HELLCAT 3
Kinakabahan ako habang pauwi sa bahay. Magpapalit pa ako uniform. Malapit lang naman ang Café sa bahay namin. Pero ang school ang malayo.
Bakit ba kasi napadpad si Paul sa lugar ko?!
Mukhang.. hindi na naman ako makakapunta sa practice namin. Ihahanda ko na ang tenga ko sa pagbubunganga ni Marou mamaya.
Agad-agad akong nagbihis pagdating ko sa bahay. Meron pa akong 1 hour bago mag 11 nang umaga. Kailangan ko humabol sa practice.
"Saan ka pupunta?" bungad ng maldita kong Tiyahin.
"School," sagot ko habang nagmamadali mag suot ng uniform. Nalaglag ko pa 'yung kusot-kusot kong blaus. Wala naman kasi kaming pang plantsya ng damit.
"Napakaaga naman?" namewang siya habang pinapanood akong nagmamadali. "Magluto ka muna ng pananghalian!" bulyaw niya.
"Hindi mo ba kaya magluto?" kabanas! Siya lang naman mag isa ang maiiwan dito bakit kailangan ko pa siya ipagluto.
Ang tanda-tanda niya na. Kayang-kaya niya nga pumatol sa bata, e. Magluto pa kaya.
"Aba! Sumasagot ka pa, ah!" Dejavu. Nakita ko na ang ganiyang rekasyon at narinig ko na rin 'yan kanina.
Tumakbo na ako nang matapos akong mag ayos. Tinali ko na agad ang buhok ko. Wala nang suklay-suklay! Narinig ko pa ang sigaw ng magaling kong Tiyahin. Hindi siya uubra sa'kin. Kung si Neil nasasaktan niya, ako hindi. Kapag siya nahuli ko na sinasaktan si Neil, humanda siya sa'kin.
Saan galing ang mga pasa ni Neil? Hindi ko rin alam. Ang sinasabi ng magaling kong Tiyahin ay nadapa raw, ganito-ganiyan. Pero sa tuwing tumitingin ako kay Neil, umiiyak lang siya at parang natatakot. Sinusubukan ko siya paaminin dahil alam ko na hindi lang siya basta nadapa o ano, pero inuulit niya lang kung ano ang sinasabi ng Tiyahin namin.
"Zha, bakit ngayon ka lang?" tanong agad sa'kin ni Thea, napatingin ako kay Liya na tulala.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magkapatid pala sila ni Rj. Buhay nga naman, oh! Hindi na rin sumasama sa amin si Rj dahil dumidistansya siya kay Liya.
"Traffic," sagot ko na lang. Napahinto ako sa paglalakad nang makita si Paul na nakasunod ang tingin sa'kin.
Tsk. Badtrip! Iniisip na siguro nito ngayon na kawawa ako. Na malihim ako. E, sa ayokong kaawaan nila ako at ng iba pa, e.
"Hi, Zha!" patalon-talon na lumapit sa'kin si Marou at ngiting-ngiti pa siya. "At dahil late ka, ikaw ang bida!"
Kumunot ang noo ko. "Anong bida?"
"Roleplay," ngumisi siya.
"Luh?! Ayoko nga! Si Liya na lang!" si Liya ang may talent sa amin sa pag acting.
"May role na silang lahat, e," lumungkot ang mukha niya pero may halong pang aasar. "Kayo na lang ang wala."
"Tsk. Bahala ka, Marou. Ayoko."
"Pride o grade?" Pinagkrus niya ang dalawang braso niya sa harapan ng dibdib niya.
Tangina naman! "Syempre, grade!" Pota.
"Okay!!" masayang sabi niya sabay palakpak at lumapit kina Lou. "May kapartner na si Paul!"
"ANO?!" anong Paul ang sinasabi niya?!
"Late kayong dalawa, e." Nagkibit balikat si Junjun.
ANAK NG POTATO!
"Bakit ko siya kapartner?!" Irita na sabi ko habang nakaturo kay Paul.
"Wow, sis. Chill ka lang, ang OA masyado, ha." sabi sa'kin ni Nietta. Napabuntong hininga tuloy ako. Medyo OA nga ang naging dating ko.
"Okay. Bakit kami magkapartner?" mahinahon na tanong ko sa kanila. Sinamaan ko nang tingin si Kendmar na kaunti na lang ay hahalakhak na.
"E, love story kasi 'to. Hindi na kayo nasanay kay Marou na love story palagi ang ginagawa kapag role play." Sabi ni Lou.
"LOVE STORY?!" Nagkatinginan kami ni Paul dahil nagkasabay pa kami ng reaksyon.
"Huwag kayo mag alala, madali lang gagawin niyo." sabi ni Marou sa sabay ngisi.
"Parang baliw naman kasi, Marou! Ano ba gusto mo mangyare, ha?!" inis na sabi ko sa kaniya.
Paano ba naman, pinaghahawak niya ang kamay naming dalawa ni Paul! Panay ang pagpipigil ng kamay ko habang hinihila niya ito para lang magkahawak kamay na kami.
"Ang arte mo, Zha. Kamay ko na nga ang hahawakan mo, inaayawan mo pa." Iiling-iling na sabi ni Paul.
Aba, SAKSAKAN talaga ng YABANG ang nilalang na 'to!
Nagtawanan din sila Kendmar. 'Yung kanina na pinipigilan ni Kendmar ay nailabas niya na.
"Eh, kung suntukin ko kaya ang pagmumukha mo?!" Umamba ako na susuntukin siya pero tinawanan niya lang ako.
"Apat na taon mo na 'yan sinasabi sa'kin pero never mo naman ginawa!" Humagalpak siya sa tawa. Nasusuntok ko naman siya noon pero sa tyan lang.
"Ah, so, hinahamon mo talaga ako?" pinisil-pisil ko ang kamay ko na parang handa na ako manuntok. "Totohanin ko na ngayon, gusto mo? ha? Gusto mo?"
"Tama na 'yan," saway ni Lou. "Isang oras na lang magsstaart na klase natin."
Wala akong ibang nagawa kundi bigyan lang ng sobrang sama na tingin si Paul. Tinatawanan niya lang talaga ako. Palagi naman siyang ganiyan, wala namang bago.
Pero..
Kung kumilos siya sa harap ko ngayon ay parang wala siyang nalaman kanina.
"Game na kasi, no more extra moves!" sabi ni Marou.
Labag man sa loob ko, hinawakan ko na ang kamay niya. Bigla na lang ako nakaramdam na parang may kuryente na dumaloy mula sa kamay namin na magkahawak hanggang sa umakyat ito sa ulo ko. Napailing tuloy ako.
Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa ngayon! Kaninang umaga lang ay nahuli niya lang ako tapos ngayon hawak ko na ang kamay niya?!
"Tangina," mahinang sabi ko.
"Ano 'yon? May sinasabi ka?" Curious na sabi ni Paul. Parang wala lang sa kaniya na magkahawak kamay kami.
Ay syempre, babaero 'to. Malamang, sanay na 'to sa pakikipag holding hands sa kung sino-sino!
"Wala! Sabi ko ang tigas ng kamay mo!" Ngumisi ako sa pang aasar na sinabi ko.
Kumunot ang noo ko dahil hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi man lang siya mukhang napikon.
Ngumisi siya, "Ibig sabihin, dinadama mo ang pagkakahawak mo sa kamay ko." mas lumawak ang ngisi niya.
Inis kong binitawan ang kamay niya. Parang gago.
"Zha, 'yung kamay mo! Ano ba naman 'yan?!" sigaw ni Marou na nasstress na ngayon sa paglilead.
"Pinakalast pa naman ang scene naming dalawa diba?" iritado na tanong ko. "Mamaya na lang kami maghahawak kamay." umiwas ako ng tingin.
Hinayaan na lang kami ni Marou. Matagal pa naman bago ang scene namin ni Paul. Ewan ko ba sa mga 'to bakit pinagpipilitan agad na mag holding hands na kami kahit hindi pa naman namin scene! Sa apat na taon na magkakasama kami, ngayon lang namin 'to ginawa!
"Oh, next scene! Kayo na Zha," sabi ni Kendmar at tinuro ang harapan.
Umirap ako at padabog na hinawakan ang kamay ni Paul at marahas ko siyang hinila papunta sa harapan.
"Dahan-dahan naman, Zha." Kumento ni Liya. "Hindi kayo magmumukhang lovers niyan, e."
Putangina. Bakit ba kasi ako na-late sa practice na 'to?! Hindi na nila pinili si Liya kanina dahil may ibang role siya at lahat sila ay nasa pinaka unang scene at kabisado na nila ang kani-kanilang script.
"Ulit!" sigaw ni Marou at nakaturo siya sa back stage. Iirap pa lang sana ako pero hinila na ako ni Paul papunta sa likod. Walang gana akong sumunod sa kaniya.
Sinunod lang namin si Marou. Dahan-dahan na kami pumunta sa harap at ginawa na namin ang nakakasukang mga script na ginawa ni Marou. Hindi pa ako masyadong makapag focus dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko na nagpipigil ng tawa si Junjun, amp!
"Okay na 'yan, galingan niyo na lang mamaya." Sabi ni Marou sabay kuha sa bag niya. Inagaw naman ni Kendmar 'yon at siya ang nagbuhat.
Kukunin ko na rin sana ang bag ko nang tawagin ako ni Paul.
"Ano na naman?" tanong ko sa kaniya.
"Uh," nakatingin lang siya sa'kin. "Araw-araw ka ba nandoon?"
Kumunot ang noo ko. "Saan?" Natigilan ako nang marealize ko kung ano ang tinatanong niya. "Bakit? Pakialam mo?"
"Paul, tara na!" sigaw ni Junjun.
Agad akong tumalikod at hindi ko na siya hinarap ulit. Mabilis kong kinuha ang bag ko at tumakbo palapit kila Marou.
"Zha, galingan niyo acting niyo ni Paul mamaya, ha? 'Yung tipong kikiligin din ang mga langgam!" maharot na sabi ni Nietta.
Napailing na lang ako. Napatingin na naman ako kay Liya at nahuli ko na naman siya na kay Rj siya nakatingin. Sa kuya niya na katawanan ngayon si Alliyah. Hay buhay!
Habang papalapit ako sa classroom namin ay kinakabahan ako. First subject pa naman namin 'tong may role play na 'to! Parang gusto ko na lang mahimatay mamaya.
"Marou, kumanta na lang kaya tayo?" suggest ko. Pwede naman kasi kanta, sayaw, maraming pwede gawin pero bakit roleplay pa ang pinili.
"Roleplay," sagot niya at humalakhak. Parang tuwang-tuwa pa siya ngayon.
Kinakabahan na ako! Punyeta!
"Go, Zha!" pag cheer sa'kin nitong katabi ko na si Thea. "Time to shine!" tatawa-tawa na sabi niya.
"Zha, dahan-dahan lang ang paghila kay Paul mamaya ha?" paalala ni Liya habang nakangiti.
Bakit ba parang ang saya-saya nilang lahat?!
Tumungo na lang ako sa sobrang inis. Bwiset na buhay talaga 'to. Naalala ko pa 'yung tanong ni Paul. Isa pang nakakabwiset! Bakit niya tinatanong 'yon? Ano? Araw-araw ba siya pupunta roon para ano? Bwisitin ako habang nagtatrabaho?!
Dumating na ang teacher namin at nag perform na ang lahat. Kami ang pinaka last na grupo kaya kami ang huling mag peperform.
Nagsimula na umacting sina Liya, sa role play kasi, si Liya at Lou ang gumanap na bilang bata na 'Cristina at Ricardo' tapos kami ni Paul 'yung kapag adult na sila. 'Yung iba sa'min, sila Kendmar ay pamilya ni Liya o kaya ni Lou. Tapos si Marou ang narrator.
"Kamay mo," nilahad ni Paul ang kamay niya sa harapan ko. Umiwas ako ng tingin bago ko ito hawakan at naramdaman ko na naman 'yung kuryente!
Malapit na matapos ang scene nila Liya kaya mas lalo akong kinakabahan! Naramdaman ko na lang na marahang pinipisil ni Paul ang kamay ko. Para akong nakikiliti sa ginagawa niya. Puta. Ano bang ginagawa niya?!
"After 8 years.." sabi ni Marou na nag na-narrate. Ibig sabihin, kami na ni Paul ang magpapakita.
Dahan-dahan kami lumakad ni Paul papunta sa harap. Napa 'woah' pa ang mga kaklase namin dahil sa kamay namin na magkahawak.
Humarap sa'kin si Paul at hinawakan ang isa ko pang kamay. Magkaharap na kami.
"Cristina, matapos ang walong taon na pagsasama natin, sa mga pagsubok na dumaan, hindi mo ako binitawan." Parang gusto ko matawa sa pag acting ni Paul, masyado siyang seryoso.
"Mahal na mahal kita, Ricardo. Alam mo 'yan. Hindi ko magagawang bitawan ka." Halos masuka na ako.
Ewan ko ba pero parang nakikipag usap ang mga mata ni Paul sa'kin o baka naman in character lang siya.
"Salamat, Crisitina. Binagay ka ng Diyos sa akin, wala na akong mahihiling pa." mas lumapit sa'kin si Paul.
Napaiwas ako ng tingin dahil nag aalburoto ang puso ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko?! Role play lang 'to!
"Ako rin, Ricardo, wala na akong mahihiling pa." Naiilang akong tumingin ng diretsyo kay Paul kaya nagkunware akong ngumiti.
Hinawakan ni Paul ang mukha ko. "Isa lang ang gusto kong mangyari, Zha, ang makasama ka habang buhay.." Bigla akong natigilan.
Nag aabang ako na baka ulitin niya ang sinabi niya at sabihin na nagkamali siya. Dahil hindi ako nagkamali sa narinig ko. Pangalan ko ang binaggit niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro