Epilogue
Epilogue
Paglabas ko sa room ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kevin.
Good thing, hindi pa siya nagpapalit ng number. Hindi niya sinasagot at nakailang tawag na ako sa kaniya so I decided to leave him a message.
"Let's talk. I'll be waiting in my special place."
Nag-cut na ako ng tuluyan. Hindi ko alam. Ang nasa isip ko lang ngayon ay makausap si Kevin at ayusin ang katangahang ginawa ko.
Sumakay na ako ng bus para makapunta sa special place ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong mangyayari.
Nung sinabi ni Faith 'yun. I realize something and it's been stupid of me to not realize it sooner. The signs are already there and I chose to ignore it.
I called Keanu...
God... nanginginig ako sa kaba. Nung sinagot niya ay halos hindi ako makapagsalita.
"Babes?? Yuhooo. Bakit?" tanong niya.
Napa-buntong hininga ako at napatingin sa bintana ng bus.
"I'm sorry..." mahinang sabi ko. Ayan tuloy! Naiiyak na naman ako. Hayup! Bakit ba kasi ang komplikado ng life ko??
Tumawa si Keanu. And up until now, hindi ko alam kung totoo 'yun because he became so good hiding inside his mask.
I guess, it's true that if you love a person, you should not be afraid to show him your weaknesses, and that is what Keanu failed to do. He got scared of showing me that he is also a human... he also gets hurt.
"Na-realize mo na? Tagal din, ah?" tumatawang sabi ni Keanu.
"Ang alin?" nagtatakang tanong ko.
Ang tagal niyang sumagot. I heard him sigh.
"That you chose the wrong guy," he said like it is the most obvious thing in the world.
"H-huh?" Tumawa lang siya lalo.
"Alam ko na, Zia. But I am selfish, gusto ko akin ka lang kaya hindi ko sinabi. Enjoy it while it lasts nga 'di ba? Kahit na nasasaktan na ako sa paulit-ulit mong pag-iisip sa kapatid ko. K-kaya..." his voice broke kaya umubo siya ng konti.
Damn.
Is he crying??
He sniffles.
"Kaya hinayaan kong akin ka muna. Wala, e. I am a selfish jerk. Anong magagawa ko? Ginayuma mo ako. Nilagay mo talaga sa brief ko 'yung gayuma, e." Nakuha niya pang mag-joke... hindi ako napatawa dahil narerealize ko kung ano 'yung bigat ng mga desisyon ko.
"Keanu..."
"Don't worry Zia. I've been preparing for the worst. Don't worry, hindi na ako manggugulo. I love you so much," he said then ended the call.
Somehow... that talk felt so good. Parang may mabigat na bagay na nawala sa likod ko. I am happy that everything went smoothly... kahit na nasaktan ko si Keanu.
Nang makarating ako sa safe place ko ay naghintay lang ako. Umupo ako dun sa bench na lagi kong inuupuan.
Hayyy, nakaka-miss ang lahat and I am happy na this is almost over, that finally, I am making the right choice.
Because... I now know that I love Kevin... with all my heart.
****
I've been waiting for three hours now at wala pa rin si Kevin. Tinawagan ko siya pero out of coverage ang phone niya.
I am getting worried. Should I go back now?
Naisip ba ni Kevin na hindi na ako worthy ng pagmamahal niya? Na I'm just an indecisive bitch na hindi alam ang tama unless may tulong ng iba?
Pero hindi, I'll wait for Kevin kahit na anong mangyari! Dito lang ako.
Nag-reminisce na lang ako ng mga masasayang bagay para maiwasan ang pag-aalala because alam ko na hindi makakatulong ang pagiging paranoid. I shouldn't be. Kung ayaw ni Kevin, for sure sasabihin niya 'yun sa akin.
I waited for another 30 minutes nang may tumawag sa akin.
Si Pia.
Bakit tumatawag 'tong abnoy na 'to?
"ATE!!!!" sigaw ni Pia.
"Parang gago 'to. Makasigaw naman, parang walang bukas!"
"May aksidente..." sabi ni Pia na hinihingal.
"HA???"
"Si Kevin kako... may aksidente."
Parang nabingi ako sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimula akong manginig.
Nakaupo ako pero bakit feeling ko nanghihina ako? Naging jelly ang mga tuhod ko at hindi ako makapag-isip nang maayos.
Si Kevin??
Naaksidente?
Tumulo na ang mga luha ko at sunod-sunod iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala si Kevin... hindi ko kakayanin. Ngayon pa na naamin ko na sa sarili ko na si Kevin talaga ang mahal ko.
Halos hindi ako makapagsalita sa sobrang kabang nararamdaman ko. Parang hinila ang lakas ko at parang nagkaroon ng malaking butas sa puso ko. Hindi ko alam gagawin ko... hindi ko alam.
"ATE??!?!?! ASAN KA NA BA?!" sigaw ni Pia kaya napatalon ako nang bahagya.
"Ha?"
"Jusko ginoo, nakikinig ka ba?" asar na tanong niya.
"Saang ospital dinala?" tanong ko.
"Sa Neko's Hospital daw... teka pakialam mo ba?" tanong niya.
"AAMIN AKONG MAHAL KO SIYA!!!"
Narinig kong nalaglag ang cellphone ni Pia.
"ANO?!"
"OO NGA KAYA SABIHIN MO SA AKIN KUNG SAANG OSPITAL DINALA SI KEVIN!"
Natahimik naman sa kabilang linya at narinig kong may tumawa nang tumawa.
Luh.
Tangina??
"Bobo ka talaga ate. Sabi ko, nag-chat sa akin si Kevin. Lowbatt daw siya at naiwan ang cord at wallet sa school kakamadali. May naaksidente sa daan kaya traffic at hindi siya makarating agad. Naki-online lang daw siya sa computer shop na nagmamakaawa."
Ha??? Jusko. Sayang lang pala luha ko. Iyak iyak pa ako rito. Hay nako Zia. Bobo ka nga talagang tunay.
"Paano ka niya chinat?"
"May ibang facebook si Kevin na naka-block ka kasi puro kadramahan. HAHAHAHA. Anyway, kwento mo sa akin 'yan mamaya, ha? Finally, you stopped fooling yourself... kasi ate, kita naming lahat, e," sabi niya saka binabaan ako.
Natawa naman ako sa sarili ko dahil sa kaka-overthink ko sa mga pangyayari.
Maybe... Faith is right... mahal ko nga talaga si Kevin at kita ng lahat 'yun.
Hindi rin nagtagal ay nakita ko si Kevin... pawis na pawis siya pero nakangiti. Hinihingal siyang lumapit sa akin.
Tumatama sa kaniya ang sikat ng araw. Ayan, parang may spotlight na naman! Ang pogi niya... sobrang pogi niya. Damn it! Bakit ba ako minahal ng lalaking ito?
Damn. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na parang natatae. Jusko.
Pinaupo ko siya sa tabi ko. Ngayon lang ulit kami nagkatabi ng ganito. Dak, ayan na naman... I felt safe... I feel really safe now that he's here. It is like he's telling me that everything is all right kahit na hindi naman siya nagsasalita.
Hinahabol niya ang hininga niya nang magsalita ako.
"Mahal kita."
Nasamid naman siya dahil sa biglaan kong pagsalita.
"H-huh?"
"Sabi ko, mahal kita," pag-uulit ko pero kumunot lang ang noo niya.
"Zia, 'wag mo na akong saktan please," nagmamakaawa niyang sagot sa akin. "Mahal kita per—" hindi na niya naituloy nang tumayo ako halikan ko siya sa labi. Nung una ay hindi siya tumutugon pero pagkuwa'y tumugon din siya. I felt his smile pero agad din siyang humiwalay.
"Faith made me realize after series of slap," sabi ko saka tumawa.
"Sinampal ka niya?!?!?" gulat na tanong niya sa akin.
"Yeah, pero she made me realized that it's you who I love."
"How?" nagtatakang tanong niya. "Akala ko... akala ko... si kuya?"
I smiled.
"Turns out, infatuated lang ako sa kaniya. I chose him at first kasi wala kaming closure at nanghihinayang ako sa amin... but other than that? Lagi ko kayong pinagcocompare. Lagi kitang binabanggit sa kaniya. I even said na nami-miss na kita sa harapan niya, e. The signs are all there Kevin, I just don't want to admit that I made a wrong choice and i hurt you with it."
Tinitigan niya lang ako sa mata.
"So... so it means... you are choosing me? You love me??"
Marahan akong tumango.
"Hindi mo mahal si kuya? Ako 'yung mahal mo?" Tango ulit. "Hindi ba ako nananaginip? Ako ba talaga? Si—" hinalikan ko ulit siya para matahimik.
"Oo, Kevin... ikaw na talaga."
I can feel that he's crying... hindi dahil sinaktan ko siya.
Tumayo siya at tumalon-talon. Kita ko ang saya sa mga mata niya. I just watch him, jumping happily like he's won P 5B. The view made me smile. His smile made me smile, too. And now, I don't know but my tears stream my eyes. Parang ang saya ko rin na nakita ko siya. Ang saya ko rin na masaya ang taong mahal ko.
I began jumping with him too and now we look like two idiots jumping.
Tumigil siya at tinitigan ako sa mata. He hugged me so tight and buried his head into my shoulders. Now, he's crying again.
"Mahal, sobrang mahal kita. Hindi mo alam kung gaano ako nahirapang tanggapin na ayaw mo na sa akin. Mahal na mahal kita. Sobrang saya ko na mahal mo rin ako. Tangina, gusto ko nang ilibre ang buong mundo dahil sa sobrang saya ko. Don't leave me like that again, okay?" I chuckled.
"I won't mahal, I won't."
He looked me directly into my eyes. His tears are glistening, the sunset gives him that 'light' which makes him way more handsome.
His eyes, expresses his love and happiness he feels at the moment and I love him like that.
Damn. I do love this man.
"Hindi pala sa lahat ng oras, 'yung unang nakita mo 'yung makakatuluyan mo," he said. I just chuckled again.
"That's where you're wrong, mahal. Ikaw una kong nakilala, 'di ba?"
Napa-oh lang siya saka hinalikan ako sa pisngi. Tanginaaaa ang landi namin!!!
He kissed me on my forehead... I smiled and whispered:
"I love you."
★★ E N D ★★
Neko's note: OMG!!!! THIS FINALLY ENDED!!! ZIPPER MO BUKAS HAS FINALLY ENDED AND MY HEART IS JUMPING OUT OF JOY.
THIS IS THE FIRST STORY THAT I'VE FINISHED NA HINDI ONE SHOT. DAMN IT!! I'M SO HAPPY.
First, I wanna tell you how thankful I am for reading this story. Without you guys, wala ito.
Second, the end is decided since April last year pa. I actually had a hard time choosing kasi minahal ko 'yung dalawang leading man ko. Potaaaa. HAHAHA. Pero ayun, nung April I decided na it should be Kevin afterall kasi lagi na lang 'yung unang nakilala.
Third, uhm MAY GIFT AKO SA INYO!!! CHECK MY NEXT CHAPTER HEHE.
LOVE YOU GUYSSS. SUPPORT MY OTHER STORY, PLEASE??? HEHE.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro