7 Tablet
Nakangiti ako habang nakatingin sa resulta ng final exams sa mga major subjects ko.
Kasalukuyan akong nasa faculty room ng Business Administration College. Pinakuha kasi ako ng special exam dahil excusable naman kung bakit di ako nakapasok nang nakaraang linggo. Kahit pa balita sa university ang nangyaring sunog sa apartelle, malaki ang pasasalamat ka kay Estrel na nagpunta dito para masabihan ang mga instructors at professors ko na hindi ako makakapasok.
Pinasadahan ko uli ng tingin ang mga papel ko.
Matataas yun kumpara sa mga nakaraan kong exams kahit nung unang sem sa nag-aral ako uli sa Bataan.
Nagkaroon ako nang mas maraming oras para makapag-aral dahil hindi pa rin ako nagre-report sa Enrico.
Wala pa akong clearance galing sa doctor na maaari na akong magtrabaho. Nag-uumpisa na namang maghilom ang malaking paso sa palad ko kaya lang hindi pa rin daw safe kung mababasa lagi o marurumihan. Lalo pa kung hahawak ako ng cleaning agents.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Sir Mar noong isang araw.
"Kinausap ko si Uncle Ben kahapon para mailipat ka na sa admin office. Mas kailangan ka raw sa facilities, Kennie," halata naming apologetic ito. "Aabisuhan na lang daw ako ng manager kapag pwede ka nang i-transfer."
Nahiya naman ako.
"H-hindi. Okay lang. Di naman ako nagmamadali. Kailangan ko rin naman ng oras para makapag-review para sa special exams ko. Saka sinasamantala ko na rin na makapaglaan ng oras kay Gelo."
Tinapunan ko ng tingin ang anak ko na nagkukulay sa isa sa mga coloring books na bigay ni Tita Dolly.
Tumikhim s'ya, "Kennie, kumusta naman kayo dito?"
"Ayos lang naman."
"Ibig kong sabihin, yung mga kasama mo sa bahay?"
"Okay lang din. Mahusay naman makisama. Alam nila kung saan at kelan kami bibigyan ng privacy ni Gelo."
"Baka napapagod ka sa pag-aasikaso sa mga kalat nila."
Natawa ako nang mahina, "Nililinis nila ang mga pinagkainan nila. Sila na nga ang sumalo sa pagdidilig ng mga halaman sa bakod, pati paglilinis sa bahay. Bilin kasi ni Mike."
Biglang nagseryoso ang mukha nito.
"So kung hindi pala nagbilin...?"
"Maayos sila. Okay lang kami dito."
Tumingin s'ya sa paikot sa sala. "Wala ngayon si Engineer, di ba?"
Medyo nag-alangan akong sagutin yun. Biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Mike noon. Kami lang ni Gelo ang tao dito. Halos tatlong oras pa bago umuwi ang mga staff ng MonKho.
"Eh..."
"Hindi ka ba naman binabastos ng mga—"
"Mar," seryoso kong putol sa kanya. "Hindi sila ganun.Tigilan n'yo ang stigmana salbahe ang mga taga-Maynila. Ang totoo n'yan, mas safe ang pakiramdam ko kapag naririto sila. Isa pa, may kalaro si Gelo.Nakakakita s'ya ng mga father, uncle or kuya figures sa mga tao ng MonKho.Walang matinong kalaro ang anak ko dahil nadi-diskrimina s'ya kahit sa daycare dala ng panlalason ng—"
Di ko na itinuloy ang sasabihin. Nagsisimulang umahon anggalit sa akin, basta si Gelo ang pag-uusapan.Isa pa, napalingon sa amin sagllit ang bata.
Tumikhim ang lalaki, "Sorry. Nag-aalala lang naman ako."
"Tingin mo ba sa akin bastusin dahil... dahil may limang taong gulang na anak na ako sae dad kong beinte uno, Mar?"
"H-hindi. Kennie. Hindi mo kasi naiintindihan ang punto ko."
"Kayo ang hindi nakakaintindi. Wala naman ako, kami ni Gelo na inaapakang tao."
"Kennie, kasi, ikaw lang ang babae dito sa bahay n'yo na puno ng mga lalaki."
Napahawak ako sa sentido, "Uunahin ko pa ba ang sasabihin ng ibang tao kesa sa pangangailangan naming mag-ina, Mar? Malaking tulong sa amin ang upa na binabayad ng MonKho.Hindi ko na nga rin halos problemahin ang pagkain dahil kasahog kami kapag nagluluto sila.Puno pa lagi ang ref sa pagkain at pasalubong dahil natutuwa sila kay Gelo."
"Kung binibigyan mo kasi sana ng pansin ang iniluluhog ko sa iyo..."
Napahawak ako sa pagitan ng mata sabay buntung-hininga."Mar... pwedeng huwag na ako?"
Napipilan s'ya. Tapos kumunot ang noo.Hindi ko nagugustuhan ang nababasa kong tumatakbo sa utak n'ya base sa pagpapalit ng ekspresyon n'ya.
"Dahil ba ito kay Engr. Montecillo?"
Sinasabi ko na.
"Mar, di pa nangyayari yung sunog, sinabi ko na sa iyo na huwag na ako. Maraming dalaga dito na mas bagay sa iyo."
"Ikaw ang gusto ko, Kennie."
"Hindi tayo pareho nang nararamdaman. Hindi kasali ang pakikipagrelasyon sa mga priorities ko ngayon."
Napabuntung-hininga ako sa naalala. Lukut na lukot ang mukha ni Sir Mar pag-alis sa bahay nang araw na yun pero kinabukasan bumalik uli.
Sa totoo lang, mula nang mangyari ang sunog, nadagdag ang halos araw-araw na n'yang pagdalaw sa pag-level up ng panliligaw sa akin. Dati, minsan lang s'ya pumunta sa bahay dahil sinasabihan ko nga.
Kunsabagay, may punto ang katwiran n'ya na nagkikita kami sa Enrico. Ngayon ay naka-indefinite leave pa ako.
Nakakasuya lang kasi na palagi n'yang isinisingit sa usapan si Mike, kahit ngayong wala ang lalaki.
Napabuntung-hininga ako bago tumayo. Nagpaalam at nagpasalamat na ako sa prof ko. Sinabi n'ya na mahuhuli ang bigay sa akin sa grades ko. Ayos lang naman.
Paglabas sa faculty, naisip ko si Mike.
Nakalimutan ko itong kausapin tungkol kay Gelo. Natutuwa ako na may ka-close ang anak ko maliban sa amin nina Estrel, kahit pa hindi n'ya ka-edad. Ang akin lang kasi, naiitsa-pwera ako. May usapan sila na hindi ako kasali. Mga usapan na dapat ay may input ako tulad nang plano nilang bumalik sa Batangas.
Hindi sila pwedeng pumunta doon!
Hindi na lang sana uli ma-brought up para makalimutan na nilang dalawa. Anyway, di naman alam ni Gelo ang pangalan nung lugar na tinirahan namin doon. Wala akong dapat ikabahala. Magdadahilan na lang ako para hindi sila masamahan.
Malapit na ako sa gate ng university nang masalubong ko ang isang grupo ng mga estudyante.
Umiwas ako ng tingin nung pasimple nila akong sulyapan at ituro sa ilang kasama. Tapos nagbulungan.
Ganyan sila noong bago pa lang ako dito hanggang sa dumalang at sobrang bihira na lang nitong mga nakaraang buwan.
Ano na naman ba ang meron?
Saka ko naisip, baka dahil sa sunog. Naka-gauze pa rin ang kamay ko. Hindi na nga lang ganun kakapal dahil naghihilom na nga.
Oo, yun nga malamang.
"Roqueña!"
Nilingon ko ang tumawag.
Classmate ko sa dalawang subjects ko. Mabait ito. Naging ka-grupo ko na rin sa mga projects at reporting.
"Oh, Hannah?" huminto ako para hintayin s'ya.
"Tapos ka na ba sa mga exam at ipapasang papers?"
"Oo. Pauwi na nga ako. Sunduin ko pa si Gelo sa nag-aalaga."
Hinawakan n'ya ako sa braso. "Halika, dun tayo sa sidegate dumaan."
"Uhm, mapapalayo ako sa sakayan."
"Andyan si Darcy," turo n'ya sa maingate. "Hinahanap ka."
Natigilan ako. "Bakit daw?"
"Eh kasi...yung nangyari sa Mang Donald's tsaka kay Engr. Hunk."
"T-teka...ano'ng kinalaman ko dun? Si Mike naman..."
"Basta. Halika na."
Sumama na nga ako sa kanya. Sabay kaming sumakay. Mauuna lang ang bababaan n'ya.
Noong una, di kami nagkikibuan kahit may kadaldalan itong si Hannah. Wala naman akong sasabihin. Isa pa, kahit maayos naman ang trato n'ya sa akin, di pa rin ako kampante. hindi kami talaga close, di gaya ni Estrel.
"Roqueña," umpisa n'ya. "Ano ba talaga ang nangyari? Yung balita kasi nang isang kaibigan ni Darcy na nag-aaral pa sa atin, napahiya raw yung anak ni Mang Donald dahil sa 'yo."
"Wala naman akong sinabi. Si Mike... si Engr. Montecillo lang ang kausap n'ya nun. Ano, Hannah, ayoko na kasing ungkatin. Baka lumala lang yung issue."
"Eh, ikaw. Bahala ka. Kaya lang, di ba sa inyo na umuupa sina Engineer at staff nya? Paano tatahimik yang si Darcy? Alam mo naman yun at mga kaibigan n'ya..."
"Ako na lang ang iiwas. Ano, salamat nga pala sa pagsabi kanina."
"Wala yun."
Habang nanglalakad papunta kina Estrel para sunduin si Gelo, nahulog na naman ako sa pag-iisip.
Di ko malaman kung ano ang gustong palabasin ni Darcy. Siya nga ang lumapit sa table namin nung araw na yun at may ganang manita sa di ko maintindihang dahilan. Iisang kataga nga lang ang nasabi ko.
"Ha?"
"Ikaw. Bakit kasama ka ni Mike?" ulit ni Darcy na akala mo ay bata ang kausap.
"Wait," singit ni Mike na inalis ang pagkakapulupot ng braso ni Darcy na nasa leeg na n'ya. "So what if she's with me?"
"Eh kasi, babe, baka kung ano'ng isipin ng mga makakakita na--"
"What?! She's my landlady. And I owe her a lot. The fuck is wrong with you people?!"
Namula si Darcy. Tumaas kasi ang boses ni Mike.
"And will you stop calling me, babe?"
"Sobra ka naman..."
"Sa pagkakaalam ko, hindi ako o kami ang nagsimula, miss."
"Miss? Bakit miss? Mike naman..." angal nito.
"Hindi ko alam ang pangalan mo. I just knew your father owns this place. That's all."
Lalong namula ang babae. Nangilid nga ang luha. Pero nagkaroon ng talim yun nung makitang tinagtag ko ang manggas ng poloshirt ni Mike.
"Mike...tama na. Babae 'yan," bulong ko.
"Tss.Tara, alis na tayo," sulyap sa akin si Mike tapos tumayo. Binalingan yung foreman."Ikaw na bahala sa nakain natin."
Nag-iwan s'ya nang ilang dadaanin sa mesa.
"Sige, boss," kaswal na sagot nung foreman tapos tumango sa akin bilang pamamaalam."Ma'm Kennie."
"Sige po."
Pasimpleng kumaway sa akin yung mga staff sa kabilang table.
"Huwag," bulong ko kay Mike nung tangkain n'yang alalayan ako sa braso.
"What?! Why?"
"Basta," nauna na akong lumakad.
Sumunod s'ya kaso pati si Darcy,
"Mike, wait naman!"
"Jesus!" asar na bulong ni Mike.
Lalo akong nagmadali palabas. Ramdam ko ang mga mata ng tao sa Mang Donald's na nakasunod sa amin.
Ilang hakbang mula sa pinagkakaparadahan ng kotse ni Mike nung mapalingon uli ako dahil,
"Mike, bakit ka ba sumusunod sa kanya?" ani Darcy.
Santisima!
Ano ba ang hindi naintindihan ng babaeng ito sa mga sinabi ni Mike kanina sa loob?
"Miss, ikaw ang sumusunod sa amin, okay?" sagot naman ng lalaki.
"Darcy. Darcy ang pangalan ko. Nakalimutan mo na? We had a date before."
Marahas napabuga ng hangin sa bibig ang lalaki, tapos hinimas ang panga.
"Okay, Darcy. Sorry, hindi ko talaga maalala ang pangalan mo. Look, it was not really a date . Alam mo yun."
Di ko na napigilang makinig.
"Excuse me. Nanood nga tayo ng movie sa mall sa kabilang bayan. At nag-dinner!"
" Hindi ganun ang pagkakaalala ko, miss... I mean, Darcy," nasusuyang salo ni Mike. "Ewan ko kung sinadya mo or what, na kausap ko si Mang Donald habang nagkukuwentuhan kami at nabanggit ko na may bibilhin nga ako sa mall na yun. Bigla kang sumingit na makikisabay ka na rin. When we got there, you asked me if I could accompany to a movie. What can I do? I told your father na isasabay na rin kita pauwi. Inabot tayo ng gabi at nagugutom na ako, so it's very ungentlemanly of me kung hahayaan kitang maghintay or manood sa akin while I eat dinner, right?"
Namula na naman ang babae pero dumepensa agad nang, "Hinalikan mo ako sa kotse mo. Tapos sabi mo tatawagan mo 'ko. Kaya umasa ako na--"
"Umasa na interesado ako sa 'yo?" sarkastikong sambot ni Mike. "You haven't seen the women I was with before. So don't assume."
"Ang kapal ng mukha mo!""
"What?! Ako pa talaga ha?" natawa na si Mike. "You can check my dashcam,miss. Dalawa yun. Isang nakatapat sa labas at isa sa loob. Ikaw ang biglang sumampa sa akin nung ihatid kita dyan sa tapat ng bahay n'yo. Of course I kissed back. Yun naman ang gusto mo, di ba? Pinagbigyan kita. And I didn't say I'd call you. Ni hindi ko nga kinuha ang number mo. You offered it. How sure are you I saved it? And you know what, after that, I realized you're not even a challenge."
Ah, yun pala talaga ang nangyari!
Kahit halatang napahiya, nagtaas ng noo ang babae. Naalarma ako nung tumingin s'ya sa akin.
"So, may challenging sa iyo ang nagkukunwaring mahinhin pero maaagan nagkaanak?"
"What the fuck are you talki--?!"
Hinawakan ko sa braso si Mike.
"Hayaan mo na. Lalaki lang ang isyu. Halika na. Si Gelo," paalala ko.
Umismid ang babae, "Pininggagatong pa ang anak!Huwag mo ngang hawakan si Mike!"
Bigla ko tuloy binitawan ang lalaki.
"Damn!" asar na sabi ni Mike tapos lumakad pabalik sa Mang Donald's.
Ngumisi si Darcy sa akin saglit tapos hinabol si Mike. "Wait, babe! Saan ka pupunta?"
"Kakausapin ko ang tatay mo para pagsabihan ka na tigilan ako!You're a disgrace to him!"
Alam kong mali, pero di ko napigilang matawa. Mabuti at natakpan ko agad ang bibig ko, pero sakto namang lumingon sa akin ang babae.
Sinibat ako ng tingin. Kaya napatingin rin si Mike.
"Get in the car, Kennie. And lock the doors," ang bilin.
Inangat n'ya ang remote ng kotse. Pumasok agad ako sa loob nung marinig kong mag-click ang pinto nun.
"Aba't ang malanding--" sikmat ni Darcy na di naman n'ya natapos dahil hinawakan s'ya ni Mike sa brasopahila sa loob ng Mang Donald's.
Di ako mapakali habang naghihintay sa loob ng sasakyan. may ilang kostumers na galing sa loob ang napapatingin sa gawi ko. Bagaman na tinted ang mga bintana, hindi yun gaanongnakabawas sa pagkailang ko.
Lampas sampung minuto, patingin-tingin na ako sa oras.
Malapit na ang uwian ni Gelo.
"Ay, kalabaw!"
Nagulat ako dahil nasa side na pala ng bintana ko si Mike at kinatok ang salamin nun bago umikot sa driver's side.
Wala s'yang nang magniobra paalis.
"Mike...?" umpisa ko nang makalayo kami nang isang kanto.
"Hhmm?"
"Hindi mo na sana ginanun si Darcy. Napahiya yung tao," malumanay kong sabi.
"Tss. Di ko malaman kung masyado kang mabait o takot ka. Labas ka dun. I did it because she deserved it. She's pushy and aggressive."
"Kahit na. Baka--"
"Ano? Na ikaw ang balikan n'ya? Let her try."
Di na lang ako uli nagsalita.
Baka kaming dalawa naman ang magtalo nito. Sa nakikita kong ugali ni Mike, mabait naman, peroumaalma kapag napundi na. Kahit babae pa.
Isa pa, may estrangherong pakiramdam na hinahatid sa akin ang lalaking ito. Pakiramdam na kailangan kong limiin. Takot ako sa mga bagay na bago at hindi ko kayang unawain.
"Mama!"
Naputol ako sa pag-iisip. Hindi ko napansin na nasa tapat na pala ako ng gate nina Estrel. Naroon si Gelo, tumutulong kay Nanay Mila magdilig ng mga halaman. Kusa na akong pumasok sa loob. Natatawa na lang ako na sinalubong ang yakap at halik ng anak ko.
Masaya kaming nagkuwentuhan saglit ni Nanay Mila. Nakisaya s'ya nang ibalita ko na naipasa ko na ang mga subjects ko.
"Hindi ka na naman siguro magagahol para sa OJT mo. Nakapagpondo ka na nang ilang oras sa Enrico. ang kailangan mo na lang ay ang mailipat ka sa admin office. Alam mo naman dito sa atin. Mabilis lang makakarating sa eskwela n'yo ang balita kung mananatili ka sa pagja-janitress. Aberya yan sa OJT certificate mo."
Napakagat ako sa labi kasi totoo ang sinabi n'ya.
Mawawalan ng saysay ang certificate ko sa Enrico kapag nakarating na hindi pang admin post ang ginawa ko sa 'OJT'.
Kahit pumayag ang Enrico na ang kukulanging oras ko for admin task, doon na lang kukunin sa janitorial job time ko huhugutin. Yun nga lang, kailangan pa rin mas malaki ang oras ko sa opisina. Ganun kasi ang kalkula ko sa mangyayari.
Umaga lang may admin task sa Enrico. Ang problema, nag-overload ako ng isang subject para maka-graduate ako ng October. May dalawa pang ngayong summer class ko kinukuha. Hindi ko na mahihintay ang isa pang taon para makatapos. Kailangan ko nang mas maayos na trabaho.
Kaunting tiis na lang.
Iniisip ko na rin kung lilipat kami sa Maynila o hindi. Nasimulan kong timbangin ang sitwasyon naming mag-ina dito sa Bataan dahil sa mga sinabi ni Mike. Lamang, isang malaking kadena sa akin ang manatili dito dahil mahal ni Papa at Mama ang bayan namin. Narito ang bahay namin na minana pa ni Papa sa mga magulang n'ya. Dito sila nakalibing, ganun din ang abo ni Ate Racquel.
Oo, cremated si Ate sa Maynila bagi inuwi rito. Wala ring burol. Yun ang hiling n'ya matapos n'yang ibigay ang relo n'ya sa akin. Relo na ilang beses ko lang nakitang ginamit n'ya. Premonisyon na pala yun na tuluyan na s'yang magpapaalam sa amin.
"Mama, anlaki n'yan po, ano?" nakangiting sabi ni Gelo.
Nakauwi na kami. Nagsasaing ako sa malaking kaldero namin na gamit noon ni Mama kapag marami kaming bisita. Hindi uso sa kanya ang catering service. Masaya s'ya na maging katuwang ni Papa sa pagiging vice mayor dito noon.
"Oo. Madami kasi tayong kakain mamaya," natatawa kong sagot.
Araw-araw n'ya yung binabanggit tuwing magsasaing ako. At ganun din palagi ang sagot ko.
Hindi na naman ako nagluluto ng ulam. Ang staff ng MonKho ang umako nun pagdating nila. May kanya-kanya silang toka sa mga gawain dito. At ang pagsasaing ang inako ko.
Hindi nawawalan ng pagkain ang ref namin. Sa pagtira ng mga tauhan ni Mike, hindi ko na pinproblema ang ulam. Minsan dumadating sila na may dalang pinamalengke, o kaya ay sa madaling-araw may nagpupunta sa malaking pamilihang bayan sa kanila.
Sabi nga ni Estrel, nagkaroon nang kakaibang aura ang hawas ng mukha ko.
"Nakakatuwa kasi. Parang araw-araw piyesta sa bahay," matapat kong sagot.
Ngumiti si Estrel, "Oo nga. Maliwanag na lagi ang bahay n'yo sa gabi at madaling-araw. Ganun din kapag off ng mga tao ni Mike. Parang noon lang."
Nagkatinginan kami at ngumiti uli sa isa't-isa.
Alam ko, kahit si Estrel, nakaramdam ng nostalgia kaya n'ya nabanggit yun.
Gaya nang mga nakaraang kakain na, ako ang pinauupo nila sa punong mesa. Wala kasi si Mike. Ang lalaki ang pinauupo ko roon kapag noong naririto pa s'ya.
At nakakaaliw na maalala nang unang beses kaming sumabay sa kanila. Sinaway sila ni Gelo na nagsimulang kumain.
"Tito Mike, magpe-pray pa tayo po!"
"Aw! Yeah... right," napapahiyang binaba ng lalaki ang hawak na kutsara at tinidor.
Pasimple n'yang tiningnan ang assistant engineer at foreman. Ang mga ito na ang sumenyas sa mga tauhan at tumawag sa iba pa na nasa sala at kusina kakain.
"Hoy, dito kayo! Magdadasal muna!"
Halatang tila na-weirduahn ang mga tao nila pero sumunod naman.
Nahuli ko pa ang pagsisikuhan ng mga ito at napapangiti nang ang anak ko mismo ang namuno sa pagdadasal.
Naging regular na namin yung ritwal kasama ang mga tauhan ng MonKho bago kumain.
"Sige na, Miss Kennie. Kami na rito. Magpahinga na kayo," wika ng foreman matapos naming maghapunan.
Inasistehan ko na lang si Gelo sa paglilinis ng katawan. Tapos ako naman.
Nakasimpleng pambahay lang naman kami kung matutulog.
Nakinood kami ng balita sa ilang nanatili sa sala. Pinaupo kami sa single wood couch mag-ina.
Nung mag-commercial, "Mama, madaming tulog na po wala si Tito Mike."
hinaplos ko ang ulo n'ya, "Baby, may work sa ibang lugar yun. Minsan dito s'ya. Minsan hindi."
"Kelan s'ya po babalik?"
"Eh... ewan ko. Uhm ... ano..." tiningnan ko yung assistant engineer na nanonood din.
Nagkibit lang ito ng balikat.
Nakakapagtakang hindi n'ya alam. Assitant nga s'ya.
Hanggang mapansin ko na tila may ibig ipahiwatig ang tinginan nila. Wala naman akong maramdamang threat sa tinginang yun.
"Boo!"
"Ay kalabaw!"
"Naku!"
Sabay naming pagkagulat ni Gelo.
Paglingon ko sa likod namin,
"Tito Mike! 'Kaw po talaga!" natatawang sita ng anak ko.
Mabilis s'yang bumaba sa kandungan ko habang tumatawang umikot sa likod namin papunta sa lalaki.
Mabilis s'ya nitong kinarga.
Nakakaselos na talaga sila.
"Andaya mo po. Nigugulat mo kami!"
Tumawa lang ang lalaki, "May pasalubong ako sa iyo."
Nanlaki ang mata ko na isang brand new at kilalang brand yun ng tablet.
"Wow! Yung pinki pramis mo po?" namimilog ang mata ng bata.
"Yup!"
"T-teka lang, Mike..." angal ko.
"Why?"
"Masyadong mahal naman n'yan."
"Gelo needs to be updated with technology like other kids today."
"Hindi ko pinapalaki sa luho ang anak ko. At hindi ko kayang suportahan kung mahihilig s'ya ngayon sa ganyan."
"Then I will."
"Sandali lang, Engr. Montecillo," naumpisahan kong mainis. "Baka pwedeng sa susunod abisuhan mo naman ako sa mga bagay na--"
"It's a gift, Kennie. Where's the element of surprise if--"
"Michael Angelo," sa halip ay tiningnan ko si Gelo. "Pakibalik mo yan."
"Mama...!"
"Ibalik mo!" tumigas ang boses ko.
"Kennie..."
Kaya si Mike ang binalingan ko, "Huwag mo akong pangungunahan sa anak ko, Engineer."
Natigilan ang lalaki.
"T-tito... eto na po," gumaralgal ang boses ng anak ko. "Huwag kayo po mag-aaway ni Mama."
Nang abutin ni Mike pabalik ang tablet, pasimpleng nagtayuan ang mga tauhan n'ya at nagsipag-akyatan sa second floor. Ang iba, papunta sa likod na bahay.
Napakagat ako sa labi.
Pagtingin ko kay Gelo, nakayuko lang s'ya. May dalawang patak ng luha sa sahig.
Parang piniga ang puso ko lalo na nang,
"Sorry, Mama. Wag ka na magagalit po. Sorry."
"Tss," ang tanging narinig ko kay Mike na napahimas sa batok.
"H-hindi naman, anak," nag-squat ako sa harapa n'ya. "Uhm, sorry din. Napagtaasan kita ng boses."
"Sana ganyan mo rin ipaglaban si Gelo sa mga tao dito sa bayan n'yo."
Napamaang ako pagtingala kay Mike.
Gaya ng maliit na Michael Angelo, may hinanakit na nakabakas sa mukha n'ya.
==================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro