Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Eighteen

Chapter Eighteen

Positive namumula talaga ako. Kingina talaga netong Keanu na 'to.

"Kiss koooooooo."

Lalalala wala akong naririnig. Kahit na natatae na ako sa kilig.

"Ako na lang kikiss sa'yo. Hehehe," sabi ni Keanu at unti-unting inilapit ang nguso sa aking pisngi.

"MGA MALALANDI!" sigaw ni Sui.

Anak ng tatay! Bitin!

Anong bitin Zia? Bumalik ka sa utak mo.

"Anong gagawin n'yo habang wala ako? Mga taksil! Ipapabaril kita kay Heneral!"

"Kape tayo Sui?" sabi ni Keanu.

Anak ng. Alas dose ng tanghali magkakape? Abno talaga.

"Tara!!!" sabi ni Sui habang kumikinang ang mata.

Okay. I'll assume that Sui loves coffee.

"Manang patimplahan nga ng kape to si Sui," sigaw ni Keanu.
"Sir. Sigurado po kayo? Nakadalawang kape na po yan si ma'am Sui."

Dalawa? Wtf.

"Ay. Wag na pala magkape. Nakapag-kape ka na pala eh."

Narinig kong may suminghot.

"Ehhhh. Sabi mo magkakape. Pinaasa mo koooooo." Shit. Nagta-tantrums ba s'ya?
"Nakadalawa ka na kasi eh. Baka ikamatay mo ang kape," sabi ni Keanu. Mahinahon s'ya magsalita. Bakit ganun? His attitude changes while talking to her.

"Ayos na yun. At least ang kinamatay ko eh kape. Hehehe"
"Sui. Isa," medyo galit na si Keanu. Pero malamang galit-galitan lang yun.
"Dalawa. Tatlo. Apat. Limaaaaa~ now. Gimme my coffee and shut your fucking mouth up." Crap. Munggago si Sui.
"No."
"Gimme my coffee or I'll slit your throat." She gave Keanu a death glare.
"Then slit my throat," he said habang naka-smirk.
"Ohh... You're not scared." Tumingin sa'kin si Sui. "Would you allow me to slit this bitch's throat?"

Wait. Mamamatay ako dahil sa kape?

"No way!" sabay naming sigaw ni Keanu.

Nagkatinginan kami. He's concern. Kinikilig naman ako. Hehehe

"So you two would just stare at each other, eh?" Napa-iwas ako ng tingin kay Keanu. Tae naman kasi eh. Kinikilig me.

"Kape ko?"
"Psh. Manang patimpla nga po ng kape para kay Sui."
"Good," Sui said. Tapos pi-nat yung ulo ni Keanu.

Sila ba? Bakit ganun? Pero concern sakin si Keanu eh. Pero buti pa si Sui nahahawakan yung buhok n'ya ako hindi pa.

"Saan ka natulog kagabi Sui?" Nagtataka talaga ako eh.
"Sa kwarto ni Keanu," sabi n'ya na parang sanay na s'ya at lagi n'yang ginagawa yun.
"Seryoso?"
"Yeah. Bakit? Sa kwarto naman talaga ni Keanu my loves ako natutulog eh."
"Ahh. Wala naman," sabi ko saka ako napatingin sa baba.

Gusto ko ring tumabi sa kan'ya. Gaya nung isang araw. Gusto ko rin s'yang yakapin. Teka. Bakit gan'to mag-isip ang utak ko. Manahimik ka. Nahahawaan ka na ng pagiging abno ni Keanu.

"You're weird," Sui said.

Ang sakit sa puso na masabihan ng weird ng taong pinaka-weird sa lahat.

"Sui, ikaw ang pinaka-weird," sabi ni Keanu.
"Yeah. I know. It's not an insult tho. It sounds like you're complimenting me."

After ng ilang sandali, dumating na ang kape ni Sui.

Kinausap n'ya si Keanu and I look like a potato. Okay. Sabi ko nga eh. Kakain na lang ako. Halos patapos na ako pero eto. Hindi pa rin n'ya napapansin na out of place na ako sa usapan nila ni Sui.

"I found a store that sells band shirts," Sui said. Hays sila na mahilig sa banda. Patatas naman eh.

Eh ang ginagawa ko lang eh matulog at humiga. 'Di nga ako masyadong nag-fefacebook.

"Really? Saan?"
"Rizal. Sama ka? Tara."
"Ano bang meron dun?"
"All Time Low, Blink 182, Fall Out Boy, Pierce the Veil, Sleeping With Sirens. 'Di ko na maalala eh."

Isa-isa kong nilagay sa utak ko 'yung binanggit ni Sui. Makikinig din ako sa banda. Kelangan ko rin s'yang makausap about dun.

Napaka-inggitera ko talaga. Leche eh kasi naman nakaka-inggit. Sila nag-uusap. Ako out of place.

Napa-buntong hininga na lang ulit ako at saka tumayo. Tinamad na akong tapusin yung pagkain ko.

"Tapos ka na?" tanong ni Keanu. Napansin n'ya palang nandito ako.

"Yeah," matamlay kong sabi. Bakit ba kasi ako nag-iinarte ng gan'to?

Uminom na ako ng tubig saka umalis.

Saka pumasok si Krista.

"Bey sorry."

'Di ko s'ya pinansin. Hindi dahil galit ako sa kan'ya. Kasi wala ako sa mood.

Ibig-sabihin ba nun mas mahalaga si Sui? Eh ano naman kung mas mahalaga s'ya? Mukha namang sila eh. Gusto ko na talaga s'ya.

Ayoko nang gan'to.

Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang earphone at phone ko.

Pumunta ulit ako sa garden. Na-uurat ako sa kwarto ko eh. Hindi na naman ako makakapag-isip ng maayos pag nandun ako sa kwarto.

Umupo ako sa dating pwesto. Saka isinaksak ang earphone ko sa tenga. Kanta ni Taylor Swift 'yung tumutugtog.

Tumingin ako sa garden. Maganda. 'Di naman ako maalam sa mga flowers pero ang ganda ng pagkakagawa. May mga puno pa sa likod bahay. Kaya malamig.

You Belong With Me. Yeah. He belongs to me. Natawa ako sa utak ko. Nababaliw na yata ako.

'Oo. Baliw sa kan'ya.' Hinayaan ko na lang na sumingit 'yung utak ko. Tutal abno naman 'yan.

Biglang may humigit ng earphone ko.

"Nababaliw ka na?" nakangiting sabi ni Kevin.
"Oo. Oo yata," natatawa kong sabi.
"Bakit?"

Sasabihin ko ba? Wag. Kapatid n'ya yun. Kaso unfair kasi sinabi n'ya 'yung kan'ya. Pero 'di ko naman tinanong eh. Hayaan na nga.

"'Di ko rin alam eh," natatawa kong sagot.
"Tara," sabi n'ya saka hinawakan ang braso ko, "sa treehouse ko."

'Di pa ako nakaka-ikot sa bahay nila pero maganda talaga. Malawak 'yung likod nila. Dun n'ya ako dinala.

"Dito," sabi n'ya saka umakyat.

Sumunod ako.

"Ingat!"
"Tange. Alam mo namang sanay na ako eh. Namiss kong umakyat sa puno."

Tumawa s'ya.

"Oo nga pala. Ikaw 'yung taga-kuha namin ng mangga."
"Weak kasi kayo." Naaalala ko tuloy 'yun. Natawa ako. Ako laging umaakyat sa puno ng mangga kahit may mga antik.
"Tange. Ayaw mo kasi kaming paakyatin. Look out mo kami, sabi mo."

Humangin ng malakas. Ang sarap ng hangin.

"Tapos nahuli tayo ni Aling Perla. Ang ingay n'yo kasi."
"Haha oo! Yung bunga kasi 'di mo makita. Ang lalaki pa naman."

Natawa ako. Nakakamiss yung childhood memories.

"Akala ko nagbago ka na."
"Ako?"
"Oo. Akala ko."
"Bakit?"

Nagtataka kong tanong sa kan'ya.

"Akala ko naging babae ka na. Hindi pala."
"Hoy! Gago. Anong akala mo sa'kin? 'Yung mga girly na tumitili at pabebe?"
"Oo! Naka-dress ka kasi nung isang araw."
"Eh kelangan eh at saka halos itali na ako ni inay para mapasuot yun sakin." Natatawa ako. "Tsaka akala mo ba lalaki ako? Gagong 'to."
"Oo. Haha akala ko nga manliligaw ka ng babae. Malay mo si Krista pala eh girlfriend mo na."

Natawa ako sa sinabi n'ya.

"Ungas. Babae ako nu."
"Oo nga. Lalo ka ngang gumanda eh," bigla nyang sinabi.

Oh. My. God.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro