Kabanata 7
Ang Alab Ng Pagkontrol
Zendu's Point of View
Nakasunod ako kay Pinuno Lapu, nagmamadaling kunin ang mga potion na akin ding ginawa. Kailangan ko ang mga ito para sa aking pagsasanay, maaaring maging malaking tulong ang mga ito, lalo na't wala akong pagkakataon na makabili ng mga bagong sangkap. Masyado akong abala sa aking mga pagsasanay, at kahit sa hardin, tanging isa o dalawa lamang sa mga kinakailangan ko ang aking nakita—hindi pa rin sapat para makabuo ng isang potion.
Tumigil kami sa silid ni Apo, ang pagamutan. Siya lamang ang pumasok, hindi na ako sumunod. Sa loob ng ilang saglit, siya’y lumabas, dala ang mga potion na nakabalot sa mahiwagang dahon. Habang ang mga dahon ay lumulutang patungo sa akin, isang daloy ng pasasalamat ang umusbong mula sa aking puso.
"Salamat, Pinuno Lapu," magalang kong sinabi, kahit hindi siya sumagot. Nagsimula na akong maglakad palayo sa silid na iyon.
Pagdating ko sa hardin, tahimik ngunit puno ng ingay mula sa mga sagabal sa gitna, dahilan upang mahirapan akong marinig ang mga tunog sa paligid. Dito ko naisipang magsanay. Agad akong naghanap ng magandang pwesto sa ilalim ng isang malaking puno—mukhang perpekto para sa aking layunin.
Nagmamadali akong lumapit at umupo, naisip ko ang kutsilyo na hindi ko napatakan ng aking dugo. Ang mga potion ko ay inilagay sa mahiwagang pulsiras, ang tanging kayamanan na dala-dala ko.
Kinuha ko ang kutsilyo, nanginginig sa kaba. Dahan-dahan kong nilapit ito sa aking palad, at sa isang iglap, ang matalim na talim ay tumama sa aking balat. Napasigaw ako sa sakit, ang tanging natirang imahinasyon ay ang patak ng aking dugo na dahan-dahang bumuhos.
Sa kabila ng sakit, kinuhang ko ang asul na potion mula sa mahiwagang pulsiras at binuhos ito sa sugat. Unti-unti, ang sugat ay nagsimulang magsara, tila hindi kailanman nagkaroon ng pinsala. Napabuntong hininga ako bago muling kinuha ang kutsilyo. Sa aking paghawak, isang matinding init ang bumalot sa akin, at sa kabila ng aking pagsisikap na bitawan ito, nanatili itong nakadikit sa aking palad.
"Ano ang nangyayari?" Nagsalita ako sa sarili, ang aking boses ay puno ng takot. Napapikit ako sa labis na init na umaabot mula sa kutsilyo patungo sa aking puso.
"Tama, dapat itong kontrolin." Sinubukan kong kontrolin ang enerhiya na naglalakbay sa aking katawan, ngunit ito’y lalong lumakas. Naramdaman ko ang bawat himaymay ng aking pag-aalinlangan habang unti-unting umaakyat ang usok mula sa paligid.
Maya-maya, narinig ko ang isang tinig mula sa di kalayuan. "Isipin mo mabuti, kontrolin ng dahan-dahan; hindi sapilitan o bigla." Minulat ko ang aking mga mata, tumingin sa paligid ngunit wala akong makita.
Kinalma ko ang aking sarili, pilit na pinipigilan ang emosyon. Dahan-dahan kong pinakiramdaman ang init sa aking katawan at sa kutsilyo. Isinara ko ang aking mga mata, naisin ang koneksyon sa pagitan ng kutsilyo at ng aking isipan.
"Zendu, nag-aapoy ang kutsilyo!" Gulat na sabi ng isang dalaga. Napatingin ako, at sa aking harapan, si Malaya, nakasuot ng puting bestida na sumasalamin sa liwanag ng buwan.
"Malaya, anong ginagawa mo rito?" tanong ko, naguguluhan habang papalapit siya.
"Pupunta na sana ako sa kabila para magsanay, ngunit napatigil ako nang makita kong nag-aapoy ang kutsilyo mo. Akala ko’y may masamang nangyari sa iyo."
"Salamat sa pag-alala," tipid kong sagot.
"Oo nga pala, mag-ingat ka sa iyong pagsasanay," sinabi niya, at sa isang iglap, tumalikod siya, nagpatuloy sa kanyang daan.
Balik ako sa aking pagsasanay, sinubukang ipagpatuloy ang apoy na tila labis na abala sa aking isip. Kahit ilang subok, wala akong nagawang apoy; ang mga pagsisikap kong iyon ay nagdala lamang sa akin sa pagdududa. Nagpasiya akong tumigil at ipagpatuloy ang aking pagsasanay sa pagkontrol ng aking enerhiya.
Lapu's Point of View
Hindi ito maaaring mangyari; kailangan kong gumawa ng paraan. Ang apoy na nagsimula sa aking maliit na library ay unti-unting kumakalat, nanganganib na masunog ang mga mahalagang aklat na hawak ko. Sinubukan kong patayin ito gamit ang huling natirang kakayahan, ngunit sa halip, lalong lumakas ang apoy.
"Nasaan si Lilo?" naisip ko, naguguluhan habang ang mga alaala ng mga aklat na nawawala ay unti-unting naglalaho. Tumakbo ako patungo sa silid ni Lilo, ngunit nang dumating ako, bahagya lamang nakabukas ang pinto—wala siya.
Walang anino sa paligid; nagmadali akong lumabas patungo sa hardin. Doon, nabangga ko si Zendu, na naglalakad, tila pagod na pagod. Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy ako sa aking pagtakbo, at sa aking harapan, ang mga kabataan ay nag-uusap, nagbubulungan.
"Makinig kayo!" tinig ko ang umusbong, pinilit silang tumigil at lumingon sa akin, nakatingin na may pag-asam.
"Sumunod kayo sa akin! Kailangan ko ang tulong ng bawat isa." Tumakbo ako palabas, at sunod-sunod silang sumunod sa akin, maliban kay Zendu. Nang makararating kami, naglalagablab ang apoy, unti-unting sumisira sa aking library, ang harang ng usok na pumipigil sa akin.
"Patayin niyo ang apoy nang dahan-dahan upang hindi ito magwala!" utos ko.
Sinubukan ng bawat isa, ngunit tila ang apoy ay may sariling buhay, muling bumalik at lalong lumalakas, kumakalat sa kisame ng aking library.
"Nero, harangan mo sa itaas!" utos ko, at siya’y nagkumpos ng kanyang kamay, bumubuo ng yelo sa itaas.
Ano ang aking gagawin kapag nasunog ang mga aklat? Natatakot akong mawala ang mga mahahalagang kaalaman na aking iningatan.
"Sabay-sabay nating gamitin ang ating enerhiya," seryoso kong sinabi, pinilit ang bawat isa na mag-ambag.
Maya-maya, naglabasan ang mga enerhiya mula sa aming mga kamay, ngunit ang apoy ay patuloy na lumalaban, tila nag-aapoy ng sarili.
Makalipas ang ilang segundo, wala pa ring pagbabago. Tila gusto kong sumuko, napaupo na lamang ako sa sahig, humahawak sa dibdib. Sa bawat sigaw at gulo, tila bumagsak ang lahat ng aking pinagsikapan. Napatingin ako, ang harang sa harap ay nabasag, unti-unting nalalapit ang apoy sa aking mga libro.
Bago tuluyang sumabog ang apoy, may humarap mula sa dilim, isang asul na enerhiya. Nakilala ko ang aking kasamang si Lilo, nakangiti kahit sa kanyang mga mata ay nakikita ang lungkot.
"Wag kang mag-alala, Lapu. Susubukan kong makatulong sa abot ng aking makakaya," sabi niya, kasama si Zendu, na nakatingin sa apoy na puno ng determinasyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro