Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

10: Pakpak ng Apoy

Zendu's Point of View


“Ngayong magsasanay ka ng lumipad habang nakikipaglaban, dito natin malalaman kung gaano ka kagaling sa balanse. Pero bago iyon, pag-aralan mo muna kung paano ilabas ang pakpak ng Phoenix,” wika ng Phoenix bago ito naglaho.

Napabuntong-hininga ako. Mukhang mahirap ang pagsasanay na ito. Kailangang pagbutihin ko ang kontrol sa enerhiya para hindi ito magkalat sa katawan ko.

Umupo ako at pumikit, dinama ang init na dumadaloy sa buong katawan. Inisip ko ang anyo ng pakpak ng Phoenix, pinapakalma ang enerhiya at iniipon ito sa aking puso at likod, umaasa na magbubunga ito ng pakpak.

Ngunit sa unang subok ko, nabigo ako. Nagkalat ang enerhiya sa buong katawan, at napadugo pa ang aking bibig. Pero hindi ako sumuko. Pinilit kong manatiling nakapikit at ipagpatuloy ang pagsasanay.

Sa pangalawang subok, naging maayos ang daloy ng enerhiya. Dahan-dahan, naramdaman ko ang init na nanggagaling sa likod ko—parang may gustong kumawala. Hindi ko mapigilan ang mapahiyaw.

“Ahhh!”

Biglang lumabas mula sa aking likod ang nag-aapoy na mga pakpak. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Maingat akong tumayo, ngunit ramdam ko ang matinding init sa puso ko na dahilan upang dumugo muli ang aking bibig.

Bigla namang lumitaw sa harapan ko ang isang nilalang na tila gawa sa apoy, may mapanuksong tingin.

“Simulan na natin. Walang silbi,” malamig niyang sabi.

Nainis ako, pero wala akong magawa. Binalewala ko siya at pinagtuunan ng pansin ang pagkontrol sa aking bagong pakpak. Ilang ulit akong bumagsak bago tuluyang makalipad nang maayos.

"May ibubuga ka rin pala, walang silbing tagapagmana," pang-aasar ng nilalang.

“Hintayin mong masanay ako sa paglipad! Humanda ka!” galit kong sagot.

Third-Person Point of View

Habang nagsasanay si Zendu, abala naman ang mga miyembro ng guild sa kani-kanilang pagsasanay.

Si Lilo, ang kanilang pinuno, ay maingat na nagbabantay sa bawat hakbang ng kanilang pagsubok. Sa kabila ng matinding pagod, walang sumuko. Pagkatapos ng pahinga, bumalik ang lahat sa kanilang training.

Nakatayo si Lilo sa harap nila, nakangiti. “Ang susunod na hamon: panatilihin ninyong matatag ang inyong panangga habang ako ang aatake.”

Nagmadaling gumawa ang mga miyembro ng pinagsanib na panangga. Nang makabuo na sila, itinaas ni Lilo ang kaniyang kamay, at biglang lumitaw ang isang usok na bumalot sa kaniyang palad. Kasabay ng pagbaba ng kamay niya, umatake ang usok.

Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa paligid. Matapos ang usok, nakita ni Lilo ang mga miyembro na nakaupo, pinipilit tiisin ang sakit mula sa pagsabog. Ngumiti siya at pumalakpak nang tatlong beses.

“Magaling. Hindi na rin masama,” sabi niya bago tumalikod at umalis sa hardin.

Huminga ng maluwag ang mga miyembro. Habang pawisan at hinang-hina, nagpagulong-gulong sila sa damuhan para magpahinga.

Samantala, nasa kaniyang silid si Lapu, ang lider ng guild, abala sa pagbabasa ng mga sinaunang aklat. Maraming impormasyon ang kaniyang natutuklasan, ngunit hindi niya maunawaan ang mga pahiwatig nito.

“Bakit ganito ang nakasulat dito?” bulong niya sa sarili habang tumitig sa mga pahina.

Nagmadali siyang pumunta sa maliit na library at kinuha ang isang asul na libro. Binuklat niya ito, at bumungad ang mga sinaunang sulat ng kanilang mga ninuno.

Naputol ang kaniyang pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Dali-dali siyang bumalik sa kaniyang upuan.

Pumasok si Lilo, ang pinuno ng pagsasanay, at ngumiti. “Kamusta ang mga miyembro?” tanong ni Lapu.

“Ayos naman. Nakayanan nila ang mga hamon,” sagot ni Lilo.

Tumango si Lapu at sumulyap sa hawak niyang libro. Nag-usisa si Lilo tungkol sa kalagayan ni Zendu.

“Wala pa rin akong nararamdaman. Wala pa ring pagbabago,”  malungkot na sagot ni Lapu.


Zendu's Point of View

“Masubukan nga,” sabay tawa ng taong apoy.

Bigla siyang sumugod, dahilan para mawala ang balanse ko sa ere. Bumagsak ako, pero agad din akong nakalipad. Tumawa siya nang malakas, tila nanunuya.

“Ay, kawawa naman. Walang silbing tagapagmana,” sabi niya.

Sinubukan kong magpalabas ng apoy mula sa aking palad, ngunit nabigo ako. Kasabay nito, naglaho ang pakpak ko, at muli akong bumagsak.

Pilit kong pinilit ang sarili na makabangon. Nang muling lumabas ang apoy na pakpak, sumugod ako nang buong galit. Hindi ko napansin na kusa nang gumagalaw ang aking katawan, na parang hindi ko na ito kontrolado. Lumapit ako sa taong apoy, at pinaulanan siya ng suntok.

Sa wakas, nagawa ko siyang sipain sa binti, dahilan ng kaniyang pagbagsak. Isang malakas na pagsabog ang sumunod, at lumitaw muli ang Phoenix.

“Magaling, tagapagmana. Dahil diyan, ibabalik ko ang lakas mo,” sabi ng Phoenix bago ito naglaho.

Nagbalik ang aking lakas at naghilom ang aking mga sugat. Ngunit hindi pa tapos ang laban. Sa isang iglap, pumulupot sa akin ang isang latigo ng apoy. Pilit kong nilabanan ito, ginamit ang natitirang lakas ko upang makawala.

Bumuga ako ng apoy mula sa aking bibig, na tumama sa taong apoy. Nataranta siya at agad akong pinakawalan. Isang malakas na pagsabog ang muli kong narinig.

Ngumiti ako. Sa wakas, natalo kita. Hindi lang minsan, kundi dalawang beses.

Habang nakatingin ako sa lugar ng pagsabog, naglaho ang usok at unti-unting lumitaw ang taong apoy. Ngayon, may ngiti sa kaniyang mukha, ngunit hindi na ito mapanukso—tila may respeto na.

“Hindi ka na kawawang tagapagmana. Ngayon, napatunayan mong karapat-dapat ka,” aniya, tumitindig nang matatag.

Huminga ako nang malalim, hinigpitan ang kamao ko. Sa kabila ng pagod, nananatili ang apoy sa paligid ko, handa akong ipagpatuloy ang laban kung kinakailangan.

“Anong susunod?” tanong ko, diretso ang tingin sa kaniya.

Ngunit bago siya makasagot, muling lumitaw ang Phoenix sa gitna namin. Ang apoy nito ay mas maliwanag at mas mainit kaysa dati.

“Tama na ang laban para sa araw na ito,” wika ng Phoenix, ang tinig nito’y nag-uumapaw sa awtoridad. “Zendu, napatunayan mo ang iyong lakas at determinasyon. Ngunit tandaan, ang tunay na layunin ng apoy ay hindi lamang sirain kundi protektahan.”

Unti-unting naglaho ang taong apoy, nag-iwan lamang ng malalim na titig sa akin bago tuluyang mawala.

Ngayon, mag-isa akong naiwan sa gitna ng walang hanggang init. Ramdam ko ang lakas ng aking pakpak at ang tibok ng aking puso. Alam kong ito pa lang ang simula ng aking pagkatoto patungo na maging mahusay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro