Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Six

Chapter Six

"Zia? Umiiyak ka?"

Napatigil ako sa paghikbi nang marinig ko ang boses ni Keanu.

"K-Keanu?"
"Uh-huh."
"Akala ko si Shomba ka naaaaaaaa!!!!" ngumangawa kong sabi. E gago takot talaga ako, e!!

"Shh... shh... baka marinig ka ng kapitbahay sa lakas ng boses mo."
"Sorry," sabi ko habang pinupunasan 'yung luha at sipon ko. Saka tumingin sa kan'ya pababa sa tyan n'ya. Shit. Topless s'ya. Waw. Such abs. Pahawak naman.

Sinampal ko ang sarili ko mentally.

Mag-hunos dili ka Zia. Calm yo tits.

"Are you done checking my hot body?"
"Psh. Hot daw. K. Kaw na ang may pandesal."

Ayoko na i-deny. Baka katulad sa wattpad na papahawak yung abs pag umangal ako. Pero gusto kong hawakaaaan!!

Puro kamanyakan na nasa utak ko. Kalma! Kalma Zia.

"Akala ko hi-hindi ka eh. Papahawak ko sana," sabi n'ya saka dumila.

Abnormal talaga. Pero ang cute n'ya. Hindi... pogi s'ya! Napaka-pogi n'ya.

"Abno. Teka... bakit malamig 'yung kamay mo?"
"Todo kasi yung aircon sa kwarto ko. Tapos naka-topless ako."

Leche s'ya. Dahil d'yan sa kamay n'ya mahihimatay ako dito.

"So... anong nangyari?"

Kinuwento ko sa kan'ya 'yung panaginip ko na halos makalimutan ko na. Ang naaalala ko lang ay hinahabol ako nung manika at ni panot sa dami ng maaalala 'yun pa.

"Kaya ka nand'yan sa tapat ng kwarto ni Pia kasi makikitulog ka?"

Tumango ako at yumuko. Nakakahiya. Ako 'yung ate tapos ako yung nakikitulog. Pero si Pia naman kasi 'yung may kasalanan. Nagiging abno na rin yata 'yung kapatid ko.

"Dito ka na lang sa kwarto ko matulog."
"H-huh?"
"Natatakot ka 'di ba? You can hug my hot body para 'di ka matakot," sabi n'ya saka kumindat.
"Mukha kang may epilepsy bhe," sabi ko sabay tawa.
"Sakit naman sa puso nun. Pogi-pogi ko tapos ginaganyan mo ko," sabi n'ya sabay humawak sa dibdib n'ya at nagkunwaring nasasaktan.
"Abno."

Pumunta na kami sa kwarto n'ya. Gumawa s'ya ng hot chocolate para sa'min. At syempre. May t-shirt na s'ya.

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto n'ya. May sala set s'ya, plus king size bed, plus black and white na pintura, plus study table, plus walk-in-closet, plus ayoko nang banggitin. Oo na. Mayaman na sila.

"D'yan ka na sa kama matulog. Dito na ako sa sofa."

Hmm... pabor sa akin pero napaka-chixx ko naman eh nakitulog na nga ako tapos sa sofa ko pa s'ya patutulugin.

"Dito ka na lang. Malaki naman kama mo tsaka di ako malikot matulog."
"Nope. I'm a guy, you're a girl. Girls should sleep on the bed."
"And you're the owner of the bed where I am lying right now."
"Aish. Babae ka, lalake ako. Get it?"

Naramdaman kong umakyat ang dugo ko sa mukha. Buti na lang medyo dim yung lights kaya hindi halata.

"Gago! Lalaki rin ako kaya wala kang mamamanyak sa'kin," sabi ko na lang. Nakakakonsensya kasi na patulugin s'ya sa sofa eh parang di naman s'ya sanay.

'O baka dahil gusto mo s'yang katabi?'

Wag kang epal d'yan isang parte ng utak ah. Konsensya lang 'yun.

"Oo nga pala. Flat ka!"
"Kingina mo."

Flat is justice 'no.

"Dito ka na kasi." Pagpipilit ko.
"Aish. Bahala ka nga."

Sabi n'ya saka tumabi sa akin. Pero malayo pa rin s'ya.

Well...

'Di lang pala kagaguhan ang nasa utak n'ya.

Napangiti ako.

He's gentleman in some way.

I didn't expect that I'll sleep peacefully that night.

*****

Nakakaantok pa. Ayoko munang dumilat. Bakasyon. Tulog. Sulitin natin ang bakasyon sa malambot na kama habang yakap ka ng isang mabangong tao tapos malamig pa. Lalo ko pang siniksik ang sarili ko sa taong kayakap ko at lalong sininghot ang amoy n'ya. Ang bango n'ya tala-wait. Shit. Agad na nagising ang diwa ko.

Anak ng tatay. Virgin pa ako. Virgin pa. Virgin ka pa Zia!!!!

O hindeeeeee!! Paano kung...??? Anong sasabihin ni inay??? Ilang sandok ang ibabato nya sa akin???

Dahan-dahan kong minulat ang pretty eyes ko.

Nakakakita pa ako.

Ibig sabihin hindi s'ya kinuha ni Shomba. Nakasubsob pala ako sa dibdib ni Keanu. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso n'ya. Pero ngayon kalmado yun. Hindi kasing bilis ng tibok puso ko.

Kinapa ko ang katawan ko. May damit pa. Hehe assuming lang. Hehehe napatingin ako sa mukha n'ya. Ang tangos ng ilong. Ang kinis ng mukha. Ang nipis ng labi, kissable pa. Ano kayang feeling ng halik n'ya? Ang puti n'ya. Walang eye bags. Yung buhok. Sobrang lambot. Perpektong mukha.

Ang amo talaga ng mukha n'ya. Mukha s'yang hindi naninilip ng bukas na zipper. Tumitibok na naman ng mabilis ang puso ko. Mas mabilis pa sa kanina. Napangiti ako.

'Pwede bang... Pwede bang maging akin ka?'

Nagulat ako. Bakit biglang sumulpot sa utak ko yun. Crush ko na ba s'ya?

Hindi.. Masyadong mabilis.

Gumalaw s'ya ng konti. Lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Feeling ko natutunaw ako. Namumula na naman ako. Pero bakit walang bahid ng pagtutol ang utak ko? Bakit gusto n'yang sulitin ang moment na 'to? Ang puso ko, ayun grabe mag-pump ng dugo. Nararamdaman n'ya kaya yun? Sana hindi.

Bumalik yung tingin ko sa labi n'ya. Nahihypnotize yata ako. Gusto ko s'yang halikan. Kusang gumagalaw ang ulo ko papalapit sa kan'ya. Ayokong tumutol. May kung anong umiikot sa tiyan ko. Konti na lang.. Nilapit k-mali 'to. Maling-mali.

Ibinalik ko na lang sa dibdib n'ya ang mukha ko at pumikit. Masaya na ako rito. Okay lang kahit buong araw kaming naka-ganito. Kahit tumigil ang oras at ganto lang kami.

Gumalaw ang ulo n'ya. Gising na yata s'ya ano kayang reaction n'ya? Kingina. Bakit ba ganto ang nararamdaman ko kay Keanu Fuentes?

Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso n'ya. Bakit? Kinakabahan ka ba? Hinigpitan n'ya lalo ang yakap n'ya sa'kin. Halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko matutunaw ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa tingin ko'y nararamdaman n'ya 'yun. Pero imbes na kumalas ay hinawakan n'ya ang buhok ko. At sinuklay gamit ang kamay n'ya.

Bakit ganitoooo? Ayoko neto.

'Ayaw mo nga ba?'

Tanong ng epal sa utak ko. Pero.. Oo nga. Ayoko nga ba?

Biglang bumukas ng malakas ang pinto.

"AAHHHHHHHHHHH! PORN! MALANDI KA BEY!"

"What the hell? Who're you?" tanong ni Keanu kay Krista. Obvious naman na s'ya 'yun. "Shut up trespasser. Mamaya na s'ya magkukwento. Labas!" pagpapatuloy n'ya. 'Di na n'ya pinasagot. Tinanong mo pa kung sino s'ya. Abno talaga 'to e.

"Okaaayy."

Saka ako nakarinig ng footsteps at pagsara ng pinto.

So akala n'ya tulog pa rin ako o nagpapanggap lang s'ya na hindi n'ya ramdam ang tibok ng puso ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro