Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fourteen

Chapter Fourteen

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Iniisip yung napag-usapan namin ni Keanu. May first love na pala s'ya. Kaya pala ayaw n'ya umalis sa America.

Pero bakit parang ang sakit? Hindi parang... masakit talaga.

Dito sa dibdib ko. Bakit gan'to 'yung nararamdaman ko? Hindi ko dapat 'to maramdaman.

Napadapa ako. Kingina mo Keanu. Bakit nagiging gan'to ako?

Anong oras na pero parang sirang plaka na umuulit sa utak ko ang mga salitang binanggit n'ya.

Zia. Kumalma ka.

Hindi. Pinaasa n'ya ako eh. Tangina baka ganun kasi talaga s'ya? Pero tangna. Sino ba kasing hindi aasa sa mga pinapakita n'ya?

Pero tangina kasi eh. Isang araw pa lang Zia oh umaasa ka na dyan. Para kasing gago.

Umupo ako at inuntog ang ulo ko sa pader. Tanga ako. Tanga ako.

Humiga ulit ako. Tangina ano bang ginagawa ko sa utak ko? Bakit sinasaktan ko sarili ko physically??

Alas-dose na pero heto ako. 'Di makatulog. Dapat tulog na ako eh. Tuwing pinipikit ko ang mga mata ko nakikita ko ang mukha ni Keanu.

Gusto ko na ba s'ya?

Mukhang oo. Gusto ko na nga siguro s'ya.

Kahit pa na sobrang bilis ng nangyari. Alam ko sa sarili ko na gusto ko na s'ya.

Keanu. Bakit gan'yan? Tama na please.

Gusto na talaga kita.

*****

Pagbukas ko ng pinto ay nandun na agad si Keanu.

"Good morning Zia," bati n'ya sa akin nang nakangiti. Tumango lang ako at iniwas ang tingin.

Dumerecho agad ako sa banyo. At inuntog ulit 'yung ulo ko sa pader. Nababaliw na ako. Bakit ba ako nag-react ng ganun? OBVIOUS NA OBVIOUS, ZIA.

Naghilamos na ako at nag-toothbrush saka naligo. Baka umayos 'yung utak ko. Antok lang 'to. Kulang 'yung tulog ko eh.

Pagbukas ko ng pinto ng banyo nasa labas si Keanu. Tumibok agad ng mabilis 'yung puso ko. At may umiikot sa tyan ko. Napa-iling ako.

"Galit ka ba?"
"Huh? Baliw." sagot ko na lang saka bumalik sa kwarto ko.

Narealize ko na gusto ko pa lang naman s'ya. Mapipigilan ko pa 'to. At saka... ang plano ko naman talaga eh ang hindi sila kausapin sa buong pag-stay ko dito.

Kinuha ko na ang earphone kong sira para sa props pag nasa baba ako. Buti na lang talaga 'di ko 'to inalis sa bag ko. Buti na lang at etong bag 'yung dinala ko. Kung hindi ewan ko na.

Hindi na ako makatulog. Pero gusto kong matulog. Bababa na lang ako para kumain.

Isinaksak ko sa tenga ko 'yung earphone ko kahit walang tumutugtog saka ako lumabas ng pinto.

"Zia?"

Hindi ko s'ya naririnig.

May earphones ako.

La la la la la ~~

Nagpatuloy ako sa pagbaba kahit na nararamdaman ko na sumusunod sa akin si Keanu.

Pero wala akong pake.

Magpapanggap ako na wala akong pake.

Hanggang sa nakababa na ako. Wala pa si Krista. Anong oras pa lang ba? Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras. Alas-otso pa lang. Maaga pa.

Nakarating na ako sa hapag-kainan. Si Kevin pa lang ang nandun. Ngumiti ako sa kan'ya. Saka ko tinganggal ang earphone ko.

"Good morning Kevin," nakangiting sabi ko.
"Good morning," bati n'ya sabay ngumiti. Wait... ngumiti s'ya. Maganda yata ang araw n'ya ngayon. Baka tapos na ang flag ng Japan n'ya.

Umupo ako sa upuan sa harap n'ya.

"Zia. Ba't ako walang good morning?"

Aish. Pinilit kong ngumiti sa kan'ya.

"Good morning." Isang pilit na ngiti at good morning ang naibigay ko sa kan'ya.

Nag-serve na si manang ng food. Milk ang hiningi ko kasi matutulog ulit ako.

Nung mag-istart na kaming kumain isinaksak ko na ulit ang earphone ko. 'Di ko talaga sila kakausapin. Final decision. Kahit ambastos. Kaikangan kong protektahan ang puso ko.

Walang nagsasalita. Pero ramdam ko na nakatitig sa'kin si Keanu. Sa tabi ko s'ya umupo.

Binilisan ko na lang ang pagkain since uncomfortable kumain ng nandito yung dalawa.

Nagpakabusog ako nang sobra para mabilis makatulog.

Nang matapos ako ay agad akong tumayo.

"Zia galit ka ba?"

Hindi ko s'ya narinig.

Dere-derecho ako sa paghakbang. Hindi. Hindi ko talaga s'ya narinig.

"Tanga."

Narinig kong sabi ni Pia bago ako makaakyat sa hagdan.

Hindi ko s'ya nilingon. Kunwari hindi ko rin s'ya naririnig.

"Zia, wag mo kong ginagago kasi alam kong sira 'yan at naririnig mo ko."

Napatigil na ako sa pag-akyat at nilingon s'ya.

"Zia, wag kang tanga."

Tumawa ako. Tawang ewan. Walang buhay.

"Sino ba ang ate sa atin?"

Sinamaan n'ya lang ako ng tingin. Hinayaan ko lang s'ya at dumerecho na ako paakyat.

Tanga nga ako.

Nag-blower ako ng buhok. Kelangan tuyo pag matutulog. Nakaka-leche pag basa ang buhok nang tulog.

Humiga ako sa kama. Gusto ko nang matulog. Buti na lang medyo effective ang pagpapakabusog.

Dati naman ang pinoproblema ko ay ang pagtulog forever. Paano ako magbibingi-bingihan sa utos ni inay. Hindi yung ganitong kagaguhan. Natatanga ako eh.

Hays. Hayaan na nga. Paggising ko, saka ko sila poproblemahin.

Buti na lang naramdaman ko nang inaantok na ako.

*****

Bakit ganun? Feeling ko inaantok pa ako? Hmm. Anong oras na ba? Tumingin ako sa wall clock. Alas-tres na???! Pero feeling ko inaantok pa rin ako.

Tumagilid ako. Nakita ko si Krista.

"So... sleeping beauty is finally awake?"

Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko si Krista. Putspa. Kagulat to ah.

"Naman Krista eh."
"Bey. Anong nangyari?" seryoso n'yang tanong.
"Huh?" Saan? Nasakop na ba tayo ng Spooky Spaghetti? Or... tapos na ang Detective Conan at One Piece?
"Sa inyo ni Keanu?"
"Ah? May nangyari ba?"

Nawawala talaga utak ko tuwing kagigising ko lang.

"Pahinga ka muna bey. Wala ka talagang utak, e."
"Bad."

Napahiga ako. Bakit ba sabog ako forever tuwing kagigising lang?

Hmm... napatagilid ako at napapikit. Inaantok pa ako.

"Bey! Aba wag mo kong tulugan," sigaw ni Krista habang niyuyugyog ako.
"Opo! 'Di ako matutulog. Nakapikit lang," sagot ko habang nakapikit pa rin.
"Bey, simula sperm cells pa lang tayo eh mag-bestfriend na tayo kaya tigilan mo ko."

Napatawa ako. Oo nga pala.

"Ano bang kelangan mo?" tanong ko ng pataray. Haha
"Bey, wag ako. Ano ngang nangyari? Bakit may drama?"
"Drama?"
"Kinausap ako ni Pia."
"Wait. Kinausap ka ni Pia????"
"Yep. Nakakaloka bey 'no?"

Nagiging weird na talaga ang kapatid ko. Ang usual self n'ya eh ang hindi nagsasalita.

"Oo. Nakakaloka nga."
"Anyway, ayun nga. Tumawag s'ya sa'kin. Saying na nagdadrama kayo kanina. May pa-earphones earphones ka pa raw eh 'di naman tumutunog," aniya saka tumawa.
"Tinawagan ka ni Pia?!" kunot noo kong tanong..
"Nagulat nga rin ako bey eh! Hindi ko nga alam kung saan n'ya nakuha number ko," sagot n'ya, "so ano na nga?"
"Eh kasi naman Kristaaaa," pabebe kong saad.
"Ano?"

Napabuntong-hininga ako.

"Naamin ko na sa sarili ko na gusto ko si Keanu."
"That fast? Wow. You're not that slow now, bey."
"Huh?" nagtataka kong tanong.
"Binabawi ko na. Nadasalan ka lang siguro kaya gumana ng matino utak mo."
"You're expecting it?"

"Yup," aniya at tumango-tango pa. "Tapos? Ano na?"
"'Di ba sumama s'ya kahapon?"
"Uhh huh."
"Niyaya ko s'ya sa park kasi nagke-crave ako sa kikiam tsaka nababadtrip ako kasi feeling ko O.P na ako sa inyo."
"Ohh. Sorry. Hehe. Tapos?"

"Pinahiga n'ya ako sa lap n'ya kasi medyo inaantok ako," sabi ko tapos dumapa. Inaalala ko lang 'yung kahapon sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Kingina. Heart kumalma ka.

"For real?"
"For real."
"Iba na 'yan haaa."
"Abno. Tapos..." Napabuntong-hininga ulit ako. Hindi dapat ako kiligin kahit unti-unting gumuguhit ang ngiti sa aking mga labi. "Hindi ako makatulog. Ewan ko kung akala n'ya tulog ako or what pero after ilang minutes, hinawakan n'ya 'yung kamay ko."

Impit na tumili si Krista. At gumulong-gulong sa kama ko.

"Bey. Omerghed. Ibang-iba na 'yan."
"Krista. Kalma."
"Okay. Okay," sabi n'ya habang pinapaypayan ang sarili.
"Thirty minutes kaming ganun."
"Hindi ka umangal?"

Umiling ako.

"Bakit ako aangal? Eh gusto ko rin."

Tumili na naman si Krista.

"Bey! Malandi ka talaga."

Buti hindi ko pa kinukwento yung sa kwarto. Jusko baka maglupasay 'to.

"Kaso... tinanong ko s'ya kung bakit 'di ko s'ya nakikita nung bata tayo. Ayaw n'ya raw umalis sa America. Kasi...."
"Kasi?" nabibitin netong saad.
"Dahil sa first love n'ya."

Isinubsob ko na lang ulit 'yung ulo ko sa unan.

"'Yun lang 'yun?"

Tumango ako. Hindi ko alam kung nakita n'ya ba o hindi.

"Tanga mo talaga bey. Hindi ka man lang ba nagpakwento?"

"Para saan pa? Para masaktan lalo?"

"May point ka. Pero tingin mo.. Bakit s'ya pumunta ng Pilipinas?"

Oo nga 'no. Bakit?

"Ewan ko?"
"'Yan! 'Di ka kasi nagpakwento."

Bumuntong-hininga ulit ako.

"Ayoko na mag-isip."
"Wala kang utak bey, wag magpanggap," tumatawa n'yang sabi.
"Bad."

Natahimik kami ng ilang minuto.

"What's the deal between you and Kevin?" pagbabasag ko ng katahimikan.

Napatingin s'ya sa'kin.

"Hmm? Friends. Why?"
"Sure?"

Tumango s'ya sa'kin at ngumiti.

"Why?"
"Hmm.. I thought there's something between you two."
"Pano mo nasabi yan bey?"
"Hindi n'ya kaya ako kinakausap since we met again tas ikaw lagi mong kachikkahan."
"Ohh. Kinakausap mo ba s'ya?"

Hindi nga. Natawa ako.

"Tingnan mo. Tapos nagtataka ka kung bakit 'di ka kinakausap?"
"Oo na. Pero akala ko talaga..."
"Noooo. We're just friends. And besides. He has someone that he likes."
"Really?"
"Yep! Anyway.. Ano'ng plano mo?" tanong n'ya habang nakatitig sa'kin.
"Plano?"
"Uhh huh."
"Ewan."
"EWAN?!!" Sigaw n'ya sa'kin.
"Kalma. Hindi. Plano ko? Hindi ko na talaga sila kakausapin."
"Nababaliw ka na ba?"
"Siguro."
"Abno. Pero bakit?"
"Ayoko s'yang mahalin," sabi ko sabay tayo.

"Pasan ka?"
"Bili tayo earphones."

--------

Neko's note: thank you sa mga readers na nag-vote up to 50 votes. Grabe kayo guys! 💕💕💕 love you all. 😘😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro