi n'ya saka uminom ng tubig. Ako naman binubuksan ko 'yung case ng gitara.
"Game." Nagsimula na akong mag-strum.
(Neko's note: title is Somebody Out There by ARTTM you might want to listen)
"You deserve someone who listens to you
Hears every word and knows what to do
When you're feeling hopeless, lost, and confused
There's somebody out there who will"
Uy Zia parang kilala ko 'yan. Si Kevin Fuentes ba 'yan? Parang oo, e. Hehe.
"You need a man who holds you for hours
Make your friends jealous
When he brings you flowers"
Wait mo magpasukan Zia. Bibisitahin kita sa school n'yo.
"And laughs when he says they don't have love like ours
There's somebody out there who will"
Love like ours? Ayaw nila nun malamang. Friendzone. Kuya zone. Panyo zone. Unan zone. Pero para sa'yo, Zia. Ayos lang.
"There's somebody out there who's looking for you
Someday he'll find you, I swear that it's true"
Someday he'll find you? No Zia. I found you. Matagal na.
"He's gonna kiss you and you'll feel the world standstill
There's somebody out there who will"
Syempre wala pa muna 'yung kiss baka imbes na kiligin ka e ihulog mo ko sa bangin.
"He'll take you dancing and pull you in close
Spin you around and won't let you go
Till they turn the lights off and he'll take you home
There's somebody out there who will"
Ano na Zia. Ako ata 'yun e. Pansinin mo na kasi ako.
"There's somebody out there who's looking for you
Someday he'll find you I swear that it's true
He's gonna kiss you and you'll feel the world standstill
There's somebody out there who will"
Napansin ko na nakapikit s'ya. Gagu Zia huhulog kita sa bangin kapag natulog ka. Joke. Papakasalan pa kita.
"Tossing and turning and dreaming at night
About finding him and praying and hoping you might
‘Cause you deserve someone who knows how to treat you right"
Kung hinahanap mo s'ya andito nga lang ako *taas baba ng kilay* at... deserve mo siguro 'yung tulad ko. 'Yung pogi na gwapo pa. Macho na, macho pa rin hahaha. Mabait daw ako tapos mamahalin pa kita. Deserve mo na mahalin Zia. Deserve mo na i-treat na parang prinsesa.
"I know he's out there
He's looking for you
Someday he'll find you I swear that it's true
And he's gonna kiss you and you'll feel the world standstill
Oh
You need someone who'll miss you
Hold you and kiss you
There's somebody out who will."
Andito lang ako, Zia. Andito lang ako.
"Shet Kevin. Ganda talaga ng boses mo. Kainggit bat ba ako walang boses? Huhu."
"May boses ka naman, a?"
"Gagu! I mean sana maganda boses ko."
Kahit naman panget boses mo pakikinggan kita lagi e.
"Swerte siguro ni Rina no?"
Muntik ako matawa kasi hanggang ngayon e naniniwala pa rin s'yang totoo si Rina. Zia hindi ko alam kung matutuwa ako na sobrang slow mo.
"Kaya mo bang gumawa ng promise?" random na sabi ko.
Kumunot ang noo n'ya. Cute. Cute n'ya 'pag ginagawa yung expression na 'yun.
"Ano?"
"Kapag gusto mong umiyak dahil sa kanya, sa akin ka tumakbo okay?"
Tumango s'ya.
"Hayaan mo si kuya. 'Di n'ya alam kung gaano ka kasayang. Kung gaano ka n'ya sinayang. Kung ano 'yung nawala nung ni-reject ka n'ya."
Natawa s'ya.
"Oo nga! Ba't ko ba iniiyakan 'yung Keanu na 'yun? Kala mo d'yan. Kung maganda ex mo... mas maganda ako!!" confident na sabi n'ya.
"Sana nandyan na 'yung 'somebody' na 'yun."
"Andyan na 'yun," nakangiti kong sabi.
Tangina katabi mo na nga e. Hahahaha.
"Uwi na tayo."
Nagulat ako.
"Sure ka??"
Tumango naman s'ya.
"Sooner or later e makikita ko na naman na ulit s'ya. Why not make it sooner?" sabi n'ya saka tinaas baba 'yung kilay n'ya.
"Kung gusto mo... sige lang." Ngumiti naman s'ya.
"Tara na!" Enthusiastic na sabi n'ya.
Kakaiba ka talaga, Zia. Napailing ako saka natawa.
Ilang minuto pa lang kaming bumabyahe nakatulog na agad s'ya.
Malamang 'di pa natutulog to. Haha.
Binilisan ko na lang ang pag-drive kahit na gusto ko pa s'yang makasama. Kahit na gusto kong itigil ang ikot ng mundo at tingnan s'ya buong maghapon.
Nang nakauwi na kami ay unti-unt.i ko s'yang ginising. Tulog mantika
Potek ayaw magising. hahahahaha. No choice.
Tinanggal ko 'yung seatbelt n'ya. Lumabas ako saka binuksan ko 'yung pinto ng passenger seat. Binuhat ko sya. Shet ambigat ni Zia. Lamon pa. Hahahahahaha.
Binuhat ko s'ya na pang-princess type. Lol. Sinara ko 'yung pinto ng kotse sa pamamagitan ng paa ko.
Binuksan naman agad ni manang 'yung pinto.
Nag-park nga kasi ako sa loob kaya s'ya nagbukas ng gate namin.
Pagpasok ko ng bahay e nakita kong nag-uusap sila kuya, Krista, at Pia. Napatingin ako kay kuya saka s'ya sinamaan ng tingin. Tsk.
Gulat na gulat sila.
"What the fuck?!" sabay na sigaw ni Krista at kuya.
"Wag nga kayong maingay. Magising pa to," sabi ko saka umakyat na. Sumunod naman si Pia.
"Good job," nakangiti n'yang sabi.
What?
Binuksan n'ya 'yung pinto ng kwarto ni Zia. Nilapag ko naman nang dahan dahan si Zia.
"Salamat Kevin. Napaka-handful pa naman ni Zia."
Ngumiti lang ako.
"Okay lang. Para sa kan'ya. Una na ko."
"Wag!"
"Wag?"
"Wag ka munang mauuna! Bata ka pa."
Uhhh...
"Slow. Layas na nga!" sabi ni Pia.
Weird ng batang t'o. Kinulang ata sa bitamina nung bata.
Lumabas na ako pero nagulat ako nung nasa labas si kuya.
Woah there. Bat nasa labas ka?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro