53 Bestida
Haller, mga chichi!
Honto ni gomen ne! Hindi na talaga kinaya ng katawang Olympus ko ang pagod at puyat. Na-beastmode ang kalablayp ko dahil nabinat na ako.
But here it is, ang pambawi ko... 5,800+ words UD! Mwah!
===============
Kennie's POV
Gusto ni Ken na magtanghalian kami sa isang kilalang kainan sa boundary ng bayan namin. Mga lokal at sariwang pagkain ang mga putahe dun.
Pero nagdahilan ako.
Nag-aalala ako na baka hindi kumain ng tanghalian si Mike. Maaga kasi ang lakad namin ni Ken. Hindi na ako nakapagluto para sa tanghalian ni Mike. Nito kasing mga nakaraang araw, nagagawa ko pang magluto kahit kaunti para may pagkain s'ya pag-alis namin. Ayoko s'yang masyadong magkikilos dahil sa sprain n'ya.
"Bukas na lang, Ken. Sa Sabado o Linggo pa naman ang balik mo sa Maynila."
Isang linggo kasi s'ya rito. Noong una, tatlong araw lang talaga ang plano n'ya. Pero may nakita raw s'yang potensyal sa bayan namin para magtayo ng negosyo o at least, ay mapagkukuhanan ng resources para sa negosyo nila ni Rika. Hinimok ni Ken ang babae na huwag nang mag-expand ng boutique. Na imbes na maging seller ng mga branded clothes line and accessories, bakit hindi ang babae mismo ang maging supplier ng produkto na kakaunti ang kakumpetensya.
Yun ang ginagawa ngayon ni Ken. Tinutulungan ko s'yang maghanap dito sa bayan naming, kapalit na kung may makita s'ya ay ang bayan naming ang ekslusibong magiging panggagalingan ng mga raw products. Negosyo para sa kanila, hanap-buhay para sa amin. Palitan kami ng pabor.
At may nakita na nga s'ya. Ang mga bunot ng niyog. Para sa coconut coir. Marami raw iyong gamit sa kabila na ang bunot ng niyog ay kadalasang tinatapon lang o sinusunog.
Nangako ito na kung maaprubahan ni Rika at isa pang ka-partner nila ang iniisip n'yang proyekto, sila na rin mismo ang magbibigay nang librang training at seminar sa mga kababayan ko na interesadong matuto sa tamang pag-'harvest' ng mga hibla para sa coconut coir. Sila na rin ang magdo-donate ng mga kakailanganing gamit ng mga kababayan ko. Kung sino ang kukuha ng gamit ay magkakaroon ng ekslusibong kontrata kina Ken.
Kaya nang buksan n'ya ang paksang yun nang gabing ihatid ako dito sa Bataan, na-excite talaga ako.
Walang pagdadalawang-isip na inanyayahan ko si Ken sa bahay na manatili at maaaring samahan ko s'yang maglibot sa amin sa pinamabilis na panahon... kahit kinabukasan mismo!
Sa palagay ko ay natuwa rin ang lalaki sa enthusiasm ko, kaya ayun nga. Pumayag s'ya. Lagi naman raw s'yang may dalang damit at mga gamit sa trunk ng kotse n'ya. Dahil ang pagbibiyahe ang pnagunahin n'yang gawain sa business partnership kina Rika. Si Rika at yung isa pa ang financier sa proyekto, si Ken ang industrial partner.
Natabunan nang excitement ko ang unang dahilan sa pagpayag ko sa paghahatid ng lalaki sa akin sa Bataan. Ang alamin kung ano ang gagawin ni Mike.
At ayun nga, an gaga-aga, sumunod sa amin ang lalaki. Lihim akong nagdiwang... at lumakas ang loob. Alam kong may bahid na masamang hangarin ang ginagawa ko ay pinagbuti kong lalo ang pakikipagkaibigan kay Ken. Pinagbuti sa paraang hindi naman bastusin. May distansya pa rin.
Kaya lang, kasabay nun ang pag-aalala. May pilay si Mike. Palagay ko ay dahil pinilit n'yang buksan ang pinto ng silid ng mga magulang ko. Hindi ko lang alam kung bakit gayong may susi naman s'ya.
Hindi ko alam kung nakikiayon ang tadhana sa akin. Dahil sa pilay ni Mike at kailangang may asikasuhin kami ni Ken, ilang araw na kaming magkakasama sa iisang bubong na tatlo.
Ilang beses kong nakita ang inis sa mukha ni Mike, pasadya man o hindi n'ya ipakita, kapag magkasama o magkausap kami ni Ken.
Inis na nakita ko noon na patungkol kay Sir Mar. Sa palagay ko nga ay mas higit pa.
Dahil sa mga kilos at gawi ni Mike, pilit kong minamadali na matapos na naming ni Ken ang mga dapat asikasuhin. Para bumalik na ang lalaki sa MAynila at magkaroon na kami ni Mike ng pagkakataon na makapag-usap.
Sa palagay ko ay tama lang na itigil ko na ang sadyang pagpapaselos sa lalaki. Napagkit kasi sa isip ko ang sinabi ni Tito Pab na lalong umnaayaw ang anak n'ya kapag pinipilit. Kaya lang, baka sumobra na ako gayong ang totoo, ako naman talaga ang may mali kaya nagkahiwalay kami noon ni Mike. At dapat ko nang itigil ang panggagamit sa kaibigan ni Rika.
Ayoko lang talaga sayangin ang oportunidad na ino-offer ni Ken.
"Saan tayo magtatanghalian?" tanong n'ya.
"Sa bahay na lang."
Mataman n'ya akong tinitigan. Nailang ako. Mali, mas tamang na-guilty. Napaiwas tuloy ako ng tingin sabay pangangatwiran,
"Ano, may naka-marinate naman na pork chop sa ref. Ipi-prito ko na lang. Tapos ano, gagawa ako uli nung miso soup na itinuro mo sa akin kaninang umaga. Uhm ,tingnan mo lang kung kaya ko na gawin mag-isa."
Tumikhim ito, "Alright."
Habang nagmamaneho s'ya pauwi, kaswal uli kaming nag-usap tungkol sa mga lalakarin namin mamayang pagkapananghalian. Pupuntahan namin yung may-ari nang isang proyektong may kinalaman din sa coconut coir pero di nabigyang pansin dahil walang pinansyal na suporta.
"You sure about that, Kennie?"
"Oo. Ayokong mang-agaw ng proyekto nang ibang tao."
"But I thought you like to start a project? Sayang ang credit."
Umiling ako, "Ang gusto ko ay makatulong sa paraang naiisip ko. Walang kinalaman dito kung kanino mapupunta ang credit."
"You really are a very interesting woman. Just like what Rika said," ang sabi matapos akong tapunan nang tinging may kasamang paghanga.
Hindi ako kumibo. Maliban sa wala akong ibang maikomento sa sinabi n'ya, ayokong magkaroon pa s'ya nang dagdag na dahilan para bigyan uli ako ng papuri. Hindi ako sanay sa ganun. Para sa akin, normal lang ang pagtulong.
At mali na gatungan ko pa ang pagpapakita n'ya ng interes sa akin bilang babae. Dapat na talaga naming magkausap ni Mike. Kailangang na naming ayusin ang para sa amin.
Base sa pagpapakilala nito kay Joanna sa pamilya at mga kaibigan noong kaarawan ni Gelo, wala pa rin silang malalim na relasyon.
Palagay ko ay isa yun sa dahilan ng babae na kausapin ako at para itaboy palayo kay Gelo at Mike.
At dahil sa ginawa n'ya, lalo akong nagkaroon ng hangarin na bawiin si Mike. Sa kahit anong paraan na alam ko.
Hindi lang para sa akin, kundi para kay Gelo. Masama ang kutob ko sa asal ng babae.
Pigil ko ang mga hakbang pagbaba ng kotse ni Ken. Wala kasi ang sasakyan ni Mike sa loob ng bakod. Lalong umangat ang pag-aalala ko. Nasamahan ng pinong lungkot.
Umalis na ba s'ya? Kaya na ba ng paa n'yang magbiyahe nang malayo?
Di pa kami nakakapag-usap. Dama ko na gusto n'yang mag-usap kami at gaya ko, naghihintay lang nang tamang pagkakataon. Siya, ang umalis si Ken. Ako, ang tapusin ang dapat naming gawin ng kaibigan ni Rika... at ang pagselosin ang tatay ni Gelo.
Bakit di s'ya naghintay?
Kasalanan ko ito. Dapat ay inuna ko na muna ang sa amin. Dapat ay sa ibang pagkakataon ko na lang pinagbakasyon si Ken dito nang matagal. Kaya lang kasi, naghihinayang ako sa pagkakataong kusang lumapit para sa proyektong iniisip ko, pati ang pagkakataon na obserbahan ang gagawin ni Mike kapag nakipaglapit ako sa iba.
Iba kasi yung kina Pio. Di pa nga ako sigurado kung isa sa kanilang tatlong kababata ko ang nag-text kaya binato ni Mike ang cp ko. Yung SIM card lang nun ang kinuha ko, dahil basag na basag talaga yung phone. Di pa ako nakakabili ng bagong cp na kapalit dahil busy ako. Cellphone ni Mike ang gamit ko tuwing gabi para makausap si Gelo. Ang lalaki mismo ang kusang nagsasabi na kausapin ko ang bata at iaabot ang phone n'ya.
Dumiretso ako sa kusina para magluto. Baka nag-ikot lang si Mike para kumustahin ang resort at gawa nina Allan.
Umaasa ako na babalik s'ya dito para mananghalian. Wala na ang maikli kong sulat na naka-magnet sa ref. Ibig sabihin, nabasa n'ya yun. Pero nanlumo ako pagbukas sa ref.
Yung niluto kong Japanese breakfast para sa kanya, naroon pa rin. Walang bawas. Nagalit ko na yata nang husto.
Napansin ni Ken ang pananamlay ko habang nagluluto nang isang simpleng putahe.
"Problem?"
Umiling lang ako.
"You sure?"
Tumango ako. Pilit kong pinasigla ang sarili.
Natapos kaming kumain at lahat, walang dumating na Engr. Michael Angelo Montecillo Sr. Ganun din pagbalik mula sa lakad namin kinahapunan.
"Later, let's start reviewing this project proposal," patungkol ni Ken sa folder na hawak.
Nasa dining kami noon. Kasasalang ko pa lang nang sinaing gamit ang malaki naming kaldero.
"Hopefully, we can start revising this tomorrow. Palagay ko ay maraming dapat baguhin. This project is almost ten years old. Iba na ang technology ngayon. Tutal sabi ni Mr. Santiago tayo na raw ang bahala since he's quite sick now."
May stage two prostate cancer na kasi ang matanda. Ang gusto nga ay ibenta sa amin ang proyekto para magamit n'ya ang pera. Sinalungat ko sa kabila nang piping pagsang-ayon naman ni Ken. Nangako ako sa matanda at pamilya nito na ako na ang sasagot sa chemotheraphy n'ya. Mas magiging kapakipakinabang sa kanila kung makakatanggap sila nang buwanang royalty kapag natuloy ang proyekto.
Napatigil sa pagsasalita si Ken dahil bigla akong tumayo at dali-daling tinungo ang pintuan. May tumigil kasing sasakyan sa tapat.
Sina Allan pala at mga tauhan nila.
"Si Mike?" di ko napigilang itanong.
"Ha?" nagulat din sina Foreman. "Aba'y di ko alam."
"Di ba nagpunta sa site?" tanong ko naman kay Allan.
"Hindi eh. Wala nga akong tawag na natanggap. Baka nagpunta sa resort. Ilang araw s'yang nakulong dito eh. Teka."
Ilang saglit lang, "Busy phone n'ya eh. Per tumawag ako sa admin ng resort. Di naman daw nagawi si Mike dun."
"Ah, ganun ba? Uhm, yung paa n'ya kasi. Palagay mo ba umuwi na s'ya sa Maynila?"
"Possible. Mukhang ayos na naman paa n'ya. Tsaka bukas ang month end meeting sa MonKhAr."
Medyo nakalma ako. Sa opisina naman pala.
Babalik yun. Baka sa Sabado o Linggo. Kasama si Gelo.
Matapos naming maghapunan, dumating sina Jaime at Pio. May dalang mga kakanin. Tila mas natuwa pa nga si Ken.
" Pasensya na at wala kaming abiso. Nagte-text ako sa iyo mula panung gabi na unang punta namin, pero di ka nag-reply," sabi ni Jaime.
"Oo nga," sang-ayon ni Pio. "Sinubukan kitang tawagan, pero ... nagpalit ka ba ng number?"
"Uhm, hindi. Ano, nasira ang phone ko eh. Busy pa ako... kami ni Ken, kaya nakakalimutan kong bumili nang bago."
Yung pag-akyat nila ng ligaw na yun, nauwi sa usapan tungkol sa proyekto na nilalakad namin ni Ken. Mas silang tatlo nga halos ang nag-uusap. yung utak ko kasi, lumilipad kay Mike. Ilang beses silang may itinanong sa akin na di ko naintindihan.
Akala siguro nina Jaime ay pagod ako kaya nagpaalam na sila.
Napatikhim si Ken nung humalik ang dalawa sa likod ng palad ko.
"Text o kaya tawagan kita," si Jaime. "Kapag wala ka pa ring phone, sorpresahin na lang kita uli. Sana di ko na makasabay ito, o kaya si Bart."
Tinuro si Pio. Sabay silang natawa.
"Those guys are... uhm... interesting," komento ni Ken habang tanaw ko ang dalawa palayo sa amin.
"Ha?"
"Friendly competition, I mean. In Manila, mostly suitors aren't friendly to each other. It'll be the opposite."
Nagkibit-balikat lang ako.
"They don't even find me as a threat."
Pabigla akong napalingon dito.
Kumindat ito, sabay, "I told you before. You're a very interesting woman. You're likable... and I do."
"Uhm... ano, aakyat na ako, Ken," nahihiya kong sabi.
Mahina lang itong tumawa. "Okay, I'll lock the doors. 'Yasuminasai, Kennie-chan."
"Uhm... good night din."
Pinagagalitan ko ang sarili pag-akyat.
Roqueña, tigilan mo na. Mabait si Ken at magiging isang mabuting kaibigan. Huwag mong hayaang lumalim ang nararamdaman n'ya sa iyo. Masasaktan s'ya kapag nagkataon dahil ... si Mike pa rin!
"Kennie," si Allan, sumilip sa pinto mula sa silid na inuokupa nila ni Foreman.
Tumigil ako sa tapat ng pinto ng kuwarto ko, "Oh?"
"Tumawag si Mike kanina. Pabalik na yata dito. Ikaw na ba ang maghihintay para pagbuksan ng gate?"
Nabanaag ko ang tagong panunukso sa tinig at mata nito.Di ko na yun pinansin kasi tumalon yata ang puso ko sa narinig.
"M-mga ano'ng oras ba?"
"Hindi ko alam. Wala namang binanggit."
"Uhm... sige. S-salamat."
Pagpasok sa kuwarto, hindi ako mapakali. Excited ako sa isiping mag-uusap kami tapos yayakapin n'ya ako kapag nagkaayos na kami. Kaya napagdesisyunan ko munang mag-shower. Maghapon kami sa labas ni Ken. Mas tama na presko ako pagdating ni Mike.
Palagay ko ay nasa silid na rin n'ya si Ken paglabas ko sa banyo. May ilaw na kasi na nagmumula sa siwang sa ilalim ng pintuan n'ya, kaya tahimik akong pumasok sa kuwarto para maghintay nang ilan pang minuto.
Nang palagay ko ay tulog na rin ang lalaki, saka ako maingat na bumaba. Dumiretso ako sa paboritong puwesto namin noon ni Mike. ang sementadong upuan at mesa sa likod ng nipa gazebo.
Doon ako naghintay. Paghihintay na inabot nang mag-iisang oras.
Hindi ako mainiping tao pero ganun na ang naraamdaman ko dahil sa excitement.
"Kennie..."
Si Ken.
Ni hindi ko napansin. Di ko nga pala nai-lock ang maindoor.
"Oy..." mahina kong bati.
"I thought you're tired. Why are you still up?"
"Uhm... di pa ako makatulog."
"Waiting for him, right?"
Napaiwas ako ng tingin. Narinig ko ang pagbuntung-hininga nito. Naupo sa tabi ko.
"Mahal mo talaga, ano?"
Napayuko na ako. Nagbuntung-hininga uli ito.
"Rika already told me about you and Mike. Di ka lalabas sa kumbento kung ..." nagbuntung-hininga uli. "I know what I'm getting into since na pumayag ako sa katuwaan nina Rika na inisin si Mike."
Napatingin ako sa kanya.
"I really have a purpose coming here when I heard you talk about the project. But...I don't know what to say or feel now."
"Ken..." nahihiya ako.
Kalmado man sa pagsasalita, dama ko na nalilito ito.
"I'm beginning to like you in that short span time na magkasama tayo nitong mga nakaraang araw. I just don't know up to want extent, or if I like you in a romantic way. That's why I let you use me."
Nanlabo agad ang mata ko.
Alam pala n'ya. Nakakahiya talaga!
"Hey..."
Umalis ito sa tabi ko at lumuhod sa harapan ko. Napaiyak na ako. Sa magkasamang hiya at guilt.
"S-sorry... Sorry, Ken," mahina kong sabi sa pagitan nang paghikbi.
Ginagap n'ya ang palad ko, "Hey, it's alright."
"Nakakahiya sa iyo."
"Understandable ang ginawa mo para sa akin. Wala ka namang pinakitang motibo. It was just obvious to me since I know about you and Mike."
"K-kahit na. H-hindi ko naman talaga gawain ang ganito, Ken. Pasensya na talaga," napapasigok ako sa pigil na pag-iyak.
Sobrang nakukunsensya ako sa ginawa gayong tumutulong pa mandin ito sa project ko.
Pinunasan n'ya ang luha sa pisngi ko, "Tahan na. Chin up. Ganun talaga kapag nagmamahal. Minsan, nalilihis tayo sa mga desisyon natin."
"P-paano ka?"
Ngumiti lang ito, "I'm fine. And I'm glad you are honest enough. I mean, kahit itanggi mo, you are very transparent. It's as clear as water that you still love that moron."
Napanguso ako kasi tinawag n'yang moron si Mike.
"Mabuti na nagkausap tayo ngayon. Alam ko kung saan ako nakapwesto. Anyway, like what I've said, I still don't know what I feel for you. Maybe I just simply like you. Amazed. that's it. Nothing more, nothing less," tumayo na ito. "Akyat na ako. Baka dumating na yun, masira pa ang momentum mo."
Natawa ako nang pabiro s'yang kumindat.
"Ken..."
"Oh?"
"Salamat ha?"
"Sure. No worries."
"Tuloy pa ba yung project?"
Natawa s'ya, "Of course. I'm business-minded. I get something big out of this project. And again, I like helping good people ... especially if I like them."
"Kasi naman eh!"
Natawa uli, "Goodnight, Kennie-chan."
Magaan na ang pakiramdam ko habang mag-isang naghihintay kay Mike.
Paghihintay na inabot na nang pagtilaok ng mga manok sa paligid. Naluluha na ako.
Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.
Baka naaksidente s'ya.
Panginoon, huwag naman po!
Pumasok lang ako sa bahay nang may Isa kaming kapitbahay na nagbukas ng ilaw. Nilunok ko na ang hiya. Hinintay kong magising si Allan.
"Oh, ang aga mo ah! Teka, natulog ka na na?"
Ang tanong sa akin pagbaba. Nasa kusina ako, tumutulong sa pagluluto ng agahan.
"Uhm, Allan, tumawag ba uli si Mike kagabi?"
Sa halip ay mahina kong tanong.
Buong pagtataka itong napamata sa akin.
"Hindi dumating?"
Umiling ako, "Magdamag akong naghintay."
"Hindi ka pa nga natutulog."
"Pwede mo bang tawagan?" pakisuyo ko. "Nag-aalala kasi ako. Baka napa'no na yun."
"Teka, nasa taas phone ko."
Sumama ako sa kanya at naghintay sa pinakasala sa ikalawang palapag ng bahay namin.
Buong pag-asam akong napatayo paglabas ni Allan.
"Sinagot ang tawag ko pero binaba agad. Parang naistorbo ko ang tulog. Ikaw kaya ang kumausap."
Nakahinga ako nang maluwag, kahit papaano. Kinuha ko ang phone na inabot ni Allan.
T-in-ap ko ang redial at napahinga nang malalim. Kinakabahan ako na excited lalo na nung tumigil sa pag-ring. Pero,
"I said I will call you later, goddammit!" pasigaw yun.
"M-mike..."
Walang sagot. Puro malalim na paghinga lang ang naririnig ko. Naglakas-loob na ako.
"A-angelo... si K-kennie it--"
Dial tone na.
Napahigpit ang kapit ko sa phone ni Allan. Naiiyak ako.
Nagalit na yata talaga si Mike dahil kay Ken.
"Ayos ka lang?" malumanay na tanong ni Allan na pinisil ako sa balikat.
"Uhm...o-oo. Ang importante lang naman, siguradong nakauwi nang ligtas si Mike. S-sige, salamat."
Pumasok ako sa silid at doon naiiyak sa pagkalito.
Ano ang susunod mong gagawin, Roqueña? Bumalik sa iyo ang ginawa mong panggagamit sa ibang tao.
Hiyang-hiya ako kay Ken pagkagising ko. Lampas alas-dose na nun ng tanghali. Tapos di s'ya nagkokomento kahit halata na medyo mugto ang mga mata ko.
"Di na kita kinatok. Puyat ka raw sabi nina Allan," ang sabi lang. "Common, let's have lunch."
Maghapon lang kami sa bahay ni Ken. Nagre-revise nung feasibility study para sa coconut coir. Inabot na nga kami nang lampas alas-diyes ng gabi. Kanina ay lumuwas na sina Allan at mga tauhan n MonKhAr pa-Maynila para sa Sabado-Linggo nilang off.
"Kennie, kailangan ko nang bumalik sa Manila bukas. Gusto mo bang sumabay? Ihahatid kita sa bahay nina Mike."
Pini-print na namin ang feasibility study. Limang kopya yun. Tatlo ang kukunin ni Ken, dalawa sa akin. Pupuntahan ko rin kasi si Ms. Andie. Ang dagdag na daycare center ay hihingiin kong tulong sa foundation nila.
Dahil kung magpu-push through ito, kakailanganin ng mga kababaihan sa bayan namin nang mapag-iiwanan ng mga anak nila habang nagtatrabaho. Kasali sa target namin ang mga nanay at single parents pero hindi magawang makahanap nang dagdag na mapagkakakitaan dahil walang magbabantay sa mga anak.
"Uhm, hindi na, Ken. Dito muna ako."
"Di mo ba s'ya pupuntahan... o kahit dalawin si Gelo?"
"Ano kasi, baka pupunta rin sila dito eh magkasalisi kami."
"Maiiwan kang mag-isa dito."
"Sanay naman ako. Bahay namin ito."
"Alright. So, how can I get in touch with you?"
"Kunin ko number mo. Bibili ako ng cellphone bukas. Ite-text kita."
Kinabukasan, tinupad ko ang pangako kay Ken na kakain kami sa sikat na local resto sa boundary ng bayan namin. Yung hindi namin napuntahan dahil mas pinili kong umuwi muna para kay Mike pero wala ang lalaki.
"Akala ko, di na tayo matutuloy dito," ang sabi n'ya nang pabalik na kami sa kotse n'ya. "Not bad. Masarap ang pagkain. Sariwa ang mga ingredients nila."
"Di ko nakalimutan. Ano lang, tinanghali lang talaga ako ng gising kahapon."
Pabiro itong ngumuso at nagtirik ng mata, "Talaga lang ha?"
"Kasi naman eh!" maktol ko sabay mahinang pinalo sa balikat. "Nakakainis ka na. Kanina mo pa ako tinutukso."
"Eh papaano, masyado kang obvious," ang natatawang sabi. "Halika na, hatid kita sa mall para makabili ka na ng phone mo."
At bago ako bumaba sa tapat ng entrance ng mall sa kabilang bayan, "Kennie...?"
Napahinto ako sa pagbubukas ng pinto ng kotse n'ya. "Oh?"
"Kapag binasted ka ni Mike, ligawan kaya kita?"
Nag-init ang mukha ko, "'Kakainis ka talaga!"
Tumawa ito. "Just kidding. I just want to see you smile before we part ways today."
"Ewan ko sa 'yo, Ken. Tsaka, huwag na. Engineer ang gusto ko."
"Engineer naman ako."
"Civil engineer ang ibig kong sabihin, hindi industrial engineer," yung huli kasi ang tinapos nito sa college.
Pabiro itong napahawak sa tapat ng puso, "Ouch!"
"Baliw!" natatawa na naman ako sa kanya. "Ken?"
"Yeah?"
"Salamat ha? Kahit may ginawa akong mali sa iyo--"
Idinampi n'ya ang isang hintuturo sa labi ko, "Sshhh. Don't bother yourself about that. I told you, I'd do the same if I were in your shoes."
Naluluha ako sa galak na may makilalang katulad n'ya. Di ko napigilang halikan ito sa pisngi.
Natawa ako dahil medyo nabigla ito tapos ay namula.
"Hindi ako ready dun ah," biro n'ya. "Come here."
Bahagya n'ya akong niyakap dahil may seatbelt pa s'ya tapos hinalikan ako sa noo, "Fight for your love, Kennie-chan. Do whatever it takes to win him back. You're a wonderful person, and I don't want you to suffer the same regret as I had before because I was a coward."
Napamaang ako sa kanya. May lungkot akong nabanaag sa mata n'ya. Tinakpan n'ya yun ng ngiti.
"Let me know if you need my help. Maghahagilap ako ng Yakuza sa Japan para takutin si Montecillo."
Natatawang hinampas ko uli s'ya nang mahina sa braso, "Loko ka talaga!"
Ginulo n'ya lang ang buhok ko, "Go now. Nakaharang na tayo dito sa drop off."
Saglit ko s'yang hinaplos sa pisngi at matamis na nginitian, "Mabait ka, Ken. Pagpapalain ka ng Diyos. Magiging masaya ka rin."
"Ki o tsukete ne, Kennie-chan."
"Ikaw rin, ingatan mo ang sarili mo."
Sa ilang araw na magkasama kami, may iilang salitang Hapones akong natutunan sa kanya.
Nanatili ako sa drop off hanggang tuluyang makalayo ang kotse ni Ken. Saka ako pumasok sa mall.
Pagkabili ng phone, agad kong inilagay ang dati kong SIM. Ilang saglit lang, maraming messeges ang pumasok. Karamihan ay galing kina Jaime, Pio at Bart. Nalungkot ako na wala kahit isa na galing kay Mike. Nagbabakasakali lang naman ako na maisip n'yang gawin yun. Na baka nakabili na ako kapalit nang binasag n'yang phone ko.
Naglakas-loob akong tawagan s'ya tutal ay lampas tanghali na. Natapos sa pag-ring pero walang sagot. Baka busy kahit Sabado dahil katapusan ng buwan, kaya nag-text ako.
Kennie ito. Uuwi ba kayo dito ni Gelo?
Nanggaling na sina Bart at Jaime mula sa pag-akyat ng ligaw, wala pa ring reply galing kay Mike. Kay Tita Dolly ako tumawag para makausap si Gelo.
"Ma, andyan pa po ba si Papa?"
"Uhm, nung nakaraang gabi pa s'ya umalis dito. Baka nasa condo n'ya para mas malapit sa office.Maraming araw s'ya'ng naririto, malamang maraming naipong trabaho," pagtatakip ko na lang kay Mike.
"Saturday ngayon, dapat wala po s'yang pasok sa office."
"Di ba nagbilin kay Lola mo?"
"Wala pong sinasabi si Lola Mommy."
Iniba ko na ang usapan. Kinamusta ko na lang ang pag-aaral n'ya.
Bago kami magpaalam sa isa't-isa, "Ma, punta ka po dito bukas?"
"Ahm... tatanungin ko si Papa mo. Baka pupunta rin kayo dito. Magkakasalisi pa tayo."
"Oo nga po. I'll ask him, Ma. Para di ka po mahirapan magbyahe. Sasakay pa po kayo sa bus. Si Papa, may car naman. Saka miss ko na po ang bahay natin."
Natutuwa ako sa naririnig kay Gelo. Sa kabila nang karangyaan tinatamasa sa piling ng ama at pamilya nito, hindi n'ya ako nakakalimutan at ang pinagmulan namin.
Naglambing ito na ipagluto ko s'ya nang ginataang halu-halo pagdalaw nilang mag-ama. Agad akong pumayag.
Yun na lang ang nagsilbing pampagaan sa kalooban ko bago matulog. Bitbit ko hanggang umaga na mamalengke ako ng mga sangkap sa inilambing ng anak ko. Bumili rin ako ng paros para iadobo. Gusto yun ni Mike ang isa sa mga lokal na pagkaing pang-Bataan. Nagdagdag ako ng may kalakihang hipon para gawing tempura. Gusto kong magamit ang natutunan ko kay Ken.
Tumawag ako kanina kay Mike pero di n'ya sinagot yun, kahit ang text ko. Kaya kay Tita Dolly ko nalaman na nagsimba pa sila. Kaya naisip ko na malamang ay bandang tanghali makakarating ang mag-ama rito.
Sampung minuto bago magtanghalian ay tapos na akong magluto. Naghintay ako habang nanonood ng TV. Hanggang mapansin ko na malapit na mag-ala una. Tumawag ako kay Tita Dolly.
"Umalis silang mag-ama pagkasimba. Baka na-traffic lang."
Kaya naghintay uli ako. Paghihintay na inabot ng dapit-hapon. Nanlulumo na ako sa pinagsamang gutom at pag-aalala. Tinawagan ko uli si Tita Dolly.
"Wala pa? Wait, di pa ba kayo nagkakaayos ni Michael?"
Napakagat-labi ako, "Uhm, h-hindi pa po kami nag-uusap, Tita."
Pinaliwanag ko na naging abala kami ni Ken sa coconut coir project.
Narinig ko ang paghinga nito nang malalim, "Kennie, di ko malaman kung kukurutin kita sa singit o ano. Halos isang linggo d'yan ang anak ko, pero iba ang inuna mo. And worse, Ken was there all the time."
"P-pasensya na po," mahina kong sabi.
"Okay, I'll call him. Ite-text kita kapag nakausap ko na."
Makalipas ang limang minuto, tawag ang natanggap ko sa babae imbes na text.
"Di ko nakausap. Nagmamaneho siguro. Baka may pinuntahan muna bago diyan."
"Salamat po."
Unti-unti nang humulagpos ang pag-asa ko na dadating sila pagdating nang ika-walo ng gabi. May pasok ang mag-ama bukas sa trabaho at paaralan.
Pinigil ko ang maiyak habang kumakain mag-isa ng hapunan. Walang magagawa ang pag-iyak ko. Kailangan kong kumilos.
Tinwagan ko uli si Mike. Gaya nang inaasahan ko, di ito sumagot kaya nag-text ako.
Baka wala pa kayo ni Gelo sa bahay. Pakisabi matutulog na ako. Mag-aral s'yang mabuti.
Pinili kong hindi na tawagan ni Tita Dolly. Baka pagalitan pa ang anak. Isa pa, sinadya kong gawing malamig ang tono ng text ko para isipin ni Mike na di ako naghintay sa kanila. Ayokong magkahinala s'ya na pupuntahan ko na s'ya bukas sa MonKhAr. Hinanap ko na sa internet ang address ng kumpanya nila.
Nagdasal ako nang taimtim bago matulog. Humingi ako ng lakas ng loob kasama ang pagpapatawad sa Diyos para bukas.
Pasado ika-anim ng umaga, dumating na ang mga taga-MonKhAr. Nagbilin ako na initin ang niluto kong ulam kahapon para gawin nilang agahan dahil masasayang.
"May lakad ka ba?" tanong ni Allan dahil nakapanlakad ako na simpleng bestida at flat shoes.
"Oo, dadalhin ko ito kay Ms. Andie," tukoy ko sa feasibility study. "Baka di ako umuwi mamaya kapag inabot na ako ng gabi sa Maynila."
Tumanggi ako na ihatid pa ng service vehicle nila sa terminal ng bus.
Magkahalong excitement, kaba at takot ang nararamdaman ko habang nasa byahe, kaya parang ang bagal ng oras.
Nag-taxi na lang ako pagbaba sa Cubao. Binigay ko ang Galaxy Resort business card ni Ms. Andie sa driver. Saka ko tinawagan ang babae.
"Naku, bakit di ka nagpasabi para pinasundo na lang kita sa terminal?"
"Ayos lang ako. Naka-taxi naman ako."
Ganun din halos ang sinabi ni Ken nang ipaalam ko sa kanya na papunta nga ako sa Antipolo.
"Ken, hindi na ako bata. Saka sobrang abala na ang ginawa ko sa iyo."
"We're partners in this project, Kennie-chan. Anyway, ngayong hapon namin pag-uusapan nina Rika ang tungkol dito. Puntahan kita kina Andie para kasama ka sa meeting."
"Uhm, ano, next time na lang. Kapag nagkausap na lang kayo nina Rika. Internal meeting na yan eh. Sa side ko, ikaw na ang representative ng partnership n'yo."
"Okay. I won't bother you for today. Tingin ko ay may mas importante ka talagang sadya sa Maynila," may bahid nang panunukso sa tinig nito.
"Ken, nakakainis ka!"
Tumawa lang ito bago nagpaalam.
Hindi naman matagal ang pag-uusap namin ni Ms.Andie.
"Isasama ko ito sa pag-uusapan namin sa susunod na meeting ng foundation. Next week yun. Kung matutuloy ang project n'yo, sasabihin ko kay Half, I mean, kay Reid na sa inyo na kumuha ng mga finish products na pwede sa hotels at resto ng SchulzAS. Tulad nitong doormats at brushes. Anyway, maraming kakilala si Ken. Siguradong magsu-supply rin kayo sa mga gumagawa ng kama at sofa sets. Basta, tatawagan kita gad. Kunin ko ang number mo."
"Nabanggit nga ni Ken. Pero ang gusto n'yang i-propose kina Rika, sila na mismo ang magbukas ng sariling business na gumagawa ng luxury beds and sofa. Pati car seats."
"Good. Pwede talaga sa SchulzAS. Yung car seats, pwede kayong magbenta kina Juno. Tutal may plano talaga silang mag-open ng shop magkakaibigan sa sentro ng bayan n'yo.Di lang natuloy noon dahil may issue nga sa mga Abellana at Garcia. Ayaw payagan ni Rob si Bunso hanggang masigurado na tahimik na ang sitwasyon."
"Yun nga ang sinabi ko kay Ken kaya na-excite lalo."
Pinaunlakan ko ang alok ng babae na doon na mananghalian. Kasabay namin ang kambal nilang anak na maglilimang taong gulang. Kinder na raw ang mga ito at sinundo kanina ng driver sa school. Malalaking bulas sina Phoenix at Ashley, palibhasa ay may lahing German ang ama.
Di ko na natanggihan si Ms. Andie na ipahatid ako sa driver nila.
"Bahala ka kung saan mo gustong magpunta ngayong araw. Kahit magpahatis ka sa Bataan. I suggest, stay for the night kina Tita Dolly para makasama mo ang anak mo."
Nalaman ko sa babae na narito sina Mike at Gelo kahapon, kasama ang iba pang kaibigan at pamilya.
Nagpasalamat ako sa babae.
"Ma'am, saan po tayo?" tanong nung driver, papalabas ng property ng mga Schulz.
Sumisikdo ang dibdib kong sinagot, "Kuya, alam n'yo po ba'ng puntahan yung MonKhAr?"
"Ah kina Sir Aris? Yes, Ma'am."
Tahimik ako sa biyahe.Nagdadasal. Nilalamon kasi ako nang matinding kaba.
"Kay Engr. Montecillo," sabi ko sa receptionist sa ground floor.
"May appointment po kayo, Ma'am?"
"Wala eh. Pero, ano, tita ako ni Gelo."
"Oh," nabigla ito.
Nagkaroon ng rekognisyon sa mata.
"Sige po, Ma'am Kennie. Akyat na po kayo. Mag-iwan na lang po kayo ng ID."
Ako naman ang nagulat. Di ko pa sinasabi ang pangalan ko.
"Ah, si Gelo po. Minsan dinadala s'ya ni Boss Mike. Naririnig ko ang pangalan n'yo pag nag-uusap silang mag-ama," tila nabasa n'ya ang naiisip ko.
Nagsisimula akong manginig nang pindutin ang numero kung saan ang floor ng opisina ni Mike.
Nagkita pa nga kami nina Jeff at Aris na sa palagay ko ay papunta sa mga opisina nila. Bahagyang tumaas ang kilay nang dalawa. Pero binati naman ako.
"Kumusta?"
"Uhm, ayos naman."
Nagkatinginan ang dalawa. Tingin na parang natatawa o ano. Di ko maintindihan. Lalo akong kinakain ng hiya.
Pero naririto na ako. Itutuloy ko ang plano ko.
"Hintay ka na lang sa visitor's lounge sa tapat ng office ni Mike," sabi ni Aris. "May kausap pa s'ya."
"Doon oh," turo naman ni Jeff.
"Sige. Salamat."
"Ma'am, may bisita po si Sir Mike," tila nag-aalangang sagot ng sekretarya ni Mike nang magpakilala ako at sinabing sadya ko ang boss n'ya.
"Uhm, nabanggit nga ni Aris at Jeff. Maghihintay na lang ako dito."
Naintidihan ko ang pag-aalinlangan ng babae nang bumukas ang pinto ng opisina ni Mike.
Lumabas doon si Joanna. Tila nagpupunas ng labi, o ... kumalat na lipstick?
Parang dinurog ang puso ko.
Nakita ako nito. Sa palagay ko ay mabibigat ang bawat hakbang n'ya. Di lang dinig dahil makapal ang carpet.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" mahina pero siguradong may bahid na galit yun.
"Di ikaw ang sadya ko. Wala akong dahilan para magpaliwanag sa iyo," determinado kong sagot sa kabila nang matinding kaba.
"Oo nga. Ano'ng pake mo?"
Nagulat ako.
Si Juno, nalingunan ko na galing sa silid na pinasukan ni Jeff kanina.
Namutla si Joanna.
"Pumasok ka na sa office ni Kuya Mike, Kennie," utos yun pero naroon ang init na pagkampi sa akin. "Nagpapaapekto ka sa mga mortal na kagaya nito."
"Bakit ka ba nakikialam?" matapang na singit uli ni Joanna.
"Papalag ka? Sabihin mo lang, ano?! Akala mo nakalimutan ko na ang nangyari nung birthday ni Gelo?" mataray na sagot ng asawa ni Rob. "Umuwi ka na nga. Baka di kita matantya. Kalat ka lang dito. O gusto mo ihatid kitang gumugulong palabas?"
Nanliliit ang matang tumalikod si Joanna.
"Sige na. Pumasok ka na dun. Sinabi ni Kuya Jeff na naririto ka. Sisiguraduhin ko lang na di babalik dito ang bruha," sabi ni Juno bago sumunod kay Joanna sa elevator pababa.
Gusto kong matawa dahil parehong nakasimangot ang dalawang babae na magkasama sa loob. Pero di yun masyadong nakatulong sa kabang nararamdaman ko nang imuwestra ako ng sekretarya ni Mike papasok sa opisina ng lalaki.
Tila may nirerebisang dokumento si Mike. Ni hindi nag-angat ng tingin kahit dinig ang pagsarang muli ng pinto.
Pasimple kong pinindot ang lock ang pinto.
"M-mike..." nanginig agad ang boses ko sa kaba.
Nag-angat s'ya ng tingin.
Parang gusto ko maiyak. Ang lipstick na binura ni Joanna sa labi, hayun ang iba sa gilid ng labi ni Mike. Halatang pinahid n'ya yun pero hindi napalis lahat.
Napansin nito na dun ako nakatingin kaya otomatikong umangat ang kamay n'ya para tuluyang burahin yun. Kaso wala pa ring sinasabi.
"A-angelo... baka pwede t-tayong mag-usap na," nasa tono na ako na nakikiusap.
Humakbang ako papalapit sa mesa n'ya pero napahinto ilang dipa mula roon. KasihHuminga lang s'ya nang malalim tapos ibinalik ang atensyon sa mga papeles sa ibabaw ng desk n'ya. Nagsimulang basahin yun at magsulat.
Mahigpit akong napakapit sa harapang tela ng suot na bestida. Saka napakagat-labi.
Kaunti na lang ay tutulo na ang luha ako.
Marahan akong huminga sa bibig. Ayokong hikain ngayon. Nakalimutan ko ang inhaler ko sa Bataan.
Ilang ulit kong sinara-binukas ang mga palad, bago inabot ang zipper sa likod ng bestida ko.
Pikit-mata ko yung ibinaba. Kasunod ang pag-alis sa pagkakasampay ng mga manggas niyon sa balikat ko.
Nang mahulog yun sa carpeted na sahig, biglang napaangat ng ulo si Mike.
Saglit na nanlaki ang mata, tapos ay bahagyang naningkit.
Napatulo na ang luha ko nang hindi pa rin s'ya nagsalita, basta nakatingin lang.
Napayuko na ako habang inaabot naman ang hook ng bra ko sa likod. Kung mayroon sana akong bra na sa harap ang bukasan ay yun ang isusuot ko para mas madali.
Napahikbi na ako kasi nahihirapan akong maalis sa pagkaka-hook.
Saka tumayo si Mike. Lumapit sa akin. Hindi na ako nakagalaw lalo at yumuko s'ya para iangat muli ang bestida kong nakapaikot pa rin sa mga paa ko.
Napapahiya ako nang itakip n'ya yun sa halos hubad ko nang katawan.
"Put your dress back on, Roqueña," ang seryosong sabi.
Napahikbi uli ako.
Ang sakit kasi. Nilunok ko ang lahat ng kahihiyan para iaalay na sa kanya ang sarili ko... sa mismong opisina n'ya!
"You don't have to do this and stoop down so low. I could have done it before, but I did not."
Nagkaroon na ng tunog ang pigil na pigil kong iyak, habang kipkip ang bestida patakip sa dibdib.
"I hope you still remember what I told you before. I won't do it, Kennie ... "
=============
Don't forget to comment and vote!
Final chapter is next, mga chichi!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro