Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Four

Neko's note: dedicated to Alchemistic_Me she made the cover guys!!! Plus super support sya sa story na to. Huhu. I was really touched I nearly cried. She's really precious hooman being! Lablab. 💕💕

Chapter Four

Natapos din ang lunch with them. Good thing is 'di kami nag-uusap. At sana makalimutan n'ya na tinitingnan ko s'ya. Ang disturbing kasi ng presensya n'ya. Gusto kong magpapansin pag nand'yan si Keanu. Ano bang meron sa utak ko? Jusko. Epekto 'to ng zipper eh.

Tatawagan ko pa pala si Krista para magkwento ng happenings sa life ko.

Ring~ Ring~ Ring~

"Hello bey? Bakit?"

"Kristaaaaaa!!!!!!!"

"Ano? Bakit? Anyare bey?"

"You won't believe it!"

"Ano meron? Wag kang cliffhanger!"

"Do you remember Kevin? Yung uhugin na laging talo sa text?"

"Bey, pogi si Kevin ah. Oh ano meron?"

"He has a brother."

"Yeah. Si Keanu?"

"You know Keanu??"

"Yep. Yung older brother n'ya na nakatira sa America."

"Err.. How did you know?"

"Ikaw kasi bey. Mukha kang text dati. Wala kang pake sa presensya ni Kevin. Ako kaya nakakausap nun pag busy kang makipaglaro sa ibang bata. So nakwento na n'ya yung about sa brother n'ya."

"You didn't even tell me?"

"Why would I tell you? Naku bey ha?" sabi n'ya sabay tawa.

Oo nga. Bakit kelangan n'yang sabihin sa'kin? Pero kahit naaa. I feel like an idiot for not knowing him.

"So.. What's with Keanu?"

"S'ya yung nagsabi na bukas yung zipper ko Krista!"

"So you're saying that Kevin's here?"

"Yep."

"So that's why his eyes look familiar."

"'Di ko nga napansin nung una eh. Pero yeah. His eyes are same with Kevin. And anyway.."

"Ano?"

"I'm staying with them starting tonight"

"LIVE-IN NA?AMBILIS MO NAMAN GUMAWA NG MOVE!" sigaw nya. Aray ha? Masakit sa tenga.

"Hoy gaga. I mean makikituloy."

"What happened?"

At ikinuwento ko na sa kan'ya ang nangyari kanina sa hapag-kainan at tawa s'ya nang tawa.

"Laughtrip ako sa inyo Bey. Bisitahin na lang kita dyan bukas. Bye."

"Bye byeeee."

Then our conversation ended.

That's it. I'm hanging myself. Lol ganto na lang. 'Di ko sila kakausapin sa loob ng 2 linggo. Si Krista lang yung kakausapin ko.

Teka kelangan pa bang mag-empake eh kabilang bahay lang naman? Bahala na nga. Naglagay na lang ako ng dalawang t-shirts, dalawang boxers, at undies.

'Di naman ngayong oras na pero.. Parang na-eexcite ako na makakasama ko s'ya sa isang bahay. Na palagi ko s'yang makikita.

Dumating na ang oras. Lilipat na talaga kami sa kanilaaaa? 'Di pa ako handa! First time kong makikitira sa ibang bahay bukod kila Krista na parang kapatid ko na. Dafq. Ano ba kasi ang plano sa akin ni Inay?

May nag-doorbell na. Sila na 'to. Ewan ko ba kung bakit pero gusto s'yang makita. Hindi. Joke lang. 'Di ko s'ya gustong makita. Mag sinabi ba ako na gusto ko s'yang makita? Wala 'di ba?

Pumasok si Mr. and Mrs. Fuentes. Silang dalawa lang? Wala ba si- bakit ba? Ano bang pake ko? Ano naman kung wala s'ya dito? Psh as if I care.

"Mom!"

Ang boses na 'yun. 'Yung poging boses na nagsabi na bukas ang zipper ko. S'ya nga. Nandito s'ya

'Oh, bakit parang masaya ka d'yan?'

Lately nahihilig na sa pag-epal 'tong isang bahagi ng utak ko ah. Hindi ako masaya 'no. Sino bang nagsabi na gusto ko s'yang makita? Tsaka magkikita naman kami mamaya sa kanila 'di ba?

"Ready na kayo Vic and Marcel?" Sabi ni Mr. Fuentes.

"Yieee~ parang magha-honey moon ulit tayoooooo," sabi ni Mrs. Fuentes. Parang teenager s'ya. Ang cute n'ya.

Tumango lang si inay at itay. Niyakap ko sila.

"Inay, itay. Wag n'yo kaming abandunahin ha?"

"Kung may sandok lang ako nahampas na kita."

"Sorry na nay. Pero ingat kayo ha?"

"Oo na. At ikaw Zia. Bantayan mo si Pia ha? Walang uuwi ng late. Sila Kevin at Keanu ang bahala sa inyo."

"Opo tay. Ingat po kayo."

Ilang paalaman at pagpapaalala pa ang naganap bago sila umalis..

At saka ko lang na-realize na apat na lang kami dito.

"Tara na sa bahay n'yo," sabi ni Pia.

Walang hiya talaga 'tong kapatid ko. Pero ngayon na ba talaga? Inaaaay 'di na lang ako mag-aallowance. Kila Krista na lang ako.

"Zia!"

Saka ako nabalik sa utak ko.

"Diyan ka lang?" tanong ng poging boses. Oo na. Si Keanu. Hindi ako makasagot. Bakit kasi ikaw pa ang kumausap sakin. Nakatitig lang ako sa kan'ya. Na-mesmerize talaga ako sa kapogian n'ya.

"Aish." Narinig kong sabi n'ya sabay hinila ang kamay ko. Oo! Kamay at hindi braso. Jusko. Namumula na yata ako. Ang lambot ng palad n'ya. Nakanganga lang akong sumusunod sa kan'ya. Eto na naman ang puso ko. Wala naman akong nirentahan na banda pero bakit may nagda-drums? Tapos bakit may pink sa background? May butterflies? Bakit gusto kong ihinto ang oras para gan'to lang kami. Magkahawak-kamay? Gusto kong namnamin ang moment. Gusto kong dikitan ng rugby, might bond, or scotch tape ang mga kamay namin. Ayokong alisin.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Crush ko na ba s'ya? Ewan ko. Hindi ko rin alam sa sarili ko. Sa labinwalong taon ko dito sa mundo, ngayon ko lang naramdaman 'to.

"Zia!!!"

Narinig kong sigaw ni Pia. Jusko.

"Bakit?"

"Tulaley ka lang forevs?"

"Sorry."

"Ehem," pag-epal ni Keanu

"May ubo ka pre?" sarkastiko kong tanong kay Keanu.

"Kamay."

"Kamay?"

"Yung kamay ko. Baka gusto mong bitawan?"

"Malamang!" Sabay bitaw ko. "Gustong-gusto kong bitawan!!" sabi ko sabay irap. Ungas pala talaga s'ya. Buti pa si Kevin hindi nagsasalita. Pero in fairness, ang lambot talaga ng kamay n'ya.

Inikot ko ang mga mata ko sa bahay nila. Hmmm... ayos naman. Siguro minentain talaga to para sa pagbalik nila. Tho 'di ko nakikita na may caretaker sila. Sabagay 'di naman ako lumalabas.

"Bro. Ikaw na bahala. Sa kwarto lang muna ako."

Tumango lang si Keanu at umalis na si Kevin. So... people really change huh? I mean. Si Kevin dati eh napaka-masaya tapos ngayon...

"S-san yung kwarto namin Keanu?"

Hoy Zia! Sino'ng nagsabi na mag-utal ka d'yan. Etong dila ko 'di nakikisama eh.

"Hmm.."

Inikot ko ulit ang tingin ko para maiwasang makipag-eye contact sa kan'ya. Feeling ko ay matutunaw ako sa mga titig n'ya pag nagkasalubong ito.

"Sa guestroom si Pia.. At ikaw ay... Hmm.."

Puta baka sa kulungan ako ng aso patulugin. Naku talaga uuwi ako. Anak ng tatay.

"Sa kwarto ko."

Automatic akong napatingin sa kan'ya at ayun. Suot n'ya ang nakakaloko n'yang ngiti. Ang pogi n'yaaaaaaa.

"Pakyu. Asa ka."

Sabi ko sabay irap. Pero pwede rin. Hehehehe pogi naman s'ya. Kalimutan na lang natin yung sa zipper incident. 'Di ba? Fresh start. Papakipot muna ako, malay mo piliti-teka Zia kumalma ka. Ano ba 'yang nasa utak mo. Puro ka-ewanan. Naging gan'yan ka dahil kay Keanu? Nahahawa yata ako sa pagiging abno n'ya.

"Joke lang," sabi n'ya. Tapos tumawa. "Dalawa ang guestrooms dito so tig-isa kayo. Katapat ng kwarto ni Kevin yung isa tapos yung isa, katapat ng sa'kin. Mamili na lang kayo."

Tumango kaming dalawa ni Pia. Sana yung sa tapat ni Keanu yung kunin n'ya.

"By the way, movie marathon tayo?"

"Sure!" sabi ni Pia.

-------

Please vote and leave a feedback. Love you all.

-Neko Chan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro