Fifty Nine
Chapter Fifty Nine
Nandito kami sa favorite place ko! 'Yung park na nasa hill. May tent dun tapos may mga lobo. May tables and chairs din na naka-setup. Andun sila inay at itay saka si Pia. Hindi ko makita si Kevin...
Napalingon ako kay Krista. Nakangiti s'ya.
Teka...
Huh??
Niyakap ko s'ya agad. Niyakap n'ya ako pabalik habang hinihimas 'yung likod ko.
"Shhh. I'm sorry bey. Si Sui kasi, e!!!!"
"Hindi totoo 'yun??" tanong ko na parang bata.
"Gaga ka! Syempre hindi! Bakit kita ibebenta 'di ba? Sa totoo lang natatawa na talaga ako kanina na naaawa sa'yo. Gusto ko na punasan 'yung luha mo kaso nakatingin si Sui nang masama sa akin. Grabe 'yung tingin ni Sui bey! Nandadarag!!"
"E 'yung sa galit ka sa akin dahil kay—"
"Hindi! Hindi bey... ano... actually..." lumingon s'ya sa lalaki sa likod n'ya. Hindi s'ya familiar sa akin! Hindi ko rin s'ya agad napansin.
"Bey, si Eric nga pala. Crush ako n'yan, tawagin mo na lang s'yang manong," sabi n'ya saka tumawa nang tumawa.
"Asa ka," sabi nung Eric saka umiwas ng tingin.
Gago ampogi ni Eric. Nakasalamin s'ya tas polo na fitted. Naka-ripped jeans s'ya. Ang macho n'ya, halata mo dahil dun sa triceps at biceps n'ya. Moreno s'ya tapos naka-man bun 'yung buhok. Alam mong anak mayaman dahil sa tindig at porma. Matangos ang ilong ni Eric at kissable ang lips. Basta pogi n'ya.
"Nice meeting you. Ingatan mo si Krista, a." Ngumiti si Eric saka tumango. Ginulo n'ya 'yung buhok ni Krista.
"Ano ba manong!" asar na sigaw n'ya.
Yeah. May crush 'to sila sa isa't isa.
"I met him when I was soul searching bey, kaya ayun naging parte ng plano ni Sui nung sinabi kong hindi ako available kasi buntot s'ya nang buntot sa akin. Sorry talaga. Wala akong mini-mean dun kahit isa." Tumango ako. Masaya na ako kasi my best friend found someone to lean on.
Sobrang naiiyak na naman ako sa sobrang saya. Shet. Nagiging iyakin na ako!
"Hoy Krista ano ginawa mo kay Zia? Bakit umiiyak 'to?!" Nagulat ako nang naramdaman ko na may humila sa akin at ikinulong ako sa bisig n'ya. Nagwala 'yung puso ko nang marinig ko ang boses n'ya. Boses ni Kevin!
Dumampi ang labi ni Kevin sa buhok ko kaya agad akong namula. Iniangat naman n'ya ang mukha ko saka pinunasan ang mga luha ko.
"Sinaktan ka ba n'ya mahal ko?"
Sinuntok ko s'ya sa braso.
"ANO 'YUNG KEME MO?! PAGGISING KO BAKIT MAY GANO'N?!" Sinigawan ko na s'ya kasi tangina kinikilig ako.
Nilagay n'ya 'yung kamay n'ya sa batok n'ya.
"Ahh... hehe. Ayaw mo ba?"
"Syempre gusto ko! Gago ka ba?! Ang effort effort mo, bwisit!"
Tumawa lang s'ya habang pinapalo ko s'ya sa braso. E kasi naman! Quota na s'ya.
Pinunasan n'ya 'yung mukha ko. Hula ko ay mukha na akong monster dahil malamang ay kalat kalat na ang lahat sa mukha ko.
"Hoy Zia, hindi mo man lang ba papansinin 'tong effort ni Kevin?!"
Napalingon ako kay Sui na nakatayo sa gilid. Inilibot ko ang mata ko.
"He rented this whole damn place. Perks of being a rich kiddo," sigaw ni Sui kaya napaangat ang ulo ko at napakunot ang noo. Ready na ako mag-super saiyan nun. Nararamdaman kong nag-iiba na ang kulay ng buhok ko.
"Wait! Chill!!!" nagpa-panic na sabi ni Kevin. "Hindi rin pumayag sila tita na ako lang. They insisted na sila na sa food and drinks."
"Mahal pa rin!"
"Para sa'yo naman, e."
"Kevin! I'm thankful, really. 'Yun nga lang hindi mo na kailangang gumastos nang malaki. Save that for future purposes, okay?"
"E birthday mo, e. You're my future."
Binatukan ko s'ya.
"Hindi healthy 'yan, Kevs. Okay naman ako sa simple lang, e. Kahit ano... kahit lumabas lang tayo ayos lang sa akin. Kahit nga walang handa or keme na ganito, e." Napatungo ako kasi nahihiya na ako.
"Ano?" Feeling ko nakangiti s'ya. Bwisit naman, o.
"Basta! Kevin promise me. 'Wag ka na gumastos nang malaki, okay?"
Tumango s'ya saka ngumiti nang malapad.
"Pangako, mahal ko." I smiled.
"Thank you Kevin! You don't know how happy I am today." I hugged him really tight.
"My pleasure."
May tumikhim sa gilid ko. Agad kong naitulak si Kevin nang makita ko si itay sa gilid.
"Hehehe. Hi itay," bati ko sa kan'ya. Hindi s'ya sumagot. Magsasalita pa sana ako kaso hinila ako ni Krista at sinabing mag-retouch ako. Umupo kami sa isang gilid.
"Hay nako bey grabe 'yan si Sui!" Pagkaupo pa lang namin 'yan na agad 'yung sinabi n'ya. Feeling ko alam ko na kung bakit.
"Bakit?" tanong ko pa rin habang nilalagyan n'ya ng kung ano 'yung mukha ko.
"Pikit. Ayun nga, nung nagso-soul searching ako, binomba ako ng text at chat pati na rin ng tawag. E namo-mroblema nga ako nun kay Eric kasi sunod nang sunod sa akin."
"Chikka mo sa akin 'yan si Eric ha? Anong nangyari?"
"Sinagot ko na 'yung tawag n'ya isang beses kasi ang kulit na tapos nag-whine 'tong si Eric na niloloko ko raw s'ya gano'n edi naging excited si Sui at isinama s'ya sa plano. Pumayag naman 'yung manong na 'yun. Ayoko pa nga, e kaso sabi ni Sui si Kevin daw gagawing driver tapos parang umamin na rin ako nun. Naka-move on na ako kay Kevin, bey. Thanks to Eric for keeping me busy."
"Ayie."
"Hay nako bey! Basta ayun, grabe! Paiyakin daw kita tapos sumama pa s'ya para ma-sure na maayos. Ang talim ng titig n'ya bey kapag obvious nang natatawa na ako. Buti na nga lang nakapiring ka nun, e."
"Pinag-alala mo kaya ako! Akala ko talaga galit ka, e."
"Like what I said, never akong nagalit sa'yo. Hindi mo naman kasalanan, e."
Napangiti ako. Kaya pala sincere na ang mga ngiti n'ya. And'yan si Eric para i-sure na mawawala na ang maskarang ginagamit n'yang shield.
Inikot ko ang tingin ko. Ang ganda talaga!
'Yung special place ko isa 'yung park sa tuktok ng hill. I discovered it nung high school ako. Special 'to kasi I feel so free kapag nandito ako. May tent sa gitna at pinuno ng balloons 'yun. 'Yung benches tinalian nila ng lobo. Sinabitan din nila ng crepe paper 'yung mga dahon. Though may benches, naglatag sila ng malaking kumot sa ilalim ng tent. May table din na kung saan nandun 'yung mga pagkain pero walang upuan. Malamang sa lapag kami kakain which is great.
Nangingilid na naman ang luha ko dahil sa saya.
"Bey 'wag ka umiyak!" sabi ni Krista saka kumuha ng cotton buds.
"Sorry! Ang effort kasi."
"Oo nga, e. Kevin is such a good catch na bey."
I smiled. He really is.
After namin nun tumakbo na ako papunta kila itay at inay then niyakap ko sila.
"Inay! Itay! Sorry napagastos pa kayo!"
"Okay lang, masaya ka naman, e," sagot ni inay.
"Weh?"
"Oo nga."
"Grabe inaayyy! Ang saya ko ngayon!"
Akala ko talaga wala kaming ganap ngayon tapos meron palang surprise si Kevin.
"Approve na 'yan si Kevin kay itay mo. Ayaw lang n'ya sabihin at ipakita." Napatingin ako kay itay na nakatingin lang sa amin.
"Basta Zia babasagin ko mukha n'ya kapag sinaktan ka n'ya," mabilis na sabi ni itay saka umalis.
Kung nalaman kaya n'ya na sinaktan ako ni Keanu, anong gagawin n'ya?
"Wala munang gagawa ng apo Zia, ha? Hanggang kiss lang muna tapos kasal. Sinasabi ko sa'yo, gusto ko maging stable muna kayo bago pumasok sa pamilya."
"Teka nay! Hindi pa nga kami, e."
"Dun din naman punta nun. Puntahan mo na prince charming mo," sabi ni inay saka tinulak pa ako papunta kay Kevin.
Maglalakad na sana ako papunta kay Kevin nung narinig ko 'yung nakakairitang boses ni Sui.
"Teka ops! Hoy anlandi n'yo pumunta muna kayo rito!" sigaw ni Sui kaya pumunta na kami dun sa tent. Makasabi naman na anlandi 'to si Sui. Behave kaya kami.
Pumunta naman kami dun. Maya-maya ay nakita kong papalapit ang mga childhood friends namin ni Kevin at Krista. Andun sila nung debut ni Kevin pero hindi kami gano'n nakapag-usap dahil sa shookt ko sa pangyayari.
"Guuurrrl! I missed you! Happy birthday," sabi ni Pearl saka nakipag-beso sa akin. Nagdo-dorm kasi s'ya kaya hindi na kami nagkita.
"Pucha Kevin akala ko ako magpapakasal kay Zia, e," sabi ni BJ kay Kevin. Nag-fist bump pa silang dalawa.
"Wala, e," sagot ni Kevin saka ngumiti.
"Tangina. Gulat kami sa pagtatapat mo kay Zia. Ilang taon ka ring nagtiis, a? Dati pinag-aawayan pa natin s'ya," sabi naman ni Mikel.
"Mga dakyu," sabi ko na lang sa kanila. Kung anu-ano kasi pinagsasabi!
Binati naman nila ako isa-isa. I missed them pero syempre we started drifting apart din. Hindi man kami tropa ngayon we still have this place in our hearts.
"So dahil kumpleto na 'yung childhood friends neto ni Zia, kain na!" announce ni Pia.
Akala ko naman may program pa sila or something. Wala naman pala. HAHAHA.
Habang kumakain kami na nakasalampak sa damuhan, lumapit ako kila tita at tito na kumakain din. Kausap nila si inay at itay.
"Happy birthday Zia!" bati ni tita saka bineso ako.
"Thank you po," sabi ko saka ngumiti.
"Sorry hindi na nakasama si Ali at Keanu, ha? May sakit daw kasi si Ali at hindi sila makauwi."
Ah.
Oo nga 'no?
Wala si Keanu.
Oo nga.
Wala s'ya. Hindi ko napansin.
Ngumiti na lang ako.
"Okay lang po tita."
Binati rin ako ni tito. Ang ganda talaga ng lahi nila 'no? Si tito hindi mukhang matanda, e. Huhuhu tapos ambabait pa. Napaka-blessed naman nila.
"Nga pala tita, pasensya na po ang gastos ni Kevin," paghingi ko ng tawad kasi gastos sa akin nang gastos si Kevin.
"Oh. No. Hindi s'ya nanghihingi ng pera sa amin," sagot ni tita nang nakangiti.
HAAAAA???!
"Teka po. Ano?!"
"Nagpa-part time s'ya dati sa states and inipon n'ya 'yung sahod n'ya."
TEKA WHAT?!
"Hindi po s'ya nanghihingi sa inyo?" pag-uulit ko. Umiling si tita saka ngumiti.
"Maliban sa car at cash na regalo namin sa kan'ya, hindi na s'ya nanghingi even once. Except sa allowance n'ya," sagot naman ni tito.
Shet.
Nagpasalamat na lang ako saka umalis. Hinanap ng mata ko si Kevin at nakita s'yang nakaupo kasama sila Pearl.
Pumunta ako sa likod n'ya. Nagtutubig na naman ang mga mata ko dahil sa nalaman ko. Lalo akong na-guilty!
Pero hindi ko ipagkakaila na sobra akong natuwa dahil dun.
"Dakyu ka, Kevin!"
"Hala ka Kevin! Pinaiyak mo!!" kantyaw nila sa kan'ya.
"Bakit mahal ko?! Anong nangyari?"
"Hayup ka!" Pinunasan ko 'yung mga luha na kumakawala sa mata ko. Hinawakan n'ya ang mukha ko.
"Anong nangyari?"
"Bakit ka gan'yan?!"
"Anong ginawa ko?" nagtataka n'yang tanong sa akin. Kita mo na confused s'ya. E kasi naman!!! Pinaghirapan n'ya 'yung pera tas gagastusin n'ya lang dahil sa akin. I mean, bad na nga kung sa parents n'ya nanggaling 'yung pera pero sobrang nagi-guilty ako na pinaghirapan pala n'ya.
"Pera mo 'yung pinanggastos mo?" tanong ko sa kan'ya. Napakagat s'ya sa labi n'ya saka tumango.
"MOM!!!! Sabi ko 'wag n'yo sabihin sa kan'ya, e," biglang sigaw ni Kevin na parang bata.
"Sorryyyyy!" sagot ni tita. Naka-peace sign pa ito na parang bata. Hala bagay sa kan'ya.
Hinila n'ya ako patayo saka pumunta dun sa railing na makikita mo 'yung buildings.
"Kevin naman, e."
"I know. E kasi... matagal ko nang pinaghahandaan 'yung pag-uwi namin dito kaya nag-part time ako para makapag-ipon. Nagbabakasakali na mai-treat man lang kita, ayoko kasi na nanghihingi ng pera sa parents ko. Besides, I want you to know that I'm really sincere towards you," sagot n'ya.
"Pinaghirapan mo 'yun, e."
"Zia, that's just money. I'm willing to spend all my money just to see you smile. My effort pays off naman," sabi n'ya saka ngumiti. "Pwede naman ako mag-ipon ulit, e."
"Last na 'to Kevin. Quota na."
"Ikaw naman dahilan kaya okay lang."
"Seryoso nga. 'Wag mo na akong gastusan. I-save mo na lang sa future mo, okay?" Tumango naman s'ya.
"Ise-save ko para sa future natin," sabi n'ya saka ngumiti. Hinampas ko s'ya sa braso.
"Tara na nga," sabi ko saka hinila s'ya.
"Okay na kayo agad?!" tanong ni Pia.
"Gano'n talaga," sagot ni Kevin.
Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain at kwentuhan. Feeling ko sobrang okay ng buhay ko ngayon. Ang swerte ko kay Kevin, sobrang swerte.
"Ah," sabi ni Kevin. Ngumanga naman ako saka sinubo 'yung carbonara.
"Yuck. I'm cringing," sabi ni Sui saka nag-roll eyes.
"Uy indirect kiss 'yun!" biglang sigaw ni Pia.
Teka gago!!
Parehas kami napa-iwas ng tingin ni Kevin.
S'ya baka dahil sa indirect kiss. Ako dahil sa nakaw na kiss nung nasa beach kami. Shet! Aamin nga pala ako sa kan'ya na may ginawa akong bad. Huhu.
Tiningnan naman ako ni Krista nang makahulugan. Hayup ka Krista! 'Wag mo ako ilalaglag!
"Ha ha ha ha!" tawa ko na sobrang awkward. Dakyu Pia. Tatapon kita kala mo d'yan.
After namin kumain at mag-catch up sa isa't isa, pinag-blow na ako ng candle. Weird nga kasi tapos na kami kumain saka nag-blow ng candle. Winish ko na sana mahanap naming lahat ang happiness namin.
"Okayyyy! Message na at bigay ng gift keme! Start tayo kay tita!"
Nagulat pa si inay sa pagtawag ni Sui. Kami lang naman ang tao rito kaya hindi nakakahiya. Buti nga hindi gaanong mainit ngayon tapos ang lakas pa ng hangin.
One of the things why I love this place e dahil sobrang alaga. May mga puno pa sa paligid tapos laging sobrang hangin na para kang kino-comfort.
"Bakit may ganito pa Sui?" tanong ni inay pero pumunta pa rin naman sa harap. "Zia, anak. Masaya ako na nakahanap ka na ng lalaking magmamahal sa'yo."
INAY NAMAN BAKIT GANO'N 'YUNG INTRODUCTION MO?! PWEDE NAMANG HAPPY BIRTHDAY MUNA HUHU. Napuno tuloy ng "Ayie" 'yung lugar. Inay kasi, e.
"Happy birthday nak. Sinabi ko sa'yo na 'wag muna gagawa ng apo. Magtapos muna kayo ni Kevin. Mahal ka namin ni itay mo."
TEKA LANG NAY BINEBENTA N'YO NA BA AKO?!?!?! Pero de, hindi talaga mahilig sa gan'yan si inay. Hahaha pareho sila ni itay. Siguro d'yan namana ni Pia 'yung pagiging not-so-sweet n'ya.
"'Yung pagkain na regalo namin, 'wag ka na magreklamo kung hindi babatuhin kita ng sandok," sabi ni inay kaya nagtawanan ang lahat.
Tinawag ni Sui si itay. Hindi ko nga alam kung tatayo s'ya e pero tumayo s'ya.
"Happy birthday anak. Sana masaya ka ngayon. Kevin, approve ako sa'yo, alam mo 'yan. 'Wag mo lang saktan ang isa sa mga prinsesa ko kasi ako babasag sa maganda mong mukha. Pre, ayos lang ba 'yun?" Tumango naman si tito kaya nagtawanan ang lahat. "Happy birthday ulit anak."
Niyakap nila ako. Nagpasalamat ako. Dakshet naiiyak na naman ako. Napaka-iyakin ko na these days! Pero good thing is dahil sa saya madalas ang dahilan.
"Okay, next is si Pia!" masayang sabi ni Sui.
"Hoy wala 'to sa usapan, a?"
"Bilis na!"
"Badtrip naman."
Tumatawa na ako habang tumutulo ang luha dahil sa kanila.
"Ehem. Happy birthday ATE!" Inemphasize pa n'ya 'yung 'ate' kinikilabutan tuloy ako kasi para s'yang may planong masama. "I don't really like you nung una. I know you know that pero... keme lang 'yun. It's just I don't know how to approach you." Nag-astang aso naman sila dahil sa "Awww"
Kapag ba may birthdays may iba't ibang hayop? Nung birthday ni Kevin mga seal sila kakapalakpak, e. Hehe. Oo na. Corny na.
"Alam mo namang ganito na talaga ako, e. Certain things happened kaya nagkaroon ako ng chance na makipag-usap sa'yo. May kasalanan ako, alam ko so I'm trying to make it up now especially now that he's proving himself. Kahit naman stupid ka I still love you. Kadiri na. Hayup ka Sui."
Ayan. Teary eyed na naman ako! Kasi naman! I didn't know na nahihiya lang sa akin si Pia. Hinug ko s'ya and I was surprised when she hugged me back.
"O, gift mo." Nag-abot s'ya sa akin ng paper bag. Tinanggap ko naman at nagpasalamat.
"Awww. So sweet mo pala as little sister, Pia. Okay next. Tita!"
Nagulat ako nung tinawag si tita.
"Happy birthday dear! Ewan ko ba rito kay Sui andaming pakulo. I just want to tell you that I'm happy for you and my baby boy." Pinigilan ni Sui at Pia 'yung tawa nila dahil sa baby boy. Kahit ako, napangisi, e. "He won't hurt you, saksi kami sa kabaliw—"
"MOM STOP!!!!"
Nagtawanan kami sa pagpigil ni Kevin kay tita.
"Okay. I will. Thank you for taking care of my boys."
Inabot na n'ya 'yung gift n'ya at nagpasalamat ako. Tinawag ni Sui si tito. Happy birthday lang sinabi n'ya which is understandable. Hahaha.
Tinawag din ni Sui 'yung childhood friends ko. Isa-isa silang nagsabi ng message at nagbigay ng gifts. Si BJ pa nga kinongrats si Kevin. Jusko. Muntik ko s'ya dakyuhan sa mukha, e. Super thankful naman ako kasi kahit hindi na kami tropa talaga nakahanap pa rin sila ng time. Ewan, after kasi mawala ni Kevin parang we started drifting apart na. Naglalaro pa rin pero hindi na madalas. O baka na rin dahil nagdadalaga at binata na kami. Nung nagkaroon kasi ako maglalaro sana ako kaso sabi ni inay baka mahulog 'yung napkin ko, e. Ayun hindi na ako naglaro ulit. Akala ko walang kaso sa akin nung una pero nakaka-conscious pala talaga. Tapos hindi pa okay gumalaw nang gumalaw kapag may something down there.
"Kri—"
"Ops Sui, ikaw muna."
"Haaaaa??" gulat na tanong ni Sui dahil sa pagpigil ni Pia sa sasabihin n'ya. "Wala 'to sa usapan, a?" Ngumiti lang si Pia saka itinulak si Sui.
"Dali na, arte pa, e. Gusto mo rin naman."
Napabuntong hininga na lang si Sui. Buti nga hindi s'ya nababalutan ng black aura ngayon, e. Akala ko pagugulungin n'ya si Pia pababa sa hill na una mukha, e.
"Okay. Since pakulo ko naman 'to, makikisama na ako. Happy birthday Zia. Saka na 'yung gift. Summer ngayon, poor kiddo ako. Oo, ako nagplano neto. Galing ko 'no? Hehe. Akala ko nga mag-aassume ka kasi d'yan ka naman magaling pero nadala ka ata ng nonexistent talent ni Krista sa pag-acting. Biruin mo, pupunasan na sana 'yung uhog mo buti na lang napigilan ko." Nagtawanan ang lahat. Ako naman napangiwi dahil kinwento pa n'ya 'yun. Bwisit! Wa poise.
"Kahit naman maikling panahon pa lang tayo magkakilala isa ka na sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. I don't trust people easily but there's something about your personality that makes me want to trust you so much. Masaya ako para sa'yo ngayon pero kung hindi ka pa namin tutulungan ni Pia walang mangyayari. Gaya na lang ng pagtulug-tulogan ko dun."
"At gaya ng pag-manipulate ni Sui sa braha. Hehe. Kapag nag-isang dare at truth ka dun, one of us will dare you to say truth. Hihi," dugtong ni Pia.
Hindi ko kaagad naintindihan kung ano 'yung ibig n'yang sabihin pero nung tumawa silang dalawa na-gets ko kaagad.
"HAYOP KAYONG DALAWA!!!!"
"Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin, e." Humagikhik pa s'ya. Akala naman n'ya nakakatuwa. "Kung hindi dahil sa pagpe-play namin as cupid walang ganap, 'di ba?" Tinaas baba pa n'ya 'yung kilay n'ya na parang ang ganda-ganda ng ideya n'ya na sa totoo lang hindi naman. KASI KUNG HINDI N'YA GINAWA 'YUN HINDI KO NANAKAWAN NG HALIK SI KEVIN.
"Ayun na nga, 'wag mo sasabihin sa kahit kanino 'yung secret natin, okay? Kasi..." Tumalim ang titig n'ya. Nakaramdam ako ng kilabot mula batok hanggang talampakan. "I'll kill you." Ngumiti naman s'ya bigla. "That's all. Happy birthday, Zia." Niyakap pa n'ya ako na parang hindi n'ya ako binigyan ng death threat. Jusko naman.
"Okay ang drama ni Sui. Now, Zia's bestfriend since sperm cell: Krista with her boyfriend."
"Hoy boyfriend ka d'yan. Baka s'ya nangangarap na maging girlfriend ako."
"Asa ka," sagot ni Eric. Sus. If I know gusto n'yang maging jowa si Krista.
Natatawa na lang ako sa kanila kasi obvious naman na they like each other.
"Shut up and just kiss god damn it," biglang sigaw ni Sui.
HAHAHAHAHAHA GAGO! Sinamaan ako ng tingin ni Krista kaya nag-act ako na I'm zipping my mouth.
"Okay. Happy birthday, bey! Bye." Nagtawanan kami lahat dahil dun. Tumikhim pa s'ya bago magsalita ulit. "Alam n'yo naman history namin neto ni bey. Dahil sa'yo!" Tinuro n'ya pa si Buknoy—John na tumatawa na. "Kung hindi ka umepal nun hindi ko magiging best friend ang abnoy na 'to. Kung hindi ka rin papansin wala kang peklat d'yan sa pisngi mo. Salamat sa'yo." Nag-astang aso na naman sila. Ewan ko ba sa mga 'to. Transformer ata.
"This matanda gal helped me a lot. Baka abutin tayo ng bukas kapag inisa-isa ko pa. Pasensya pala kanina bey. Ayaw ko talagang paiyakin ka kaso si Sui, e. Feeling ko kapag tumawa ako kanina papagulungan n'ya ako sa truck. Jusko."
Pinaypayan n'ya ang sarili n'ya gamit ang kamay n'ya.
"Madami pa tayong experiences na pagdadaanan. Nasa likod mo lang ako lagi, bey. Madami man akong nagawang kasalanan sa'yo, gaya ng setup namin ni Pia pero 'wag ka mag-alala, gaga lang ako pero mahal kita. Akala ko kasi 'yun 'yung nakakabuti sa'yo, e."
Tumutulo na naman ang luha ko. Shet. Ang swerte ko sa mga tao na nasa paligid ko.
"Alam mo naman bey na thankful ako na nakilala kita 'di ba? You're always be my best friend since sperm cell. Nakakahiya naman 'to! Hahaha. Basta... ano... I'm always here. For more chikka!" Itinaas n'ya 'yung baso n'ya na may lamang coke saka ngumiti.
"For Zia!"
Itinaas din nila ang mga baso nila.
"For Zia," sabay-sabay na sabi nila. Sus. Akala mo may alak talaga e soft drinks naman talaga 'yung laman. Pina-ban ko na ang alak kasi may masama akong alaala d'yan.
"Happy birthday, bey! I love you," sabi n'ya saka niyakap ako.
"Thank you, Krista! I love you too," sagot ko sa kan'ya.
Tumikhim si Sui saka humagikhik. Kinabahan naman ako kasi "s'ya" na lang 'yung hindi nagbibigay ng speech keme n'ya.
Okay. Oo na. Nae-excite ako sa kung anong sasabihin ni Kevin.
"Tapos na po. Magsi-uwi na kayo," biglang sabi ni Sui kaya napakunot ang noo ko kaya napahagalpak ng tawa 'yung dalawa. "Oo na. Galit ka naman kaagad, e." Hinanap s'ya ng mata ko sa paligid pero wala s'ya.
Tumikhim pa s'ya. Badtrip. Pa-suspense.
"Now, para sa speech ng pinaka-mastermind ng kalokohang 'to, soon to be jowa ni birthday girl: Kevin."
HOY ANONG SOON TO BE JOWA??! Napatakip ako ng mukha dahil sa hiya. Narinig pa nila inay at tita nakakahiya naman.
Nakaramdam ako na may tao sa harapan ko at hinawakan ang baba ko para iangat ang tingin ko. Napangiti naman ako agad kasi si Kevin 'yun.
"Tententenen! Tententenen!" kanta ni Sui with the tune ng pangkasal tapos sinabuyan pa kami ng mga tuyong dahon. Imbes na kiligin ako natawa ako, e. Bakit kasi tuyong dahon, 'di ba?
May inabot si Kevin sa akin na bouquet ng flowers na tinanggap ko naman. Ngiting-ngiti pa si Kevin sa akin nun. Gusto kong kurutin 'yung pisngi n'ya dahil sobrang gwapo n'ya.
"Ayieeeeee," tukso nilang lahat. TEKA WALA PA NGA S'YANG SINASABI, E. Pero sa totoo lang nae-excite talaga ako! Kasi naman, so far grabe na pagpapakilig sa akin ni Kevin.
He cleared his throat then stared at my eyes. Bakit biglang nanahimik ang lahat?! Shet. Nakakalunod 'yung titig n'ya. Pahingi naman ng tubig, pampakalma lang po.
"Lagi ka na lang nilang pinapaiyak, mahal ko." Banayad n'yang hinaplos ang mukha ko para siguro punasan ang mga luhang nagkalat. Napangiti ako kasi eto na naman. Feeling ko safe na safe ako kapag nasa paligid s'ya.
Feeling ko kami lang ang tao sa lugar na 'to ngayon. Ibang klase rin 'to si Kevin, e. May powers ata na magkaroon ng secluded na lugar.
Hindi ko alam kung tumahimik lang ba ang lahat o naka-focus lang masyado kay Kevin 'yung senses ko kaya wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko.
"Nung bata pa tayo naiinggit na talaga ako sa'yo kasi andami mong kaibigan. Madami ka ring kaaway dahil sa pagiging competitive mo. Lagi akong nakadungaw sa gate namin at tinitingnan kayo maglaro. Minsan nandun kayo, minsan wala. Hanggang sa... pinalabas ako ni mom kasi wala akong social life at nakadungaw lang ako sa labas. Umiyak ako kasi feeling ko pinalayas ako ni mom, long story short you found me. Pinaiyak mo pa ako lalo pero pinasaya mo rin ako pagtapos. Naisip ko nun, 'yung babaeng gusto kong pakasalan nasa harap ko na."
Nag-astang aso na naman sila kaka-aww nila. Ako naman hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Tangina naman Kevin, e.
"Those days were the best days of my life, mahal ko. Wala na akong mahihiling nun kung hindi makalaro ka araw-araw. It might just be a puppy love, I don't know. 'Yun nga lang, kailangan naming umalis dahil sa business namin. Gusto ko sana magpa-iwan kaso ayaw pumayag nila mama. I whined pero hindi gumana, though mom said na kapag kaya ko na, pwede na ako bumalik dito."
Pinunasan n'ya ang luha ko at nilagay ang buhok ko sa likod ng tenga ko.
"Akala ko makakalimutan din kita pero hindi. Kahit anong flirt sa akin ng mga babae dun lagi kong iniisip na mas maganda ka sa kanila. Suntok sa buwan ang pagbalik ko rito. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko baka may mahal ka na palang iba pero naghanda ako. Nag-part time ako para makaipon kasi ayaw kong manghingi kila mom."
Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko habang nagsasalita si Kevin sa harap ko. Hinawakan n'ya ang mga kamay ko kaya nakaramdam ako ng mahinang boltahe ng kuryente na nanggagaling sa kan'ya. I smiled.
"Pasensya na, mahal ko kung naging uncomfortable ka sa ginawa ko pero gusto ko lang kasi na sa akin manggaling 'yung gagamitin ko para masilayan ang mga ngiti mo."
Hinalikan n'ya ang mga kamay ko saka ngumiti.
"Happy birthday, mahal ko. Tandaan mong mahal na mahal kita."
Tangina. Nadala ako ng sincerity ng mga mata n'ya. Ramdam ko na totoong-totoo ang nararamdaman n'ya sa akin. Gusto kong magpasalamat sa Kaniya sa pagbigay sa akin ng isang Kevin Fuentes.
Nag-astang aso na naman sila. Narinig ko pang sumigaw ng kiss si Pia. I smiled really sweet and I gave Kevin a peck on his cheek.
Nag-woah naman sila. Kasunod ng hiyawan at sipol. Akala mo may nanalo na kung ano, e. Probably hindi nila ineexpect na gagawin ko 'yun. Eh! Syempre. Kevin deserves it, right?
Naramdaman kong niyakap ako ni Kevin nang mahigpit. Niyakap ko s'ya pabalik at ibinaon ang mukha ko sa dibdib n'ya. Naramdaman kong hinalikan n'ya ako sa buhok. Ano ba 'yan Kevin! Sininghot ko 'yung pabango n'ya and as usual I felt really safe in his arms. God damn it Kevin. Stop being like that.
"Salamat, Kevin. You don't know how you made me really happy today."
"Nah. Wala 'yun, para sa'yo naman, e."
"OPS TAMA NA 'YAN BAKA MAMAYA MAY PAMANGKIN NA SI PIA PAGTAPOS!" biglang sabi ni Sui saka hinatak ako palayo. Nagtawanan naman sila dahil dun.
Bwisit! Kung anu-ano iniisip n'ya. Akala mo naman talaga. Behave lang kami 'no!
"Masaya ka naman ba, Zia?" Tumango ako. "Aba dapat lang. Ang stressful kaya planuhin ng surprise eme na 'to. Okay. Words galing sa'yo?"
"Thanks. Tara na packup na." Napangiwi naman ako nung binatukan ako bigla ni Sui. Bakit ba?!
"Tsk. Salamat sa lahat ng pumunta! Ano... hindi ko talaga in-expect akala ko the usual day lang ang mangyayari lang. Kevin, thank you for making my 19th birthday special. Sui, Krista, Pia, inay and itay salamat sa inyo. Sa mga friends ko na pumunta hindi nyo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Sabihan n'yo na akong ma-drama but it really matters, guys."
Nag-astang aso na naman sila dahil sa aww na 'yan.
"Wala na akong masabi kung hindi salamat. Kanina pa bumabaha ng luha, e. Mula paggising ko hanggang sa kanina."
"Group hug!!!!" sigaw ni Pia.
Hindi nakisama ang mga thunders. Pinalibutan nila ako saka niyakap lahat.
Sobrang perfect ng araw na 'to. Wala na akong mahihiling pa. Sana araw-araw ganito. Salamat kay Kevin kasi sobrang ganda ng nangyari ngayong birthday ko.
——————
Neko's note: Hahaha. Sorry ang cliche ng sa birthday ni Zia. Sana nagustuhan n'yo. Salamat guys. Please vote and leave a feedback! ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro