Fifty Four
Neko's note: finally. Zia's point of view. Hahahaha feeling ko I'm back home hahaha 'di ko kinakaya 'yung pov ni Keanu feeling ko 'di ko mabigyan ng hustisya. Hahaha enjoy guys.
Chapter Fifty Four
Sinubukan kong pigilan at punasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko. 'Yun nga lang, traydor sila. Hindi marunong makinig sa akin. Kahit anong punas ko, ayun nag-uunahan pa rin sila sa paglabas. At ayoko nun.
Ako naka-realize na I have to let Keanu go, 'di ba? Kahit na... kahit na anlaki ng posibilidad na mahal na rin n'ya ako. Pero kahit ano'ng mangyari, mas mahalaga si Allison sa nararamdaman kong sakit. Nakaukit na sa pagkatao n'ya 'yung nangyari. Ako? Kaya ko namang kalimutan si Keanu nang basta.
Joke. Basta? Joke ka ba, Zia? Putang shet. Dakyu. Dak the world. Dakyu destiny.
I smiled bitterly.
Hindi pa nga tayo nag-uumpisa Keanu, natapos na kaagad.
Napaupo ako sa harap ng gate namin at dun umiyak nang umiyak. Hanggang sa akala ko wala nang mailuluha pa ang mga mata ko.
"Zia? Are you okay?"
That familiar voice. I heard that familiar voice. Pinunasan ko muna ang ilong ko bago tumingala sa taong pinanggagalingan ng boses na 'yun.
Allison.
Parang lumiliwanag ang mukha n'ya. Nakangiti s'ya sa akin na parang walang pasan na problema.
"Zia? Why are you crying???"
The moment I see her nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha ko.
Hahaha ay? Akala ko ubos na 'to? Hahahahahaha???
"Ah... hahahaha. Ano kasi Allison..."
Hindi ko kasi kayang magalit sa'yo. Sa halip, naaawa ako sa pinagdaanan mo.
"Hush Zia, I'm here," sabi n'ya saka umupo at niyakap ako. Tangina. Nagi-guilty ako! Kung alam ko lang na gano'n pala sana hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko kay Keanu. Kasi 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon? Sa puso lang 'to, e. Siya? Buong pagkatao ang natapakan at nasasaktan. Hindi lang pisikal kasi pati emosyonal at mental n'ya e binasag at dinurog.
"Hahaha... ano kasi Allison. May nakita akong nag-away na couple kanina... uhm... ayun nag-break sila. Naiyak ako sa eksena, e," pagsisinungaling ko kahit na wala namang sense 'yung sinasabi ko. Kapag ako sinabihan ng ganitong rason tatawanan ko, e. Hindi ko paniniwalaan.
Sa totoo lang, kapag may nag-away sa harap ko, tatawanan ko sila imbes na iyakan.
She just tapped my back na parang pinapatahan ako. Little did she know na isa s'ya sa rason kung bakit ako umiiyak, hindi dahil ipinilit ko si Keanu... kung hindi dahil sa naranasan n'ya. Pero siguro parte na rin ng sakit ng nararanasan ko 'yung panghihinayang sa'min ni Keanu... sana. Sana.
I admire her. I really do.
"Nagpaalam na ako kila tita. Dun tayo mag-girls' night out sa guest room sa kanila!" she enthusiastically said.
Kung alam n'ya kaya ang rason kung bakit ako umiiyak ngayon baka hindi s'ya gan'yan kasaya.
Pinakalma n'ya muna ako saka kami pumunta kila Keanu. Grabe tanggap na tanggap talaga s'ya. Ang easy lang na makipag-usap kila tita. Ako kaya? Kung naging kami?
Gusto ko tumawa nang mapakla kasi alam ko namang kahit na bali-baliktarin ang mundo e imposible 'tong hinahangad ko.
Kay Kevin... posible pa.
Dumerecho kami sa guest room—kung saan ako nag-stay. Napangiti ako. Na-miss ko rin 'tong kwarto na 'to. Akala ko katabi n'ya matulog si Keanu but I guess not.
Muntik pa akong mapatigil sa harap ng pinto ni Keanu at maglupasay at sabihin sa kan'ya na ang sakit-sakit na. Na tangina n'ya bakit n'ya ako sinasaktan? At bakit hindi n'ya iningatan si Allison???
Pero... wala akong karapatang sisihin s'ya. Wala... wala sa kanilang dalawa ang may kasalanan.
Kaso wala, e. Ganito na 'yung tadhana. Pinili na kaming dalawa ang saktan. Ano pa nga ba? Pinagtagpo pero hindi pinagtadhana? Siguro nga.
"Go make yourself feel at home. Kuha lang ako ng snacks natin," she said saka lumabas.
Bumaba si Allison. Hindi n'ya lang alam, sobrang feel at home na ako dati pa. Humiga ako sa kama... sa dating kama na hinihigaan ko. Kung makapag-emote ako akala mo ilang taon na ang nagdaan. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon e parang isang dekada na akong nakakulong sa loophole na ginawa para saktan ako. I sighed. I feel like crying again pero wala na akong lakas pa.
"Ziaaaaaa!!" energetic na sigaw ni Allison saka umupo sa kama. Sana kaya ko ring tapatan 'yung energy na pinapakita n'ya. Ngumiti ako nang pilit.
May dala s'yang popcorn, chichirya, 2gallons ng ice cream, at dalawang 1.75 L na coke. Wow. Hindi s'ya gutom.
"Nagpa-deliver pa ako ng pizza at tatlong bff fries. Ano pa gusto mo??" she asked habang ngiting-ngiti.
"Alak," I said.
"Wehhh?? Joke ba 'yan?" tanong n'ya. Tumawa kaming dalawa pero sumeryoso rin ako.
"Hindi."
"Eeehhh. Gusto mo maglasinggg??" tumango ako. "Sige gusto ko 'yan!" Tumayo s'ya saka umalis agad.
Binuksan ko 'yung Pic-A at kumuha nun. Habang ngumangata ako e dumating si Allison na may dalang bote ng alak, mga baso, at lemon and salt. Ngumiti s'ya nang nakakaloko.
"Tequila lang nakuha ko, e. Pwede na ba 'yan?" she asked. I just shrugged. Malay ko ba sa mga alak. Hahaha hanggang flavored beer lang ako, e. Minsanan pa 'yun.
Ang sakit sakit na, e. Baka sakaling mawala 'tong kirot sa puso ko kahit sandali lang sa pamamagitan ng alak.
Saglit kaming natahimik. Ngumunguya lang ako habang s'ya tahimik lang na nilalaro 'yung mga baso.
Kumatok si manang sa pinto at binigay 'yung mga pina-deliver ni Allison. Napangiti ako sa dami nun. Medyo nagtaka rin ako bakit andami. Bet n'ya bang mag-ubos ng pera? Or baka naman ipabayad n'ya sa akin? Jusko.
'Di kaya sumakit tyan namin dito? Hahaha eat now worry later na lang tayo. Hehe.
Kumuha ako ng baso saka nilagyan ng ice cream yun at nilamon. 'Yun din ginawa n'ya.
Ba't parang ang awkward???
"Zia..." ramdam ko na seryoso 'yung boses ni Allison. Napatingin ako sa kan'ya. "Gusto mo ba si Kevin?" deretso n'yang tanong. Wala man lang excuse excuse. Direct to the point.
Hindi ko s'ya sinagot.
Hindi dahil hindi ko alam 'yung sagot.
Kung hindi dahil baka hindi ko mapanindigan 'yung sasabihin ko.
Ako na nagbukas ng tequila. Kumuha pa ako ng isang baso. 'Yung kan'ya dapat saka pinuno 'yun. At in-straight. Kita ko namang nagulat s'ya.
"Zia! Hindi gan'yan uminom n'yan!!!!!" nagpapanic n'yang sigaw, may ginawa s'ya pero hindi ko na mapansin kasi umiikot na 'yung paningin ko. Ramdam ko rin ang init sa lalamunan at tyan ko. Pero hindi init na nakakapaso. Nakaka-enjoy actually. Pero nakakadiri pa rin 'yung after taste n'ya kasi sobrang pakla na ampait na eewie.
May isinubo si Allison sa akin na naging dahilan kaya napangiwi ako dahil sa asim at alat. Pero nakatulong 'yun para mawala 'yung pakla at guhit na nararamdaman ko. Tangina. Wooooo.
Tumawa ako. Tumawa rin s'ya.
"Para tayong eng-eng," sabi ko sa kan'ya pagtapos namin magtawanan. Wala naman kasing nakakatawa, e.
Inagaw n'ya 'yung basong hawak ko saka uminom din dun. Actually after image n'ya nakikita ko kasi umiikot talaga, e.
Kumain na lang ako ng fries para maibsan 'yung pag-ikot ng paningin ko. Hehe. Hindi ko alam. Feeling expert ako, e.
"Bakit hindi mo ako sinagot, Zia?" tanong ni Allison.
"Ha? Ano ba tanong mo?"
"Bakit ang ganda ko?" tanong n'ya saka tumawa.
"Gago ka pala, e. Syempre maganda ka. Kaya nga mahal ka ni Keanu. Hihi," sagot ko. Hindi ko na mapigilan ang bibig ko, bakit ba? Totoo naman, e. Ganda kaya n'ya. Mahal s'ya ni Keanu. Hehehe.
Ako kasi hindi ganda. Kaya hindi love ni Keanu. Hehehe.
Tinagayan n'ya ako ininom ko naman 'yun. Inabutan n'ya ako ng lemon kaya naman sinipsip ko 'yun.
Ramdam ko pa rin 'yung init na gumuguhit sa lalamunan ko. Shet. Pero ang sarap.
Sinubuan ako ni Allison ng pizza. Tinanggap ko naman. Hehehe.
Teka??? Nasan ba akooooo? Nasa lugar ng mga dyoso at dyosa?? Hihi ibig ba sabihin nun ganda rin ako??? Hehehehe. Napahagikhik ako.
"Zia," tawag sa akin nung magandang kaharap ko. Hinawakan ko mukha n'ya. Aphrodite isdatyu? Tumawa ako nang tumawa.
"O??!" malakas na sagot ko sa kan'ya.
"Mahal mo ba si Kevin?" tanong n'ya sa akin.
"Haaaa??? Si Keviiiinnn??? Heheheeheeeeee hindi ko alaaaaammm, eeeeh. Basta may dug dug dug dug sa puso ko kapag kasama ko s'ya." Nagtambol pa ako sa hangin para i-demonstrate 'yung dug dug sa kan'ya. Hehe hirap na baka 'di pa n'ya ma-gets. Baka ganda lang s'ya hehehe.
"So hindi ka sure?" tanong n'ya. Tumango naman ako nang madaming beses na parang naghe-headbang na ako. Lalo tuloy ako nahilo. Napatingin ulit ako sa dyosa sa harap ko. Hayyyyy. Sana ganito na lang ako kaganda para love love din ako ni babes. E kaso hindi naman ako ganda, e.
Binigyan pa n'ya ako ng isang baso habang kumakain ako ng ice cream.
"Anohhh ako na namaaaann? Ikaw na dyosa ka anpeyr ka haaaa???! 'Di dahil ganda ka lolokohin mo akoooo!!! Pinaasa na nga ako lolokohin mo pa ako," sabi ko saka nag-iiiyak habang tumatawa. Tumawa rin si Allison.
"Uminom na kaya ako!"
"Eeehhh. Okaayyy!" sabi ko saka inabot yung baso na kalahati na lang. Sinipsip ko ulit 'yung lemon. Hindi tulad kanina mas okay na hihihi.
"E si Keanu? Mahal mo?" tanong n'ya. Humagikhik ako.
"Ayieeee. Interesado ang dyosa sa mortal na tulad koooo. Hihi wala ka bang magic ball d'yan na nakikita kami??" sabi ko saka marahas na kumagat sa pizza at fries. Sumubo rin ako ng ice cream. Hehe. Ang takaw ko naman.
Umiling s'ya.
"Ay dyosa, may mga taga-sunod ka sa likod mo, o. Kamukha mo tapos sumusunod sa galaw mo hihi. At dahiiiiiil chismosa kaaaaaaa. Hehe hindi ko mahal si Keanu."
"Weh??"
"Kasiiii mahaaaaaaal na mahaaaaaaal na mahaaaal ko s'ya na parang sasabog na 'yung puso ko na parang fireworks," sabi ko pa saka gumawa ng sound effects. Hihi. Natutuwa naman ako. Hehehe hindi ko alam kung bakit ako natutuwa pero natutuwa talaga ako. Tumawa ako nang malakas.
"Pero I have to let him go. Yieeeee," sabi ko saka tumayo. Napakunot ako ng noo. "Uy dyosa. Lumilindol ba???" tanong ko sa kan'ya saka napaupo pa. Umiikot ang paningin ko na parang nasa ferris wheel ako. Woooooo.
"'Di ko kayang tanggapin! Na mawawala ka na sa akin!!!" kanta ko pa habang naka-ekis ang mga braso ko na parang 'yung singer nun. Humagulgol na rin ako habang tumatawa. Pwede pala 'yun? Hehehehe. Magic.
"Pero dyosa. Kahit na mahal ko 'yun, I have to let him go," sumisinghot na sabi ko sa kan'ya. "Hindi kami para sa isa't isa, e," dugtong ko pa.
Tumayo ulit ako. Inalalayan naman ako ng dyosa. Hihi. Kukwento ko kay Krista na nakahawak ako ng dyosa. Inikot ko ang paningin ko kasabay ng pag-ikot ng paligid. Woooooo. Feeling ko lumilindol. Signal number 12. Hehehehe lindol Neko.
Teka???? Binibigyan ba ng pangalan ang lindol??? O baka 'yung baha 'yun? Hehe. Oo Zia. Bright ka talaga.
Pamilyar sa'kin 'tong lugar na 'to!
Teka... eto ba 'yung lugar dati?
Hanggang sa may naisip akong ideya. Halos gumapang ako palabas ng pinto.
Feeling ko nasa maze ako. Buti na lang may dyosa sa tabi ko para i-guide ako palabas. Gusto ko sana sumayaw kaso mamaya na. Susugurin ko muna 'yung mahal ko.
Kinatok ko 'yung pinto na nasa harap ko. Sure ako na 'yung mahal ko 'yung nagma-may-ari neto. Hehe. Kinatok ko nang malakas na malakas na parang gigibain ko na. Kasi wala akong mapag-buntunan ng galit. Kinalampag ko ito na parang walang bukas. Tiningnan ko si dyosa. Nag-vi-video. Hihi. Nag-thumbs up pa ako sa video.
"Pasikatin mo ako ha???" Hihihi. Inaaayyy itaaaayyy matutupad na ang pangarap kong maging extraaaaa. Tumawa ako nang tumawa habang kinatatok nang malakas 'yung pinto ni Keanu—ng mahal ko.
"KEANUUUU LUMABAS KA D'YAN PANAGUTAN MO AKO DAKYU KAAAAAAAAAAAAAAA," nagsisisigaw ako sa labas ng pinto n'ya habang umiiyak.
"Ano ba—Zia???" hindi ako tumigil sa pagkatok sa pinto kahit bukas na 'yun. 'Yung abs na ni Keanu 'yung kinakatok ko. Hihi. Chansing. Tumawa ako.
"Uuuuuyyyyyy babeeeesssss!!!" masiglang bati ko sa kan'ya pero nararamdaman ko ang pag-tulo ng luha ko.
"Ducking sheep ka! Miss na kitaaaaaaaaa. Kaso miss ba ako????" sabi ko habang umiiyak. Bakit ba ako iyak nang iyak??? Gano'n ba kapag umiinom?? Umiiyak??
"Ali, ano 'to?"
"Hayaan mo lang," sabi nung Ali raw pero dyosa naman talaga. Fake news.
Hinawakan ko 'yung mukha n'ya at sinubukang i-focus dun 'yung tingin ko kasi nagiging limang Keanu 'yung tingin ko sa kan'ya, e.
"Mahal kita, Keanu. Mahaaaaaal na mahaaaal na mahaaaaal kita," sabi ko saka gumawa ng sound effects na parang sumasabog. "Na parang fireworks ang puso ko. Hehe kaso pinaasa mo akong gago ka!!!" sabi ko habang umiiyak at pinagpapapalo 'yung dibdib n'ya at gumagawa ng sound effects. Hindi ko alam kung paano basta pew pew pew pewwwwwww. Gano'n~~~
"Alam mo ba? Ang sakit sakiiiiit sakit naaa?? Kahit anong pilit ko ikaw pa rin, e. Hihi anong gayuma gamit natin d'yan??? Gagamitin ko dun kay... uhm... basta dun sa ching chong," umiiyak ko pa na sabi. Hindi ko mapigilan 'yung bibig at mga mata ko na ilabas 'yung emosyon na gustong sumabog sa puso ko.
"Akala mo ang pogi-pogi mo! Hindi dahil parang blackhole 'yang mga mata mo may karapatan kang paibigin ako. Pati 'yang ngiti mo! Akala mo pogi ka????! HINDI!! Para kang aso!!!!!!" pagwawala ko pa. Halos mapaluhod na ako sa ginagawa ko pero wala akong pakialam. Parang gumagaan pa ang pakiramdam ko dahil sa pagsigaw-sigaw na ginagawa ko sa kan'ya ngayon.
"Pero... pinapakawalan na kita. Hihi. Hindi na kita masasabihan ng ickaw lhuangsxz saPat nhuA. Hihi. Kasi hindi ka sapat Keanu, sobraaaa sobra ka pa sa akin. Hindi man naging tayo... minahal kita nang totoo sa maiksing panahon," sumisinghot kong sabi sa kan'ya.
"Wooooooooo dahil d'yan gago kaaaaa!!! Dakyu!! Pakyu!!!!" sigaw ko habang nakataas ang hinlalato ko. Naramdaman kong may umaakyat pataas sikmura ko na kailangan ko nang ilabas. And I did. Nilabas ko. Hindi nag-react si Keanu. Nakatitig lang s'ya sa akin. Yak. Feeling ko nailabas ko 'yung sikmura at puso ko.
Narinig kong tumawa 'yung dyosa. Bakit s'ya tumatawa?? Tiningnan ko si Keanu.
"Sino sumuka sa'yo. Abangan natin?? Hihi. Bye," paalam ko habang nakataas pa rin 'yung hinlalato ko. Umalis na ako sa harapan n'ya at pumunta sa kwarto ni Kevin. Pero bago ako makarating dun napaupo ako. Hayyyy nakakapagod naman maglakad kapag lumilindol. Akala ko ba 30 seconds lang ang lindol? Bakit 5 hours na atang umaalog-alog 'yung paligid ko?
Umiiyak akong nakaupo dun kasi walang kapantay 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakiiiiitttt ko baaaaaa nararamdaman e uminom naman ako??????? Akala ko ba kapag uminom ka mawawala lahat ng sakit??? Sino nagpakalat ng fake news na 'yan???!
"Hey, Zia. Anong nangyari??" May kamay na humawak sa mukha ko at pinunasan 'yun. Banayad na banayad ang pagkakahawak n'ya sa akin na parang iniingatan n'ya ako.
Hindi ito 'yung mukha ng taong mahal ko pero masayang-masaya akong makita 'yung mukha n'ya.
"Kevin," bulong ko.
"Anong nangyari??" tanong n'ya.
Agad ko naman s'yang niyakap na parang nagsusumbong sa papa ko. Hinahagod n'ya lang 'yung likod ko na parang pinapatahan ako. It feels great. I feel safe in his arms. Sana lagi na lang si Kevin sa tabi ko. Forever and ever. And ever and eveeeerrrrr. Padlock kain susi.
"Zia, pwede mo akong gawing tissue, unan, wallet, bangko, kuya, o kahit na ano," sabi n'ya habang nakayakap ako sa kan'ya.
"Shapeshifter kaaaa? Hihi angas naman nuuuunnn. Paano??"
Ang galing 'no? Gusto ko rin matuto nun hihihi.
Narinig ko s'yang bumuntong hininga. Bakiiiittt???
Tinanggal n'ya ang pagkakayakap sa akin saka ngumiti.
"Gamitin mo akong panakip butas, Zia. Damn it! I don't care kung iiwan mo akong parang basahan kapag naka-move on ka na, pero hayaan mo akong pasayahin ka na parang prinsesa. Hindi naman kita sasaktan, e. Hayaan mo lang ako, Zia."
Hindi... hindi ko kaya. Umiling ako. Parang nahimasmasan ako sa sinabi n'ya. His words are like cold water thrown into me.
"No, Kevin. I can't hurt you!"
"Damn it, Zia! Handa naman ako, e!" Napasigaw na s'ya. "Handang-handa akong masaktan at magpagamit sa'yo Zia, 'wag ka lang masaktan. Kung kaya kong kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo at ilipat sa akin gagawin ko, Zia. Gano'n kita kamahal. Handa akong ibigay ang lahat sa'yo maging masaya ka lang," sigaw pa n'ya. May tumulo ring luha sa mga mata n'ya kaya pinunasan ko 'yun.
Kahit pa na ayaw ko, kusang bumuka ang bibig ko at binulong:
"Kevin, heal me... heal my broken heart." He nodded.
"Hindi kita sasaktan," bulong n'ya, napangiti ako.
Bakit natutuwa akong nandito si Kevin?
Bakit parang kinuha n'ya talaga lahat ng sakit na nararamdaman ko at pinalitan n'ya ng saya?
Hanggang sa nagdilim ang paligid ko.
*****
Rise and sh—PUTANG SHET ANG SAKIT NG ULO KO PARANG BINIBIYAK NA TINATAPAKAN NG ELEPANTE. DAK THIS LIFE!!!!!!
Napapikit ako nang mariin sa sobrang sakit ng ulo ko. Putang shet talaga. Parang mas gusto kong saktan na lang nang paulit-ulit ni Keanu kaysa dito.
Joke.
Mas masakit pa rin sa puso.
'Wooooooooo dahil d'yan gago kaaaaa!!! Dakyu!! Pakyu!!!!'
WAIT...
SANDALI...
Tangina ano 'yun?? Ano 'yung naaalala kong 'yun? Real na real ba 'yun???
BAKIT NAAALALA KONG NAGWALA AKO SA HARAP NI KEANU?!
Napabalikwas ako ng bangon pero napasigaw din ako agad sa sobrang sakit ng ulo ko. Tangina feeling ko talaga may elepante na tumatapak dito. Ambigat pa ng feeling ko.
Okay.
Panaginip lang 'yun.
Oo.
Panaginiiiip lang ang lahat.
Walang nag-walwal kagabi at nagwala. Yes. Wala.
"Zia????? What happened???" Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Kevin kaya lalong nanlaki ang mata ko. "Are you okay??" he asked. Wala sa sariling napatango ako.
Tumingin ako sa paligid. Nandito ako sa dati kong room.
"Putang shet," I whispered. Totoo ba ang nangyari kagabi??? Huhu bakit fragments lang ang naaalala ko. Baka naman may nakakaalam d'yan kung ano pinagagagawa ko???
Though, okay na rin. Alangan namang tanungin ko si Keanu. 'Di ba? I let him go. I set him free. Bakit ko pa ba s'ya hahabul-habulin. Zia, 'di ba sabi mo mas mahalaga si Allison. Kaya manigas ka d'yan.
Umupo sa tabi ko si Kevin.
"Okay ka na ba? Eto gamot, o. I know masakit 'yung ulo mo. Hangover 'yan. I asked manang na rin na dalhan ka ng lugaw. Kaya mo bang kumain mag-isa? Gusto mo subuan kita?" he asked nang sunod-sunod. And damn this I feel like melting. Alam mo 'yung para kang yelo na natutunaw sa presensya n'ya? Gano'n!!!
Dahil sa lapit n'ya naaamoy ko s'ya. Hindi s'ya naka-pabango or what pero basta alam mong s'ya 'yun!
God. Bakit parang biglang uminit especially sa mukha ko??
Nakatitig lang ako sa kan'ya pero lalo kong nararamdaman ang pagsakit ng ulo ko.
Napahawak na lang ako sa sentido ko sa sobrang kirot ng ulo ko. Tangina! Halu-halo ang nararamdaman ko ngayon.
Ininom ko na 'yung gamot na binigay ni Kevin. Maya-maya ay dumating na rin si manang na may dalang lugaw.
Ugh. Gusto kong pukpokin ulo ko ng martilyo sa sobrang sakit.
Kukunin ko sana 'yung kutsara nung pinalo ni Kevin kamay ko. Huhu. Aray ha??? Masakit 'yun.
"Ako na." Kita ko na namumula 'yung mukha ni Kevin.
"H-hindi. Kaya ko na."
"Ako na sabi."
Nag-shrug na lang ako. Baka ibuhos pa sa akin 'yung lugaw, e.
Namumula pa rin si Kevin habang iniihipan 'yung lugaw. Ano bang nangyari sa'yo?? Hinawakan ko 'yung noo n'ya at chineck kung mainit s'ya. Napaatras pa s'ya sa pagkaka-lean sa akin. Lalo s'yang namumula. Jusq. Bakit ba ang cute ng nilalang na 'to? Sinubuan na n'ya ako na tinanggap ko naman.
"A-ano..." bigla n'yang sabi.
"Hmmmm?"
"May naaalala ka ba sa nangyari kagabi?" nakatungo n'yang sabi.
Omg!!!! Turn ko naman ngayon para mamula.
"W-what did I do?" shet feeling ko dinaig ko pa ang kamatis sa sobrang pula ko ngayon pero kahit na ganun 'yung mukha ko e nagawa pa rin n'ya akong subuan. Medyo weird din kami 'no?
"A-ano—" On cue naman na pumasok bigla si Allison kaya lalong nanlaki ang mga mata ko.
Omg. Ang naaalala ko e may ininom ako kagabi! Tequila pa nga. In-straight ko 'yun. Shet.
"Zia okay ka na ba??" she asked na halata mo 'yung concern sa mukha n'ya. Tumango naman ako.
"Should I show her the vid, Kevs?"
HOY ANONG VIDEO?!?! MAY SCANDAL BA AKO? OMG INAY ITAY PATAWARIN N'YO PO AKO. HINDI KO ALAM GINAGAWA KO HUHU.
Tumingin sa akin si Kevin nang may pagaalinlangan.
"Do you wanna see the vid?" Kevin asked.
"What video??" nag-papanic kong tanong.
"'Yung kagabi."
Gusto ko nga ba??? Napalunok ako nang sunod-sunod at marahang tumango. Hindi bale na kung tumalon ako sa building dahil sa pinaggagagawa ko kagabi.
Lumapit si Allison at plinay ang video sa cellphone n'ya.
Kita ko 'yung sarili ko na marahas na kinakatok 'yung pinto ni Keanu. Nag-thumbs up pa ako sa video. Kita doon ang mga luha sa mga mata ko pero tumatawa ako.
Tangina?
"You drank three glasses of tequila," sabi ni Allison.
I WHAT??????
Nanlalaki ang mata ko na napatingin sa kan'ya. Pinitik ni Kevin noo ko. Napapikit ako kasi masakit na nga ulo ko, e. Huhu.
"'Wag ka nang iinom nang hindi ako kasama ha??" Tumango na lang ako saka ngumanga para subuan n'ya ako. Humagikhik naman si Allison.
Ibinaling ko ulit 'yung tingin ko sa video.
Ayun...
Pinagmumumura ko si Keanu sa harap n'ya. Kung anu-ano pinagsasasabi ko. Iniiyakan at tinatawanan ko s'ya. Oh my God!!! What have I done???
"Ali, ipasok mo na s'ya!" sabi ni Keanu habang nagsi-sentimyento ako sa harap n'ya.
"Hayaan mo s'ya. She needs to let it out. Para na rin gumaan ang pakiramdam n'ya. Don't worry, I got her," narinig kong sabi ni Allison.
Goood. She's such an angel na parang devil. Angel kasi gusto n'ya na ilabas ko 'yung nararamdaman ko at devil kasi sa nakakahiyang paraan at hindi pa n'ya ako pinipigilan. Nakakahiya naman huhu. Bakit hinayaan n'ya akong magwala sa harap ni Keanu?
Lalong nanlaki 'yung mata ko nung nakita kong sinukahan ko s'ya. Kita ko 'yung pinagkakakain ko bago ako uminom. Halu-halo 'yun. Tanginaaaaaa. Self ano ba 'yang kahihiyan na 'yan?!
"OH MY GOD!!! TELL ME I DIDN'T DO THAT!!!!!!!!!" Tumawa lang si Kevin.
"Iinom-inom kasi hindi naman kaya," bulong ni Kevin saka sinubuan ako na tinanggap ko ulit. Hahahaha hindi na baleng mahiya, busog naman. Lol
Pasuray-suray na akong umalis sa harap ni Keanu. Umiiling lang si Keanu.
"You're lucky," sabi ni Allison.
"Am I?"
"Yep. She loves you so much."
"Ikaw mahal ko," sabi ni Keanu.
Napangiti naman ako. Sana totoo 'yan Keanu, sana si Allison ang mahal mo. Medyo-medyo tanggap ko nang muntik lang kami pero... hindi talaga pwede.
Umalis na si Allison at sinundan ako. Nakaupo ako sa sahig habang nandun si Kevin.
"Turn it off Allison!!" biglang sigaw ni Kevin!!!
Haaaa? Bakit???!! May mas nakakahiya pa ba rito???
Umiling lang si Allison and stuck her tongue out.
Napatingin naman ako kay Kevin na namumula nang sobra. TEKA ANONG NANGYAYARI????!!!!
Narinig ko 'yung pagsabi ni Kevin na gamitin ko s'ya as panakip butas. At tangina! Hindi ko kaya 'yun!
Nanahimik kami for a while.
Sinusubukan kong isipin ang nangyari...
Kahit gaano pa kasakit ang ulo ko ay inisip ko kung ano'ng ginawa ko kagabi.
"Kevin, heal me... heal my broken heart."
Shet. I allowed Kevin to be a rebound.
Nakita kong bigla akong tumayo at inalalayan ako ni Kevin. Halos matumba kami kasi tawa ako nang tawa tapos mabigat pa.
Oh my god. Hindi na ako iinom ulit. Huhu.
Nakita kong medyo tinulak ko si Kevin papalayo at sumandal ako sa pader.
"Kevin sinasagot na kitaaaaaaaa hihihi," sigaw ko habang tumatawa at nakatingin sa kan'ya.
TANGINA SELF????! ANO 'YAN???????
RAMDAM KONG UMINIT ANG MUKHA KO. SURE AKONG PULANG-PULA NA TALAGA AKO NGAYON. Hindi ko magawang tingnan si Kevin kasi sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang may hinahabol. Baka ikamatay ko 'to. Shet.
Si Allison narinig kong tumatawa lang.
Kahit na gusto kong ialis 'yung tingin ko e hindi ko magawa.
"Lasing ka na," sagot ni Kevin saka inalalayan ako pero tinulak ko lang s'ya nang marahan saka sumandal ulit sa pader habang tumatawa.
"Hindiiiiiiiiiii." ZIANDRINA CORTEZ OBVIOUS SA GALAW AT SALITA MO NA LASING KA NA ANONG HINDI???!!!! WOOOOOO I WANNA KILL MYSELF HUHU JUSKO.
"Ilan to?" tanong n'ya saka ihinarap sa akin ang limang daliri n'ya.
"Kamay hihi, kamay ng bebe koooooo," sagot ko saka kinuha 'yun at hinalikan.
PUTANG SHET ANO 'TO. DAK MY SELF. DAK DIS. OWEMJI!!! HOY ALLISON BAKIT NANUNUOD KA LANG DUN?? BAKIT HINDI MO KAMI PINIGILAN??? TANGINA OH MY GOSH!!!!
"Lasing ka nga," sabi ni Kevin na kita na ang pamumula ng mukha n'ya, "Ate Ali, tulungan mo nga ako rito!" Tawa lang ang isinagot ni Allison. Tangina!!!!!! Nakikita n'ya kung anong pinagagagawa ko at wala s'yang ginawa para pigilan 'yun!
"Hindi nga halikan pa kita d'yan patunay na tayo naaaaa," narinig ko pang sabi ko.
HINDI AKO 'YAN!!! OMG HINDI AKO 'YAN!!! ANONG HALIKAN? JUSKO!!!!! ZIANDRINA CORTEZ BAKIT ANG LANDI MO!!!
Kita ko pang lumalapit 'yung mukha ko kay Kevin habang nakanguso. 'Yung camera medyo gumulo tapos naririnig ko 'yung tawa ni Allison.
SHET!!!!!!!!!!!!!
"Hindi kita pwedeng pagsamantalahan dahil lasing ka Zia," sabi ni Kevin saka hinarang 'yung palad n'ya sa mukha ko.
In fairness, gentleman si kuya Kevin n'yo.
"Ihhhh basta tayo na. Labyu honeybunch mwa mwa. Alam mo ba honey baby bunch ko, komportableeee ako sa'yo. Gusto kita kasama kahit na minsan may dug dug dug dug. Hihihi," nagtambol pa ako sa hangin habang sinasabi 'yung dug dug dug dug. Si Kevin nakatingin lang sa akin pero nakangiti.
Oh my gosh.
Kill me now.
———————
P
LEASE
V O T E
D R O P A C O M M E N T
AND
F O L L O W M E
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro