Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sixty Four

Chapter Sixty Four

"Anyare?" tanong sa akin ni Krista pagka-alis ni Kevin. Napa-buntong hininga na lang ako at napasandal sa pader.

Tumango s'ya saka lumabas na ulit. Tingin ko nage-gets naman niya ang hindi ko pagsagot. Nakasuot s'ya ng apron kaya hula ko ay nagluluto s'ya. Naghilamos at nag-toothbrush naman ako. May extra gamit kasi sila Krista palagi for visitors.

Dumerecho ako sa dining area nila at kita ko dun na nagluluto si Krista. Wala sila maid. Ayaw ni tita.

"Saan si tita at tito?" tanong ko nang mapansin na tahimik ang bahay.
"Pinalayas ko," sagot n'ya. Tumawa ako dahil dun.
"Saan nga?" Nag-shrug lang s'ya kaya hinayaan ko na.

Tahimik lang kaming kumakain. Hindi ko rin alam sasabihin ko. Masyado kong iniisip kung sino pipiliin ko sa dalawa. Pwede bang mamili ako tapos walang masaktan? Kaso hindi pwede, e. Hindi ko nga alam kung sino ba 'yung dapat kong piliin sa kanilang dalawa.

Si Kevin...

Pinaniwala ko lang ba talaga ang sarili ko na naka-move on na ako kay Keanu? Ginamit ko lang ba talaga si Kevin para magkaroon ng paglalaanan ng oras para hindi ko maisip si Keanu?

Naka-move on na ba talaga ako?

Ang hirap.

Paano ba ako napunta sa sitwasyon na ganito? Bakit pa sa akin nangyari 'to?

"Bey?" Nagising ako sa pag-iisip nang naramdaman ko ang paghawak ni Krista sa braso ko.
"Sorry, ano 'yun?"
"Okay ka lang ba?" Kita ko ang pag-aalala sa mukha n'ya kaya naman tumango ako. Mukha naman s'yang hindi convinced kasi pinasingkit n'ya 'yung mata n'ya.

Itinaas ko ang dalawa kong kamay bilang tanda ng pagsuko.

"Oo na, oo na. Hindi ko na kasi alam kung ano gagawin ko," sabi ko saka ginulo ang magulong buhok ko by default.

Tumango lang s'ya.

"Alam mo 'yun? Ang hirap mamili sa kanilang dalawa. Hindi ko kayang timbangin, hindi ko kayang manakit."
"Bey, dahil gan'yan ka mag-isip ibig sabihin may nararamdaman ka pa rin kay Keanu. Paano si Kevin n'yan?"

Napatungo ako... hindi ko rin alam. Hindi ko na alam. Parang gusto ko na lang tumira sa Antarctica kasama 'yung mga penguins. Buti pa sila, pa-slide slide na lang sa yelo.

Sana ako rin, slide slide na lang para makaiwas sa problema ko ngayon.

"Hindi ko na alam." Tumayo ako saka nagpaalam. Hinayaan lang ako ni Krista. Malamang alam n'ya na kailangan kong mapag-isa.

Umuwi ako sa bahay namin nang lutang. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi nang wala ako sa wisyo ko. Para akong nawalan ng utak.

"Anong ginawa mo kila Krista?" bungad sa akin ni inay na nakapamewang pa.
"Wala lang nay. Akyat muna ako," walang gana kong sagot sa kan'ya saka umakyat na.

Maging si inay ay hinayaan lang ako.

Now what?

Nakahiga ako ngayon at nakatitig sa kisame ko. Ano ba dapat gawin ng mga taong torn sa dalawang tao?

At bakit kailangan kong mamili sa kanila? I love Kevin. I really do. Why do I still need to choose between them?

Napailing ako.

Agad na tumayo.

Tangina. Maglilinis na nga lang ako ng kwarto.

Pia's Point of View

Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong humahagulgol sa kwarto ni Zia.

Tangina.

Wala s'ya rito 'di ba??? Nakila Krista s'ya 'di ba?

Sa sobrang takot ba n'ya naka-attract na s'ya ng mga masasamang elemento? Ramdam ko ang biglang panlalamig at panginginig ko kaya naman tumayo ako nang matuwid.

Ano na lang sasabihin ng abnormal na si Sui kapag nalaman n'yang duduwag-duwag ako sa multo 'di ba?

Tiningnan ko ang orasan at napansing alas kwatro pa lang ng hapon. May multo ba ng ganitong oras? Akala ko gabi at madaling araw lang. Pati pala sila hindi na namimili ng timeslot ng pananakot?

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto ng ate ko. Sa totoo lang, nakakatakot 'yung naririnig ko kasi parang kung ano man 'yung umiiyak na parang pinipigilan n'ya 'yung pag-iyak pero hindi n'ya magawa. Gano'n ba kapag white lady??

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Itinulak.

Wala akong nakitang multo o maligno. Mukhang halimaw meron.

'Yung kapatid ko, nakayakap sa hotdog na unan habang umiiyak. Kita kong magulo ang magulo by default n'yang room. Kalat-kalat ang mga gamit n'ya sa sahig at kama n'ya.

"Ate..." halos wala nang lumabas na boses sa mga labi ko. Sobrang naaawa ako sa kan'ya ngayon. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari.

Lumapit ako sa kama n'ya. Kita ko ang nakakalat na litrato nila ni Kevin sa kama n'ya.

Umupo ako sa gilid ng kama n'ya saka hinawakan ang braso n'ya. Nagulat ata s'ya kasi medyo napatalon pa 'yung katawan n'ya.

Bahagya s'yang tumigil at saka pinunasan ang mukha n'ya. Umupo s'ya sa kama n'ya pero nakatalikod sa akin.

"Bakit?" Halos matawa ako dahil sa boses n'ya. Hahahahaahahahaha barado kasi ilong neto for sure kaya parang ngongo s'ya magsalita.
"Umiiyak ka?" tanong ko kahit na obvious naman. Hindi ko naman kasi alam kung ano sasabihin sa kan'ya ngayon.  Ni hindi ko nga alam kung ano problema n'ya, e. Ikaw ba anong gagawin mo kung nasa posisyon kita??

"Hindi... napuwing lang."

?????

Halos batukan ko na s'ya dahil sa sagot n'ya. Hindi n'ya ba alam kung gaano kagasgas 'yang sagot n'ya na 'yan?????

"Napuwing ka." Inulit ko 'yung sinabi n'ya para naman ma-realize n'ya na hindi talaga convincing 'yung sagot n'ya.

"Hindi. Oo hindi. Nagbabasa kasi ako ng Stay Awake Agatha."
"Okay."
"'Yun nga talaga."
"Okay nga."

Kukulit din ng mga 'to, e. Kapag okay na sa'yo ayaw pa rin maniwala. Mga abnormal talaga.

Pero hindi naman talaga ako naniniwala sa totoo lang.

Kita ko ang hirap sa mukha ng ate ko. Gusto ko sana s'ya tawanan kasi ampanget talaga ng mukha n'ya... hindi ko na nga napigilan ang halakhak na kanina ko pa pinakakawalan. Asar na asar s'yang tumingin sa akin nang masama kaya lalo akong natawa. Napapalakpak pa ako sa sobrang saya ko at halos sumakit na 'yung tyan ko.

"Dakyu," asar na sabi n'ya. Nag-roll eyes pa ang gaga. Ganda ka????

Ay. Oo. Ganda nga pala s'ya. Dalawang hot fafa ba naman 'yung may gusto sa kan'ya aba.

At oo, alam ko na mali ako ng pagkakakilala kay Keanu. Akala ko si ate na pipiliin n'ya pero hindi pa rin pala. Tanga lang n'ya. Ayan tuloy, nagkasundo kami ni Sui na #KeRina dapat ang mag-sail na ship. Kung kailangan namin paliparin si Keanu sa moon para hindi maging sila e gagawin namin.

"Ano problema mo?" I tried to act cool para naman hindi n'ya isipin na concern ako sa kan'ya. Baka akalain n'ya pa na I'm starting to warm up to her no. Mamaya matuwa pa s'ya ako naman hindi.

Humiga ulit s'ya sa kama saka bumuntong hininga.

"'Yung kwarto ko. Kahit anong linis ko magulo pa rin, e." Kahit na alam kong nagbibiro lang s'ya e hindi ko mapigilan na mapasimangot.
"Paano naman kasi aayos 'yan kung 'yung bawat picture na makita mo iiyakan mo?!" asar na sabi ko sa kan'ya.
"Dakyu, alam mo 'yun?"

Hindi ko s'ya sinagot at saka nagsimula nang magligpit.

Nakikita ko na masaya 'tong kapatid ko kay Kevin kaya hindi ko alam kung bakit s'ya nagkakaganito. Ramdam kong tunay ang pagmamahal n'ya kay Kevin at gano'n din naman s'ya kay Zia. Anong nangyari bakit s'ya nagdalawang isip at nag-iiiyak sa pictures nilang dalawa. Muntanga lang. HAHAHA

"Zia, alam mo namang andito lang ako para sa'yo 'di ba?" Nilingon n'ya ako at saka nagbigay ng matipid na ngiti. Hindi ko s'ya maintindihan.
"Oo. Nga pala, 'wag mo na ako tulungan. Kaya ko na 'to." Napatigil ako sa pagsu-shoot ng labahan n'ya.
"Ha?"
"Labas na. Kaya ko na 'to."

Dahil masunurin ako... at rumerespeto ng privacy ng iba, lumabas na ako. Pero joke lang 'yun, agad kong dinikit ang tenga ko sa pinto ng kwarto n'ya.

Nakarinig ako ng mga kalabog at mahihinang hikbi galing sa kwarto n'ya kaya agad ko 'yung binuksan.

"Zia naman, e." Napapadyak na ako ng paa ko sa sobrang inis ko sa kan'ya. Bakit ba kasi n'ya pinahihirapan ang sarili n'ya??!
"Hindi ko na alam gagawin ko, Pia. Ang sakit-sakit na." Ramdam ko ang hinanakit n'ya sa boses n'ya. Kahit naman gaga ako hindi ko pababayaan kapatid ko 'no. Kahit naman panget s'ya at maganda ako, hindi ko pa rin s'ya itatakwil.

Oo, magkamukha kami pero s'ya 'yung panget na version ko. 'Wag n'yo na isipin kung paano 'yun. Hindi rin alam ni Neko.

Niyakap ko s'ya saka hinimas ang likod n'ya na paraan para patahanin s'ya. She cried like a baby and I didn't regret a thing comforting her like this.

*****

"Okay. Tangina, ano sa tingin mo nangyari?" bungad ko kay Sui nang sagutin n'ya ang tawag ko.
"Hello din Pia. Kamusta naman ako, Pia? Pakyu ka rin, e. Wala ka talagang manners. Busy ako," aniya kaya napa-roll eyes ko.
"Ano nga?"
"Saan ba?"
"Parang gago kasi 'tong kapatid ko, iyak nang iyak. Ano sa tingin mo nangyari?"

Matagal na hindi sumagot si Sui kaya naman tinitigan ko lang si Zia na natutulog ngayon.

"Baka dahil kay Keanu?" patanong na sagot n'ya.
"Akala ko ba mahal n'ya si Kevin?"
"Minsan nagkakaroon tayo ng maling akala kasi 'yun 'yung gusto nating makita—joke. Oo halata namang head over heels 'yan si Zia kay Kevin 'no. Hayaan mo lang, baka nanuod ng Hachiko kaya nagkagan'yan."
"Leche ka. Wala ka talagang kwenta kausap."
"Meron naman, sa iba. Namimili kasi ako ng kauusapin nang maayos. Hihi. Adios."

Halos maibato ko ang cellphone ko sa sobrang inis nang binabaan n'ya ako ng telepono.

Nakita kong umilaw ang cellphone ni Zia at nakita ko ang text mula sa unknown number.

09123456789

Zia, are you okay now?

Dahil pakialamera ako... tiningnan at binuksan ko ang text. Buti walang password 'yun. Nang mabasa ko ang naunang text ay nanlaki ang beautiful eyes ko dahil sa gulat.

Pakshet ka Alibali! Kapag ikaw ang dahilan kaya nagkaganito ang kapatid ko itatapon talaga kita sa Taal! Sisiguraduhin kong matutunaw ang gorgeous face mo!

Zia's Point of View

Nakaramdam ako na may humahaplos sa mukha ko. I feel so safe. Nakapikit man ay alam ko na si Kevin 'to. Si Kevin lang naman nakakapagparamdam sa akin neto. I smiled. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero ang bigat nila na parang hindi ko magawa na idilat.

"Namamaga mata mo, mahal. Anong nangyari?" Halata sa boses ni Kevin na nag-aalala s'ya sa akin kaya hindi ko maiwasan na masaktan. Parang tinutusok ang puso ko sa paraan ng pagtanong n'ya sa akin kaya kahit mahirap, sinubukan kong ngumiti.
"Si Cooper kasi, namatay."
"Sino 'yun?" kunot-noong tanong n'ya. Napangiti ako nang genuine dahil kita ko na naaasar s'ya.
"Bebe ko," sagot ko sa tonong nang-aasar.
"Bebe mo???? Mas pogi ba 'yun sa akin? Mas hot? Mas sweet? Funny? Caring?"
"Oo. Oo. Oo. Oo. At oo." Hindi ko maiwasang mapatawa dahil sa inaakto n'ya. Pinisil ko ang ilong n'ya na parang lalabasan na ng apoy. "S'ya man ang bebe ko, ikaw naman ang mahal ko." Abot tenga ang ngiti ko nang sinabi ko sa kan'ya 'yun.

But I can't help to wonder... do I really love Kevin if I feel this way with Keanu?

"Tsk. Siguraduhin mo lang na mas pogi sa akin 'yun, a."

Hindi ko na s'ya pinansin saka pumikit ulit. Naramdaman ko na humiga s'ya saka niyakap ako. I feel the blood rushing in my cheeks.

"I love you," bulong n'ya sa akin. Ghaaad. Ambilis ng tibok ng puso ko. Badtrip naman 'to si Kevin. Huhu.

Pero kahit na gano'n, I still felt safe in his arms.

*****

Alas onse na at wala na si Kevin. Hindi ko alam kung ramdam ba n'ya na nagkakaganito ako dahil sa kuya n'ya at sa kan'ya o magaling lang talaga ako magpanggap. Nagpaalam ako sa kan'ya na matutulog na ako pero heto ako nakatitig sa kisame ko at walang iniisip na kahit ano.

Shet na life 'to. Akala ko talaga awesome kapag bet ka ng two handsome boys pero hindi pala. Sobrang nakaka-stress.

Napaupo ako. Pota talaga! Dakyu life! Isa kang malaking dakyu. 'Wag lang talaga papakita 'yang life sa akin kung hindi makikipag-boxing talaga ako. Yayayain ko talaga ng sapakan 'yan!

Huminga ako nang malalim. Punyeta! Lilinawin ko na ang dapat linawin ngayon. Tsk. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Keanu through messenger. Agad naman n'ya itong sinagot.

"Zia?" Dugdug. Dugdug. Hindi ko pinansin ang puso ko na parang nagwawala na.
"Clubhouse. 10 minutes from now," mabilis kong sabi saka ibinaba ang tawag.

Naghilamos ako para mahimasmasan ang sarili. Okay. This is it. After neto kailangan alam ko na kung ano gagawin ko. I'll have to deal with it, masakit man o hindi. Pagtapos nun, ay agad kong isinuot ang jacket ko at dahan-dahang lumabas sa bahay. Naglakad ako papuntang clubhouse. Napaisip tuloy ako, bakit eto meeting place namin? Lol.

Pagdating ko dun ay nakakita ako ng pigura at alam kong si Keanu 'yun. Huminga ako nang malalim saka nilapitan s'ya. Bawat hakbang ay parang sumasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Tangina, teka lang. Pwedeng 'wag na lang pala??? But I was born a matapang kaya lumapit pa rin ako kahit na sobrang gusto ko nang umatras.

Nang may sapat na kaming distansya ay napalingon s'ya sa akin. Baka naramdaman na n'ya 'yung presensya ko kahit na hindi naman ako multo.

"Zia..." Ayan na naman s'ya. Puro Zia na lang ba lalabas sa bibig n'ya? Tumango ako. "Bakit?" tanong n'ya sa akin.

Napatitig ako sa kan'ya. Halata ko na wala s'yang tulog dahil sa mata n'yang puro eye bags. Pumayat din s'ya simula nang huli ko s'yang nakita. Kita ko rin ang lungkot sa mukha n'ya pero kahit na ganun aminado akong pogi pa rin s'ya. Tsk.

"Musta ka na?" tanong ko na lang para hindi ganoon ka awkward 'di ba?
"Nagsisisi... nanghihinayang." Halos wala nang boses na lumalabas sa mga labi n'ya pero nakatitig pa rin s'ya sa mga mata ko.

Guess it is inevitable. Mukhang 'yun at 'yun talaga ang pag-uusapan namin.

"Daldal ni Allison, madami s'yang sinabi sa akin, a." Nahihirapan man ay sinubukan kong gawing light ang atmosphere.
"Setup 'yun. Gusto n'ya na mag-usap tayo but I think all the things she said are real."

Katahimikan.

"Bakit mo ba kasi ako ni-reject, Keanu?" Napasigaw na ako, lahat ng sakit bumabalik sa akin. Sino ba naman kasi ang matinong tao na man-rereject tapos babalik. Gagu ba u??
"Babalik na naman ba tayo d'yan?" Kahit na tumataas na ang boses ko, nanatili s'yang kalmado. He's like dead.
"Oo. Tangina, balikan natin lahat!"

Hindi s'ya sumagot agad. Yumuko s'ya at ako naman ay naiiyak na.

"Kevin likes you. He liked you first. Hindi kita pwedeng agawin sa kan'ya. Ako 'yung kuya, e."

Hindi agad ako nakasagot dahil sa sinabi n'ya.

"Zia, ang kapal naman ng mukha ko para kunin ka sa kan'ya. He has liked you for years pero ako ngayon lang. Wala akong karapatan na i-accept ka because he deserves you. You deserve him. Kahit na gusto ko nang i-accept 'yun hindi pwede. Hindi ko kaya."
"E bakit ngayon bumabalik ka? Masaya na ako, e. Masaya na kami." Garalgal na ang boses ko dahil sa pag-iyak. Tangina, akala ko wala nang lalabas na luha pero pucha traydor kayo.
"Hindi ko rin pala kaya na masaya ka sa kan'ya. Gusto kita ipaglaban. Gusto ko ipaglaban ang nararamdaman ko na hindi dahil ilang buwan pa lang tayo magkakilala ay hindi na pwede."

Lumuluha lang akong nakatingin sa kan'ya. Tangina, pagod na ako.

"I realized that time won't measure the validity of your feelings. It won't matter if you've known the person for a day, if it's love, it will be love. I'm sorry for doing this to you. Akala ko I am strong enough—"
"Tangina Keanu, hindi ka malakas. Bakit? Did you save the world from acting tough and strong? You just made yourself suffer."
"Thats what I deserve"
"How about me, Keanu? Did I deserve that? Do I deserve to be hurt?"

Nakaawang lang ang bibig n'ya dahil sa tanong ko. Tangina, ubos na luha ko. Magrefill muna ako ng tubig sa swimming pool. May ihi pa 'yun.

"Answer me Keanu! Deserve ko bang masaktan kasi akala mo matapang ka? Kasi akala mo kaya mo?!" Lalong tumataas ang boses ko. Ilang beses ko na ring pinunasan ang luha ko pero hindi pa rin sila tumitigil sa pagbaba. Tangina. Lalagyan ko na 'to ng sahuran.

"No. I'm sorry Zia. Hindi ko na kayo guguluhin."
"Ginulo mo na kami Keanu, ni hindi ko nga alam why do I keep thinking about you." Pinunasan ko ulit ang mga luha ko. "Mahal mo pa ba si Allison?" Umiling s'ya agad.
"Hindi na. Pinilit ko pero wala na... ikaw na talaga."

Tangina. Bakit bigla na namang mag paruparo sa tyan ko?! Bakit kinilig na naman ako???

"Paano s'ya?" I asked talking about her condition.
"We talked about it. Mag-coconsult na s'ya sa psychiatrist." Tumango naman ako. At least, there are good things na nangyari. "Zia, mahal na talaga kita." Shit. Ayan na naman 'yung puso ko. Tangina, may boyfriend ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko?? Kita ko ang sinseredad ng mga mata n'ya.

Napaatras ako at agad akong tumakbo pauwi kasi...

... baka sabihin kong mahal ko rin s'ya at hindi tama 'yun.

*****

"Zia, lumabas ka na nga d'yan. Para kang gago, e!" Sunod-sunod ang pagkatok sa pinto ko pero nagpanggap akong walang naririnig.

Itinakip ko sa mukha ko ang unan na parang nakakatulong 'yun kahit hindi naman talaga.

Hinang-hina na ako kasi halos hindi na ako kumakain. Halos hindi ko nababawasan 'yung iniiwang pagkain sa akin ni Pia. Nag-iiwan lang s'ya ng pagkain nitong nakaraang araw. Dalawang araw na akong nakakulong sa kwarto ko at hindi lumalabas mula nang mag-usap kami ni Keanu.

Nag-aalala na rin si Kevin. Hindi ko rin s'ya pinapapapasok. Lagi s'yang nasa kabilang side ng pinto at kinakausap ako kahit na hindi ako sumasagot. Minsan ay kinakantahan n'ya ako na nakakapagpatunaw ng puso ko. Alam naman nila na alive and kicking pa rin si Zia Cortez kasi nababawasan naman 'yung iniiwan nila.

Tangina naman kasi. Life, dakyu ha? Bakit kailangan kong maging ganito?

Nakailang text na sa akin si Keanu. Sorry nang sorry. Wala akong sinagot sa kahit na kaninong text at chat.

Napatitig ulit ako sa kisame. Wala na akong magawa kundi ang tumitig sa kisame at timbangin kung sino'ng mas gusto ko. Tangina naman.

Napasandal ako sa pader ko at napaisip...

Duck...

Oo, ayaw ko lang tanggapin pero...

mukhang mahal ko pa rin talaga si Keanu.

'Yung katotohanan pa lang na pinag-iisipan ko kung sino ang gusto ko... kung si Kevin ba o si Keanu.

Alam ko na nung una pa lang na it's Keanu who I really love kasi nararamdaman ko pa rin 'yung dati.

Kinuha ko ang cellphone ko. Nanginginig na tinype...

"I'm breaking up with you."

—————————

Neko's note: sana nagawa ko nang maayos :(((( and sorry dahil antagal na walang update huhu. I'm not okay ngayon, seryoso. :( pinilit ko lang kasi sobrang tagal nang walang ud. Anddd I hope you enjoyed this chapter and you didn't drop it. Sa mga readers/friends ko na nandito pa rin kahit antagal ko mag-ud mahal ko kayo. Salamat!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro