Kabanata 12
Ulan
Third Person Point of View
Isang matahimik na umaga, unti-unting sumilip ang liwanag ng haring araw sa kalangitan.
Sa silid na pagamutan, unti-unting bumalik ang tibok ng puso ng isang binata. Dahan-dahang gumalaw ang kanyang mga daliri, tila nagpapaalala sa kanya na buhay pa siya. Nang sa wakas ay dumilat ang kanyang mga mata, kasabay nito’y biglang dumilim ang kalangitan, at isang malakas na ihip ng hangin ang naramdaman.
Habang humahabol ng hininga, nakayuko siyang nakaupo sa gilid ng kama. Tahimik siyang nanatili roon ng ilang minuto, bago tuluyang tumayo at lumapit sa bintana. Tinitigan niya ang tanawin sa labas, na ngayon ay natatakpan ng makulimlim na ulap.
“Anong nangyayari?” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang biglaang pagbabago ng panahon.
Habang abala siya sa pagmumuni-muni, hindi niya namalayang may nakatayo sa labas ng silid. Maingat na binuksan ng matandang si Lapu ang pinto, pilit na hindi gumagawa ng ingay. Agad siyang nagtaka nang makitang wala na sa kama ang binata. Sinuri niya ang buong silid, at nang mapansin ang binata malapit sa bintana, nagtanong ang kanyang isip.
“Si Zendu ba talaga ito?” bulong ni Lapu habang palapit nang dahan-dahan.
Ngunit bago pa siya makalapit, napalingon si Zendu sa kanya at ngumiti.
“Oh, magandang umaga, Pinuno Lapu. Ngayong araw ba tayo aalis?” tanong ni Zendu na may kakaibang sigla sa tinig.
“Magandang umaga rin, Zendu! Buti’t nagising ka na. Labis kaming nag-alala sa’yo. Oo, ngayong araw na tayo aalis patungo sa kaharian,” sagot ng matanda, na napaluha sa sobrang saya.
Pareho nilang napalingon sa bintana nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
“Bakit biglaang umulan, Pinuno Lapu?” tanong ni Zendu, bahagyang naguguluhan.
“Minsan lang mangyari ito. Huwag mo na masyadong isipin. Halika na, kumain muna tayo at magkape,” tugon ng matanda, sabay pat na may halong tawa.
_
Sa dining hall, bumungad kay Zendu ang kanyang mga kasamahan na abala sa kani-kanilang ginagawa ang iba’y kumakain, habang ang ilan ay inaayos na ang kanilang mga gamit para sa biyahe.
“Mabuti naman at nagising ka na, Zendu!” sabay-sabay na bati ng kanyang mga kasama.
Ngumiti ang binata at pabirong nagsalita. “Oo nga, mabuti na lang, kundi baka mawalan na kayo ng pinakakyut sa grupo!”
Nagkatawanan ang lahat, tila nasanay na sa pagiging masigla ni Zendu na ibang-iba sa dating mahiyain at tahimik niyang ugali.
“O siya, tama na ang asaran. Magdasal muna tayo bago kumain,” ani Lilo.
“Ako na ang magdarasal!” agad na alok ni Erick, sabay taas ng kamay.
Sa pagmulat ni Erick matapos ang maikling dasal, agad niyang inabot ang ulam, na nagdulot ng palihim na tawanan sa kanilang lahat.
---
Makalipas ang isang oras, handa na ang lahat sa kanilang paglalakbay. Bitbit ni Zendu ang kanyang mga potion at ilang gamit habang ang iba naman ay may dalang mga armas at iba’t ibang kagamitan.
Sa labas ng guild, naramdaman ng bawat isa ang lamig ng ulan. Habang nanginginig ang ilan at pinipilit yakapin ang sarili, si Zendu ay napatawa nang lihim. Kinuha niya mula sa kanyang mahiwagang pulseras ang isang asul na potion. Nang inumin niya ito, bigla siyang naging immune sa ulan—walang kahit isang patak ang dumampi sa kanyang balat o damit.
“Yan ba ang third ability mo? Hindi mabasa sa ulan?” tanong ni Mila, na tila nanunukso.
Napailing si Zendu. “Potion lang ito. Sayang, isa lang ang nagawa ko. Mahirap kasi hanapin ang mga sangkap.”
Nang marinig iyon, napabuntong-hininga ang ilan at bumalik na lang sa paghahanda.
_
Sa wakas, nagsimula na silang maglakbay sakay ng mga karwahe. Habang lumalalim ang kagubatan, lalong lumalakas ang ulan at hangin.
“Napaka-kakaiba ng panahon ngayon,” bulong ni Zendu sa hangin habang pinagmamasdan ang paligid.
Ngunit ang katahimikan ng kagubatan ay nasira nang marinig nila ang kakaibang ingay mula sa hilaga. Napatigil ang buong grupo, at naging alerto ang lahat.
Pagkalipas ng ilang saglit, dalawang higanteng buhawi ang bumungad sa di-kalayuan, papalapit sa kanilang direksyon. Agad na pumuwesto si Nero at Malaya sa unahan. Si Nero ay nagpakawala ng yelong bumalot sa unang buhawi, hanggang sa tuluyan itong huminto. Si Malaya naman ay naglabas ng enerhiyang huminto sa pangalawang buhawi.
Huminga ng maluwag ang lahat at nagpatuloy sa paglalakbay. Ngunit bago pa sila makalabas ng kagubatan, biglang bumagsak mula sa langit ang malalaking bato.
Agad na gumawa ng mga panangga ang bawat isa, at ang karwahe naman ay nabalot ng barrier habang dahan-dahang lumulutang sa ere. Habang abala ang lahat sa pag-iwas, si Zendu ay nanatiling kalmado. Sa tuwing may tumatamang bato sa kanya, natutunaw ito bago pa man siya masaktan.
“Anong klaseng kalaban ang gumawa nito?” tanong niya sa sarili.
Maya-maya’y isang estranghero ang lumitaw sa harapan nila. Isang binata na may mapaglarong ngiti ang nakatingin sa kanilang grupo, animo’y nagmamasid sa bawat galaw nila.
Lumabas si Lapu mula sa karwahe, lumulutang habang balot ng barrier. Tumitig siya sa binata, naghahanda sa anumang maaaring mangyari.
Maingat na inihanda ni Lapu ang sarili sa anumang maaaring mangyari. Ang hangin ay patuloy na umiihip nang malakas, kasabay ng pagbagsak ng ulan na tila mga sibat na bumabalot sa paligid. Ang kagubatan ay puno ng naglalakihang punongkahoy na ngayo'y tila yumuyuko dahil sa lakas ng hangin. Ang lupa sa kanilang kinatatayuan ay basa at madulas, may halong putik at mga nabuwal na dahon. Ang mga sanga ng puno sa itaas ay gumagalaw na animo’y mga galamay na nais silang abutin. Ang madilim na ulap sa kalangitan ay parang nagbabanta, nagiging mas mabigat habang tumatagal.
Sa di-kalayuan, may mga nakabuwal na puno na tila sinadya upang harangan ang kanilang daraanan. Ang maliliit na patak ng ulan ay mistulang kristal na kumikislap sa liwanag ng kaunting sinag mula sa karwahe. Ang paligid ay puno ng mga anino na dulot ng mga naglalakihang halaman at puno, nagdaragdag ng kaba sa bawat hakbang.
Ang binatang nasa harap nila ay tila hindi apektado ng malakas na bagyo. Ang ngiti nito ay mapaglaro, at ang kanyang mga mata ay tila naglalagablab sa kakaibang enerhiya. Sa bawat segundo, tila lalo pang bumibigat ang presensya nito, nagpapahiwatig ng panganib na maaaring sumiklab anumang oras.
A/N: Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro