Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

Ang Apoy Ng Kalooban

Sa labas ng guild, nakatayo ang isang matabang kawal mula sa kaharian, abala sa pagkain habang may hawak na sandata. Pagkaubos ng kanyang kinakain, dumukot siya mula sa bulsa ng isang papel na kulay ginto. Tila mabigat ang kanyang paglalakad habang siya’y papasok sa guild, at bago siya tuluyang makapasok, nakasalubong niya ang pangalawang pinuno ng guild.

"Pinuno Lilo, may ipinadala si Haring Kiko—isang sulat na nararapat ihatid kay Pinuno Lapu. Kailangan kong magmadali kaya ikaw na sana ang magbigay," wika ng kawal. Agad na inabot ni Lilo ang sulat, tumango bilang tugon.

"Salamat, Pinuno Lilo. Paalam." Tumalikod ang kawal at naglakad palayo.

Tapos na ang unang pagsubok ng bawat kasapi ng guild. Ngayon ay panibagong hamon ang sumunod—ang pagpili ng kanilang sandata.

"Sa pagpili ninyo ng sandata, kailangan niyong patakan ito ng dugo. Sa ganitong paraan, magiging konektado kayo sa inyong sandata, at ang inyong kakayahan ay lalabas nang buo sa tuwing gagamitin ito."

Maraming sandata ang nakalutang sa harapan nila, bawat isa ay may natatanging anyo at kapangyarihan. Ang lahat ay lumapit at nagsimulang pagmasdan ang bawat sandata, habang sinusuri kung alin ang nararapat sa kanila.

Sa gilid, si Zendu ay nakatitig sa mga sandata, pilit pinakikiramdaman ang kanilang enerhiya. Tila may humihila sa kanya patungo sa isang espada na natatakpan ng kaluskos ng liwanag, isa itong espada na, sa unang tingin, ay karaniwang armas lamang. Lumapit siya, hinawakan ito ng dalawang kamay, at nang magtagpo ang kanyang palad at ang espada, biglang lumiit ang sandata, tila kutsilyo ang anyo. Dahan-dahan, inilagay niya ito sa kanyang mahiwagang pulseras, isang taguan ng mga piling sandata.

"Sana tama ang pinili ko," bulong niya sa sarili.

Naglakad ang kanilang pinuno patungo sa harapan nila, at kasabay nito, naglaho ang mga sandatang hindi napili.

"Ngayon, sanayin ninyo ang inyong mga sarili. Iisa ang dapat ninyong layunin ang pag-sanibin ang inyong enerhiya sa inyong sandata upang ito’y maging kasangga at gabay."

Tila saglit na nag-isip si Zendu. 'Sino kaya ang magtuturo sa akin? Kung wala, gagawa ako ng paraan.'

Tumango ang lahat, tanda ng kanilang pag-sang-ayon, ngunit bago pa makapagsalita ang pinuno, dumating si Pinuno Lilo.

"Pinuno Lapu!" Tawag ni Lilo, ikinagulat ng lahat ang gintong sulat na hawak niya.

"Ano ‘yan, Lilo, at kanino galing?" tanong ni Lapu, puno ng pag-usisa.

"Galing ito sa hari, isang liham para sa iyo," sagot ni Lilo sabay hagis ng sulat kay Lapu, na mabilis namang sinalo nito.

Dahan-dahang binuksan ni Lapu ang sulat at inipit ang mga mata, tinutok ang buong pansin sa mga nakasulat. Tila hindi makapaniwala sa kanyang nababasa.

"Ang hari ay nagpapadala ng imbitasyon. May paparating na palaro—tayo'y inaanyayahang manood o sumali. Dalawang araw pa ang natitira upang maghanda. Kaya tandaan ninyo, magtulungan kayo, at magsanay nang mabuti."

"Aalis na kami ni Lilo." Tumalikod sila, patungo sa labasan.

Samantala, si Zendu ay umupo sa isang tahimik na sulok upang sanayin ang sarili sa pagdaloy ng enerhiya.

"Sana hindi sila mag-ingay nang husto para kahit papaano ay makapokus ako," bulong niya.

Pumikit siya, hinayaan ang enerhiya ng paligid at ng kanyang katawan na magtugma. Nagsimulang uminit ang kanyang katawan, umaabot ang init mula sa kanyang puso papalibot sa bawat himaymay ng laman. Tumulo ang dugo mula sa kanyang labi dahil sa sobrang init na nararamdaman.

"Ganito ba ang bawat isa sa simula ng kanilang pagsasanay?" tanong niya sa sarili.

Pagkalipas ng ilang minuto, minulat ni Zendu ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga kasamahan ay abala na sa kanilang mga pagsasanay, at ilan sa kanila ay nagpapakita ng kanilang mga kakayahan, nag-uusap tungkol sa sinong mas malakas.

"Dumako nga ako sa kanila," ang sabi niya sa sarili, at dahan-dahan siyang lumapit sa mga kasamahan. Muntik na siyang matamaan ng isang sandata, kung hindi siya nakaiwas sa huling saglit.

"Patawad, hindi sinadya!" tawanan ni Erick, ang kanyang mga mata ay puno ng katuwang na saya.

"Kahit kailan ka, Erick, palagi kang muntik na matamaan. Sabihin mo lang kung may galit ka," tugon ni Zendu, ang kanyang boses ay puno ng biro.

Nagsitawanan ang lahat, ngunit si Malaya ay tumayo, lumapit kay Erick at batok ito sa ulo.

"Ikaw, kung magpapagaling sa pagkontrol ng kakayahan, talo ka na sa akin!" sabi niya, ang tono ay puno ng pagkabiruan.

"Magaling naman talaga ako, diba? Woy! Bakit ayaw niyo sumagot?" ang tono ni Erick ay puno ng pagkabigo.

Hindi siya pinansin, kaya't napatawa na lamang ng sobra si Zendu. Ang lahat ay nagpasya na iwasan ang drama ni Erick, dahil alam nilang ang tanging mga pinuno lamang ang kayang tumigil sa kanyang mga katarantaduhan.

Tumigil si Zendu sa pagtawa at lumapit kay Nero, humihingi ng tulong sa pagsasanay.

"Kuya Nero, maaari mo ba akong tulungan sa pagkontrol ng enerhiya?" tanong niya.

"Sumunod ka sa akin," seryosong tugon ni Nero.

Dinala siya nito sa mas tahimik na lugar. "Pumikit ka, isipin mong nagtatagpo ang iyong enerhiya. Huwag pilitin; hayaang umagos nang kusa."

Ngayon, sinunod ni Zendu ang bawat gabay ni Nero. Biglang nag-init ang kanyang puso, kumalat sa kanyang buong katawan ang init, tila nasa impyerno siya. Sa sakit, napasigaw siya, narinig ito ng kanyang mga kasamahan.

Agad-agad silang nagpuntahan, at tumambad sa kanila ang naglalagablab na katawan ni Zendu.

"Imposible!" sigaw ni Mila.

"Erick, tawagin mo si Pinuno Lapu!" utos ni Nero.

Sinubukan ni Nero na supilin ang apoy na umaapoy sa katawan ni Zendu sa pamamagitan ng paglikha ng isang yelong pader, subalit ang matinding init na nagmumula kay Zendu ay nagpatunaw dito sa isang iglap. Ang mga miyembro ng guild ay nag-alala at nagmamadali, ang mga tingin nila’y puno ng takot habang ang apoy ay patuloy na sumiklab, hindi nagpakita ng anumang palatandaan ng pagpapahupa.

Habang ang mga kasamahan niya ay nagbabalak ng kanilang susunod na hakbang, biglang dumating si Pinuno Lilo, ang kanyang mga mata ay pumuno ng pagkabigla sa nakita. Hindi nag-atubiling tumakbo siya patungo kay Zendu, at sa isang mabilis na kilos, pinalabas niya ang kanyang sariling enerhiya. Isang liwanag ang bumalot sa kanyang katawan, na tila ba sinusubukan niyang labanan ang nag-aalab na enerhiya na humahampas kay Zendu.

Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsisikap, tila wala itong epekto. Ang nag-aapoy na init ay patuloy na lumalaban sa kanilang mga pagsisikap. Sama-sama nilang sinikap na pababain ang apoy, nagbuo sila ng mga pader mula sa yelo at tubig, ngunit sa bawat hakbang, ang kanilang mga pagsisikap ay tila lumilipad sa hangin.

Ilang minuto ang lumipas na puno ng takot at pananalig, at sa wakas, unti-unti ngang humupa ang apoy. Ang mainit na boses ng tagumpay ay tila isang alon na unti-unting lumalayo, nagbigay-daan sa katahimikan.

Maya-maya, ang mga mata ni Zendu ay bumukas nang dahan-dahan, ngunit sa kanyang pagbabalik sa katinuan, napasigaw siya, ang sigaw ay puno ng sakit at takot. Sa isang iglap, tuluyan siyang bumagsak sa lupa, hinahabol ang kanyang hininga habang ang kanyang bibig ay nagbuhos ng dugo.

Natigilan ang kanyang mga kasamahan, ang mga mata nila’y puno ng pagkabahala at takot. Ngunit sa kabila ng kanilang takot, nagpakita sila ng pag-aalala at pagkabahala, handang mag-alay ng kanilang lakas upang si Zendu ay makabangon muli.

"Zendu! Huwag kang mawawalan ng pag-asa," sigaw ni Nero, ang boses niya’y puno ng determinasyon habang lumapit siya.

“Huwag ka sana matakot muli Zendu na mag sanay. Malubhang mapanganib ang iyong taglay na key subalit malakas kung iyong pagsasanayin mabuti, hasain mo ito hanggan sa masanay ang iyong katawan,” mahinang wika ni lilo .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro