Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HELLCAT 4

Seryoso ba sila? Hindi nila napansin na pangalan ko ang binanggit ni Paul?




Pota. Bingi na ba mga tropa ko?? Tatlong araw na ang nakalipas pero talagang wala silang alam. Baka naman ako lang ang nakarinig?? O baka naman nag iilusyon lang ako habang nag peperform kami nun? Hindi rin naman kasi binawi ni Paul 'yung sinabi niya.




Sinubukan ko pa tanungin si Marou kung may nagkamali ba sa aming dalawa ni Paul sa script pero ang sabi niya wala naman daw. Ang galing-galing pa nga raw namin dahil kinilig talaga sila. Tsk. Mga baliw.




"Huy, Nes! 'Yung bayad!" Inis na bulong ni Eula, kulang na lang ay kurutin niya na ako.




Napatingin ako sa customer namin na inaabot ang bayad niya at nakataas na ang kilay. Kinuha ko ang bayad ng walang sorry. Bakit ako mag sosorry? At iniabot sa kaniya ang sukli. Kukunin niya sana sa kamay ko pero nilapag ko 'yon sa lamesa. Kunin niya mag isa.




Napabuntong hininga ako nang makita ko si Eula na inirapan na naman ako.




"'Yung totoo, Nes? Ano bang nangyayare sa'yo? Madalas ka na tulala." Dismaya na sabi sa'kin ni Eula. "Dalawang araw ka na ganiyan." May hawak siyang basahan at padabog itong binitawan. "Kapag hindi ka pa umayos, mawawalan ka na ng trabaho."




Bwisit. Kasalanan 'to ni Paul! Isa pa 'yung bwisit na role play na 'yon. Kayamot amp! Tatlong araw na ang nakalipas pero 'yun pa rin ang iniisip ko!




Mas nakakayamot dahil hindi ko malimutan 'yung kaba na nararamdaman ko nung hawak niya ang kamay ko. May kakaiba kasi talaga. JUSKO. Zha, kinakabahan ka lang nun kasi nagpeperform ka sa harap ng mga kaklase mo. TAMA! 'Yun lang 'yon o baka naman kinakabahan lang ako sa sobrang kabwisitan ko kay Paul.




"Zha, umiiyak na naman si Liya." Napatingin ako kay Marou na parang maiiyak na rin. Agad kong nilapitan si Liya na halos hindi na makahinga sa kakaiyak niya.




"Liya, tama na. Huwag ka na umiyak, oh." Hinagod-hagod ni Thea ang likod ni Liya.




Napatingin agad ako kay Rj. Siya lang naman ang iniiyakan ni Liya, e. Wala ng iba.




"E, kaya naman pala umiiyak si Liya, e. Panay ang kapit nito ni Alliyah!" Bulaslas ko at bigla akong nakaramdam na may humampas sa braso ko.




Si Nietta. "Bunganga mo! Baka marinig ka," Tumingin siya kay Alliyah na nakatingin kay Rj at si Rj ay nakatingin sa'min.




Nakipagtitigan lang ako kay Rj. Gusto kong maramdaman niya na nabubwisit ako sa kaniya. Alam niya naman na nasasaktan pa si Liya tapos magpapalandi siya kay Alliyah?! Lumayo nga siya para sa amin para sa ikabubuti ni Liya pero mas masasaktan niya lang pala 'to.




"Bakit ka nakikipagtitigan sa iba?" Humarang sa harapan ko si Paul.




"Luh? Lumayas ka nga diyan!" Medyo tinulak ko siya patagilid pero natigilan ako nang may naramdaman akong kuryente na dumaloy sa kamay ko.




'yun pala ay hawak niya na ang kamay ko para pigilan ako sa pagtulak sa kaniya. Nagkatinginan kaming dalawa at parehong gulat ang itsura namin. Agad niyang binitawan ang kamay ko na akala mo siya ang nakuryente.




"Kadiri," Pinahid-pahid ko ang kamay ko sa palda na suot ko.




"Wow ha, ang linis mo naman." Sarkastiko na sagot ni Paul.




"Tsk," lalayas na sana ako sa harapan niya pero hinila niya ako at may kung ano na naman na kuyente na dumaloy naman sa buong katawan ko. "Anak ng kuryente!"




"Ha?" Binitawan niya ako. "May sasabihin lang ako, Zha."




Kabwisit! Bakit ko ba sinabi na anak siya ng kuryente?! Totoo naman! May para siyang kuryente na dala-dala palagi. Wala naman siyang ganoon dati sa tuwing nag aaway kami. Wala akong nararamdaman na kuryente mula sa kaniya.




Hindi ko alam pero bigla na lang ako kinabahan. "Wala akong panahon makinig sa'yo." Hindi ko rin alam kung bakit 'yan ang lumabas sa bibig ko. Parang gusto ko bawiin pero hindi ko na ginawa.




Tumango lang siya at ngumiti. "Okay." At dumiretsyo na kay Liya na ngayon ay patahan na.




Para akong nakakaramdan ng konsensya sa ginawa ko. Tsk. Totoo naman! Wala akong panahon makinig lalo na kung pang bubwisit lang ang sasabihin niya! Maha-highblood pa ako lalo.




Lalakad na sana ako papunta kay Liya pero napahinto ako dahil nakita ko na nakatingin ng diretsyo sa'kin si Junjun. Tinaasan ko siya ng kilay at umiwas siya ng tingin. Tsk.




Mabilis lang natapos ang araw ang na'to. Hindi na rin ako kinausap si Paul. Okay lang, pakialam ko ba.





Pagkauwi ko sa bahay, nadatnan ko si Neil na mahimbing na natutulog. Nilibot ko ang maliit na bahay na 'to ng Tiyahin namin at hinanap siya pero wala siya. Mainam.




Humarap ako sa salamin habang nagtatanggal ako ng uniform ko. Tinanggal ko rin ang bracelet ko na bilog-bilog at kulay berde. Bracelet 'to ni mama noon. Napatingin ako sa leeg ko, kitang-kita pa rin ang peklat na gawa ng Tiyahin ko..




*flashback*


"Tita, nasaan na po 'yung pera ni mama? Bakit hindi niyo binibigay sa'kin? Kailangan ko lang po."




"Ang tigas talaga ng ulo mo, 'no? Hindi nga pwede! Bilin sa'kin ng mama mo na huwag ka pahawakin ng pera!" Sinungaling.




Ang sabi sa'kin ni mama, kunin ko sa kaniya ang pera at makitira sa Tiyahin ko. 'Yun ang huli niyang sinabi bago siya tuluyan na binawian ng buhay.




"Sinungaling ka Tita--" bigla niya akong sinakal.




"Ako na ang nag aalalaga sainyo ngayon, kaya wala kayong karapatan na ganiyanin ako." Nanggagalaiti na sabi ni Tita, hindi na ako makahinga. "Palamunin na nga lang kayong magkapatid dito, e!"




Marahas kong inalis ang kamay niya sa leeg ko. Napa aray ako dahil matalim na bagay na dumulas sa leeg ko. Napahawak ako sa leeg ko dahil may naramadaman akong hapdi. Pinagpapawisan ako at parang may sugat kaya ako nahahapdian. Napatingin ako sa kamay ni Tita at ang haba ng kuko niya.




"Oh ano, aarte-arte ka ngayon? Ano, magsusumbong ka? Hahaha! Walang makikinig sa'yo!" Tinulak niya ang noo ko gamit ang hintuturo niya. "Dapat sainyo namatay na lang din, e!" Sabi niya sabay lagok sa red horse na iniinom niya.




Nangingilid ang luha sa mga mata ko. Parang hindi niya kami kadugo kung ituring niya. Mas gusto niya pa na nawala na rin kami ni Neil. Nagagalit ako. Darating ang araw na makakaalis din ako rito. Makakaalis kami ni Neil sa mala-impyernong bahay na 'to.




(A/N: Nasa Highschool Series #1 "Marou Marupok" Chapter 28 ang scene na kung saan nakita nila Marou na may kalmot si Zha sa leeg. Lagay ko na rin dito sa flashback.)




Nagsuot ako ng jacket bago ako pumasok sa school. Naglagay rin ako para hindi makita 'yung sugat sa leeg ko. Akala ko walang makakapansin pero sadyang matalas ang paningin ni Nietta.




"Ano 'yang nasa leeg mo?" Tanong sa'kin ni Nietta habang nakaturo sa leeg ko at sinisilip niya pa ito. Agad akong umiwas sa kaniya at hinarang ang buhok ko sa leeg ko.




Nataranta ako nang lumapit sa'kin si Marou at aambang hahawiin ang buhok ko pero mabilis akong lumayo.




"Bakit ka may mahabang sugat diyan?" Tanong sa'kin ni Marou, nakita niya pala kahit umiwas ako.




Kinakabahan ako na nakatingin sa kanila. "H-ha, a-ano, wala 'to!" Ngumiti ako at umiwas ng tingin kay Nietta.




"Ang plastik ng ngiti mo." ani Nietta. Lumapit na rin sa'min si Liya at Thea. Mas lalo akong kinakabahan.




"Saan galing 'yan?" Nakakunot na ang noo ni Marou. Para silang mga mean girls tapos binibully nila ako.




"Wala nga 'to..ano lang, uhm..kinalmot ng pusa." Napakamot ako sa ulo ko, hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong rason.




"You're not a good liar, Zha." sabi ni Thea. Napatingin ako sa kanila.




"Promise! Kalmot nga lang 'to ng pusa. Kaya ko tinatakpan kasi nahihiya ako na makita ng iba." Galing ko magsinungaling.




"Eh bakit hindi mo man lang nilagyan ng band aid?!" sigaw sa akin ni Nietta.




"Nakalimutan ko bumili!" sigaw ko pabalik. Totoo 'yan. Nakalimutan ko talaga.




Huminto na sila sa katatanong. Mukhang nakumbinsi ko naman sila dahil nagtatawanan na lang kami ngayon. Maliban lang kay Liya na naniningkit ang mga mata habang nakatingin sa'kin.




Mabuti na lang at nagsalita ulit si Nietta. "Tanga ka, ma-iinfect pa 'yan kapag 'di mo agad tinakpan 'yan." inirapan pa ako.




Tsk. Salamat sa pusa. Niligtas niya ako ngayon.


*end of flashback*




Nagagawa ko pang magsinungalang kila Marou para lang huwag nila ako kaawaan. Ayokong malungkot sila para sa akin.




Humalik ako sa noo ni Neil bago ako kumain. Natulog na rin ako agad. Maaga pa ako gigising bukas. Pagkagising ko, nakita ko si Tita na tulog. Naligo na agad ako at nagbihis para makaalis na.




Ewan ko ba bakit parang ang ganda ng gising ko ngayon? Parang ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko alam. Parang ang saya ko? Ay ewan!




Habang naglalakad ako palapit sa Café, nakita ko na bukas na ang mga ilaw sa loob. Napakaaga talaga palagi ni Eula! Hindi nagsisisi si Ma'am Lucy na kinuha siya para magtrabaho rito.




"Eula!" Pagtawag ko habang napasok ako sa Café. "Eula, nandiyan na ba si ma--" napahinto ako dahil may nakita akong lalaki na nakatalikod. Suot-suot nito ang katulad na uniform namin ni Eula.




Baguhan ba 'to? Bakit wala naman nabanggit si Ma'am Lucy kahapon na may bagong mamamasukan sa amin? Lahat ng namamasukan dito ay dapat kilala ang isa't-isa. At higit sa lahat, lahat kami babae. Bakit lalaki ang isang 'to?!




"Uh," lumapit ako sa lalaki, nakatalikod pa rin siya. "Hello? Bago ka rito?" Tanong ko pero hindi siya umiimik o humaharap man lang. Nagtaasan ang balahibo ko. "Uhm, may nakita ka ba na babae rito kanina? 'Yung babae na maliit tapos cute?"




Nabubwisit na ako. Hindi niya ako pinapansin! "Kuya, mawalang galang na, ha? Pero ang kapal naman ng mukha--" nanlaki ang mga mata ko nang humarap siya. Biglang kumalabog ang dibdib ko.




ANONG GINAGAWA NIYA RITO?!




"Goodmorning!" ngiting-ngiti na sabi niya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. "Oh, ano pang tinatayo mo diyan? Kilos na! Mamaya mo na titigan ang kagwapuhan ko." ngumisi siya.




Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Baka namamalik-mata lang ako. Pero pagtingin ko sa harap ko, nandito pa rin siya at nakangiti ng malawak. Tinapik-tapik ko ang pisngi dahil baka nananaginip lang ako pero nandito pa rin siya! Kinurot ko ang kamay ko. "Aray!" React ko at agad ko itong dinikit sa bibig ko.




"Anong ginagawa mo?" Nagulat ako nang magsalita ulit siya. Totoo nga siya! Totoong-totoo! Hindi ako nananaginip!




Napatingin ako sa pintuan nang may pumasok na customer na mga babae. "Goodmorning, mga magagandang binibini." Naghagikhikan 'yung mga babae. "Ano po ang gusto niyong itimpla ko para sainyo?" Hindi maalis ang ngiti niya at nakatingin lang siya sa'kin.




Napanganga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako sa hindi malaman na dahilan. Hindi talaga ako makakilos at parang napako na sa kinatatayuan ko.




Baka nananaginip talaga akl? Alam ko hindi! Naligo pa ako kanina. Malamig na tubig pa ako gamit ko! Kaya imposible talaga na panaginip lang 'to.




"Uhm, kuya, ano po pangalan mo?" Maharot na sabi nung isang customer na babae. Pulang-pula na siya at halatang kinikilig.




"My name is.." tinuro niya 'yung pin na nakasabit sa kaliwang dibdib niya. "Paul," sabay kindat. "Paul at your service!"




Tangina..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro