Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fifty Five

Neko's note: Sobrang busy ni ate Neko nyo kaya pasensya na at ngayon lang huhuhu. Hope you enjoy this chapter.

Chapter Fifty Five

Napapikit ako at napatakip ng mga mata ko. Oh God. Ziandrina Cortez bakit pinapahiya mo nang bongga ang sarili mo?

Pinatay na ni Allison 'yung cellphone n'ya at ngumiti nang sobrang lapad na parang wala s'yang ginawang masama. Huhu. Bakit ba kasi mukha kang anghel?? Bakit ang pretty pretty mo at parang inosente ka?

Ramdam ko pa ring namumula ako dahil sa hiya at kilig na nagsabay. Dakshet. Huhu. Bakit naman kasi ganito ang buhay ko???

"U-uhm... I... I gotta go," sabi ko saka tumayo at nagmamadaling umalis pero bago ako makaalis nang tuluyan pinigilan ako ni Kevin sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko.

Ducking tape, nakaramdam ako ng mahinang na boltahe na nanggagaling sa kan'ya at hindi ko maipagkakaila na gusto ko na ganito lang kami. Halos matampal ko 'yung sarili ko kasi feeling ko anlandi-landi ko kasi ganito nararamdaman ko.

"Gotta go!" narinig kong sabi ni Allison na hindi na namin pinansin ni Kevin.

"Zia..." mahinang tawag n'ya sa akin. Ramdam ko na may gusto s'yang sabihin. Siguro ako rin meron pero hindi ko alam. Baka kasi nabibigla lang ako sa sumisibol na nararamdaman ko kay Kevin.

Naramdaman ko na lang na ikinulong n'ya ako sa mga bisig n'ya. Tangina. Ramdam kong nag-alboroto 'yung puso ko na parang may sasabog dun. Ramdam ko pa rin ang comfort sa yakap n'ya. Kahit na mainit na ang mukha ko sa sobrang pamumula at nagwawala ang puso ko pati na rin ang mga paruparo sa tyan ko e komportable pa rin ako sa kan'ya.

Ramdam ko ang paghinga n'ya sa batok ko na nagbibigay sa akin ng kakaibang sensasyon pero kahit na ano pang maramdaman ko, and'yan pa rin 'yung pakiramdam na komportable ako sa kan'ya.

Nakalapat ang dibdib n'ya sa likod ko kaya ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso n'ya at sumasabay ang akin dun. Buti na lang it's not the other way around kasi malalaman n'ya kung paano bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kan'ya.

Inabot n'ya ang mga kamay ko saka hinawakan at nilaro 'yun. Tangina Kevin bakit ibang-iba ka kaysa sa kuya mo? Kahit sa nararamdaman ko, iba. Ayoko namang ma-confuse sa inyong dalawa. Pero sa ginagawa mo... hindi malabong mangyari 'yun.

"Zia," bulong n'ya sa akin. Hindi gano'n kalakas. Malapit lang ang mga labi n'ya sa tenga ko pero ngayon ipinatong n'ya 'yung noo n'ya sa balikat ko. "Handa pa rin akong magpagamit sa'yo. Tanga na kung tanga, mahal kita, e," dugtong pa n'ya na lalong naging dahilan para ikapula ko.

Hindi ako makasagot dahil parang kinuha ni Kevin 'yung lakas ko na magsalita o kahit gumalaw man lang.

"'Wag mo sana ako itulak palayo kasi baka hindi ko kayanin, Zia. Ikaw lang talaga mahal ko, e."

Duckkkk!!! Gago feeling ko matutunaw ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa pinagsasasabi neto ni Kevin. Grabe s'ya magpakilig!

"Gusto kitang makuha kay kuya. Sana hayaan mo ako. Hayaan mo muna akong patunayan na mahal talaga kita. Panghahawakan kong komportable ka sa akin at may dug dug na rin d'yan sa puso mo." Tumawa pa s'ya nang konti kaya napangiti na rin ako.

"Alam kong hiyang-hiya ka sa nangyari kagabi pero 'wag kang mag-alala, kakalimutan ko 'yun kapag kaharap ka. Hindi nga lang magbabago na gusto kong gawin mo akong panakip butas. Kahit na gamitin mo ako nang paulit-ulit kapag nand'yan si kuya mawala lang 'yang sakit na nararamdaman mo ay ayos lang," sabi pa n'ya pero ako walang maisagot hanggang ngayon kasi tangina! Kinikilig talaga ako, e.

"Mahal na mahal kita. Kapag naging akin ka hindi na kita pakakawalan unless hindi ka na masaya sa akin. 'Yun lang naman duty ko, e. Ang pasayahin ka," sabi pa n'ya saka hinalikan 'yung balikat ko.

Kevin, kung gan'yan ka nang gan'yan hindi malabong mahalin kita nang tuluyan.

*****

Halos hindi ako iniwan ni Kevin kanina kaya natatawa na lang ako sa kan'ya kasi super maalaga s'ya tapos kwento nang kwento. Mabuti na rin 'yun para hindi ako mag-overthink at magmukmok.

Buti na lang and'yan si Kevin para patawanin at samahan ako kasi kung wala akong Kevin baka hindi na ako lumabas sa kwarto ko.

Alas dose na at hindi pa rin ako nakakatulog. Hindi na rin masakit 'yung ulo ko. Akala ko nga pagagalitan ako ni inay kasi uminom ako pero hinayaan lang n'ya. Sometimes I wonder, alam ba ni inay kung ano nangyayari sa akin?

Napabuntong hininga ako. Hindi ako makatulog.

Kung hindi kaya dumating si Allison, anong mangyayari sa amin ni Keanu?

Gusto ko sana manghinayang kaso hindi naman naging akin si Keanu kaya wala akong karapatang mag-inarte ng ganito. Kung tutuosin hindi naman talaga sila nag-break. Umalis lang si Keanu without clearing it up. E paano kung nagpaliwanag pala si Allison? Edi hindi ko nakilala si Keanu, 'di ba? Kahit na anong mangyari hindi kami pwede. Hinding-hindi magiging pwede. Napangiti ako nang mapakla dahil don. Ano pa nga bang magagawa ko? Syempre simulan ang pagmo-move on.

Kinuha ko 'yung phone ko at nakitang may chat si Krista. Tnx sa wifi nila Kevin. Hihi.

Kristanginuhhhh
Active now

Kristanginuhhhh:
Bey, you up??

Zia:
Yep, yep. Why??

Kristanginuhhhh:
Wala lang. Hehe. Hindi ako makatulog, e.

Zia:
Same.

Kristanginuhhhh:
Gonna share?

Napabuntong hininga ako. Hindi na nga kami magkasama ramdam pa rin n'ya ako. Hindi alam ni Krista 'yung pag-inom at lahaaaat ng nangyari. Alam ko kasing pagagalitan n'ya lang ako at alam kong tama ang sasabihin n'ya. Pero it would be unfair kung hindi ko sasabihin 'di ba?

Kevin Fuentes sent a photo.

Tiningnan ko naman 'yung message n'ya.

Kevin
Active now

Kevin:
Calling cops atm.

Napangiti ako kasi taena nakakakilig talaga 'tong hayup na 'to. Hahaha.

Zia:
Abnoy.

Kevin:
Mahal kita. Goodnight. 😗

Hindi ko na siya sinagot kasi hindi ko rin alam isasagot ko sa kan'ya. Bwisit na Kevin! Ba't nagpapakilig??!

Binalikan ko 'yung conversation namin ni Krista.

Kristanginuhhhh
Active now

Kristanginuhhhh:
Gonna share?

Zia:
Keanu said he likes me.

Kristanginuhhhh:
Huh??? EXPLAIN!!!

Zia:
Well, nagka-text kami nung isang araw at magkatawagan.

Kristanginuhhhh:
Hindi mo man lang sinabi sa akin??? Hurt ako, ha!

Zia:
Pagagalitan mo ako, e. ☹️

Kristanginuhhhh:
Aba malamang. Tanga ka, e. Pero syempre mahal kita kaya iintindihin kita. Kahit pa gaano ka nagpapakatanga d'yan kay Keanu na 'yan.

Zia:
I know. He calls me babes.

Magkatawagan kami ng 3 hours kahapon. Hindi ko alam kung anong nangyayari. I decided to go with the flow, masaya ako, e.

Bakit ko pipigilan sarili ko? Tapos nung dinner dikit sila ni Allison. Gusto n'ya sa kan'ya lang ako pero hindi s'ya naging sa akin.

Kristanginuhhhh:
Ano???!?!?!?!

Putangina, ginagago ba tayo n'yan ni Keanu? Gusto ba n'ya makuha kayong dalawa ni Allison?! Bakit hindi s'ya mamili? Sinasaktan n'ya kayo pareho, Zia.

Zia:
Oo nga. Tinanong ko s'ya.

Hindi n'ya mabitawan si Allison.

Pero in the end, kahit gaano ko s'ya kamahal, pinilit ko s'yang piliin si Allison.

She needs Keanu.

Kristanginuhhhh:
Bakit?

Dapat binayagan mo 'yung hayup na Keanu na 'yun. Hindi dahil pogi s'ya may karapatan na s'yang manakit ng dalawang babae nang sabay.
Bitchessa ba 'yan si Allison?

Zia:
Hindi.
She's really kind and sweet.

And I'm sorry Krista, I want to be honest with you pero this time it's too private.

Kristanginuhhhh:
Yes. I undestand.

Knowing you, magpaparaya ka talaga. Are you okay? 😖

Zia:
She needs Keanu more than I need him.

At saka ako 'yung epal.

Sana kasi hindi na lang ako na-fall. Bumagsak tuloy ako una mukha. Buti na lang ganda ako.

Kristanginuhhhh:
Yep. That's the Zia I know.

Don't worry. Andito lang ako lagi. Minsan talaga may mga taong dumadaan lang sa buhay natin para pasayahin tayo at makilala natin 'yung para sa atin. Hindi man siya ang forever mo, naging parte naman s'ya ng buhay mo. We'll be always here, Zia.

Napangiti ako sa mensahe n'ya. Hanggang sa kinwento ko sa kan'ya 'yung napanuod ko sa video na pinakita ni Allison. Nakipag-video call pa s'ya para tawanan ako nang tawanan. Kinwento ko lahat minus the pagkakalat sa harap ni Kevin syempre. I know that Krista still likes Kevin and it would be insensitive kung magkukwento ako sa kan'ya na parang mahuhulog na ako.

At saka...

Takot din ako na baka masampal ako ng katotohanan na baka ginagamit ko lang talaga si Kevin.

Kasi 'yun 'yung feeling ko, e.

Ala una na ngayon. Nagpaalam na si Krista na matutulog na s'ya. Heto ako, nakatitig sa kisame. Iniisip na naman si Keanu.

Bakit gano'n, wala na akong maiyak? Hindi ako naiiyak. Mas naiiyak ako sa sitwasyon ni Allison kaysa sa aming dalawa. Sa kabilang banda, kapag naaalala ko si Kevin e bumabalik 'yung mga paruparo sa sikmura ko.

Kahit anong palit ko ng posisyon hindi pa rin ako makatulog kasi halu-halo na ang nararamdaman ko ngayon na sobrang confused ako.

Masyado akong naguguluhan at nabibilisan sa mga nangyayari. Natatakot na rin ako mag-take ng risk at palaganapin pa 'tong feelings ko kay Kevin. Hindi ko na maipagkakaila na nagsisimula na 'yung nararamdaman ko kay Kevin.

Biglang may tumawag sa akin kaya napa-balikwas ako ng bangon. Anong oras na, e.

Pero mabuti na rin 'to para hindi na ako mag-isip nang mag-isip ng kung anu-ano. I really hate 1 a.m. kasi feeling ko ang fragile ko during this time. Andami kong iniisip.

Hindi ko na tiningnan 'yung caller id. Sinagot ko na lang agad sa pamamagitan ng pag-shake ng phone ko. Hihi.

"H-hello?"

Hindi s'ya sumagot. Tanging mabigat na paghinga lang ang naririnig ko sa kabilang linya.

Halos mapamura ako kasi na-realize kong ang creepy ng nangyayari. Imagine 1 AM na tapos may tatawag sa'yo tapos hihingahan ka lang?! Baka bad breath to hehehe. Napatingin ako sa phone ko para sa caller id at halos sumabog 'yung puso ko nung nakita ko 'yung pangalan. Hindi s'ya bad breath, sure ako.

Keanu Babes
00:17

Hindi ko pa rin pala napapalitan pangalan n'ya. Wala akong time, e.

Hindi ako mapakali sa pagkakahiga. Alam kong nasa kabilang linya pa rin s'ya at baka tinitimbang din ang sasabihin n'ya.

Ang awkward. Ang awkward awkward. Shet.

"Keanu," tawag ko sa kan'ya habang nakapikit. May mga luha nang nagbabadya sa mga mata ko. Nasasaktan ako.
"Hmmm?" sagot n'ya. Tangina ang hot ng boses n'ya. Kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Tangina. Napapikit ako nang mariin at chineer ang sarili ko.
"Pasensya na sa nangyari nung isang gabi. Hindi ko talaga alam 'yun." Nakarinig ako ng mahinang pagtawa n'ya. "Pasensya na rin sa pagmumura ko sa'yo. Hindi ko mini-mean 'yun."
"Really? Alcohol reveals what your feelings are." Shet. Naiimagine kong nakangiti s'ya ng nakakaloko. Ampogi siguro n'ya. Hayyyyy.
"Okay. Siguro nga totoo na dakyu ka kasi sinaktan mo ako pero I know hindi lang ako 'yung nasasaktan dito. Keanu, I know you're hurt, too. Don't conceal it. It's okay to cry and admit that you're hurting."

Hindi s'ya sumagot. Napahikbi ako. Tinakpan ko 'yung bibig ko. I didn't notice na I'm crying now. Ayoko na umiyak, e.

"Mahal kit—" pinutol ko na kaagad kung ano man 'yang sasabihin n'ya kasi nasasaktan ako. Hindi ako kinikilig! Nasasaktan ako dahil una, alam kong hindi totoo. Pangalawa, dahil alam kong masasaktan si Allison. Ayaw ko nun. She's a dear friend.

"'Wag mo nang sabihing mahal mo ako kasi alam kong hindi. Okay lang naman Keanu. No hard feelings." Tumigil ako sandali para patigilin ang paghikbi at pagtulo ng mga luha ko. "Keanu, mahihirapan lang tayong dalawa. Alam kong nasasaktan ka kasi alam kong masakit na man-reject ng kaibigan. Hindi mo na kailangang magsinungaling para mapagaan ang loob ko. Minahal kita nang totoo at handa akong masaktan dahil sa pagkahulog ko sa'yo. Don't worry. Makaka-move on ako." Sinubukan kong ngumiti kahit na hindi naman n'ya nakikita. Para na rin siguro lokohin ang sarili ko na okay lang ako. "Actually I'm starting to move forward," I whispered. "Ingatan mo si Allison. She needs you so much especially now. 'Wag mo s'yang iwan."

Hindi s'ya sumagot kaya hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko tutal hindi ko naman mapipigilan 'yun kahit na anong gawin ko.

Narinig kong suminghot s'ya then he cleared his throat.

Is he... is he crying?

"Are you—"
"I see, oo Zia. Tama ka. Pasensya na sa panggugulo ko sa'yo. Yes, I'll take care of Allison. Maaasahan mo 'yan."

He ended the call without saying goodbye. Though, if he said goodbye, is it really a goodbye? Part of me was hoping that he'll convince me and say that he really loves me but I know it's wrong. I hugged my hotdog so tight that if it's alive it would end up dead now.

Tangina. Ang sakit sakit sakit sakit ng nararamdaman ko. Para akong namatayan kasi the moment na in-end n'ya 'yung call alam kong wala na. Tapos na. Finish na.

Nawalan ako ng kaibigan dahil sa lecheng pag-ibig na 'to. Dapat talaga hindi na lang ako na-fall, e. Bakit ba ang rupok ko? Zia, tanga ka talaga! Galit ako sa sarili ko kasi hinayaan kong mangyari 'to. Nadamay tuloy ang lahat.

I let myself cry and cry until I almost soaked my pillow from my tears.

I hate 1 AM phone calls.

I hate 1 AM cause it makes me remember things.

And it makes me realize how alone I am right now.

*****

I woke up with a light tap on my cheeks. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Kevin.

"Tangina, ampogi naman ng bumungad sa akin," I murmured. He blushed kaya nagulat ako! Tangina.

Napabangon agad ako. Ambigat ng mata ko.

"Uhm... ano... Zia, did you cry???" nag-aalalang tanong n'ya hindi ako sumagot. Napayuko ako. Naramdaman kong niyakap n'ya ako.

Shet. Napangiti ako dun. Kevin never fails to make me feel special and wanted.

"I'm sorry Zia. Dapat pala hindi ako natulog kagabi, dapat nagpaalam ako kay tita na sasamahan kita kahit na gyerahin n'ya ako. I'm sorry Zia I wasn't here." I can hear the sincerity in his voice. Gooood deserve ko ba si Kevin??

"Next time na feeling mo mag-isa ka at gusto mong umiyak, call me. Iba 'yung ringtone mo sa phone ko so I'll know na ikaw 'yung tumatawag. Gigising ako para sa'yo. Pupuntahan kita kahit gaano kalayo." Naramdaman ko pang nira-rub n'ya 'yung braso ko. Tumango ako.

"Great. I'm here Zia. Tandaan mo 'yan. Nga pala, I brought you flowers." Pinakawalan na n'ya ako sa yakap n'ya saka ngumiti. Nag-thumbs up lang ako.

"Galit ka ba kasi niyakap kita??!! I'm sorry Zia!" naka-sad face pa s'ya nun. Halos matawa ako sa kan'ya. Nag-sign ako na wait lang.

Hindi pa kaya ako nagtu-toothbrush. Tumakbo agad ako sa banyo at nag-ayos. And yeah, namamaga talaga 'yung mga mata ko. Hinayaan ko na lang kasi mawawala rin naman 'yan.

Paglabas ko ng banyo e nasa sala si Kevin. Inabot naman n'ya 'yung bouquet ng flowers kaya napangiti ako.

"Sayang pera Kevs. Dapat pagkain na lang."
"Para sa'yo naman, e."
Ginulo naman n'ya buhok ko. Ano ba 'yan! Hindi na nga ako nagsuklay guguluhin pa n'ya. Napanguso naman ako saka pinitik s'ya sa noo.

"Sayang pa rin. Dapat iniipon mo 'yan. Hindi naman ako mabubusog d'yan, e." Napangiti s'ya.
"Kaya sa'yo ako, e."

Nag-anime marathon lang kami sa sala. Si Pia paminsan-minsang dumadaan habang nakangiti pero hinayaan lang namin kasi feeling ko nasapian na talaga s'ya ni Sui at corrupted na ang utak n'ya. Si inay naman nag-aalok lang ng kung anu-ano. Hindi ko nga alam kung anong nakain n'ya, e. Si itay syempre walang say kasi nasa work s'ya. HAHAHAHA.

"Alam mo feeling ko may gusto talaga si Suna kay Takeo, e," sabi ko habang ngumunguya. Nanunuod kami ng Ore Monogatari. This anime is so pure. 'Yung dalawang main characters e sobrang pure.

"Haaaaaa????" gulat na tanong ni Kevin habang nakanganga.
"Pagmasdan mo kaya s'ya. Walang jowa tapos sumasama lagi kay Takeo. Ruler na lang ang straight ngayon," humahagikhik ko pang sabi. Ang cute kasi nila i-ship. Hihi. "Mga pogi ngayon, kung may jowa, manloloko, kung wala dun lalaki rin gusto," sabi ko pa.
"So tayo na?" bigla n'yang tanong.

Turn ko naman 'yun para mapa-haaaaa??? Tumawa lang s'ya at ako naghihintay ng explanation n'ya

"E sabi mo mga pogi ngayon kung may jowa, manloloko. E hindi naman ako manloloko, loyal nga ako sa'yo, e. Babae naman ang gusto ko kasi sa pagkakaalam ko babae ka. Magkakagusto lang ako sa lalaki kapag lalaki na si Ziandrina Cortez. So tayo na?"

Agad ko s'yang binatukan dahil sa pinagsasasabi n'ya and I'm fucking blushing ffs!!!

"Pogi ka ba??" tanong ko saka tumawa para maiwas 'yung topic pero hindi s'ya nagpatinag.
"Sabi mo nga kanina pogi ako, e." Lalo akong namula dahil doon. "You're blushing." Wow. Obvious ba?!?!?!?! "Joke lang naman. Ayaw kita madaliin, Zia. 'Wag mo akong sasagutin dahil nape-pressure ka. Sagutin mo ako kapag ano... kapag mahal mo na ako," turn naman n'ya para mamula. HAHAHAHA.
"You're blushing," panggagaya ko sa kan'ya.
"Syempre, andito ka, e. At saka alam ko namang crush mo na ako, e," sabi pa n'ya saka kumindat.

Hayup ka Kevin. Magtigil-tigil ka sa kagagan'yan mo. Marupok ako!

Sobrang thankful ako na sinamahan ako ni Kevin maghapon. Alam ko namang dina-divert n'ya lang 'yung attention ko para hindi ko maisip si Keanu at thankful ako sa kan'ya. Sobra. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala silang dalawa ni Krista.

Sandaling umalis si Kevin nung gabi na. May utos daw ang mom n'ya kaya tumango na lang ako. Nagliligpit ako ng kalat namin nung dumating si inay.

"Masaya ka ba sa kan'ya?" tanong n'ya na may seryosong tingin kaya tumango ako. "Anong nangyari sa inyo ni Keanu?" Napahinto ako sandali sa tanong n'ya. Nagkibitbalikat ako. Sa totoo lang gusto kong iwasan as a topic si Keanu as much as possible.

Hindi nagsalita si inay.

"Kung saan ka masaya nak dun ka lang. 'Wag kang papadikta sa iba. Sundin mo rin nararamdaman mo."

Hindi ko alam pero I just found myself hugging inay.

And nothing's better in my mother's arms.

Maya-maya ay dumating na si itay kasunod si Kevin na may dalang cake. Naglaway naman ako agad. Hihi.

Niyaya ni inay si Kevin na kumain kasabay kami at pumayag naman s'ya.

Naalala ko tuloy 'yung lunch with them. Akala ko pa si Keanu ay si Kevin. Sobrang attracted na ako kay Keanu nun tapo-napatigil ako. Bakit ko ba inaalala 'yung mga 'yun?! Sasaktan ko lang sarili ko, e.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" bulong ko kay Kevin.
"Hindi. Alam naman ni mom at saka hindi kita pwedeng iwan."

Na-touch naman ako kay Kevin kasi talagang pinanindigan n'ya.

Kumain lang kami nang tahimik. Halos ang electric fan at tunog ng kutsara't tindot lang ang mafirinig mo.

Itay cleared his throat kaya napa-straight ako ng upo. Tangina bakit kinakabahan ako bigla?!

"Sir, Ma'am," biglang nagsalita si Kevin kaya napalingon ako sa kan'ya. Si Pia naman natatawa lang.

"Hindi pa po ako nagpapaalam sa inyo nang maayos pero gusto ko po ligawan si Zia."

Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi n'ya.

Teka lang ha?! Anong nangyayari?!?!?!

Tahimik lang si itay. Hindi"Inom tayo,"ng ekspresyon ng mukha n'ya kaya napalunok ako nang ilang beses.

"Inom tayo," sabi ni itay saka tumayo.

Alam ba nila na banned na raw ang word na "inom" sabi ni Pres Duterte??????? Banned na 'yan sa Pilipinas!!!

————————

Neko's note: sorry for the late ud. Busy lang. Hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro