Sixty
Neko's note: chapter 60 na tayo. Ano nang ganap? HAHAHAHA. La lang, hello senyo. Salamat sa support guys! Pasensya na sa hindi pag-ud. I don't really feel okay, e :(((
Chapter Sixty
Napabalikwas ako ng bangon at napasapo ng noo ko. Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto. Napapikit ako nang mariin.
Tangina.
Am I just dreaming?
Is that just a dream??
Walang fairy lights at mga pictures sa kwarto ko. Panaginip lang ata talaga 'yun. 'Yung akala ko may surprise sa akin si Kevin. Ang naaalala ko lang e nagpasalamat ako then blackout.
Mukhang panaginip nga lang talaga.
Napahiga na lang ulit ako. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Ang sakit mag-expect, e. Lalo pa't napanaginipan ko. Ang detailed pa ng mga naaalala ko kaya parang totoo. Kaso wala namang fairylights at pictures sa kwarto ko so how come na totoo?
Hay nako Zia. Hindi ka na talaga natuto. Masama ngang mag-assume 'di ba?
Pero... masama nga ba lalo na at sobrang sweet ni Kevin kaya gumawa ang subconscious mind ko ng senaryo na gusto kong gawin n'ya?
Ang sagot?
Oo.
Masamang mag-assume.
Ganito nga pala kasakit mag-assume.
Dak myself.
Bakit ko ba 'to ginagawa kahit na alam kong masasaktan naman ako? Gano'n ba ako kasadista?
Putang shet na life 'to. Kailangan ba talagang masaktan after mo magsaya?
Kahit na sa panaginip lang 'yun?
Hindi ko na pinigilan ang mga luha at hikbi na gusto kong pakawalan. Mababaw na kung mababaw, kaso kasi ang sakit, e. Wala naman akong ibang masisi kung hindi ang sarili ko kasi assume din ako nang assume.
Naramdaman kong may umupo sa kama ko. Ni hindi ko man lang narinig ang pagbukas ng pinto. Minumulto na ba ako? Wala man lang akong naramdaman na kahit na katiting na takot. Kunin na ako ni Shomba o ni Anabelle? Wala na akong pakialam.
"Tapos ka na mag-emote?" Narinig ko ang malamig na boses ni Sui kaya naman napalingon ako. Oo. Wala s'yang emosyon at nakatitig lang s'ya sa akin. Looking at her now? Pwede na s'yang pumasa as murderer dahil sa matalim n'yang tingin by default.
"Layas," mahina kong utos sa kan'ya pero hindi talaga s'ya nagpatinag. Nakita ko pa na nag-roll eyes s'ya. Gusto ko sanang tusukin ang singkit n'yang mata kaso baka tanggalan naman n'ya ako ng daliri. 'Wag na lang.
"Musta ka naman?" kaswal na tanong n'ya sa akin.
"K lang."
"Happy birthday."
Tumango na lang ako bilang sagot sa kan'ya. Muli akong dumapa kasi ayokong makita ang mukha n'ya. Naaalala ko kasi 'yung paglagay n'ya sa akin ng whipped cream kahit na sa panaginip lang 'yun. Narinig ko ang mahinang tawa n'ya na nakapagpataas ng balahibo ko sa katawan ko. Alam n'yo 'yun? 'Yung biglang tumatawa kahit wala namang nakakatawa? Syempre, nakakatakot 'yun. Gusto ko sanang lumayo kasi baka bigla n'ya akong saksakin sa mismong birthday ko kaso baka lalo n'ya akong saktan. Si Sui pa naman ang lakas ng abnormality cells sa katawan.
Nakarinig ako ng tunog sa bintana ko na parang may bumabato rito. Humagikhik lang si Sui. Gusto ko man s'yang sapakin e hindi ko magawa.
"Tingnan mo na, baka delivery 'yan," utos n'ya sa akin.
Sunod-sunod ang pagbato sa bintana ko kaya naman dahan-dahan akong lumapit doon at binuksan 'to. Hindi naman ako natatakot kung magnanakaw 'yan kasi and'yan si Sui. Magnanakaw pa ang dapat matakot kay Sui, 'no.
Pagbukas ko ay saktong tumama sa ulo ko 'yung maliit na bato kaya agad akong napapikit kasabay ng halakhak ni Sui.
Punyeta!
"SORRY MAHAL KO!" Narinig ko ang boses ni Kevin na naging dahilan ng pagtungo ko para tingnan kung saan nanggaling 'yun.
Napanganga ako sa nakita ko. Nasa baba si Kevin na naka-tuxedo na kulay itim. Pinalibutan s'ya ng kandila na mukhang heart shape kapag nakikita sa taas. Ngiting-ngiti s'ya sa baba habang nakatingala pa sa akin. Kinawayan pa n'ya ako saka nag-finger heart. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil dun. Parang tanga naman kasi 'to si Kevin. Nakaramdam ako ng tapik sa braso ko at nakita ko si Sui na nakangiti.
Gabi na pala at maliwanag ang langit dahil sa bilog na bilog na buwan at madaming bituin sa langit.
Sige. Pinapatawad ko na s'ya sa pagbato n'ya sa akin.
"Nilagyan namin ng sleeping pill 'yung inumin mo para na rin pagpahingahin si Kevin kasi hindi pa s'ya natutulog. Kawawa naman. Tinanggal namin 'yung keme n'ya sa kwarto mo para umiyak ka."
Nakaawang lang ang bibig ko at hindi ko alam ang sasabihin ko. Kumakabog nang malakas ang dibdib ko na parang sasabog ito sa tuwa.
Kinikilig na inabot ni Pia ang gitara kay Kevin. Ngiting-ngiti pa s'ya nun saka nag-thumbs up. Sinimulan n'yang mag-strum habang nakatingin sa akin nang mataman. Tangina.
"You and I,
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky.
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide.
So stop time right here in the moonlight,
'Cause I don't ever wanna close my eyes."
Wait. Hinaharana n'ya ba ako? Napangiti ako lalo nung na-realize kong oo, hinaharana nga n'ya ako.
Ayan na naman si Kevin sa paganito n'ya na hindi ko maiwasang kiligin. Jusko naman! 'Yung boses pa n'yang sobrang ganda na parang hinihele ka. Isama mo pa 'yung kanta na kinakanta n'ya ngayon. Isang verse pa lang 'yung kinakanta n'ya gusto ko nang maiyak. Pucha.
"Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
I'm just a sad song."
Nakatitig lang s'ya sa mga mata ko at ramdam ko ang sinsiredad n'ya. Damn it! Kinikilig ako. Sa titig pa lang n'ya pinaparating n'ya sa akin na mahal n'ya talaga ako.
I wonder kung 'yan ba talaga naramdaman n'ya nung hindi n'ya ako kasama.
"With you I fall.
It's like I'm leaving all my past in silhouettes upon the wall.
With you I'm a beautiful mess.
It's like we're standing hand in hand with all our fears upon the edge."
Binigyan n'ya ako ng nakakatunaw na ngiti kaya nginitian ko rin s'ya pabalik. Punyeta naman Kevin! Kinikilig na talaga ako. Yayayain ko na talaga ng kasal 'to si Kevin. Tangina! Feeling ko ang tanga-tanga ko kapag pinakawalan ko pa s'ya.
"You're the perfect melody,
The only harmony
I wanna hear.
You're my favorite part of me,
With you standing next to me,
I've got nothing to fear."
Sa kanta n'ya pa lang e ramdam ko na 'yung feelings n'ya. Damn you, Kevin Fuentes. Ano ba talagang ginawa ko sa past life ko para mahalin mo ako nang ganito?
Parang nakaka-relate ako sa wala akong kinatatakutan kapag nand'yan s'ya. I feel so safe whenever Kevin's around. Alam kong hindi n'ya ako sasaktan alam kong gagawa s'ya ng paraan para hindi ako makaramdam ng sakit.
"Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song."
Nakatayo lang ako habang pinakikinggan s'ya habang si Sui naman e parang gugulong na sa sahig. Nakakatanggap pa ako ng minsanang hampas galing sa kan'ya. Hindi ko alam gagawin ko maliban sa pagngiti kasi parang sasabog na ang puso ko sa nararamdaman kong 'to.
Kinamot ni Kevin 'yung batok n'ya na parang nahihiya. Ngayon pa s'ya nahiya e andami na n'yang pinaggagagawa sa akin?!
"Ano... Zia, without you I really am just a sad song. You are the one who completed me. I love you," he shouted. Napatakip ako ng mukha sa sobrang hiya at kilig ko. Bwisit! Baka maririnig s'ya nila inay!
Narinig ko ang tawa n'ya saka ang pag-strum ng gitara.
"I found a love for me
Darling, just dive right in and follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the someone waiting for me"
Napatitig ako sa kan'ya chini-check n'ya kung tama ang pag-strum at chords na ginagawa n'ya. Kasabay ng paghangin ay ang pagtitig n'ya sa aking mga mata. Ngumiti.
"Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine
Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight"
Damn.
Nag-slow motion ata ang lahat. Parang tumigil ang mundo at kami na lang ang tao rito.
This moment is so perfect. So fucking perfect.
Tahimik ang lahat at tanging pagkanta lamang ni Kevin ang maririnig; o baka dahil ni-reject na naman ng senses ko ang ibang mga bagay na walang relasyon sa kan'ya.
Shet lang, ampogi ng boses n'ya at talagang makalaglag panty. Pakasalan ko na kaya 'to si Kevin now na?
Itinulak ako ni Sui saka binulungan, "Tangina! Bumaba ka na!" utos n'ya sa akin. Sa totoo lang kanina ko pa gustong bumaba kaso hindi ko alam kung paano. Nakaawang lang ang bibig ko kaya tinapik n'ya ang pisngi ko saka itinulak muli.
"Well, I found a woman, stronger than anyone I know
She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home
I found a love to carry more than just my secrets
To carry love, to carry children of our own"
Bumaba ako sa pinakamabilis na paraan saka pumunta sa kung saan si Kevin.
Hinihingal ako habang naglalakad papalapit sa kan'ya nang biglang may lumabas na alitaptap at inilawan kaming dalawa. Dumagdag ang kanilang mumunting ilaw sa liwanag ng buwan, bituin, at ng mga kandila
Lumilipad sila sa paligid namin, kalmado sila at hindi umaalis. Inikot ko ang tingin ko. Napatingin ako sa kan'ya at kumakanta pa rin s'ya habang hindi inaalis ang ngiti sa kan'yang mga labi.
May mga alitaptap din sa paligid n'ya. Tinitigan n'ya ako sa mata. Lumawak lalo ang kan'yang ngiti.
Kasabay ng pagkabog ng dibdib ko at panggugulo ng mga paruparo sa tyan ko.
Shit.
I think...
I think... I'm in love with this guy.
I...
I think I already fell in love with Kevin Fuentes.
Ramdam ko ang pagragasa ng dugo sa mukha ko. Sure na sure ako na namumula ako dahil sa kan'ya.
"We are still kids but we're so in love
Fighting against all odds
I know we'll be alright this time"
Itinigil n'ya ang pagkanta at ibinaba ang gitara saka lumuhod para kunin ang kamay ko na agad ko namang ibinigay. Nangangatal ako sa sobrang kaba dahil sa umamin na ako sa sarili ko sa nararamdaman ko kay Kevin. Iginiya ako sa candles na pinuwesto na heart shaped.
Nginitian n'ya ako nang sobrang sincere, naramdaman ko na naman na nahulog ang puso ko. Tangina, Kevin! 'Wag kang gan'yan. Bwisit ka. Isama mo pa 'yung mga alitaptap sa gilid namin na lalong nagpapaganda ng atmosphere. Lalo akong nahuhulog sa lalaking 'to. Bwisit!
"Happy birthday ulit, mahal ko."
Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko. Akala ko ay hahalikan n'ya ako pero binulong n'ya sa akin 'yung lyrics ng kanta.
"Darling, just hold my hand
Be my girl, I'll be your man
I see my future in your eyes"
Nabigla ako nang nakarinig ako ng putok. Nagliwanag ang kalangitan dahil sa firework na may nakasulat na: "Will you be my girl, Zia?"
Napaluha ako sa mensahe n'ya. Tanga na ako kung pakakawalan ko pa ang isang Kevin Fuentes. Agad ko s'yang niyakap nang mahigpit habang paulit-ulit na sinasabing "yes". Deserve ni Kevin 'to. Alam kong mahal ko na s'ya at hindi s'ya gagawa ng dahilan para masaktan ako.
Hinawakan n'ya ang balikat ko saka hinarap ako sa kan'ya. Kita ko ang saya sa mukha n'ya at nagsisimula na ring mamuo ang luha sa mata n'ya.
"Zia? Are you really mine??! Akin ka na? Tayo na?!!" sunod-sunod na tanong n'ya. Natatawa man ay tumango na lang ako habang pinipigilan ang mga luha sa mata ko.
"Mahal na kita," I said kaya nanlaki ang mga mata n'ya saka biglang tumalon.
"TANGINA!!!!!" sigaw n'ya saka yakap sa akin nang sobrang higpit. "You don't know how much you made me happy, Zia!" he whispered. Narinig ko rin ang pagsinghot n'ya kaya I hugged him back then I tapped his back. Binuhat n'ya ako saka nagpa-ikot-ikot s'ya. Tawa naman ako nang tawa dahil sa ginawa n'ya. Oh God. I so love this man.
"KAMI NA!!! PIA! SUI! TANGINA KAMI NA!!!"
Ibinaba n'ya ako doon sa mga kandila, iginiya n'ya ang mga kamay ko sa balikat n'ya at ipinulupot ang kamay n'ya sa bewang ko. May mga luha sa mata n'ya pero kitang-kita mo ang saya sa kan'yang mukha.
"Baby, I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favourite song
When I saw you in that dress
Looking so beautiful
I don't deserve this
Darling, you look perfect tonight"
Lalo akong napaluha sa pagkanta n'ya malapit lang sa tenga ko kasabay ng pagsayaw namin sa ilalim ng buwan. It made me shiver. It made my heart jump. It made the butterflies in my stomach fly. It made me love him more and more.
"Mahal kita," he whispered.
"Mahal din kita." Kinagat n'ya ang ibabang labi n'ya.
"C-can I?" tanong n'ya kaya napa-roll eyes ako.
"Asking makes it awk—" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang inangkin n'ya ang mga labi ko. I died. My heart died. I died!!!
Halos hindi ako makatayo dahil nanlalambot ang mga tuhod ko sa sari-saring positibong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Nangingibabaw ang kilig at tuwa sa nararamdaman ko.
Dakyu Kevin Fuentes.
I heard him giggle between the kiss kaya I ended it na.
"This is our second kiss," sabi n'ya saka kumindat.
Hindi agad nag-sink in kung ano 'yung ibig n'yang sabihin hanggang sa...
Shet.
Tangina.
Dakme.
Dak da world.
"GISING KA NUN???!?!?!?!?!" napasigaw ako sa gulat saka kumalas sa yakap n'ya. He bit his lip saka tumango habang namumula.
"Dakyu, dakyu!!!" Pinagpapapalo ko s'ya sa dibdib sa sobrang hiya ko sa kan'ya. "Mag-break na tayo ajujujuju." Hinawakan n'ya ang dalawang kamay ko saka hinalikan 'yun.
"No way I'm breaking up with you. Tiningnan ko lang naman kung anong gagawin mo kapag tulog ako, e. Malay ko bang hahalikan mo ako," sabi n'ya saka kinamot 'yung batok n'ya.
"Nakakahiya!!!!!!" sigaw ko.
"Nakakakilig kaya. Muntik na ako sumigaw nun kaso baka itapon mo ako sa dagat edi sana wala akong magandang girlfriend ngayon." Namula ako dahil sa pagtawag n'ya sa akin ng girlfriend.
Shet.
Oo nga. Boyfriend ko na s'ya. HINDI NA AKO SINGLE!!!
"Mahal na mahal kita Ziandrina Fuentes." I kissed the tip of his nose.
"Mahal na mahal din kita kahit dakyu ka!" sagot ko sa kan'ya saka ngumiti.
"Tangina, kinikilig talaga ako!" biglang sabi ni Kevin saka nagtakip ng mukha. Humagikhik ako kasi sobrang cute ni Kevin kapag ganito.
May nagsaboy sa amin ng confetti at nakita ko si Sui, Pia, at Krista na nakangiti. Pumalakpak silang dalawa sa kinongrats kami.
Maya-maya'y lumabas din sila inay at itay pati si tito at tita. Tangina! Pinanuod pa ata nila 'yung paghahalikan namin! Nakakahiya.
"Ingatan mo si Zia, okay?" paalala ni itay kaya tumango si Kevin.
Nagsabi lang din sila ng paalala tulad ng magtapos muna at wala muna dapat kemerut. Namumula man kami pareho ay sinabi naming naiintindihan namin sila. Besides, alam namin na dapat financially stable muna kami bago bumuo ng pamilya.
Also... we'll never know kung kami ba talaga hanggang sa dulo kasi tadhana lang ang nakakaalam. Baka paglaruan kami. Baka dumaan lang pala kami sa buhay ng isa't isa.
*****
Nandito kami sa bubong nila ngayon. May part pala sa bubong nila na medyo flat na pwedeng tambayan. Kumakain kami ng popcorn habang nakatingin sa mga bituin. Pinaglalaruan lang ni Kevin ang mga kamay ko at pareho kaming tahimik. Awkward? Hindi ko alam, never ko naman naramdaman ang awkwardness kay Kevin, e.
"Mahal?" bigla n'yang pagbabasag sa katahimikan.
"Hmmm?"
"Stars can be reachable, too," bigla n'yang sabi kaya napangiti ako. "Akala ko... akala ko imposible na mahalin mo rin ako pero tingnan mo ngayon... mahal mo na rin pala ako." Ngumiti s'ya dun sa huli n'yang sinabi.
"Tange, ikaw na 'yan pakakawalan ko pa ba?" Lalo s'yang napangiti sa sinabi ko.
"You don't know how happy I am today, Zia," bulong n'ya sa akin.
"You don't know how happy I am too, Kevin," pagbabalik ko sa kan'ya. Humagikhik lang s'ya na naging dahilan ng pagngiti ko.
"Picture tayo," sabi n'ya kaya umagree naman ako. "1... 2... 3..."
Pagka-three n'ya ay hinalikan ko s'ya sa pisngi. Kita ko naman ang gulat sa mukha n'ya pagtapos nun.
"Mahal naman!! Hindi ako ready." I just stuck my tongue out. "I love you." And ayun, turn ko naman para magulat.
"Dakyu," sabi ko sabay taas ng hinlalato ko kaya tumawa naman s'ya.
Ibinigay n'ya sa akin ang cellphone n'ya na iphone po kasi po rich kiddo po s'ya. Tiningnan ko lang s'ya na parang nagtataka.
"'Yung fingerprint mo baby, para may access ka sa phone ko," sabi n'ya saka kumindat.
Oh gosh. The butterflies are back. That's so sweet!!! Kaso hindi ba mai-invade ang privacy n'ya?
"No need na Kevin."
"No," matigas na sabi n'ya saka ibinigay ang phone n'ya sa akin.
Ginawa ko na lang para matapos na at baka ito pa ang pag-awayan namin.
"Ayan, you're free to check my phone, okay?" Tumango lang ako.
Shet. Si Kevin na talaga 'yung lalaking mahihiling mo sa buhay mo. Tanga ko na lang talaga kung pakakawalan ko pa 'tong lalaki na nasa tabi ko.
Nanahimik kami habang nakatingin pa rin sa langit. Inaamoy n'ya ang buhok ko at masasabi ko na ang clingy ni Kevin. I like it, though.
"Kevin?"
"Hmm?"
"Kanina ko lang na-realize na mahal kita." He just chuckled.
"E bakit mo ako hinal—"
"Kapag tinulak kita rito na una 'yung ulo mo aakalain nilang aksidente 'no?" Tumawa lang s'ya.
"Nahahawa na ang mahal ko kay Sui. Perooo bakit nga?" I sighed.
"Ewan, bigla kong ginawa, e. Tsk kinilig ka naman?"
"Syempre."
"Pero ayun nga, kanina lang."
"Kung hindi mo pala na-realize kanina malamang na-basted ako."
Tumango ako.
"Hindi naman dahil nag-effort ka e sasagutin na kita dahil dun. Gusto ko kasi sigurado na ako sa nararamdaman ko sa'yo. Ngayon, sure na sure na akong mahal nga kita."
"Kahit dumating pa si kuya?"
Napatahimik naman ako dahil dun... natagalan sumagot. Kahit dumating nga ba s'ya?
"Kahit dumating pa s'ya," sagot ko. Sure naman na ako sa nararamdaman ko kay Kevin, e. Kahit dumating si Keanu hindi magbabago ang tingin at pagmamahal ko sa kan'ya.
"Okay," sabi n'ya saka niyakap ako. Yes, I really feel safe in his arms. "Mahal?"
"O?" tanong ko naman.
"I am so lucky to have you in my life. Sobrang saya ko na naging tayo na. Gagawin ko ang lahat para hindi mo pagsisihan ang desisyon mo na piliin ako. Mahal na mahal kita, Zia."
*****
It's almost 12 AM at patapos na ang birthday ko. Inutusan ko si Kevin na matulog na kasi alam kong pagod na pagod s'ya. Ako? Hindi na makatulog kasi naubos na 'yung tulog ko kanina. Bwisit 'yan.
Binalik nila Pia at Sui 'yung pictures at fairy lights sa kwarto ko kasi alam daw nilang gusto ko 'yun.
Chineck ko na lang 'yung Facebook ko buti na lang at abot ang wifi nila Kevin dito sa bahay. Naka-in relationship na kami sa Facebook at madami ang nag-congrats. May nabasa pa nga ako na "Is she the reason why you kept on rejecting girls here?" Mukha ngang totoo 'yung sinasabi nila na mahal na mahal ako ni Kevin. Susuklian ko 'yun sa abot ng aking makakaya.
Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko na si Kevin... 'yun nga lang, hindi na sumasagi sa isip ko si Keanu unless i-mention s'ya. Ibig sabihin ba nun ay naka-move on na ako nang tuluyan?
Sana.
Pinakinggan ko na lang ang Sad Song ng We the Kings na kinanta sa akin ni Kevin. Wala lang, anlandi kasi n'ya.
Nagulat ako nang biglang mag-stop ang kanta dahil may tumatawag.
Keanu Babes calling...
Oh. Hindi ko pa pala napapalitan 'yung pangalan n'ya. Sinagot ko 'yung tawag n'ya habang pinapalitan ang name n'ya sa phonebook ko.
"Keanu...?" tanong ko nang hindi s'ya nagsalita. "Hellooooo???"
"Zia..."
Tangina. Kumabog ang dibdib ko nang marinig kong tinawag n'ya ang pangalan ko. Shet!!!
Hindi ko alam pero parang natutuwa ako na tumawag s'ya. Shit. This bad.
"A-ano?"
Narinig ko ang pagsinghot at pagsinok n'ya.
"Are you... are you crying?" tanong ko sa kan'ya.
"Nope, h-hindi ako umiiyaaaaaak," sagot n'ya pero halata mo na garalgal ang boses n'ya.
"Weh?"
"Oo nga, pramis," pagpupumilit n'ya. Pansin ko rin na iba ang tono ng boses n'ya.
"Lasing ka ba?"
"Hin-hindi, a! Ako? Lasing???? Hindiiiii. Hindi ako lasing." Sa tono ng boses n'ya alam mong lasing s'ya. Gago rin 'to, e.
"Ano ka pala?"
"Tanga," mabilis n'yang sagot sa akin. Teka lang ha? Hindi ako naka-iwas don. Gusto ko sana tanungin kung bakit s'ya tanga pero naisip ko na mabuti na manahimik na lang ako. "Kayo na pala?" Nakarinig ulit ako ng pagsinghot mula sa kabilang linya. "Happy birthday. Congrats."
Nag-aassume na naman ba ako o mag nase-sense akong lungkot, galit, at pait sa tono ng boses n'ya?
Sasagot pa sana ako kaso narinig ko ang boses ni Ali sa kabilang linya.
"What the fuck Keanu??? Ininom mo nang puro 'yung isang bote ng gin?! Are you nuts? Ano ba—"
Nag-end 'yung tawag kaya napabitaw ako sa cellphone ko.
Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman...
Bakit ganun?
Parang nagdidiwang ang puso ko na tumawag si Keanu?
———————
Neko's note: (╯‵□′)╯︵┴─┴ *dances as she finished the chapter* ayun. Salamat talaga guyses. This chapter is the hardeeeest chapter I ever wrote. Kailangan sobrang perfect, kailangan nababasa n'yo 'yung nai-imagine ko and so on and so forth. Alam n'yo 'yun??? Ako mismo nagbibigay ng pressure sa sarili ko soooo EVERY FEEDBACK IS APPRECIATED. Salamat sa paghihintay guys. Sorry talagaaa. :<<
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro