Forty Three
Chapter Forty Three
Nakatitig lang ako sa kisame ko habang nakahiga sa kama. Wala pa akong nasasabihan. Iniisip ko pa nga lang namumula na ako, e. What more kung sinasabi ko na 'di ba? Baka mamaya palitan ko na ang kamatis sa sobrang pula. Baka mag-collapse ako sa kilig at akalain nilang sinapian na ako. O kaya baka dalhin na ako sa ospital sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Heart attack?! Noooooooo!! Hindi pa ako pwedeng mamatay kasi pakakasalan ko pa si Keanu babes tapos magha-honey—napatili ako sa pinag-iiisip ko! Jusko Ziandrina Cortez! Kung anu-ano pumapasok sa isipan mo! Nakilala mo lang si Keanu naging gan'yan ka na.
Niyakap ko 'yung unan ko saka impit na tumili.
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko at sa sobrang hyper ko e nalaglag ako sa kama.
"PUTANGSHET NAMAN!!!!" sigaw ko saka hinawakan 'yung likod ko kasi nga masakit.
Masakit 'yun ha? Pero parang walang makakapigil sa akin ngayon. Sobrang masaya ako!
Napasandal ako sa kama, napatingala sa kisame saka ngumiti.
Ihhh keshe nemen! Shi Keanu keshe e!
Parang kahit na anong mangyari sa akin ngayon okay lang basta hinalikan n'ya 'ko!!!!
Napatawa naman ako sa sarili ko.
Biglang bumukas 'yung pinto at ilaw.
"Should I call mental hospital? Mukhang dahil broken hearted ka e lumuwag lalo turnilyo mo."
Nginitian ko lang si Pia sa kabila ng mga sinabi n'ya.
Nag-thumbs up ako saka ngumiti nang malapad.
"I'm okaaaaayyy! Hihi."
Umiling s'ya saka pumasok sa kwarto ko.
"Hep! No trespassing."
Mukha naman s'yang walang pake saka s'ya umupo sa kama ko.
"Ang daya bakit mas malambot kama mo sa'kin?" naka-pout pa s'ya habang tumatalon nang mahina sa kama.
"Ako ate, e," sabi ko saka ngumiti nang napakalapad.
Teka. Come to think of it.
"Ayieee. First time mo pumasok sa kwarto ko 'di ba? Yieee. Close na kami."
Agad na namula si Pia. HAHAHAHAHA. Cute.
"S-shut up." Ay wow. Hahaha acting like a tsundere. Wow naman.
"Tsundere ka pala, Pia?" patuloy na pang-aasar ko sa kan'ya. Hahaha. Minsan mo lang maaasar si Pia. Lubus-lubosin mo na.
"Fuck you. Anyway, okay ka lang?" Ang galing naman pala mag-change topic pero hinayaan ko na lang.
"Yup!" sabi ko saka ngumiti nang napakalapad sa kan'ya.
"Err... ang weird mo. Makalayas na nga. Baka kagatin mo pa ako tas mahawaan ako ng virus mo." Tumayo na s'ya tas naglakad papunta sa pinto pero bago s'ya lumabas ay huminto muna s'ya saka lumingon sa akin.
"I am always here, Zia. Katok ka lang okay?" pagkatapos n'ya sabihin 'yun ay dere-derecho na s'yang umalis. 'Di man lang ako nakasagot para asarin s'ya. Hahahaha.
Buti pinatay n'ya 'yung ilaw. Kung hindi s'ya papatayin ko. Hahaha.
Isa sa mga dahilan kaya masaya ako na tumira kami ng 2 weeks kila Keanu e dahil naging okay kami ni Pia. Parang in a snap e kinausap n'ya ako tas biglang boom! Close na kami. Para na kaming tunay na magkapatid unlike before na mas kapatid ko pa si Krista.
Napangiti ako. Sumandal ulit sa kama saka tumingala. Habit ko na 'to kasi may mga glow in the dark na stars sa kisame ko. Ang ganda lang nila tingnan.
Hay Keanu. Dahil sa'yo natuto akong magmahal. Tas nasaktan din ako pero nahalikan ako ihh eng lende me nemen Zia. Jusko.
Hindi ko alam kung anong mangyayari kung wala 'yung dalawang linggo na 'yun. Pero siguro nakahiga lang ako, niraratratan ni Inay tas 'di pa rin kami nag-uusap ni Pia. Malamang boring. Malamang hindi ako kinikilig nang ganito dahil sa kan'ya. Syempre hindi rin kami magiging okay ni Kevin.
*****
Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko.
Napabalikwas ako ng bangon dahil dun.
Dak. Nakatulog pala ako nang nakasandal sa kama. Pano nangyari yun? Namamanhid na 'yung paa ko tas feel na feel ko ang stiffed neck kasi nga di naman ako komportable.
Kinuha ko 'yung cellphone ko at narealize ko na 30 minutes pa lang pala ako sa ganung posisyon kaso 'di talaga comfortable kaya ganito nararamdaman ko.
Tumatawag pala si Krista. Sinagot ko naman s'ya saka nag-inat. Umupo na rin ako sa kama. Sakit talaga ng leeg ko. Putcha. Hahaha.
"Hello bey???" tawag n'ya sa'kin pagkasagot na pagkasagot ko haha.
"Hmm?"
"Bakit narinig kong umungol ka???" OA na sigaw n'ya.
"Dakyu! Uminat kasi ako! Ikaw talaga. Ano palang trip mo at tumawa ka?"
"Joke lang naman bey. Nag-text sakin kanina si Pia na i-check ka kasi baka raw nag-breakdown ka na. Pupuntahan sana kita kaso 11 pm na."
Natawa naman ako sa kan'ya.
"Concern din pala sa'kin si Pia e."
"Haha oo nga bey. Akala ko itinakwil ka na nun pero hindi pa pala."
Tumawa na lang kami pareho.
Hindi ko pa pala nasasabi kay Krista no? Dahil mahal ko s'ya sasabihin ko sa kanya!!
Pero pa'no??
1 minuto ring may dead air.
"May sasabihin ka ba bey?"
"May sasabihin ako sa'yo."
sabay naming sabi kaya natawa kami pareho. Hahaha. Well 'di na bago 'yung pareho kami ng iniisip.
"Psychic na pretty talaga ako, e."
"Support lang ako, Krista."
"Che. Oo na." Feeling ko naka-pout s'ya ngayon hahaha, "pero ano na 'yung sasabihin mo?"
Huminga ako nang malalim para pigilan ang pagngiti at pagtili ko kasi hindi ko talaga makalmahan!!
"Ano..." nakangiti kong sabi. Wala e hahahaha napapangiti talaga ako automatically.
"Ay bey haaa? Mga gan'yang tono alam ko na 'yan! Haha. Anong nangyari?"
Ihh chismosa talaga 'to si Krista!!
"Anoooo..."
"Ay pabitin! Ano nga bey???!" excited na tanong n'ya sa akin.
"Ano... 'di ba Pumunta ako ng 711."
"Uh huh."
"Bumili lang ako tas dumerecho ako sa clubhouse. Ewan ko pero may humihila sakin na pumunta dun."
"Tapos?"
"Ano. Hehehehe."
"Bey, ang landi ng tawa."
"Mana lang sa'yo!"
"Bwisit ka bey! Tuloy!"
Tinawanan ko na lang s'ya hahaha.
"Tas nakita ko si Keanu."
Bigla s'yang nanahimik sandali.
"Oh shit. You didn't. Zia you fucking didn't!!! Tell me!" Ramdam ko ang inis sa boses n'ya tas tinawag pa n'ya kong Zia. Huhu. Sorry na. Alam ko naman na ang tanga tanga ng move na 'yun e. Pero mahal ko kasi.
"I did. I talked to him," mahina kong sagot sa kanya. Tangina masesermunan ako neto for sure.
Bumuntong hininga s'ya.
"Hay nako! Kung 'di lang kita naiintindihan, e. Tapos anyare?"
"We talked syempre pero awkward nung una. Tas later on na-open 'yung sa rejection."
"Masakit 'no?" sabi n'ya saka tumawa.
"Dakyu Krista. Huhu." Minsan 'di ko alam kung maswerte ba 'ko sa kan'ya o hindi, e.
"Hehe sorry na. Tapos? Walk out ka?"
"Hindi 'no! Sabi n'ya sorry tapos kung pwede raw n'ya tanggapin ginawa na n'ya kaso baka maging panakip butas lang ako pero sabi ko okay lang. Handa ako. Oo na Krista. Tanga na ako pero mahal ko e."
"I feel you bey. Don't worry. Naiintindihan kita kahit na gusto kitang batukan with feelings. O tapos?"
"Hinalikan n'ya ko," sabi ko nang nakangiti kasi naalala ko na naman. Hihi. So landi ko naman talaga hihihi.
May narinig akong kalabog. Baka nalaglag 'to sa gulat.
"Puta nalaglag ako sa kama pero tanginaaaaa????!!!" patanong na sagot n'ya. "Teka may tatanong ako sayo."
"Ano 'yun?" nagtataka kong tanong.
"Ikaw ba kumakain nang maayos?"
"Ehhhh Krista! Totoo yan!!"
"Kalokohan. Hoy Ziandrina Cortez tigilan mo nga 'yang kahibangan mo."
"Seryoso nga Krista. He did."
"WHAT????!! WHAT THE FUCK???! ANG GULO NAMAN NI KEANU!!!"
"Actually... sa lips 'yung una tas sa cheeks 'yung pangalawa," sabi ko nang nahihiya. Tangina naman ramdam na ramdam ko na namumula na ako! 'Yung feeling na kinikilig ako tas nakangiti na parang mapupunit 'yung lips ko. Ganun.
"Wait. Alam kong 'di ikaw 'yung tipo ng tao na magsisinungaling about dito. Hihinga lang ako. Information overload bey. 'Di kinaya ng braincells ko."
Natawa naman ako sa reaction n'ya. Narinig ko naman na nagtatatalon s'ya at huminga s'ya nang malalim.
"Okay." medyo kalmado na n'yang sabi. "Okay na. Okay na tapos?"
"Uhhh? Anong tapos?"
"Wala man lang s'yang sinabi kung bakit or something?"
"Wala?" hindi ko sure na sagot. Napaisip tuloy ako kung may sinabi s'ya...
Oh.
Ngayon ko lang naalala.
Masyado akong nag-focus sa kiss kaya 'di ko maalala nang ayos. Plus lutang pa nung sinabi n'ya.
"Bey?"
Tangina. Parang biniyak 'yung puso ko at napuno ng question marks 'yung utak ko.
Ano na naman ba 'to Keanu?
"Hello bey?"
"H-he said something pala, Krista."
"Ano 'yun?" nagtataka n'yang tanong; malamang doon sa change of tone ko.
"Sabi n'ya, it was wrong. Tapos sabi n'ya 'di raw dapat n'ya ginawa 'yun at saka kalimutan ko na 'yun." Napangiti ako nang mapait nung naalala ko 'yung mga sinabi n'ya.
"What???! Pero nakadalawang halik s'ya sa'yo? Gago 'yun, a!"
"Sabi n'ya last na raw n'ya 'yun."
"Tangina!!! Ako nafu-frustrate d'yan sa Keanu na 'yan, e!!!"
Nanlumo ako.
"Bakit 'it was wrong'? Hindi ko gets."
"Hindi ko rin alam bey. Ang gulo ni Keanu. Bakit ganun s'ya bey?"
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nya. Sa realizations. Sa lahat.
"Mga lalaki talagaaa!" sabi ko. "Sige na Krista. Tutulog na ako! Goodnight."
"Teka wa—" binabaan ko na lang s'ya agad saka dumapa sa kama.
Kanina ang saya-saya ko tas sa isang iglap bigla akong na-down. Buti na lang sinabi ko kay Krista kung hindi nagmukha akong tanga lalo kaka-celebrate pero "it was wrong" naman pala.
Naka-receive ako ng text galing kay Krista.
Kristangina:
Bey, I know you're confused and all so i won't ask questions as of now. Feel free to call me. Tatakbuhin ko mula sa street namin hanggang sa inyo.
Ps: I know di ka pa matutulog.
Natawa naman ako. Oh. Ganyan talaga 'yung name nya tas name ko sa phone n'ya e Beytlog. Hahaha punyeta nga, e.
Di ko na lang s'ya nireplyan kasi pagod na rin ako mag-isip.
Kausapin ko kaya si Kevin? Ay no. No! I should not! Magkapatid sila. Baka mag-away pa sila dahil sakin ang ganda ko naman talaga. Masyado nang selfish 'yun. Isa pa, sinabi ko na rin na magpapaka-independent na ako.
Napapikit na lang ako nang mariin.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o masasaktan e. Kasi bakit? Bakit n'ya gagawinyun? I'm lost. Pwede bang humingi ng rason kung bakit? 13 reasons why kung bakit mo 'ko hinalikan at pinaasa nang ilang oras????!
Pero it was wrong? Bakit kasi mali?! Pwede namang maging tama kung gugustuhin diba? Pag minahal ako ni Keanu, tama na yun. Magiging tama.
Hay Keanu mahal ko. Ano bang plano mo sa akin? Sa ating dalawa?
Nag-Facebook na lang ako. May nakita akong kanta na shinare kaya agad kong sinearch sa Youtube. #SalamatSaWifiKevin #ButiAbotDito HAHAHAHAHA. Hindi ko alam pero parang may pwersang humahatak sa akin na pakinggan 'yung kanta. Kathang Isip 'yung title.
"Diba nga ito ang iyong gusto?
O, ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon"
Luh. Nang-aano yung kanta o!!!! Mama. Inaaway ako ng Ben&Ben!
"Mga gabing 'di namamalayang
Oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag kung
San man tayo mapadpad
Bawat kilig na nadarama
Sa tuwing hawak ang 'yong kamay
Ito'y maling akala
Isang malaking sablay"
hahahaahahaha. Inaaaaay. Bakit ganito 'tong kantang 'to?? Bakit ramdam na ramdam ko. Hahahaa "maling akala" "malaking sablay" kung hindi 'yun ang tamang salita sa nangyari sa amin, e ano?? Inakala ko. Nag-assume ako sa kalandian ng Keanu na 'yan. Pero at the end of the day, mahal ko pa rin s'ya.
"Pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)"
Oo. Nagising talaga ako pre. Pero kahit na nagising ako e hindi ko pa rin magawang hindi s'ya mahalin. Hindi ko pa rin magawa na kalimutan s'ya agad. Ang hirap.
"Gaano kabilis nag simula
Gano'n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa
Upang di na umasa ang pusong nagiisa"
BEN&BEN INAANO BA KAYO?? Bakit... bakit feeling ko para sa akin talaga 'to? Alam n'yo ba ang storya ko at ginawa ang kantang 'to para sa akin? Kasi tangina, tamang-tama ako, e.
Nagsimula akong mahalin ka sa loob ng ilang araw lang. Naamin ko agad sa sarili ko ang nararamdaman kong 'yun. Minahal kita agad, Keanu. Napasok mo kaagad ang puso ko. Napasok mo agad ang buhay ko. Pero agad ding nawala dahil sa pag-amin ko na nararamdaman ko sayo. Ang sakit.
Gusto ko na bumalik sa araw na hindi ko pa nare-realize na mahal na pala kita. O kahit dun na lang sa bago ako umamin... kasi Keanu, ang sakit sakit na. Kung pwede lang ibalik ang lahat siguro pipigilan ko na mahalin ka para na rin hindi ako nasasaktan.
"Pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)
Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana
Minsan siya'y para sa iyo
Pero minsan siya'y paasa
Tatakbo papalayo
Kakalimutan ang lahat
Pero kahit saan man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko sinta"
Minsan sya'y paasa? O baka binigyan ko lang ng meaning ang lahat ng ginawa n'ya? Sana kaya ko rin tumakbo palayo sa kan'ya. Kaso hindi, e. Parang may magnet na humihila sa akin pabalik sa kanya. Keanu, sobrang mahal kita. Hindi na kaya ng puso ko. Hindi ba pwedeng ako na lang?
Sana madali lang na kalimutan ang lahat 'no? Parang gusto kong magkaroon ng selective amnesia at kalimutan si Keanu Fuentes.
Kasabay ng nararamdaman ko sa kan'ya.
"Kaya't pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo
Diba nga ito ang iyong gusto?
O, ito'y lilisan na ako"
Hayaan mo, balang araw kakayanin ko nang tingnan ka sa mata nang 'di nasasaktan, Keanu. Kakayanin ko rin na lumisan sa buhay mo.
Namalayan ko na lang na humahagulgol na talaga ako. Sakit pa ng batok ko gawa ng stiffed neck. Bwisit na life.
Pinilit ko na lang na matulog pero kapag pumipikit ako e naaalala ko 'yung mukha ni Keanu. 'Yung papalapit na mukha n'ya sa akin. Feeling ko ramdam ko pa rin 'yung labi n'ya sa labi ko.
"AGGGHHHHH!!" napasigaw ako sa frustration na agad kong pinagsisihan kasi malamang kakatukin ako ni inay!
Jusko. Ang machine gun. Pero makalipas ang tatlong minuto ay wala namang nangangatok na may dalang machine gun by default.
Naka-receive ako ng text from Pia.
Pia:
Shut it. Ang ingay mo. Sigaw ka pa hahagisan ko ng granada 'yung kwarto mo.
Huhu sino ba ate sa amin?
"Hays," nasabi ko na lang saka tumingin sa kisame. Keanu ano na naman bang balak mo tonight?
*****
Nakatulog naman ako after 666 na pagpalit ng positions para makatulog. Siguro alas tres na 'ko nakatulog kakaisip kay Keanu.
Namamaga rin ng konti 'yung mata ko. Punyeta!!
Paggising ko ay agad kong chineck ang phone ko. Nanlaki ang mata ko nung nag-text si Keanu!
GAGI! NAGTEXT SI KEANU!!!!
Tumayo ako sa kama saka sumayaw ng weird na dance moves. Parang worm na inasinan habang tumatawa. Ganun. Pero lapakels kasi tinext ako ni Keanu. Hihi.
Biglang bumukas ang pinto.
Nakita ko si inay.
Nakita ako ni inay.
Sumasayaw sa kama habang tumatawa.
"Susmaryosep," sabi n'ya saka sinarado 'yung pinto.
Jusko!!!!!!!
Humiga na lang ulit ako dahil sa hiya. Kahit naman nanay ko 'yun marunong pa rin akong mahiya 'no.
Inopen ko na lang 'yung text nya. Hihi kinikilig ako na kinakabahan.
TEKA BAKIT AKO KINIKILIG E IT WAS WRONG NGA RAW DIBA???! PARANG HINDI AKO UMIYAK-IYAK KAGABI DAHIL SA KAN'YA?
E nakakakilig, e hihi.
Jusko. Ang aga aga—oops magwa-1 pm na pala. Kaya pala pumunta na si inay rito nang walang katok-katok. Malamang beastmode 'yun.
Binuksan ko na lang 'yung text n'ya
Keanu babes:
Let's meet at 1pm. Clubhouse.
WAIT!!! BINASA KO ULIT NANG ILANG BESES 'YUNG MESSAGE NYA!!! 1000 TIMES NGA ATA. TAMA NAMAN NABABASA KO. CHINECK KO KUNG SINO NAG-SEND. SI KEANU NAMAN.
BAKIT KAMI MAGME-MEET??? AAMIN NA BA SYA SA AKIN NA IN LOVE NA RIN SYA? OMG!!!! HIHI KINILIG NAMAN AKO.
BAKA NAGISING S'YA DAHIL SA KISS. Ikaw Keanu ha? Pa-it was wrong it was wrong ka pang nalalaman hihi. Kinilig naman ako!
Napangiti ako dahil dun. Baka... sasabihin na rin n'ya kung bakit n'ya 'ko hinalikan?
———————
Neko's note: did you know? Nai-stress na me sa characters ko? Char! Hahahaha. Please vote and leave a feedback! 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro