Kabanata 4
Ang Pagising ng Kapangyarihan ni Zendu
Nagsanay ang apat na binata habang ang iba ay masayang nagkukuwentuhan. Hindi nila namalayan ang pagdating ng dalawang matatanda at isang binata na tahimik na nakamasid mula sa gilid. Ang isa sa mga matatanda, may itim na buhok at seryosong ekspresyon, ay nagmasid sa kanilang masiglang pagsasanay.
“Mag-insayo kayo at magpalakas,” bulong niya sa sarili, “sa pagkakataong ito, kung sakaling magbago ang isip ko, tiyak na sasali ako sa palaro.”
Hindi nagtagal, napalingon ang lahat nang maramdaman nila ang pagdapo ng enerhiya mula sa pinuno at pangalawang pinuno. Agad silang tumigil sa kanilang ginagawa, habang ang ilan sa kanila ay sumalubong na may ngiti sa labi.
“Ngayon na ba magaganap ang labanan?” nasasabik na tanong ni Erick, nakasuot ng Mapilisia, ang tradisyonal na kasuotang mula sa angkan ng Lisia. Singkit ang kanyang mga mata na kulay pula, kapareho ng kanyang buhok, na tila sumasalamin sa kanyang tapang.
Ngumiti ang matanda, ang kanyang ngiti ay puno ng tiwala. “Oo, Erick. Ngayon ang oras. Bago tayo magsimula, ipakita mo sa akin ang iyong taglay na lakas.”
Kinumpas ng matanda ang kanyang kanang kamay, at biglang lumiwanag ang kanyang gitnang daliri. Mula sa kanyang mga daliri, nagbuo siya ng isang pader na bakal, matibay at tila walang kapantay.
“Ngayon, sino ang mauuna?” sigaw ng pangalawang pinuno, ang kanyang boses ay puno ng lakas at sigasig.
Nagkatitigan ang lahat, tila sabik na sabik na ipakita ang kanilang mga kakayahan. Sa huli, si Mila ang unang humakbang. Nakatayo siya sa harap ng pader, huminga ng malalim, at nagbago ng anyo bilang isang pusa—mga mata’y kumikislap sa ilalim ng araw.
“Meow!” Isang matamis ngunit mapanganib na tunog ang lumabas mula sa kanyang bibig, sabay na tinangkang umatake sa pader gamit ang kanyang kamay na anyong pusa.
Bang!
Isang malakas na pagsabog ang umabot sa hangin, nagkalat ang usok sa paligid. Si Zendu, na nakamasid mula sa likuran, ay naguluhan at napanganga sa gulat. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang gumamit ng ganitong klase ng atake si Mila. Madalas ay mahihina lamang ang mga atake na ipinapakita niya sa kanilang pagsasanay.
Unti-unting naglaho ang usok, revealing Mila sa kanyang orihinal na anyo.
“Magaling! Ngayon, huwag mag-unahan. Ang mauunang magpakita ng lakas ay ang pinakamalapit sa pader!” utos ng matanda.
Nagtawanan ang lahat sa kanilang pananabik. Si Malaya, isang magandang dalaga na may mahahabang itim na buhok na may halong pilak, ay agad na tumayo sa harap ng pader.
Ngumiti siya, puno ng determinasyon. Tumalon siya patungo sa pader, paikot-ikot sa hangin bago tumama ang kanyang kamao dito.
Boom!
Isang malakas na pagsabog ang sumalot sa paligid, yumanig ang lupa, at nagpasiklab ng kasiyahan sa mga matatanda. Ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay hindi maikukubli.
“Lumakas na talaga ang mga miyembro natin. Malaki ang pinagbago,” isip-isip ni Pinuno Apo habang tinitingnan ang kanyang mga estudyante.
Sunod na lumapit ang isang matabang lalaki, pandak at moreno ang balat. Nag-ipon siya ng enerhiya sa kanyang mga kamay, tumakbo siya ng mabilis patungo sa pader at tumalon. Pagkadaan ng kanyang mga kamay sa pader, isang malakas na ihip ng hangin ang lumabas na nagpalipad ng mga patay na dahon.
Si Zendu, na nakatayo sa likuran, ay nagtakip ng kanyang mukha sa takot, nagmadali at nagtago sa likod ng dalawang matatanda. Napanganga siya sa labis na takot at paghanga.
Tumingin ang dalawang matatanda sa isa’t isa, nakangiti sa kanilang nasaksihan.
Pagkatapos ng mabilis na hangin, sunod na lumapit si Kiros. Tumayo siya ng tuwid at kumumpas sa kanyang mga kamay, habang nagliwanag ang gitnang daliri sa bawat kamay. Lumabas mula sa kanyang mga palad ang enerhiya na nag-anyong bibig na handang umatake.
Boom!
Isang malakas na pagsabog ang umabot sa hangin, nagdulot ng panandaliang lindol. Naka-umang ang malaking ngiti ni Kiros sa kanyang mukha. Medyo nabitak ang gitna ng pader.
Sumunod si Nero, ang huling napiling lumapit sa pader. Umupo siya sa lupa at pumikit, tila nag-iisip. Ang kanyang mga kasamahan ay naghintay, nag-aabang sa kanyang susunod na hakbang.
Makaraan ang sampung segundo, dahan-dahan siyang umangat sa lupa. Pagmulat ng kanyang mga mata, sumigaw siya, at mula sa kanyang bibig, mabilis na lumabas ang mga yelo. Ang mga ito ay lumipad patungo sa pader, sa bilis ng isang kidlat, at tuluyan nitong biniyak ang bakal.
Dahan-dahan, bumaba si Nero sa lupa, ang ngiti sa kanyang labi ay nagbigay-diin sa kanyang kasiyahan. “Hindi na rin masama ang lakas ng atake ko,” sabi niya at humarap sa kanyang mga kasamahan.
Si Zendu, sa kabila ng kanyang mga natutunan, ay hindi mapakali. Malalim ang kanyang iniisip. “Zendu, ikaw na ang huli na magpapakita ng lakas,” masayang sabi ng pinuno.
Nagulat siya at nagmadali papunta sa pader. Tumayo siya sa harapan nito, ang kanyang mga kasamahan ay nakatingin sa kanya, nag-aabang ng kanyang susunod na hakbang.
Pinikit ni Zendu ang kanyang mga mata, pilit na pinapakinggan ang ingay ng paligid. Dahan-dahan, humina ang lahat ng ingay sa kanyang pandinig, hanggang sa maramdaman niya ang kakaibang enerhiya na nagmumula sa kanyang kalooban, isang puwersang nag-aalab, handang kumawala.
Inilahad niya ang kanyang mga palad, at sa isang iglap, siya ay bumagsak sa lupa.
Boom!
Isang malakas na pagsabog ang umabot sa hangin, nagpasabog ng alikabok at usok sa paligid. Ang lupa ay kumilos patungo sa pader, nagbigay daan sa isa pang malakas na pagsabog.
Boom!
Makalipas ang ilang sandali, naglaho ang usok at alikabok. Tumayo si Zendu, humihingal at may dugo sa gilid ng kanyang labi. Ngumiti siya at kumuha ng potion mula sa kanyang bulsa. Pagkatapos inumin ito, naglaho ang mga galos at pasa sa kanyang katawan.
Bumalik ang kanyang lakas at dahan-dahan siyang umupo sa tabi ni Pinuno Apo. “Pinuno Lapu, lalabas muna ako sa guild. Pakiramdam ko, may naghihintay sa labas,” sabi niya.
Tumango si Lapu habang nakatingin sa mga miyembro. “Nasaksihan ko ang taglay na lakas ng bawat isa. Ang masasabi ko, malaki ang pinagbago ninyo,” aniya, ang kanyang boses ay puno ng pagmamalaki.
Ngunit hindi pa rin umalis si Zendu; may naalala siyang tanong na nais niyang ipahayag kay Lapu. Kaya't nanatili siya sa kanyang pwesto, ang kanyang isip ay abala sa mga katanungang nag-aalab sa kanyang puso.
Ngunit nagtanong si Zendu, “Pinuno, paano ko nagawa iyon? Nakakapagtaka, walang nagturo sa akin at walang alam tungkol sa enerhiya.”
Napabuntong-hininga si Lapu, seryoso ang kanyang mukha. “Bago kita sagutin, magpatuloy tayo sa ikalawang pagsasanay—Kiros laban kay Joy!”
Mabilis na naglaho ang pader at pumunta ang dalawa sa gitna, handang maglaban. Habang naghihintay si Zendu sa sagot, kinumpas ni Lapu ang kanyang mga kamay, at nagsimulang magsipagliparan ang mga dahon, bumalot sa paligid bilang barrier sa kanilang laban.
“Isa ito sa mga kakayahan mo. Ang bawat isa sa atin ay may tatlong kakayahan: una, ang pang-atake; ikalawa, ang depensa; at ikatlo, ang espesyal na kakayahan na makakatulong sa ating layunin. Ang mga ito ay nakadepende sa bawat nilalang.”
Tumango si Zendu, ang kaniyang isipan ay naglalakbay. “Kung ganon, ang pangdepensa ni kuya Nero, Kiros, at Pinuno Lapu ay ang paggawa ng pader, habang sina Mila at Malaya ay may kakayahang makalikha ng hangin na nakapalibot sa kanilang sarili. Si Erick, Dima, Zong, at Pinuno Lilo ay nagagawa ang mga halaman, habang sina Ayalim, at Joy ay may kakayahan namang gumawa ng matibay na bato,” isip-isip ni Zendu, ang kanyang damdamin ay puno ng pagkamangha sa kanilang mga kakayahan.
“Bakit, Pinuno Lapu, ano pala ang kakayahan ni Ate Mila?” nagtanong siya, puno ng pagkcurious. Ang kanyang isip ay naglalakbay sa mga posibilidad ng mga lakas na taglay ng bawat isa.
“Si Mila,” sagot ni Lapu, “ay may kakayahang magbago ng kanyang anyo sa isang pusa, makapaglabas ng enerhiya mula sa kanyang bibig, at higit sa lahat, magaan siya sa kanyang mga hakbang. Kaya niyang maglakad sa ibabaw ng tubig.”
Nang mabanggit ito, namutla si Zendu, ang kanyang mga mata ay pumasok sa isang estado ng paghanga. “Hindi ko akalain na ganito kalakas si Mila,” wika niya sa kanyang sarili, puno ng paggalang sa kanyang mga kasamahan.
Habang ang laban sa pagitan ni Kiros at joy ay nagaganap sa gitna, ang hangin ay tila mas tumitindi, ang mga pag-atake at depensa ay nagiging mas maganda at kapana-panabik. Si Kiros, na puno ng determinasyon, ay naglabas ng matinding lakas mula sa kanyang mga palad, habang si Lamya naman ay may likas na husay sa pag-iwas at pagtugon sa mga atake ng kanyang kalaban.
“Dapat kong ipakita ang aking lakas! Kailangan kong lumaban nang maayos!” bulong ni Kiros sa sarili habang ang mga bitak ng lupa ay umaabot sa kanyang mga paa.
“Pahalagahan ang iyong lakas, Kiros! Huwag kalimutang mag-focus!” sigaw ni Lapu mula sa gilid, ang kanyang tinig ay parang bulong ng hangin sa gitna ng labanan.
Sa bawat pag-atake ni Kiros, tila ang kanyang lakas ay bumabalot sa paligid, ang hangin ay nagiging mas mabigat, ang mga dahon ay nahuhulog sa kanilang paligid. “Kailangan kong manalo upang ipakita sa kanila ang aking pag unlad!” ang kanyang isip ay puno ng inspirasyon.
Ngunit si Joy, na hindi nagpapatalo, ay mabilis na kumilos. “Sa likod, Kiros!” sigaw niya, sabay na ginamit ang kanyang bilis upang umiwas sa atake. Ang kanyang mga hakbang ay parang sayaw, ang kanyang katawan ay umaagos sa hangin.
“Hindi ka makakatakas!” sigaw ni Kiros, ang kanyang mga palad ay kumikislap ng enerhiya, tila umaabot sa mga bituin. Ipinadama niya ang kanyang buong lakas sa isang matinding atake, nagbigay daan sa isang malakas na pagyanig sa lupa.
Boom!
Ang tunog ng pagbangga ay umabot sa buong paligid, umabot sa mga tainga ng bawat isa. Habang ang alikabok ay nag-uumapaw, naghangad si Zendu na makita ang kaganapan. “Sana magtagumpay si Kiros,” bulong niya, ang pag-asa ay nag-aalab sa kanyang puso.
Matapos ang ilang minuto ng labanan, nagpasya si Pinuno Lapu na itigil ang laban. “Tama na! Magpahinga kayo sandali!” sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad. “Mahalaga ang inyong pagsasanay, ngunit kailangan ninyo rin ang pahinga upang lumakas pa!”
"Batid Kong pagod ang ilang sa inyo, nais ko ipagpatuloy niyo sa pag lipas ng kalahating oras.”
Napagpasyahan niya na hindi lumabas, sa halip nanatili siya sa training upang samahan ang mga kasama.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro