Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8 Pabor


Mike's POV

Magkasalikop ang mga palad na nakatukod sa tuhod, napabuntung-hininga ako nang malalim. Nakaupo ako sa gilid ng double bed na gamit ko ngayon ditto sa dating home office ng Papa ni Kennie.

"Tsk!"

Buntung-hininga uli. Mabigat ang puso ko na napatingin sa Apple tablet na nasa tabi ko.

May isang oras na yata ako na ganito mula nang pumasok ang mag-ina na walang imik sa kuwarto nila matapos kong magbitaw ng salita kay Kennie.

Mali nga yata ako sa pagtrato nang ganun sa bata. Kaya lang, hindi ko lang mapigilan. Gaya ni Mommy, magaan ang loob ko kay Gelo. Maybe because we have the same name. And yeah, I agree with my mom that we somewhat have similarities with our personality. The difference is, the little Angelo is softer when it comes to his mother. More obedient, that is.

Mas matigas daw ang ulo ko, sabi ni Mommy. I even got grounded before for talking back to my teacher and a lady neighbor.

Yeah, I know.

When I'm pissed, I do not look at age and gender. Thing is, if I feel off about someone, I have a bad habit of being rude.

Gaya na lang noon kay Maddie... and last week with Darcy.

Tumayo ako para itabi ang box ng tablet. I took a towel and a set of house clothes from the chest drawer Kennie have me use during our stay here. She said it was her sister's.

The bed I'm using was her parents'. It's simple and old but still sturdy. Kunsabagay, all the basic furnitures in the house are made of narra, like this one.

Truth is, medyo salat sa palamuti ang bahay. Not even a family portrait hanging on the wall which should be common in suburb places especially that the head of the family was a former politician. I'm not sure kung kasama ang mga yun sa iniligpit ni Kennie sa basement. Although my staff said, hindi naman daw ganun karami ang ibinaba nilang mga kahon at gamit. Palagay ko, kundi man simple lang talaga sila mamuhay noon, o maaaring ibinenta na ang mga gamit. But still, most the narra furniture in the house look antique. Meaning, they could be sold at a handsome amount kung sa isang collector maibebenta. Gaya nitong bahay nila na mukhang panahon pa ng Kastila naitayo. Just a little preservation and improvement, tataas ang value.

Dala ang toiletries, nagpunta ako sa banyo sa ground floor. Sinabi naman ni Kennie na maari ko itong gamitin tutal sa baba rin ang kuwarto ko. At umuuwi rin naman ako sa Maynila.

Sa totoo lang, natuwa ako sa suhestyon ni Mommy na dito na lang kami ng mga staff ng MonKho. Maliban sa tulong na naming sa mag-ina dahil siguradong di tatanggap si Kennie ng pabuya, mas homey ang atmospera kesa sa apartelle. Para kaming isang malaking pamilyang nakasukob sa iisang bubong.

Isa pa, mababantayan namin ang mag-ina kahit papaano. Ganitong hindi kami sigurado sa kaligtasan nila. Hindi aware ang babae, isang agent na ni Rob ang nakabantay sa kanila. Nakausap ko nga kanina.

Wala naman daw siyang napupunang umaaligid sa bahay. Ganun din naman ang bantay ko.

Malaking kaginhawaan yun sa akin.

Pakiramdam ko, kasalanan ko kung madadawit ang mag-ina sa isyung ito. Ganyang pasngalawang pag-atake na sa MonKho. Una yung sa Zamboanga.

Si Airs ang sumagot sa professional fees ng dalawang agents ni Rob. May anggulo kasi na maaring may koneksyon ito sa gusot na kinasuungan ni Madel at Emma.

Nabalik ang isip ko sa nangyari kanina.

Again, I felt a mix of pity, guilt and retaliation.

Guilt because I said those words to Kennie. I saw she was somewhat hurt to what I said earlier. But that was because I want to retaliate for Gelo. With my conversations with him, I knew, he is silently looking for a strong figure. He finds his mother fragile and meek when it comes to other people.




"Hindi ko nikikita si Mama nigagalit sa iba po. Lagi kami dito sa bahay lang."

"Hindi ba kayo namamasyal?"

"Minsan po lang pag may bibilhin kami. Pag nisisimba, si Tita Estlel tsaka Nanay Mila kasama ko."

"Nag-aaral at nagtatrabaho kasi ang Mama mo," pakunswelo ko sa kanya.

Nanahimik ang bata. Nag-iisip.

"Tito, bakit po yung ibang kaklasmeyt ko, di nagtatarbaho ang Mama nila? Papa daw nila ang may tarbaho."

Napatikhim ako. Hindi ako handa sa tanong na yun. I was expecting that Kennie had somewhat explained this matter with her son. That was how I perceive her with the way she brought up this little boy.

"Tinanong mo na ba 'yan sa Mama mo?"

Lumamlam ang mata ni Gelo, "Nitanong ko po. Pero lumungkot si Mama. Di ko na nitanong po ulit."

I patted his head. I admire this child's sensitivity, which I have observed multiple times.




That conversation made me closer and more compassionate to him. Maliban pa sa awa na nararamdaman ko sa kanilang mag-ina.

Minsan, natutukso akong ipahanap kay Rob ang tatay ni Gelo para matulungan ang mag-ina sa pakikipagbuno sa buhay dito sa Bataan. Kaya lang masyado na yung personal. Siguradong may dahilan ang babae kung bakit di nagbabanggit tungkol sa ama ng bata.

Napapailing na lang tuloy ako habang tinutuyo ng tuwalya ang sarili. Naalala ko kasi ang paninita sa akin ni Mommy nung unang makita si Gelo at malaman na kapangalan ko.




"Michael Angelo, umamin ka nga sa akin! Anak mo ba si Gelo, ha?!"

"Si Mommy!" reklamo ko.

"Kahawig at kapangalan mo! Paano akong hindi maghihinala?!"

Napansin ko nga rin yun. Alam ko na kahit si Aris, nahalata yun. Di lang nagsasalita sa akin. He knew that it would also be impossible.

"'My, what you're telling me now is far from reality. Calculating the years, Gelo was conceived when his mother was like sixteen years old. I was ... uhm... mid-twenties then. I don't go for high schoolers."

"Aba't—"

"Ouch!"

Pinalo ako sa ulo ni Mommy nang nakatupi n'yang pamaypay.

"'My, baka bumuka ang tahi ko," reklamo ko habang hinihimas ang ulo.

"Pabubukahin ko talaga yan, Michael! Ang bibig mo!"

"Eh kasi naman, 'My. Di nga talaga. Dito ko lang nakita ang nanay nung bata. Isa pa, common na naman ang pangalan ko. Marami ring magkakamukha sa mundo."

"Then how would you explain the Schulz' couple?"

"Iba naman yun. Si Mommy talaga. Magkakakalapit silang edad tatlo. Schoolmates pa nga namin yung tatay ni Hope. Bestfriend ni Andie si Sarah."

Yeah, Andie and Reid had it out in the open. I mean, only to those they trust. Though we are still discreet about it. We don't talk about it anymore. Para hindi magkaroon nang negatibong epekto kay Hope.

Andromeda's eldest daughter knew about it, too. That her dad is not Reid. But she doesn't know how it happened. Tama lang naman yun. Kapag nasa tamang edad na ang bata. Ang importante, tanggap n'ya. Dumadalaw na nga sila sa puntod ni Bong.

"Nagdududa pa rin ako!" deklara n'ya. "Kaugali mo yung bata!"

"Ikaw, 'My, ha? Nami-miss mo lang mga apo mo eh," tukso ko."Aray!"

Napukpok uli ako sa ulo. "Hindi yun ang pinupunto ko. Gusto ko yung bata."

"No one's stopping you to like him."

"And I'm not asking anyone to stop me," she glared at me.

That's the truth. Kaunti na lang, ampunin na ni Mommy ang bata. Kasama n'ya lagi sa pamamasyal nung naririto s'ya sa Bataan at binilhan nang kung anu-ano si Gelo. Naganap ang gusto n'yang doon kami sa bahay ng mag-ina tumuloy. She bought them groceries na kaunti na lang, pwede nang magtayo ng sari-sari store si Kennie. Not counting the fixing of the staff house sa likod ng bahay-Kastila.

Next week nga, babalik si Mommy dito para dalawin si Gelo.

What I didn't like was that she was hinting that she likes Kennie for me. I mean, Kennie isn't bad looking.

But ... nah!

I'm not looking for a serious relationship now. Masasaktan lang ang babae sa akin. Tama na yung pinagdaanan n'ya sa tatay ni Gelo.

Well, as if she likes me.

Natatawa kong sabi sa sarili.

Mukhang ikaw ang naasar kapag nandyan yung manager ng Enrico?

Tudyo ng utak ko.

Tangna kasi nun. Masyadong epal.

Ang ibig ko bang sabihin, manliligaw lang s'ya pero nung yakapin si Kennie sa ospital o paghawak-hawak sa kamay kahit obvious na hindi gusto ni Kennie.

I know. Isang tingin pa lang. Hindi s'ya type ng babae. She was just being civil and nice. Maybe because he is a superior at work. O talagang ayaw pahiyain ang lalaki. O gaya sa mga kapitbahay, tila walang tinig si Kennie to push back with force.

I'm not a gentleman, but I never touch a woman's hand without any sign of consent. And I'd normally hangout or hook up with girls who are willing. Isa pa, Kennie is the prim and proper type.

That's why her having Gelo at a young age is still a puzzle for me. Wala sa personality n'ya ang maagang... well.

Yeah, I couldn't even associate the word Darcy had thrown at Kenny. Hindi talaga bagay sa kanya.

Nagkakaroon tuloy ako ng isipin. Something went wrong reason she got pregnant that young.

Or maybe, she fell inlove at a very young age. But the way I see it, hindi ang tipo ni Kennie ang basta na lang... tss.

Di talaga matanggap ng utak ko.




Bitbit ang pinagbihisan at toiletries, lumabas ako sa banyo na nagpupunas pa ng tuwalya sa buhok.

Natigilan ako pagliko sa dining area.

Si Kennie, nag-iwas rin ng tingin. Itinuloy ang paglilinis ng sugat sa palad sa mesa.

Umangat ang isang kamay sa pisngi sabay singhot.

Shit!

Na-guilty na naman ako.

Tahimik akong lumakad papalapit sa kanya. Umupo ako sa tabi n'ya nang walang paalam. nilapag ko ang mga dala ko sa isa pang upuan.

Wala pa rin s'yang kibo maliban sa pigil na pagsinghot.

"Hey..."

No reaction.

"Common, I'll help you with that," kinuha ko ang agua oxinada at bulak.

"Hindi na. Kaya ko--"

I just took her hand and started cleaning it up. Di na rin s'ya kumibo.

After a few seconds,

"I'm sorry," I said.

"H-ha?"

"Kanina. Sa sinabi ko. And yeah, about my treatment to Gelo. I'm sorry if I made you feel that I'm disregarding you."

Di s'ya nagsalita. Suminghot lang uli. Sabay angat nang isang kamay sa pisngi then sa ilong.

"Hey..."

"H-hindi. Ano, okay lang. Uhm... s-sorry din. Napagtaasan kita ng boses kanina," ang mahinang sabi matapos punasan ang luha.

Pareho kaming hindi nagsalita nang ilang segundo.

I was done applying ointment on her palm, when I asked, "How's Gelo?"

Nagpakawala s'ya nang marahang buntung-hininga, "Nakatulog na. M-masama ang loob sa akin."

"Sinabi n'ya sa 'yo?" medyo gulat kong tanong.

Sa pagkakabasa ko sa ugali ng bata, hindi ito magsasabi o gagawa ng mga bagay ba ikasasama ng loob ng ina.

"Uhm... hindi. Basta alam ko lang. Madaldal s'ya bago kami matulog. Tahimik lang s'ya kanina," tapos nagbungtung-hininga uli. "Pagtayo ko, may...may luha s'ya sa gilid ng mata pero tulog na."

Nakagat ko rin ang labi ko.

"Kennie..."

"Mike..."

Nagkasabay pa kami.

"You go ahead," I said.

Nag-atubili s'ya. Ewan ko kung nahiya or what.

"Uhm... ano kasi..."

"Yes?"

Tumahimik ang babae.

"Kennie... tell me. Hindi ako nagbabasa ng isip," I urged her.

I mean, I can definitely read women's motives when it comes to ... well.

Gusto kong matawa sa tinatakbo ng imahinasyon ko.

But with Kennie, medyo nangangapa ako. Malihim s'ya. Tinanong ko na rin si Estrel at Nanay Mila noon ng pahapyaw tungkol sa tatay ni Gelo. Wala raw sinabi sa kanila si Kennie. Sigurado ako na nagsasabi sila nang totoo. Nakita ko yun sa mga mata nila. Mata ng mga nagmamalasakit.

Ang matalik na kaibigan ni Kennie ang nagsabi,




"Naghihinala nga kami ni Nanay na ikaw ang tatay ni Gelo."

Natawa ako.

"Hindi. Dito ko lang nakilala si Kennie."

"Tumira sila sa Maynila."

Napakunot ang noo ko, "Ang akala ko sa Batangas?"

Parang nalito ang babae. "Eh...ewan ko. Sa Maynila kasi nagtrabaho ang ate ni Kennie. Ang balita dito, magkasama silang magkapatid sa Maynila."

Nagtaka ako, "Di n'ya ba sinabi sa iyo?"

Umiling si Estrel, "Nagtampo ako sa kanya. Una, iniintindi ko ang desisyon ng pamilya nila na sasama na s'ya kay Ate Quel. Doon na s'ya magtatapos ng high school. May communication kami sa text or palitan ng message sa FB. Pero yung paminsan-minsan noong umpisa naging madlaang makaraan lang ang ilang buwan hanggang sa tuluyang mawala in less than a year."

Napatangu-tango ako.

"Nitong pagbalik nila ko lang nalaman na may anak na si Kennie. Kahit si Sister Linda na malapit s'ya noon, nabigla sa nalaman. Gusto n'ya kasi noong mag-madre. Isang dahilan kaya lalong kinukutya ang mag-ina dito. Maliban sa s'ya ang sinisisi kung bakit di na tumakbo si Vice sa pagka-Mayor," tapos mahinang idinugtong. "Landslide ang panalo ni Vice kung nagkataon laban sa nanalong Mayor. Di namin gusto ang isang yun."

Ayon sa babae at sa ina nito, usap-usapan na pinrotektahan ng pamilya ang pagbubuntis ng bunsong anak kaya hindi na lumaban ang tatay nito sa pulitika. Marami ang haka-haka na maaring tagarito ang tatay ni Gelo. Bakit ang hindi? Biglaan daw ang pag-alis at sa ibang lugar tinapos ang highschool gayong isang taon na lang ay ga-graduate na ito.

"Naging tahimik sila mula nang lisanin ni Vice ang pulitika. Si Ate Quel, inuwi dito na cremated. Walang burol o kahit ano. Basta ang sabi ng mag-asawa, naaksidente raw at yun ang bilin ng namatay. Doon nagsimulang mabahiran ang imahe ni Kennie. Hindi s'ya nagpakita nang iuwi dito ng mag-asawa ang abo ng ate n'ya."

"Ha?"

"Oo, mula nang umalis s'ya since going fourth year high school kami, umuwi lang si Kennie nung mamatay nang sabay ang Papa at Mama n'ya. Ayan nga at kasama si Gelo. Kaya gulat na gulat kami."

Doon ko napagtanto na may malaking dahilan ang pamilya kaya itinatago ang nangyari sa bunso ng pamilya.

"Marami ang nagsasabi, mana lang ang habol ni Kennie kaya umuwi. Yun ang bintang nang nag-iisang tiyuhin n'ya kaya ayaw ibalik ang property ni Vice. Pinatira lang naman sila dun ni Vice hanggang di pa nagdedesisyon si Ate Quel na manatili sa Bataan."

"Dun sa panganay na anak ni Vice ang property?"

"Di anak ni Vice si Ate Quel. Anak sa unang asawa ni Madam. Kaya binilhan nang ibang property. Kasi kay Kennie ang ancestral house dahil nag-iisang anak ni Vice."

Yun malamang ang isa sa dahilan kaya ayaw na rin habulin ni Keniie ang lupa at bahay mula sa tiyuhin.

"Mabuti at nagkaayos kayong magkaibigan?"

"Tampong kaibigan lang naman ang akin. Isa pa, naging mabuti ang pamilya nila sa amin. Si Vice ang nag-sponsor sa pag-aaral naming magkapatid sa kolehiyo. Pati ang pag-a-abroad ni Kuya, si Vice ang tumulong. Kaya maalwan kami ngayon. Ito ang panahon para tumanaw ng utang n loob."




Tumikhim si Kennie, "Mike, kung okay lang sana..."

"Anything. Ano ba yun?"

"Uhm, yung tablet...iabot mo uli kay Gelo bukas. Ano, sabihin mo lang na huwag s'yang magbababad. Para ano lang ba..."

"Yeah, sure. I understand. Limit usage lang."

Tinago ko ang pagngiti. Pareho silang mag-ina. Gaya ni Gelo sa kanya, hindi rin pala basta matitiis ni Kennie ang anak.

ako na ang nagtapon ng mga bulak at gamit na gasa na ginamit ng babae. Nanatili lang s'yang nakaupo sa dining pagbalik ko mula sa kusina.

"Kennie, sasabihin ka pa ba?" untag ko kasi parang nag-iisip pa rin sya.

Umiling lang tapos tumayo na.

"I'll walk you to your room. Come."

Inasahan ko na pipigilan n'ya ako pero hindi nangyari.

Sigurado ako na may sasabihin pa talaga s'ya.

The more I get curious.

Tama ako dahil pagkahawak n'ya sa doorknob,

"M-mike..."

Mahina n'yang sabi na hindi ako nililingon. Basta nakatingin lang sa kamay n'yang nasa seradura.

"Yes?"

"Madalas noon sa apartelle, dalawang araw sa isang linggo ka lang narito."

Tumaas ang kilay ko, "How'd you know?"

She started fidgeting. "Naririnig ko sa mga receptionist pati sa mga staff n'yo."

"Humarap ka nga sa akin. Naiilang ako na ganyan eh."

The more she became uneasy. Lampas-lampasan ang tingin n'ya sa akin.

"Alright. Now, spill it out," I encouraged her.

"Bukas nang gabi ba ang balik mo sa Maynila?

"No. A day after tomorrow. Why do you ask?"

"M-may pabor sana ako."

"What is it?"

"M-may lakad kasi si Nanay Mila bukas. Gabi na s'ya makakauwi sa susunod na araw..."

"Oh?"

"May summer classes kasi ako. Balak ko sana dalhin si Gelo sa university kaya lang baka ma-bore s'ya dun or baka di ako payagan ng guard or prof namin."

"Okay, I get it. No worries, I'll be his nanny."

"Ayos lang ba?"

"I just said okay."

"Uhm, paano'ng--"

"Ako na ang bahala dun. Maybe after site visit, we'll go malling or maybe stay here."

"Sige. Salamat nang marami. Goodnight."

"Goodnight."

Ilang minuto n s'yang nakapasok sa loob ng kuwarto nilang mag-ina pero nakatayo pa rin ako sa labas nun.

Nakangiti.

Well, it's a good start!

===============

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b5yhsmd