Sixty Three
Chapter Sixty Three
09123456789
01:05
Zia, it's Ali. I want to talk to you. Pwede ka ba lumabas?
Zia:
Tawag ka na lang. Balance na lang 'to.
Nagtataka akong hinintay ang tawag n'ya. Bakit n'ya ako kakausapin? Anong meron?
Maya-maya ay may tumawag sa akin kaya sinagot ko 'yun.
Agad kong narinig na may humihikbi sa kabilang linya. It gave shivers down to my spine. Ang sakit pakinggan ng mga hikbi n'ya.
"Allison??!??!! Why are you crying??" nagpa-panic kong tanong sa kan'ya. Suminghot pa s'ya bago sumagot.
"I... I wanna talk to you in person, pwede ba?"
"Wait me sa labas," dali-dali kong sabi saka binaba ang tawag. Nagsuot ako ng jacket at dahan-dahang lumabas. Buti na lang tulog na ata sila inay at itay. Si Pia hindi ko alam. Sinubukan kong hindi makagawa ng tunog paglabas at mabuti na lang e nakisama ang katawan ko at iniwasan ang pagiging clumsy kaya naman nakalabas din ako agad.
Nang nakalabas ako e nakita ko si Allison na nakaupo sa gilid ng kalsada. Sa tapat ng gate nila Kevin. Nakadukmo 'yung mukha n'ya sa mga tuhod n'ya. Tumataas baba pa ang mga balikat n'ya kasabay ng paghikbi n'ya. Umupo ako sa harap n'ya kaya nag-angat s'ya ng tingin.
I swear to God. I saw a goddess. Yung mukha n'ya ang amo-amo. Basa pa ang mga pisngi at mga mata n'ya. Nakadagdag sa ganda n'ya ang mga luha na pinakawalan ng mga mata n'ya.
"Zia!!!!" sigaw n'ya saka niyakap ako. "It hurts. It fucking hurts, Zia. I want to kill myself. I hate my life. I fucking hate what's happening in my life. I wanna end it all. I don't wanna feel any pain anymore," humihikbi n'yang sabi sa akin. Sa bawat bitiw n'ya ng salita ay ramdam na ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan n'ya. Ramdam ko ang pagkadurog at pagkahulog ng puso ko sa bawat hikbing pinakakawalan n'ya.
Wala akong nagawa kundi yakapin at himasin ang likod n'ya while whispering 'Everything will be alright' though I don't know if it will ever be.
Niyaya n'ya ako pumunta sa 711. Hindi n'ya alintana ang kalaliman ng gabi. Ako rin, walang pake. I'll kick their balls once pakialaman nila si Allison.
Tahimik lang kaming naglalakad. Hindi na s'ya umiiyak pero namumula pa rin ang mga mata n'ya.
"Zia..." pagbasag n'ya sa katahimikang namamayani sa aming dalawa. Ngumiti s'ya nung nilingon ko s'ya. Ngiting hindi ko alam kung may sinsiredad nga ba o tulad ko rin s'yang ngumingiti para itago na masakit na ang lahat. Tinitigan ko s'ya sa mata.
'Eyes are the window of the soul' indeed. Kahit na nakangiti s'ya e trinaydor s'ya ng mga mata n'ya na pinakikita na nasasaktan s'ya.
"Alam ko na. Una pa lang alam ko na." Nakatingin pa rin s'ya sa akin habang nakangiti kaya napaiwas ako ng tingin. Ang sakit tingnan ng mata n'ya. Hindi ko kayang tagalan.
"H-huh? Ang ano?"
"Hindi na ako mahal ni Keanu," diretso n'yang sagot sa akin kaya napahinto ako. Nakangiti pa rin s'ya na parang walang pinoproblema kung hindi lang dahil sa mata n'ya e maloloko ka n'ya.
Hindi ako sumagot. Hindi ko kayang sumagot kasi baka mapalala ko ang sakit na nararamdaman n'ya kaya nanatili akong tahimik.
"Nung nakita n'ya ako, hinalikan n'ya ako pero iba na, e. Hindi na tulad ng dati. Nakatingin s'ya sa akin pero patay ang mga mata n'ya. Zia, kung paano s'ya tumitig sa'yo gano'n na gano'n s'ya tumingin sa akin dati."
"Baka mali ka lang," pagpupumilit ko kahit na alam ko na maaaring totoo 'yang sinasabi n'ya.
Umiling-iling s'ya nang madaming beses habang nagsimula na namang tumulo ang mga luha n'ya. Tangina. Napa-iwas ako ng tingin dahil dun kasi ang sakit-sakit na makita s'yang gan'yan.
"Zia, hindi ako tanga. Mahal n'yo naman 'yung isa't isa, e. Syempre sinubukan ko pa rin na ayusin kahit ang labo na. But Zia, everytime we cross paths he forgets that he is with me. His eyes are only yours, Zia. Handa na akong magparaya, tangina dun naman kayo sasaya, e."
Gusto ko mang magsaya pero hindi kaya ng puso ko kasi masakit sa akin na makita s'yang ganito.
"Zia, he's wasted. Akala n'yo masaya kami sa trip namin? No! He was miserable lalo na nung nalaman n'yang kayo na. He even drunk called you! Tell me, ako pa rin ba ang mahal n'ya kung gano'n?" Napamaang ako sa sinabi n'ya. All this time na masaya ako sa aming dalawa ni Kevin ay s'ya namang lungkot nilang dalawa. "Hindi na nga s'ya halos kumakain kung hindi ko pa pipilitin," dugtong pa n'ya.
Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. No. No. Masaya na ako kay Kevin. Alam ko 'yun. Pero tangina! Bakit ngayon may kaunting tuwa na sumisibol sa puso ko?!
Nagsimula s'yang lumuhod kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Zia, I'm begging you. Please give Keanu a chance. Just please... give him a chance. Sorry kasi sinira ko kayo. Sorry kasi dumating pa ako." Hawak na n'ya ang legs ko at umiiyak dun. Ramdam ko pa ang pagtulo ng luha n'ya sa balat ko. "Just talk to him. He's wasted. Para s'yang tinanggalan ng kaluluwa. He is breathing but he is not living. Baka sa puso mo may puwang pa rin si Keanu d'yan? Zia please, kahit kausapin mo lang s'ya at bigyan ng closure."
Napaupo na rin ako saka inalo s'ya. Mukha kaming tanga rito sa kalsada pero okay lang. Wala silang pakialam.
"Allison, stand up!"
"No! I'm begging you Zia. Please. Kahit isang beses lang. I can't stand seeing Keanu like that. I know this is a selfish request but can you do it for me?" Agad akong tumango-tango sa kan'ya kahit na hindi ko alam kung paano ko gagawin na makipag-usap kay Keanu nang hindi nagagalit si Kevin.
Namayani ang katahimikan hanggang sa nagsimula uli s'yang magsalita.
"Gusto ko nang magpakamatay kasi wala na, e. Durog na durog na ako." Saglit s'yang tumigil sa pagsasalita para suminghot at tumingala pa para subukan na pigilan pa ang luha n'ya. "Feeling ko wala nang pupulot sa akin kasi ang dumi-dumi ko na. No one would ever love a girl like me. No one would ever accept me cause I'm a trash." Humagulhol ulit. Mabuti na lang at anong oras na kaya walang tao sa paligid na makakasaksi ng pagiging fragile ni Allison ngayon.
"I tried everything to cover it up. To look strong but putangina naman. Ang hirap. Ang sakit. It fucking hurts. I contained all of these emotions within me pero ang hirap na. Hindi ko na kaya. Death tempts me. I wanna jump off the bridge. I wanna slit my neck. I wanna hang with the rope pero kahit 'yun wala akong lakas ng loob na gawin. I know it would be a sin. My life on earth is already hell I don't want to experience it on the afterlife, too. Pero... if that would stop the pain, if that would make everyone happy around me... I'll be glad to." She managed to say that between her sob and tears. Wala akong magawa kung hindi yakapin s'ya habang umiiyak. Pagtapos ay hinawakan ko ang mukha n'ya at pinunasan ko ang mga luha n'ya sa pisngi.
"Don't kill yourself, Allison. Kakayanin mo 'yan. You are a wonderful girl. 'Yung lalaking hindi tatanggap sa'yo because of your uncontrollable past should just suck his dick," sabi ko sa kan'ya kahit na hindi ko alam kung mapapagaan ba nun ang loob n'ya.
She laughed at s'ya na mismo ang nagpunas sa sarili n'yang mga luha at sipon n'ya.
"Yep, fuck him. I wish I could find another Keanu, though. He was the best guy for me." Ngumiti na lang din ako at hindi na sumagot cause I know Kevin is the best.
Tinulungan ko s'yang tumayo. Nagpagpag naman s'ya saka nagsimula nang naglakad na parang nangyari. Sumisipol pa s'ya habang nakalagay ang mga braso n'ya sa ulo n'ya. She looks carefree. She looks happy. But I know she doesn't feel that way.
Now it got me thinking, how would I talk to Keanu?
Naglakad na lang kami nang tahimik... wala sa amin ang nagsasalita at bunabasag sa katahimikan. Nauunang maglakad si Allison. Ako 'yung taga-rito pero s'ya 'yung sinusundan ko.
Wait...
Ohhhkay... this isn't the way to 711. I sure know na hindi ito ang daan papuntang 711. Paano ko nalaman?? Nalagpasan na namin 'yung 711, e.
Come to think of it, bakit ko nga ba sinusundan si Allison??
"Allison, lagpas na."
"I know."
"Saan ba talaga tayo pupunta?"
Hinintay ko 'yung sagot n'ya pero wala... isang nakakabinging katahimikan lang.
Hindi kaya holdup-in ako neto ni Allison? O kaya ipadala sa sindikato?? O hindi kaya... omg...
Pero hindi nangyari 'yun kasi tumigil kami sa park... sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na nakarating na pala kami rito. Eto 'yung park na nilibre ako ni Keanu ng madaming street food tapos nag-pillow lap s—stop Zia!!
"Ano ginagawa natin dito?" tanong ko. Nag-shrug s'ya saka pumunta sa isang bench—oo. 'Yung bench na 'yun. Napabuntong-hininga ako. Sinusubukan na alisin sa utak ko ang mga alaalang bumabalik sa akin. God, ano ba plano mo sa akin?
Napatingin ako sa paligid. Walang tao pero may mga ilaw. Buti na lang at naka-jacket ako kaya hindi gano'n kalamig pero ramdam ko ang hangin sa mukha ko. I miss Kevin tuloy. He always gives me warmth whenever I am cold.
"CR lang ako," pagpapaalam n'ya saka biglang tumayo. Nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo ko.
"Gaga ka Allison, kapag ako talaga kinidnap para ibenta mumultuhin kita. Dinala-dala mo ako rito tapos iiwan mo ako?!" medyo asar kong sabi sa kan'ya.
Isa pa, may curfew kaya. Mamaya hulihin kami neto. Mag-community service pa ako.
Hindi n'ya ako sinagot, bagkus tumakbo lang s'ya nang sobrang bilis kaya agad akong napatayo akmang tatakbo na sana ako pero biglang may humila sa kamay ko at niyakap ako mula sa likod. 'Yung mga kamay n'ya ay nasa tyan ko at ang kan'yang ulo ay naka-rest sa ulo ko.
TANGINA! HOLDUP BA 'TO?! GAGO WAIT LANG. ALLISON HUHU SUSUMBONG KITA KAY INAY.
Ramdam ko ang init ng hininga n'ya sa ulo ko pati na rin ang mabilis na pagtibok ng puso n'ya. Teka lang. Kinakabahan ba s'yang mang-holdup? Baka first time?
Isang minuto na rin ata ang nakalipas pero hindi pa naman nag-aannounce ng "holdup 'to" pero teka! Gago! Manyak ata 'to, e. Sisikuhin ko na sana s'ya pero bigla s'yang nagsalita na nagbigay ng kilabot sa akin... hindi dahil sa takot...
"Zia,"
...kundi dahil sa kilig?
Damn it.
I loved the feeling. I love his hug. It is different from Kevin's hug. Damn it.
Agad n'ya akong binitawan saka kumaripas ng takbo. Napaupo ulit ako sa bench.
Damn.
I know that poging boses. That belongs to Keanu.
Dak.
Putangshet.
Duck it.
"TANGINAAAAAA!" sumigaw na ako sa sobrang asar ko. Gulong-gulo na ako sa nangyayari.
Bakit ako iniwanan ni Allison dito? Para magkita kami ni Keanu? Tapos ano? Iniwan din ako ni Keanu? Dakshet talaga.
Asar na asar akong naglakad pauwi. Pota wala akong dalang wallet ni cellphone. Nakanguso akong pumapadyak pa ang paa. Maninipa talaga ako ng betlog kapag may nang-asar sa akin ngayon!!
At tuluyan talaga nila akong iniwan 'no? Ni wala man lang pera pang-uwi? Bwisit talaga!
Ilang minuto rin akong naglakad nang makarating ako kila Krista, mas malapit kasi bahay nila sa amin. Nangatok na ako dun. Hindi ko alam kung gising pa si Krista pero it is okay to take chances. Hindi naman siguro ako nun bubugahan ng apoy o ni tita o tito 'di ba? Mahal naman siguro nila ako.
Nakailang doorbell na ako nang biglang lumabas si Krista na kinukusot pa ang mga mata.
"Bey, ano ba ginagawa mo rito? Alas dos na." Nanlaki ang beautiful eyes ko dahil dun. Dak? Alas dos na? Alas dos ng madaling araw naglakad ako mag-isa???
"Mahabang kwento." Nag-roll eyes pa ako nun. Pinagbuksan naman n'ya ako ng gate at pumasok ako sa bahay nila. Uminom na rin ako ng tubig dahil napagod din ako kakalakad.
"Anong ginagawa mo rito?" nakapamewang n'yang tanong sa akin. Ngayon ay mukhang gising na ang diwa n'ya.
"Chat mo muna si Pia na dito muna ako matutulog," sabi ko saka umakyat na para makapunta sa kwarto n'ya.
Pagdating ko dun ay agad akong sumalampak sa kama n'ya.
"Okay, tell me what happened. Anong ginagawa mo disoras na ng gabi?" tanong n'ya sa akin. Mom mode na po si ate mo Krista.
Sinimulan ko sa pagtawag sa akin ni Allison at pag-uusap namin and everything. Sinabi ko rin na iniwan nila ako sa park nang walang pera at pamasahe. Nako talaga! Sasapakin ko talaga 'yan si Allison, e. Joke.
"Okay. That was really weird." Tumango-tango pa ako bilang pagsang-ayon kay Krista. Kasi totoo naman 'di ba? Ang weird! Kakausapin ako sabay yayakapin tapos iiwan mag-isa! E kung sila kaya iwan ko sa madilim na lugar huhuhu. Paano pa kung na-holdup ako?! Wala pa naman akong dalang kahit na ano dun, baka ibenta pa nila lamang loob ko.
Nanahimik kaming dalawa.. nag-iisip. Hula ko ay nagising na rin si Krista dahil sa pinagsasasabi ko sa kan'ya.
"Paano kung hindi nakita ni Keanu na bukas ang zipper ko?" bigla kong tanong pagtapos ng mahaba naming katahimikan
"Ano?" mabilis n'yang sagot dahil sa pag-iba ng tono ko.
"Ano kayang mangyayari?" She sighed.
"Maybe destiny will make its way to cross your paths... maybe... mai-in love ka kay Kevin at masaya ka na nang tuluyan nang hindi. nasasaktan dahil kay Keanu." Nabanggit n'ya si Kevin...
"What if... what if I'm using Kevin unintentionally?" Kinotongan n'ya ako. Kaya hinawakan ko ang parte na kinotongan n'ya. Bad Krista. Bad.
"You did." Wow. Straight to the point.
"I knew it," nanlulumo kong sabi.
"You used him to move on. Naka-move on ka na ba talaga?" tanong n'ya sa akin na bagay na kinagulat ko.
Ang alam ko... oo. I love Kevin. I really do.
But...
Somehow...
Something makes me wonder, if I love Kevin... why did I felt happy when Allison said that Keanu loves me?
Then I realized,
"Hindi ko rin alam, e," mahina kong sagot sa tanong n'ya.
"Unless you see Keanu hindi mo malalaman."
"I know pero natatakot ako. Kevin is too pure and I can't hurt him and Allison kahit na iniwan n'ya ako kanina sa park."
"Sacrificing your own feelings isn't always the answer, Zia. You also have to be selfish."
"I can't." Totoo naman. I can't. Mas okay nang ako ang mag-suffer kaysa sila. I... I don't want them to get hurt.
Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Krista.
"Ano gagawin mo if ever na mahal mo pa si Keanu at mahal ka talaga n'ya?! Pretend that you love Kevin and hurt him soon enough?! That will be unfair, bey. You have to make your mind up. Masakit kung magi-stay ka lang dahil sa awa. Spare Kevin. Kung sasaktan mo s'ya saktan mo na s'ya ngayon."
Hindi ako nakasagot. Bawat salita na binibitawan ni Krista ay parang pana na tumutusok sa puso ko.
"Natatakot ako, Krista. I might make a wrong move."
"Of course, you would be afraid. Pero bey, kailangan mo mag-decide. Hindi sa lahat ng oras dapat planado ang galaw pwede ka rin maging spontaneous at mag-go with the flow. Ikaw pa rin naman masusunod, e. Kailangan mo lang ayusin ang lahat at ipaintindi sa bawat taong involved ang desisyon mo. They might not accept it at first but eventually they will. Matatanda na sila, as long as ginawa mo ang lahat nang makakaya mo para ipaintindi sa kanila, you are all good," mahaba n'yang lintanya habang tumatango-tango pa.
"How did my life become this so complicated?" I asked to myself.
"Sa sobrang haba ng sinabi ko kakausapin mo lang sarili mo?" kunwaring asar na sabi sa akin ni Krista.
I smiled.
"Malaki rin talaga tulong mo paminsan-minsan 'no?"
"Para saan pang bey kita kung hindi kita tutulungan. Go sleep. May bukas pa para problemahin 'yan. Leave your problems to your tomorrow you."
Alam kong ginawa n'ya lang dahilan 'yun para makatulog na. Nagkonsensya tuloy ako na ginising ko s'ya. Hinayaan ko na lang na makatulog s'ya habang ako ay nilulunod ng sarili kong isip.
Hindi ko na alam ang gagawin.
Keanu or Kevin?
Should I choose the man who I loved first?
Or
Should I choose the man who helped me move on with my life?
God, who should I choose?
*****
"Wake up na mahal." Nakaramdam ako ng mahinang pagtapik at narinig ko na naman 'yung boses ng mahal ko kaya agad akong napangiti. Yes, I love mornings like this.
But my smile faded when I realized what happened last night.
"What's the problem?" tanong n'ya nang mapansin n'yang napawi ang ngiti ko.
Bakit all of a sudden bigla akong na-guilty?? I didn't do anything wrong, did I?
"Wala... wala." Pinilit kong ngumiti para mapanatag ang loob n'ya.
"Are you sure?" Nag-thumbs up at tumango-tango ako. "So bakit dito ka natulog nang hindi nagpapaalam sa akin? May kinita ka 'no? Pagpapalit mo na ako?"
I was taken aback by his question and statement. Parang nanigas ang kalmnan ko at hindi ako makagalaw.
"Hey, mahal. I was just joking. Bakit bigla ka namang hindi nagsalita d'yan." Niyakap n'ya ako, and once again I felt safe in his arms. "Sorry, did I hurt you? Alam ko namang hindi mo gagawin 'yun, e," sabi n'ya habang hinihimas ang likod ko.
Para akong binagsakan ng langit sa sinabi n'ya. Hindi ko naman s'ya pinagpalit pero nakipagkita nga ako. Ayoko munang sabihin kay Kevin hangga't hindi pa buo ang desisyon ko. Ayoko pa muna kahit na in the end kailangan kong mamili at umamin. Kailangan kong manakit... and that's inevitable.
"Labas tayo mahal," yaya sa akin ni Kevin pero umiling ako.
Tangina! Sobrang nagi-guilty talaga ako. Feeling ko I cheated. Alam kong hindi deserve 'to ni Kevin pero kailangan ko munang mag-isip sa ngayon.
"Bakit? Nuod tayo movie sa bahay?" Umiling lang ulit ako.
Ayokong gumalaw. Ayokong may gawin. Gusto kong matulog muna. Gusto kong magpahinga.
"Galit ka ba?" Narinig ko ang desperasyon sa boses ni Kevin kaya agad akong umiling.
"Gago. I just don't feel well."
"Hmmm... okay. I guess my princess woke up on the wrong side of bed." Tumayo na s'ya saka ngumiti. "Remember that I always love you, okay?" sabi n'ya saka hinalikan ako sa noo.
"Sa bahay lang ako, okay? Dito ka lang ba kila Krista?" he asked kaya tumango ako at ngumiti. "Okay then, I'm sorry for waking you up."
"I love you, Kevin," sagot ko sa kan'ya na ikinangiti n'ya saka nagpaalam s'ya na umalis.
Pero bakit ganun?
It doesn't feel right?
Parang sinasabi ko s'ya sa sarili ko hindi sa kan'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro