Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Seven

Chapter Seven

Nagkunwari akong kagigising lang.

"HOY MANYAK KA! BITAW SHOOOO. SHOOOO," sigaw ko sa kan'ya. 'Wag kang bibitaw. 'Waaag! Gusto ko pa.

"Nakayakap ka nga rin sa'kin," he said then nag-smirk.
"Akala ko kasi unan ka!" pasigaw kong sabi sa kan'ya.

"Masyado akong pogi para maging unan."
"Hangin mo fre. Layo. Layo. Shooo," sabi ko sabay tayo. Pigilan mo ko Keanu. Sabihin mong gusto mo pa akong kasama.

"Ge. Ingatan ang zipper baka bukas," sabi n'ya sabay tawa. Ang pogi n'ya pag tumatawa s'ya. Nagiging guhit na lang yung mata n'ya. Dito na lang ako. Papakinggan ko s'yang tumawa forever.

"Kingina mo!"
"I love you too Zia," sabi n'ya sabay kumindat.

Uminit mukha ko. Kinginaaaa. 'Wag nga s'yang ganyan. Baka umasa ako na gusto n'ya rin ako.

'Gusto n'ya RIN? So gusto mo s'ya?'

Umepal na naman s'ya. Nababaliw na yata ako. Kinakausap ng utak ko ang sarili n'ya.

"In love ka na ba sa'kin?" tanong ni Keanu sabay ngiti.
"Asa ka."
"Okay. Aasa talaga ako. Hihi."
"Bruh. Para kang bakla."
"Gusto mo lang halikan kita eh."

Pwede ba? Naudlot kanina eh. Hihihi ANG AGA AGA ANG LANDI KO NA.

"Pakyu. Ge."
"Byebye ingat ka. Papakasalan pa kita."

Okay. Okay. Namumula na naman ako. Gago 'tong Keanu na 'to. Abnormal.

"Ulul. Nga pala."
"Hmm? Manghihingi ka ng goodbye kiss?"
"HINDI YUN!!"
"Ay. Hehe ano pala?"
"Ano..." Napayuko ako.. "Uhm.."
"Yung totoo Zia, anong sasabihin mo?"
"A-ano kasiii..."

Hindi ko alam na mahirap magpasalamat. Ajujujuju

"S-s-s..."

"SALAMAT!!" sigaw ko sabay takbo papuntang pinto habang nakayuko nahihiya kasi talaga akoooo.

"ZIA NAKA—"
"KINGINA!!!!"

Sht. Ang sakit ng noo ko. Kingina. Damang-dama ko na nag-head bang ako. Putangshet na pinto 'to.

Wala talaga yung utak ko pag kagigising ko lang eh.

"Aish."

Inalalayan ako ni Keanu pabalik sa kama n'ya.

"Wait lang. Dito ka lang."

'Di na ako sumagot kasi masakit talaga. Tumakbo agad s'ya pababa. After ng ilang sandali may dala na s'yang ice pack.

Kukunin ko na sana 'yung ice pack pero pinalo n'ya 'yung kamay ko.

"Aray. Ajujuju bad ka. Nauntog na nga a—"
"Hindi ka kasi nag-iingat eh!! Pano kung napasama 'yan?"

He looks worried. Nakakataba sa puso na may nagwoworry sa'yo bukod sa kapamilya mo.

Nilagay n'ya 'yung ice pack sa noo ko.

"Masakit pa?"
"Hmm.. Medyo."
"Baka magkabukol 'yan. Napaka-clumsy mo kasi eh."
"Sorry."

Teka. 'Di pa pala ako nagtu-toothbrush. Kadiri. Baka bad breath me.

"Wait lang!" sabi ko sabay tayo.
"Bakit?!"

'Di ko na s'ya sinagot at tumakbo ulit.

"Zia mag-ingat ka. Baka mauntog ka na naman."

Pumasok ako sa kwarto at nakita ko si Krista sa loob. Bago s'ya magsalita ay nag-sign ako sa kan'ya na wait lang. Tumango naman s'ya. Hinanap 'yung bag ko at kinuha ang toothbrush at mouthwash ko tapos tumakbo ulit ako sa banyo.

Nakaka-concious. Pano kung may laway pa ako sa pisngi o kaya bad breath talaga akoooo?

Nung pagkatapos ko 'di ko na alam kung saan ako pupunta. Kung sa kwarto ko ba o kay Keanu.

Pero napag-desisyunan ko na sa kwarto ko na lang. Nung papasok na ako, may humawak sa braso ko. Sino pa ba? Syempre si Keanu.

"Ba't d'yan ka?"
"San ba dapat?"
"Sa puso ko," aniya saka dumila.

Gago talaga. Ngumiti na lang ako at inapakan ang paa n'ya.

"ARAY!!!" Para saan yun?"
"Sa pag-apak mo kahapon," sabi ko saka dumila.

Tumawa lang s'ya ng tumawa. Abnormal talaga. Well, 'di naman masama kung sasakyan ko ang pagiging abnormal n'ya, 'di ba?

Hinila niya ako sa kwarto nya para daw gamutin sugat ko. Wow ha? Nako Ziandrina wag kang kiligin! Pa-fall yung mga ganyan! WALANG POREBER!

Lumabas ako sa kwarto ni Keanu ng may plaster sa ulo. Kingina ang clumsy kasi.

Tiningnan ko muna nang masama yung pinto bago lumabas. Gago 'to eh. Inaano ako. Ano gusto mo ng away???

Pagkalabas ko ng kwarto n'ya derecho naman sa kwarto ko. Tiningnan ko naman 'yung pinto ko. Baka nakasara eh baka  pumasok na naman ako. 'Di naman ako sila Tom and Jerry para tumagos sa pinto. Hehe

Pagkapasok ko nakita ko agad si Krista.

"Ano'ng nangyari Bey? Kayo na agad? Forever na kayo? Bakit nag-tootoot agad kayo?"

Namula ako sa mga tanong n'ya.

"HOY HINDI AHH!"
"Ay hindi ba? Sorry. So ano ng nangyari?"

Kinuwento ko sa kan'ya 'yung kagabi at yeah tinawanan lang ako.

"Hanggang ngayon duwag ka pa rin sa mumu."
"Eh kasi yung panot at si manika eh!!!"
"So..."
"So?"
"Bakit magkayakap kayo?"

Umakyat na naman 'yung dugo ko sa mukha ko. Sht. Dama ko.

"Alam mo?" sabi ko sabay humiga ako..

"May weird na nangyayari sa'kin.."
"Weird?" nagtatakang tanong n'ya.

Humarap ako sa kan'ya. Yung tumagilid. Ganun.

"Pag nakikita ko s'ya.. bumibilis ang tibok ng puso ko," sabi ko saka dumapa. Likot ko 'no? Hehe.

"Pag naririnig ko ang boses n'ya napapangiti ako."
"Pag.. Pag malapit s'ya gusto ko s'yang yakapin."
"Gusto kong malaman ang lahat sa kan'ya," sabi ko saka ko sinubsob ang mukha ko sa kama. Naiisip ko pa lang s'ya parang may something na sa puso ko.

"Krista. Ano'ng dapat kong gawin?"
"Hmmm. Wala. Hayaan mo lang."
"Bakit?"

"You'll find out soon."

*****

10 am pa lang. 8 kasi kami nagising. 8 hours of sleep? KULAAAAANNGGGG!! Tulog pa kaya akooo?

"Krista."
"Hmm?"
"Bakit nandito ka?"
"Pinapasok ako ni Pia."
"Pano ka nakapasok sa kwarto ni Keanu?"
"Hindi naka-lock eh."
"Ohh.."

Hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang antok.

*****

Nagsasayaw kami. Nakasuot ako ng magandang dress. Maganda ang tugtugin. Romantic. Nag-uusap kami ng kasayaw ko pero hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan namin. Nagtatawanan. Masaya ako.

Nilapit ng taong kasayaw ko ang mukha n'ya sa mukha ko. Tumingkayad pa ako dahil mas matangkad s'ya sa'kin.

Magkalapit na ang aming mga labi nang—

Nagising ako. Napahawak ako sa labi ko. Sino 'yung nasa panaginip ko? Bakit nagsasayaw kami?

Tumingin ako sa orasan. 1pm na. Nagrereklamo na ang tiyan ko kaya bumaba na ako. Wala si Krista. Baka nasa baba.

Nung nasa baba na ako ay nakita kong nag-uusap si Krista at si Kevin sa sala. Ngayon ko lang ulit s'ya nakita.

Nakita ako ni Kevin na papalapit kaya tumango lang s'ya na sinagot ko ng ngiti.

"Bey. Kain ka na."
"Okaaay. Si Pia?"
"Andun sa dining area."
"Ohh..."
"Sige na. Pumunta ka na dun."

Dahil tinaboy na n'ya ako. Pumunta na ako sa dining area.

"Tagal mong magisiiiing!!!"

Nagulat naman ako sa baliw na 'to.

"Eh antok pa ako eh. Tsaka bakit ba?"
"Hinihintay kita para sabay tayo kumain eh."
"Nasakin ba ang spoon, fork, and plate para hintayin mo ko?"
"Wala. Pero ikaw ang appetizer ko."

Gagong 'to. 'Di ako pagkain. Ungas s'ya.

"Ulul. Wala kang karapatan na kainin ako."
"Pero ikaw ang pangpagana ko para kumain."
"Bruh."

Binigyan ko s'ya ng tingin na nandidiri ako sa pinagsasabi n'ya where in fact mamamatay na ako sa kilig.

"Kain ka naaa. 1 naaaa!"
"Yeah, yeah."

Nagulat ako nang pinaghila n'ya ako ng upuan.

"Kaya ko na."
"Pero dapat ang prinsesa pinagsisilbihan," nakangiti n'yang saad. Umakyat na naman ang dugo ko sa mukha ko. Putengenerszxsz Ang landi naman talaga ng Keanu na 'to. Oo.

Narinig kong tumawa ng malakas ang gago kong kapatid.

Napakunot noo ko. TANGINA TUMATAWA SI PIA?!?!

"Korni mo Keanu."
"Hayaan mo na ako, Pia. Kelangan ko pang masungkit ang puso ng ate mo."
"HINDI SINAMPAY ANG PUSO KO!"

Keanu wag kang gan'yan. Baka umasa ako!

"Kain ka na," sabi ni Keanu habang pinagsasandok ako ng food. Hinayaan ko lang s'ya.

Dahil bukod sa gusto ko eh natutuwa akong gan'yan s'ya. He's really a gentleman, huh?

————————

Neko's note: how was it? Hehe feedback ples. NEXT CHAPTER WOULD BE KEANU'S POINT OF VIEW FROM CHAPTER ONE :D hope you enjoy it ~~ please vote and comment. 💕💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro