HELLCAT 1
"Ate, gising na." dinilat ko ang mga mata ko.
5:00 AM na.
Bumugad sa harap ko si Neil. Ang kapatid kong six years old pa lang, nabubugbog na.
Pinagmasdan ko ang mukha ni Neil na may mga pasa. Parang tinutusok ang puso ko. Nasasaktan ako. Gusto ko umiyak. Naiiyak ako.
Hinawakan ko ang mukha ni Neil, hindi ganoon kahigpit dahil baka masaktan siya. "Makakaalis din tayo rito, Neil. Konting hintay pa."
Wala na kaming ibang kamag anak. Hindi rin kami makaalis dito sa puder ng tanginang Tiyahin namin dahil siya ang nagbabayad ng mga naiwang utang ni mama at papa.
"Ang sakit, ate." inosente niyang tinuro ang kulay violet na pasa niya sa panga niya. Napayukom ang kamao ko.
"Gagaling din 'yan, ha? Huwag mo kakalimutan 'yung bilin ko sa'yo na lagyan 'yan ng yelo, ha?"
At higit sa lahat, ang Tiyahin namin ang may hawak ng pera na iniwan ni nila mama para sa pag aaral ko. Hindi niya binibigay sa'kin. Pinag aaral niya ako, tinitipid niya naman ako sa baon.
Kaya eto ako ngayon, gigising nang maaga para magtrabaho. Para makaipon ng pera at makaalis na sa bahay-- impyerno na 'to.
"Eula, nandiyan na ba si Ma'am Lucy?" tanong ko sa katrabaho ko.
"Wala pa nga, e. Mabuti na lang binigay niya sa'kin kagabi ang susi." tinaas niya 'yung susi nitong Café na pinapasukan namin.
Tumango ako at pumunta muna sa banyo para magpalit ng uniporme na green tshirt at patungan ito ng apron na kulay dark brown. May sumbrelo pa kami na sinusuot na ka-kulay nung apron.
"Good morning, sir! Ano po ang bibilhin niyo?" narinig ko na sabi ni Eula, inisa-isa niya pa 'yung mga iba't-ibang klase ng kape at tinanong kung ilan ang bibilhin nila.
"Apat, please." kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses nung sumagot kay Eula.
Hindi ako pwede magkamali.. Boses 'yun ni Paul!
"Nes! Nessy!" hinahanap na ako ni Eula. Nataranta ako bigla! Hindi ko alam kung lalabas ba ako sa banyo na 'to o magkukunware na nag e-LBM?
Hindi naman pwede na pabayaan ko lang siya na mag isa na mag serve roon!
At hindi rin alam nila Paul na nagtatrabaho ako ngayong fourth year highschool na kami..
Third year highschool pa lang kami, nagtatrabaho na ako.
Nagulantang ako nang may kumatok nang malakas sa pintuan ng banyo. "Nes, bakit ang tagal mo diyan?! Apat 'yung bibilhin nung pogi na customer natin! Lumabas ka na! Bilisan mo!"
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bubuksan ko na ba ang pinto!
"Oo, sandale!" iniba ko pa ang boses ko dahil baka rinig sa labas! Jusko!
Ayoko ipaalam na nagtatrabaho ako sa mga kaibigan ko dahil ayoko na kaawaan nila ako. Ayoko na isipin nila na ang bata ko pa para sa ganitong bagay.
Kaya madalas akong wala sa mga gala naming magtotropa dahil working student ako. Hindi ako nakakasama sa kanila dahil mas pipiliin ko mag trabaho para kay Neil.
Dali-dali akong lumabas ng banyo na nakayuko. Mabuti na lang at may sumbrelo kami! Napatingin ako sa desk ni Ma'am Lucy at nakita ko na may face mask doon. Agad ko 'yon dinampot at sinuot. Hindi ko alam kung gamit na ba 'to, bahala na.
"Jusko, dai! Tapos ko na po gawin lahat. Salamat ha," sarkastika na sabi sa'kin ni Eula habang nakapa-mewang.
Nilagpasan ko lang siya at pumunta na sa dapat kong pwesto. Si Eula ang taga timpla palagi, tinutulungan ko siya kapag marami. Ako naman ang cashier dito.
Nagulat ako nang hawakan ako ni Eula at sapilitang pinaharap sa kaniya. "Bakit ka may suot na face mask?"
Nanlaki ang mga mata ko. "W-wala." hinawa ko ang kamay niya na nasa balikat ko. "S-sinisipon kasi ako." at suminghot ako ng kaunti para real.
Habang nakatayo ako rito, nagtaasan ang mga balahibo ko nang mahuli ko si Paul na nakatingin dito. Agad akong napatalikod.
Si Paul nga 'yon! Sabi na siya 'yun e! Hindi ko kilala 'yung tatlong lalaki na kasama niya.
"Huy, Nes! Ano bang nangyayare sa'yo? Kanina ka pa malikot. Hindi ka naman ganiyan."
Sa trabaho, 'Nes' ang tawag sa'kin. Hindi namin pwede gamitin ang totoong pangalan namin o nickname namin sa totoong buhay. Ewan ko kay ma'am Lucy bakit ganoon ang patakaran niya.
"M-may regla kasi ako ngayon," sagot ko. "Hindi ako mapakali."
Tumango-tango naman si Eula at halatang nakumbinsi ko siya. "Sabagay, ganiyan din ako kapag meron!" humagikhik siya.
Tss. Kahit naman wala siyang regla, malikot pa rin siya. Hindi ko nga alam kung paano ako tumagal ng isang taon dito na may kasama na ubod ng likot. Daig niya pa si Neil, e.
"Uy, Nes! Tingin nang tingin dito 'yung pogi na customer natin!" patili na bulong sa'kin ni Eula, si Paul ang tinutukoy.
Nangangalay na ang batok ko dahil nakayuko lang ako kanina pa. "Tumigil ka. Hayaan mo siya," medyo nasiko ko pa siya sa inis.
"Ih! Sungit mo talaga ever!"
Hindi ako makapag concentrate dahil unti-unti na nagkakaroon ng ibang tao rito sa Café tapos hindi pa rin umaalis sila Paul! Putangina naman.
"Miss, 'yung sukli ko po?" iritadong tanong sa'kin nitong customer na magbabayad na nga lang, nakakapit pa siya sa jowa niya!
"Maghintay ka," nakaka-highblood! Hindi lang naman siya ang customer namin!
"Aba! sumasagot ka pa, ha?" napatingin ako sa gigil na gigil na mukha niya. Mukha niya pa akong sasabunutan, buti na lang hawak na siya ng jowa niya.
Si Eula ang humarap sa kaniya. "Uhm, miss, pasensya na po. Kaunting intay lang po sa sukli dahil marami pa po ang nagbabayad at nawalan po ng barya panukli kaya medyo natatagalan.." palusot ni Eula.
"Babe, kalma na. Ang ganda ganda mo, oh," halos masuka na ako sa pambobola nung jowa ng bruhilda na customer namin.
"Hay, nako! Ang aga-aga kasi, pinag iinit ang ulo ko! Tsk. O, sige na, babe. Kakalma na ako." mula sa pagkairita na boses hanggang sa naging malandi.
Nang makuha niya na 'yung punyetang sukli niya, lumayas na siya sa harapan ko. May silbi rin pala itong pagsuot ko ngayon ng face mask dahil hindi nakikita ang buong mukha ko. Hindi niya makikita kung gaano ako kabwisit sa kaniya.
"Nes, ugali mo ah." mariin na sabi sa'kin ni Eula. "Pasalamat ka na lang at late darating ngayon si ma'am Lucy. Kung nandito 'yon at nakita niya ang ginawa mo, ay ewan ko na lang kung saan ka pupulutin."
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi na talaga mawawala ang ganitong ugali ko. Hindi kasi ako nakakaramdam ng takot sa iba. Hindi ko alam kung bakit. Lumaki ako na matapang at walang kinatatakutan.
Isang beses lang ata ako natakot sa buong buhay ko.
At 'yun ay noong nawala si Mama at Papa. Sobrang takot na takot ako noon. Kaming dalawa na lang ni Neil ang naiwan.
Automatic na tumingala ang ulo ko kahit kinkontrol ko naman na dapat ay nakayuko lang ako. Nagulat ako nang makita na nakatingin na naman sa'kin si Paul at titig na titig sa mga mata ko!
Napaiwas ako ng tingin. Nakikila niya ba ako? Parang ang imposible naman!
"Eula," lumingon siya sa'kin. "Nakikilala mo ba ako?"
"Ha?" walang kaalam-alam na sabi niya.
"Ang sabi ko, kung nakikilala mo ba ako kahit ganito ang itsura ko ngayon?" pinagmasdan niya muna ako saglit, tinignan ako mulo ulo hanggang paa.
"Hindi," umiling siya. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Pero dahil matagal na tayo magkasama, makikilala pa rin kita."
Tangina! Kinakabahan na naman ako! "Ano ba talaga?" inis na tanong ko.
"Para sa'kin, nakikilala pa rin kita." nagkibit-balikat siya. "Ay, bakit?" kumunot ang noo niya at bigla na lang siya napatingin sa mga customer namin. Lumapit siya sa'kin. "May tinataguan ka ba?" bulong niya.
Kumalabog na namam ang puso ko. Umiling ako at umiwas ng tingin.
Di ko na kaya 'to! Gusto ko na umuwi!
Dumating na lang si Ma'am Lucy at nagsi-alisan na 'yung mga naunang customer, hindi pa rin umaalis sila Paul. Nakapag almusal na lang si ma'am at nakuwestyon na ako kung bakit ako naka face mask, hindi pa rin sila umaalis. Nakakabanas!
"Ma'am Lucy," pagtawag ko sa manager dito.
"Oh? Nes, bakit?" napatingin din sa'min si Eula.
"Pwede po ba tayo maglagay ng bawal-tambay-rito sign?"
Bahagyang natawa si Ma'am kaya mas lalo akong nabanas. "Ano ka ba, Nes! Palabiro ka talaga!" Tatawa-tawa na sabi niya sabay alis.
Nagkatinginan kami ni Eula at tumawa lang din siya. Luh? Ano nakakatawa sa sinabi ko? Hindi naman ako nag joke, ampota.
"Nes, Café 'to."
Napatingin ako kay Eula na nagpipigil tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin. "Normal lang na tambayan ito ng mga customers natin!"
Bwisit!
Sa loob ng isang taon ko rito, ngayon lang napadpad dito si Paul! Ang layo-layo nito sa school namin. Dito ko nga pinili mag trabaho dahil sure ako na walang makakakita rito sa'kin.
Ngayon, hindi na ako sure.
Nakita ko na tumayo na si Paul at ang tatlong lalaki na kasama niya. Hay sa wakas! Matapos ang dalawang oras, aalis na sila! Salamat sa Diyos!
Bago pa makalabas si Paul ay sumulyap muna siya sa'kin. Napayuko na naman ako. Alam kong mukha na akong tanga rito na nasobrahan sa yuko habang kinukuha ang mga bayad ng mga umoorder.
Nakahinga ako nang maluwag nag tuluyan na silang nakaalis! Agad kong tinaggal ang face mask ko. Ang hirap huminga.
"Oh, bakit mo tinanggal ang face mask?" kunot noo na tanong ni Eula.
"Wala na akong sipon." dali-dali kong tinanggal ang apron na suot ko.
"H-hoy! Saan ka pupunta?!" tanong ni Eula dahil hindi pa naman oras para umuwi ako.
"Uuwi ako ng maaga. May practice pa kami. Importante," sagot ko. "Natawagan ko naman si Alyssa kanina, pupunta siya rito bago ako umalis."
"Nakapag paalam ka na ba kay Ma'am Lucy?" tumango lang ako sa kaniya.
Dumiretsyo na ako sa banyo at nagbihis. Medyo nagtagal pa ako sa banyo dahil sa iniisip ko. Nakilala kaya ako ni Paul?
Saktong pagkalabas ko ng banyo ay nandito na si Alyssa. "Good morning, Nes!"
"Morning," walang good sa morning ko ngayon!
Kumaway ako sa kanila bago ako umalis. Hindi ko na nakita si Eula. Si Alyssa lang ang nadatnan ko sa pwesto ng mga cashier e, siguro inutusan na naman 'yon ni Ma'am Lucy, wala rin kasi sa opisina ni Ma'am Lucy nung nagpaalam na ako na aalis na ako.
Nagmamadali akong lumabas ng Café. Late na ako sa practice namin. Late rin si Paul. Napangisi ako. Hindi lang ako ang mbubulyawan ni Marou.
Nakayuko ako habang naglalakad, takot na baka nandito pa sila Paul sa paligid. Mag kukunwari na lang sana ako na nag cecellphone ako pero naalala ako, wala pala akong cellphone.
Sa kamamadali ko mag lakad, wala naman akong nabunggo pero may humarang sa'kin..
Amoy niya pa lang alam ko na kung sino siya.
"Ano ginagawa mo rito, Zha?" hindi ako umimik.
Nagtaasan ang mga balahibo ko. Sa lahat ng tropa ko, hindi ko inaasahan na siya pa ang makakahuli sa'kin ngayon. Kilalang-kilala ko na ang boses niya, ang boses na walang ibang ginawa kundi makipagbangayan sa'kin sa loob o labas ng eskwelahan!
Alam na alam ko kung sino ang taong 'to. Walang iba kundi si Paul.
"Sabi ko na, e. Ikaw 'yung cashier sa Café kanina, Zha."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro