Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

Ang Obismo

Nakarating ang grupo sa harap ng bayan nang buo. Maraming nakatingin sa kanila ngunit agad din bumalik ang mga tao sa kanilang ginagawa.

"Naunawaan ko na kung bakit may panganib tayong naranasan bago makarating dito. Pansinin niyo ang bawat may taglay ng key—napapalibutan sila ng spirit energy," sabi ni Lapu, halatang nagtataka.

Ang kalisang sinakyan nila Lapu ay biglang naglaho nang hindi nila namamalayan. Napatingin si Erick sa lugar kung saan ito nakaparada, ngunit wala na ito. Agad niyang ipinaalam ito kay Lapu.

"Sino ang naiwan sa loob?" mahinahong tanong ni Lapu, ngunit walang sumagot. Napansin niyang nag-iba ang bilang ng kanilang grupo. Pinagmasdan niya ang bawat kasapi at nanlaki ang kanyang mga mata. "Si Lilo... nasaan siya?" tanong niya, napailing ang iba. Doon na siya nakasigurado.

"Nero, gamitin mo ang pangatlong kakayahan mo. Mila, alam mo na ang dapat gawin. Ang hindi ko tinawag, manatiling magkasama," utos ni Lapu.

Agad na kumilos ang tatlo sa magkaibang direksyon.

"Pwede ba tayong bumili ng pagkain? Nagugutom na ako," reklamo ni Zong.

"Wow, gutom ka? Lahat ng baon ko kinain mo na, tapos magugutom ka pa? Halimaw ka talaga sa pagkain," sagot ni Erick, iritado.

"Nagsisimula na naman ang dalawa mag-away. Bagay kaya sila? Sabagay, hindi natin alam. Baka sila ang magkatuloy—" natigil si Kirus sa pagsasalita.

Sabay nag-react ang dalawa, "Hindi ako magkakagusto sa kanya, kahit kailan hindi—!" ngunit bigla silang natigilan.

"Wag na nating pansinin ang away mag-asawa," pabirong sabi ni Zendu.

Hindi na nagpatol ang dalawa at tahimik na lang. "Tingnan niyo, may nagmamasid sa gusaling iyon!" turo ni Malaya sa isang bahay na hindi kalayuan mula sa kanilang kinatatayuan.

"Kakaiba ang nararamdaman ko sa gusaling iyon. Parang may naganap na labanan ng spirit key sa loob. Malapit na sigurong makatapak ang spirit key nila sa celestial spirit," kinakabahang paliwanag ni Malaya.

"Baka nandoon ang hinahanap natin. Walang hihiwalay," seryosong saad ni Kirus.

Dahan-dahang naglakad ang grupo patungo sa gusaling pinaghihinalaan. Lahat sila’y alerto, handa sa anumang biglaang atake.

Pagdating nila sa harap ng gusali, sinalubong sila ng dalawang bantay na may hawak na mahabang mga kadena hanggang tuhod.

"Maligayang pagdating sa Obismo, kung saan nagaganap ang labanan para sa mga mahalagang premyo. Tutuloy o aatras?" sabay na sabi ng mga bantay na parang iisa lang ang boses.

"Isang clone key ang taglay ng mga bantay na ito," naisip ni Kirus. "Sa pamamagitan ng pangatlong kakayahan, nagawa nilang lumikha ng clone. Kahanga-hanga ang kanilang key."

Nagkatinginan ang lahat at nagkasundo sa pamamagitan ng tango. "Tutuloy," sagot nila.

Tumabi ang mga bantay ngunit idinikit muna ang kanilang mga kadena sa bakal na pinto. "Maraming salamat sa pagtuloy!" sabay nilang sinabi bago dahan-dahang binuksan ang pinto.

Makalipas ang isang minuto, tuluyang bumukas ang pinto. "Bilisan natin," mahinang sabi ni Aya.

Nanguna sina Malaya at Kirus habang ang iba ay nasa likuran.

Pagpasok nila, bumungad ang malawak na loob. Maraming apoy ang nakasabit sa gilid ng pader, napapalibutan ng bakal. Nang lingunin nila ang pinto, napaatras sila—wala na ang pinto. Pader na lang ang naroon.

"Magsimula na tayong maglakad. Baka makaabala pa tayo," seryosong sabi ni Kirus.

Patuloy silang naglakad hanggang sa marating ang battle arena. Napapalibutan ito ng mga manonood.

"Tingnan niyo kung sino ang kasalukuyang lumalaban," sabi ni Malaya, tinuturo ang nasa gitna ng arena.

Isang batang babae, nasa sampung taong gulang, ang umiwas sa mga atake ng kalaban gamit ang spirit key.

Si Zendu ay walang ideya kung sino ang batang ito, ngunit nalaman nilang siya ang iniligtas ni Mila mula sa teritoryo ng leon tatlong taon na ang nakalipas. Lumakas ang bata, marahil dahil may nagturo sa kanya na gamitin ang kanyang key at spirit key.

"Doon tayo uupo, malapit sa matandang nakaupo," turo ni Malaya.

Maingat silang lumapit at tumungo sa lugar, ngunit hinarang sila ng isang matabang lalaki.

"Ginoo’t binibini, hindi pwedeng umupo dito ang hindi kalahok sa labanan," sabi nito.

Nagkatinginan ang grupo, nag-aalangan, ngunit nagsalita si Kirus. "Maraming salamat sa paalala, ginoo. Ako ay lalahok sa labanan. Maaari na ba kaming umupo?" sagot niya nang may ngiti.

Tumingin ang lalaki kay Kirus nang limang segundo bago sumagot. "Kung ganoon, maaari. Matanong ko lang, ikaw lang ba ang lalahok?"

"Opo, ako lang, ginoo," sagot ni Kirus.

"Kung ganoon, ikaw si?"

"Kinius," sagot niya, gamit ang ibang pangalan upang hindi siya makilala.

Umalis ang matabang lalaki, may ngiti sa labi. Umupo naman ang grupo, ngunit halatang nag-aalala si Malaya. "Sigurado ka na ba?" tanong niya.

"Oo. Baka sakaling makakuha tayo ng premyong makakatulong sa sitwasyon natin. Isipin niyo, isang oras na lang at maggagabi na. Mapanganib na sa labas kapag gabi," sagot ni Kirus.

Napatingin sila sa battle arena. Kasalukuyan nang tumawag ng spirit key ang batang babae.

"Pinto ng Moose Spirit, Miz!" sigaw nito. Lumitaw ang isang maliit na lagusan sa ulunan niya, at mula rito ay lumabas ang isang daga na may suot na kwintas na bote.

"Anong klaseng key ang hawak ng batang iyan?" takang tanong ni Zendu.

"Minimini key. May kakayahan itong lumiit, bumilis, at... hindi ko alam ang panghuli," sagot ni Aya, nakatutok ang mata sa laban.

Napahanga si Zendu sa bata. "Ang galing naman. Siguro, buong atensyon niya ay itinokoy sa pagsasanay ng key."

Nagkaroon ng usok sa battle arena dahil sa isang malakas na pagsabog. Makalipas ang limang segundo, bumungad ang dalawang kalahok. Nanghina ang lalaki, at nakaluhod naman ang batang babae. Pareho silang wala nang lakas, ngunit dahan-dahang bumagsak ang lalaki.

Pumasok ang isang payat na babae sa arena. "Isa, dalawa, tatlo, apat, at lima! Samira laban kay Damon. Ang nagwagi ay walang iba kundi si Samira!" sigaw ng tagapag-anunsyo habang naghihiyawan ang mga manonood.

Dahan-dahang tumayo ang batang babae at tumungo sa kaliwang bahagi ng arena, ang lugar para sa mga nanalo. Ang natalo naman ay dinala sa kanan, kung saan kailangang magbayad bago makalabas.

"Ang susunod na laban: Tadoro laban kay Kinius!" sigaw ng tagapag-anunsyo.

Nag-ingay ang mga tao sa excitement, nagsimula silang magpustahan sa mga kalahok, umaasang makakakuha ng malaking panalo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro