Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HELLCAT 6

Ano ba kasi ginagawa ng kupal na 'yon rito sa Café?!




"Ma'am Lucy, bakit niyo pinapasok 'yon dito? Akala ko ba babae lang ang pwede sa Café natin?" Ang kapal ng mukha ko na kausapin ang manager namin nang ganito pero wala na akong pakialam. Nabubwisit ako.




Wala rin akong pake kung nakikinig si Paul sa diyan sa labas. Bahala siya. Mas mainam na marinig niya at malaman niya na ayaw ko siya na nandito para umalis na siya!




"Bakit, Nes? May problema ba kay Paul?" Nag aalala na sabi ni Ma'am Lucy. "May attitude ba siya? Tell me, kakausapin ko siya." Mahinhin na sabi niya.




Napahilamos ako sa mukha ko. "Ma'am, nasaan po si Eula?"




"Nag text sa'kin si Eula kagabi na hindi siya makakasapok, nilalagnat daw kasi siya." Nakatitig lang siya sa'kin. "May problema ka ba kay Paul? Kasi hindi ko siya pwede tanggalin. Wala akong karapatan."




"Ha?! Paano nangyari 'yon, ma'am?! Dati naman ay may sinesante ka rin dito, ah?" Napaupo na ako sa upuan na nasa harapan niya. Table lang ang humaharang sa pagitan namin.




"Dahil hindi ako ang nagpasok sa kaniya rito." Bumuntong hininga siya. "Si Boss Elber ang nagpapasok sa kaniya at siya lang din ang may karapatan na tanggalin si Paul."




Putangina.. Ang may ari pa talaga nitong Café ang nagpasok sa kaniya?! Ang lakas niya naman!





"Hay!" Napahawak ako sa noo ko. "Sige po, Ma'am Lucy, salamat po." Tumayo na ako at aktong lalabas na pero nagsalita ulit siya.




"Hindi ko alam kung bakit siya pinasok ni sir Elber dito, tinanong ko pa si sir pero ayaw niya sabihin." Napalingon ako kay Ma'am Lucy. "If you wanna know why, ask Paul instead."




"Alam ko na po kung bakit," inis kong binuksan ang pinto. Para lang bwisitin ako.




At dahil wala si Eula, magtitiis ako na kasama ko si Paul buong umaga. Ay mali, halos buong araw ko pala siya makikita dahil hanggang sa school ay kasama ko siya! Arghh! Pucha naman!




"Ano ba talaga ang pakay mo rito?" Inis na tanong ko kay Paul. Naaalibadbaran ako sa suot niya, pareho kami ng itsura! Naiinis ako!




Kumunot ang noo niya. "Ano pa ba, edi trabaho."




"Pero bakit dito?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang dami dami diyan sa tabi-tabi, oh." Tinuro ko 'yung labas.




Nag init ang mukha ko sa inis dahil bigla siyang ngumisi. "Eh, dito ko gusto, e. Bakit ba?"




"Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Edi sana nag resign na ako bago ka pa dumating!" Pinandilatan ko siya.




"Teka nga," namewang siya. "Bakit ba ang init-init ng ulo mo sa'kin?" Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko rin alam. "Tyaka naalala mo nung nakaraan? sabi ko may sasabihin ako sa'yo pero ang sagot mo, wala kang panahon makinig sa'kin."




Napaisip ako saglit. Oo nga, nasabi ko 'yun. Yun 'yung time na umiiyak si Liya. Tangina talaga, oh. Bunganga ko rin kasi!




"Edi hindi ko na lang sinabi, tungkol pa naman dito 'yung sasabihin ko." Dagdag niya.




Napabuntong hininga na lang ako at napairap. "Sige ganito, papayag ako na nandito ka pero subukan mo lang na asarin ako, kakaladkarin kita palabas." Banta ko sa kaniya habang nakaturo ang hintuturo ko sa mukha niya.




"Okay," simpleng sagot siya. "Ay teka may itatanong pala ako.."




"Ano--"




Biglang may dumating na customer kaya nilapitan agad ni Paul. In fairness, masipag ang kupal.




Dumami na ang customer hanggang sa hindi na kami nag uusap si Paul dahil busy. Hanggang sa dumating na ang dalawang tao na papalit sa'min ni Paul. Si Alyssa at Ashley.




Nagmadali akong nagbihis. Balak ko iwanan si Paul. Ayoko siya kasabay 'no. Maiinis lang ako sa kaniya. Ikaw ba naman bwisitin sa loob ng apat na taon.




Bago ko pa buksan itong glass door, biglang umalingangaw ang boses ni Paul. "Zha, wait lang!" Nahiya ako dahil napatingin sa amin 'yung mga customer.




Napatingin din ako kay Ma'am Lucy na nakakunot na ang noo dahil sa biglang sigaw ni Paul. Lumingon sa'kin si ma'am at binigyan ko siya ng sabi-sayo-dapat-hindi-mo-tinanggap-si-Paul look.



"Ingay mo, masesante ka pa," inirapan ko siya.




"Uyyyy, ikaw ah.. concern ka na ba sa'kin ngayon at pinagsasabihan mo na ako?" Nakangisi na sabi niya. Ampota, assuming!



Umiling lang ako at umirap. Binilisan ko ang paglakad ko dahil gusto ko na umuwi. Ayoko kasama ang isang 'to.




"Ay, Zha, sabay na tayo pasok, ha?" Mabilis akong lumingon sa kaniya. "Intayin na lang kita diyan sa kanto," Tinuro niya 'yung kanto malapit sa bahay namin. Si Paul ba talaga ang kausap ko?




"Tsk. Sabayan mo mga babae mo, tanga."




Tinalikuran ko na siya. Bakit kami magsasabay? Ang layo-layo ng bahay niya rito. Tsk. Mas mabuti pa kung mauna na lang siya pumasok. Matutuwa pa ako sa kaniya.




Pagkatapos ko magbihis ng uniform ko, sinilip ko muna si Neil na may hawak na coloring book. Kumunot pa ang noo ko nang makita ang ginagawa niya. Lahat ng nakadrawing na dapat kulayan sa coloring book ay kinukulayan niya ng color red. Red lang lahat.




"Neil, papasok na si ate Zha." Hindi siya humarap pero sigurado naman ako na narinig niya 'yon.




Napatingin ako sa mga crayons niya na nakakalat sa sahig. Iba-iba ang kulay pero 'yung red lang ang ginagamit niya. Hinayaan ko na lang siya. Ganiyan talaga siguro kapag bata.




Matiwasay akong naglalakad papunta sa kanto para makasakay na sa jeep pero nagulantang ako nang sumulpot sa harapaan ko na parang kabute si Paul.




"Tangina, nakakagulat ka!" Hinampas ko ang dibdib niya pero tumawa lang siya.




Ano ba? Bakit ba ang saya-saya niya kapag naiinis ako? Kupal talaga.




"Sabi ko sa'yo sabay tayo, e" bigla siyang tumabi sa gilid ko at sakto na dumampi ang kamay ko sa kamay niya!




"Tanginang kuryente," bulong ko at pinagkrus ang kamay ko sa harap ng dibdib ko, iniwas ko lang ang kamay ko.




"Ha ano?" Kunot noo na sabi ni Paul. "Wala kayong kuryente?"




"Bobo," inirapan ko na lang siya.




Agad akong naglakad at iniwan siya roon nang matanaw ko ang jeep na dapat sakyan. Mabilis akong sumakay nung huminto 'yon, sakto naman at isang pasahero lang ang pwedeng sumakay dahil puno na. Hahabol pa sana si Paul pero sinenyasan siya nung driver na wala nang space. Sasabit pa sana siya pero naunahan na siya ng isang lalaki. Ipagpipilitan niya pa sana na sasabit rin siya pero..




"Hoy, baba! Bawal dalawa ang sabit!" Sigaw ni manong driver.




Napatingin sa'kin si Paul. Ngingisi sana ako pero nakita ko na parang nalungkot ang itsura niya. Hindi ko alam pero parang nalungkot din ako bigla.




Nauna ako dumating sa school kaysa sa kaniya. Tanghaling tapata kaya punuan talaga ng pasahero sa jeep.




"Oh, saan siya lumipat?" Rinig kong tanong ni Kendmar kay Junjun habang binababa ko ang bag ko sa upuan ko.




Napatingin ako kay Marou na nasa tabi ni Kendmar at kay Liya na kausap si Thea.




"Malapit kila Zha," agad akong napatingin kay Junjun at agad kumunot ang noo ko.




Ako? Sino ba ang lumipat? Tapos malapit sa'kin?




"Ano 'yon?" Tanong ko at nag aabang lang ng sagot ni Junjun.




"Si Paul, hindi ka ba niya sinabayan?" Inosente na tanong ni Junjun.




Natigilan ako. Kaya ba nandoon din siya sa kanto kanina?! Pota, bakit hindi ko naisip 'yon?! At bakit hindi niya sinabi na lumipat siya ng bahay?! Nakakainis talaga siya!!




Naguiguilty na naman tuloy ako sa hindi malaman na dahilan! "S-sinabayan pero--"




"Nandiyan na si Paul," sabi ni Lou habang nakatanaw sa may bintana. Kinabahan ako bigla.




Napalingon ako kung saan nakatingin si Lou at nakita si Paul na naglalakad at nakabusangot. Nalipat ang tingin ko kay Junjun na nakatingin lang sa'kin at parang pinagmamasdan ako.




Nang pumasok si Paul nakipag apir siya kila Xander. "Sayang kanina pre, hindi ka nakasabay sa'min. Puro chicks ang kasama namin sa isang jeep!" Humalakhak si Junjun.




Nakitawa si Kendmar dahilan para hampasin siya ng pagkalakas-lakas ni Marou. "Chicks pala, ha?"




"Lagoooot." Kantyaw ni Nietta na hindi ko alam kung saan siya nanggaling dahil ngayon ko lang siya nakita.




Nag aasaran sila haggang sa napatingin ako kay Paul. Tumingin din siya kaya nagtaasan ang balahibo ko. Pero nagtaka ako nang ngumiti siya. Malungkot na ngiti at lumingon ulit kay Junjun. Hindi ko alam bakit ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko sa inaasal niya.




Zha, kinakabahan ka lang kasi iniwan mo siya at baka galit siya! Tama! 'Yun lang 'yon! E, ano naman kung galit siya? Tsk. Dapat nga ay matuwa pa ako dahil tatantanan niya na rin ako. Pero bakit parang hindi naman ako natutuwa?




Dumaan ang break time nang hindi man lang ako binubwisit ni Paul. Nakakapanibago. Kahit 'yung tingin niya lang sabay ngisi na nakakabwisit para sa'kin ay hindi ko nakikita ngayon.




"Huy, Zha, ano na? Kinakausap kita." Nasa tabi ko na pala si Nietta. Hindi ko naman alam na kinakausap niya pala ako dahil lumilipad ang utak ko.




"Ay, kinakausap mo ba ako? Sorry, ano 'yon?" Sumubo ulit ako ng biscuit na kinakain ko. Nakaligtaan ko na rin na kumakain pala ako.




"Lalim ng iniisip natin, ah? Share mo naman diyan." Sabi ni Lou habang hinahalo ang halo-halo niya.




Umiling lang ako. "Ano na 'yung sinasabi mo, Nietta?"




"Wala 'wag na. Hindi naman importante 'yon." Kumain na ulit siya.




Napatingin ako sa kanilang lahat na kumakain, nag uusap. Si Kendmar at Marou ay naglalandian. Si Liya, Xander at Lou at Nietta ay nagkwekuwentuhan. Maliban lang kay Paul at Junjun na tahimik. Panay ang tingin sa'kin ni Junjun tapos si Thea naman ay pilit na dinadaldal si Paul pero itong si Paul ay puro tango at iling lang ang binibigay kay Thea.




Problema niya? Kung ako si Thea, kanina ko pa siya sinapak. Hindi siya nasagot ng matino, e.




"Paul, bakit ka pala lumipat ng bahay?" Random question ni Xander. Tumigil sa pagnguya si Paul, imbis na tumingin siya kay Xander ay sa'kin siya tumingin.




Napataas tuloy ang kilay ko kahit damang-dama ko ang pagkabog ng dibdib ko.




"Kailangan, e." Tipid na sagot ni Paul. Nakuntento naman sila roon pero ako, hindi. Pakiramdam ko ay may iba pang dahilan.




Nang mag uwian, hindi pa rin ako pinapansin ni Paul. Naiinis na ako!




"Huy, Zha, bakit ka ba nagdadabog?" Kunot noo na tanong sa'kin ni Liya. Pabagsak ko kasing pinatong ang notebook ko. Nakakainis kasi!




"Wala!" Halos pasigaw ko na sinabi 'yon.




"Paul! Inaway mo na naman ba si Zha?!" Pagbubunganga ni Thea. Gulat akong napatingin sa kaniya.




"Thea!" Hinawakan ko ang braso niya. Napatingin ako kay Paul na pinagtitinginan na nila Marou.




Nakatingin lang si Paul kay Thea sabay tingin sa'kin. Bigla na lang siya umiling na parang wala siyang gana sa buhay.




"Hindi niya naman ako inaway, Thea. Ikaw talaga," pinangunahan ba naman ako.




Binagalan ko ang paglakad ko. Umaasa ako na bigla na lang susulpot si Paul sa gilid ko o kaya sa harap ko. O kaya naman bigla niya akong gulatin pero trenta na minutos na ang lumipas hindi pa rin siya nangungulit.




Potek. Bakit ko ba hinihintay na kulitin niya ako?!




Inis akong humarap kay Paul, nagulat pa siya. "ANONG PROBLEMA MO?!" sigaw ko sa kaniya na ikinagulat nilang lahat.




Umiling si Paul na parang wala siyang alam. "W-wala ako--"




"WALA?! HALATA NA NGA, IDEDENY MO PA! DIYAN KA NGA! BWISET!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro