Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue


Nag-punch out ako para sa fifteen minute break ko.

"Last break?"

Pagtingin ko, si Sir Mario, assistant manager namin dito sa Enrico Apartelle.

"Oo."

"Hatid na kita pauwi mamaya," offer nya.

Di ako kumibo. Alam na nya ibig sabihin nun.

Sa halos limang buwan ko nang housekeeping staff dito, almost two months na itong nanliligaw sa akin. Pero palagi kong tinatanggihan ang mga offer nyang ganun.

"Kennie," tawag nya uli sa akin sabay hawak sa braso ko kasi tumalikod na 'ko.

"Sir Mar, nagmamadali ako. Kailangan kong bumili ng agahan ng anak ko kina Mang Donald. Ayokong sumabay sa mga bibili ng agahan dun mamaya pag-out ko. Alam nyo namang susunduin ko pa yun," kalmado kong sabi.

"Kaya nga ihahatid na kita pauwi, para mabilis," pilit pa nya.

May kotse kasi ito.

"Hindi na nga. Malapit lang naman sa amin," marahan kong hinatak ang braso ko.

Binitawan naman nya yun at bumagsak ang balikat. Tinalikuran ko na.

Sa totoo lang, crush ko naman ito. Mabait pa at pasensyoso. Wala raw problema kahit may anak na 'ko. Pero di sapat yun para sagutin ko sya. Isa pa, mas importante sa akin na pagtuunan ng pansin si Gelo, ang trabaho ko at pag-aaral ko.

Lakad-takbo ako papunta sa Mang Donald's Canteen. Ito yung pinakamalapit na kainan sa apartelle. Konting kembot lang pagliko isang kanto mula sa apartelle.

Maraming kumakain dito at nagte-take out. Masarap kasi at affordable ang pagkain. Sakto lang rin ang serving per order. Bukas ito ng twenty-four hours a day. Maliban kasi sa mismong canteen, may malaki ring sari-sari store si Mang Donald sa katabi.

Alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw pero busy na ang mga tagaluto at ilang serbidora sa Mang Donald's.

May tatlong kostumer na rin dun na bumibili.

Kailangang masundo ko si Gelo kina Estrel bago ito pumasok sa trabaho.

Bestfriend ko si Estrel mula pa nung bata ako. At nanatiling kaibigan pagbalik ko sa Bataan makalipas ang anim na taong pag-alis. Nanatiling kaibigan kahit ang halos lahat ng kapitbahay namin, alam kong pinagtsitsismisan ako sa pagkakaroon ng limang taong gulang na anak sa edad kong beinte uno.

Sa kanila ko iniiwan ang anak ko kapag nasa trabaho ako o kaya sa school. Mabait din si Nanay Mila, ang nanay ni Estrel.

Nag-aaral pa ako kaya panggabi lagi ang shift ko sa Enrico. Dapat last year pa ako graduate pero dahil kailangan kong bumalik dito sa Bataan at nahinto sa pag-aaral, may ilang subjects akong kailangang habulin at tapusin.

Awa naman ng Diyos, makakagraduate ako sa dadating na October sa kursong Marketing.

Habang hinihintay ko yung order ko, may kumalabit sa akin. Yung anak na dalaga ni Mang Donald, si Darcy.

Tumutulong ito sa ama sa pag-aasikaso ng business nila. Biyudo na kasi tapos nag-iisang anak pa si Darcy.

"Di ba dyan ka sa Enrico nagtatrabaho?" Matamis na ngiting tanong.

May kailangan ito. Sigurado ako. Kilalang supladita ito at nakita ko na yun minsang pagalitan ang isang boy nila dito sa isang maliit na pagkakamali.

"Oo."

"Alam mo ba kung hanggang kelan dyan si Mike?"

"Mike?"

"Si Engr. Montecillo."

"Aah...hindi eh. Sa housekeeping ako eh."

"Alam ko naman sa housekeeping ka. Nasa uniform mo," medyo nakaismid na sabi. "Di ba ikaw yung may anak, highschool pa lang?"

Hindi ako nakakibo. Hanggang dito at ngayon ba, issue pa rin yun? Lampas isang taon na 'kong nakakabalik ng Bataan.

"Kennie, ito na yung order mo," sabi nung kahera.

Kinuha ko na iyun at binayaran.

Napapiksi ako nung hawakan nya 'ko sa balikat.

"Libre ko na'ng order mong agahan dito tuwing umaga. Alamin mo naman kung ano'ng room number ni Mike. Tsaka kung ano'ng mga araw sya nandyan. Sabi nya kasi tatawagan nya 'ko after nung movie date namin. Antay ako ng antay, wala pa rin."

"Sa reception ka na lang magtanong. Ni hindi ko pa nga yun nakikita ng malapitan," sabi ko kay Darcy bago tumalikod.

"Ang damot!" Narinig ko pang sabi nito. "Siguro may gusto rin yan kay Mike."

Alam ko kung bakit di ito makapagtanong sa reception. Base sa naririnig ko, crush din nung tatlong receptionist namin yung Engr. Montecillo. At pinag-uusapan din nila minsan si Darcy. Asar yung mga receptionist namin dito.

Napanguso ako.

Hindi ito ang unang beses na napagtanungan ako tungkol dun sa Engr. Montecillo. Ilang beses ko na ring narinig ang pangalan nya sa Mang Donald's.

Madalas daw kumain yun dito kasama ang mga trabahador ng kumpanya nila na sa Enrico Apartelle naka-book ng anim na buwan.

So far, sa limang palapag ng Enrico, third at fourth floors ang naka-book sa kumpanya nung MonKho.

May ginagawa kasi silang commercial building apat na kanto mula sa apartelle. Parang ang bilis nga nilang gumawa. Dalawang buwan pa lang sila sa Bataan, pero may porma na agad yung building. Nakita ko nung minsang mapadaan ako dun papuntang city hall.

Totoo naman yung sinabi ko kay Darcy. Dalawang beses ko nang nakita yung Engr. Montecillo, pero may distansya.

Tsaka sa pagkakaalam ko, parang dalawang araw sa isang linggo lang ito nasa Bataan.

Una, papasok pa lang ako sa shift ko ng ten ng gabi. Tapos ito, kasama yung mga trabahador nila sa may front parking ng Enrico. Mukhang nag-inuman sa Mang Donald's. Ako naman, paliko sa likod ng apartelle. Dun kasi ang employees' entrance.

Kahit malayo, alam kong may hitsura ito. Tsaka matangkad at maputi. Kaya siguro maraming nagkakagusto. Nung bago pa lang sina Engr. Montecillo dito at di pa alam ang pangalan nya, ang tawag sa kanya e Hunk sa Mang Donald's dahil sumasama itong kumain doon sa mga trabahador nila. Hanggang yun na naging bansag na sa kanya hanggang ngayon.

Yung pangalawa, pababa ako nang fourth floor elevator. Ito naman, palabas ng unit nya. Mukhang maagang babalik sa Maynila. Dun ko lang nalaman na katapat lang pala ng service room yung kuwarto nya sa dulo ng hallway. Tapos na ang shift ko nun, binalikan ko lang ang relo ko sa service room kasi hinuhubad ko yun kapag nilalabhan ko yung mop at mga basahan.

Oo nga pala, yung relo ko! Baka makalimutan ko na naman yun sa fourth floor.

Pagpasok ko sa employees entrance, may nasalubong akong security guard na nagmamadaling lumabas dun. Nagkabanggaan pa nga kami ng balikat ng konti. Kahit di ito lumingon, nakita ko ng mabilis ang gilid ng mukha nya. Hindi ko sya kilala. Maliban kung may bagong hire ang management ng Enrico.

Mabilis kong nilagay sa locker ko yung pagkain tapos nag-punch in para last two-hour ng shift ko.

Maglilinis pa ako ng mga CR sa ground floor. Yun ang last kong gagawin bago umuwi. Pero kukunin ko muna yung relo ko sa fourth floor.

Napasinghot-singhot pa ako. Amoy may nasusunog. Kinabahan agad ako. Mabilis kong pinindot ang 'open' button ng elevator. Walang kalahati ang bukas nun, biglang tumunog yung fire alarm ng apartelle at namatay ang ilaw.

Kasabay ang elevator.

Nasa loob pa ako!

May narinig akong nagsisigawan at nagtatakbuhan sa dilim.

"Labas! Labas!" sigaw ng isang lalaki.

"Sa hagdan kayo!" may isa pang sumigaw. "Bilis!"

Bumukas na yung emergency lights. Medyo mausok na. Napaubo ako.

"Kuya!" Sigaw ko at inilabas ang kamay ko mula sa siwang ng elevator. "Kuya, tulungan nyo 'ko!"

Nilampasan nila ako. Di ko alam kung di nila ako nakita o dahil natataranta na rin sila.

Naiiyak na 'ko. Ayoko pang mamatay. Bata pa si Gelo.

"Si Engineer! Nakalabas na ba?!" may sumigaw uli galing na sa may staircase.

"Di ko alam. Baka. Wala nang sumasagot sa kuwarto nya nung kumakatok ako."

"Kuyaaa!!! Tulungan nyo ko!" Sigaw ko uli.

Pero wala na. Malayo na mga yabag at mga salita nila.

May mga pababa rin sa hagdan akong naririnig pero di rin yata ako narinig nung sumisigaw ako.

Hindi pwede ito! Sabi ko sa sarili ko.

Hilam na 'ko sa luha. Pilit kong kinalma ang sarili ko.

Tinantya ko yung bukas ng elevator. Kasya ang katawan ko palabas kung ipipilit ko pero siguradong masasaktan ako. Ang problema ko, yung ulo ko.

Nagsisimula nang kumapal yung usok. Sinangkalan ko yung paa at tuhod ko sa isang pinto ng elevator habang hila ko nang dalawang kamay yung isa.

Bumukas ng kaunti yung pinto. Konti pa, Roqueña. Konti pa! Pampalakas ko ng loob sa sarili.

Inulit ko yung ginawa ko.

"Aaaahhh!" Napasigaw na ako sabay ubo.

Parang naubusan ako ng lakas pero pinilit kong tumayo. Pagtingala ko sa pinto, sapat na yung bukas para maipilit kong mailabas ang sarili ko.

Nagawa kong lumabas pero sigurado akong nagasgasan ang gilid ng ulo ko at tenga. Naramdaman ko kasi ang hapdi.

Patakbo na 'ko sa hagdan nung maalala ko ang relo ko.

Mamahalin ang relong yun. Hindi ako nanghihinayang dahil sa presyo. Kundi dahil bigay yun sa akin ni Ate Racquel, bago sya mamatay.

Kita ko pa yung hallway. Mukhang hindi naman dito sa floor na ito nanggaling yung sunog.

Tumakbo ako sa service room. Pero napaso ako nung hawakan ko yung door knob. May pusikit na liwanag galing sa loob.

Napaatras ako hawak ng isang kamay ang pulsuhan ng napasong palad. Nabitawan ko yung bungkos ng mga susi sa floor na ito.

Galing sa loob ang sunog?!

Ubo na ako ng ubo. Umaangat na ang balikat ko.

Ang inhaler ko. Nasa locker ang inhaler ko!

Tapos narinig ko yun.

Mahinang pag-ubo sa likod ko sabay ng, "T-tulong..."

Paglingon ko, ang kuwarto ni Engr. Montecillo. 

Nasa loob pa sya!

Nakikita ko na yung makapal na usok galing sa service room, pati sa katabing kuwarto.

Pagapang kong kinuha yung bungkos ng susi.

Mainit-init na rin agad yun.

Masakit na sa ilong, lalamunan at mata ang usok.

Nung makita ko ang susi sa kuwarto ni Engr, binuksan ko yun.

Nagulat ako.

May apoy rin na nanggagaling sa banyo ng kuwarto nya!

Nakita ko si Engr na nakadapa pero umuubo ng kaunti.

"Engineer...Engineer...!" kinalog ko ito sa balikat.

"T-tulungan mo...'ko..." nanghihina nyang sabi.

Sabay na kaming nauubo. "Kailangan mong tumayo. Hindi kita kaya. Hinihika na 'ko."

Hirap na 'kong aninagin ang mukha nya dahil sa usok at luha sa mata ko. Ang sigurado ako, may sugat ito sa tagiliran ng noo. May kaunting dugo na umaagos dun.

Natumba pa kami sa unang subok nyang tumayo.

Kaunti na lang papanawan na ako ng malay. Naririnig ko ang sarili ko na halos pumito na dahil sa lalim ng paghugot ko ng hangin. Napaluhod na nga rin ako nung malapit na kami sa staircase.

"Miss...t-tayo ka..." halos bulong yun. "K-konti na l-lang. Mag..magtu-lungan t-tayo..."

Halos hindi ko na maaninag ang dadaaanan. Pareho kami ni Engr. Montecillo na umaasa sa isa't-isa gamit ang kakapiraso pa naming lakas.

Pero sa third floor pa lang, nawalan na sya ng malay. Hinihila ko na lang sya sa pagitan ng staircase ng third at second floor, nung nasalubong namin ang mga bumbero.

Parang yun lang ang go signal ko. Nagdilim na ang paningin ko. 

==============

Is this familiar?

Check Chasing Reality Chapter  25 (Date)

==============

Don't forget to comment and vote!



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b5yhsmd