Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fifty Eight

Chapter Fifty Eight

I had urge to kiss him but I didn't. Instead, I smiled back and enjoyed the moment with him. Hindi naman palaging mangyayari na makakasayaw ka with fireflies around you 'di ba?

Eventually pinakawalan din namin sila through opening the windows and door kasi nga papatayin daw kami ni Sui once na may mamatay kahit na isa dun. Sui really cares for nature daw kasi sabi ni Kevin.

He held my pinky finger and I smiled. Niyaya n'ya ako na lumabas. Hindi bale nang madaling araw na. I'm with Kevin so I felt really safe. Full moon pala ngayon and andaming stars sa langit. Naglalakad kami sa dalampasigan nun. Walang katao-tao at parang sa amin lang ang mundo ngayon. Dinig mo ang mga alon na ansarap pakinggan. Walang nagsasalita sa amin pero ayos lang cause his presence is more than enough to fill this void.

Do we look like a couple? Maybe.

"'Yung girl kanina..."
"Hmm?" Napatingin s'ya sa akin nung binasag ko ang katahimikan.
"Ang ganda n'ya 'no?" I can't help but feel insecure. Kapag itinabi ako sa kan'ya walang-wala ako kasi ang ganda n'ya talaga. Pwede na s'yang pumasa as dyosa tapos isang hamak na mortal lang ako.

I just heard him chuckle.

"Yeah she is," pag-agree n'ya kaya nanlumo ako. Bakit ba ganito reaction ko? Bakit... bakit gusto kong sabihin n'ya na mas ako? Ang arte ha?! Sabagay, ako naman nagsimula. Pero bakit ganun, gusto ko na naman i-kamehame si gorgeous girl? Naaasar ako! Gusto ko ako lang-ano ba 'yan! Napaka-arte ko naman. Wala naman akong karapatan 'di ba? "But you're prettiest, mahal ko. 'Wag ka mag-alala sa'yo lang ako titingin."

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi n'ya. Napangiti. Bakit kahit ang cheesy neto ni Kevin e kinikilig ako imbes na ibato ko s'ya sa dagat?

"Talaga?" parang bata kong sabi.
"Yep. Sa'yo nga lang ako 'di ba? Kahit gaano pa kadami 'yang magagandang babae na nasa paligid sa'yo at sa'yo lang ako titingin. Ikaw 'yung mahal ko, e. Saka na ako titingin kapag si Zia na sila."

Napatungo ako. Lalong lumawak 'yung ngiti ko. Parang kapag kasama ko si Kevin hindi magiging normal ang pagtibok ng puso ko. Ih keshe nemen Kevin bakit ka gan'yan? Anlandi-landi mo!

"Kanina..." Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Gusto kong balatan ng buhay si gorgeous girl lalo na nung hinawakan ka n'ya."

Si Kevin naman ang napatigil sa paglalakad kaya napatigil din ako. Napatungo ako pero inangat n'ya 'yung ulo ko.

TEKA NAKANGITI S'YA BAKIT S'YA NAKANGITI? Bakit ba ngiti nang ngiti 'to si Kevin?

"Really?"
"Bakit nakangiti ka? Bad nga 'yun 'di ba?"
"Just because," he said then naglakad ulit.
"Bakit nga?"

Sapat na ang liwanag ng buwan at ng mga bituin para makita namin ang paligid at ang isa't isa.

Ngumiti ulit s'ya nang malapad. 'Yung liwanag ng buwan e nagre-reflect sa mata n'ya at sobrang ganda tingnan nun. I read that moonlight makes you look sad but from what I see, I can say that he is far from being sad. Gusto ko s'yang ipa-frame ngayon na para lang titigan s'ya nang buong araw.

"Kasi nagseselos ka."
"Haaaa? Ako nagseselos? Hindi, a," pagdedepensa ko. Pinisil n'ya 'yung ilong ko kaya tiningnan ko s'ya nang matalim.
"O sige, hindi na."

Nagseselos nga ba talaga ako nun?

"You know Zia." Napalingon ako sa kan'ya nun. "I love you and all your insecurities. Kahit gaano pa kabrutal 'yang iniisip mo e ayos lang kasi alam kong hindi mo gagawin 'yun. You'll never hurt someone, right? Isa 'yan sa mga dahilan kaya minahal kita. All these years hindi ka pa rin nagbago."

Humiga kami sa buhanginan. Hayae na kahit puro buhangin mamaya. Hindi ko dinala 'yung hoodie n'ya kaya ramdam ko ang ihip ng hangin pero andito naman si Kevin. He really is my sun. I am really blessed that God gave him to me.

"How would you define love?" pagbabasag ko sa aming katahimikan. Hindi s'ya sumagot kaagad. Naririnig ko ang paghinga n'ya sa tabi ko. Nakatitig kami pareho sa langit na puno ng stars. Sobrang ganda.
"Ziandrina Cortez," bigla n'yang sabi kaya shookt na naman po si ate n'yo Zia.
"'Yung seryoso," sabi ko na lang para maitago ang tuwa na nararamdaman ko.
"Seryoso naman 'yun, a? I always associate your name with the word love, Zia."
"Kevin, isa!" He chuckled then cleared his throat.
"Eto na nga, kinikilig ka na, e... hmmm siguro love is when you realize that you'd put her happiness over yours. Hindi bale nang masaktan ka basta alam mong masaya s'ya. Kahit hindi ka na parte ng ngiti n'ya ayos lang basta ngumiti s'ya. Kapag nakita mo 'yung ngiti n'ya buo na araw mo kahit na ano pang shit ang maranasan mo. Kapag umiiyak s'ya your heart wants to cry, too. Nothing really matters when it comes to her. Despite her shortcomings, you'll still accept her and walk with her on the right path. You know, hindi naman kasi lahat perfect 'di ba? Kaya ang gagawin mo mamahalin mo lahat ng mali n'ya at tutulungan s'ya para itama 'yun kung sa tingin n'yo e tamang gawin 'yun." Napatigil s'ya sandali. "You are willing to show her your vulnerabilities because it is her."

Hindi na naman ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang tamang salita na dapat sabihin, e. Alam ko lang, kahit na malamig ang paligid mainit ang mukha ko dahil kay Kevin.

"Ikaw Zia, para sa'yo ano ang love?" bigla n'yang tanong pagtapos ng mahabang katahimikan.

Napaisip ako at napangiti.

"Siguro... kapag feeling mo buo ka na dahil sa kan'ya. Whenever he's near, you can't wish anything anymore cause your everything is already there, in your front. When you give your all even though you know you have no assurances or when you love him without wanting to be loved back. You're willing to give everything you can without any expectations" Naalala ko bigla si Krista. She's willing to love at Kevin kahit unreachable s'ya. "Ayun nga, kapag feeling mo kumpleto ka na makita lang s'ya o kahit nand'yan lang s'ya. If he makes you feel complete like he's a part of your unsolvable jigsaw puzzle... then maybe that's love." Nakatitig pa rin kami sa stars. Ang ganda nila tingnan. They're twinkling like Kevin's eyes.

"Sometimes loving someone who can't love you back is like staring at a star. You're just going to admire it because it is unreachable. Even though it hurts your neck, you're still going to stare because it's too pretty and you're happy just by staring at it."

Paglingon ko sa kan'ya nakatitig s'ya sa akin. Naalala ko na naman 'yung titig n'ya sa akin sa park nung una n'yang sinabi na may gusto s'ya which is ako pala. Time sure flies.

Nakatitig lang s'ya sa akin na parang pinag-aaralan ang mukha ko. Napaiwas ako ng tingin kasi 'yung titig n'ya, e! Narinig ko namang tumawa s'ya. Hayup ka Kevin.

Hindi kami nagsalita pareho. Matagal. Siguro sapat na sa amin ang presensya ng isa't isa. O baka dahil kahit hindi na kami mag-usap ay nagkakaintindihan pa rin kami.

Nilingon ko ulit s'ya pagkalipas ng ilang sandali. Pagtingin ko e he's already sleeping. Malamang pagod din 'to kasi nag-drive na nga nanghuli pa ng alitaptap.

Napaupo ako at nakatungo sa kan'ya. Tinitigan ko lang s'ya habang natutulog. God. Those eyes and eyelashes. Ang tangos din ng ilong n'ya. Pinindot ko 'yun at tiningnan kung gagalaw ba s'ya. Pero hindi. I smiled. Gusto ko s'yang kurutin pero bad 'yun kaya tinitigan ko na lang ulit s'ya. His eyebrows are really thick. Kilay goals ba. Ang puti n'ya rin kaya mabilis mapansin kapag namumula s'ya. I caressed his face. Ang lambot naman. Ano ba skin care routine mo? I traced his face using my finger. Medyo gumalaw 'yung mukha n'ya kaya napatawa ako. Yeah. He's a pretty boy. I am indeed lucky to have him on my side

"Maybe love can mean Kevin Fuentes, too," I whispered then I did the unthinkable.

I kissed him.

The moment our lips met, I felt a familiar feeling-those rapid heartbeats, burning cheeks, stupid butterflies in the stomach, and that tingling electricity I felt when Keanu and I kissed.

I gasped. Oh God. What am I doing?

Damn you Zia.

*****

Kevin and I became really close after that. When I say really, as in really! Sinubukan kong kalimutan na I kissed him pero I can't. Everytime kasi na napapatingin ako sa labi n'ya naaalala ko 'yung paghalik ko sa kan'ya. Juskooooo. Ano ba naman 'yan Zia nangmamanyak ka na! Kung minor pa si Kevin pwede ka nang makasuhan ng rape-teka pwede pa rin pala ako makasuhan ng rape. Huhuhu. Pero kahit na minsan awkward na kapag napapatingin ako sa labi n'ya mas close na kami ngayon.

Siguro eto 'yung matatawag na malanding ugnayan? Ewan ko ba.

Si Keanu at Allison nag-out of town daw kasi sinusulit ni Allison 'yung bakasyon n'ya sa Pilipinas. Buti naman kasi hindi ko na alam kung paano ko pa sila haharapin na dalawa. Hindi ko pa rin naa-analyze kung anong narararamdaman ko para kay Keanu at Kevin o siguro ayaw ko lang harapin. 'I-delay hanggang kaya' ang motto ko.

"Bey!!!!!! Ano ba 'yan?!" Pinalo ako ni Krista nang malakas sa braso.
"Aray ha?? Bakit?"
"Tulala ka na lang ba forevs? Sino ba 'yang naiisip mo at inabot na ng Pluto ang layo ng utak mo?" makahulugan n'yang tukso sa akin.
"Wala."
"Si Kevin 'no? Ayie ayieee malanding ugnayan, ikaw bey ha?!" Napa-roll eyes ako sa kan'ya.
"Krista..." Mukha namang naintindihan n'ya 'yung tono ng boses ko kaya nag-peace sign s'ya sa akin.
"Bey, ano ka ba. Masaya na ako na masaya s'ya sa'yo. Mas masaya ako na masaya ka sa kan'ya. Give me time, makaka-move on din ako." Nginitian n'ya pa ako pero this time, sincere ang ngiting 'yun. "Ano ba 'yan ang drama. Nanunuod tayo ng Stranger Things hindi ng drama 'di ba?"

Hindi ko na lang s'ya pinansin. Nagyaya s'ya manuod ng Stranger Things. May 2 ngayon at birthday ko na bukas at wala si Krista. Nagka-problem daw sa province nila kaya kailangan n'yang umuwi. Dapat nga ngayon s'ya uuwi kaso dinelay n'ya raw para makapag-celebrate daw kami kahit papaano. After 4 years ngayon na lang dapat ulit kami magce-celebrate ng birthday ko kaso wala e syempre there are things that are more important 'di ba? Birthday lang 'yan. I can celebrate it again, 'di ba?

Krista knows everything now. I can't help but cry when I am confessing what I excluded on the Zia-being-drunk-scandal-story, lahat ng nararamdaman ko kay Kevin, and even that kiss. She even laughed nung sinabi kong gusto kong i-kamehame 'yung gorgeous girl, e. Selos daw 'yun. Inasar-asar pa nga n'ya ako, e. Potek na Krista 'to. Bad. Pero I don't know. Her smile seems genuine now and when I mentioned the kiss she looked really happy for us. Hindi na s'ya nagtatago sa isang maskara ngayon. Kung anong nararamdaman n'ya pinapakita na n'ya at hindi na ikinukubli.

Binan n'ya si Kevin sa bahay ngayon kasi dapat daw magka-umayan na kami. At saka feeling n'ya raw si Kevin na best friend ko since sperm cell. Araw-araw kami magkasama ni Kevin. Madalas kami mag-roadtrip, kung saan lang makapunta edi ayun. Kapag uuwi, edi uwi. Hahaha. We always sing songs while on the road.

Isang beses nag-bus lang kami papuntang Rizal tapos umakyat kami ng bundok. He shouted how much he loves me and I felt really special that time. Inaalalayan n'ya ako everytime and I can feel how he values me. Tangina, pakakawalan ko pa ba ang isang Kevin Fuentes? Gago ba ako?

Pero... genuine ba ako?

"Bey naman, e!!!" naka-pout na sigaw ni Krista. "Konti na lang talaga mapapalitan na ako n'yan ni Kevin sa pagiging best friend since sperm cells mo!"

I laughed kasi nakanguso talaga s'ya tapos salubong 'yung kilay n'ya.

"Cute mo d'yan," tukso ko.
"I know right! Heyyy tingnan mo! Steve is really redeeming himself sa second season."

Nanuod na lang kami and I'll admit na Steve is really cute. Tinapos namin 'yung second season at inabot na kami ng 8 PM. Pagtapos nun nag-order pa s'ya ng bff fries sa Mcdo.

"Kelan mo sasagutin si fafa Kevs?" tanong n'ya na may saya sa boses.
"Nagpapanggap ka ba?"
"No. Zia naman, e. Happy nga ako para sa inyong dalawa. Gaga ka! Don't mind me. I know you're starting to like him na."
"Krista?"
"Hmmm?"
"Hindi ka nagalit sa akin?" She just smiled.
"Nope. Never. Triny ko nga 'di ba? But I can't. Bakit kita sisisihin sa kasalanang hindi mo naman ginawa?" Hindi ako sumagot. Naramdaman ko na nagtutubig ang mga mata ko. "Gaga ka bey. 'Wag ka umiyak! Baka mamaya sabihin ni fafa Kevs inaapi kita!"
"But... what did I do to deserve you?"
"You did a lot of things to deserve us, bey."

Hinug ko s'ya kasi sobrang touched ako.

"Nga pala bey."
"Hmm?"
"Pasensya na kung umiiwas ako nung nakaraan ha? I tried not to pero hindi kasi healthy kung magpapakamasokista lang ako. I travelled by myself at nakatulong naman 'yun para matanggap kong wala na talaga. Hindi naman ako masyadong umasa kasi sa'yo na talaga 'yung tingin n'ya dati pa. Medyong asa lang. Kaya nga never ako nagalit sa'yo 'di ba? Kaya hinanap ko muna ang sarili ko baka sakaling makasalubong ko. And I did! Genuine na ang tukso ko sa inyo at wala nang halong ouch. I can't say na naka-move on na ako totally pero tanggap na tanggap ko na talaga and I know that's the first step."
"I'm really proud of you, Krista. You kept that pain for years."
"Maganda ako, e," sabi n'ya saka nag-flip ng hair.

We laughed. Yeah real na real na tawa na at wala nang itinatago sa likod ng maskara. Akala ko talaga magagalit sa akin si Krista dahil nga mahal n'ya si Kevin pero isa pala s'yang martyr-joke isa s'yang matapang na tao dahil nagparaya s'ya para sa mahal n'ya.

Pagka-10 pm na kinailangan na umalis ni Krista dahil sa boarding time so nagpaalam na s'ya at umalis. Sad lang na wala s'ya sa birthday ko bukas but that's okay!

*****

I woke up with a light tap on my face. Pagkamulat ko ng mata ko e si Kevin agad ang bumungad sa akin kaya napangiti ako saka umupo sa kama.

"It's 12 AM. Happy birthday mahal ko, my queen," sabi n'ya saka hinalikan ako sa noo kaya lalo akong napangiti. Yeah. The fluttering feeling is still here.
"Thank you Kevin."

Ngumiti s'ya na parang nahihiya saka kinamot 'yung likod n'ya. Looking at him now para s'yang bata. Huminga pa s'ya nang malalim bago magsalita.

"'Yung pagmamahal ko sa'yo e parang stars. Countless. Madaming possibility. You always light my night up. Kapag morning, and'yan ang sun as a star. Mas malaki 'yun and that's how my love for you works. Hindi masukat. Dumadami as the time goes by and it might explode soon. I love you, Zia. Mahal na mahal kita," sabi n'ya habang nakatitig sa mga mata ko saka hinalikan ang mga kamay ko. Ayan! Namumula na naman ako. Kevin naman, e!!

May ibinigay s'ya sa aking box. Teka magpo-propose na ba s'ya?! Hindi pa kami, a! Ambilis naman Kevin! Kalma ka muna d'yan! Binuksan ko pa rin naman at nakita ko dun ang necklace na may pendant na star. I genuinely smiled. Gago ang ganda!!!!!!!

"Akin ba 'to?" tanong ko. Assuming na kung assuming. Baka mamaya pinapabuksan lang pala n'ya. HAHAHAHA.
"Yep. Let me."

Ikinabit n'ya sa akin 'yung necklace at hinawakan ko 'yun. I don't really like wearing jewelry but I'll treasure it so much.

"Thank you Kevin. Ang ganda sobra."
"It suits you." Ngumiti s'ya. Agad ko s'yang niyakap sa sobrang saya ko. Potek ka Kevin! Quota ka na ha?!

Tumunog 'yung phone ko at nakita kong tumatawag si Krista. Thanks sa wifi nila Kevin hehe.

"Beeeeyy happy birthday to you! Happy birthday to youuuuu! Sorry wala ako d'yan. Saka na 'yung gift mo bey. Uwian na lang kita ng poging kapitba-uy hi Kevin and'yan ka pala?" Tawa ako nang tawa dahil kay Krista. Attitude talaga 'no?
"Thank you Krista! I love you!"
"Love you, too. Panes ka Kevin ako lang mahal ni bey."
"Gaga ka talaga."

Nag-usap lang kami ni Krista tas sinabi n'ya na hahanap talaga s'ya ng poging kapitbahay. Jusko abnormal! Nagpaalam din si Kevin bibigyan daw muna kami ng time.

Hayyy walang sinabi si Kevin na pupuntahan namin ngayon. Pshhh akala ko pa naman may ganap! Bakit ba ako nag-eexpect?!

"Anyare sa'yo bey?"
"Ah. De. Akala ko may pupuntahan kami ni Kevin, walang sinabi, e. Huhu bakit ba ako nag-expect?"
"Gaga ka! Baka binibigay 'tong day mo para sa family. Baka sabihin nila tita s'ya na lang lagi kasama mo."

Pshhh. Kaasar naman. Wala naman ding ganap, e. Matanda na raw ako para maghanda. Mukhang matutulog lang ako buong araw, a.

"Alam mo namang walang ganap d'yan kila inay, e."
"Bakit hindi ikaw nagsabi?"
"Uy, ayoko nga. Baka sabihin n'ya abusado na!"
"Gaga ka rin 'no? Kung malapit lang ako nabatukan na kita, e."

Hindi rin nagtagal ang usapan namin ni Krista kasi kailangan daw n'yang matulog kasi kailangan n'yang gumising nang maaga. Kaya heto ako, tinititigan ang glow in the dark stars ko sa kisame.

Ilang ikot na sa kama ang nagawa ko pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Potek na Kevin kasi 'to bakit ba ako ginising?!?! Huhu. Hindi tuloy ako makatulog. Buti sana kung mag-sstay s'ya para samahan ako 'di ba?! E hindi! Nilayasan lang ako! Bad.

Binuksan ko na lang 'yung ilaw saka tiningnan 'yung box na binigay sa akin ni Kevin. Akala ko magpo-propose na s'ya, e. Kulay black 'yun na rectangle, binuksan ko 'yun at may letter pala. Binuksan ko 'yun at binasa. Maganda sulat ni Kevin, a! Sana ako rin.

"Remember when I said that loving someone is like staring at a star because you'll still stare and admire it from afar even though it is unreachable? I just wanna tell you that reaching a so-called-unreachable might be possible, too. Happy birthday, my love. Always remember that I love you so much. —your Kevin"

Na-realize kong niyayakap ko na pala ng mahigpit si hotdog dahil sa sobrang kilig. Bwisit! Birthday na birthday ko hindi pa ata ako patutulugin.

Halos maihi na ako sa kilig dahil sa kan'ya. Kevin naman, e! Unfair 'yan! Unfair!

*****

Nagising ako nang madili--joke hindi pala madilim. Napatakip ako ng bibig sa sobrang gulat. Dim na ang light ng kwarto ko. Tiningnan ko ang oras at nakitang 10 AM pa lang. Pinalitan ng itim ang kulay ng kurtina ko para walang liwanag na makapasok. May fairy lights na kulay blue sa pader kaya hindi madilim talaga. Naalala ko tuloy 'yung fireflies sa loob ng kwarto. May mga lobo na nasa kisame at may pictures sa dulo. Tangina!!!

(Neko's note: imagine it like this pero hindi nasa kama)

Lumuluha na talaga ang mga mata ko sa sobrang saya. Sumisinghot na at humikbi na ako kasi 'yun lang 'yung kaya kong gawin. Tangina. First time kong ma-surprise ng ganito sa birthday ko! Wala naman kasing ganap palagi.

Tiningnan ko ang bawat litrato na nasa dulo ng tali ng lobo. Unang litrato ay 'yung nakaupo ako sa kotse dun sa Tom's World. Nasa-polaroid 'yun na frame ng photo paper at may date sa baba. Eto 'yung friendly date kuno namin ni Kevin. Nakapikit ako at nakangiti. I didn't know that Kevin loves me that time. 'Yan pa 'yung time na nag-act ako as Rina's substitute. Yeah, si Kevin nga ang may pakana neto.

Napangiti ako kasi I look so genuinely happy there. Tiningnan ko 'yung likod at may nakasulat.

"Mahal ko 'tong babaeng 'to na ngumingiti nang totoo at ini-enjoy ang moment. You're my one and only, Zia."

Tiningnan ko ang sunod na picture. Gaya nung una, may date din 'to sa baba. Kuha ito nung broken hearted ako kay Keanu at chinat ko si Kevin na pumunta sa special place ko. Umiiyak ako and I look so ugly.

"I also love this side of you. Pinapakita lang nito na minahal mo talaga si kuya nang sobra para iyakan s'ya. I hated myself for letting him hurt you so thank you Zia for letting me heal your broken heart."

'Yung pangatlong picture na tiningnan ko e 'yung selfie namin na naka-pajama kami sa mall. 'Yung sinamahan n'ya ako na mag-mukhang tanga at mag-ikot sa mall. Eto 'yung nakita namin si Allison at Keanu.

"I'd pay fortune to wake up with you looking like this everyday in the future."

Daaakk!! Pinaypayan ko ang sarili ko kasi namumula na ako sa kilig. Tangina Kevin!

'Yung pang-apat e 'yung picture namin nung birthday n'ya na pinupunasan ko s'ya ng pawis dahil nga pinagtripan s'ya ni Sui.

"You'd make a good caring wife and mom for our soon to be children."

NAMULA AKO LALO SA CAPTION N'YA! KEVIN TALAGA!!!!!!

Umiiyak na talaga ako sa sobrang saya at touch sa mga nabasa ko sa likod ng pictures.

Panglima e 'yung kuha namin sa beach. 'Yung kuha ni Pia na kiniss ako ni Kevin sa noo during the sunset. Tangina! Ang romantic pala tingnan neto?!?!?! Kahit silhouette lang kinikilig ako kapag naaalala ko 'yung scene na 'yun.

"Kiss on the forehead means respect. I am always willing to do this again and again, Zia."

Pang-anim, nakangiti ako nang sobrang lapad sa beach. If I remember it correctly eto 'yung tinawag n'ya akong mahal at lumingon naman ako agad!

"I'd kill to see this smile everyday. It is like my daily dose of vitamin; I can't live without it. Fortunately, I won't be in jail cause the person who owns this smile is near so I can see it everyday."

Ang dami kong stolen pictures sa kan'ya during our roadtrip and nung sa beach. May pictures din na magkasama kami at madalas stolen 'yun. Lahat may caption sa likod na sinasabi kung ano 'yung nararamdaman n'ya. Isn't he the sweetest?!

Last kong nakita na picture e 'yung picture namin nung bata pa kami. Mas matangkad ako sa kan'ya tapos ang payat payat pa n'ya. Nakaakbay ako sa kan'ya na parang ate ako. Nakangiti kaming dalawa na parang walang pinoproblema.

"Puppy love or not, love is love. Bata pa lang tayo I know you're the one."

Gusto ko na gumulong-gulong sa sahig sa sobrang kilig dito. Pinakalma ko muna 'yung sarili ko sa kakaiyak at sa kilig.

Lumabas ako ng kwarto na may luha sa mata sa sobrang tuwa. I can't express my happiness and gratitude towards Kevin. Tangina ang effort effort n'ya.

Saka pumunta sa banyo para mag-toothbrush at mag-ayos bago pumunta kila Kevin para magpasalamat.

Paglabas ko ng banyo naramdaman kong may malagkit madulas na nasa mukha ko. Hinawakan ko 'yun at tiningnan. Kulay puti 'yun. Wow haaaa???????

Puta.

Whipped cream.

"HAPPY BIRTHDAY ZIA!!!!!!" sigaw ni Sui saka in-spray-an ako ng whipped cream sa mukha.
"Dakyu," asar na sabi ko saka tinanggal ang whipped cream saka ipinunas sa kan'ya.
"NAMOKA!!!!"

Nakaramdam na naman ako ng malagkit na bagay sa braso ko at nakitang si Pia 'yun.

"Happy birthday, ate. Tanda mo na!"
"Dakyu," ulit ko.
"HAPPY BIRTHDAY BEY!!!!!"

Na-shookt ako nung narinig ko ang boses ni Krista!

"KRISTA?!?!?!?!" Ngumiti s'ya saka inisprayan ako ng whipped cream sa ulo! "DAKYU!!!!" sigaw ko.
"Buti nga hindi itlog, e. Plano pa naman ni Sui itlog 'yung ibato sa'yo," sagot ni Pia.
"Thank you ha??" sarkastiko kong sagot.
"No problem! Hihi." Sira ata sarcasm detector neto ni Sui. Kasing sira ng ulo n'ya.

In-sprayan n'ya ulit ako sa mukha. Tawa s'ya nang tawa. Kinuha ko 'yung mga nasa mukha ko at hinabol si Sui para lagyan din. Ikot lang kami nang ikot at tawa nang tawa habang ini-spray-an n'ya pa rin ako. Hayup ka talaga Sui. Pero... I'm having fun.

Chini-cheer kami ni Pia at Krista. Potek 'yan! Mga abnoy! Mamaya sila sa akin.

Itinaas n'ya ang kamay n'ya at nagsabing stop saka humiga sa sahig habang hinihingal. Hindi ko 'yun pinalagpas at hinilamos ko sa mukha n'ya 'yung wipped cream. Hinayaan n'ya lang ako. Tawa ako nang tawa dahil dun.

Yes best birthday ever!

"Bakit ba ang ing—ZIANDRINA CORTEZ, SOPHIA CORTEZ ANO 'TO?!!"

Uhh oh. Monster's angry. Napa-aray ako nung pinukpok n'ya ako ng hawak n'yang sandok. Huhu birthday na birthday ko, e.

"BAKIT KAYO NAGSASAYANG NG PAGKAIN?! IKAW ZIA MALIGO KA NA ANO BA 'YANG ITSURA MO?!" sigaw n'ya sabay lingon kay Sui nang nakangiti, "ikaw Sui anak, magpalit ka na ng damit mo at maligo na rin." Bakit sa amin nakasigaw s'ya tapos kay Sui ang bait n'ya e si Sui ang pasimuno?

"AYUSIN N'YO 'YANG NAGKALAT D'YAN BLAH BLAH BLAH."

Huhuhu ayan na naman si inay and her machine gun.

After ko maligo nilinis na namin 'yung kalat ng whipped cream. Si Sui tawa pa rin nang tawa dahil ambait daw ni inay sa kan'ya. Unfair si inay. May favoritism huhu. S'ya ba anak?! S'ya may birthday?!

After nun binato sa akin ni Pia 'yung isang dress na black. Off shoulder 'to na long sleeve. Below the knee ang haba. Plain black lang s'ya at wala nang keme na kung ano. My style. Sinuot ko naman 'yung black na vans na binigay sa akin dati nung birthday ni Kevin. Birthday na birthday ko naka-itim ako pero that's okay. Hihi. Gusto ko nga 'yun, e.

Pinilit ako ni Krista na mag-make up. Tinanong ko s'ya kung anong nangyari sa probinsya pero sabi n'ya joke lang daw 'yun kasi binayaran daw s'ya ni Kevin para mauna s'yang bumati at para daw dramatic. Ewan ko ba sa mga 'to. May mga saltik na ata kakadikit kay Sui.

Piniringan ako ni Krista habang humahagikhik. Hindi kaya ipatapon nila ako sa isang creek?! Joke lang alam kong hindi gagawin ni Krista 'yun. Pinasakay ako ni Krista sa kotse nang nakapiring though inaalalayan n'ya ako.

"Alam mo ba kung saan kita dadalhin, Zia?" TEKA TINAWAG N'YA AKONG ZIA. BAKIT HINDI BEY?! AT BAKIT SERYOSO ANG BOSES N'YA?! Parang sa isang iglap nawala lahat ng saya ko. Itatapon n'ya ba talaga ako sa creek?
"S-saan?" nauutal kong tanong kasi natatakot talaga ako. Paano kung panaginip lang pala ang lahat tapos wala palang ganap o kaya paano kung budol-budol 'to tapos ginaya lang 'yung mukha ni Krista? Omg inay!! Huhuhu I love my laman loob pa. I don't want to die yet.
"Tatapon kita sa talahiban," bulong n'ya sa akin. Naramdaman kong nagbutil-butil 'yung pawis ko sa noo tapos kinakabahan ako. Huhu ibalik n'yo best friend ko!
"Bakit?" kinakabahan kong tanong sa kan'ya.
"Sa totoo lang, galit talaga ako sa'yo, e."

Huh?? Galit si Krista sa akin?! Tangina. Aray.

Naramdaman kong nagtutubig 'yung mga mata ko. Sobra akong nasasaktan na parang pinasabog 'yung puso ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Mas masakit pa sa panrereject ni Keanu sa akin. Kahit i-reject ako ni Keanu nang ilang ulit ayos lang 'wag lang akong iwan ni Krista.

Tatanggalin ko sana 'yung piring pero agad na pinigilan ni Krista sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Naramdaman ko na may malamig na bagay na nakakabit sa aking braso-posas pala. Tangina. Sinubukan kong hilahin 'yung mga braso ko pero malakas si Krista. Pilit n'yang inilagay sa likod ko 'yung mga kamay ko saka pinosasan nang maayos.

"Manong, tara na," ma-otoridad na utos ni Krista dun kay manong daw saka naramdaman kong umandar ang kotse.

Naramdaman kong tumutulo na ang luha ko kahit na nakapikit ako at may piring. Feeling ko na-kidnap ako pero mas nananaig sa isip ko e 'yung galit sa akin si Krista.

"Kinuha ko ang loob nila. Nagpanggap ako na masaya ako na icelebrate ang birthday mo pero hindi! Nasasaktan ako, Zia! Naisip ko bakit hindi na lang kita ibenta para sa gano'n matulungan ko mag-move on si Kevin, 'di ba?"

Napasinghot ako. Ang sakit talaga. Tangina. Mas gusto kong maging single forever na lang kaysa mawalan ng Krista sa buhay ko. Pero kung sasaya si Krista sa pagbenta ng laman loob ko, sige tatanggapin ko na.

"Sa'yo na si Kevin," agad kong sagot sa kan'ya. Kaya kong patayin 'tong sumisibol na nararamdaman ko kay Kevin kung 'yan ang ikasasaya ni Krista. Kung masisira lang naman kami dahil sa lalaki e willing kong ibigay si Kevin sa kan'ya. Krista deserves to be happy.

Tumawa s'ya na parang nanunuya.

"Tingin mo gano'n lang kadali 'yun, Zia? Kailangan mawala ka nang tuluyan bago mapasa'kin si Kevin. Hangga't nandito ka pa hinding-hindi s'ya titingin sa akin. Bakit kasi hindi na lang ako?! Bakit ikaw pa na best friend ko? 'Yun nga lang hindi na kita tinuturing na best friend ngayon."

Kasabay ng bitaw n'ya ng mga salita ay ang paghikbi ko. Tangina! Feeling ko namatayan ako dahil sa sinabi n'ya. Hindi na ako best friend dahil kay Kevin? Wala nang mas sasakit doon. Putang shet naman, e. Birthday ko, o.

"Krista, 'wag ka namang gan'yan." Halos wala nang boses na lumalabas galing sa labi ko. Kung kaya kong lumuhod, luluhod ako 'wag lang mawala si Krista sa akin. Pero syempre dahil nasa kotse kami ngayon at nakaposas ako hindi ako makaluhod.

"Sinabihan ba kita n'yan nung inagaw mo si Kevin sa akin?! Mahal na mahal ko si Kevin, tangina! Kung kaya ko lang s'yang pilitin na lingunin ako, pipilipitin ko ulo n'ya para sa akin naman s'ya tumingin e kaso kapag ginawa ko 'yun, gagawa at gagawa pa rin s'ya ng paraan para tumingin sa'yo kahit nasa malayo ka pa. Ilang taon akong nagtiis Zia, o tapos sasabihin mo 'wag ganito? Hindi mo naramdaman, Zia."
"Naramdaman ko rin Krista. Naramdaman ko pero hinding-hindi mapapantayan ng sakit na naramdaman ko kay Keanu 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon."

Tangina. Worth it ba lahat nang ito? Parang ayoko na. Gusto ko na lang bumalik sa dati kong boring na buhay, at least hindi ako nasasaktan nang ganito. Is it really inevitable?

"Nilamon ka na ba talaga ng galit, Krista?"

Matagal bago s'ya nakasagot.

"Oo."
"Sorry. Alam kong walang magagawa 'yung sorry ko sa'yo. Walang magagawa 'yung sorry ko para maghilom 'yang galit sa puso mo. Walang... walang magagawa ang sorry ko sa sakit na dinanas mo sa ilang taon na nangyayari 'to. Sorry Krista." Kahit anong pigil ko sa pagtulo ng mga luha ko hindi ko magawa. Tinanggal ko ang sapatos ko gamit ang paa ko saka itinaas 'yun. Ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko saka humikbi.

Hindi s'ya sumagot.

"Krista igi-give up ko si Kevin para sa'yo. Si Kevin lang 'yan, e..." Hindi na ako makapagsalita nang maayos dahil sa baradong ilong at minsanang paghikbi ko. "Pero ikaw Krista, best friend kita since sperm cells tayo, e. Kung gusto mo ako ibigay sa mga budol-budol, sige papayag ako kung d'yan ka sasaya."

Hindi na s'ya sumagot. Pinakalma ko lang ang sarili ko. Basang-basa 'yung piring na ginamit sa akin ni Krista.

Tangina, birthday ko, o. Dapat pinagbukas na lang n'ya. Bakit ngayon pa?

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Sa sobrang tagal ko sa loob ng sasakyan na 'to para akong tumira dito ng ilang linggo. Hindi ko kaya na nasa iisang lugar lang kami ni Krista pero hindi kami nag-uusap na parang walang bukas. Parang butas ang puso ko ngayon dahil sa halo-halong nararamdaman ko.

"Manong pakibuhat nga s'ya. Ayoko na s'yang hawakan, e."

Tangina.

Napahagulgol agad ako dun. Krista naman, kaya ko namang layuan si Kevin, e. Gusto ko bati lang tayo. Okay lang tayo kahapon, a? Nanunuod pa tayo ng Stranger Things. Kinikilig ka pa kay Steve.

Naramdaman kong may humawak sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi hayaan s'ya. Masyado na akong drained sa kakaiyak. Naramdaman kong inupo ako sa kung saan at naramdaman kong umandar ito. Parang wheelchair ata.

Humihikbi pa rin ako.

Sana man lang binigyan ako ng chance ni Krista na magpaalam sa kanila bago n'ya ibenta ang laman loob ko. O kaya sana nagbati muna kami para wala akong regrets kapag namatay ako-kahit magpaka-plastic lang s'ya.

"Krista wala na bang chance na maging okay tayo sa sandaling oras ng buhay ko?"

Hindi s'ya sumagot. Silence means yes pa rin ba?

Tangina naman kasi netong posas sa kamay ko at ng blindfold. Nakakabadtrip. Gusto ko makita kung ano'ng reaction ni Krista, kung totoo ba 'yung pinagsasasabi n'ya. Kung wala na ba talaga akong puwang sa puso n'ya.

Naramdaman kong may bumuhat sa akin na parang sako. Tangina be gentle naman. Huhu. Hindi ka ba naaawa sa akin?! Nakasampay ako sa balikat n'ya. Tangina kakatayin na ata ako.

Pia, kahit na gago ka mahal kita. Masaya ako na naging open ka na sa akin.

Inay, itay. Mahal ko kayo. Kahit machine gun ang bunganga ni inay mami-miss ko 'yan.

Kevin, bantayan mo si Krista. Kahit naman parang strong 'yan mahina 'yan emotionally. Nagtatago 'yan sa maskara n'ya.

Kea—Napatigil ako sa pag-iisip ko ng huling habilin ko nang naramdaman kong ibinaba ako. Tinanggal na 'yung posas kaya agad kong pinunasan 'yung sipon at luha na nagkakalat sa mukha ko. Marahas na tinanggal 'yung blindfold na suot ko. Tumama sa mukha ko ang nakakabulag na liwanag. All the time ba naman wala akong makita, e.

Hinintay kong mag-adjust ang mga mata ko.

————————

Neko's note: sorry for the lack of update guyssss. Sobrang busy ng college life ko :(( hope you guys understand love youuuuu.

Ps: please read my one shot story entitled Cleaners. Salamat ;)

HAPPY 12K READS!!! ❤️❤️

V O T E
C O M M E N T
S H A R E

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro