Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One

Chapter One

"Beeeyyyyy!!" sabi ng boses habang sinasampal ako.

Walang pasok. Bakasyon. Don't wake me up. Please???

"Zia!!" Hampas niya ulit sa akin kaya tinalikuran ko siya. Pamilyar ang boses niya at saka isa lang ang tumatawag sa akin ng "Bey". Pero hmm... I still want to sleep.

"Zia! Ang laway mo!"
"Wala akong pake," inaantok kong sagot.
"Ang bad mo. Ganiyan mo tratuhin ang bespren mo na kagagaling lang sa probinsya na miss na miss mo na?!"

Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang sinabi niya. Napabalikwas ako ng bangon dahil doon. Nawala na 'yong antok na nararamdaman ko.

"Krista?" tanong ko sa kaniya na mayroong bahid ng gulat.
"Oo! Hmp. Na-miss kaya kita tapos tatalikuran mo lang ako," kunwaring asar niyang sagot sa akin pero alam ko naman na hindi ako matitiis ni Krista. Love kaya niya ang Bey niya.

Si Krista Jane Apolinar, best friend ko simula noong sperm cells pa lang kami. Nag-stay sila sa probinsya after namin mag-first year highschool kasi kailangan sila doon dahil may sakit ang lola niya. Ayaw naman ng lola niya rito sa Manila kaya sila na lang ang nag-adjust at pumunta doon.

*****

"So.... bakit nga ba tayo nandito?" tanong ko sa kaniya. Dinala kasi ako sa mall. Babaeng ito talaga.
"Kasi na-miss mo ako at ililibre mo ako!" proud na sagot niya sa akin.

Totoo naman na na-miss ko talaga siya. Noong nasa probinsiya kasi sila ay hindi naman kami gaanong nakakapag-usap. Syempre, busy na rin kami sa school stuff kaya bihira na kami mag-usap pero we both know that deep inside, solid pa rin kami.

"Bey alam mo ba..."

Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Krista dahil napatingin ako sa aking harapan. May nakita akong pogi. Hindi pogi na maangas ang dating. Maamo ang mukha, parang anghel. Tuluyan ko nang hindi narinig si Krista dahil parang kinuha ni kuyang pogi ang lahat ng atensiyon ko. Nakatingin lang ako kay kuyang pogi. Nagkasalubong ang mata namin at nakita ko na napangisi siya. Napakunot pa nga ako ng noo dahil slow motion ang dating. Iyon bang paglalakad at ang pag-sway ng buhok niya dahil sa imaginary wind. Nagkaroon pa ng butterflies sa background at parang wala nang tao sa mundo.

Weird.

May bumulong sa isip ko. "Love at first sight ba ito? Sparks na ba this? Siya na ba si Mr. Right? Siya na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?" Ngunit bago pa may maisip na kakaiba ang utak ko ay iwinakli ko iyon. Para naman akong tanga. Na-imagine ko na ba agad ang buhay ko with that oh-so-handsome-guy nang dahil lang nagkatinginan kami? Epekto talaga ng Wattpad, oo.

Nawala lahat ng nasa isip ko nang ma-realize ko na malapit na kaming magkasalubong. Na-conscious naman ako dahil obvious na obvious that I am checking him out.

"Miss, zipper mo bukas." Narinig kong sabi niya nang magkasalubong kami. Bakit ganoon iyong boses niya? Buong-buo. Lalaking-lalaki. Pogi pati boses. Legit kayang lalaki 'to? Minsan pa naman naiisip ko na ruler na lang ang straight.

Teka... Ano raw? Napahinto ako sa paglalakad nang ma-realize ko kung ano iyong binulong ni kuyang pogi. Napakunot ang nook o kaya napatingin sa akin si Krista.

"Bey?" nagtataka niyang tanong.
"Putangina," bulong ko na sapat na para marinig ni Krista. Hindi ako nagpatinag, baka prank lang iyon 'di ba? Iyong para kang nasa Wow Mali tapos may camera everywhere. Kinapa ko nang dahan-dahan ang zipper ko at halos lamunin na ako ng lupa nang ma-realize na bukas nga siya. Shet, my zipper is tomorrow.

"Tangina," mahina kong sambit. Napapikit ako nang mariin dahil nakaramdam ako ng hiya. Sino bang hindi mahihiya?! Shit! Shit!! Agad kong isinara ang zipper ko. Ayoko naman nang magkaroon pa ng part 2 ang kahihiyan ko.

Nakakahiya talaga! Lalo pa na isang stranger na pogi ang nakakita na bukas ang zipper ko. The fuck! Gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang hiya na nararamdaman ko. Medyo napapahiling ako na may lumitaw na fairy godmother at bigyan ako ng wish na may sinkhole na lumitaw ngayon na mismo at kainin ako.

"Beeey," tawag sa akin ni Krista sabay dutdot sa braso ko. Nagiging cause na pala kami ng traffic. May mangilan-ngilan na nakasimangot sa akin dahil nga sa biglaan kong paghinto. Agad naman akong gumilid kasi ang epal ko na masyado sa daan. Huhu. Baka mamaya pahuli pa ako sa guard for loitering around.

Shet naman, nakalimutan ko palang nag-eexist siya. Na-mesmerize kasi ako sa kapogian ni kuya, at saka nahiya pa ako sa pangyayari kaya nakalimutan ko na ang mundong ginagalawan ko. Hay nako, Zia talaga!

"Beeeeeyyyyy!!!! Hindi mo ako pinapansin. Masakit sa heart."
"Sorry na! Nag-cr ba tayo kanina?" nagtataka kong tanong kasi hindi ko talaga maisip kung bakit bukas zipper ko, e.
"Uhmmm... ako lang pero ikaw nagpaganda lang sa salamin."
"Tangina talaga!" mura ko sabay gulo ng buhok ko.
"Why?" nagtatakang tanong ni Krista. Sanay naman na siya sa madalas kong pagmumura.
"'Yong pogi nating nakasalubong kanina sinabihan ako na bukas ang zipper ko!"
"For real?!" gulat na tanong niya at nag-ala giraffe sa paghaba ng leeg niya para hanapin ang "poging lalaki" na sinasabi ko.
"For real!" Napapadyak pa ako sa sobrang hiya at asar na nararamdaman ko.
"Bukas ba?"
"Oo. Kinapa ko, e."
"Hala bey. Nakakahiya ka!" Napatingin naman siya sa zipper ko. Hinayaan ko lang siya dahil alam kong sarado na 'yon pero nakita ko na umaangat ang gilid ng labi niya at animo'y natatawa.

"Bakit?!" nagtataka kong tanong.
"Bukas pa Bey!" sagot niya saka sapilitan akong pinatalikod.

Pagtingin ko ay bukas nga huhu. Isinara ko na naman siya kahit na hiyang-hiya na talaga ako kasi nandito pa talaga kami sa gilid. Bakit nga ba hindi kami pumunta sa CR? Huhu.

"Bago kasi to Krista. Feeling ko may sariling utak 'tong zipper ko at bumababa mag-isa. Paano 'yan? Baka magkita ulit kami." Halos maglupasay na ako sa sahig dahil sa hiya. Ikaw nga! Huhu hindi ka ba mahihiya? "Tapos..." pagpapatuloy ko.
"Tapos?" tanong niya naman na may bahid ng kyuryosidad.
"Lapit ka rito." Agad naman niyang inilapit ang tenga niya sa bibig ko. "Bulaklakin 'yong undies ko," mangiyak-ngiyak na pag-amin ko sa kaniya. Huhu.

Nanlaki ang mata ni Krista at agad na tumawa. 'Yung tawa na ang saya-saya kaya napanguso ako. May kasama pa ngang hampas at palakpak. Huhu akala naman niya. Wala naman kami sa Its Showtime para humalakhak siya ng ganiyan. Hmp.

"Ayos lang 'yan Bey. At least cute 'di ba? At saka malaki ang Metro Manila. Hindi na kayo magkikita niyan. Tiwala lang. Tara na sa Mcdo!" yaya niya sakin. Lakas sumegue para namang hindi ako nahihiya kani-kanina lang.

Kaso kaysa naman mag-iiiyak ako rito ay pumunta na lang kami sa Mcdo. Lumalamon kami sa Mcdo ng fries. Gawain naming mag-bestfriend mula dati pa! Hehe.

"Foooood come to meeee. Comfort meeee. Huhu," sabi ko sa isip ko. Pagkain na lang talaga ang makakapagpagaan ng loob ko kasi si Krista tinawanan ako. Um-order na si Krista habang ako ay nag-scroll up and down na lang sa Facebook. Mabuti na lang ay walang ganoong pila kaya naman ay nakabalik agad si Krista. Umupo siya sa harap ko kaya napatingin ako sa kaniya. Ngangata na sana ako ng fries nang...

Huhu.

Oo...

Nakita ko na naman si kuyang pogi na katapat ko, nasa likod ng upuan ni Krista. Anak ng tatay.

"Krista! Itago mo ako. Itago mo ako!" nagpa-panic kong sabi kay Krista. Kinuha ko ang tray na pinaglagyan ng pagkain saka itinakip sa mukha ko. Huhu.
"Huh? Bakit Bey?" nagtatakang tanong niya saka pilit na ibinaba ang tray.
"Andito siya!"
"Huh?" Hala hindi pa na-gets huhu. Papalo ko 'tong tray sa ulo niya para mahimasmasan siya. Kinuha niya naman ang tray at inilayo sa akin. "Hindi kita maintindihan, Bey!"
"Itago mo 'kooo!" ulit ko sabay takip ng mukha. Lumingon si Krista sa likod. Kaya tumingin din ako kay kuya. Nagtama ang mata namin. Sheeeetttt!!!

"Zipper mo bukas." Nabasa ko sa labi niya sabay tawa niya. Hayup! Ang amo-amo ng mukha niya pero bakit may pagka-demonyo siya? Huhu.

"Bey. Pogi talaga siya!!!" sabi ni Krista saka hinampas pa ako.
"Whatever," sagot ko na lang kasi nakaka-stress naman 'to si kuya. Bakit hindi na lang niya ako tigilan? Talagang sinundan niya pa ako sa Mcdo para lang asarin. Huhu.

Unconsciously ay napatingin na naman ako sa kaniya. Nakita kong tumatawa pa rin siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Krista! Alis na tayo!!!" Hiyang-hiya na talaga ako. Leche ka kuya. Pogi ka pa naman tapos ang lakas ng trip mo. Amo pa naman ng mukha mo!

---------------------

Neko's note: Here's the edited version of chapter one! Hahaha sana tuloy-tuloy na ang sipag ko sa pag-edit. Minsan gusto ko na lang sapakin 'yung 15 year old self ko kasi ganito magsulat hahaha. Joke. Lahat naman tayo dumaan diyan. Salamat sa pagbabasa guys! Hindi ko pa alam kung ie-edit ko na agad 'yung ibang chapters since hindi ko pa tapos 'yung NAWB.

Baka naman trip ninyo basahin 'yung one shot story ko entitles Cleaners at 'yung isa ko pang ongoing story na Not a Wall Breaker. Salamat guys!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro