HELLCAT 7
Bwisit! Nakakabwisit! Nakatulog na ako't lahat pero nabubwisit pa rin ako.
Kailangan ko na maghanda para sa pagpasok ko sa trabaho. Nabubwisit na naman ako dahil baka nandoon pa rin si Paul! Kaasar!
Pagkarating ko sa Café, nandoon na kaagad si Paul. Nginitian niya ako. Kumunot ang noo ko dahil akala ko ay namamalik mata lang ako pero hindi. Nakangiti pa rin siya. Kaya naman, inirapan ko.
"Sungit natin, Zha este Nes.." Nakangiting sabi niya.
"Ano na naman problema mo?" Padabog kong pinatong 'yung bag ko sa lagayan. Inusod ko palayo ng konti dahil muntik na magkatabi ang bag namin. Ayoko nga.
"Grabe, wala naman akong problema. Ikaw yata ang may problema!" Nakangisi pa rin siya kaya mas lalo akong naiinis! Humaharang pa siya sa dinaraanan ko.
"Wala!" Pinandilatan ko siya at bahagya ko siyang tinulak. Kukunin ko kasi 'yung apron ko!
"Nag aaway ba kayo?" Nabitawan ko 'yung apron sa biglang pagsulpot ni ma'am Lucy.
Para kaming naistatwa ni Paul sa pagkakatayo namin. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay pa umiling.
"Bakit kayo nagsisigawan?" Dagdag pa ni ma'am Lucy.
"Ay.." napakamot ako sa ulo ko. Bwisit ka talaga, Paul! "Wala po.. nag aasaran lang po kami, hehe, 'diba, Paul?" Tinabig ko siya kaya bigla siyang um-oo.
"Ayoko na nagsisigawan kayong dalawa, okay?" Seryoso na sabi ni Ma'am Lucy sabay tingin kay Paul. "Lalo ka na, Paul. Unang araw mo pa lang kahapon, sumisigaw ka na agad."
"Sorry po, ma'am." Napayuko si Paul. "Hindi na po mauulit." At napangisi ako.
"Ayoko ng maingay, ayoko ng magulo, ayoko ng away." Napayuko na rin ako. "Kung gusto niyo na pareho kayo magtagal dito, ayusin niyo ang relasyon niyo."
"Wala po kaming relasyon!" Sabay na sabi namin ni Paul at nagkatinginan kami. Binigyan ko siya ng isang matalim na tingin habang siya ay nanlalaki ang mga mata.
Bakit ba madalas kami nagkakapareho at sabay ang sinasabi?!
"Okay.. I see," parang matatawa na si Ma'am Lucy. "Anyways, si Eula pala ay hindi makakapasok hanggang next week. Kailangan niya ng mahabang pahinga dahil sa sobrang pagod na rin."
Napanganga ako. Nanlulumo ako. Ibig sabihin.. Magtitiis ako ng isang linggo pa ulit na kasama si Paul?!
"Sakto lang pala ang pag apply ko rito, Ma'am!" Bibo na sabi ni Paul sabay tingin sa'kin. "Kawawa naman si.." napatingin siya sa pin ko. "..Nes, kung sakali."
Tumawa lang si Ma'am Lucy at pumasok na sa working area niya. Hinintay ko pa ang limang segundo bago ko hinampas kay Paul ang apron ko.
"Alam mo, ikaw, pabibo ka!" Hahampasin ko sana ulit siya pero inagaw niya 'yung apron ko.
"Sabi ni Ma'am Lucy, kung gusto raw natin tumagal dito.." mas lumapit siya sa'kin dahilan para mapaatras ako. "Ayusin natin ang relasyon natin."
Hindi ko alam kung totoo ba 'yung pagkakarinig ko na parang seryoso siya sa sinabi niya. Bigla akong napaiwas ng tingin at napatingin sa kamay niya na hawak ang apron ko. Agad ko itong hinablot at tumalikod.
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Para akong tumakbo.
Pagkalabas ko ng banyo, may pumasok na dalawang customer. Agad akong pumunta sa pwesto ko. Napatingin ako kay Paul habang busy sa pagtitimpla. Bumagay rin pala sa kaniya 'yung sumbrelo ng Café na 'to.
Napaayos ako sa pagkakatayo ko nang bigla siyang lumingon sa'kin at yumuko ako na kunware ay nagbibilang ako ng mga barya rito. Pambihira! Ano ba 'tong ginagawa ko.
Nang matapos ang buong umaga na pagtatrabaho, inintay na lang muna namin saglit si Alyssa at Ashley. Nakipag usap muna ako kay Ma'am Lucy ng kung ano-ano.
"Zha, tara na." Pag aya sa'kin si Paul.
"Oh, okay na kayo?" Tanong ni ma'am Lucy. Tsk. Never kami naging okay, ma'am.
Tumayo na ako at nauna na maglakad. Nasa likod ko lang si Paul at ang tahimik niya. Nakakabingi!
"Hoy," pagtawag ko sa kaniya. "Bakit ang tahimik mo?" Taas kilay na tanong ko sa kaniya.
"Wala." Tipid na sagot niya at ang bagal-bagal niya maglakad!
"Bakit hindi mo bilisan maglakad? Male-late tayo." Sinamaan ko siya ng tingin.
Bigla siyang ngumiti nang napakalawak! "Bakit sabay na tayo ngayon papasok?"
Napahinto ako sa paglalakad. May sinabi ba ako na sabay na kami? Wala naman, diba?
"Bahala ka," walang gana na sagot ko at naglakad na ulit.
Napahinto ulit ako nang hindi ko marinig ang pagsunod niya sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko siya na nakatayo lang. "Hoy! Ano? Tutunganga ka lang diyan?"
"Hindi na pala ako sasabay sa'yo," Seryoso na sabi niya. Kumunot ang noo ko sa pagkaseryoso ng boses niya. "Iiwan mo lang ulit ako." Matabang niyang sabi.
Para naman akong nakonsensya! Kasalanan ko ba na isa na lang ang pwede sumakay roon sa jeep kahapon?! Punyeta talaga! Bakit ba ako naguguilty! Diba ayoko naman siya kasabay?!
"Tangina," napahawak ako sa batok ko. "Oo na! Sabay na tayo papasok! Hindi na kita iiwanan, tsk! Dami pang drama."
Umirap ako nang nakita ko na ngumiti ulit siya ng sobrang lawak! "Yun! Sabi na, e. Hindi mo matitiis ang kagwapuhan ko, Zha!"
"Tanga, naawa lang ako sa'yo."
Tumawa lang siya pero maya-maya ay may narinig ako na bumati sa kaniya.
"Hi, Paul!" Malanding sabi nung isang babae na sexy na may maikling shorts at naka crop top pa!
"Hi," kumindat naman itong si Paul. Hindi ko alam bakit parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko!
"So bakit ka nandito? Diba malayo ang bahay mo rito?" Nagulat ako nang hinamas nung babae 'yung braso ni Paul.
Pakiramdam ko ay gusto ko manabunot! Napatingin sa'kin saglit si Paul at napatingin ulit doon sa babae at nginitian pa. Napailing ako at umirap.
"Ah, lumipat na ako rito, e." Nakangiting sabi ni Paul.
"Ganoon ba?" Nag sad face 'yung babae. Tsk. Paputukin ko 'yang bunganga niya, makita niya. "Sayang naman.." Nanlaki ang mga mata ko nang pisilin niya ang braso ni Paul! "Hindi na kita masyadong makikita--"
Hinawakan ko ang braso ni Paul at marahas siyang hinila papunta sa'kin. "Lalandi pa! tangina, male-late na tayo!"
Hinatak ko na palayo si Paul, tinulak ko pa siya sa unahan ko para siya ang maunang maglakad. Lumingon ako roon sa babae at sinamaan siya ng tingin. Napangisi ako nang tumakbo 'yung haliparot na babaeng 'yon palayo. Takot lang niya.
"Zha naman, kausap ko pa si Eunice--"
"EDI BALIKAN MO!" sigaw ko at nakaturo sa lugar kung saan kami nahinto kanina. "HABULIN MO, HA!"
Tumalikod na ako at naglakad paalis. NAKAKAINIS! NAIIRITA AKO! Hindi ko alam kung bakit pero tumataas ang dugo ko at kumukulo pa!
"Zha," hinawakan niya 'yung braso ko pero nagpumiglas ako.
"Huwag kang magpapakita sa'kin hangga't hindi mo nababalikan ang Eunice na 'yon." Mariin na sabi ko at tumakbo palayo.
Nagagalit ako. Hindi ko alam pero nagagalit ako! Gusto ko manabunot, manapak, mangkulam!
Pagkarating ko sa kanto, wala si Paul. MABUTI. Galit ako sa kaniya!
Bakit nga ba ako galit?
E, kasi, male-late pa kami dahil sa kalandian niya! 'Yun lang 'yon!
Hindi ako mapakali. May nakikita naman ako na jeep na pwede ko nang sakyan pero hindi gumagalaw ang paa ko. Parang sinasabi ng paa ko na huwag muna ako sasakay.
Tangina, NASAAN NA BA SI PAUL?! Luminga-linga ako sa paligid pero wala pa rin siya! Naiinip na ako!
May nakita ako na jeep na pwede ko na sakyan pero nagulat ako nang may humila sa'kin. Lumingon ako at nakita ko si Paul na hinihingal.
Ewan ko pero nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko siya pero nangingibabaw pa rin ang inis ko! "Oh, ano? Mamamatay ka na ba?"
"T-teka lang, h-hinihingal pa ako." Napahawak na siya sa dibdib niya. "Woah!" Huminga siya.
"Saan ka ba galing?! Bakit ngayon ka lang?!" Sigaw ko sa kaniya. Nakita ko na napalingon sa'min 'yung iba na naghihintay rin ng jeep.
Nataranta bigla si Paul dahil sa pagsigaw ko. "Diba sabi mo, huwag ako magpapakita sa'yo hangga't hindi ko nababalikan si Eunice?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya. Napahilamos ako sa mukha. Anak ng!! "So binalikan mo nga?!"
Nag aalinlangan pa siya sumagot pero dahan-dahan siyang tumango na mas ikinainis ko na pa lalo. "Ang bobo mo talaga!" Hindi ko na napigilan na hampasin siya.
Ang tanga niya, bwisit! Sinunod talaga 'yung sinabi ko, ampota! Mas lalo lang ako naasar sa kaniya!
Sumakay na ako sa jeep, at ngayon, katabi ko na si Paul. Hindi maalis ang pagkakunot ng noo ko. Naiinis ako! Naiinis ako! Binalikan niya talaga! Ang bobo lang!
Naramdaman ko na may kumakalabit sa kamay ko. Paglingon ko, si Paul ang kumakalabit. Nakaramdaman na naman ako ng kuryente kaya inis kong nilayo ang kamay ko sa kaniya. "Ano?!"
"Galit ka ba?" Para siyang bata na malapit na umiyak.
Umiwas ako ng tingin at huminga nang malalim. "Hindi."
"Hindi? Galit ka, e. Tignan mo 'yang mukha mo, oh. Hindi ko maipinta." Sabi niya habang tinuturo ang mukha ko.
"Edi ipapinta mo kay Liya!" Inirapan ko siya.
"Pilosopo, amp!" Napakamot siya sa ulo niya, naiinis na. Ewan ko pero parang natuwa ako dahil nainis ko rin siya sa wakas!
Maya-maya lang ay huminto ang jeep. May mga bumaba at may sumakay. Nanlaki ang mga mata ko nang sumakay si..
Si Eunice! 'Yung babae kanina!
Umakyat na naman ang mga dugo ko at para na itong kumukulo dahil magkaharap pa sila ni Paul!
"Uy, Eunice!" Masayang sabi ni Paul. Nakakunot na naman ang noo ko.
"Uy, Paul! Ikaw ulit!" Tatawa sana siya pero nakita niya ako. "Uh, girlfriend mo?" Sabay turo sa'kin.
Napatingin ako kay Paul na nakatingin sa'kin at umiling. "Hindi ah!" Tumawa pa siya!
"Ay ganon?" Napatingin siya sa'kin at ngumisi. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi naman pala, e!" Bakit anong akala niya? Girlfriend ako ng bobong 'to?
Aba! Naiinis pa rin ako kay Paul! Pinaghintay niya ako dahil hinanap niya talaga si Eunice kanina?! Ang bobo talaga! Nayayamot ako.
At mas naiinis ako sa babaeng 'to. May paghawak pa siya sa tuhod ni Paul!
Pumikit ako nang mariin at sinandal ang ulo ko sa likod dahil bigla pa kaming naipit sa traffic! Tangina talaga..
"Oh? Ano kukunin mo sa senior high?" Malanding tanong ng babae na 'to.
"CSS, ikaw?" Aba naman.. interesado naman pala si Paul.
Napangiti ako nang umandar na ulit ang jeep at kaunti na lang ay bababa na kami ni Paul. Nag usap pa sila nang nag usap. Bahala sila. Hindi ko papansinin 'to si Paul mamaya.
Pagkababa namin, kumaway pa sila sa isa't-isa at mga ngiting-ngiti pa! Binilisan ko ang lakad ko para maiwan ko diyan si Paul.
"Uy, Zha!" Wow! Nakita niya rin ako sa wakas. Hindi ko mapigilan ang mabwisit talaga at pakiramdam ko ay maiiyak na rin ako. Hindi ko alam kung bakit. "Zha," nagmamadali ako sa paglakad kaya nagmamadali na rin siya. "Bakit ang bilis mo maglakad?"
Huminto ako kaya bumangga siya sa likod ko. Inis akong humarap sa kaniya. "Nakakairita ka na kasi! Alam mo 'yon? Niyayaya mo ako na tayo ang sabay papasok tapos ano? Sa iba ka makikipag usap? Na parang hindi mo ako kasama? Na parang hindi ako 'yung kasabay mo? Edi sana hindi mo na lang ako niyaya diba!"
Tumalikod ako at tumakbo palayo. Nagulat ako nang may nabangga ako at si Junjun 'yon.
"Oh, Zha, ayos ka lang?" Tanong niya sa'kin. Tumango ako at umiwas ng tingin. "Bakit parang iiyak ka na?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro