Sixty Seven
Sixty Seven
It's been two months simula nang gumala kami ni Keanu at hindi naman kami araw-araw nagkikita kasi pumapasok na ako and he started helping on their (family's) company na.
Ali went back to states to start therapy and I think she is getting better with the help of her psychiatrist. Krista is really happy with Eric. Hindi pa sila pero MU. They like taking baby steps and not rushing things.
Wala akong balita kay Kevin at Sui. Sui unfriended me on Facebook. Kevin deactivated his account. He didn't block me, he really deactivated. Nag-aalala na ako pero sabi ni Pia, alive and kicking naman daw si Kevin. Though kahit magkalapit lang kami ng school e hindi kami nagkikita. Siguro nga mahirap makita ang taong ayaw magpakita. Kasalanan ko naman kasi, e. Bakit ba hinahanap ko pa rin s'ya?
I kept on asking Keanu kung kumusta si Kevin pero madalas sinasabi n'ya na okay lang sila.
Break ko ngayon. 2 hours break at nagkita kami ni Keanu. Kumakain kami ngayon sa Jollibee at katulad ng dati ay head turner talaga s'ya. Dahil may nakakapasok na outsider sa school ay minsan ay hinahatid n'ya ako sa classroom kaya naman pinagtitinginan kami.
"Naalala ko nung nakatira pa ako sa inyo tapos nanggaling kami sa tree house ni Kevin tapos nakita mo kami, akala ko magsasapakan kayo nun, e."
"Hindi ko maalala 'yun."
"Bastaaa 'yung nagtampo ka ata sa akin tapos hindi mo na ako kinakausap kaya nagtaka ako."
"Ah. 'Yung bago mo nakawin brief ko babes?" nakangising tanong n'ya.
"Hayup ka Keanu Fuentes."
"Totoo naman, a."
"Whatever. Edi naalala mo na? Ayun! Akala ko talaga magsasapakan kayo ni Kevin nun, e. Tapos hindi mo na ako pinansin. Tapos naalala ko pa nung first night ko sa inyo, akala ko ansungit ni Kevin kasi hindi ako pinapansin tapos 'yun pala nahihiya lang sa akin." Tumawa pa ako. Ang sarap bumalik sa dati. 'Yung hindi pa complicated. 'Yung masaya pa kaming lahat tapos walang may gusto gusto.
Tumango lang si Keanu.
"Kumusta na pala si Kevin?" tanong ko. Naka-poker face lang si Keanu. Hindi ko mabasa ekspresyon ng mukha n'ya. Keanu talaga hindi mo matantya. May pagka-abnormal, e. Meron ka ba, koya?
"Okay lang."
"Paanong okay? Kumakain ba 'yun nang mabuti? Pumapasok? 'Di ba grade 12 na s'ya?" Tumango lang si Keanu. "Hayyyy. I kinda miss Kevin," I said. Which is true.
Hindi sumagot si Keanu. Pinaglalaruan n'ya lang 'yung plato n'ya. I just shrugged it off. Sabagay, ano nga namang isasagot sa akin ni Keanu?
"Zia, I gotta go," sabi ni Keanu matapos ang ilang minutong katahimikan. Agad din s'yang tumayo at umalis. Ni hindi nga nagpaalam sa akin nang maayos, e.
I just shrugged again.
At least madaming balat ng chicken joy for me.
But deep inside...
I know...
na kung si Kevin ang kasama ko... he won't leave me no matter what.
Kinukuha ko 'yung chicken joy ni Keanu nang bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Putang shet naman. Natatae ba ako? Sa dami ng nakain ko baka natatae nga lang ako.
Shet. Hindi talaga ako mapakali. Feeling ko tuloy hindi ako natatae. Inangat ko ang tingin ko...
Kunot noo kong tinitigan nang mabuti 'yung naglalakad papalapit sa akin. Bakit gano'n?? Parang tumigil 'yung paggalaw ng mundo? Bakit nagkaroon ng ray of sunlight sa kan'ya at bakit parang wala akong nakikita bukod sa kan'ya? Tangina. Tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang tanging nakikita ko lang ay ang paggalaw ni Kevin—ang paglalakad n'ya papalapit sa akin.
Tangina. Dakshet. Putang shet. Dakyu.
Bakit parang pumogi si Kevin?
Kakaiba ang dating n'ya ngayon na nakasuot s'ya ng uniform ng school nila. Wala na ang mala-Korean n'yang buhok. Clean cut na ang gupit ng buhok n'ya at mas lalo s'yang gumwapo sa paningin ko. Parang lumiliwanag s'ya sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Shit.
Umiling ako at tinap mentally ang aking pisngi. Effective naman 'yun dahil nagising ako sa effects ng life kay Kevin. Jusko. May effects din pala sa life hindi lang sa camera ng phone.
Napawi ang ngiti ko nang nakita kong may kumapit sa braso ni Kevin. Shit.
That arm was mine!!!! Ako lang may karapatang kumapit d'yan! Sino ka ba? Ganda ka b—oo ganda s'ya. Huhu. Mas maganda sa akin. Bakit dalawa lang sila?? Looking at them they look like a couple. Nag-uusap silang dalawa at mukhang masaya sila. Tangina naman. Bakit parang may pumana sa puso ko?? Bakit gusto ko na naman mang-away? Gusto ko ata magpalunok ng buto ng chicken joy ngayon, a? Pwede ba makapatay pag pinangsaksak ang buto?
Napahigpit ang kapit ko sa tinidor at napasama ang tingin ko sa kanilang dalawa. Feeling ko may itim na aura na ako ngayon. Feeling ko balot na balot ako nun ngayon.
Ilang metro na lang ang layo namin nang biglang nagkatinginan kami ni Kevin. Agad na rumehistro ang gulat sa mukha n'ya at napahinto sa paglalakad kaya napahinto rin 'yung magandang babae na nakakapit sa kan'ya.
Shit.
Bakit ambilis ng tibok ng puso ko? Ngayon ko lang s'ya ulit nakita. Ngayon ko lang ulit nasilayan ang seryoso n'yang mukha. Gusto kong tumakbo papalapit sa kan'ya at yakapin s'ya. Gusto ko...
Napababa ang tingin ko sa kapit ng pretty girl sa kan'ya at 'yun din ang ginawa n'ya. Agad n'ya iyong inalis.
Sinundan nung pretty girl ang tingin ni Kevin at nakitang nakatitig ako sa kaniya. She smirked.
"Kevs... bakit? Tara na! Gutom na kaya ako!!" sabi nung pretty girl saka hinila s'ya na parang sinasabi na 'Akin siya, bish'. O, edi sa'yo. Dakyu.
Sinundan ko sila ng tingin pero hindi na pala kailangan kasi sa likod ko mismo sila umupo. Parang nananadya. Sobrang bilis na naman tuloy ng tibok ng puso ko. Tangina tangina. Dakshet. Alis na kaya ako??
Baka talaga ipalunok ko sa kan'ya 'yung buto, e. Tanginaaaaa. Dakshet ka Zia. Bakit ka naiinis?! Sino ka ba? Ano ka ba ni Kevin? 'Di ba break na kayo?! You fucking chose Keanu over Kevin
At parang nang-aasar pa 'tong babaeng 'to na kasama ni Kevin at biglang sinabi na...
"So Kevs, naka-move on ka na ba?" Parang gusto kong manapak ngayon ng babaeng maganda. Ilang buto kaya mawawasak sa kamao ko kapag sinira ko mukha nitong pretty girl na 'to?
Tsk. Ayoko man aminin gusto ko ring marinig 'yung sagot ni Kevin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto ko gayong malinaw naman na sa aming tatlo na si Keanu ang pinili ko.
Umubo nang mahina si Kevin. Hula ko ay hinahanap ang boses niya.
"Faith naman, araw-araw mo ba talaga itatanong sa akin 'yan?"
Tumawa nang mahina 'yung Faith—shet ang ganda ng pangalan. Papalit na kaya ako ng pangalan?
"Para maipamukha ko nga kasi sa'yo na wala na, na hindi ka na babalikan ni Zia..." so ibig sabihin hindi pa rin nakaka-move on sa akin si Kevin?! Bakit may kakaunting tuwa na sumisibol sa puso ko?! Tangina naman Zia. Ang landi mo. Bwisit! "at para na rin alam ko kung kelan kita liligawan," dugtong pa niya.
Wait.
Faith...
Tangina ha?
Ang tapang mo naman.
"Baliw ka talaga," sagot ni Kevin sa statement ni Faith.
"Seryoso nga kasi ako sa'yo. Gusto kita. Ako na manliligaw sa'yo. Hayaan mo na 'yang Zia na 'yan. Ano ba kasi ginawa n'ya sa'yo?! For sure it's not your fault cause you are damn perfect! Maliban sa height, anyway ni hindi ko pa nga nakikita 'yung mukha nun, babasagin ko 'yun kapag nakita ko. I'm sure malandi 'yang si—"
"Stop," madiing sabi ni Kevin.
Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko dahil ang sakit ng mga salita na sinasabi ni Faith. Oo na, it's my fault. I'm stupid for letting a perfect man go. Oo, malandi ako. And I am not proud of that. Mali na kinausap ko si Keanu habang may boyfriend ako and it will never be right and it shouldn't be tolerated. Tangina, tanggap ko naman pero bakit ang sakit?
"But—"
"Stop, Faith. Zia is a wonderful woman, hindi mo pa siya nakikilala bakit ang bilis mo mang-judge? Hindi pa ako nakaka-move on, oo and it's because I love her so much that I can't let her go. Don't ever talk to the woman I love like that. I don't hit girls but if you do it again, I'd break my rule about hitting girls just for you." Tangina. Kinilig ako dun nang beri layt, a. Dakyu Kevin! Bakit ang loyal mo till now. "Zia doesn't judge people she doesn't know about, she minds her own business and that is one of the reasons why I love her."
Narinig kong tumayo s'ya kaya napapikit ako nang mariin saka pinunasan ang mga luhang nag-re-racing sa pisngi ko.
"Zia," tawag sa akin ni Kevin kaya bigla akong napatalon dahil sa gulat. Tangina, magkaka-heart attack ata ako dahil sa kaniya, e.
"O?" sagot ko habang nakatungo. I don't want him to see me crying over the words someone I don't know said.
"Look at me," sabi niya pero nanatili akong nakayuko. "Zia..." sabi niya saka umupo para magkapantay ang mukha naming dalawa. "Look at me, please?" Shet. Na-hypnotize na naman ata ako kaya napatingin ako sa kaniya! Nakakainis naman kasi kapag ginagamit niya 'yang boses na 'yan.
Tangina. Parang kami na naman 'yung tao sa mundo. I don't see Faith anymore, si Kevin lang. His eyes are looking at me intently like I am the only woman she sees.
Kevin wiped my tears. Napapikit ako pagdampi ng daliri niya sa pisngi ko dahil sa pamilyar na sensasyon na hatid niya sa akin. 'Yung comfort at safety.
"I'm sorry you heard that. Don't mind what she said, okay? Hindi ka malandi. You chose your happiness and that's the most important thing to me. Hayaan mo lang din ako. Sinusubukan ko nang mag-move on, but if I can't I'll watch you from afar."
Tumango ako saka ngumiti. Kevin will never make me feel bad. He became my assurance. Naniniwala ako agad sa mga sinasabi niya. Unti-unti s'yang tumayo at ibinaling ang tingin kay Faith na nakatingin sa aming dalawa. Exaggeration kapag sinabi kong laglag ang panga niya pero sasabihin ko pa rin. Gusto ko sana siyang ngitian na parang nang-aasar but I decided not to. She probably feels shit.
"Faith, mag-sorry ka kay Zia."
Hindi siya nagsalita, iniwas niya lang ang tingin niya saka nagmadaling umalis. I just shrugged. She's forgiven. Nasaktan man ako, I know sinabi niya lang 'yun dahil gusto niya si Kevin.
"Sorry. Mabait naman 'yun si Faith, hindi lang ngayon. Crush ako niyan, e."
Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya nang mataman.
"Tingnan mo Zia, patay na patay sa akin 'yun si Faith pero ikaw pa rin mahal ko. Balik ka na kasi. Hindi na ako galit." My heart skipped a beat. Idinaan ko na lang sa tawa ang naramdaman kong 'yun kahit na ang seryoso ng mukha niya. Pero mabuti na lang at tumawa rin siya kasi kung nanatili siyang seryoso... maybe... perhaps, I'd consider it.
Pero... teka...
Bakit magkasama sila? Parang nabasa ni Kevin ang nasa isip ko. Kinamot niya ang kaniyang batok saka nahihiyang ngumiti.
"My friends dared us to go on a date," sabi niya saka tumungo.
Hindi ako sumagot. I am happy na tinutuloy nya ang life niya even if it means he is going to live that life without me.
He leaned into me then whispered something:
"Kapag binalikan mo ako, I'd accept you, tanga ako, e," sabi niya saka nginitian ako.
Hindi ko siya sinagot. Nanatiling nakaawang ang bibig ko. Shet.
"Well... Zia, I gotta go," Kevin said then smiled. Nakikita ko sa mukha niya na gusto niyang pigilan ko siya but I didn't. I've hurt him enough and I can't risk hurting him again.
He's walking... he's walking so slow. Away from me.
I don't know why I feel pain in every step he takes. Ayoko siyang saktan pero bakit gusto kong bumalik siya? My mind is a mess. I am starting to feel that I didn't do the right thing like I thought.
He finally went away. My perfect man went away and never looked back. Ang sakit.
Tangina, Zia. Bakit ganiyan ka?
*****
"Zia, right?" Napakunot ang noo ko nang may marinig akong nagsalita sa labas ng cubicle. Parang gago naman 'to.
"Bakit?" tanong ko. "Hindi ba makakapaghintay 'yan?" dugtong ko pa. Bigla niyang sinipa ang pinto kaya nagulat ako.
Muntanga naman. Natatae ba 'to si ate? Hinayaan ko na lang siya at inenjoy ang pag-ihi ko kaysa naman ma-stress sa kakaisip dito sa kung sino man 'tong nasa labas. Tsk. Kung natatae siya tumae siya dun sa lababo, hindi 'yung naninipa siya ng pinto.
Paglabas ko sa cubicle ay nakita ko si Faith sa tapat ng salamin.
"Oy," tawag niya sa akin. Angas mo naman. Huhu hindi bagay sa face mo. Amo kaya ng mukha mo.
"O?" sagot ko naman. Syempre dapat kong pantayan ang level ng pagiging attitude niya.
Nag-roll eyes si Faith. Saka bigla akong sinampal. Napahawak ako sa kanan kong pisngi saka tumingin sa kaniya.
"Gago ka ba? Bat nananampal ka riyan? Dakyu 'to sumbong kita kay inay, e." Gagu ang lakas nun. Huhu. Hindi na nga ako pinapalo ni mama simula nung nag-college ako tapos nananampal siya diyan!
"That's for hurting Kevin!"
Tumango ako. Okay.
Hinarap ko sa kaniya ang kaliwa kong pisngi.
"If that would make you happy, if that would avenge Kevin for being hurt. Go! You can slap me all you want," offer ko sa kaniya nang nakangiti.
Sinampal niya pa ako ng isang beses. Namanhid ang mga pisngi ko pero tingin ko kulang pa rin ang sampal na binigay niya sa akin.
I tried to maintain my smile
"Hurt me as much as you want, Faith."
Umamba siyang mananampal kaya napapikit ako. Walang sakit. Sobrang namamanhid na ba talaga ang mga pisngi ko kaya hindi ko na naramdaman?
Dumilat ako. Nakababa na ang mga kamay niya at nakayuko siya. Kita ko na rin ang mga tumulo niyang luha.
Bakit naiyak siya? Nalipat ba sa kaniya 'yung sakit ng sampal niya sa akin? Parang ewan din talaga 'tong si Faith, e.
"Hala, bakit ka naiyak?" tanong ko para masagot na rin ako kasi wala namang mangyayari kung tatanungin ko sarili ko 'di ba?
Hindi siya sumagot at nanatili lang siyang nakayuko at umiiyak. Tumataas-baba ang kaniyang mga balikat tanda na iyak talaga siya nang iyak.
"Hala, uy... baka isipin nila inano kita. Ikaw nga nanampal sa akin, e." Hinawakan ko ang mga balikat niya pero inalis niya 'yun. "Ay, ang attitude mo naman, teh." Pero kahit na ganoon ay niyakap ko na lang siya.
Wala lang, feeling ko kasi mabigat nararamdaman niya para umiyak sa harap ng isang medyo stranger na sinampal niya at thrineaten niyang babasagin mukha.
All of us have our story to tell. Some tells it to ease the pain... but most of the time, they hide it until they can hide it no more and break down. That is why, even though Faith hurt me earlier, I know that she has a reason.
Medyo tinutulak niya pa ako at nagpupumiglas pa siya kaya naman lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. Maliit kami pareho pero mas matangkad siya sa akin ng beri layt.
"Shhh... you don't have to tell me why, just let it out," I whispered while rubbing her back.
"Bakit kasi ikaw pa?" tanong niya sa akin habang umiiyak. "Bakit hindi na lang ako? Bakit ikaw pa rin mahal niya? Tangina naman, ako palagi 'yung nasa tabi niya pero bakit ikaw pa rin laman ng isip niya? Ano bang ginawa mo? And why? Why did you decide to leave Kevin kahit na alam naman nating mahal mo siya?"
'Yung huling tanong niya... parang nabingi ako.
"The way you looked at him earlier... kung paano mo siya tingnan kanina nung nakahawak ako sa kaniya, I can sense that you miss him, I can sense that you are jealous that you want to kill me. Akala ko nga na-love at first sight ka na lagi namang nangyayari but when he called you Zia, it made sense."
Ramdam ko ang pagtulo ng luha niya sa balikat ko. Naaawa ako kay Faith.
"He was a fucking robot, Zia. He seems heartless, emotionless, but he's a good guy. Nakita ko na siya pala 'yung nag-iiwan ng notes sa tables namin kapag may quizzes, that's why I know na he's a good guy. So if he is indeed the good guy that I have known, why did you leave him?!?! Bakit?!"
Hindi ako nakasagot.
Itinulak niya ako nang bahagya. Tiningnan ako sa mata nang seryoso. Punong-puno ng luha at sipon ang kaniyang pisngi pero kita ko sa mga mata niya na seryoso siya.
"Nung tinawag ka niya, dun ko lang narinig 'yung gano'ng boses... puno ng pagmamahal. Hindi ko pa naririnig 'yun galing sa kaniya. He became different person when he talked to you, he became transparent. It is like you've opened him. Ramdam kong mahal na mahal ka niya Zia, gano'n ka rin sa kaniya. Pero tangina, ano bang pumipigil sa'yo?"
Napahakbang ako paatras.
Naguguluhan ako.
Sarisaring emosyon ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko 'yun gusto.
Mali ba ako ng piniling desisyon?
Mali ba na si Keanu ang pinili ko?
"Sumama ka sa akin," sabi ni Faith saka hinila ako. Paglabas namin ng cr ay nakatingin sa amin 'yung crew kasi hello, bagong iyak siya. "Yeah, hindi out of order," sabi ni Faith saka umalis.
Wow, Faith is such a badass.
*****
"Faith, may class ako."
"Wala akong pake. Sumama ka sa akin," sabi niya at hinila lang ako.
"W-where's Kevin?" I asked pero hindi siya sumagot.
Uhm...kay. I'll shut up na nga 'di ba?
Nandito kami ngayon sa isang karaoke.
"Uhm?? Anong ginagawa natin dito?" tanong ko pero hindi siya sumagot.
Pagbayad niya ay dere-derecho na kaming pumasok sa isang room. Umupo na kaming dalawa. Kukunin ko na sana 'yung song book pero pinalo niya kamay ko.
"Aray naman! Nakakailan ka na, ha? Hinayaan na nga kitang sampal-sampalin ako kanina. Anong gagawin natin sa karaoke kung hindi naman pala kakanta?"
"Tsk. Wala akong maisip na lugar na pwede nating puntahan na walang makakaistorbo, e."
Katahimikan...
"Bakit hindi mo sinagot tanong ko?" tanong niya pagtapos ng mahabang katahimikan. Sabagay, sayang din kasi oras. Siya pa naman nagbayad.
I sighed.
"Baka sampalin mo na naman ako, e."
"Tsk. I'll try not to. Bakit mo iniwan si Kevin kung mahal mo pala siya?"
Hindi ako sumagot.
"I don't know anymore. Hindi ko alam kung mahal ko si Kevin."
"Wow? Sinong niloko mo? Tangina, kung makatitig ka kay Kevin kanina ang lagkit, e. Kung makatingin ka naman sa kapit ko sa kaniya akala ko puputulan mo na ako ng kamay tapos hindi mo alam kung mahal mo siya?"
"Mahabang kwento."
"We've got time, darling. Dami ko kaya pera. Bilhin pa kita, e."
Hindi ako sumagot.
"To make it short. Childhood friend ko si Kevin but they went to state then they came back here. Una ko na-meet si Keanu... kuya niya."
"May kuya si Kevin? Hindi niya nasabi."
Na-guilty naman ako kasi feeling ko galit si Kevin kay Keanu dahil sa akin.
"Yeah. And then na-in love ako sa kuya niya but he rejected me. So Kevin became my shoulder to cry on. Niligawan niya ako and all. Alam ko, mahal ko na siya e. Kaya sinagot ko. Kaso bumalik si Keanu..."
"And you chose his kuya over him?"
Kinagat ko ang labi ko saka tumango.
"Malandi ka nga, Zia. Indecisive pa."
Para naman akong sinaksak sa sinabi niya. Faith is not just badass she's also straightforward as hell.
"But... love makes us stupid. Sometimes, love makes you believe that you love someone because of certain feelings. You have to distinguish the difference between love and infatuation."
Nakatingin lang ako sa kaniya. At her age, she knows a lot about love.
"You are stupid as fuck. I don't know you for long pero gusto na kita sapakin ngayon. Mahal ko si Kevin, sobra. At naaasar ako dahil bobo 'yung babaeng mahal niya. Pero mas naaasar ako sa sarili ko kasi mahal ko pa rin siya, at ngayon, tinutulungan ko 'yung babaeng mahal niya na ma-realize ang feelings niya."
Napaawang ako ng bibig. Hindi ko siya maintindihan.
"Hindi naman kasi laging masaya sa love. Quick question, who makes you feel safe all the time?"
"Kevin," I answered without hesitation. Although Keanu makes me feel giddy all the time, Kevin never makes me feel safe.
Hindi naman siya nagulat sa sagot ko.
"You see, love is not all about hearts beating so fast or the butterflies in the stomach. It is also letting someone see your bare naked self, your own soul without any hesitation. Love can make you feel safe, a person you love will make you feel safe with just his presence. With him, you feel that everything is okay, that you can face your problems as long as he's there. Now, Zia, who do you love?"
I stood up... went out.
————————
Neko's note: it's finally ending. ❤️❤️ Epilogue will be posted tomorrow. Indefinite time. Hehe. Salamat sa lahat guys. Sorry antagal ng update.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro