Thirty
Chapter Thirty
Last night na namin dito. Magtu-2 weeks na pala kaming nakatira dito kila babes. Bukas na dating nila inay. Gabi yun. So hangga't wala pa sila inay dito raw muna kami.
Sa 2 weeks na yun naranasan ko ma-in love.
Ma-in love sa lalaking nasa tabi ko ngayon.
Keanu Fuentes.
Isang maninilip ng zipper!
Isang paasa.
Si koyang mukhang maamo na mukhang hindi naninilip ng bukas na zipper.
'Yung unang lalaking nakatabi ko sa kama. Nangyakap pa... ako. Hehe
'Yung lalaking humawak sa kamay ko nung natutulog kuno ako.
'Yung lalaking sasamahan daw ako manlalaki.
Napaka-playful ng aura n'ya. Pati ng attitude n'ya. Makulit. Maalaga. Pwede mo sabihan ng problema nang hindi nahihiya.
Nung nakaraang linggo, tuwing madaling araw na lang kami nakakapag-usap kasi lagi akong kasama ni Kevin. Sweet-sweet-an nga kami eh. Kung saan-saan napunta, arcades, theme park, beach, name it. Isang beses pa nga umuwi kami ng late kasi nawili kami sa karaoke. Pogi ng boses ni Kevin guys. Pramis. Tho 'di ko na maidedetalye kasi madalas na pumasok sa isip ko e 'Pa'no kung kami ni Keanu to?' Masaya, oo. Pero mas masaya kung si Keanu 'yung kasama ko.
Halos bumalik nga si Sui rito para lang sabunutan ako kasi kung anu-ano raw pinaggagagawa ko... malay ko rin. Sumasabay na lang ako sa agos.
Nasasaktan ko si Krista. But she pleaded. I... I Have to fulfill that. Ugh. My life became so complicated. Hindi na bumabalik si Krista rito. Hihilumin n'ya raw ang nagdudugo n'yang puso.
Sobrang gulo. Gusto ko nang itigil yung chenes namin ni Kevin pero he promised na pagkauwi namin sa amin e stop na. Back to normal friends na ulit. Hindi na 'yung parang malanding ugnayan.
Napa-buntong hininga ako.
Kagabi ko pa pinag-iisipan 'to. Hindi ko alam. May nag-uudyok sa akin na gawin 'to e.
Aamin na ako. Totoo na to. Wish me luck.
Hindi ako mage-expect.
HINDI AKO MAGE-EXPECT.
HINDI AKO MAG-AASSUME NA GUSTO NYA KO.
Hindi... hindi pwede.
Mas masakit kasi kapag nag-assume na ako.
"O, Zia bat bumubuntong hininga ka dyan?" natatawang tanong ni babes sa akin.
"Bakit ba? E sa gusto ko e," pagsusungit ko.
"Ayan ka na naman. Sinusungitan mo ko. 3rd day mo no?" tanong n'ya saka tinaas baba 'yung kilay nya.
"Kung 3rd day ko, nasampal ko na 'yung malaking bandaid sa mukha mo." straight faced kong sabi. Pero joke lang 'yun. Okay naman ako kapag may period ako, e
"Oy. Zia. 'Wag ganun. Kadiri," nagci-cringe na sabi n'ya.
Sa loob ng isang linggo ganito lang kami. Nagtatawanan, nag-aasaran, kwento rito at doon. Hindi ata alam ni Kevin at Pia na nag-uusap kami palagi ni Keanu. Ayoko ring ipaalam... hinahayaan lang nila ako kahit na late na ako gumigising dahil sa puyat ko sa pag-uusap naming dalawa.
Bigla na lang kasi kaming nagkikita. Parehong dahilan. 'Di makatulog. Hanggang sa naging habit na magkita every night para mag-usap ng kung anu-anong weird na bagay.
Nakaupo lang kami sa kahoy na upuan..
"Uuwi na sila tita bukas," pagbabasag n'ya sa sandaling katahimikhan..
"Oo nga." Napangiti ako ng mapait. Gusto ko umiyak. Aminin man natin o hindi...
"Mami-miss mo ba ako?" bigla n'yang tanong.
"Ikaw ba, mami-miss mo ako?" pagbabalik ko ng tanong sa kan'ya. Hindi ko alam sasabihin e.
"Zia naman e! Ako unang nagtanong."
Ngumiti na lang ako. Hindi na sumagot.
"Aish," sabi n'ya paglipas ng ilang segundong katahimikan, "syempre. Mami-miss kita."
Nanlaki 'yung mga mata ko. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Namumula ako. Feeling ko may humuhukay sa tyan ko-butterflies in my stomach... eto na naman tayo.
Mabilis. Sobrang bilis. Para akong tumakbo ng isang kilometro. Pero hindi ako pagod. Hindi naman nya to naririnig diba? Kasi kung oo...
Mahihiya ako.
Lagi ko namang nararamdaman to pero kahit na anong gawin ko ay hindi ako masanay. Hindi ako maka-kalma.
Gusto kong itigil ang ikot ng mundo. Gusto ko na kami lang muna ang gumagalaw. Gusto ko na i-preserve ang oras na' to kasi mamaya. Hindi ko na alam ang mangyayari.
Gusto ko na irecord ang boses nya at pakinggan nang paulit-ulit. Hindi ako magsasawa. Kailanman ay di ako magsasawa.
"Dalawang linggo kitang kasama. Dalawang linggo na kasama kumain, kasama sa iisang bahay. Nasanay yung sistema sa'yo. Mami-miss ko rin 'yung kakulitan n'yo ni Pia." Tumawa sya kahit na walang nakakatawa. Awkward siguro. "Higit sa lahat, mami-miss ko 'tong late night talks natin."
Tumingin s'ya sa bermuda grass nila. Lol.
"Hindi na kasi natin to magagawa. Iba na kasi. Hindi na kayo titira dito. Alangan namang magkita tayo every night diba?"
Pwede rin babes. Hayyyy.
Napatango na lang ako. Kahit na sa totoo lang e gusto ko na tumalon-talon sa kilig. Masyadong overwhelming ang nararamdaman ko. Feeling ko sasabog ang puso ko sa saya.
"Kahit naman dalawang linggo lang kayo rito. Nakilala na kita na parang kilala na kita dati pa. Pero feeling ko 'di sapat yung dalawang linggo, e." Napailing sya. "Ayoko na. Nakakahiya na."
"Oo nga. Nakakahiya ka haha." Itinatawa ko na lang para mawala yung feeling na to... baka kasi marinig at maramdaman n'ya e.
"Luh. Ikaw? Mami-miss mo ba 'ko?"
Natawa ako nang kaunti.
"Who knows?" sabi ko sa ka nag-shrug.
"Anla. Andaya naman neto ni Zia. Nagsabi ako ng nakakahiyang shits tas ikaw ayaw mo."
"Di naman kita pinilit e."
"Walaaaa. Madaya."
"Ganun talaga," sagot ko saka dumila.
"Musta kayo ni Kevin?" bigla n'yang tanong. Hindi namin pinag-usapan 'to. Hindi ko ino-open kasi ayaw ko masira 'yung moo.
"Ayun. Nagpa-practice pa rin s'ya sa'kin."
He chuckled.
"In love ka na?" Kumunot noo ko dahil sa tanong n'ya.
Gusto ko s'yang sagutin ng 'Oo pero 'di sa kan'ya' pero gusto ko munang sulitin ang oras na 'to.
"'Di. Hindi ah. Friends lang kami nun. Parang kuya s'ya sa'kin kahit na mas bata s'ya sakin?"
"Ganun?" I sensed a bit of happiness in his voice. Bakit?
"Yep. Gusto ko kasama si Kevin kasi walang weird na feeling. Pure friendship. Platonic. Alam ko rin hindi maiinlove sa akin 'yun kasi may Rina na s'ya."
He chuckled again..
"Hindi maiinlove 'yun sa'yo," tumatawa n'yang sabi.
"I know right. Loyal 'yun sa first love nya." Tumango-tango pa ako. Napahikab ako.
Shit. Shit. Fuck you Zia. You're so stupid. Why did you yawn?!!!???
"Antok ka na?" tanong n'ya.
"Obvious ba? Humikab na nga e." Natawa s'ya.
"Pero... papaka-selfish muna ako. Pwede bang magtagal pa tayo? Last night n'yo na e."
Bigla na namang may nag-drums sa dibdib ko. Kalmado na 'to kanina e. Keanu, kalmahan mo lang. Baka hindi ko kayanin. Baka hindi kayanin ng puso ko. Mahirap magpigil.
Tumango na lang ako para hindi obvious na kanina ko pa gustong magwala at mag-headbang kasi kinikilig talaga ako.
"Nagka-girlfriend ka na, Keanu?" bigla kong tanong.
Ugh duck you mouth. Huhu DUCK YOU! ISA KANG BIBE HUHU."Yiee Interested si Zia sa love life ko.." Sabi nga saka sinundot-sundot 'yung tagiliran ko kaya napakislot ako.
Peste. Malakas kiliti ko.
"'Di wag! Nagtatanong lang e," sabi ko kahit curious na curious na talaga ako.
"Haha. Oo na. Pero baka 'di mo na naman ako pansinin a?"
Tangina mo Keanu! Hayup ka! Napapahiya ako!! Agad ko s'yang sinuntok sa braso kasi pakyuuuuu. Huhu.
Ay bawal na pala ang pakyu. Dakyu na pala. HAHAHA.
"Dakyu Keanu, dakyu."
"Dakyu?" nagtatakang tanong n'ya.
"E minsan kasi pag nagta-type ako ng fuck you, duck nalalagay ko e. Typo ba."
"HAHAHAA WITTY. Dahil dyan ku-kwento ko s'ya."
Napatingin ako sa kan'ya nakangiti s'ya.
"Allison Smith. Half filipino na friend ko sa states. Kababata. Marunong din mag-filipino kasi nga 'yung mommy n'ya Pinay, ayaw na English lang. Kami 'yung mag-tropa. Sa circle of friends namin puro lalaki kami bukod kay Ali at Sabrina at si Ali e 'yung one of the boys. Si Sabrina 'yung sakto lang."
(Neko's note: iikli ng nickname nila no? Tamad ako mag-type e HAHAHAHAHA)
Napatango na lang ako.
"Sa totoo lang, totoo 'yung first love ko na nasa park. Sorry ha? I lied. It's just, i really wanna talk to you again."
Hindi ako nagalit. Bakit pa? Para san pa? Ngumiti na lang ako para ipaalam sa kan'ya na 'di ako galit.
'Feeling girlfriend sya o.' Singit ng isang parte ng utak ko.
Pshhh. Ayan na naman s'ya. Nakikisingit.
"Anim kaming magto-tropa. Ako, si Ali, Sabrina, Drake, Ryan, at si Luke. They're my neighbors. So same ng sa inyo ni Krista at Kevin. Bata pa lang ako kinuha na ako ng mga tita ko kasi favorite daw ako. Okay naman kay mom and dad since nabibisita rin naman kami because of our business stuff. Though may nanny kami na Filipina and she teaches me Filipino, para naman hindi makalimot. Anyway, kami lang 'yung Filipino kaya mas close kami. But of course, Ali and Sabrina are closer. Ako 'yung parang kuya nya. We're always talking. I fell in love not because she's pretty but because she's smart, spontaneous, witty, funny, and all. Kakaiba s'yang babae," kwento n'ya na parang ang saya-saya n'ya dati. Nakaramdam ako ng pagtusok sa puso ko. Gusto ko rin na maging s'ya. Wala namang espesyal sa akin e. Anong magugustuhan n'ya sa akin?! Malamang wala akong laban kay Allison.
Pero bat ganun. Hindi ko maintindihan si Krista? Bakit hindi ko kayang ibigay si Keanu kay Allison? Bakit ang selfish ko?
"Kapag nasa roadtrip kaming anim, kaming dalawa 'yung magkatabi palagi sama mo na rin si Sabrina. Lagi lang kaming masaya. Hanggang sa umamin ako kasi 'di ko na kayang itago, sabi n'ya she likes me too. We've dated. Happy 'yung tropa namin para sa amin. Matagal kaming naging friends but umabot ng 3 years 'yung relationship namin."
Napatango na lang ako sa sinabi n'ya.
"We've never done 'that' I respect her... but... she fucked Luke."
Nanlaki 'yung mata ko.
"Wait... WHAT?!"
"Nahuli ko on act. Sabi n'ya lasing lang s'ya. Bullshit."
Wala akong masabi. Hindi ko alam.
"Since uuwi na sila mom and dad dito, sumama na ako. I ran away. Without clearing it up."
Napatingin s'ya sa langit..
"But that's all in the past." Kumindat pa s'ya. "Bahala na sila sa kung anong gusto nilang mangyari. Masaya na ako sa Pilipinas."
Sana isa ako sa dahilan kaya ka masaya sa Pilipinas.
Hindi ko pa rin alam 'yung sasabihin ko. Nalunok ko ata 'yung dila ko. May gusto akong itanong 'yun ang alam ko.
"Hey. Let's stop talking about depressing things. Dapat happy tayo. Last night n'yo na rito o!"
"M-May tanong ako."
"Ano yun?"
"Mahal mo pa ba s'ya?"
Matagal sya bago makasagot.
"I don't really know. Baka hindi na. I'm not sure myself."
Napatango na lang ulit ako.. Dakyu Allison, sinaktan mo 'tong precious na tao na 'to. You've wasted him.
"Sorry Keanu ha? Hindi ko alam sasabihin ko. Hindi ko alam 'yung ire-react ko sa ganito."
"No worries. I don't want you to pity me. Ma-pride ako."
"Nah. Kay Allison ako naaawa. Sinayang ka n'ya."
"Chat ko kaya s'ya na may selfie ko tas sabihin ko. 'Hi ako nga pala 'yung sinayang mo.' ano kaya reaction nun?"
"Hahahahahaaha tange ka talaga."
"'Di. Seryoso ako. Pero baka murahin lang ako nun. HAHAHA."
May isa pa sana akong tanong...
'Pano kung bumalik s'ya.. Papayag ka ba?'
Pak. Parang slamnote lang 'no? HAHA. mga tanungan, e.
Speaking of slamnote. Nakakamiss din pala magsulat dun.
Tawanan mo lang sarili mo Zia, para 'di gaanong masakit.
Pinag-usapan lang namin 'yung mga weird things sa earth. Mga conspiracy theories na umiikot sa Facebook.
Mas lalo ko s'yang minamahal.
Same kami ng views. Same kami ng nasa isip.
Ang weird lang. From his first love napunta kami sa mga deep questions like "Paano kung may aliens pala talaga?"
"Paano kung totoo ang time travelling?"
Andaming what ifs. Kung saan saan kaming topics napunta.
Hindi namin namalayan na mag-uumaga na pala.
Alas kwatro na. Hindi ko namalayan ang oras. Feeling ko tumitigil ang takbo ng oras kapag s'ya ang kausap ko.. Wala akong pake kung nand'yan si Shomba o si Anabelle. What matters the most is I am with him. I feel like the night is quiet just for us.
Nag-stretch si Keanu ng mga braso.
"Inabot na tayo ng umaga rito Zia. HAHAHA. Natuwa ako kausap ka tungkol sa conspiracies."
"Same. I really enjoyed your company."
"Yeah. To be honest I don't want to end this," nakangiti nyang sabi.
Ako rin. Pero may mga bagay nga siguro na kailangan ding magtapos.
Parang ito, magtatapos ba ang kaibigan namin dahil magiging magkaIBIGAN o... wala na.
Eto na siguro 'yung oras.
Tumayo ako sa harap n'ya. Nakangiti s'ya.
Ampogi talaga ni Keanu. 'Yung mata nya na parang nangungusap, 'yung matangos n'yang ilong, red, and kissable lips.
Huminga ako nang malalim. Nilapit ko 'yung mukha ko sa kanya. Nakita ko ring nagulat s'ya kaya nginitian ko s'ya. Binulungan ko s'ya ng...
"Mahal kita, Keanu. That wasn't a prank."
Hindi ko alam pero nilapit ko ang mukha ko sa kanya at mabilis s'yang hinalikan sa labi.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil umaapaw na ang pagmamahal ko sa kan'ya.
Tangina mamaya na 'ko magsisisi.
Hindi ako mag-aassume!!!!!
Na-stun ata sya. 'Di sya nakakilos agad. 'Di nakapagsalita. Hanggang sa tiningnan nya ako sa mata...
"I'm... I'm sorry Zia. I can't return your feelings."
Kita ko 'yung paghingi ng tawad sa mga mata n'ya. Kahit masakit kailangang tanggapin.
"I see."
Zia... Inexpect mo 'yun. 'Wag kang iiyak, sa kwarto na.
Ngumiti ako sa kan'ya, 'yung pinaka-sincere na ngiti na kaya kong i-produce ngayon.
"At least nahalikan kita. Sige bye."
Agad akong naglakad papasok sa kwarto ko. Napasandal sa pinto. Napahawak sa labi.
"I did it," I said then my tears fell down.
—————————
Neko's note: Feedback please :(
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro