Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sixty Six

Sixty Six

"So... you chose me?" tanong n'ya at nang nilingon ko s'ya ay nakangiti s'ya na abot tenga. Ang saya saya naman?

Uh-oh.

I bit my lip. Gaga ka talaga Zia! Bakit hindi mo naisip 'yan kanina???

"Uhmmm... I didn't?" sagot ko pero sa paraan ng pagngiti n'ya ay sure akong di s'ya naniniwala.
"Okay," sagot n'ya kahit naman obvious sa ngiti n'yang hindi s'ya naniniwala.

Katahimikan.

Ayan... hindi ko na naman alam kung ano sasabihin ngayon na kaming dalawa na lang. Umayos s'ya nang upo at tumabi sa akin. Malapit. Magkalapit. Nahigit ko ang aking hininga nang magkadikit ang mga balat namin. Shet. Dak. Gano'n pa rin pala talaga ang epekto n'ya sa akin. Tangna! Kakaiba talaga si Keanu, unlike kay Kevin na kalmado, sa kan'ya iba. Hindi ako mapakali.

"I thought I'd stay as a stone earlier," pagbabasag n'ya sa katahimikan. Natawa ako nang kaunti.
"Masaya kaya maging bato... wala kang nararamdaman. Chill ka lang sa tabi-tabi."
"Yeah right. Hindi ka nahihirapan sa problema. The only thing that would bother you are the people who want to kick you."

Tumawa ako. May point s'ya.

Katahimikan. Shet. Hindi ko rin kasi alam kung ano sasabihin ko rito kay Keanu, nireject ko kapatid n'ya sa harapan n'ya at yeah I subtlety confessed that I still love him!!! Sino bang hindi mahihiya/awkward-an neto?!?!?!

Narinig ko s'yang uminat. Maya-maya'y naramdaman ko ang mga braso n'ya sa balikat ko. Inilapit n'ya pa ang sarili namin sa isa't isa. Tangina! Ang luma naman ng mga galawan neto ni Keanu. Sinauna na 'to, e. Panahon pa ng lolo ko. 'Pag si Kevin 'yan nakayakap na agad sa akin 'yun. Malapit ko na isipin na linta 'yun si Kevin, e. Napangiti ako.

Inilapit ni Keanu ang bibig n'ya sa tenga ko.

"Kilig ka 'no?" bulong n'ya. Siniko ko s'ya pero imbes na bitawan ako ay lalo lang n'yang hinigpitan ang side hug (?) (Or) akbay n'ya.

Pero shet. Bakit iniisip ko si Kevin?! Zia naman! Dakyu ka!

"I'm really happy that you chose me, Zia even if it means hurting my brother," bulong n'ya ulit sa akin.

It made me shiver plus kilig plus lungkot. Kahit masaya kami ngayon e nasasaktan si Kevin.

*****

"HOY ZIANDRINA CORTEZ BREAK NA RAW KAYO NI KEVIN?!"

Tangina!

Napabalikwas ako ng bangon nang may sumigaw sa tenga ko. Shet. Dakshet. Natanggal ata mga nakabara sa eardrum ko nun ah.

Napapikit ako nang makita ko si Krista sa harap ko. Shet. Twice in a row nang may gumising sa akin para dito ah?

"Good morning din, Krista ha?" asar na sabi ko sa kan'ya.
"Zia, hindi ako nagbibiro."

Napa-straight ako ng upo nun at napaayos ng buhok kahit na irrelevant 'yun. Tinawag n'ya akong Zia at hindi bey. Shit. This is serious.

"Yes ma'am, I did." Bagamat nakasaludo ay nakayuko naman ako so parang nakasaludo ako sa kumot ko. Weird.
"Bakit????" malakas na tanong n'ya. Teka lang, feeling ko gising na talaga ako kakasigaw n'ya sa akin. Wala pang 5 minutes, o. Spare my eardrums please???
"Eh... kasi... ayoko s'yang saktan, e. 'Di ba nga mas okay na malaman n'ya agad kaysa patagalin ko at saktan pa s'ya in the long process?"
"But isn't that a bit harsh? Sabi ni Pia magkakausap daw kayong tatlo kahapon, a."
"But if I didn't do that... lalo lang masasaktan si Kevin kapag hindi ko pa sinabi ang totoo. Kasi Krista, gustohin ko man na walang masaktan sa desisyon ko, alam ko na meron, e. Kung pwede lang na ako na lang ang masaktan kaso hindi pwede. I became selfish. I want my own happiness because I know no secrets will be kept. I know  that in the end Kevin will know what I felt for Keanu and it would hurt him more because I kept it."
"Naiintindihan ko naman bey, wala namang english-an. Ang aga-aga, e." Napangiti ako dahil sa pagbibiro n'yang 'yun. Akala ko kakaladkarin na n'ya ako sa hagdan, e. "Alam ko naman na you mean no harm. Basta panindigan ang desisyon ha?" she said saka niyakap ako.
"Yes po."
"Kokotongan ko na lang si Keanu kapag sinaktan ka. Malay ko sa abnormal na utak nun, e. Jusko. Namundok lang ako kahapon pag-uwi ko ganito na."
"Kasama mo si Eric 'no???"

I smiled when she blushed.

"Ha? Si Eric? Baka! S'ya 'yung sumama sa akin 'no."
"Sabi mo, e." Humagikhik pa ako dahil kinikilig talaga ako sa kanilang dalawa.

Tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako dun. Kinuha ko 'yun at may nakitang chat galing kay Keanu.

Keanu Fuentes
Active now

                          8:32
Good morning babes. Samahan mo naman ako maghanap ng chix?

Oo, babes na ulit tawag sa akin netong abnormal na 'to. Tsk. Hindi n'ya pa rin talaga nakalimutan 'yun, 'no?

"Makangiti ka bey, a. Punitin na natin 'yang labi mo?" Hinablot n'ya ang cellphone ko at napahalakhak sa nabasa n'ya. "Gago rin 'to si Keanu, e. Tatawagin kang babes tapos magyayayang man-chix. Obvious na nagyayaya lang ng date, e."

Naramdaman ko naman ang pagragasa ng dugo ko sa pisngi ko. Naisip ko lang na magde-date kami ni Keanu e naging gan'yan na naman reaction ng katawan ko.

"Dakyu, Krista."
"Sus. Kinilig ka rin naman. Replyan mo na nga. Pumayag ka na. 'Wag ka na pabebe d'yan gusto mo naman, e."
"Tsk." Kinuha ko ang cellphone ko sa kan'ya at nag-reply.

Keanu Fuentes
Active now
                          8:32
Good morning babes. Samahan mo naman ako maghanap ng chix?
😚

Okay. Mga after lunch?

Actually I'm right here outside ur house ;)

"HAAAAAAA??????" Napasigaw ako sa gulat. Taena neto bakit ganito naman 'to si Keanu? Walang pasabi.
"Bakit bey?" Nagitla pa nang kaunti si Krista dahil sa pagsigaw ko. Aba sorry naman.
"Nasa labas na raw s'ya."
"Ano?????!"

Keanu Fuentes
Active now

Anong nasa labas ka na? 😡

Joke.
Wala ako sa labas n'yo.
Nasa loob na ako.
Nasa sala.
Tita let me in so I made myself welcome. I was planning to enter your room but you might kill me.
Actually narinig ko pagsigaw mo. 😋
Ligo na babes.

"Kingina ka, Keanu Fuentes."
"Okay bey, I'm gonna go now. Mukhang and'yan na nga ang abnormal." Tumawa pa s'ya bago tumayo. Pero bago s'ya tuluyang umalis ay hinawakan n'ya ang ulo ko "I'm proud of you, bey. You're strong to make such decision. I'm always here."

Hindi na n'ya ako hinintay sumagot, umalis na lang s'ya. I dunno but that made me cry.

**

"Wow, you really did take your time, 'no?" tanong ni Keanu pagkakita n'ya sa akin.

Yep, pinaghintay ko s'ya ng isang oras. Aba! Wala s'yang pasabi, e. Abnormal talaga 'to si Keanu.

"Hindi ka man lang kasi nagsabi kagabi."
"Maaga kasi ako nagising babes. I thought that you might wanna see me first thing in the morning kaya niyaya kita. I didn't know that Krista is here. I should've gone here when it's 8 am pa lang. Naligo pa kasi ako," parang batang sumbong n'ya. Parang tanga 'to, e. 'Yun lang nanghihinayang s'ya.

Pero ngayon na malapit na s'ya ay amoy na amoy ko na ang pabango n'ya. Parang hindi naman s'ya naghintay ng isang oras 'no? Fresh pa rin. Papi pa rin.

"Aba, kasalanan ko bang hindi ka nagsabi kaagad?"
"Oo na. Tara na babes."

Pero bago kami umalis ay nagpaalam muna s'ya kay inay. At aba, mama na ang tawag kay inay. Akala mo anak, e. Paampon ko na kaya 'to? Napaka-feeler.

"Saan tayo?" tanong ko sa kan'ya pero wala s'yang sagot.

Asa kotse kami ngayon at hanggang ngayon hindi pa rin n'ya sinasagot ang tanong ko.

"Keanu, saan nga tayo, aba!"
"Hindi ko alam babes. Saan tayo?"

Napa-facepalm ako sa sagot n'ya.

"Wala tayo pupuntahan?"
"Hehe. Wala. Kahit saan lang."
"Abnormal ka talaga, e!"
"Bad ka babes... alam ko na!" Parang nagliwanag pa ang mukha n'ya nang may maisip na ideya.

Nag-drive lang s'ya at ako naman ay nagdesisyon na matulog na lang. Kulang kasi 'yung tulog ko dahil nga ginising ako ni Krista. Huhu. E hindi rin naman ako gaano nakatulog kagabi kasi naman andaming pumapasok sa isipan ko... andami ko rin nararamdaman pero ang nangingibabaw ay guilt.

**

"Babes, dito na tayo." Naramdaman ko ang pagpitik sa noo ko kaya napakislot ako at nagising.

Teka.

Tangina.

Ale, nasa langit na ba ako?

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at suot na naman ni Keanu ang ngiti n'yang sobrang mapanloko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako mapakali. Na-conscious ako dahil sobrang lapit ng mukha n'ya sa akin kaya sinampal ko s'ya. Maging ako ay nagulat sa ginawa ko.

"Hala Keanu! Sorry!!!!"
"Bakit ka nanampal?!" gulat na gulat na tanong sakin ni Keanu habang nakahawak pa rin sa pisngi n'yang sinampal ko.
"Nagulat lang ako! Anlapit ng mukha mo, e. Sorry na!!"
"No!" Pumadyak pa si Keanu na parang bata. "Kiss mu muna ato ate Tsia para babay na 'yung tsakit." Nagmamakaawa ang mga mata ni Keanu at naka-pout pa. Wait.

Napakurap ako nang ilang beses...

Ilang beses pa...

Kumunot ang noo...

Teka...

Ang tagal mag-sink in, e.

Ayan...

Napahalakhak ako nang malakas nang ma-realize ko 'yun. Tawa lang ako nang tawa habang hinahampas si Keanu sa braso. Halos hindi na ako makahinga sa katatawa dahil sa pag-baby talk n'ya.

"Hindi bagay?" tanong n'ya saka kinamot pa ang batok n'ya na parang nahihiya.
"Nope. Hahahahahahaha."
"Tsk. Ang sakit kasi ng sampal mo, e."
"Sorry na," tumatawa ko pa ring sabi sa kan'ya.
"Sinampal na nga tinawanan pa. Masaya manakit, Zia?!"

Imbes na maawa ako sa kan'ya ay lalo akong natawa kaya ngumuso s'ya. Lumabas na ako sa kotse. Hinalikan ko ang dalawa kong daliri at idinampi 'yun sa pisngi n'ya na sinampal ko.

"Wak na galit Keanu ha?" panggagaya ko sa boses n'ya kanina.
"Hindi nga bagay, babes. 'Wag na natin ulitin."
"Sus. Kinilig ka lang, e."
"Asa ka."

Ngumiti lang ako... namumula kasi 'yung tenga n'ya.

"Tara na nga," sabi ko saka ikinawit ang braso ko sa braso n'ya.

Nasa Tagaytay pala kami ngayon. Sa isang coffee shop dun. Ang hilig naman nila sa coffee shops. Si Kevin din ang hilig sa coffee shops, e.

Kita ang Taal sa coffee shop na 'yun at sobrang ganda. Shet. Dun kami sa labas, sa overlooking kasi anlamig. Sana nakita namin 'to ni Kevin dati 'no? Umorder na kami ni Keanu ng kape.

"Ang ganda rito, Keanu!" mangha kong puri sa view at ambiance ng shop.
"Andito ako nung nag-iisip ako ng mga bagay-bagay nung naging okay kayo ni Kevin."
"Hmmm?"
"Yeah... then I met this girl. Ayun, natauhan ang tanga," sabi n'ya na parang wala lang 'yun. Hayup. Parang hindi ako pinaiyak at ginulo nang ilang beses, a?
"Keanu?" tawag ko sa kan'ya.
"Yep?"
"Kamusta kayo ni Kevin?" I asked. Syempre curious ako 'no!
"Hmmm..." matagal din s'yang hindi sumagot. "We're okay."

"Paanong okay?" pagpupumilit ko.
"He-didn't-go-to-my-room-to-stab-me-kind-of-okay"
"Keanu!!!" I warned him.
"Ano??"
"'Yung maayos, aba."
"Oo na... hindi naman kami nag-uusap. I don't really expect him to, I just snatched his girl. I actually think that going out with you today won't do good but what can I do? I miss you." Nilagay n'ya 'yung kamay n'ya sa baba n'ya at tumingin sa akin nang seryoso. And I feel the fast thumping of my heart again. "Let's don't talk about him for now, nasasaktan ako, e. Iniisip ko gusto mo s'ya," straightforward n'yang sabi. Nakatitig pa sa mata ko kaya naman kinilig ako pero I managed to tease him.
"Crush mo talaga ako, e," pang-aasar ko sa kan'ya.
"Nope," pag-dedeny ni Keanu.
"Sabi mo, e."
He leaned into me. "Because I love you," biglaan n'yang bulong sa mukha ko.
"Ah." Hahaha. Teka. Bakit ang awkward? Bakit gano'n.

'Yung puso ko mabilis ang tibok pero at the same time nakakaramdam ako ng awkwardness. Bakit hindi katulad kay Kevin na I feel so giddy whenever he says those words to me???

Umilaw na 'yung plate like na nagsasabing ready na 'yung order kaya tumayo si Keanu. Napahugot ako ng malalim na hininga nung makaalis s'ya sa table.

Shet. Bakit gano'n 'yung nararamdaman ko???

Dumating si Keanu na dala ang order namin nang nakangiti. Parang hindi nangyari 'yung awkward atmosphere kanina. Hindi ko alam kung hindi n'ya ba napansin 'yun o magaling lang talaga magtago 'to si Keanu pero bumalik s'ya sa table nang parang walang nangyari.

"I think the barista is hitting on me," sabi agad ni Keanu pagkaupo n'ya kaya binatukan ko s'ya.
"Ang humble, a?"
"Anong magagawa, pogi ka-date mo, e."
"Akala ko maghahanap tayo ng chix mo? Bigay ko pa number mo sa kan'ya, e," pang-aasar ko sa kan'ya sabay inom ng iced latte ko.
"Edi nawalan ka ng poging manliligaw?"

Nasamid ako sa statement n'ya kaya umubo ako nang umubo. Medyo naka-attract na kami ng attention pero wapakels. Dakshet, mga pinagsasasabi neto ni Keanu!

"Bwisit! May lumabas pa sa ilong ko," asar na sabi ko habang pinupunasan ilong ko. Ajuju ansakit kaya nun! Anlamig pa.
"Bakit ka naman kasi nasamid? It's true though, I'm courting you," confident pa n'yang sabi sa akin.
"Haaaaa? Wala ka namang sinabi, a?"
"Oh. Sinasabi pala 'yun? Edi ngayon alam mo na."

Jusko.

Inuntog ko ang noo ko sa table.

"Keanu Fuentes!" may diin kong tawag sa kan'ya.
"Yes babes?" he enthusiastically asked.

Inuntog ko na lang ulit ang sarili ko sa table.

Walang pag-asa.

*****

"Keanu... ano ngang ginagawa natin dito?" tanong ko sa kan'ya habang sinusuot ang apron na binigay sa amin ng instructor. Nag-shrug lang si Keanu.

Nung pauwi na kami ay may nadaanan kaming baking class. At nag-enroll kami ni Keanu kahit na weekly dapat pumunta for 2 months pero sabi n'ya okay lang daw. Once lang daw kami aattend. Jusko. Rich kiddos and their money.

Isinuot ko sa kan'ya ang hairnet dahil hindi n'ya maisuot. Jusko.

Lumabas na rin 'yung magtuturo sa amin. At shet ang ganda n'ya. Kahit na mukhang nasa early 30s na mukha n'ya e ang ganda pa rin n'ya. Bakit ba ako napapalibutan ng magaganda at gwapong nilalang?? Bakit andami kong name-meet na out-of-this-world ang face??

"Okay. Mukhang prepared na kayo. I-check n'yo 'yung ingredients n'yo kung kumpleto." At ginawa naman namin. "We're going to bake cupcakes today!"

Napatitig ako kay Keanu na nakikinig talaga nang seryoso. Aba. Determined ang babes 'ko' hihi.

Sa utak ko lang s'ya tatawaging babes, okay? Okay.

(Credits hehehe https://www.bbcgoodfood.com/recipes/cupcakes?amp)

"First step, heat the oven to 180C/160C fan/gas 4 and fill a 12 cupcake tray with cases."

Ginawa naman namin 'yun. Okay. Easy pa naman. Kaya pang sundan.

"Are you following me?" tanong n'ya kaya nag-agree naman kaming lahat. "Okay. Now for second step, use an electric whisk to beat 110g softened butter and 110g golden caster sugar together until pale and fluffy then whisk in 2 large eggs, one at a time, scraping down the sides of the bowl after each addition." Pinapakita n'ya rin sa amin 'yung procedure kaya naman hindi mahirap sundan. Nagnanakaw ako ng tingin kay Keanu at abaaa seryoso talaga s'ya.

Pero nahuli n'ya akong nakatingin kaya ngumiti s'ya sa akin.

Nakakamatay na ngiti. Jusko.

Inirapan ko na lang s'ya saka sinubukang mag-focus sa ginagawa ko.

"Babes," tawag n'ya sa akin. Lumingon ako at naramdaman ko ang daliri n'yang nakatusok sa pisngi ko. And worse, andun 'yung mixture sa pisngi ko.
"Dakyu," bulong ko sa kan'ya at pinunasan 'yun. Bumungisngis lang s'ya saka sinundot ang tagiliran ko kaya napakislot ako. "Keanu!!!" pasigaw na bulong ko sa kan'ya pero agad s'yang tumingin sa harapan na parang mabait na estudyante.

Jusko. Gagamitin ko na talaga 'tong mixer sa kan'ya.

"Are you okay miss?" tanong ng instructor namin kaya nag-thumbs up ako. "Everybody done?" tanong n'ya naman sa lahat at mukhang okay na. "Okay then, for the third step, add ½ tsp vanilla extract, 110g self-raising flour and a pinch of salt, whisk until just combined then spoon the mixture into the cupcake cases."

At dahil may instruction naman ay nagagawa ko naman nang mabuti pero dahil si Keanu (babes) ay sobrang cute (insert sarcasm) ay naglagay ng harina sa palad n'ya at inihipan 'yun papunta sa mukha ko. At dahil naasar po si Ziandrina Cortez ay ibinuhos ko sa kan'ya ang natitirang harina. Natawa ako nang malakas nang makitang puro harina na ang ulo n'ya at nagmukha na s'yang lolo. Kumuha naman s'ya galing sa mixture n'ya at ihinilamos sa mukha ko kaya nanlaki ang mata ko. Pero natatawa rin ako kasi nag-eenjoy ako.

Food fight ba ang gusto mo?!?! Itinaas ko ang manggas ko at ready nang ilagay sa mukha n'ya ang mixture ko nang may umubo sa gilid ko.

Uhh oh...

Bakit feeling ko we're in trouble??

"Miss and mister, finish this lesson first then saka kayo mag-food fight." Nakangiti s'ya habang sinasabi 'yun pero bakit feeling ko dinudurog na n'ya ako sa isip n'ya?!?!?! "And as punishment for disturbing the class, you'll clean up, okay?"
"Yes ma'am," sagot ko.
"No ma'am," sagot ni Keanu.
"Excuse me?" tanong ni pretty chef kaya siniko ko si Keanu. Jusko naman, sa dami ng oras bakit ngayon niya pa naisip magbiro??
"Ako na lang po. Zia has nothing to do with this. I was messing with her that's why she's got pissed off. I'm the one who should be punished."

Awww. Na-touch naman ako dun kay Keanu.

"No. Dalawa kayo. Gawin n'yong bonding time. Let's continue now."

Natapos din namin ang bine-bake naming cupcake. And yieee natutuwa naman ako. Parang achievement 'tong nagawa ko.

"Babes, ang kalat ng harina sa mukha mo, o," sabi ni Keanu saka pinunasan ang mukha ko.
"Ikaw rin," sabi ko saka pinagpagan naman ang kalat na harina sa ulo n'ya na kagagawan ko naman na kasalanan n'ya pa rin pero heh! Basta ayun.
"Sana kasama natin si Kevin ngayon 'no?" Hindi ko alam pero bigla ko 'yang nasabi. For a split second walang emosyon ang mukha ni Keanu pero agad din s'yang nakabawi at ngumiti.
"Haha. Yeah, that would be fun. If everything is all right then maybe we can go back here and bug them." He smiled.

Stupid Zia. Bakit mo sinabi 'yun?!

"Okay thank you guys for coming, hoping I'd see you again next week. For you two, clean up."

Huhu inay! Mas nakakatakot s'ya sayo!

*****

Nakahiga na ako ngayon sa sobrang pagod dahil sa pinaggagagawa namin ni Keanu. Putang shet. Andami naman kasing kagaguhan ni Keanu. Parang wala nga akong sinabing kakaiba kanina, e kasi halos hindi na kami natapos kasi iniihipan ako ng harina sa mukha kaya ang ending naggantihan kami at nakita na naman kami ni Miss.

Pero imbes na mainis s'ya sa amin ay tinawanan na lang n'ya kami. Pero masaya ako na nakasama ko si Keanu today.

'Yun nga lang, hindi maalis sa isip ko si Kevin.

Keanu almost babes ni Zia
Active now


23:04

Keanu, musta si Kevin?

Idk. U ask him.

Oo, pinalitan n'ya nickname n'ya

Ehhh.

I really dunno, Zia. You won't know if you're not going to ask him.
Eat the cupcakes I gave to you. I poured my heart in there.
I'm gonna sleep now. Goodnight, babes.
😘😘

Okay????

Abnormal talaga 'to si Keanu.

But I miss Kevin though.

Kinuha ko ang damit ni Kevin sa akin na binigay n'ya sa akin kahapon at tinitigan 'yun.

I don't know but...

my tears fell.

————————

Neko's note: hellooo this is reall coming to an end hehehe. Thank you for reading guys and I really hope that you enjoyed this chapter 💕💕 I'll post the chapter 67 later and that would be the last. After nun, epilogue na. Hehe.

You guys might want to tune in cause I have a gift for y'all. Hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro