Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fifteen

Chapter Fifteen

Nandito kami sa mall ngayon. At sinure ko nang hindi sira 'yung zipper ng short ko.

Past is past.

Nang makabili kami... sinaksak ko sa tenga ko 'yun pero hindi tumutunog. Wala lang. Gago lang. Hahaha.

"Mcdo tayo beyyy~"
"Tara," sabi ko sabay lakad papuntang Mcdo. Um-order na si Krista kasi hindi talaga ako nago-order.

It is the same spot where I saw Keanu. Asar na asar pa ako sa kan'ya nun. Hanggang ngayon naman.

Napangiti ako. Kung makapag-salita ako parang ilang araw kaming hindi nag-usap ah.

"Bey!" tawag sa akin ni Krista habang hawak ang tray. Waaahhh

BFF fries. Saraaaap. Haha ayos na ako. Fries lang buhay na ako forever.

"Bey."
"Hmm?"
"Sorry," sabi n'ya sabay yuko.
"Bakit?"
"Wala." She smiled. May nagawa ba s'ya? Nabuntis ba s'ya? OMYGHAD!!
"Krista?"
"Wala talaga. Cr lang ako." Tapos umalis s'ya.

Hehe false alarm. Iba pala.

Pero kung may problema sya...

Magsasabi naman s'ya kung may problema s'ya. Baka hindi n'ya lang kaya. Hintayin ko lang na mag-open s'ya sa'kin. Hindi dapat pilitin kahit na kating-kati na ako na magtanong.

Pero dahil wala s'ya. Uubusin ko 'tong fries. Hehehehehe

Hanggang sa naramdaman ko na may umupo. 'Di ko na lang s'ya pinansin.

"Bilis mo Krista ah. 'Di ka na natatae?"

Sabi ko habang nakatingin sa fries at iniisip kung pano ko pagkakasyahin sa bunganga ko yun. Hehe.

"Uubusin ko sana yung fries eh. Kaso dumating ka agad. Kakaalis mo pa lang eh."

Hindi pa rin s'ya sumasagot kaya tiningnan ko s'ya.

Nanlaki ang beautiful eyes ko. Shet!!

Kingina.

Andun si Keanu sa tabi ko. Nakangiti nang nakakaloko.

"Your sister and your bestfriend love me so much."
"Talaga?" sabi ko nang nakangiti. Pero ang totoo gusto ko s'yang ingudngod dito sa fries kaso naisip ko na sayang ang effort at fries.
"Uhh huh. So you're avoiding me, aren't you?"
"S-sinong nagsabi sa'yo na iniiwasan kita?" tanong ko sabay tumingin sa fries.

At taenang dila 'to. Bakit 'pag kaharap si Keanu hindi ka nagfa-function nang matino?

Gagong Krista. Alam ko na kung ba't s'ya nagsosorry. Magpapalibre ako ng sampung BFF fries sa kan'ya 'pag nakita ko s'ya.

"Don't make me look stupid Zia." shit! Bakit ganun yung boses nya? Parang nagmamakaawa... nasasaktan.
"Sino bang nagsabing pinagmumukha kitang tanga?" naiinis na sabi ko. Kingina naiinis ako sa mukha n'ya. Ilaglag ko kaya s'ya sa dagat kasama ng first love n'ya?

"Wala. Pero nararamdaman ko."
"Never assume unless otherwise it's stated."

TAKE THAT!!!

Wow Zia. So hipokrita mo naman pala talga. Wow. Eh ikaw nga 'yung assuming dyan.

Pero badtrip kasi. Paparamdam ka sa'kin tapos may first love ka pala.

Joke. Sinisi natin s'ya e ako naman talaga nag-assume.

Teka tumigil ka nga Zia. Tatanga-tanga ka na naman eh.

"Sa ginagawa mo hindi ko maiwasang mag-assume."

Wow. Such wow.

"Hindi ba dapat line ko 'yan?" inis na sabi ko. Wala akong pake kung mukha na kaming shunga na nagdadrama! Wala akong pake kung ano iniisip nila.

Basta ang alam ko e nasasaktan ako.

"A-ano?" maang n'yang tanong.
"Pinag-aassume mo ko Keanu. Puta."

Bakas ang gulat sa mukha n'ya.

"Bakit ka kasi gumagawa ng ganung moves sa'kin? Hindi ko maiwasang mag-assume. Kingina," sabi ko tapos tumayo. Peste. Aalis na ako nung may sinabi s'ya.

"Dahil ba 'to sa nabanggit ko sa park?"

Hindi ko na s'ya pinansin saka ako naglakad palayo. Damang-dama ko ang tinginan ng tao. That was a show.

Gusto kong umiyak. Gustong-gusto ko na. Pero ayoko. I'm a tough cookie and I shouldn't cry. I'm a fucking tough cookie!!

Fuck you Keanu Fuentes for making me feel this way.

Pero mas naiinis ako sa sarili ko kasi ganto nararamdaman ko.

Sumakay na ako ng jeep. Sa bahay namin ako uuwi. Tough cookie ako. Oo. Iiyak ako 'pag hindi na nila ako nakikita. Bakit nga ba ako iiyak? Hahahaha mukha akong tanga.

Alam kong mukha na akong natatae na naka-drugs kasi pinipigilan ko yung luha ko.

"Ne. Kulang ba yung pamasahe mo? Bakit ka umiiyak?" tanong ng matanda sa harapan ko?

Huh? Ako umiiyak? Hinawakan ko yung pisngi ko. Kingina. Hindi ako umiiyak sabi eh. Lalo akong napahagulgol. Tinitingnan na ako ng mga tao sa jeep. Nararamdaman ko.

Inabutan ko ng 100 nung matanda sa harapan ko.

Wow. Rk.

"Ne. Mukhang malayo pa yung uuwian mo. Hindi ka iiyak kung malapit lang. Eto na oh. Maynila kasi 'to. Mag-ingat ka ha? Wag ka nang magpapadukot ng wallet."

Pilit n'yang inaabot yung isangdaan pero I don't care. Makakauwi naman ako.

May mga pasaherong nagbigay ng 20 dun sa matanda sa harapan ko.

Humahagulgol lang ako dun.

"Ne. Eto na oh. Makakauwi ka na. Sana hindi ka budol-budol."
"Nay. Hindi na po. Okay lang po ako," sabi ko habang naluha pa rin. Tangina namang luha 'to ayaw tumigil. NAKAKAHIYA GAGO!!

Pinilit n'yang kunin ang mga kamay ko at nilagay ang pera dun.

Wala na akong nagawa. Sumigaw 'yung driver na libre na ako sa pamasahe.

Teka. Bakit ako napunta sa gan'tong sitwasyon?

Umuwi ako ng lutang. As in lutang talaga. Pero wow. Nagka-pera ako. Blessing in disguise din 'to.

Hindi ko alam kung paano nangyari yun. Shit.

Dumerecho ako sa bahay namin. Nung bubuksan ko na 'yung gate naka-lock tapos may naka-usling sulat sa mailbox. Kinuha ko 'yun at binasa. May pakiramdam na ako dito.

"Zia. Wag kang maarte. Alam kong dito ka dederecho 'pag nalaman mong pinagkaisahan ka namin. Nakuha ko na 'yung mga damit mo. Nasa kwarto mo 'yun. Kung gusto mong kunin 'yung susi nasa underwear ni Keanu. Hehe Labyu sis."

Inis na inis ako sa nabasa ko. 'Yung mapapaiyak ka na sa inis? Pero hindi. Tough cookie ako. Me will not cry here!

Not again.

Wala naman akong choice kaya pumunta na ako sa bahay nila Keanu. Magkukulong na lang ako.

Sa garden pa lang ay nakita ko na si Kevin. Akala ko 'di n'ya ako papansinin pero nagulat ako nung nagsalita s'ya.

"Teka. Zia."
"Hmm?" I smiled faintly kasabay nang pagtigil ko.
"Namumula ilong mo. Umiyak ka? Bakit?"
"Hindi."
"Hindi pala. Umiyak ka nu?"

Don't ask me please. Masakit ang puso ko.

"Zia. Punta ka rito," sabi n'ya saka tinap 'yung space na nasa tabi n'ya.

Nginitian ko na lang s'ya saka ako umupo sa katabi ng inuupuan n'ya.

"Don't give me that smile, Zia."

I sighed.

"Ano palang ipapakita ko sa'yo?"
"Yung nararamdaman mo ngayon."

Hindi ko alam pero parang nag-trigge 'yun para mapaiyak ako. Alam mo 'yung ayaw mong umiyak but they're encouraging you to cry?

Unti-unti nang tumulo ang luha ko.

"Ang sakit na kasi Kevin."
"Shh. Iiyak mo lang 'yan," sabi n'ya saka tumayo sa harap ko. Hinawakan nya 'yung buhok ko at pinat 'yung ulo ko.

"You can hug me. I can be your tissue or a pillow, i don't care. Ang importante e maging okay ka."

I need a hug especially now. It feels like the whole world betrayed me.

Nakatayo siya habang ako nakayuko tapos nakasubsob 'yung mukha ko sa tyan n'ya.

Uy may abs oh!

HOY ZIANDRINA! BROKEN HEARTED KA BAT NAGLALANDI KA DYAN!

"Ano bang nangyari?" tanong n'ya. Bakas ang pag-aalala sa tono ng boses n'ya.

'Di ko s'ya sinagot. Bakit nga ba kasi ako umiiyak?

Ah... kasi nakapag-open up ako kay Keanu. Salot talaga si Keanu sa buhay ko, e.

Ayokong umiiyak kasi hindi na tumitigil. Kingina naman, e.

"Okay. Naiintindihan ko na ayaw mo sabihin madaldal naman si Krista, so let it all out, okay?" He said while tapping my back.

I just nod. Still sobbing.

Parang nakayakap na s'ya sakin kasi yung kamay nya e nasa likod ng ulo ko tapos nilalaro nya 'yung buhok ko. Parang kino-comfort. Ganun.

I felt safe in his arms.

We stayed like that for a while. Nakakahiya man pero wala e I badly need someone right now.

"Kevin?"
"Hmm?"
"Can I hug you... uhm properly?"

He laughed.

"Yes. You can."

I stood up while chuckling then hugged him. Matangkad si Kevin. Pero mas matangkad si Keanu.

Sumingit si Keanu sa utak ko. Layas d'yan.

"Sobrang kelangan ko ng hug ngayon."
"I know."

I sighed. 'Di na ako umiiyak. Naubos na yata 'yung tubig ko.

Humiwalay na ako sa yakap ko sa kan'ya.

"Thank you. You made me feel better." I smiled.
"That's nothing. You know, you can talk to me when you feel like there's no one to talk to."
"Noted. 'Di ko alam na may gan'to ka palang side."
"Meron naman talaga. 'Di mo lang pansin. Busy ka eh," he said. Staring at the sky.
"Busy?"
"Yeah. You're busy," inulit n'ya pa yung sinabi n'ya. I don't get him.
"'Di ko gets."
"Slow ka kasi," sabi n'ya saka tumawa.

Shit. Ang pogi n'ya. Pero... mas pogi si Keanu.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro