Fifty Seven
Chapter Fifty Seven
Thanks to Kevin kasi may musikero kami. Kahit na apat lang kami sobrang enjoy pa rin.
Oh. Yeah. After n'ya kumanta ng Thinking Out Loud pinatigil muna s'ya ni Sui kasi nagki-cringe na raw talaga s'ya kahit anong pigil n'ya. Hayup talaga 'to si Sui, e. 'Yung dalawa talaga anlakas manira ng mood. Aalalahanin kong sabuyan sila ng buhangin habang tulog. Hehe.
Nagpaalam si Kevin na aalis muna s'ya. Gusto ko sana samahan pero sabi n'ya 'wag daw muna kaya hinayaan namin. Kaya ang ginawa namin e nagchikkahan lang kami hanggang sa dumating si Kevin ng around 8 na. Ilang oras din s'yang nawala at na-miss ko s'ya dahil dun. Hehe.
"Okayyyy! Truth or dare!!!!" masiglang sigaw ni Sui habang nakataas ang kamay na parang nagre-recite.
"Ang boring naman n'yan," sagot ko sa kan'ya.
"Duh we're camping and you're not gonna do truth or dare??" Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi n'ya.
Umalis s'ya sa inuupuan n'ya saka pumunta sa cottage saka bumalik na proud na proud habang binibida ang cards n'ya.
"Lucky 9!" masayang sabi ni Sui kaya napangiwi ako. Wala na bang ibo-boring 'to?? "Lowest will choose either truth or dare then 'yung winner 'yung mag-uutos or magtatanong. Kapag nag-tie, edi alam na," naka-evil smile pa si Sui which made me shiver.
Humangin nang malakas so I rubbed my palms on my arms para magkaron ng friction. Hindi sapat 'yung bonfire para magbigay ng init. 'Yung hangin kasi e sunod-sunod na malakas. Tolerable kanina pero kapag sumobra, hindi na.
"Nilalamig ka?" bulong ni Kevin kaya tumango ako. Hinubad ni Kevin 'yung hoodie n'ya tas binigay sa akin na sinuot ko naman. Medyo mahaba sa akin 'yung hoodie n'ya. Tumawa si Pia.
"Akala ko gagawa ka ng move, e." Napaangat ang tingin ko at napalingon kay Pia. Hindi ko gets, e. Anong move? Move sa chess, gano'n?
"Hindi pa kami, e. I don't want her to be uncomfortable," sagot n'ya kaya napakunot ang noo ko. Hindi naman ako magiging uncomfortable kapag si Kevin ang usapan, e.
"Huh???" sagot ko sa kanila kaya lalong tumawa si Pia.
"Wala, slow ka talaga."
Napaturo pa ako sa sarili ko. Ako? Slow?! Putang shet hindi, a. Dakyu talaga 'tong mga 'to.
Kinuha ni Kevin 'yung kamay ko at hinawakan 'yun. I just let him be. Iba 'yung init na binibigay n'ya sa akin and I can't help but smile. I am now feeling giddy about it now that he's holding my hand and I'm wearing his hoody that smells a lot like him. It feels different with Keanu and it's much better when I'm with Kevin.
"Ang landi n'yo. Hindi ba move 'yan Kevin?" tanong ni Sui. Nag-shrug si Kevin saka tumingin sa akin.
"Okay lang naman mahal, 'di ba?" He winked kasabay ng pamumula ko.
"Yak. Mahal. Saan si mura? Corny ng tawagan n'yo. Generic!" asar ni Sui sa amin.
"Wala ka lang love life, e," bulong ko.
"BURN BITCH!!!" sigaw ni Pia saka humalakhak.
"May love life ka teh?" pagbabalik ni Sui. Nanahimik si Pia kaya lalo akong natawa.
Sumandal ako kay Kevin. Hinayaan n'ya lang ako. Kevin is like my sun. He warms me up everytime I'm with him. He makes my day bright and he himself is sunny. I can't imagine my life now without Kevin. He does really make me feel giddy and I feel no discomfort or what.
Binalasa na ni Sui 'yung cards. Hindi n'ya tinanggal 'yung mga tao para more chances of losing daw. Hayup talaga 'tong Sui na 'to.
"Hoy Zia 'wag ka sumandal kay Kevin, makikita cards mo," puna sa akin ni Sui kaya umayos ako ng upo. Psh. KJ. Saya-saya na may sandalan, e.
Agad kong tiningnan ang cards ko at agad na napangiti.
"I'm good," sabay na sabi namin ni Pia kaya nanlaki ang mata ni Sui.
"Tangina! Isa pa!!!" Kumuha pa ng isang braha si Sui at agad na nanlumo nung nakita n'ya 'to.
"Tanginang buhay 'to," sabi n'ya saka inilapag nang marahas ang braha. Agad kaming nagtawanan nung nakita namin 'yun.
Isang Jack, isang ten, at isang King.
"Butata!" bulalas namin ni Pia saka humalakhak.
"Tangina n'yo," asar na sabi ni Sui.
Ininaba ni Kevin ang braha n'ya at 7 ang total n'ya. Same kami.
Humalakhak naman nang pagkalakas-lakas si Pia.
"Bitch I won," sabi n'ya saka ipinakita ang braha n'yang 8 ang total.
"Shit," bulong ni Sui.
"Truth-"
"Dare," mabilis na sagot ni Sui.
Nag-evil laugh si Pia saka ikiniskis ang dalawang palad n'ya. Looking at her now para s'yang villain and creepy.
"Lumuhod ka sa harap ko now na at tawagin mo akong master," nakangiti at kaswal na sabi ni Pia.
"Putangina Piandrina humanda ka sa akin," bulong ni Sui saka lumuhod. "Master," malamig na sabi ni Sui.
"Ayusin mo! Magpa-cute ka," utos ni Pia.
"Hoy sumusobra na!"
"Madaya. Boo."
"Psh." Napapikit nang mariin si Sui. "Masteeeeer," bigla n'yang sabi na sobrang lambing na mukhang hindi s'ya nananakit. Alam mo 'yung trying hard magpa-cute pero hindi ka naniniwala kasi nga alam mong brutal s'ya. I was caught off guard kaya bigla akong napahalakhak. Tangina hindi bagay sa kan'ya!
Pinagpagan ni Sui 'yung tuhod n'ya saka sumimangot.
"Paknyu. Babawi ako. Mga bwisit!"
Sunod-sunod na dare kami at walang naglakas-loob na mag-truth ni isa. Si Pia nung natalo pinapunta ni Kevin sa kabilang cottage at sinabihang manghingi ng barya. Binigyan s'ya actually. Tawa kami nang tawa kasi sobrang pula na ni Pia pagkabalik n'ya sa bonfire namin.
Nung ako natalo pinag-swimming ako ni Sui sa buhangin. Magpanggap daw akong isda. Kaya ang ginawa ko nagtatalon-talon ang katawan, nagpapanggap na parang isda na nakawala sa tubig. Nag-swimming din ako. Kinareer ko na. Wala namang nakakaki-nakatingin sa akin 'yung kapitcottage namin. Jusq hayup ka Sui! Nakakahiya!!
Pero mabuti na rin 'to kasi akala ko kung ano ipapagawa sa akin ni Sui, e.
Kawawa 'yung mga kapitcottage kasi palaging nadadamay sa kalokohan namin. Andaya lang kasi hindi ako nananalo! Laging gitna. Tsk. Si Kevin pinapunta sa kabilang cottage ni Sui. Eto kasi dare n'ya: "Ask our neighbors if they've seen your brief with a very serious face."
Naaawa ako kay Kevin pero binanatan ako ni Sui ng "Gusto mo ikaw na lang?" Napalunok ako kasi ang seryoso ng boses n'ya.
Para maiba raw dun s'ya sa ibang cottage. Pumunta s'ya dun at sinundan namin s'ya. Nag-inhale exhale pa si Kevin. Lumapit s'ya dun sa grupo ng teenager na nagkukwentuhan. Kunwari naglalakad kami pero mabagal lang para hindi obvious. Mamatay-matay naman 'yung dalawa sa kakapigil ng tawa. Hayup 'tong dalawang 'to. Hindi pa nga nagsisimula. Grabe na agad tumawa!
"Hello po." Napatigil silang lahat saka napatingin kay Kevin. 'Yung mga babae iba 'yung tingin kay Kevin. Ang lagkit. Biko ba kayo?!
AKIN 'YAN!!!!!!
Teka-basta sinabi n'ya akin s'ya!!
"Nakita n'yo po ba 'yung brief ko? Nawawala kasi, e." Sobrang seryoso ng mukha ni Kevin tapos namumula na talaga 'yung mukha n'ya. 'Yung dalawa sa tabi ko hindi na napigilan at tumawa na nang malakas. Pinalo-palo pa nila ako sa braso. Bwisit ambigat ng kamay ni Sui. Lulunurin ko talaga s'ya.
Nakita ko na may tumayo sa kanila na sobrang gandang babae. Porselana ang kutis tapos matangkad. Naka-two piece s'ya at ang laki ng boobs at pwet n'ya. Pucha. Biniyayaan masyado. Bakit ako flat?! Ang unfair ng life.
Ang tangos ng ilong n'ya at para s'yang beauty queen kasi sobrang confident n'ya gumalaw. Malaki at bilugan ang mga mata n'ya. Kulay pula ang buhok n'ya na lalong nage-emphasize ng pagiging maputi n'ya.
Hinaplos n'ya ang braso ni Kevin at idinikit ang katawan n'ya sa kan'ya. Hinawakan pa n'ya sa braso si Kevin. Feeling ko nakadikit 'yung boobies n'ya kay Kevin huhu. Napalunok si Kevin at nagsimula nang mamula. Sinubukan n'yang umatras pero ang kapit nung babae.
"You wanna have fun?" tanong n'ya then she licked her lips. Naghiyawan 'yung mga kaibigan n'ya na parang sinusuportahan s'ya. Bwisit. Mga dakyu! "You won't need your brief here," sabi n'ya saka kumindat.
Hindi ko alam kung ano'ng nasa isip ko at lumapit ako dun na nagpupuyos sa galit. Akin si Kevin. Hindi ako papayag na hawakan s'ya nang kung sino man.
"May girl-"
"He's mine. Back off," sabi ko saka bahagyang hinila si Kevin na nakangiti na parang aso. Tinaasan ako ng kilay ni ate girl. Tangina, mas maganda s'ya sa malapitan.
"Really? Ditch her pretty boy. Your night will gonna be more worthy if you are with us," she said then winked. Ang seductive ng boses n'ya. Bwisit. Gan'yan ba gusto ni Kevin? Mag-practice kaya ako??
Bakit gusto kong sirain 'yung mukha ng magandang babae na 'to? Gusto kong hilahin lahat ng pulang buhok n'ya hanggang makalbo s'ya. Gusto kong gumamit ng kamehame wave para lumipad s'ya at mamatay na. Gusto ko tanggalin lahat ng kuko n'ya sa kamay at paa. Gusto kong ihampas sa mukha n'ya 'yung gitarang regalo ko kay Kevin, nang paulit-ulit hanggang sa masira 'yang gorgeous face n'ya.
Bumilang ako ng isa hanggang lima hanggang sa kumalma ako kasi hindi malabo na gawin ko 'yun. Hindi ko alam kung bakit ganito inaasta ko pero I want Kevin mine, mine alone. This is the first time that I felt threatened and I don't know why.
Tinanggal ni Kevin 'yung pagkakahawak ni pretty girl sa kan'ya saka ngumiti.
Dakshet. Putangshet. Bakit ang pogi ng nilalang na 'to lalo na kapag ngumingiti?! Kaya ang lagkit ng tingin ng mga babae sa'yo, e.
"Miss, sorry. Magagalit girlfriend ko, e. Mahal ko 'yan kahit ang talim na ng titig n'ya." Inakbayan n'ya ako and at that moment I felt that I am the most beautiful girl in this world. Prettier than this girl. Kevin, bakit may magic ka na gan'yan?
Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi n'ya. I bit my lip para hindi gano'n kahalata na kinikilig ako.
"In-snob ganda mo teh," sabi nung isang ka-tropa n'ya na sinundan ng tawanan nila.
Iginiya ako ni Kevin paalis.
"Tara na mahal ko," he said that made my heart flutter and my cheeks burn.
Naglakad na kami palayo. Nilingon ko si ate girl saka nginitian. Victory smile? I don't know. I felt that I won. Ang sweet ni Kevin na feeling ko matutunaw ako. Pinagpagan ko pa 'yung side ni Kevin na hinawakan at dinikitan nung gorgeous girl. Naaasar talaga ako!
"Shet akala ko magsasabunutan 'yung dalawa!" humahabol na sabi ni Pia sa amin.
"Boo. Walang catfight. I thought you're gonna pull her hair." Nag-roll eyes pa si Sui. Bwisit.
"Delikado pala magselos si Zia. Ang talim ng titig, e. Ilang beses mo s'yang plinanong patayin sa utak mo?" tanong pa ni Pia.
"Ako??? Nagseselos? Hindi, a," sabi ko saka humalukipkip.
Nagseselos ba ako?? Hindi ako nagseselos. Hindi naman kami ni Kevin para magselos ako. At saka si Keanu pa mahal k-mahal ko pa ba s'ya?
"Hindi ka pa nagseselos sa lagay na 'yun?!" gulat na tanong ni Pia. "May pa-he's mine back off ka pa tapos hindi ka nagseselos?!" Ginaya pa n'ya 'yung tono ng pananalita ko kanina.
Nagseselos ba ako? Gano'n ba ang pagseselos? Ayokong magselos kasi gusto kong i-kamehame si gorgeous girl kanina. Kung ganoon ang pagseselos, hindi healthy 'yun kasi ibig-sabihin nun gusto mo s'yang saktan?
"Ano lover boy kinikilig ka ba?"
Hindi sinagot ni Kevin ang tanong ni Pia pero ngumiti lang s'ya nang todo na parang ang saya-saya n'ya. Ang weird din ng isang 'to 'no? At saka dapat hindi s'ya ngumingiti ng gan'yan!
"So kayo na?" biglang tanong ni Sui nung nakaupo na ulit kami sa harap ng bonfire. Dinadagdagan n'ya ng kahoy 'yung apoy.
"HAAAAA???"
"Sabi ni Kevin girlfriend ka raw n'ya. Hindi ka naman umangal. So kayo na?" tanong ni Sui nang nakangiti.
"H-hindi pa!"
"Hindi pa?" pag-uulit ni Sui kaya tumango ako. "Pffft. 'Wag ka muna magdiwang Kevin," sabi n'ya pagtapos ko tumango.
"Okay lang. At least my progress," sabi n'ya saka ipinulupot ang kamay n'ya sa bewang ko. Ang lapit namin sa isa't isa. Iniisip ko pa lang namumula na ako.
Hindi magkadikit ang balat namin. Weird man pero I can feel his warmth kahit na suot ko 'yung hoodie n'ya. It's weird. Yes, it's really weird. Kasi unti-unti ko nang nagugustuhan 'yung nararamdaman ko. Dakyu Kevin! Ano ba 'tong ginagawa mo?
"Ops. Tama na landian. Umay na ako. Maghiwalay kayo," biglang sabi ni Sui. Weird talaga ng babaeng 'to 'no?
Akala ko hindi na kami maglalaro dahil sa nangyari pero nagsimula na naman s'yang mag-distribute ng cards. Pagkakita ko ng cards ko... I see hell. Isang queen at isang ace. Napa-sign of the cross ako mentally dahil sa nakita ko.
"BITCH I WON!" sabay na sabi nung dalawa saka inilapag ang kanilang braha. Nagkatinginan pa sila saka napangisi. Kay Pia isang 10 at 9. Kay Sui, isang 5 at isang 4.
Uhh oh. I smell trouble. Napalunok ako.
"I-isa pa. I need more," mahina kong sabi saka kumuha ng isang braha. Lalong napangisi 'yung dalawa. Putangshet. Tumaas 'yung balahibo ko sa batok.
Pagtingin ko ng braha ko, feeling ko iniwan ako ng kaluluwa ko. WOW! ANG SWERTE KO! NAKAKUHA NA NAMAN AKO NG TAO. DAKYU KA SUI. BAKIT GANITO BALASA MO. ANDAYA! BWISIT!
Ibinaba na ni Kevin ang braha n'ya at nakita kong five ang total. Puta. Talo talaga ako. Huhuhuhu. Dahan-dahan kong ibinaba ang braha ko. Napangisi lalo 'yung dalawang abnoy. Shet lang.
"Boom. Talo si Zia," bulong ni Sui.
Shet. Kinakabahan talaga ako sa pagagawa ni-
"Truth," mabilis kong sabi kaya lalo silang napangisi na dalawa. DID I MAKE THE WRONG CHOICE????! "Truth sa inyong dalawa." Wala na akong nagawa kung hindi panindigan 'yun kasi baka mamaya kung ano pagawa nila sa akin kapag nag-dare ako. Baka naman ang itanong lang sa akin e sino first kiss ko?! TEKA E SI KEANU 'YUN, E GAGU!!!! TEKA PARANG MALI NGA CHOICE KO!
Tumikhim si Pia saka sinabing s'ya na ang mauuna.
"So... Zia..." Napalunok ako sa tono ng boses n'ya. Alam mo 'yung para kang kriminal na ini-interrogate ng mga pulis? Gan'on 'yung feeling! "Kailan mo sasagutin si Kevin?"
Agad kong naramdaman ang pamumula ko at ang kabog ng dibdib ko. Ha? Kailan ko nga ba s'ya sasagutin?
Pinagsalubong ko ang hintuturo ko at tumungo para na rin maitago ang pamumula ko pati ang unsure na mukha ko.
"Uhm... ano... h-hindi ko pa alam."
"Enkkk. Wrong answer," biglang sabi ni Pia. Pakiramdam ko andaming mata na nakatingin sa akin ngayon.
Huminga ako nang malalim at sinubukang ayusin ang sarili ko.
"H-hindi ko pa alam... ayokong madaliin kung ano 'yung nararamdaman ko. Ang alam ko lang masaya ako ngayon."
Nagsasabi naman ako ng totoo. Masaya ako ngayon pero hindi ko pa alam kung ready na ba akong pumasok sa relationship. Siguro, kuntento pa ako sa kung anong meron kami ni Kevin.
Nilingon ko s'ya. Nakatitig lang s'ya sa akin. Bigla s'yang ngumiti na naging dahilan ng pagkakaroon ko ng paruparo sa sikmura. Dak. Napaiwas ako ng tingin, yumuko ulit ako.
Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. Ni wala sa amin ang nagsasalita. Tanging mga kuliglig lang ang maririnig at malalakas na tawanan mula sa malayong kapitcottage namin.
"Okay," malakas na sabi ni Sui. "I guess it's my turn now." Napatitig ako kay Sui at nakitang seryoso ang mga mata n'ya. Nand'yan na naman 'yung nakakatakot na awra n'ya pero I felt na she became softer now unlike nung unang kita namin.
Kinakabahan ako sa itatanong sa akin ni Sui kasi nakikita ko sa mga mata n'ya na seryoso s'ya.
Dak. Kinakabahan talaga ako.
"Zia, answer me with the truth. Nothing but the truth," she said while looking at me intently. "Maaaring maloko mo kami but you will never ever make fool of yourself," seryoso n'ya pang saad.
Lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi n'ya. Natatakot ako sa maaaring lumabas sa bibig n'ya.
"Now, for the 1 million questi-" napatigil s'ya nung binatukan s'ya ni Pia. "Eto na nga seseryoso na! Pinapagaan ko lang 'yung atmosphere, e." Tumikhim pa s'ya saka tinitigan ulit ako. Gusto ko man umiwas ng tingin pero 'yung tingin n'ya e nagdedemand na 'wag kong ialis ang mga mata ko sa mata n'ya. "Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada?" tanong n'ya pa rin without breaking our eye contact.
"Huh?" tanong ko. 'Di ba 'yun 'yung jingle ni Manny Villar dati na nakaka-lss. Kinakanta ko 'yun dati, e.
Kita ko na gusto na n'yang tumawa kasi umaangat na 'yung gilid ng labi n-at hindi na nga napigilan ni Sui na tumawa. Ayun, ang saya-saya n'ya.
"Joke lang!! Eto na talaga."
Bwisit. I don't want to take her seriously anymore. Hayup na Sui 'to.
"Mahal mo pa ba si Keanu?" she fired and I was taken aback that I didn't process it at first.
Biglang bumigat ang atmosphere na parang hindi ako makahinga. Walang nagsalita. Walang may kakayahang magsalita.
Ayaw ko na muna marinig ang pangalan na 'yun pero dahil bibe si Sui e tinanong pa talaga n'ya 'yan.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko pa natitimbang ang sasabihin ko sa kan'ya kasi maging ako hindi pa alam ang tamang mga salita na dapat kong bigkasin.
Nagulat ako nung ipinulupot ulit ni Kevin ang braso n'ya sa bewang ko at hinawakan n'ya ang kamay ko. He immediately transferred a tickling electricity from him. Pakiramdam ko hindi ako nag-iisa at andito lang si Kevin para tulungan ako to make it through. Isang tanong lang 'yan Zia. Madali lang sagutin.
"Gusto mo ibahin ko 'yung tanong? Mahal mo na ba si Kevin?"
I felt Kevin stiffened by her question. Kung na-shookt ako sa tanong n'ya kanina, mas na-shookt ako ngayon. Pinisil ni Kevin ang kamay ko na parang sinasabi na "I'm here. You can do it."
Tangina. Hotseat.
Parang bigla akong nabingi at nanahimik ang lahat. Maging si Pia ay nakikinig lang. Ang mga kuliglig ay parang nagtago. Ang tawanan ng kapitcottage ay biglang nawala. Parang sa isang iglap naiwan kami sa isang tahimik na mundo na walang gustong umistorbo. Wala akong masabi. Walang lumalabas na salita sa bibig ko.
"Zia, I talked to you before. Ayaw kong paasahin si Kevin that's why I'm asking now para sa assurance."
I can see na seryoso s'ya. Gusto ko ngumiti dahil sa akto ni Sui na pinapakitang mahal talaga n'ya ang pinsan n'ya pero hindi ko magawa kasi hindi ako makakilos ni makapagsalita. Para akong nawalan ng dila dahil sa tanong n'ya.
"Should I leave?" tanong ni Kevin.
"No. Stay. I want you to hear this."
I closed my eyes. Go Zia. Kaya mo 'yan. Talk. Let your feelings out.
"Mahal ko ba si Kevin? Hindi ko pa alam. Masyado pang maaga para malaman kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Gaya ng sabi ko, ayokong magmadali. But... I can confirm na I am starting to like this man beside me. He's my savior. Spare me, Sui. It hasn't even been a month for me to weigh my feelings. I hope you understand."
Playsafe man 'tong sagot ko, alam kong sinabi ko ang totoo.
"Oka-"
"Mahal ko pa ba si Keanu?" dugtong ko. "Probably. It hurts seeing him happy with the woman he loves. Alam kong confused lang s'ya. I am hurt for the both of them. But... whenever I am with Kevin, he takes all the pain I feel. He makes me comfortable. Tuwing and'yan s'ya, I tend to forget Keanu. I tend to forget that I am in love with him and I enjoy every minute with Kevin."
Naramdaman kong ipinatong ni Kevin 'yung ulo n'ya sa balikat ko. Sobrang dikit namin sa isa't isa.
"I still probably love Keanu but believe me, Kevin makes his way inside my heart." I smiled.
"Yuck. I'm cringing," sagot ni Sui pero I can see her smiling. Gano'n ba s'ya mag-cringe? Nakangiti? "Now, let's stop this. Inaantok na ako," dugtong pa n'ya saka tumayo na at kinuha ang balde para patayin ang bonfire.
Nagligpit na rin kami ng gamit saka pumunta sa kwarto namin. Hinawakan ni Kevin ang kamay ko bago ako pumasok sa kwarto kaya napalingon ako sa kan'ya.
"You don't know how you made me happy tonight, Zia. At least alam kong may laban ako kay kuya," he muttered. He leaned closer then whispered, "thank you."
Hinalikan n'ya ako sa pisngi. Shet ka Kevin. Ano ba 'yan, bakit mo ako pinapakilig?
"Goodnight," sabay naming sabi.
Ngumiti s'ya saka binuksan ang pinto ng kwarto namin. Pumasok naman ako at sinara agad ang pinto saka sumandal at napaupo.
Dakyu Kevin, my knees are like jelly now. I couldn't stand appropriately. Napadukmo ako at naamoy ko 'yung hoodie n'ya na kaamoy n'ya.
"Anyare sa'yo?" tanong ni Pia. Umiling ako at nagpaalam na maliligo muna. Pagpasok ko sa banyo, hinubad ko 'yung hoodie ni Kevin at niyakap 'yun then I realized na it's such a creepy thing to do.
Ayoko sanang maligo kasi feeling ko Kevin's scent is still with me pero may buhangin kasi ang buhok ko dahil nagpanggap akong isda kanina. Tumambay ako dun sa bath tub. Kahit na maliit 'yun e ayos lang kasi kasya pa rin ako. Hihi #PerksOfBeingSmol
Nagtagal ako dun dahil sa kakaisip ng nangyari kanina. Andaming nangyari dahil lang sa bonfire.
At saka...
Bakit nung nakita ko si Allison hindi ko naisip na saktan s'ya kahit ang pretty pretty n'ya? Bakit si ate girl gusto ko saktan?
Pagtapos ko maligo ay nagpatuyo ako ng buhok sa loob ng banyo. Hindi ko talaga gustong natutulog na basa ang buhok.
Paglabas ko e nakita ko si Sui na natutulog sa kama ko. Naka-spread pa ang kamay at paa n'ya sa kama ko at no room to sleep na.
Teka...
Tangina...
Bakit nandun 'yan?
"Hoy Pia. Bakit and'yan 'yan?!"
"Huh? Ah? Si Sui? Ano e... uhm... sabi n'ya kasi magchikkahan daw tayo e kaso ano... ang tagal mo maligo kaya nakatulog na."
"Hala. Ano ba 'yan." Lumapit ako sa kama at akmang gigisingin si Sui.
"ZIA!" Nagulat ako sa bigla n'yang pagsigaw kaya napatakip s'ya ng bibig nung bahagyang gumalaw si Sui. "You wouldn't want to wake up that little monster. She'll surely skin you alive. Kapag nagigising ko 'yan nagwawala 'yan, e. Sabi n'ya sa'kin, 'Sirain mo na lahat 'wag lang tulog ko.'"
Napatahimik ako sandali. Parang si Sui nga 'yun. Shet. Nakakatakot nga pala 'tong babaeng 'to.
"D'yan ako sa tabi mo."
"Ayoko nga na may katabi. Hindi malaki 'yung kama 'no." Oo nga. Sakto lang para sa isa't kalahating tao.
"Sa baba na lang ako."
"May pera ka bang dala? Wala ako, e. 500 ata renta sa mattress."
"Luh. Putangshet ang mahal naman nun."
"Sa kabila ka na lang matulog, ate."
TEKA TINAWAG N'YA AKONG ATE?! TAPOS TEKA NAKANGITI BA S'YA?!
"Ate?"
"Ha? I mean Zia."
"Ayoko matulog dun, andami kong pinagsasasabi kanina. Sa lapag na lang ako."
"Hindi pwede! Sabihin pa ni Kevin. Inaapi ka namin. Dun ka na. Tutal nagsama naman na kayo sa iisang kwarto, e. Gentleman naman 'yun si Kevin hindi ka aanuhin nun," sabi pa n'ya habang tinutulak-tulak pa ako palabas ng pinto.
Pucha.
Alam ko namang gentleman si Kevin, e. Ang problema e ako. Joke. Behave lang din ako.
Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto nila Kevin. Hindi ko alam kung kakatok ako. Potek. Mag-stay na lang kaya ako sa cottage?? Wala na akong pera, e. Pinambili ko na kasi nung gitara. Huhu. At saka ayoko naman mag-ask kay Kevin. Kapal naman ng mukha ko nun.
Magpupuyat na lang ako. Tama. Tama. Dun na lang ako sa cottage. Makikipag-close sa mga insekto at... no. Walang multo. Hehehe. Matapang ka Zia, 'di ba? Matapang ka. Walang Shombang panot dun. Oo. Hehehe.
Sinubukan ko na lang palakasin ang loob ko at nagsimula nang maglakad nang narinig kong bumukas ang pinto nila kaya napalingon ako.
"Zia?"
"Hehehe uy Kevin!"
"Bakit andito ka? Asan pala si Sui?"
Napabuntong hininga ako.
"Nasa kama ko, natutulog."
"Ano?! Abnormal talaga 'yun 'no? Teka kukunin ko!"
HALA BAKA S'YA ANG BALATAN NG BUHAY NI SUI!!!
"De. Ano... pagod 'yun 'wag mo na istorbohin."
"Paano ka?"
"Tatambay sa cottage."
"No. Mag-rent na lang tayo ng mattress."
"'Wag na Kevin. Quota ka na sa gastos."
"Edi ano... dito ka na lang sa kwarto namin. I'll be good naman," sabi n'ya saka itinaas pa 'yung kanang kamay n'ya. Napangiti ako. I patted his head.
"I know you'll be."
"Teka Zia!" bigla n'yang sabi saka pumasok sa loob.
Maya-maya rin ay lumabas s'ya na may dalang panyo kaya nagtaka ako. Piniringan naman n'ya ako. Aangal na sana ako pero binulungan n'ya ako, "Don't worry I got you." Nawala ang pangamba ko dahil sa assurance n'ya. Hinayaan ko lang si Kevin kung anong balak n'yang gawin. Hinawakan n'ya ang kamay ko at iginiya sa kung saan probably sa kwarto nila.
"Naghahanap ako ng tyempo kung paano gagawin 'to. I was going to ask those two to help me pero hindi na pala kailangan," he whispered. Wala man akong ideya sa sinasabi n'ya pero feeling ko agad kikiligin ako.
Narinig ko ang Be Your Everything ng Boys Like Girls. Shet anong meron?! Tinanggal n'ya 'yung blindfold ko. Agad akong napangiti sa nakita ko.
Oh my God!! This is pretty. This is the best!
Naramdaman kong tumutulo na 'yung luha ko sa sobrang saya ng nararamdaman ko at sa sobrang kilig.
"Bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba nito?!" nagpa-panic na tanong n'ya. Sinuntok ko s'ya sa braso.
"I love it, dummy!"
He smiled. The fireflies around him are illuminating his handsome face.
"Kelangan ko rin sila pakawalan agad cause Sui might kill me."
I laughed. Damn!
Ganito kasi, 'yung room nila is puro fireflies and they look like floating lights. Pinatay n'ya 'yung ilaw para ma-emphasize 'yung kagandahan ng ilaw nila. Plus the background music. Sobrang ganda talaga. Umaapaw sa saya 'yung puso ko. Simple lang pero grabe 'yung impact sa akin.
"I'll be your shelter
I'll be your storm
I'll make you shiver
I'll keep you warm
Whatever weather
Baby I'm yours
I'll be your forever, be your fling
Baby I will be your everything"
Sinasabayan n'ya 'yung kanta habang nakatitig sa mata ko. This scene is so magical. I never thought na I'd be able to experience this. I love it! I really love it.
Hindi ko alam kung bakit mas lalo s'yang pumogi sa paningin ko especially now that he is singing his heart out. 'Yung mga alitaptap pa sa paligid n'ya ay lalong nagdagdag sa kapogian ni Kevin.
Hindi ko napansin na gumagalaw na pala kami kasabay ng music. Dancing under the rain is sweet but dancing in the room with fireflies around you is the sweetest.
Parang sasabog ang puso ko pati na rin 'yung mga emosyong nararamdaman ko. Masaya ako sa tabi ni Kevin. Sobrang saya.
"I caught these for you-para ipakita sa'yo ang ganda nila. I hope you're happy, mahal ko. I will do anything to make you happy."
Tangina! I hugged him so tight because of these overwhelming feelings. I noticed na I'm crying again. Jusko. Ano bang ginawa ko para magkaroon ng isang Kevin sa buhay ko? Deserve ko ba ang effort n'ya?
"Hey, why are you crying?"
"English ka kasi nang english, dakyu," sagot ko habang pinupunasan ang luha ko. Pinigilan naman n'ya ako at s'ya na mismo ang nagpunas nun.
"Bakit nga kasi?"
"Masaya lang ako kasi may Kevin Fuentes ako sa buhay ko," I answered honestly. He deserves an honest answer, right?
Tinitigan n'ya lang ako. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa and the fireflies really did set the mood. He smiled. Boom.
"Mahal na mahal kita, Zia," he whispered then kissed my forehead.
Another boom.
My heart fell.
I...
I have this urge to kiss him.
--------
Neko's note: choose your fighter #TeamMahal or #TeamBabes!!!
Sorry guyses, I was really busy these past few weeks. Guess what???? We already reached 11k reads and I won second place on Wattpad Story Awards so your ate Neko is really ecstatic! I so love you guys! Thank you for all the love I've been receiving.
Oh. Please do check my one shot story entitled Cleaners and I am going to post another story soon. Its title is Not a Wall Breaker. Please support it ha??? Thank you guysss.
P L E A S E
V O T E
A N D
C O M M E N T
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro