PROLOGUE
Tulala ako habang pinagmamasdan ang isang litrato na nasa tabi ng kama ko.
"Ate," napatingin ako kay Neil. Ang gwapo niya na. "Bakit pala hindi na napunta rito si kuya Paul? Miss ko na siya kalaro sa basketball, e."
Malungkot akong ngumiti. Hindi na siya bumibisita rito dahil.. nasaktan ko siya.
"Baka busy lang sa pag aaral si kuya Paul mo, alam mo naman. Senior high na kasi siya ngayon."
"Baka? Hindi ka sigurado, ate?" pang uusisa niya. Matalino talaga ang batang 'to kahit grade 2 pa lang siya.
Nasanay kasi siya na lahat ng bagay tungkol kay Paul ay alam ko. Kung nasaan siya ngayon, anong ginagawa ng kuya Paul niya, kung bibisita ba siya rito. Lahat. Ngayon lang ako hindi naging sigurado dahil wala na kaming komunikasyon sa isa't-isa. Kasalanan ko.
"Ay, halika na! Male-late na tayo sa family day mo," pag iiba ko sa usapan. Ihahatid ko pa siya sa school nila. Eight years old na siya ngayon at natutuwa ako na hindi ko na siya nakikita na may pasa kahit saang parte ng katawan niya.
"Yehey!! Family day! Family day!" nagtatalon siya sa tuwa at lumabas na ng kwarto ko. Napangiti ako. Kahit kaming dalawa lang ay kuntento na siya.
Dinampot ko ang cellphone ko at napahinto ako dahil napatingin ulit ako roon sa litrato na kanina ko pa tinitignan.
Ang litrato namin noon ni Paul na magkasama at masaya.
"Ate Zha! Tara na!!" sigaw ni Neil galing sa sala.
Sumulyap pa ako ng isang beses sa litrato namin bago ako lumabas ng kwarto ko. Napabuntong-hininga na lang ako.
Namimiss ko na siya. Namimiss ko na si Paul. Pero wala na akong magagawa. Ako ang dahilan kung bakit siya nawala.
Mas gusto ko pa 'yung dati, noong Junior High pa lang kami. Palagi kaming nagbabangayan at nag aaway, mas gusto ko pa 'yung ganoon kasi nakakapag usap pa kami, hindi nga lang matino ang usapan dahil nauuwi sa pagtatalo.
Pero mas pipiliin ko pa 'yan kaysa sa ngayon na hindi na kami nag uusap. Hindi ko na naririnig ang boses niya. Hindi na kami nakakapag away. Miss na miss ko na siya.
Ang laki ng utang na loob ko sa kaniya. Palagi siyang nandiyan para sa amin ni Neil, hindi niya kami pinabayaan noon. Pero ano ang ginawa ko sa kaniya? Sinaktan ko lang siya.
"Bobo mo, Zha," sinipa ko 'yung sofa.
Ang tanga-tanga ko!
Nakakapagod ang family day sa school nila Neil! Napatingin ako sa orasan at mag aalas kwatro pa lang. Makaka-attend pa ako sa debut ni Liya!
Dali-dali kong tinawagan si Eulyn, ang matagal kong naging katrabaho sa Café. Eula ang pagkakakilala sa kaniya ng lahat.
*On phone*
"Eula! Pwede makisuyo? Please, kahit saglit lang. Aalis kasi ako tapos walang kasama si Neil--"
"Oo na, sige na, dalhin mo na rito si Neil. Sakto maraming pagkain dito sa bahay namin ngayon,"
Narinig ko ang tunog ng pag ngiti niya kaya naman ay napangiti rin ako.
"Salamat! SALAMAT, EULA! I LOVE YOU!"
Narinig ko pa ang pagtawa niya pero binaba ko na ang telepono dahil nagmamadali ako magpalit ng damit.
Kilala niya na talaga ako ni Eula. Sa tuwing tatawag ako sa kaniya ay tungkol lang palagi kay Neil. Pwede ko ba iwan sa kaniya si Neil kahit 2 hours lang, pwede ba niya sunduin si Neil sa school kasi mag oover time ako sa trabaho. Mga ganoong bagay.
"Ate Zha, bakit ka nagmamadali? Saan punta mo?" Nakita ko si Neil na hawak ang laruang niregalo sa kaniya ni Paul, napahinto ako sa pagbibihis.
"May pupuntahan lang ako na mahalagang bagay," mahinahon na sabi ko at sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko.
"Si kuya Paul ba ang pupuntahan mo?" Inosente na tanong niya.
Napangiti na lang ako. Wala na siyang ibang ginawa kundi banggitin si Paul.
"'Diba sabi mo mahalaga si kuya Paul, na importante siya. Edi, siya 'yung pupuntahan mo?" Dadag niya. "Yehey!!" Nagtatalon siya.
Napahawak ako sa noo ko. Hindi ko alam kung grade 2 ba talaga ang kausap ko. Bumalik na ulit ako sa pag aayos sa sarili ko kahit talak pa rin nang talak si Neil at binabanggit ang pangalan ni Paul. Sinuklay ko nang mabilis ang buhok ko. Nag spray ng pabango sa buong katawan ko, naglagay ng onting liptint at nag pulbos. Tapos!
Agad kong dinala si Neil kay Eula. Pero bago 'yon, bumili muna ako ng regalo para kay Liya. Umiyak pa si Neil kasi akala niya si Paul ang pupuntahan namin.
"Eula, 2 to 3 hours lang ako mawawala, promise! Babalik ako kaagad pagkatapos ng celebration ng 18th birthday ni Liya!" Hinawakan ko ang kamay niya. Baka kasi naiistorbo ko na siya nang sobra. "Ililibre kita next week!"
"Gagang 'to!" Tumawa siya. "Hindi mo na ako kailangan ilibre, jusme! Isang taon na akong tagabantay kay Neil sa loob ng isa hanggang tatlong oras."
Napangiti ako. Niyakap ko agad siya. "Salamat talaga!" Sobrang saya ko!
"Sige na, sige na! Lumarga ka na." Humiwalay siya sa yakap ko. "Alam ko naman na gusto mo na siya makita.. ulit," Malungkot siyang ngumiti sa'kin.
Mabilis akong tumango at umalis na. Nastress pa ako dahil sa traffic! Buti na lang may cellphone na ako ngayon at chinat ko si Thea na susunod ako. Nag reply naman agad siya at tuwang-tuwa siya. Nag ring pa ang cellphone ko, tumatawag pa siya.
*On phone*
"Hello?"
"Zha!!" Tili ni Nietta. "Gaga ka, ang tagal mo--"
Biglang nawala si Nietta at may pumalit na boses. Si Junjun.
"Zha! Nandito si Paul--"
Kinabahan ako sa sinabi niya pero nabigla ako nang marinig ko na nalaglag 'yung cellphone. Narinig ko rin ang pag aalburoto ni Thea dahil cellphone niya 'yung tumilapon. Buti hindi nawala ang dial namin!
"Hala, Thea? Nasira?" Inosente na tanong ko.
Ako ang naawa para sa kaniya. Ang mahal kaya ng cellphone!
"No, no! Bilisan mo na lang, ha? Hindi na ako tatawag ulit dahil MAY BALIW RITO NA NAGTATAPON NG CELLPHONE!"
Tumawa ako dahil halatang may pinariringgan siya. Narinig ko pa ang halakhak ni Marou. Binaba na rin agad ni Thea, beastmode e.
Sayang hindi ko nakausap si Liya. Tyaka.. nandoon si Paul. Ang alam ko, kumpleto na sila roon. Ako na lang ang wala. Wala naman talaga akong balak na pumunta dahil nandoon si Paul. Siguro kapag nalaman niya na pupunta ako, baka hindi siya pumunta. Ganoon ko siya nasaktan ng sobra, tipong ayaw niya na ako makita.
"Happy birthday, Liya!" Bati ko sa kaniya sabay abot ng regalo ko. Niyakap niya ako.
"Aw, thank you, Zha! I missed you!" Masayang sabi niya. "Akala ko hindi ka na makakapaunta dahil sa trabaho mo, e!"
"Ha? Hindi ah, hindi ako nag trabaho ngayon. May family day sa school ni Neil kaya hindi ako pumasok." Umupo ako sa sofa. Napansin ko na wala ang mga boys, si Marou, Thea, Nietta, Liya at ako lang ang nandito.
"Zha, long time no see, ah? Gumanda ka." Nakangising sabi ni Nietta. Hindi ko alam kung pinupuri niya ba ako o nang iinis lang.
"True," pag sang ayon ni Thea. Napangiti tuloy ako.
"Alagang Paul, e." Sabi ni Marou pero agad siyang pinalo ni Liya.
Palo na hindi ko malaman kung pinalo niya ba para tumahimik o pinalo lang dahil pinapausog sa upuan. Ang sama kasi ng tingin ni Liya kay Marou nung pinalo niya tapos umusod din si Marou para bigyan ng space si Liya.
"Uh, nasaan 'yung mga boys?" Tanong ko at kinuha ang baso na walang laman sa harap ko at sinalinan ng juice.
"Bakit mo hinahanap?" Nagpipigil na tawa ni Nietta. Sarap niyang batukan sa mapang asar na mukha niya!
Napatingin ako kay Marou na tinakpan ang bibig niya kahit halata naman sa kaniya na tatawa na siya. Si Thea naman ay yumuko na parang nahihiya tapos si Liya nagkukunwari na kinakalikot 'yung regalo ko sa kaniya.
"Syempre, diba, ako lang dapat ang wala." Totoo naman. Nasaan ba kasi ang mga 'yon?
"Ah," tumango-tango si Nietta. "Akala ko hinahanap mo lang si Paul, e." Humalakhak na siya.
"Oo, hinahanap ko." Lahat sila ay natigilan sa naging sagot ko. Isa sa dahilan si Paul kung bakit pinilit ko na pumunta rito.
Gusto ko siya makausap. Kung ayaw niya man, gusto ko na lang siya makita ng personalan.
Napatingin ako sa second floor dahil nakarinig ako ng boses ng mga lalaki. Agad akong napaayos ng upo. Boses 'yon nila Lou na nagtatawanan.
Nauuna bumaba si Paul sa hagdan at saktong nagtama ang tingin namin, napahinto siya. Nabangga pa ang bibig ni Junjun sa likod ng ulo niya kaya napatingin din dito si Junjun at nagulat nang makita akl. Pati sina Lou, Xander at Kendmar ay nakanganga na rin.
"Ano, hindi kayo bababa?" Inis na tanong ko at nag iwas ako ng tingin kay Paul. Lahat sila ay umismid at bumaba na parang walang nangyare.
"Hello, Zha." Tipid na bati ni Xander.
Napatingin ako kay Kendmar na nakangisi at ngumunguso kay Paul. Parang ogag, ampotek.
"Zha!" Nakipag apir sa'kin si Lou, ganoon din si Rj.
"Hey, yow! Zha! Kumusta kayo ni Paul este kumusta ka na?" Pang aasar ni Junjun.
Nag aalala akong napatingin kay Paul na ngayon ay masamang nakatingin kay Junjun.
Nagulat kaming lahat nang bigla siyang nag walk out. "Paul!" Sigaw ni Junjun at napakamot siya sa ulo niya.
Binatukan siya ni Kendmar. "Bobo mo kasi."
Nag aalinlangan akong tumayo pero tumayo na ako. "Sundan ko lang, ah." Tumuro ako sa labas, tumango naman silang lahat.
Binigyan pa ako ni Thea ng isang malaking ngiti. Ngiti na nagpapalakas ng loob ko. Close sila ni Paul noon pa man. Kaya may tiwala ako sa mga reaksyon ni Thea. Pero hindi ako sigurado sa mangyayari ngayon.
Nakita ko si Paul sa may garden, nakatayo at nakatingin sa malayo. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya.
"P-paul.." nauutal na sabi ko. Hindi siya lumilingon. Ang pag hinga niya lang ang naririnig ko. "Paul, sorry--"
"Hindi ko kailangan niyan." Matabang na sabi niya.
"Paul, ano bang gusto mong gawin ko? Lumuhod ako? Tumalon ako sa tulay? Ano? Sabihin mo naman kung ano ang dapat kong gawin mapatawad mo lang ako!"
"Wala." Tipid na sagot niya. "Wala kang gagawin."
Napalunok ako. Pakiramdam ko maiiyak na ako. "Ang tagal na nating hindi nag uusap, Paul. Miss ka na ni Neil." Humarap ako sa kaniya pero umiwas siya ng tingin. "M-miss na k-kita."
Bigla siyang tumingin sa'kin. Walang reaksyon ang mukha niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o naiinis sa'kin. Kumunot ang noo ko nang ngumisi siya.
"Huli na ang lahat, Zha." At tinalikuran niya na ako. "Huli na."
Kasabay ng pagtalikod niya ay ang pagtulo ng mga luha ko. Para akong sinaksak sa sinabi niya. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya na masaktan siya. At kasalanan ko kung huli na ang lahat..
"P-pero, Paul.." Nanginginig ang boses ko. "Hindi ako titigil."
Hindi siya lumingon. Bigla na lang siya naglakad palayo. Martyr na kung martyr pero pinakawalan ko 'yung taong walang ibang ginawa kundi pasayahin ako. Hindi lang ako, kundi pati si Neil. Pinasaya niya ang taong mahal ko at pinasaya niya ako dahil mahal niya ako.
"Hindi ako titigil kahit sinasabi mo na huli na ang lahat. Hindi ako titigil hangga't ka bumabalik, Paul."
Hindi kita susukuan. Oras na siguro para ako naman ang lumaban.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro