Sixty Five
Chapter Sixty Five
Binura ko ang kinompose kong text saka pinukpok ang ulo ko nang madaming beses.
Huminga ako nang malalim saka kinuha ulit ang cellphone ko. Nanginginig na naman ako habang nagta-type sa cellphone ko. Hindi ko kayang makipag-break kay Kevin nang harapan. Hindi ko kaya.
"Kevin... I'm sorry. Let's break up."
I hit send.
Binato ko ang cellphone ko palayo sa akin at wala akong pakialam kung masira 'yun. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha galing sa mga mata ko.
I ended it. Ako mismo nakipag-break bakit nasasaktan ako? Bakit ayaw tumigil ng mata ko sa kakaiyak???
"ZIA???! TANGINA ZIA BUKSAN MO NA 'TO."
Narinig ko ang sigaw ni Kevin sa pinto ko. Nagmamakaawa s'ya at lalo akong napahagulgol doon.
"Kevin? Ano ba 'yan?" Narinig ko ang tanong ni inay.
"Tita. Parang awa mo na... sisirain ko na 'tong pinto ni Zia tita. Kailangan ko s'yang makausap."
"Kev—teka... Kevin anak. Tumayo ka riyan. 'Wag kang lumuhod."
Lalo akong napahagulgol sa narinig ko sa kabilang side ng pinto.
"Tita... sige na babayaran ko na lang. Kailangan kong makausap si Zia." Halos hindi ko na marinig ang boses n'ya dahil nagsisimula na 'yong humina. Ramdam kong umiiyak s'ya.
What have I done?
"Zia? Anak. Buksan mo na 'tong pinto mo. Sige na." Katok nang katok si inay kaya napabangon na rin ako. Binuksan ko nang dahan dahan ang pinto. Agad na itinulak ni Kevin iyon at niyakap ako. Mahigpit. Sobrang higpit na parang ayaw n'ya akong pakawalan. Nakapatong ang ulo n'ya sa balikat ko at nararamdaman ko ang pagbasa nun dahil sa luha n'ya. Maging ako ay napaiyak na rin. Umalis din agad si inay para siguro bigyan kami ng privacy.
"Ano 'yun, mahal? Prank ba 'yun?" Nakayakap pa rin s'ya na parang bata sa akin at parang ayaw pa n'yang umalis sa tabi ko. "Mahal, 'wag gano'n. Sobrang sakit, e. 'Wag kang magbibiro ng gan'yan, okay?"
Masakit man ay itinulak ko s'ya nang bahagya sa dibdib. Ayaw pa n'yang kumawala at mas lalo n'yang hinigpitan ang kapit sa akin kaya mas lalo kong nilakasan ang pagtulak sa kan'ya.
Nakaawang ang bibig n'yang napatingin sa akin. Pawis na pawis s'ya at basang-basa ang mukha n'ya. Gusto ko na naman umiyak dahil sa nakita ko pero hindi pwede kasi kailangan kong gawin 'to. Ayaw kong ipagpatuloy 'to nang hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.
"Mahal, anong nangyari? Prank lang ba 'yun?" tanong n'ya ulit kaya agad akong umiling-iling.
Nagkaroon ng mahabang katahimikan na hindi ko gustong basagin.
"Kevin... l-let's brea—" hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko ay lumuhod si Kevin sa harap ko.
"Zia, don't continue that. Ayoko. Hindi. Hindi tayo maghihiwalay. Zia, ikaw ang buhay ko. Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin, mahal." Napayuko s'ya sa paanan ko kaya nararamdaman ko ang pagtulo ng luha n'ya sa paa ko. Humahagulgol s'ya at walang takot na ipakita sa akin ang nararamdaman n'ya "Zia, hindi ko kaya na mawala ka sa akin. Akin ka 'di ba? Pakakasalan pa kita. Ano bang ayaw mo? Babaguhin ko para sa'yo. Clingy ba ako, mahal? Susubukan kong hindi. Z-Zia... gagawin ko ang lahat 'wag mo lang akong iwan."
Umupo rin ako para magkapantay kami saka hinawakan ang mukha n'ya. Sobrang sakit. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ayokong nakikitang nasasaktan si Kevin pero mas lalo s'yang masasaktan kung ipagpapatuloy namin 'to.
"Kevin, hindi talaga pwede, e. Hindi na."
"Bakit? Si kuya ba? Kayo na ba?! Umamin na ba s'ya sa'yo?"
"Hindi... hindi kami, Kevin pero ayokong ipagpatuloy 'to nang hindi ko alam ang nararamdaman ko sa inyong dalawa kasi ayokong masaktan ka lalo."
"Handa akong masaktan Zia 'wag ka lang mawala sa akin. Habang inaalam mo 'yang nararamdaman mo handa akong maghintay basta 'wag mo lang ako iiwan. Zia, please... you can't leave me. Mahal na mahal kita."
Umiling-iling ako...
"S'ya na ba pipiliin mo?"
Napayuko ako... napakagat ako sa labi ko dahil pinipigilan ko ang nagbabadya na namang luha na gustong tumulo.
"Tangina naman, e!" Napasuntok s'ya sa sahig. Sobrang lakas na parang nabali ang kamay n'ya. Gulat na gulat ako at sinubukang hawakan ang kamay n'ya pero iniwas n'ya 'to. "Zia, sobrang mahal kita. Hinintay kita nang matagal hindi para maagaw ng kapatid ko. Mahal na mahal kita, e. Hindi na ba talaga mababago?" Pumiyok pa siya sa huling sinabi niya.
Hindi ulit ako nakasagot. Napayuko ako muli. Hindi ko s'ya matingnan sa mata dahil kitang-kita doon ang sakit na nararamdaman n'ya.
"Tangina. Para akong pinatay!" Sinubukan n'yang tumawa pero halatang-halatang peke iyon.
"Minahal naman kita, Kevin."
"Pero hindi sapat para matumbasan ang pagmamahal n'ya!" Napapikit ako dahil sa pagtataas n'ya ng boses. Hindi ako sanay. Sobrang sakit pero walang papantay sa sakit na nararamdaman ni Kevin ngayon.
Huminga s'ya nang malalim nang ilang beses. Pareho lang kaming nakaupo sa sahig at umiiyak. Nagdudugo na ang kamao ni Kevin pero parang hindi n'ya iniinda 'yun.
"Sige... wala akong magagawa. Mahal mo s'ya, e." Bumalik ang mahinahon n'yang boses. Hinawakan n'ya ang baba ko at iniangat ang mukha ko. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Kita ko ang mata n'ya na sobrang nasasaktan.
"Alam ko naman na dadating 'to... na si kuya ang pipiliin mo." Muli na namang may tumulo mula sa mata n'ya. "Pinilit ko namang ilaban pero s'ya talaga, e. Wala naman akong magagawa do'n. At least, nakasama kita. At least, naramdaman kong mahalin pabalik kahit na sa maikling panahon lang." Napapikit s'ya nang mariin. "Minahal kita nang sobra, Zia. Now, I'm breaking up with you." Hinalikan n'ya ako nang mabilis sa labi saka tumayo.
"'Yung kamay m—"
"'Wag ka mag-alala. Sa labas 'to. Mas masakit 'yung nararamdaman ko sa loob."
Inalalayan n'ya akong tumayo saka s'ya nagmamadaling lumabas.
Napahiga ako. Hinawakan ang dibdib ko dahil sobrang sakit nito. Akala ko dati ay imposibleng maramdaman na masakit ang dibdib dahil taga-pump lang ito ng dugo pero posible pala...
*****
Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ko ang isang sampal.
Napahawak ako sa pisngi ko at inikot ang tingin ko. Sobrang bigat ng mga mata ko. Nakatulog pala ako kagabi matapos ang breakup scene namin ni Kevin.
Then I realized... wala na nga pala kami ni Kevin.
[!!!!!!!] (LANGUAGE)
"YOU BITCH!!!!!!" Napatalon ako sa kama ko nang makaramdam ulit ako ng isa pang sampal. May kasama pang sabunot at sampal ulit. Wala akong magawa kung hindi ang dumaing at umiyak ulit dahil pakiramdam ko ay wala akong laban. Hinang-hina ako at sobrang sakit pa ng nararamdaman ko—physically and emotionally.
"Teka lang Sui! Bitaw. Kingina mo! Ate ko pa rin 'yan! Pasalamat ka wala si inay kung hindi pagtutulungan ka namin kaladkarin sa labas."
Binitawan din ako ni Sui nun.
"Tangina ka. Hindi lang 'yan aabutin mo sa akin." Humalukipkip s'ya saka tiningnan ako nang masama. Napalunok ako. Aaminin ko, sobrang natatakot ako sa tingin ni Sui dahil parang kakainin n'ya ako ng buhay.
"Anong ginawa ko?"
"TANGINA MO!" Hindi nakapagpigil si Sui at sinampal ulit ako. Wala akong magawa kung hindi ay tanggapin ulit 'yun at mapaluha na lamang. "Magpapanggap ka na hindi mo alam ginawa mo? Tangina, sinaktan mo pinsan ko... 'yun ang ginawa mo!" sigaw n'ya sa mukha mo.
"Sui—"
"Isa pang pigil mo Pia kakaladkarin kita sa hagdan una mukha. Hindi ako nagbibiro. Makita man ako ng nanay mo o hindi. Pagbuhulin ko pa kayong tatlo."
Tinanguan ko lang si Pia na sinasabi sa kan'ya na 'wag na s'yang makisali.
Bigla kong na-realize... sinaktan ko nga pala si Kevin. Deserve ko na saktan ni Sui.
"Tangina naman, Zia. I trusted you. I fucking trusted you, you shit. Nag-usap tayo nang masinsinan 'di ba? Akala ko okay na?? Tangina anong ginawa mo? Putangina?!" Nagulat ako dahil sa tuloy-tuloy na pagpatak ng luha ni Sui. "I can't bear to see my cousin crying in his room. Tinanong ko s'ya kung ano'ng nangyari pero hindi s'ya sumagot. Kinalkal ko cellphone n'ya and I saw your fucking text. Tangina Zia, iphone 8 'yun basag basag na dahil binato n'ya. Basagin ko kaya mukha mo nang makita mo?"
"Sorry."
"Your sorry couldn't fix what you've done. Tangina mo. You proved me wrong. Para mo akong sinampal at tinawanan matapos kitang pagkatiwalaan sa puso ng pinsan ko. Ang landi mo, Zia. Tangina ka."
Umalis s'ya saka ibinagsak ang pinto ko na parang magigiba ito. Para kutsilyong tumatarak sa akin ang mga salita ni Sui kaya lalo akong napaiyak. Deserve ko ang masasakit n'yang salita dahil sinaktan ko naman talaga si Kevin pero malandi ba talaga ako dahil pinili ko si Keanu? Mali ba talagang pinili kong saktan si Kevin dahil ayokong masaktan s'ya sa dulo?
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Pia at pagtapik sa aking likod.
"If you think you did the right thing, you did. Only you can know if you are walking towards the right direction. Don't mind Sui. Masyado lang s'yang nasaktan dahil nasaktan ang pinsan n'ya. She means no harm." Napatawa naman ako dun. "Okay, scratch that. She doesn't mean what she said pero mukhang balak ka talaga n'yang saktan."
"I deserve it though."
"No one deserves to be hurt."
"But I hurt someone," pagpupumilit ko.
"But you mean well. 'Yun nga lang, he's meant to be hurt on the process. It's inevitable. Don't worry sis, you still got me. Tell me what happened para gumaan naman ang lahat."
And so I did. Kinwento ko ang lahat-lahat ng nararamdaman ko sa kapatid ko... sobrang sakit na balikan ang mukha ni Kevin nang nag-break kami. Hindi ko maisip na kaya ko palang saktan si Kevin nang gano'n. Hindi ko alam na kaya ko palang saktan ang taong sumalo sa akin noong sobrang nasasaktan ako sa nangyari sa amin ni Keanu... and ironically I chose Keanu over him.
Maya-maya naman ay biglang dumating si inay. Hindi ako sanay na nag-uusap kaming tatlo about personal life pero we did like we are used to having this kind of conversation.
"Bakit ngayon ko lang nalalaman 'to??? Pati brief ni Keanu sinuot mo???" Oo. Kinwento ko ang lahat... edit edit lang sa ibang parts na may kiss. Hehehehehe. Syempre baka mabato ako ni inay ng sapatos kapag gano'n.
"Si Pia kasi inay, e."
Tumawa kaming tatlo na parang wala kaming problema. Na parang normal lang ang lahat.
"Anak, kung sa tingin mo tama 'yun para sa inyong tatlo e tama 'yun. Ipinaliwanag mo naman ba kay Kevin?"
"Sinubukan nay, pero sobrang sakit kagabi, e."
"Maiintindihan n'ya rin 'yun. Masyadong nasaktan si Kevin sa paghihiwalay n'yong dalawa. Una pa lang ay alam ko nang mahal ka nun dahil sa paraan ng pagtitig n'ya sa'yo. Gano'n tatay mo sa akin, e."
"Opo nay. Ang sakit nga lang na sinaktan ko s'ya."
"Malabo na hindi ka masaktan sa pag-ibig. Masasaktan ka palagi, kaya nga sugal 'yan, e. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo at matatalo at nagtitiwala ka sa kung saan ka tumaya. Bigyan mo lang ng oras si Kevin, maiintindihan n'ya rin ang lahat ng desisyon mo. Pero syempre, kailangan mo rin ipaliwanag. At 'wag mong madaliin, anak. Pahirapan mo muna si Keanu bago mo sagutin."
Kilig na kilig pang kumindat ang nanay ko. Feeling ko tuloy tuwang-tuwa s'ya kahit na hindi naman.
Nagkulong lang ako sa kwarto buong araw pagtapos namin mag-usap ni inay. Hinayaan lang din nila ako dahil feeling ko alam nilang nasasaktan ako. Buti na lang din at understanding sila sa akin na kahit na nakakulong lang ako sa kwarto e hindi ako lagi inuutusan. E kung lagi na lang dapat ako brokenhearted para hindi na ako pinaghuhugas ng pinggan?
Kinuha ko ang cellphone ko at nadismaya na walang chat o text man lang si Kevin sa akin. Single na rin s'ya sa Facebook pero hindi pa n'ya dine-delete ang pictures naming dalawa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nag-backread ako sa messages naming dalawa. Napangiti pa ako dahil sobrang sweet n'ya sa akin. Hindi maiwasan ang "I love you" n'ya. Randomly s'ya kung magsabi na mahal niya ako and he never failed to make me feel loved.
Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako sa palitan ng mensahe naming dalawa. Feeling ko nawalan ako ng isang parte ng katawan kong hindi na mababalik kailanman. Tangina. Feeling ko mali na sinaktan ko si Kevin.
Nagulat ako nang lumitaw ang chathead ni Keanu.
Keanu Fuentes
Active now
YOU BROKE UP WITH KEVIN?
Hindi ko sinagot ang tanong ni Keanu. Iniwan ko na na-seen ang message n'ya at wala akong balak sagutin 'yun. Kahit na ako ang nakipag-break kay Kevin ay hindi ibig-sabihin nun ay hindi ako nasaktan.
Perfect na si Kevin, e. He did everything to have me pero anong ginawa ko? I chose to break him—I chose to tear his heart apart and I am so stupid. Pero tangina naman kasi life. Bakit bumabalik 'yung mga taong hindi naman dapat bumalik kapag masaya ka na? Bakit guguluhin ka nila kapag tingin mo okay na ang lahat sa'yo? Bakit nung handa ka na at sigurado ka na ay biglang may dadating para subukan ka? Why can't I just live in my own fairytale where I get what I deserve without any trials??
But I guess trials are needed, too. It makes you strong in the process. It helps you build yourself emotionally but I can't help to hate the world when I feel that it is conspiring against me.
Napasapok ulit ako sa ulo ko. Tangina life. Dakyu. Dakyu! Pwede naman ako bumalik sa dati na masaya ako kahit na walang dalawang poging gumugulo sa utak ko. 'Yung nasa kama ko lang ako at nagpapanggap na hindi naririnig ang tawag at utos ni inay. Pwede ba akong bumalik doon?
Joke lang. Hehe. Baka ibalik talaga ako... hindi ko mararanasan kung paano magmahal ang Kevin Fuentes.
I tsked. Bwisit. Badtrip na buhay 'to. Bakit ba ako pa napili mong ganituhin? Mabait naman ako, a? 'Di ba? May ginawa ba ako sa past life ko? Ako ba si Hitler dati kaya ganito mo ako saktan??
Ugh!!!! Dakyu life. Putang shet talaga!! Kinuha ko na lang 'yung cellphone ko at tiningnan ang conversation namin ni Keanu. Just looking at his name made my heart beat fast. WHY DO I HAVE TO FEEL THIS WAY??? BAKIT NAKAKALIMUTAN KO ANG ISA SA KANILA KAPAG ANDIYAN NA ANG ISA? MALANDI BA AKO???
Or am I just a poor girl who can't decide who to choose?
Keanu Fuentes
Active now
20:42
YOU BROKE UP WITH KEVIN?
21:39
Yeah. Stupid me.
Pupunta ako d'yan.
I panicked! Hindi ko alam gagawin ko. Napatakbo ako sa banyo saka tiningnan ang mukha ko sa salamin. Do I look okay? Mukha ba akong tao? Ugh. No time at all!
Teka ano sasabihin ni inay? Baka sabihin ni inay kung sinu-sino pinapapasok ko sa bahay. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto nila inay at agad na kumatok at sinabi na pupunta si Keanu rito at mag-uusap kami, emphasizing PRIVATELY para alam nilang bawal mag-eavesdrop.
Nang narinig kong may nag-doorbell ay pumunta ako sa labas at pinagbuksan s'ya. Damn. Bakit ang pogi ng nilalang na 'to ha? Hindi ko na sila kayang i-compare ni Kevin sa isa't isa dahil may kan'ya-kan'ya silang strong points.
"Dun tayo sa taas," mabilis kong sabi saka tinalikuran s'ya para maitago ang pamumula ko. Shit. I felt like we went back to that week... nung na-realize kong in love ako kay Keanu at wala pa akong alam na mahal pala ako ni Kevin. Agad akong nalungkot sa thought na 'yun... those good days. Bakit ba naging komplikado pa ang lahat?
Umupo ako sa kama ko at napatungo. Agad naman humiga si Keanu na parang kama n'ya 'to. Nasa ulo n'ya pa ang dalawang kamay n'ya. Potek talaga!
"Bwisit ka talaga 'no?" Inaway ko agad s'ya pero agad akong napangiti.
"Syempre. I want to make myself feel at home. 'Yun naman sasabihin mo, 'di ba?" he said then he winked. Tsk kala mo pogi ka?!
"Hindi ah. Sasabihan kaya kitang halikan mo paa ko," sagot ko sa kan'ya nang ngiting-ngiti.
"Really? Why can't I kiss you on lips instead?" he asked looking at me intently.
Uhm...
Namumula ata ako???
Hindi ako sure ah??
Pero parang uminit, e??
"Joke!!!" bigla n'yang sigaw kaya halos napatalon ako bigla sa kama ko sa gulat kaya tumawa s'ya nang tumawa. Tangina!!! Napatakip ako ng mukha sa sobrang hiya.
Bakit ba ako nag-eexpect na ibang Keanu ang makikita ko ngayon? Bakit hindi ko mahanap 'yung Keanu na nakita ko nung isang araw. 'Yung nagpapakita ng totoong s'ya—not hiding in his smiling mask?
"Sige. Tumawa ka. Mabilaukan ka sana ng laway mo, dakyu."
"Joke lang. I know I made you cry countless of times."
"So bumabawi ka sa pamamagitan ng pang-aasar sa akin? Dakyu ka rin, e," I said saka sinipa s'ya nang pabiro
Nanahimik kaming dalawa. Tangina naman! Hindi ko alam kung this silence is awkward or not pero sige hindi na lang awkward kaysa naman mag-iyakan kaming dalawa rito gaya ng lagi naming ginagawa kapag nagkikita kami.
May narinig akong bumabato sa bintana ko. I felt my heart jumped and the first person I thought is it's Kevin! I feel my fast paced beating of heart till I jump back into my senses and hurriedly went to the window. Nakangiti lang ako nang buksan ko ito pero agad itong napawi dahil napalitan ng sakit.
I felt a pang in my chest. Hindi ko maintindihan pero gusto kong maiyak.
There's Kevin... yes andun si Kevin. Worst is ginawa n'ya ulit 'yung heart shaped candles kapag tiningnan sa taas. May hawak pa s'yang bouquet. Nakatingala s'ya na parang hinihintay ako at nung nakita n'ya ako he immediately smiled. But it didn't reach his eyes. Parang ngumiti lang s'ya for the sake of smiling and it hurts to know that I did that to him.
I felt surging guilt in my system and I can't do a thing about it.
"Sino 'yan?" Sumilip din sa bintana si Keanu at nakita ni Kevin 'yun. His smile faded. He bit his lips and smiled again. "Uh-oh," Keanu muttered under his breath.
"N-nakaistorbo ata ako," he said saka lumuhod para ihipan ang mga kandila. "Kunin ko na lang 'to bukas." Ibinato n'ya ang bouquet sa gilid saka sumaludo sa akin. "Dinala ko 'yan dito kasi baka pwede n'yo itanim p-pero 'wag na lang pala."
Tangina, tangina, tangina. I hear his voice cracking. I feel his soul breaking alongside his voice. Napahawak ako sa binigay n'yang kwintas.
I just stood there, frozen holding the star pendant he gave to me. Hindi ko alam gagawin ko.
"Kevin... let's talk. Please?" I pleaded. Hindi ko alam kung papayag s'ya. Hindi ko rin alam kung ano pumasok sa utak ko at tinanong ko s'ya e katabi ko si Keanu.
"No. You made it clear, we're really done." Unlike Keanu, Kevin shows his emotions. Just like a transparent glass, you can see through him and I hated it. I can see how hurt he feels now and I can't ease the pain.
"Let's talk, please. Tayong tatlo?" pakikiusap ko ulit. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob na tanungin si Kevin pero we need to settle this. We need to talk. Gawin na ngayon para malinaw na kaming lahat.
Kevin shrugged. Acting cool but I can see it—I know it breaks him... I hate it but I have to do this.
"Okay."
One word at hinila ko pababa si Keanu. Pero binitawan ko rin s'ya nung nasa labas na kami.
"Oh ano? Picnic tayo?" tanong ni Kevin. "Thirdwheel ako?"
Hindi ko s'ya sinagot. Umupo ako sa damo at hinintay na gayahin din nila ako. Nagtagumpay naman ako at nakaupo na kami ngayon, paikot pero magkakalayo. I can feel our distance... hindi lang malayo na nakaupo pero I can't reach Kevin... I feel that I can't.
"Saan na ouija board? Tara na spirit of the glass." Sinubukan ni Keanu mag-joke pero siniko ko s'ya kasi kahit nasa tight situation kami ngayon, aamin akong takot ako. "Oo na nga. Hindi na," dugtong n'ya habang hinihimas ang tyan n'ya.
Nagulat ako nang maghubad ng tshirt si Kevin pero may sando s'ya.
"Oh. Dito ka umupo, Zia. Baka kagatin ka ng insekto," sabi n'ya saka inabot ang tshirt n'ya sa akin.
"No. Oka—"
"I insist."
I smiled. Kevin still cares.
Pagtapos nun ay sobrang tahimik na. Ayan na naman ang mga crickets na nagbibigay ingay kasi kung wala sila ay malamang naririnig na nila ang pagna-narrate ko sa sitwasyon naming tatlo ngayon.
I don't know what to say. I don't know where to start. Hell, I don't even know if I did the right thing. Huminga ako ng malalim.
Kaya ko 'to. I have to do this. Kailangan kong ipaintindi kay Kevin kung bakit ko nagawa 'to.
"Kevin... I'm sorry." Napayuko ako. I can't look at his eyes. Feeling ko nasasaktan din ako kapag nakatingin ako sa mga mata n'ya.
Hangin... hangin lang ang sumagot sa akin. Wala akong narinig na kahit na anong sagot sa kan'ya o kahit kay Keanu.
"I can't hurt you... I don't want to hurt you," pagpapatuloy ko habang nakayuko pa rin at pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"Look at me," sabi n'ya. Ayaw ko man pero ginawa ko. Tiningnan ko s'ya sa mata kahit gaano pa kasakit na gawin 'yun. Ang sakit. Parang dinudurog ako ng tingin n'ya. Nakikita ko sa mga mata n'ya na nasasaktan s'ya.
"I realized that I can't stop my feelings. Kapag pinatagal ko pa sasaktan kita lalo. Minahal kita Kevin, totoo 'yun."
Tumawa s'ya ng mapakla. Hindi totoong tawa.
"Tangina Zia. Hindi mo ako minahal! Akala mo lang mahal mo 'ko dahil sobrang mahal kita!" Tumaas nang kaunti ang boses ni Kevin kaya nagulat ako.
"Kevin..."
"Inisip mong mahal mo ako kasi feeling mo kailangan mong suklian 'yung nararamdaman ko sa'yo."
"Gan'yan kababaw 'yung tingin mo sa pagmamahal ko sa'yo, Kevin?" Ang sakit na gano'n pala 'yung nasa isip n'ya; na minahal ko lang s'ya dahil 'yun 'yung pinararamdam n'ya sa akin at kailangan kong ibalik 'yun.
"Oo. Alam ko naman na s'ya na talaga, e. Gano'n 'yung rule 'di ba? Kung sino 'yung una mong makilala, s'ya makakatuluyan mo. Pero kahit pala alam ko na gano'n 'yun masakit pa rin lalo na't sinabi mong ako lang. Zia, sobrang mahal kita, e. Mahal na mahal kita. Ang sakit-sakit." Nagsimula na s'yang umiyak kaya nagsimula na ring lumuha mga mata ko.
Feeling ko nagpanggap munang bato si Keanu dahil ang drama namin ng kapatid n'ya at mas okay 'yun kaysa makisali s'ya sa pagda-dramahan namin.
"Sinusubukan kong hindi ka sisihin kasi ako naman 'yung nagpumilit lumaban kahit na alam kong s'ya talaga 'yung mahal mo. Ako 'yung gustong magpagamit 'di ba? Wala akong karapatang masaktan nang ganito kasi ginusto ko 'to pero tao rin ako Zia, nasaktan, at ayokong magsinungaling na hindi ako nagsisi na minahal kita kasi sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon hinihiling ko na lang na sana hindi na kita nakilala."
Tangina. Wait. Putangina.
Bakit ang sakit ng salitang binibitawan ni Kevin? Para akong pinana sa puso. I can't imagine my life without Kevin pero kung 'yan magpapasaya sa kan'ya... tama 'yun 'di ba?
"I'm sorry! I'm sorry if I made you feel like that. Ayaw lang kitang saktan pa lalo kapag pinatagal ko 'to. Kevin, I'm sorry. Blame me all you want if that would ease your pain."
"Nothing could ever ease the pain you gave, Zia."
"Sorry Kevin. I thought ready na ako na maging tayo. I thought naka-move on na ako sa kuya mo pero nung sinabi n'ya na mahal n'ya rin ako I can't stop thinking about it but don't blame Keanu. It's my fault. It's been entirely my fault."
"Teka Zia, it's my fa—"
"Manahimik ka d'yan Keanu, isipin mo bato ka," utos ko kay Keanu na makikisali ata sa usapan.
"Ha??" confused na tanong n'ya.
"Shhhh... bato ka."
Tiningnan ko sa mata si Kevin
"I know no words could explain how hurt you are right now but please, take care of yourself, Kevin... please. Kapag naging okay na tayong lahat, in few years maybe... sana maging magkaibigan tayo. Cause you are the best."
He didn't answer. He just stared at me. I stared back. We both have tears from our eyes and it hurts seeing him like this. It hurts.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming gano'n. Tila nag-iisip ng sunod na sasabihin o baka pagod lang talaga kami.
Hinubad ko 'yung singsing na binigay n'ya sa akin nung birthday ko at ibinigay sa kan'ya.
"I'm giving this back to you. Give it to someone who won't hurt you like I do. You're a great guy, you deserve someone better than me."
Hindi n'ya tinanggap 'yun.
"Keep it. My heart is still yours. Kukunin ko 'yan kapag nahanap ko na 'yung babaeng pagbibigyan n'yan. Sa ngayon, iyo muna 'yan. It's such a bummer tho cause it turns out you're not the 'better' cause to be honest Zia, for me, you're the best." He sighed. Pinunasan n'ya ang luha n'ya sa pisngi n'ya and he smiled at me. A sincere one na ikinagulat ko. Actually my heart did skipped a beat pero hindi ko na pinansin kasi ang landi ko na.
Pinunasan n'ya ang mga luha ko.
"I'm sorry if nasigawan kita but don't worry... I'll try to understand you. Knowing Zia Cortez? Alam kong pinag-isipan mo 'yan at para sa nakabubuti 'yang desisyon mo. I'm sorry sa nasabi kong masasasakit na salita. Totoo pala talaga na 'wag magsalita kapag galit." He kissed my forehead and just like before, he made me feel safe. He gave me warmth that he's the only one who could give. "I love you Zia. Mahal na mahal kita pero kailangan na kitang bitawan."
With that... tumayo s'ya.
"Kuya, I'll try not to be mad but don't hurt Zia... magagalit talaga ako." Umalis s'ya nang dere-derecho at hindi na kami nilingon pang dalawa.
Ilang minuto rin kaming nanahimik ni Keanu. Ako ay sumisinghot pa at isinasaksak sa utak ko na single na ako at sinaktan ko si Kevin.
"Uhmmmm... pwede na ba akong maging tao ulit?" tanong ni Keanu kaya hindi ko maiwasang mapatawa.
"Oo. Pwede na."
Nagtawanan kaming dalawa. Inalis n'ya ang awkwardness sa atmosphere at masaya ako na ginawa n'ya 'yun.
"So... you chose me?" tanong n'ya at nang nilingon ko s'ya ay nakangiti s'ya.
Uh-oh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro