Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Forty Seven

Neko's note: Sa lahat ng feedback, salamat guys. Love you all whether you ship #Zianu or #KeRina 💕

Chapter Forty Seven

Nagising ako. Katabi ko si Krista sa kama. Natutulog din s'ya. Hindi ko na maalala kung anong oras na kami nakatulog kagabi. Hindi naman kami nagpakalasing kagabi kasi hindi naman nakakalasing 'yung beer kasi konti lang ininom namin hehe. Nagkwentuhan lang kami about random things. Pero bukod dun, wala na. Walang Keanu at Kevin. Saglit naming kinalimutan ang magkapatid na sumisira sa mundo namin.

Sumisira nga ba?

Napatitig ako sa kisame n'ya. Why don't I give Kevin a chance? Hindi ko kayang makasakit, e. Hindi ko kakayanin na masaktan si Krista dahil sa akin.

I know that Krista's hurting inside. Kailangan n'ya lang magpakatatag. Bakit hindi na lang kasi kami mahalin ng mga taong mahal namin? Ez diba? Tapos na sana diba?

Kaso dakyu tadhana. Bakit kailangan mo pa kaming pahirapan bago maging masaya? Bakit hindi na lang natin putulin at i-fast forward 'yung process sa okay na lang lahat. Happy ending na.

Sabagay, paano ko maa-appreciate ang happy things kung walang sad things? Kaso parang sobra naman ang sad things. Kasi sunod-sunod, e. Hahaha.

Tumunog ang cellphone ko... ingay naman. Baka si inay 'to. Wala namang tumatawag sakin bukod kay inay, e.

Without looking at the screen sinagot ko 'yun.

"Nay?" kaswal na tanong ko.
"Uhm... ano... Zia?"

Napatingin ako sa caller ID.

Pucha. Biglang may sumulpot na drums sa puso ko. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kaba at gulat!!!! Gago!!!!! Ambilis ko naman dapat harapin si Kevin?

Uhm hinaharap ko ba s'ya? Hehe. Magkatawagan lang kami, e.

Enough sa jokes!!

"Uhm... hehe. Uy. Kevin."

OBVIOUS BA NA AWKWARD? SYEMPRE AWKWARD. BOBO KA BA ZIA???!

BAKIT KO BA SINISIGAWAN UTAK KO???? AY EWAN KO BA. KINAKABAHAN AKO, E.

"Ano... nag-lunch ka na ba?"

"Kevin!! Let's go eat," I heard an unfamiliar voice.

Lunch na pala? Lol.

"Shit. Wait lang, Zia."

The line went silent. Then after 10 seconds narinig ko na ulit s'ya.

"Sino 'yun?" I asked. La lang curious ako. Ang ganda at sweet ng boses e parang ang ganda ng may-ari. Hehe.
"Nevermind that person, she's not important," sabi n'ya. "Anyway, nag-lunch ka na ba?"
"Hindi... kagigising ko lang. Ikaw?" Napadapa ako. Gumalaw si Krista. Akala ko nagising.
"Hindi pa. Sabay tayo?"

HAAAAAAAAA???????

"Ha?"
"Punta ako sa inyo."
"Wag! Ay... uhm."
"Ah? Sige." Dinig ko 'yung lungkot sa boses n'ya! Naiimagine kong nakatingin s'ya sa baba tapos sobrang lungkot ng mukha n'ya! Dak that's cute.
"I... what I mean is nakila Krista ako."
"Okay. On the way." Bigla n'yang binaba ang tawag.

WHAAAAAAAT?????

NAPATALON AKO SA KAMA BIGLA AT GINISING SI KRISTA. Kinusot n'ya pa ang mga mata n'ya.

"KRISTA??!!!!" sigaw ko.
"Bey? Bakit????"
"Tumawag si Kevin. Pupunta raw s'ya rito."

Kumunot ang noo n'ya saka tumawa. Bumalik s'ya sa pagkakahiga.

"Mag-toothbrush ka na bey. May extra toothbrush sa banyo. Go na." Antok na sabi n'ya. Nagtakip pa ng unan ang gaga huhuhu. Bakit kayo gan'yan???

"Krista!!!!"
"O??"
"Ano gagawin ko??"
"Harapin s'ya? Ano pa ba?" she said na parang obvious na obvious na 'yung gagawin.
"Hindi naman ganun kadali 'yun, e!"
"Oo bey, pero wala kang choice kundi harapin s'ya kahit na wala ka namang hinaharap," aniya saka tumawa. Binato ko s'ya ng unan sa sobrang inis ko.

Pumunta na ako sa cr saka naghilamos. Oh goooood. I look stupid. Bwisit.

Naghilamos na lang ako saka nag-toothbrush. Whatever happens, happens. Duck it. Ganon!

Bumalik ako sa kwarto ni Krista. Alam ko namang 'di tulog 'yun, e. Pshhh. Bad s'ya. Hmp.

Humiga na lang din ulit ako. Malay mo makatulog ako diba? Hahaha kaysa naman iniisip ko nang iniisip. Lol.

'Yun nga lang, may abnoy na nanghampas ng unan. Ang saya-saya talaga.

"Problema????" inis kong sabi sa kan'ya. Huhu bad kasi s'ya. Bad!!!!!
"Bey, don't limit yourself because of me. Wag mo 'kong isipin. Makakahanap din ako ng higit kay Kevin." Dumila pa s'ya saka tumakbo.

Isip bata rin talaga to, e.

Maya-maya may bumusina na. Tumawag na rin sakin si Kevin kaya kinabahan na naman ako. Huhuhu. Magkaka-heart attack ata ako dahil sa kaba sa kan'ya, e.

"Z-Zia... ano... nasa labas na ako."
"Ah... sige."

Ang awkward talaga namin. Taena. Huhuhuhu. Ganito ba nararamdaman ni Keanu?????

"Kevin, papaalam lang ako kay Krista at tita na papasukin ka ha?"
"Ah... no. Labas tayo."
"Haaa? Hindi ako nakabihis. Naka-pj lang ako."
"Doesn't matter. Ikaw pa rin pinakamaganda para sa'kin."

Wait...

Uhm...

Huhu.

Error.

Dugdug???

Oo. May dugdug. Kinikilig ata ako.

HINDI ATA. OO KINIKILIG AKO!!!

Halos mag-headbang ako dahil sa kilig. Puchaaaa. Ramdam ko 'yung pagtaas ng dugo ko sa mukha, a. Shet ka Kevin. Ano ba pinaggagagawa mo? Ba't kinikilig ako?

"Ah... hehe," sabi ko saka ibinaba 'yung tawag.

Napatakbo agad ako sa banyo at kinatok 'yung pinto.

"KRISTAAAAAA HUHUHU PAANO 'YAAAANNNN?"

Lumabas naman si Krista.

"Kaya mo 'yan, go na bey. Baba na. 'Wag mo paghintayin si Prince charming mo."

Waaaaah bad ka talaga Krista. Wala na akong nagawa kundi bumaba kasi nakakahiya naman kay Kevin.

Paglabas ko e nakasandal s'ya sa kotse nya. Oo. Kotse n'ya!!!! KOTSE REGALO NI TITO AT TITA E. GAANO BA KAYAMAN 'TONG MGA 'TO? HA???

Parang may nakatutok na spotlight sa kan'ya kasi parang nagliliwanag s'ya. Weird.

Naka-pjs man lumabas na ako. Nakakainis hindi naman ako conscious dati. Si Keanu kaya ganito nararamdaman 'pag nakikita ako??

"Zia," tawag n'ya sa akin pagkakita n'ya sa akin.
"Hmmm?"
"For you," sabi n'ya tapos may inabot na bouquet ng flowers. May sunflower pa sa gitna.

Uhmmmmm... hindi ako mahilig sa flowers but thanks...?

"Ah... hehe thank you. Nag-abala ka pa."
"Hindi abala kapag ikaw." Binuksan na n'ya 'yung kotse nya. Pumasok naman ako. Inalalayan n'ya pa nga ako, e. Muntik ko pa nga s'ya matulak kasi paghawak n'ya sa akin parang napaso ako. Juskooooo bakit ka ganito Kevin Fuentes????

"San tayo?" tanong n'ya habang nagda-drive.

Huhu hindi ko alam kung paano aarte sa harap n'ya.

Okay Zia. Just be yourself. Be yourself lang. Tropa pa rin kayo.

Kaso hindi ko kaya! Hindi. Kakayanin. Kaya ko 'toooo.

"Mcdo?"
"All right." Nakangiti pa s'ya tol. Gagu Kevin bakit ampogi mo?

Dumerecho kami sa Mcdo. Pero bago kami bumaba may inabot s'yang jacket sakin na 'di ko alam kung sa'n nanggaling.

"Wrap it around your waist. Baka makitaan ka." Nakatingin s'ya sa gilid habang sinasabi 'yun.

Kinuha ko na lang bago ako mag-react ng kung anu-ano.

Keanu bakit ba hindi na lang ikaw? Sana ikaw na lang 'yung tao sa tabi ko.

Nag-order sya ng 1pc chicken. Waaaaaahhh. Pusooooo.

Nag-start na akong kumain pero s'ya nakatitig lang s'ya sa akin kaya medyo na-conscious ako.

Mas nakaka-conscious 'yung tingin nya kaysa sa fact na naka-pj ako sa mcdo.

"Ayaw mo ba kumain?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang s'ya.
"I just love observing how you eat."

Napakunot noo ko sa kan'ya.

"Abnoy ka ba?" Tumawa s'ya dahil sa tanong ko.
"Nah. Ang ganda mo lang kasi."

Puchaaaaa!!! Muntik ko na ibato sa kanya 'yung kutsara dahil sa gulat. Huhu. Abnoy kaaaa.

Baka kiligin ako! HAHAHAHA.

"Totoo naman, a? Hindi nga lang ako nainlove sa'yo dahil maganda ka. Nainlove ako sa'yo dahil ikaw si Ziandrina Cortez," seryosong sabi n'ya habang nakatitig sa mata ko.

Ngayon, pinalo ko na talaga s'ya ng kutsara sa ulo dahil sa hindi maintindihang nararamdaman ko.

"Kumain ka na nga lang! Gutom ka lang kaya kung anu-ano pinagsasabi mo."

Narinig ko 'yung tawa nya.

"Kahit anong mangyari, ikaw pa rin mahal ko."

Hindi na ako sumagot kasi ramdam kong pulang-pula na ako.

Kevin, kung ganyan ka baka mapalitan mo si Keanu sa puso ko.

But I don't think I'm ready for that.

*****

Niyaya n'ya ako sa mall. Nahihiya ako kasi taena naka-pj at malaking shirt pa rin ako pero sabi n'ya bibili rin daw sya ng pj para pareho kami.

Kung ako na lang bumili nang maayos na damit diba?

Bumili na sya ng pj at sinuot agad. Hindi ko alam kung anong trip namin sa buhay pero dahil gusto nya, go lang. HAHAHAHA.

Medyo awkward pa rin pero unlike kanina okay na. Hindi na rin s'ya gaanong nagmemention ng kung anu-anong kabaliwan pero nakangiti lang s'ya all the time.

'Pag sinapak ko kaya 'to ngingiti kaya s'ya? Hehehe.

Joke lang. Lagi na nga akong nililibre neto e aawayin ko pa.

"Tom's world tayo. I want to sing."

Since wala rin naman kaming gagawin bukod sa pag-iikot e syempre pumayag ako.

Pagpasok pa lang namin sa Tom's world nakita ko agad si SpongeBob sa madayang claw machine.

I'm not really obsessed with spongebob pero wala lang... I just had this urge. Baka dahil meron ako?

"HALAAAAAAAAAA!!!! Keviiin pautang namaaaan!" Tumatalon-talon pa ako kaya dumausdos 'yung jacket na nakapulupot sa bewang ko.

Pinulot naman ni Kevin 'yun. Umiling s'ya. Tapos s'ya na nagpulupot nun sa bewang ko kaya para sobrang lapit n'ya sa akin.

"Zia, you don't know how much I love you that I am trying to stop myself from punching the guys who stare too much," bulong n'ya sa akin. Napansin kong namumula na rin s'ya. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya or what.

Pero ang alam ko namumula ako dahil sa pinagsasasabi n'ya.

Nginitian n'ya ako.

"Ako na lang kukuha." Pinat n'ya pa ulo ko kaya feeling ko para tuloy akong pet.

Nakailang tries na s'ya pero ayun 'di pa rin n'ya nakukuha. Obvious na sa mukha n'ya ang frustration.

"NAKAKAINIS NAMAN 'TO!!" sigaw pa n'ya kaya natatawa na talaga ako. HAHAHAHA.

Nagtitinginan 'yung girls sa kan'ya malamang dahil e ang pogi n'ya. Pero pwede rin dahil naka-pj s'ya.

He's mine though.

Nagulat din ako sa naisip ko. Zia ha? Ang kire.

"Excuse me Sir!!" tawag n'ya dun kay kuyang staff "How much is this? I wanna buy it kahit magkano."

Tawang-tawa na talaga ako sa kan'ya. HAHAHA.

"Sir, pwede mo naman 'yan bilhin pero ang tanong masa-satisfy ba 'yang girlfriend mo? At saka Sir, mas kikita kami kapag nag-try ka nang nag-try."

Anong girlfriend??????

Napangiti si Kevin.

"Salamat kuya."

Tumango naman si kuyang staff at saka umalis na.

"Pano ba 'yan Zia, girlfriend daw kita?"

ASAN NA BA SI KEVIN NA HINDI ABNOY AT PARANG KUYA KO?

KASI SA TOTOO LANG ANG LAYO N'YA!!!!!

"Girlfriend mo mukha mo. Hindi pa 'no."

Lalong lumawak ngiti n'ya.

Kahit na hindi pa rin n'ya nakukuha si Spongebob e nakangiti pa rin s'ya nang malawak unlike kanina.

"Tara na nga!" yaya ko sa kan'ya kasi nanghihinayang na ako sa pera. Baka pabayaran n'ya sa akin, e. HAHAHAHA.

"Teka langggg," sabi n'ya na parang bata kaya hinila ko s'ya sa braso.
"Pa-try nga!" Nag-step aside naman s'ya buti naman.

Left, right... pindot sa red button...

"SHOOKT!!!" gulat na sabi ko.

NAKUHA KO!!! nakanganga ako habang kinukuha si SpongeBob.

"Hala. Andaya. Swerte lang 'yan," sabi ni Kevin. HAHAHAHA AMBITTER NAMAN NETO.

Kinurot ko ilong n'ya.

"O, sa'yo na. Thank you Kevs."

Ngumiti s'ya nang malawak.

"Thank you."

Hinila na n'ya ako dun sa videoke ng Tom's world. 'Yung nasa labas. Palibhasa kasi ganda ng boses, e. Lol.

Nakita ko 'yung basketball-an sa tabi nun. Naalala ko tuloy 'yung "friendly date" namin tapos dun n'ya sinabi 'yung first love nyang si Rina which is ako pala.

Naghanap s'ya dun sa songbook. Buti na lang walang nakanta ngayon. Hahaha. May kan'ya-kan'yang buhay 'yung mga nasa arcade, e.

"I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go I see the lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening"

Nakatitig lang s'ya sa akin. Naalala ko na naman yung titig nya sa'kin nung debut n'ya.

At saka 'yung titig n'ya nung kinantahan n'ya ako sa park.

"And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me"

Nag-start na s'yang mag-catch ng attention. Tangina ampogi kaya ng boses n'ya. Talaga namang pupunta sila rito.

"We stop to get something to drink
My mind clouds and I can't think
Scared to death to say i love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply

That I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me"

Dumadami nang dumadami 'yung crowd pero pinararamdam n'ya na ako lang 'yung taong nakikita n'ya despite the gathering of crowd.

Pagtapos ng song, nagpalakpakan at tilian sila. Uhmmm??? Concert n'ya ba? HAHAHAHA. Dejk.

Napapalakpak din ako. I don't know I just feel proud na kilala ko s'ya.

"That song is about that girl wearing a matching pajamas with me"

Nagtilian na naman sila.

CONCERT BA 'TO?????

"You're all I need, Zia."

BAKIT KELANGAN MO I-ANNOUNCE YAN HABANG NAKA-MIC HUHUHU.

TANGINA KINIKILIG TALAGA AKO IHHH.

'Sabi sa'yo girl taken na 'yan, e.'
'Sayang'
'Ganda naman nung girlfriend n'ya'
'Cute nila in fairness. Bagay sila'

Ilan lang 'yan sa mga narinig ko!! Mukha ba talaga kaming mag-jowa??????

"Kevin!!!!"

Uhm...

Gago????

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Nagha-hallucinate ba ako? Narinig ko boses ni Keanu.

Mukhang gulat din si Kevin.

"Bakit gan'yan suot mo?"

Dinig ko 'yung boses n'ya sa bandang likod ko.

So I'm not hallucinating???

Napatingin ako sa kan'ya.

Tangina. Keanu bakit ikaw pa rin?

"Kevin, I thought we're going to have lunch together?"

THAT VOICE AGAIN???

'Yung magandang boses. Kasama ata ni Keanu??

Napalingon ako.

Baby blue eyes. Maputi. Porselana ang kutis. Black haired. May freckles na nakapagpapaganda lalo sa kan'ya. Maninipis na labi. Matangos na ilong. Matangkad.

In short sobrang ganda n'ya.

Katabi n'ya si Keanu.

Napababa 'yung tingin ko. Nakakapit s'ya sa braso ni Keanu.

Nagsimula nang mamuo 'yung mga luha sa mata ko.

Keanu... bakit nasasaktan ako?

S'ya ba?

Nakaramdam ako ng pwersa na humila sa akin papaharap. Niyakap ako ni Kevin.

"Tapos na ang show. Shooo," sigaw ni Kevin kaya nagsialisan 'yung iba.

"Don't mind them. Let's go," sabi ny'a saka hinila ako.

You really are my savior, Kevin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro