HELLCAT 5
Paul's POV
Pambihira 'to si Zha. Hindi man lang magawang magsabi sa'min. Paano kung kailangan niya pala ng tulong 'diba? Hindi naman porke palagi ko siya inaasar ay wala na akong pakialam sa kaniya. Inaasar ko rin naman si Thea pero iba kasi si Thea, hindi niya pinapakita na naiinis siya. Samantalang si Zha, pinapakita niya. Kaya ang sarap niyang asarin.
Iniisip ko kung ano ang totoong kalagayan ni Zha sa buhay. Puta. Ngayon lang ata ako naging concern ng sobra sa kaniya.
Kailan pa siya nagtatrabaho? Kaya ba siya madalas late sa klase namin? Kaya ba siya hindi makapunta madalas sa mga practice namin? Minsan humahabol pero late na? Katulad na lang kahapon.
"Junjun, may favor sana ako, ayos lang?" baka kasi magreklamo agad siya. Reklamador pa man din 'to.
"Sige, pre, habang good mood pa ako. Ano 'yon?" Umayos siya ng upo.
"Alamin mo naman kung ano ang exact address ng bahay nila Zha. Ikaw na bahala kung paano mo aalamin." Gulat siyang tumingin sa akin at nakakunot na ang noo at sobrang nagtataka. "Ano, papayag ka ba?"
"Bakit? Para saan?" Napatakip siya sa bibig niya na parang bakla. "Aakyat ka ba ng ligaw sa kaniya?!"
Agad kong tinakpan ang bibig niya. Putangina, napakaingay naman ng bunganga nito!
"Bobo!" Binato ko siya ng papel na nakabilog at tumama 'yon sa bibig niya. "May aalamin lang ako, gawin mo na lang!" Irita na sabi ko. Dami pang tanong, e.
Napapatingin kasi sa'min ang iba naming kaklase. Buti na lang wala ang mga tropa, kami lang ni Junjun ang nandito.
"S-sige.. pero paano ko aalamin?" Bulong niya na parang natatakot siya na may makarinig sa'min.
Napahilamos ako sa mukha ko sa pagkadismaya. "Diba sabi ko, ikaw ang bahala." Mariin na sabi ko, nagpipigil ko na mabatukan siya.
"Ay oo nga pala." Humalakhak siya. "Sige, sige, ako bahala! May tropa ako na pinagkakatiwalaan ng mga teacher sa guidance na kung saan nakarecord lahat ng files ng mga estudyante!" Para siyang nanalo sa pustahan.
"Oh, sige na! Sige na! Bahala ka! Diskarte mo na 'yan," Tumayo na ako para sumunod na kami sa canteen, kila Zha.
Hindi matigil sa katatanong 'tong unggoy na 'to kung ano ba gagawin ko sa address ni Zha. Dang kulit!
"Bakit hindi mo na lang tanungin si Zha?" Tanong niya na parang sinasabi niya na rin na hindi ako nag iisip.
"Hindi 'yon sasagot." Sigurado ako roon. Kilala ko na 'yung brutal na babae na 'yon. Ipagtatabuyan niya lang ako.
Ganun naman siya palagi.
"Gusto ko ulit magkaroon ng roleplay tapos ipagpapartner ko ulit si Zha at Paul!" Maligalig na sabi ni Marou habang pumapalakpak at tinutulak-tulak si Nietta.
"ANO?!" nagkatinganan kami ni Zha dahil nagkasabay kami. "NABABALIW KA NA BA?" nagkasabay na naman kami!
Humarap ako nang maayos kay Zha habang nakakunot ang noo ko. "Ginagaya mo ba ako?" At nagkasabay na naman kami, ampota. Hindi na lang ako nagsalita pagkatapos.
Inirapan na lang ako ni Zha. Syempre, umirap din ako, hindi niya lang nakita. Hmp! Akala niya siya lang marunong mang irap? Hindi 'no!
Nagtatawanan sina Lou dahil pinag uusapan na naman nila ang roleplay namin ni Zha kahapon. Pikon na pikon na rin si Zha kaya binato niya na si Xander ng kutsara.
"Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon!" Pang aasar ni Kendmar kaya tinaas ko ang kamao ko sa harap niya. Kilig na kilig sila kahapon sa performance namin si Zha. Para raw silang nanonood ng Kdrama, amp! Mga siraulo.
Pero hindi lang 'yon ang tumatak sa utak ko. Kundi 'yung.. pagkakamali ko na totoong pangalan niya ang nagamit ko.
'Isa lang ang gusto kong mangyari, Zha, ang makasama ka habang buhay..'
Putangina. Hindi ko alam bakit pangalan niya ang ginamit ko! Siguro dala na rin ng sobrang kaba? Tapos siya lang ang nakikita ko? Tama! 'yun lang 'yon. Wala nang ibang dahilan.
Pero ang nakakainis, hindi ko binawi! HINDI KO NABAWI! Pero hayaan ko na, mukhang hindi naman napansin ni Zha dahil hindi rin naman siya nag react. Ako lang ata ang nababaliw na rito sa kakaisip tungkol don.
"Paul, ako rin kamo kinilig kahapon." Humagalpak sa tawa si Junjun at tinaas-baba niya ang kilay niya. Para siyang tanga.
"Pake ko,"
Kinuha ko na 'yung pagkain na nabili ko. Ganun din si Junjun at pumwesto na kami sa upuan kung nasaan sila Xander.
"Pre," bulong sa'kin ni Junjun. "Baka naman may nararamdaman ka na para kay Zha--"
Agad ko siyang siniko para hindi niya ituloy ang nakakasukang bagay na sasabihin niya.
"Junjun, okay ka lang?" Nag aalala na tanong ni Thea kay Junjun. Namimilipit kasi sa sakit itong unggoy na 'to dahil sa pagsiko ko sa kaniya.
"A-ayos lang a-ako." Nahihirapan na sabi niya habang nakahawak sa kanang dibdib niya. Nag thumbs up pa siya kay Thea.
Napatingin ako kay Zha na nakatingin sa'min ngayon. Nagulat ako nang tinaasan niya ako ng kilay at inirapan. Ano na naman ginawa ko?!
Nang matapos na ang klase namin. Nagpaalam si Junjun na aalamin niya na raw ngayon ang address ni Zha. Nagbalak pa siya na magtanong na lang kay Zha pero sa isang masamang tingin ko lang sa kaniya, umamo agad siya.
"Hintayin ko pa si Junjun," sabi ko kila Lou.
"Sige, hintay na rin kami." Sabi naman ni Xander, sumang ayon din si Liya at Thea. Pero si Zha, hindi.
Tumingin lang siya sa'kin at sinabi na kila Liya na gusto niya na umuwi. Ganiyan talaga 'yan, kapag uwian, uwi na agad siya. Literal.
"Si Rj, oh." Ngumuso ako sa tropa namin na kasama ngayon si Alliyah. Pinalo ako ni Thea at ngumuso siya kay Liya na biglang tumalikod, ayaw makita si Rj at Alliyah.
Hays, bakit kasi magkapatid sila?! Putangina. Hindi ko talaga alam ang irereact ko nung inamin sa amin ni Liya na magkapatid sila e. Parang ayoko maniwala. Pero sa kinikilos nila, mukhang totoo nga talaga.
"Tol, Rj!" Nakipag apir ako sa kaniya. "Musta?"
"Ayos lang, Paul." Sabi niya habang nakatingin kay Liya. "Siya? Ayos lang ba siya?" Umiling agad ako. Hindi naman talaga okay si Liya.
Bumuntong hininga ako at tinapik ang balikat ni Rj. Nakakamiss siya kasabay sa pag uwi. "Sige na, iniintay ka na ni Alliyah." Kumaway ako at umatras. Ngumiti lang siya sa'kin. Alam kong nahihirapan din siya. Siya talaga ang nag adjust para kay Liya.
"Eto na, Paul!" Narinig ko ang sigaw ni Junjun. Napalingon ako sa kaniya ay nakita ko na may hawak siyang papel at winawagayway pa!
Puta, pinaglandakan pa nga! "Akin na 'yan!" Agad kong inagaw ang papel sa kaniya. Alam ko naman na nakasulat na roon ang address ni Zha.
"Ano 'yan?" Tanong ni Paul.
"Para saan 'yan?" Tanong naman ni Liya.
"Love letter ba 'yan?" Isa pa 'to si Thea.
Love letter, amp! Pero sabagay, sa gwapo kong 'to, normal na lang sa'kin na makatanggap ng love letter kung kani-kanino.
"Kodigo 'yan," nakangising sabi ni Xander.
"Anong kodigo? Kakasimula pa lang ng klase," July pa lang ngayon!
Nagulat ako nang hawakan ni Junjun ang kanang balikat ko at inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "May kasama pa 'yan na contact number," Bulong niya.
Napangisi ako. "Good boy," Tinapik ko ang ulo niya. Nakakatuwa talaga 'tong aso na 'to. At dahil don, nilibre ko sya.
Kinabukasan, agad kong pinuntahan 'yung address na nakasulat. Medyo naligaw pa ako. Buti na lang kasama ko si Berto.
"Sino ba hinahanap mo?" Irita na tanong niya.
"Basta." sinugurado ko na sisilip ako sa bahay nila sa oras na nasa trabaho siya.
"Sino po hinahanap niyo?" Nagulat kaming dalawa ni Berto sa matandang nagsalita sa likod namin.
"Uh," tinulak ako ni Berto, sign na ako raw ang makipag usap. "Alam niyo po ba kung saan ito?" Inabot ko sa kaniya ang papel na may nakasulat na address ni Zha.
Naningkit ang mga mata niya na parang hindi niya mabasa ang nakasulat. Binasa ko na lang 'yung address para sa kaniya.
"Ah.. doon 'yun!" Turo niya sa likod ko. "Diretsyo ka lang tapos kapag nakita mo 'yung bahay na kulay pula ang gate at may tatlong aso ang katapat na bahay nila, 'yun na 'yon!"
Napangiti ako. "Salamat po!" Sobrang saya ko! Hahaha! Agad akong tumakbo. Narinig ko pa si Berto na sumigaw, naiwan ko na siya.
Napahinto ako sa maliit na bahay at may kulay pula na gate. Tumingin ako sa katapat na bahay nito at may nakita ako na tatlong aso. Kumunot ang noo ko nang may narinig ako na parang pinalo at may umiyak na bata sa loob ng bahay nila Zha. Batang lalaki.
"May umiiyak," pang uusisa ni Berto. Tumitingkayad siya para masilip 'yung loob.
Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Berto nang may narinig kami na boses ng isang babae na galit at sinisigawan 'yung bata. Hindi lang namin marinig kung ano ang sinasabi niya. Iyak nung bata ang naririnig ko.
"Umalis na tayo," hinila ako ni Berto. Parang nanghina ang tuhod ko kaya nakaladkad niya na ako.
Pagkapasok na pagkasok namin sa kotse, tulala ako. Ang alam ko, may kapatid si Zha na lalaki pero hindi ko alam ang tungkol sa mga magulang niya.
"Berto, sino may ari nung Café?" Wala sa sarili na tanong ko.
"Aba, malay ko." Nagtataka na sagot niya. "Ay, search natin, wait. May load ako ngayon, e." Nagpipindot siya habang malalim ang iniisip ko.
"Luh, gago!" Nanlalaki ang mga mata niya sa nakita niya. "Ampota? Pinsan ko pala may ari nito?! Hindi man lang sinasabi sa'min?!" Pinalo niya 'yung manibela sa inis. "Edi sana nakahingi tayo ng discount!"
Inagaw ko sa kaniya 'yung cellphone. Wala naman akong pake kung ano pangalan nung may ari basta isa lang ang naiisip ko ngayon...
Pinsan ni Berto ang may ari..
Ngumisi ako. "Pwede ka ba makiusap sa pinsan mo na ipasok ako rito?"
"Ha? Bakit? Magtatrabaho ka? Ang layo ng Café sa dorm natin--"
"Lilipat ako," simpleng sagot ko. Pwede naman ako lumipat.
Tuwang-tuwa ako dahil tinanggap agad ako nung pinsan ni Berto. Dapat daw ay puro babae lang ang empleyado roon pero.. malakas si Berto sa pinsan niya, kinonsensya niya pa na hindi raw kasi siya nagsasabi na may business 'yon. Eto na lang daw ang kapalit! Hahaha! Ang gawin akong isa sa mga working students na nagtatrabaho sa Café niya.
"Paul, pwede ka na raw magstart bukas." Magandang balita ni Berto, "ko-contac-in ka raw ni Elber mamaya, sagutin mo ha!" Si Elber 'yung may ari. Si Boss Elber!
"Eula!" Narinig ko ang boses ni Zha. "Eula, nandiyan na ba si ma--" Hindi ko alam bakit siya huminto. Basta ako, ayoko muna humarap. Gusto ko siya gulatin.
"Uh, Hello? Bago ka rito? Uhm, may nakita ka ba na babae rito kanina? 'Yung babae na maliit tapos cute?" Hindi ako umimik.
"Kuya, mawalang galang na, ha?" Sa tono ng pananalita niya, alam kong naiinis na siya. "Pero ang kapal naman ng mukha--" kaya humarap na ako at binigyan siya ng napakaganda kong ngiti.
"Goodmorning!" Para siyang naistatwa. Natatawa ako. "Oh, ano pang tinatayo mo diyan? Kilos na! Mamaya mo na titigan ang kagwapuhan ko." ngumisi ako. Kung ano-ano pa ang pinaggagawa niya sa sarili niya, nagpipigil tuloy ako ng tawa.
Mabuti na lang at may pumasok na na customer. Sakto, mga babae. "Goodmorning, mga magagandang binibini." Naghagikhikan 'yung mga babae. "Ano po ang gusto niyong itimpla ko para sainyo?" Nakatingin ako kay Zha. Hindi na maipinta ang mukha niya. Bwahaha.
Hanggang sa tinanong nung isang babae kung ano ang pangalan ko. "My name is.." tinuro ko 'yung pin na nakasabit sa kaliwang dibdib ko. "Paul," sabay kindat. "Paul at your service!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro