Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Thirteen

Chapter Thirteen

Zia's Point of view

Nakakainis. Bakit sinabihan s'ya ng 'I like you' ni Pia? Bakit ako wala? Bakit ayaw ni Pia sa'kin? My sister hates me until now kaya. Ajujujuju

Sinasamaan ko ng tingin si Keanu. Nakakainis. Ano bang nakita ni Pia sa kan'ya?

'Kay Keanu ka ba talaga nagseselos?'

Paker 'tong utak na 'to. Don't talk to myself. Fuck youuuu.

At saka. Bakit close na sila? Nakatulog lang ako kinakausap na s'ya agad ni Pia. Tapos ako... ako na 15 years na n'yang kasama, ginaganyan n'ya? Ajujujuju

Sinamaan ko ulit ng tingin si Keanu. Tapos 'yung mata n'ya nagtatanong ng bakit. Inirapan ko nga. Gago ka. Pakyu. Babaero ka.

'Babaero? Bakit?'

Tigilan mo ako utak ha? Ako nagko-control sa'yo.

Wait... ako pala 'yung kinocontrol ng utak ko. At saka bakit ba gan'to 'yung nangyayari sa'kin?

Narinig ko namang tumawa si Pia. Nababaliw na yata 'tong kapatid ko. Lately tawa s'ya nang tawa.

Tapos parang nag-uusap pa sila ni Keanu. Binilisan ko 'yung pagkain kasi naiinis talaga ako. Sunod-sunod 'yung pagsubo ko kasi badtrip. Tapos nilunok ko agad. Buti 'di ako nabulunan.

Uminom na ako ng tubig. Tapos tiningnan ko silang dalawa. Si Keanu nakanganga tapos si Pia nakangiti. Inirapan ko silang dalawa.

"TAPOS NA AKO!!" pasigaw kong sabi sabay alis.

Habang naglalakad ay naririnig ko pa 'yung tawa ni Pia na sobrang saya.

"Ano'ng nangyari bey?" tanong ni Krista nung makita n'ya ako.

Isa pa 'to. Ajujujuju buti pa s'ya kinakausap ni Kevin. Tapos ako. Ajujujujuju

"Wala!" sigaw ko sabay akyat.

Ajujujuju feeling ko O.P na ako dito. Inay, itay balikan n'yo na ako. Binubully nila ako.

Naligo na ako. Lalayas na lang ako. Ajuju napaka-bad nila sa'kin.

Pagkatapos ko maligo nag-blower ako ng buhok kasi ang annoying pag basa ang buhok.

Saka ako humiga sa kama. Hmm. Nagugutom pa akooo. Pero gusto ko pang matulog.

One of the hardest choices in life. Sleep or eat? Kami-sama (God) Y du I hab tu chus betwin dem?

Alam ko na! Tumayo na ako. Kaso failed. Napahiga ulit ako.

Hmmm. Tinatamad ako tumayoooo. Pero gusto ko ng kikiam. Aish. Tumayo na ako at nagsuot ng tsinelas.

Pagkababa ko nakita kong nag-uusap si Kevin at Krista. Tumatawa pa nga si Kevin eh. Kaso nung nakita n'ya ako bigla s'yang natahimik. Why? May nagawa ba ako?

Bat ganon kayo?! DI NAMAN AKO ALIEN HA?

"Pasaan ka bey?" tanong ni Krista.

Hmp. Galit pa rin ako. Pero aish. Labs ko pa rin si Krista.

"Sa bilihan ng pagkain. Sama ka?"
"Uhh... hindi na muna bey."

"Sama ako Ziaaaaa!!"

Narinig ko si poging boses. Oo si Keanu. Oo s'ya na ang poging boses. Pero galit pa rin ako. Pwe.

"Asa ka."

Pero bakit ba ako galit? AISH. Ba't ba ako kinukwestyon ng utak ko? Inaagaw kasi n'ya si Pia! Si Pia na kapatid ko na ayaw sa akin!!!

"Sasama ako."
"No!" sabi ko tapos tumakbo ako. Kingina ba't ko ba tinakbuhan? Sayang baka ilibre ako. Hahaha naglakad na lang ako since nasasayangan ako sa energy. Nakakatamad maglakad nu. Hanggang sa may humila ng kamay ko! Oo kamay hindi braso.

Pagkakita ko si Keanu na nakangiti. Kingina nag-dugdug na naman ang heart koooo. Yumuko agad ako.

"Sa'n tayo bibili ng pagkain?"

Napaisip ako. Dun na lang sa park sa tapat ng elementary school. Kaso kelangan mag-jeep kasi medyo malayo. Joke. Di naman malayo katamad lang maglakad. Ang init kaya.

"Libre mo?"
"Sure!"

Huehuehue buti na lang mayaman 'tong ungas na 'to. Perahan na natin. Jokeeee (half meant hehe)

Sumakay kami ng jeep. Oo! Nasa jeep kami at naka-boxer ako. Haha bakit ba? Pake nila.

Dun ako sa labasan nakaupo. Yung pinaka-unahan. Tapos katabi ko si Keanu.

"Ang init. Sana nag-taxi na lang tayo."

Mainit naman talaga. Alas-dos na eh. Haha at saka taxi?? Yaman pre ha?

"'Di mo sinabi agad. Pero wala akong pake."

At gago mag-preno si Manong. Putangshet lagi akong napapasandal kay Keanu. Kung makapreno eh akala mo talaga. Manong ha? wag ako! ayoko muna lumandi. Dayoff ko dapat.

"Ang init talaga." Nakita ko s'yang nagpupunas ng pawis. Kingina pawis na pawis s'ya.
"Aish. Panyo?"

Binigyan n'ya ako ng panyo. Sossy naman neto, nagdadala ng panyo. HAHAHAHA. Ako kasi nawawalan palagi e. Pinunasan 'yung noo n'ya. Bakit ko ba ginagawa 'to?

Ewan ko rin sa sarili ko. Napa-iling ako saka tinuloy ang pagpunas sa kan'ya.

Nung okay na ay binigay ko na sa kan'ya yung panyo n'ya. Malapit na rin kasi.

Makalipas ang ilang sandali ay nag-para na ako.

"Uhh.."
"Bakit?"

Umiling lang s'ya at ngumiti.

"Tara na!"

Nandito kami sa park na malapit sa school. Nandun si Manong Fishball..

"Manong! P10 nga po na chicken balls tapos P10 din na kikiam. Ikaw Keanu?"
"Uhh.. Ayos na ako."
"Okay. Bayaran mo na lang. Hehe"

Binayaran n'ya naman. Hinintay ko na matapos na initin ni Manong ang binibili ko. Saka ko s'ya niyaya sa bench na tinatakpan ng mga puno.

"Ayaw mo talaga?"

Umiling lang s'ya.

"Bakit?"

Ngumiti lang s'ya.

"'Di ako kumakain ng gan'yan eh."

Ay. Oo nga pala. Taga-America s'ya.

"Teka. Bakit maalam ka mag-Tagalog?"
"May nanny kasi kami dati na Filipina. Tapos tinuturuan akong mag-tagalog nung bata ako."
"Ohh.. I see. Eh bakit ayaw mong i-try 'to?"
"Ayoko lang."
"Try mo."
"Ayoko talaga. Sorry."

Hmm. Okay. Tumango na lang ako. 'Di ko s'ya pipilitin. Ako nga ayaw kumain ng isda 'di pinipilit ni inay eh. Hehe

Mga ilang minuto rin kaming hindi nagsasalita. Busy ako sa pagkain tapos s'ya... ewan

Topic...? Mag-iisip ba ako? Wag na baka isipin pa n'ya interesado ako hahaha kahit totoo.

Nagulat ako nung inagaw n'ya 'yung stick at tumusok ng chicken balls. Ang chicken balls ko. Ajujuju

"Waaahhh. Bakit ka kumuhaaa?"
"Tahimik ka kasi. Akala ko galit ka."
"HINDI AKO GALIT!!" mangiyak-ngiyak na sabi ko. huhuhu ang chicken balls kooooooo, "pero ngayon galit na ako! Hmp."
"Sorry naaaa. Pero masarap ha?"
"Bad ka. Food ko 'to eh." Ajujujuju 'di n'ya ba alam na precious ang chicken balls dahil mas mahal to sa kikiam??
"Bili na lang tayo. Ano ngang tawag d'yan?"
"Chicken balls. Hehe libre mo ulit akooooo."
"Zia, ikaw yata makakaubos ng pera ko ah."
"Ays lang yan. Ikaw lang naman mawawalan ng pera," I said then I laughed. at saka di pa naman naabot ng 100 grabe sya.
"Tawa ka lang palagi."
"Huh?"
"Ganda mo pag tumatawa eh."

Umakyat na naman yung dugo ko sa pisngi. Lecheng Keanu 'to.

"H-h-huh? B-Breezy ka talaga. Gutom lang 'yan!"

Tumawa lang si Keanu. Hinila ko s'ya papunta kay Manong.

"Manong. Sampung piso nga po ulit ng chicken balls. Ilan sa'yo Keanu?"
"Hmm.. P10 na lang din."
"Magkahiwalay po ng baso ha?"

Ininit na ulit ni Manong Fishball yung chicken balls. Waaahhh Naglalaway na akoooo.

Nagbayad na si Keanu. Tapos ayun nilagyan na namin ng sauce tapos bumalik kami sa bench.

After namin kumain ay napahikab ako. Buti na lang 'di mainit dito. Tapos mahangin pa.

"Antok ka na naman?"

Hm.. Medyo.

"Uh huh."
"Lika dito. Higa ka," sabi n'ya sabay tap ng hita n'ya.

Er.. Nakakahiya.

"Ayoko. Baliw."
"Dito na." Tapos hinila n'ya yung ulo ko.

Aish. Kaya napahiga na ako.

"I-stretch mo na yung paa mo."

Ginawa ko naman. Humangin ng malakas. Sarap matulog. Pinikit ko na yung mata ko.

Nakakaantok. Ganun lang yung nararamdaman ko. Pero hindi ako makatulog. Nakapikit lang ako.

Makalipas ang limang minuto naramdaman kong bumuntong-hininga s'ya. Bakit? Nangalay na ba s'ya?

Pero laking gulat ko nang hawakan n'ya ang kamay ko.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Bakit? Bakit n'ya ba 'to ginagawa? Pero walang bahid ng pagtutol ang puso ko. Gusto ko ba na ganito kami?

'Tinatanong pa ba 'yan?' sagot  sa'kin nung epal

Siguro nga hindi. Alam ko na kasi mismo 'yung sagot eh. Bakit ko ba tinatanong kung nasa harapan ko mismo ang sagot.

Pero bakit? Sa ginagawa n'ya umaasa na ako. Paano kung show lang 'tong ginagawa n'ya? At nagmumukha akong tanga.

At saka. Masyadong mabilis. Kahit sa sarili ko nabibilisan din ako eh. Gan'to 'yung nararamdaman ng in love 'di ba? Masyadong mabilis. Hindi pwede.

Tumagal kami ng 30 mins sa ganung posisyon. Lalo akong hindi makatulog. Pero sobrang hangin. Sa loob ng tatlumpung minuto na iyon ay hawak n'ya ang kamay ko. Hindi ako gumagalaw. Malamang mukha kaming couple na nag-PPDA. Pero buti na lang ay mangilan-ngilan lang ang tao dito sa park tanghaling tapat eh... siesta time.

Naghintay pa ako ng tatlumpung minuto. Saka ako gumalaw ng kaunti para bitawan n'ya ang kamay ko. Nagtagumpay naman ako. Binitawan n'ya.

Bumangon na ako.

"Napasarap tulog ko. Shet. Sorry," sabi ko na kasinungalingan naman.

Pero sana akala n'ya tulog talaga ako. Masyadong nakakahiya 'yung thought na nagpahawak ako ng kamay sa lalaki.

"De. Ayos lang. Masarap din kasi yung hangin."
"Oo nga." Napangiti ako.

"So...."
"So?" tanong n'ya.
"Bakit hindi pa kita nakita nung bata pa kami ni Kevin?" hindi ko napigilang magtanong
"Hmm," sabi n'ya. "Ayokong umalis sa States."
"Bakit?"
"Nandun kasi yung first love ko."

Parang may tumusok sa puso ko. Masakit bhe.

"O-oh I see. T-tara na. Uwi na tayo," yaya ko sabay tayo.

Tanginang dila 'to. Bakit ka ba nauutal? Sino bang nagsabi na mautal ka? Kingina mo ah. Wala ka talaga sa hulog eh.

"Sige. Tara na."

Keanu. Hindi ka ba nakakaramdam na nasasaktan ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro