Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Forty Two


Chapter Forty Two

"Zia."

Nilingon ko s'ya.

Dalawang metro ang layo n'ya sa akin pero kitang-kita ko s'ya kahit na madilim.

Kita ko 'yung mga mata n'yang mapungay. Pero bakit ka may eye bags? Did my confession bug the hell out of you? At least pareho na tayo.

Nakatayo s'ya dun sa gilid ng pool. E kung itulak kaya kita d'yan?

De joke. Mas maganda na sa akin ka na lang itulak para sa akin ka mahulog. 'Wag kang mag-alala, Keanu sasaluhin kita kahit na 'di mo 'ko sinalo.

Kahit na tangina ako lang nahulog dahil gagu ka!

Napabuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili ko.

Dak myself. Dakmeeee!

Kalmahan mo lang Zia. Kalmado and pretty ka.

Bibilang na rin ba ako ng isa hanggang sampu gaya ng ginawa ni Lea at Tonyo?

Nanginginig ako. Nanginginig ang mga kamay ko pati na rin ang mga tuhod ko.

Hindi ko maipagkakaila na mahal ko talaga s'ya at miss na miss ko na s'ya.

Umubo ako ng kakaunti. Baka may sumabit e. Hehehehe.

"K-Keanu."

Tangina nauutal pa rin. Dakyu dila. Huhuhu.

"Uy. Hi," bigla n'yang sabi sa akin.

Narinig ko na naman 'yung boses nya. 'Yung boses na minahal ko.

Keanu! Gusto ko nang mag-move on. Ba't mo ba ginagawa sakin 'to?

"Anong... anong ginagawa mo rito?" tanong n'ya sakin habang nakatingin sa mata ko. Bakit mo ba ako tinitingnan ng gan'yan? Para akong nilulunod sa titig ng mga mata mo.

Lalo akong naiinlove sa'yo, gago.

Nasa ilalim kami ng buwan at mga tala. Parang kami lang ang tao sa mundo.

Paano ako makaka-move on kung ganyan ka, Keanu?

"Uhm... ano..."

Dakyu dila. Anyare na sa'yo? Naeerecognize mo ba si Keanu at alam mo kung kelan ka magma-malfunction?

"Magpapahangin lang sana," sagot ko na lang which is partly true. Hindi naman s'ya dahilan kaya andito ako ah??? Malay ko bang andito sya. 'Di ba??? 'Di ba???

Teka, acceptable reason ba 'yun? Sana. Hahaha. Hindi ko alam sasabihin kapag nasa harap n'ya ko. Ang alam ko lang ay parang tambol ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito. Feeling ko rin tumigil ang ikot ng mundo at nag-focus lang sa aming dalawa ang lahat. Haysss.

"Pareho tayo. Bakit hindi mo ko samahan?" tanong nya sakin

GAGO KA BA?!?!?!?! NIREJECT MO AKO TAPOS AAYAIN MO AKONG SAMAHAN KA? DAKYU KEANU! GAANO KA BA KAMANHID AT SADISTA PARA GANITUHIN MO AKO? ANO BANG GINAWA KONG MALI HA?

MASAYA BA NA NAKIKITA MO AKONG GANITO? MASAYA KA BA NA PATAY NA PATAY AKO SAYO HA KEANU? ANO? SAGOT.

"Sige," sabi ko saka ngumiti. Gumanti rin s'ya ng ngiti.

Tanga.

Pwede na 'kong bigyan ng katangahan award dahil sa pagiging tanga ko forevs.

Ano na lang sasabihin ni inay? gago! Hindi ako lumaki ng 18 years para ganituhin mo lang ako.

Pero kahit na ganun ang takbo ng isip ko,  pumayag pa rin ako. Naglakad ako nang dahan dahan papunta sa kan'ya.

Isip ko dapat ang nagdidikta. Hindi ang hypothalamus. Hindi ang katiting na parte ng utak ko na kumokontrol ng emosyon. Bakit hypothalamus ang sinusunod ng katawan ko?

Ah.

Kasi deep inside eto yung gusto ko.

Alam ko naman na yun yung gusto ng puso kong taga-pump lang naman talaga ng dugo.

Pumunta ako sa gilid ng pool at umupo. Tang'na 'di pa rin nawawala 'yung bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko anytime sasabog 'yun at magco-collapse ako.

Naramdaman kong umupo s'ya sa tabi ko. Hindi ko s'ya tiningnan kaya hindi ko alam kung ano ang ekspresyon na ginagawa n'ya.

Gusto kong makita.

No Zia, no.

Ginalaw ko 'yung mga paa ko na parang nilalaro 'yung tubig.

Nakaupo s'ya. Malapit sa akin pero hindi kasing lapit dati. Feeling ko may pader sa gitna namin na humaharang. Hindi ko kaya 'yung ganito.

Katahimikan.

Rinig ko ang mga kuliglig.

Walang bumabasag sa katahimikan na 'yun. Walang may gusto.

Naka-focus lang ako sa paa ko at sa tubig.

Sabagay. Sabi naman n'ya samahan ko s'ya. Hindi makipag-kwentuhan.

Bakit ba 'ko umaasa?

Hindi naman masamang umasa kung may pinapakita s'ya, a?

O assumera lang talaga ako?

Pero masakit kasi. Hindi ko ma-explain kung ga'no kasakit.

Tuyo na ang luha ko pero parang nagbabadya na naman silang bumuhos.

Iniiwasan ko s'yang tingnan. Hangga't maari hindi ko s'ya pwedeng tingnan. 'Di na kakayanin ng sistema ko.

"K-kamusta ka na?"

Wow. Parang ang tagal na naming hindi nagkikita ah? Kahapon lang ang lahat Keanu, kahapon lang.

Tumawa ako. Hindi sincere bes.

"Okay lang," matipid na sagot ko.

Ang hirap din palang pigilin 'yung sarili mo na daldalin s'ya na parang tulad ng dati 'no?

"Ah."

Katahimikan ulit.

Keanu tangina naman.

Tumingin na lang ako sa langit. May star at moon na.

Gabi na kaya wala nang tao rito. Bihira lang naman ang tao rito kasi clubhouse at pool lang meron dito.

Pag may event lang may tao rito sa clubhouse kapag gabi. Tas wala namang nagsu-swimming ngayon.

Hays.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong n'ya.

Uhhhhhhhh...

"Naitanong mo na 'yan kanina," sabi ko kaya natawa s'ya nang kaunti.

Napatingin naman ako sa kanya.

Shit! Caught in the act! Nakatingin s'ya sakin. 'Yung mga mata n'ya! Ayan Keanu ha? Malandi ka rin. Huhu 'wag mo na nga landiin ang fragile heart ko. Hulog na hulog  na ako sa'yo, o.

Napaiwas naman s'ya ng tingin saka tumawa ulit nang awkward.

Nakatingin lang ako sa kanya. Ba't ganun? Parang biglang nag-focus sa kan'ya 'yung mga mata ko? Tas parang naging blur 'yung background. Parang nasa isa kaming blackhole.

Umubo s'ya nang konti.

"Uhh that was awkward. It's just..." he sighed "I don't know how to approach you."

E gago ba't mo pa 'ko in-approach?! Isang araw pa lang Keanu o! 'Di ka ba naaawa sa akin?! Sadista ka ba talaga?! Happy much ka bang nakikita na naiiyak na ako sa sakit? Dakyu with feelings.

"Okay lang." Nakatingin pa rin ako sa kan'ya. He frowned.

Tangina that's hot af.

Napatingin s'ya sa akin.

"Okay lang? Are you sure?"

Tumango na lang ako. Ano pa nga bang magagawa ko?

I shrugged. "Wala, e."

He frowned even more. Hahahaha. That's really hot. I don't know why.

"Uhh... birthday na ni Kevin 5 days from now." Nakatingin na s'ya sakin. Mata sa mata. 'Yang singkit na mata mo na 'yan talaga.

Napaisip ako. Shoot! Oo nga.

"Hala. Oo nga. Bakit?"
"Uhm we're planning to do a celebration."

Tumango naman ako hinihintay na dugtungan n'ya.

"Same ng 18th ng girls."

Tangina. What?!

Natawa ako. Halakhak. Sabay sumeryoso.

"I think hindi magugustuhan ni Kevin 'yan."
"Oo nga. HAHAHAHAHAHAHAHA." Tumatawang sabi n'ya saka tinaas 'yung kamay n'ya para sa high five pero tiningnan ko lang 'yung kamay n'ya.

Naiwan sa ere 'yung kamay n'ya. Lol. Parang pag-iwan nya sa akin sa ere. Hahahahahahaha joke.

Narealize n'ya 'yun saka napangiwi. "Ay oo nga pala. Hehe." Inapiran n'ya 'yung sarili n'ya "Wooooo great plan Keanu. You're so great. Wooooo," pagcocomfort n'ya sa sarili n'ya kaya tumawa ako nang malakas.

Tinaas ko na lang din 'yung kamay ko. Nag-apir naman s'ya.

Ay putangshet!

Naramdaman ko 'yung kuryente guys. Bumalik lahat lahat.

Nakatingin lang kami sa isa't isa.

Parang walang plano na mag-alis ng kamay.

Pero natauhan ako.

Gustuhin ko man. Hindi na kasi dapat, e.

Bumitaw ako at umiwas ng tingin. Ramdam ko na namumula ako. Buti na lang medyo madilim na!!!

Buti na lang din sumunod sakin 'yung kamay ko at nakabitaw ako.

"Ehem. So. Ayun nga. Ano 'yung plano n'yo?" tanong ko saka tumingin sa kan'ya. Wala e. Hinahanap-hanap ng mata ko.

"Hindi pa masyadong planado pero I'll update you kung tuloy pero most likely parang debut ng girls. 18 roses, candles and shits. Ganun. Kausap ko na 'yung ibang friends namin sa states mukhang pupunta sila."

Wow. High class pala. Hahaha. Kahiya nanliliit ako.

Pero... ibig sabihin...

"Si Rina?!" tanong ko.
"Huh? Ah! Nope. Hindi s'ya makakapunta. Uhhh... ano... busy sa finals."

Finals? Finals nila? Weird. E pano 'yung ibang friends nila?

"Finals?" tanong ko.
"Uhh... haha. Finals ba sabi ko?"

Tumango naman ako sa kan'ya.

"Hindi. I mean. 'Di raw s'ya makakapunta kasi personal problem."

Weird.

"I see. Sayang naman. S'ya sana 18th rose."
"Actually, gusto ko na ikaw 'yung 18th."
"What?! Why?!" gulat na tanong ko!! 18th rose is special to us girls diba? Usually para lang to sa special persons such as moms and lovers.
"Substitute ni Rina," mahina n'yang sagot.

Napa-oh naman ako. Makes sense actually. Haha. Well it's Kevin's birthday. Don't wanna spoil it.

"Sana okay lang sa kan'ya."
"Okay na okay 'yun." Ngumiti s'ya nang pilit.

Kaya kong basahin emosyon n'ya. Nice.

'Di na 'ko sumagot. Medyo gusto ko na kasing sulitin 'to. Kahit presensya n'ya lang masaya na 'ko. Magkatabi lang kami solve na ako.

Kasi baka pagtapos nito ay matapos na rin ang lahat. Sulitin na natin 'di ba? Since ako naman ang may kasalanan. Ako ang nahulog. Ako ang umamin.

Humiga naman s'ya sa sahig (?) kahit na madumi 'yun at basa. Eew. Hahaha

Ginaya ko na rin s'ya. Nakatingin kami pareho sa langit. Unti-unti nang naglalabasan 'yung mga stars. Binibigyan na rin kami ng karagdagang liwanag ng moon.

"Sorry," sabi n'ya. Pagbabasag n'ya sa katahimikan. Napatingin ako sa kan'ya. Nakatingin pa rin s'ya sa langit ginagawang unan 'yung braso n'ya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kan'ya.
"Para sa uhhhh... pag-aano." Wat?
"Pag-aano? Haha Keanu weird pakinggan ha?"
"Baliw. I mean for rejecting you," seryoso n'yang sabi.

Tangina. Direct to the point talaga, Keanu? Walang preno? Haha. Rejected version 2 ba 'tong gabing to? Twice in a row ba ang nais?

"Ah." Sagot ko na lang. Gusto ko man sabihin na 'okay lang' hindi pwede kasi hindi naman talaga okay sa totoo lang.

Hahahahahahaha para kasing pinana nang ilang beses 'yung puso ko tas nilagyan ng lemon at salt hanggang sa tumigil ang pagtibok nito. Hahahahahaha. Masakit.

"But to be honest, kung pwede lang. Tinanggap ko na."

Napaupo naman ako bigla nun dahil sa gulat. Ramdam na ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko. Alam ko na masasaktan ako pero 'di ko maiwasang mag-expect. Kahit na feeling ko tumigil 'yung tibok kanina e bumalik ito para umasa ulit.

Confession ko 'yung ibig n'yang sabihin diba?

"Bakit kasi hindi pwede?" tanong ko sa kanya. Masaktan na kung masasaktan. Malaman ko lang 'yung totoo.

"Ayokong may masak—hindi. I mean baka in the end panakip butas ka lang pala," sabi n'ya habang nakatingin sa akin nang seryoso.

"Handa ako Keanu, handa ako," seryoso kong saad.

Tanga na kung tanga. Awardan n'yo na 'ko ng katangahan award pero dito ako masaya. Gagawin ko ang lahat para lang mahalin n'ya 'ko. Para sa akin mapunta 'yung tingin nya.

Umupo s'ya. Tinitigan n'ya ako. Feeling ko nalulusaw ako sa titig nya.

Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko. Hinawakan n'ya rin 'yung pisngi ko. Nakatingin lang s'ya sa akin nang diretso. Tangina. Ayan na naman 'yang mata n'ya.

Napapikit na lang ako.

Feeling ko may humahalungkat sa tyan ko. 'Yung mga paruparo. Andito na naman sila.

Hahalikan na ba n'ya ko?

Papalapit nang papalapit.

Pabilis naman nang pabilis 'yung tibok ng puso ko.

Hindi ko na alam.

Naramdaman ko na lang na lumapat 'yung mga labi n'ya sa labi ko.

Putangina.

It was a short kiss. Under the stars and moon.

Tanging halaman, puno, at pool ang saksi.

Humiwalay s'ya.

Tangina. I was stunned.

Is that a fucking yes?!

Tangina?!?!

Napapikit s'ya nang mariin.

"Shit," he said.

I frowned. Bakit?

"It... it was wrong. I'm sorry. I shouldn't have. I really shouldn't have. Forget about it. Please. But pwede ba na sa birthday ni Kevin let's act normal? Please?"

I don't know what to say. I just nodded. I don't know gulong gulo ako.

My phone vibrated. Tumatawag si Kevin.

"Asan ka?" hinihingal na tanong n'ya.

Matagal pa bago ako nakasagot. Hindi ko mahanap boses ko.

"Hello?" tanong n'ya.
"I-I'm sorry. Clubhouse."
"Okay. I'm coming... in a bit," sabi n'ya saka binaba 'yung tawag.

Nahulog ko 'yung phone ko pero wala na akong pake. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nasagot 'yun e.

Napatingin ako kay Keanu saka napahawak sa labi ko.

He looks devastated.

"I'm sorry. Last na to." Pumikit s'ya nang mariin saka hinalikan ako sa pisngi. "Please forget about it," sabi n'ya saka umalis nang mabilis.

Napahawak ako sa labi ko.

Gago.

Nung wala na s'ya ay nakarinig ako nang takbo.

Nakaalis na si Keanu pero ba't ramdam ko pa rin 'yung mga labi n'ya sa labi at pisngi ko?

Maya maya ay nakita ko si Kevin na hinihingal.

Tumakbo s'ya papalapit sa akin saka pinatong 'yung palad n'ya sa tuhod nya saka huminga nang malalim. Hinihingal pa rin s'ya.

"Bakit ba ako tumakbo sa 711 e may trike naman or kotse?" asar na sabi n'ya pero hindi ko s'ya pinansin.

Bakit ako? 'Di naman ako tumakbo pero sobrang bilis ng tibokng puso ko. Feeling ko pa namumula ako.

Tangina 'di ako makapag-react. Anong nangyayari? I'm shookt.

"Tara na?" yaya sa akin ni Kevin.

Dahil 'di ko alam ang sasabihin ay tumango na lang ako.

Inalalayan n'ya pa akong tumayo. Muntik pa kong madulas dahil nanlalambot pa rin 'yung mga tuhod ko.

"Kevin, pakikurot nga ako?" sabi ko sa kan'ya.

Kinurot naman n'ya ako sa pisngi  kahit na nagtataka s'ya. 'Yung parang nanggigigil. Ramdam ko, e.

"Putangina aray!" sigaw ko.
"E sabi mo, e. Minsan ka lang humiling na saktan ka," sabi n'ya saka ngumiti.

Tangina nasaktan ako.

Ibig sabihin totoo.

Halos nanlambot na naman 'yung tuhod ko kaya napaupo ako.

Napangiti.

"Hala Zia okay ka lang? Masakit ba talaga? Teka ba't ka nakangiti?" sunod-sunod na tanong n'ya sa akin.

Umiling na lang ako saka tumayo nang ayos at sinubukang maglakad.

Guess who's not sleeping tonight?

————————

Neko's note: hahaha feedback pleaseeee ❤️❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro