Forty Six
Chapter Forty Six
Hindi ko alam kung paano umusad ang gabi pagtapos 'nun'. Ang alam ko na lang e kinakalabit na ako ni Pia para umuwi na. #ShooktSiZia
Tahimik kami sa kotse ngayon. Lahat ata shookt o binibigyan ako ng space. Nakakapagod kasi 'yung mga nangyari kanina.
At wala ring dumating na kano. Feeling ko tuloy joke lang 'yun ni Keanu na may kano na pupunta para mapapayag ako at di mapahiya si Kevin.
Hindi ko talaga alam gagawin ko. Hindi ko alam kung paano haharapin yung mga tao sa paligid ko. Bakit ba ang komplikado?
Ngayon ko lang nalaman na ako pala si Rina. Ako pala 'yung mahal n'ya dati pa. Napapikit ako dahil dun. Ganon ba ako kamanhid? Ang tanga tanga ko talaga. Sinasaktan ko na pala si Kevin. Sinasaktan ko na rin si Krista. Hindi lang pala ako 'yung nasasaktan. Pati pala 'yung mga tao sa paligid ko.
Tangina. Ang komplikado ng lahat.
Hindi ko na lang namalayan na nakarating na kami sa bahay. Agad akong bumaba at dumerecho sa kwarto ko.
Pero narealize ko na nanlalagkit na mukha ko dahil sa makeup kaya nag-shower muna ako. Habang nagsa-shower e bumabalik ang lahat. Mula dun sa park hanggang sa kanina. Kung paano tumingin si Kevin sa akin, yung pagba-blush n'ya. Lahat.
"Yes. Soon. Not now. Confused ata sya. May nagugustuhang iba, e. Akala ko nga suportado ako nun pero 'di ko alam na gumagawa na pala ng move."
"Sobra. Hindi ko magawang magalit sa kanya na na-fall sya. Di maiiwasan. Kahit sino namang maging close nun mai-in love talaga sa kan'ya. Kung malapit lang sana ako. Baka ako na gumagawa nun sa kan'ya."
"Please, pigilan mong ma-fall nang sobra kay kuya."
Nag-flashback sa akin ang lahat. Naiintindihan ko na. Putangina. Dak this life.
Naramdaman ko na may mainit na likido na nanggagaling sa mga mata ko. Kahit na naliligo ako e nararamdaman ko pa rin ang kaibahan ng tubig na nanggagaling sa shower at sa mga mata ko.
Bakit sa isang iglap bigla na lang naging ganito?? Parang gusto kong bumalik sa dati. Gusto ko rin na mawala na parang bula. Gusto ko na itigil na ang lahat nang ito.
Mas masakit pala na alam mo na may nasasaktan ka nang 'di mo alam kaysa masaktan ka dahil sa isang tao. Hindi ko inaakala na nasasaktan ko si Kevin. Anong nararamdaman n'ya nung nagsasabi ako ng kung anu-ano sa kanya about kay Keanu? He probably felt shit.
Triny kong pakalmahin ang sarili ko.
Pupuntahan ko si Krista. S'ya dapat ang una kong makausap.
Binilisan ko ang pagligo. Nagbihis saka umalis. Wala namang sinabi si inay. Buti na lang kasi hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
Calling Kristangina...
Naka-apat na tawag ako pero hindi talaga s'ya sumasagot kaya nagmadali akong pumunta sa kanila kahit disoras na ng gabi. Wala akong pakialam basta kailangan kong makausap ang best friend ko.
Nag-doorbell ako sa gate nila. Mga ilan din 'yun hanggang sa lumabas si Krista na nagtataka. Suot pa rin n'ya 'yung dress kanina pero wala na s'yang makeup.
Sumeryoso yung mukha n'ya.
"Krista..." mahina kong sabi.
Lumapit s'ya sa gate saka kaswal na binuksan y'un.
"Bakit andito ka?" Malamig n'yang tanong sa akin na agad na itinulo ng luha ko.
Tangina. Ang sakit. Galit sa akin 'yung best friend ko.
"Krista... sampalin mo ak—" napatigil ako nang naramdaman ko ang pagsampal n'ya sa pisngi ko. Napahawak ako sa pisngi ko.
"I deserved that," mahina kong sabi saka napatungo. Tangina. Ang sakit nun pero mas masakit na galit sa akin ang best friend ko. Ang best friend ko mula sperm cell.
Nakarinig naman ako ng tawa galing kay Krista kaya napaangat ako ng tingin.
"Yes Zia. You deserved that. Tangina bat ang manhid mo kasi???" tumatawa n'yang sabi. "Hindi ko talaga alam bey kung hinahaluan mo ba ng anaesthesia 'yung kinakain mo o natutulog ka sa yelo kaya gan'yan ka kamanhid, e. It's you. It's always been you."
Agad ko s'yang niyakap. Niyakap n'ya rin ako pabalik. Naramdaman ko na lang na nag-uunahan na naman ang mga luha ko.
"Sorry. I'm sorry," sumisinghot kong sabi. Waaaah. Feeling ko ang sama kong kaibigan. "I didn't know. I had no idea."
"God. Masakit ba Zia? I'm sorry. Gusto ko kasing ma-try na maging kontrabida kaso natatawa ako sa mukha mo." Umiling ako kahit na ang totoo masakit talaga.
"Hindi. Okay lang inaga—"
"Hindi bey. Triny kong magalit sa'yo pero hindi ko talaga kaya. Hindi mahanap ng puso ko. Hindi kayang magalit ng puso ko sa'yo. Wala kang kasalanan."
Sumisinghot singhot pa rin ako. Waaaaah.
"Nako bey, pasok ka na. Tatawagan ko na rin si Pia at sasabihin ko na mag-oovernight ka rito." Tumango ako saka pumasok na rin.
Umupo ako sa sofa sa sala nila tapos si Krista e dumerecho sa landline para nga sabihan si Pia.
Inikot ko ang paningin ko.
Sa sala nila e may pizza at may in can na alak. Napakunot ako ng noo.
"Oops, hehehehe." Narinig ko si Krista tiningnan ko lang s'ya. "Promise ngayon lang 'yan." Tinaas pa niya ang kan'yang kanang kamay na parang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas.
"But the thing is, kahit pala ineexpect ko na masakit pa rin," sabi n'ya saka sumalampak sa sahig saka binuksan ang lata ng beer.
Napakibit balikat na lang ako. Di ko rin alam ang sasabihin e. Kumuha rin ako ng beer pero pinalo n'ya kamay ko.
Aray huh? Nakakailan ka na Krista. Huhu.
"Ngayon lang 'yan, promise," panggagaya ko sa sinabi n'ya kanina. Itinaas ko rin ang kamay ko na parang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas kaya tumawa s'ya. At least.
Hinayaan n'ya lang ako. Siguro ito na rin ang okay na gawin dahil nga pareho kaming confused.
"Bey..." tawag n'ya sa akin pagtapos lumagok galing sa lata. "Naaalala mo pa ba kung pa'no tayo nagkakilala?"
Napailing ako. Paano ko makakalimutan ang isa sa mga importanteng pangyayari sa buhay ko?
Sumalampak na rin ako sa sahig saka sumandal sa sofa. Uminom din ako galing sa lata napakunot ang noo ko dahil dun. Tangina. Panget talaga ng lasa.
"Oo naman. Pa'no ko makakalimutan yun?"
"Ilang taon na pala... hmmmm... 13 years? Imagine bey, isang dekada mahigit na tayong magkaibigan. Going strong."
Tumango lang ako. Inaalala ang nakaraan. Napangiti rin ako.
"Bakit nga pala?" Nag-isip s'ya sandali. "Ah! Bagong lipat ako nun. Tapos walang kalaro. Hanggang sa nakita kita." Tumawa s'ya saglit. "Inggit na inggit ako sa'yo nun kasi ang dami mong kaibigan. Nakakainis! Sinubukan kong makisali sa inyo pero masyado kang nilamon ng paglalaro."
Naaalala ko pa si Krista nun. Naka-pigtails at naka-bestida pa. Ang cute cute n'ya kung tutuosin pero syempre, wala akong pakialam. Hindi ko naman s'ya makakalaro, e.
"Hindi pa natin kilala si Kevin—oops."
Namula ako bigla kasi naalala ko na naman 'yung nangyari kanina.
Itinawa ko na lang para hindi awkward.
"Oo hindi pa pero ikaw wala kang friends," pagpapatuloy ko. "Kaya umiyak ka sa gilid. Inaway ka ni Buknoy kasi iyakin ka raw tas ampanget-panget mo umiyak. Saktong naglalaro kami ng beyblade sa isang planggana. Napansin kong umiiyak ka at inaasar ni Buknoy kaya kinuha ko 'yung beyblade ko at ibinato sa kanya. Natamaan s'ya sa ulo kaya nagulat ka. Nagdugo kasi"
Naalala ko na naman 'yung priceless na mukha ni Krista nun puro luha at uhog ang mukha n'ya pero maganda pa rin s'ya.
"Niyakap kita at tinawag na bey dahil sa beyblade. Ayaw na ayaw mong tinatawag kang bey kasi sabi mo ang baduy but still wala kang nagawa sa charms ko kaya pumayag ka," dugtong n'ya. "Hanggang sa araw-araw na akong sumasama sa'yo. Sabi ko bey rin 'yung itawag mo sa akin kaso ayaw mo."
"Good old days," I said sipping from the can.
"Good old days indeed."
"Paano ba natin nakilala si Kevin?" nakakunot noo kong tanong. I don't remember na lumipat s'ya, e.
"Uhhhh..." saglit na nag-isip si Krista. "Oh. Antisocial si Kevin dati, diba? If I'm not mistaken 10 tayo nun at 8 si Kevin."
Flashback~~
Zia's Point of View
(10 years old sya neto)
*sniff sniff*
Napakunot ang noo ko kasi parang may asong sumisinghot. Tinapik ko 'yung baliw na si Krista.
"Krista!!! Narinig mo ba 'yun???"
Kumunot din ang noo ni Krista at hinawakan ang dulo ng buhok n'yang naka-pigtails. Nakakainggit talaga 'to. Ang ganda ng buhok.
"Ang alin bey???? Baka may mumu!!!"
"Anong mumu??? Tanghaling tapat!!!!"
"Ehhhh..." sabi ni Krista saka kumapit sa braso ko na hinayaan ko na lang. Mas matangkad kasi ako sa kan'ya. Sa lahat pala ng mga kaibigan ko. Pinakamatangkad ako kaya ako 'yung sinusunod nila. Ewan ko rin kung bakit. "Baka may mumu bey!!!"
"Wala ngang multo o mumu!!" pakikipagtalo ko sa kanya.
Nakarinig ako ng umiiyak na bata dun sa parte ng park na madaming puno. Nagtaasan ang balahibo ko sa batok.
"K-Krista" sabi ko saka napakapit na rin sa kan'ya.
"Tara bey!!! Puntahan natin," masigla n'yang sabi saka hinila ako.
Nawalan naman ng kulay ang mga mukha ko.
Nagmamatapang lang ako, e. Takot talaga ako sa mumu. Huhuhuhuhuhuhu inaaaaay.
"K-Krista pa'no kung may mumu nga?"
"Wala 'yan bey. Feeling ko tao 'to, e."
FEELING MO LANG KRISTA??? PANO KUNG ENGKANTO PALA YAN? O KAYA 'YUNG NABABALITANG SERIAL KILLER NA NANGUNGUHA NG BATA NA NASA VAN NA PUTI TAPOS KUKUNIN BITUKA KO? HUHUHUHU. MAS MALALA KUNG MUMU NGA YAN NA NAKATINGIN SA AKIN.
Wala na akong nagawa kasi hinila nya ako. Wala naman din akong magawa sa kakulitan ni Krista. Nagpahila na lang ako at pumunta dun sa mapuno na bahagi ng park.
Parang bawal nga rito kasi hindi pa inaayos, e.
May nakita kaming batang nakatalikod sa amin. Tumataas baba yung balikat n'ya. Hinila na ulit ako ni Krista.
PAANO KUNG WALANG MATA 'YANG BATANG 'YAN TAPOS NAGPAPANGGAP LANG? HUHUHUHU 'DI KO PA NAKIKITA 'YAN DITO, E. HUHU INAAAY.
Kilala ko lahat ng bata sa village namin. Kung hindi ko kaibigan, kaaway ko kasi laging nagagalit sa akin kapag patchal ko sila sa teks, pogs, o jolen. Kasalanan ko bang 'di sila marunong tumira? Hmp.
Nilapitan namin 'yung bata na umiiyak at nakaupo sa sahig. 'Yung upo na hindi nakasayad 'yung pwet. Tumataas baba pa rin 'yung balikat n'ya. Kinalabit naman s'ya ni Krista. Huhuhu 'pag walang mata 'tong batang 'to!!!!
"Bata..." mahinang tawag ni Krista.
Lumingon 'yung bata. Nagkatitigan kami.
May mata s'ya... at mata n'ya ang pinakamagandang mata na nakita ko sa buhay ko.
May mga luha doon. Yung pilikmata nya ay parang nagtu-twinkle dahil sa mga luha. May mga sipon din s'ya sa mukha... o baka luha? Hindi ko alam.
Napakunot ang noo ko. Napatingin sa kan'ya nang mataman.
Hmp. Mukha namang lampa 'to, e. Ang payat-payat. Maliit din s'ya. Mukhang sa baba lang ng tenga ko. Ano ba 'yan. Baka lagi ko s'yang i-libre kapag naglalaro kami. O kaya lagi s'yang taya.
Umupo ako sa harap n'ya. Humihikbi at tumutulo pa rin ang mga luha n'ya. Ano ba naman 'to. Iyakin na nga uhugin pa.
"Bata... ba't ka umiiyak?" Tinitigan lang ako ng estranghero. Patuloy pa rin na lumuluha ang mga mata n'ya.
Silence...
Silence...
"Bey baka bingi." Binulungan ako ni Krista kaya naman inulit ko 'yung tanong ko. Umiiyak pa rin s'ya.
Hindi pa rin s'ya sumagot. Pumalakpak ako bigla. Nagulat naman s'ya at napapikit. Edi 'di bingi o bulag 'to???
Sa sobrang inis ko binatukan ko s'ya. Ba't kasi ayaw n'ya ako sagutin??
Lalong umiyak ang batang estranghero kaya nagulat ako.
Halaaaa. Magagalit si inay 'pag nalaman n'yang may napaiyak na naman ako. Huhu.
"Bey!! Hala kaaaa pinaiyak mo."
Hinila ko 'yung estranghero at pilit ipinatayo. Hanggang leeg ko pala s'ya. Hindi baba ng tenga.
Binuhat ko s'ya. Hindi s'ya mabigat. Sabi na lampa to e. Inikot-ikot ko pa s'ya hanggang sa mahilo ako.
Hindi naman ako nagkamali, tumawa na s'ya dahil dun. Ambabaw naman ng batang 'to. Bakit s'ya tatawa agad? Ano s'ya? Baby?
Binaba ko na s'ya. Tumatawa pa rin s'ya.
"Bakit ka tumatawa, bata?" tanong ni Krista. Malamang nagtataka rin.
"Wala lang. Hehehe," sagot n'ya. Ang liit naman ng boses nito.
"Anong pangalan mo, bata?" tanong ko naman sa kan'ya. Kinusot pa n'ya ang mga mata n'ya dahil sa mga luha n'ya. Lumapit ako sa kan'ya saka pinunas sa mukha n'ya 'yung t-shirt ko. Tinulungan ko lang s'ya. Nang maayos na s'ya ay ngumiti na s'ya. Ano ba 'to? Nawawalan ng mata.
"Ako si Kevin. Kevin Fuentes"
Idol ata neto si James Bond. Ganun s'ya magpakilala diba? Napapanuod ko 'pag nanunuod si itay ng gan'yan kapag Sunday.
Tumango na lang ako. Inabot naman ni Krista 'yung kamay n'ya. "Ako si Krista. S'ya naman si Ziandrina. Tawagin mo s'yang Zia."
Ngumiti ako. Niyaya ko s'ya sa bench sa park. Dun sa tinatambayan namin. Sumunod naman s'ya agad. Wala pa sila Buknoy at Toto.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko ulit sa kan'ya. Paulit-ulit na lang. Tsk.
"Si mama kasi. Sabi sa labas lang daw ako at maglaro. Ayaw na ako papasukin. Ayaw ko naman kasi sa labas kasi wala akong kaibigan."
"Ha?? Kelan ka pa ba rito? Taga-saan ka ba?" tanong ko naman. 'Di ko talaga s'ya kilala e.
"Bey!!! Taga-katabing bahay n'yo 'yan! Nakadungaw 'yan minsan sa gate nila bey. Kaya pala pamilyar siya," singit naman ni Zia.
Nakita ko na namula si Kevin. Bakit s'ya namumula? Sabagay maputi s'ya tapos 'di pa nalabas kaya baka naiinitan.
"H-ha?? Hindi ako nakadungaw dahil gusto ko makipaglaro sa inyo no???" Wala namang nagsabi nun ah??? Baliw ba to? Tumawa na lang si Krista.
"Ah? Okay? So matagal ka na rito? Bakit 'di ka naman nalabas. Sayang edi sana dati ka pa namin kaibigan 'di ba?"
"Oo. Matagal na kami rito."
Tumango-tango naman ako na saktong dating nila Buknoy. Napangiti ako at kumaway sa kanila. Ipinakilala ko sa kanila si Kevin. Walo na kami ngayon. Ako, si Krista, si Kevin, si Buknoy, si Toto, si BJ, si Mikel, si Pearl. May mga kaibigan na babae si Krista pero madalas s'ya sa akin dumikit kasi friends forever kami! Hehe. Kahit naman makulit si Krista s'ya ang best friend ko.
Niyaya ko sila na mag-bamsak. Niyaya ni Pearl 'yung mga kaibigan nila ni Krista na sina Nina, Trisha, Tess, at Ice. Bale 12 na kami na maglalaro. Si Tess ang taya. Hehe. Niyaya kong magtago si Krista at si Kevin na hindi alam ang gagawin.
Natapos ang buong maghapon na laro lang kami nang laro. Amoy araw man kami, masaya naman. Hanggang sa kailangan na naming magpaalam. Nagkasundo na bukas ulit.
Lagi na naming kasama si Kevin sa bawat laro kahit na lampa s'ya at laging nadadapa. Buti na lang 'di nagagalit mama n'ya. Kasi pag nagkakasugat ako pinapalo ako ni mama kaya sinusubukan ko talagang 'di madapa.
End of flashback
"Come to think of it, matangkad ka dati bey, a? Anyare?" K. S'ya na mas matangkad sa akin. Huhuhu. "Natigil ata nung binuhat mo si Kevin." Tumawa s'ya. Sige. Magsaya ka d'yan kaka-bully sa akin. Hmp.
"Bad ka!"
"Hahahaha. Kidding aside, that shy little boy. Dati ang payatot tapos ngayon gan'yan na s'ya. May ganun na."
Itinawa ko na lang kasi bumabalik na naman 'yung hiya sa akin. Dak it!!!
"Lagi ko s'yang nakikitang nakadungaw before natin s'ya makilala. Ewan, probably attracted na ako sa kan'ya nun. Habang tumatagal e lumalalim kahit na puppy love lang 'yun sa pagkakaalala ko. Ang problema umabot na ng pag-alis n'ya mahal ko pa rin s'ya. 'Yun nga lang nakatingin s'ya sa iba. Sa'yo 'yun, bey."
Hindi ako nakasagot.
Nanahimik kami ng ilang minuto. Nag-iisip. Nagkakapaan.
"Sorry," sabi ko sa kan'ya na naging dahilan kaya napalingon s'ya. "Hindi ko talaga alam, Krista. Kung alam ko lang 'di na sana kita nasaktan. Iniwasan ko na agad si Kevin. I don't wanna hurt you."
"Bey, like what I've said it's okay. The moment na nakilala natin si Kevin e alam kong gusto ka na n'ya. Wala akong palag sa first love at saka ikaw na yan, bey. Mas kampante nga ako na ikaw nagustuhan ni Kevin e. If not, I'll snatch him agad-agad." Kumindat pa ang loka.
"Hindi ka ba nasasaktan?" Stupid question! Obviously nasasaktan s'ya. Ikaw nga, e.
"Nasasaktan. Kaso anong magagawa ko?" Lumagok ulit s'ya from the can at kumagat sa pizza. "Ikaw, e."
"I'll reject him." Mabilis pa sa alas kwatro kong sabi.
"Bey..." mataman n'ya akong tiningnan.
"He's been waiting you for like forever. Why don't you give that boy a chance?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro