Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

46 Hangin


Kennie's POV

Kakaba-kaba akong nakasilip sa bintana ng eroplano. Nagbababaan na ang ibang pasahero. May iba na medyo natagalan sa aisle dahil kinuha pa ang hand carry bags nila.

Nanatili lang muna akong nanaupo. Wala naman akong ibang bitbit kundi ang isang canvass shoulder bag. Tatlong na pirasong pang-itaas at dalawang pantalon lang naman ang dala ko, maliban sa ilang panloob. Gaya ng suot ko, binili ko ang mga ito paglabas ko ng kumbento.

Sarili lang naman talaga ang bitbit ko nang pumasok doon noon.

Mas matindi ang kabang nararamdaman ko bago tumayo kaysa ang sumakay ako lampas isang oras na ang nakakaraan. Kahit yun ang unang beses kong mag-eroplano. Barko kasi ang sinakyan ko nang mailipat ako sa Bohol.

Kinipkip kong maigi ang bag sa kilikili ko. Narito sa loob ang ATM na pinakuha sa akin ni Ralph sa isang kilalang bangko malapit sa kumbento.

Nagtaka pa nga ako kung bakit hindi na lang cash sa isang money order. Kaya pala. Halos manlaki ang mata ko nung mag-withdraw ako sa ATM at malaman ang laman nun. Kaya tinawagan ko agad ang abogado.




"Attorney, sabi ko pamasahe lang. Bakit ganito naman kalaki?"

"You're entitled to your money, Kennie. It's been sleeping in the bank for a year. In fact, most part of it is in small investments."

"Investment?"

"Yup. Ipinasok ni... hhmmm... investment like stock market. Yung isang bestfriend ni Juno ang nagma-manage. Don't worry, your money is in good hands. Magaling si Paul dela Torre. Sa blue chip stocks inilagay."

Medyo naiintindihan ko ang mga sinabi n'ya. Isa yun sa mga pinag-aralan namin noong college.

"Pwede ba yung i-withdraw kung gugustuhin o may maturity?"

"Why? You want to? Kulang ba sa iyo ang pinadala kong one hundred thousand?"

"H-hindi naman. Sobra-sobra sa akin ito. Ano, naisip ko kasi si... si G-gelo."

Napatikhim ang abogado sa kabilang linya. Kaya itinuloy ko ang nais kong sabihin.

"Kung pwedeng ipangalan sa bata. Trust fund yata ang tawag dun. Yung pwede n'yang kunin pagdating n'ya sa itinakdang edad."

"Alright. Let me know your flight sched. Ipapasundo kita sa airport. Then I'll schedule you for an appointment with Paul."

"Uhm...ano, huwag na. Kaya ko na namang bumiyaheng mag-isa.Tsaka, di ko pa alam kung anong flight ang makukuha pabalik."

"Sa Bataan ka ba didiretso?"

Saglit akong nag-isip, "S-sana. Ano, Attorney?"

"Ralph na lang nga. Ano yun?"

"Uhm...M-may umuupa pa bang mga ano... taga-ano sa bahay?"

Di ko mabanggit ang gustok ong sabihin. Nahihiya kasi ako.

"Yes. Sayang ang income. Why?"

"Uhm, gusto ko lang malaman. Para alam ko kung ano ang dadatnan ko dun. Ano, Atto-- Ralph?"

"Oh?"

"Di pa ba tapos yung resort ng SchulzAS?"

"Tapos na. Pero maymga ginagawa pa kasing... Tsk! Ganito, susunduin talaga kita sa airport. Kailangan nating mag-usap."

"Tungkol saan?"

"Basta. Dito ko na sa Maynila sasabihin sa iyo. Mas tama na pag-usapan natin sa personal, okay? And do not withdraw all the money you have. Yung kailangan mo lang, pero huwag mong titipirin ang sarili mo. From what I know, nun practitioners are living under certain simplicity and all. And by the way, buy yourself a cellphone para madali kitang mako-contact."




Ayan tuloy, kinakabahan ako. Di ako sanay magkaroon nang pera na ganito ang halaga... at nag-aalala ako sa pag-uusapan namin ni Ralph. Parang may problema yata.

Kakabungad ko pa lang sa arrival area, tumawag na si Ralph.

"Hey, I'm here. I can see you," tapos nakita ko nga na may kumakaway sa akin.

Di ko maiwasang manibago kay Ralph nang malapitan ko na. Mas maaliwalas ang hawas ng mukha n'ya. At kahit naka long-sleeved polo,

"Parang medyo nanaba ka," ang magaan kong pagbubukas ng usapan.

Papunta na kami sa parking kung saan naroroon ang sasakyan n'ya.

"Hiyang eh," malapad na ngiting sagot, sabay angat ng kamay. "Ikaw, parang ang laki nang ipinayat mo ah."

"Oh...nag-asawa ka na pala?" gulat kong sabi, di ko pinansin ang komento n'ya sa akin.

"Malapit na ngang maging daddy," proud na sagot na pinagbuksan ako ng pinto sa passenger side. "Get in."

Nakaramdam ako ng inggit.

"Kailan pa?" tanong ko uli nung makaupo na s'ya sa driver's seat.

"Before Aris and Madel got married."

Napalingon ako dito, "Talaga? Kasal na sila?"

"Pati si Jeff. Just a few months ago."

Naroon man ang inggit, natutuwa ako para sa kanila habang nagkukuwento si Ralph tungkol sa mga kaibigan. At base sa narinig ko, masaya sila.

Inaabangan ko na magbabanggit s'ya kay Mike, pero nabigo ako. Nauunanwaan ko naman. MAlamang ay iniisip nito na sensitibong usapin ang sa amin ni Mike.

Natigil lang ito sa masayang pagkukwento nang may tumawag dito.

"Yes, heart?...Uhuh... Alright, I'll get your ripe papaya... Uhm... ihahatid ko pa kasi si Kennie sa Bataan...Okay lang ba kung...Hindi s'ya kilala nung dadatnan n'ya dun...Client ko talaga, heart. Huwag ka na magselos. Kinikilig ako..." tapos tumawa ito.

Nakakainggit talaga.

"...Okay, uhm... you win," tinapos nito ang pakikipag-usap sa asawa at tila napapahiyang tumingin sa akin, "Uhm, Kennie. Is it fine if we drop by my house first before I --"

"Hindi na, Ralph. Unahin mo misis mo. Mukhang naglilihi pa."

Napakamot ito sa ulo, "Yeah, she's going seven months but still has cravings. Worse, anytime of the day."

"Ganito na lang. Pag-usapan na natin yung sabi mo ay kailangan kong malaman sa personal. Tapos pupunta na ako sa bus station pa-Bataan."

"Are you sure?"

"Oo. Importante ang asawa mo. Maramdamin ang mga buntis," pabiro pero seryoso kong sagot.

"Paano mo nasabi?"

"Uhm, si Ate Racquel. Tsaka sa kumbento. Marami akong nakilala kapag nagko-community immersion kami."

Tumikhim ito, "Bibisita ka lang ba sa Bataan then babalik ka sa kumbento?"

Natahimik ako sandali, "H-hindi ako bibisita."

"Hmm... I see. Doon ka na? How about your dream being a nun?"

Nakagat ko ang labi, "M-mali pala ako ng akala."

Di na s'ya nagsalita kaya nanahimik na rin ako hanggang makarating kami sa law firm ng Marquez and Associates.

Nagpadala s'ya ng meryenda ko at hinayaan akong kumain habang hinahanda n'ya ang ilang papeles.

"Kennie, I want you to know something," umpisa n'ya paglabas ng secretarya dala ang pinagkainan kong platito at tasa ng tsaa.

"Ano yun?"

"Do you remember about your instruction to revoke Mike's SPA?"

Narinig ko pa lang ang pangaln ng lalaki, nag-iba na agad ang pagtmabol ng puso ko.

"O-oo. Bakit?"

"I asked you to come here to sign some documents but you did not..."

Parang nakukuha ko na ang ibig n'yang sabihin.

"So the revocation did not take effect meaning--"

"Si Mike pa rin ang namamahala sa properties ng pamilya DAyrit," pagtatapos ko sa sasbihin n'ya.

Tumango ang abogado.

Napabuntung-hininga ako. "Yung pinadala mo?"

"It'll be deducted from your money. But I charged it to MonKhAr first. Mike knows."

Nasaktan ako sa narinig.

Alam pala n'ya. At di s'ya nagpakita o nagparamdam man lang.

"G-ganun ba?"

"I'm sorry. I was busy chasing my wife and preparing for our sudden wedding then. And it looked like you didn't want to be disturbed in the convent at that time," tapos may inabot sa aking mga dokumento. "Here. You can sign the papers to revoke his SPA now. But ... uhm... you and Mike need to talk. Something happened. It's somewhat complicated."

"Tulad ng ano?"

"It's about the compulsary heirs of the Dayrit properties. I can't tell you the details. Both of you are my clients with conflict of interests."

"Ano'ng kinalaman ni Mike sa mana ko?"

"I'm sorry. I really can't tell. But as soon as mapag-usapan n'yo ang tungkol sa properties ng mga Dayrit, my office will immediately do the paperwork."

Naguguluhan man, tumango na lang ako. Mabuti na rin na ganito. May dahilan na magkita kami ni Mike. Hindi masyadong nakakahiya na basta ako pupunta sa kanya para mag-open up tungkol sa nangyari sa amin. Na binabawi ko na ang nagng desisyon ko. Dahil hanggang ngayon, naalala ko pa ang mga sinabi at ang lahat ng emosyong nakabalot sa mukha n'ya nang huli kaming magkita.

Pinirmahan ko ang mga papeles.

"You didn't even read it," nakataas ang kilay ni Ralph.

"May tiwala ako sa iyo. Sa inyo ni... Mike."

Saglit itong napailing pero nakangiti naman, "You are too trusting, Roqueña. Be careful still. You've been in a situation that you put your trust on someone but got something bad in return."

Si Estrel agad ang pumasok sa isip ko sa sinabi n'ya.

Hinatid pa ako nito sa bus station.

"Tawagan mo si Mike para ipaalam n'ya sa mga tao ng MonKhAr na parating ka. Do you have his number?" ang sabi bago ako bumaba sa kotse.

Kabisado ko pa rin naman ang cp number ni Mike kaya tumango ako. "Uhm, sige. Ano, regards na lang sa misis mo. Salamat sa pagsundo at paghatid."

Kulang isang oras pa bago umalis ang bus pa-Bataan kaya kumain ako nang bahagya dahil aabtuin kami ng lampas tanghalian sa byahe. Hanggang isang pamilyar na mukha ang nadaanan ng mata ko. Kaya lang, nawala agad nung balikan ko ng tingin para siguraduhin kung si Kuya Chito ba ang nakita ko.

Baka kamukha lang.

Kahit kumportable sa aircon bus, di ako makaramdam ng antok sa aprehensyon. Ilang ulit kong tiningnan ang pangalan ni Mike sa phonebook sa cp ko. Pinapawisan ang kamay ko sa kaba iniisip pa lang na tatawagan ko s'ya.

Ano pa ang hinihintay mo, Roqueña? Tawagan mo na!

Udyok ng utak ko.

Kaya ka nga lumabas sa kumbento at talikuran ang pagmamadre, hindi ba?

Inayos ko ang earphones sa tenga ko na kanina ko pa gamit sa pakikinig ng mga kanta. Mga kantang pili dahil narinig kong inawit na ito ni Mike at ni Gelo.

Saglit kong tiningnan ang katabi kong babae sa pandalawahang upuan. Nakapikit ito habang nakikinig din ng musika dahil naka-earphones din ito.

Napabuga ako ng hangin saka pinindot ang pangalan ni Mike sa screen ng cp.

Sumikdo agad ang puso ko sa unang pag-ring sabay kapa sa bagong bili kong inhaler sa bag. Para kasing numinipis ang oksihena sa loob ng bus. Ninenerbyos ako.

Na may kasamang pagkasabik.

Mga pakiramdam na nawalang saysay dahil tuloy lang ang pag-ring ng phone ni Mike hanggang marinig ko ang automated voice na nagsasabing mag-iwan ng voice message.

Gustong mag-init ng mata ko.

Galit pa rin s'ya. At wala akong magagawa. Kasalanan ko rin naman talaga.

Pero baka nasa meeting lang, o maaring nagmamaneho, o naka-silent ang phone.

Ang susog ng isang parte ng utak ko.

Yun ang pinili kong pnaiwalaan kaya nag-text na lang ako nang isang maikling mensahe kay Mike.




Kumusta ka na? Pauwi na ako sa Bataan. Pwede ba tayong mag-usap? – Kennie




Pero nakarating at lahat na ako sa terminal ng bus sa Bataan ay wala akong natanggap na tawag o text reply sa kanya. Gusto kong panghinaan ng loob. Talaga yatang pinaninindigan n'ya ang sinabi sa akin.

Pwes, panindigan mo rin ang dahilan kung bakit ka nagdesisyong lumabas sa kumbento at talikuran ang pagmamadre. Harapin mo ang konsekwens'ya nang ginawa mo noong iwan mo si Mike.

Ang panunurot ng budhi ko.

Napahigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko. Tinawagan ko uli si Mike bago sumakay ng dyip papunta sa bayan namin.

Pangalawang ring na walang sumagot, otomatikong kumapa ang kamay ko sa bulsa ng pantalon kung saan nakalagay ang rosaryo ko. Nagdadasal na ako sa isip.

Please... please!

"Hello?"

Di ko mapigilang mapasinghap Huminto yata ang pagtibok ng puso ko nag marinig ang boses n'ya.

""M-mike..."

"Sino 'to?" iritable n'yang tanong.

Napakagat ako sa labi. Di na n'ya kilala ang boses ko. At di ba n'ya nabasa ang text ko kanina?

"S-si Kennie," mahina kong sagot.

"Who?!"

"M-mike.. si Kennie ito," pilit kong pinatatag ang boses. Dahil maiiyak na ako.

"Oh, I see! Nasa Bataan ka na ba?" walang emosyon n'ang tanong.

"Oo. Ano, papasakay pa lang ng dyip mula sa istasyon ng bus. Uhm, nag-text ako kanina, hindi mo ba—"

"I'm very busy now, Roqueña," ang sabi na parang bata ang kausap. "I got it but I don't have time to save your number."

"Uhm...G-ganun ba?... P-pasensya na..." tinakpan ko ang mouthpiece ng phone dahil nanginig ang boses ko.

"Is it important? I really have to go," bagot n'yang tanong.

Mabilis akong nag-isip, "Ano, k-kasi, uhm... nagkausap kami ni Ralph."

"Tss..."

Lalo akong nataranta sa reaksyon n'ya, "Sabi n'ya k-kailangan nating mag-usap tungkol sa SPA mo."

"Yeah, right. As far as I know, nagawa ko nang maayos ang responsibilidad ko. Wala kang mairereklamo kapag nakarating ka na sa bayan n'yo, Roqueña. Let ke know kung ano ang hindi mo magugustuhan. Ipapaayos ko."

Hindi n'ya ako tinatawag na Kennie.

"Uhm, h-hindi naman sa ganun, M-mike. A-akala ko kasi--"

"Maraming nagkakamali sa mga akala."

"Kennie?!" tawag mula sa tagiliran ko.

Si Sir Mar ang nalingunan ko.

"Who's that?" tanong ni Mike sa kabilang linya.

"Kailan ka pa dumating?" lumapit ang dati kong bisor na di makapaniwala.

Di ko malaman kung sino ang una kong sasagutin ang tanong.

"Roqueña!"

Napaigtad ako sa pagtaas ng boses ni Mike.

"Uhm," sumenyas ako saglit kay Sir Mar na sandali lang. "Ano, Mike. Kailan ba free ang s-schedule mo para m-makapag-usap tayo?"

"I'm not sure. But I do my visits there every now and then. I really have to go. Bye."

Pinutol na n'ya ang tawag na hindi hinihintay ang sagot ko pero,

"Bye..." bulong ko.

Di ako nag-aangat ng tingin kay Sir Mar habang ibinabalik ang phone sa bag ko. Pasimple akong nagpunas ng pawis at pinaraan ko ang panyo sa mata ko na hindi halatang pinunasan ko ang pangingilid ng luha ko. Saka ko binalingan ang lalaki.

"Uhm, kumusta na?" malumanay kong tanong.

May kakaiba sa aura ni Sir Mar, pero nailang ako sa tipo ng tingin n'ya sa akin. May pagdududa dahil hindi ako nakapang-madre.

Ngumiti s'ya nang matipid, "Mabuti naman. Eto, tatay na."

Medyo nakahinga ako nang maluwag. "Kelan ka pa kinasal?"

Ngumiwi ito at tila napapahiyang napakamot sa batok, "Ahm, di kami kasal."

"Aah... e di pakasal na kayo. Sabi mo may anak na kayo."

"Sinusuportahan ko lang yung bata at binibisita."

"Binibisita?"

"Sa Tarlac na ako ngayon. May pinuntahan lang ako dyan sa kabilang bayan. Saktong nakita kita."

Tumangu-tango ako. Ayokong magtanong masyado, "S-sige. Mauna na ako."

"Saan ka ba? Bibisita ka sa inyo?"

"Hindi."

Nagdesisyon akong gawing maikli ang sagot. At hindi sabihin na permanente na pagbabalik ko.

"Paalis ka na uli?" medyo tumamlay ang boses nito. "Babalik ka na sa kumbento sa Maynila?"

Mukhang ang alam pa rin ng mga taga-sa amin, sa Maynila lang ako nanatili magkumbento.

Umiling lang ako. Nagliwanag ang mukha nito. Mukhang nasagot ko yata ang isa sa palaisipan n'ya kung lumabas na ba ako sa kumbento o bibisita lang.

"Samahan na kita. Andun kotse ko," turo pa sa isang public parking.

"Hindi na, M-mar. Mas gusto kong mamasyal muna sa atin mag-isa."

"Mamasyal?"

"Uhm, sige. Inaasahan na rin ang pagdating ko sa bahay. Baka naghihintay na yung mga tao dun. Kumusta na lang sa anak mo."

Tumalikod na ako sabay para sa dumaang dyip. Di ko na uli nilingon kahit tinawag n'ya uli ako.

Di ko kailangan nang dagdag kumplikasyon ngayon. Lalo na kung sa isang taong may obligasyon na. Di man kasal, sa palagay ko ay maaayos nito ang relasyon sa nanay ng anak. Baka makasira lang ako sa magandang hinaharap nila. Dahil nakita ko na may natitira pa rin sa dati n'yang damdamin sa akin. Maaring mababaw na lang, pero meron pa.

Pagbaba ko pa lang sa sentro, ramdam ko na ang mga mapang-usisang mga mata sa paligid. Yun lang, di ko na yun nabigyan ng pansin. Ang atensyon ko ay kanina pa kinuha nang malaking pagbabago sa lugar namin.

May mga bagong establisimiyentong itinayo na di man kalakihan ay nagpaangat sa itsura ng bayan namin. Ang dating lupang daanan ay napalitan ng aspalto.

Mga pagbabagong hindi tinabunan ang probinsyang atmospera. Ang pagkakaiba, mas maraming tao na ngayon kahit kalagitnaan ng linggo.

Sinadya ko pa namang umuwi na weekday para mas kakaunti ang tao dahil nasa paaralan o trabaho, pero nagkamali ako.

Hindi ko tuloy malaman kung ano ang unang pupuntahan. Pero nagdesisyon akong unahing bisitahin sina Estrel at 'Nay Mila.

Nadaanan ko pa ang dating pwesto nina Mang Donald.

Wala na ang bakas nang dating itsura noon. Apat na palapag ang itinayong gusali na may mas maayos at malaking eatery sa ibaba. Sa katabi ay mini-grocery. Dahil corner lot, pagliko makikita ang malaking hardware.

Itung-ito ang sinabi sa akin noon ni Tita Dolly.

Sino kaya ang nagma-manage nito ngayon?

Habang papalapit sa kanto kung san ang likuan kina Estrel, nakita ko na maraming bahay rin ang mga na-renovate at kasalukuyang nire-renovate.

"Kennie?"

Si Kapitan.

"Magandang hapon po," magalang kong bati.

"Aba'y..." napangiti ito. "Kararating mo lang ba?"

"Opo. Naglalakad-lakad lang po muna."

Ngumiti ito na may pagmamalaki, "Ang dami nang ipinagbago dito sa atin, ano?"

"Medyo nagulat nga po ako. Parang ang bilis. Lampas isang taon lang."

May ilang mga tagaroon sa amin na nagsipagdungawan pero hindi nagtangkang lumapit. Basta nanonod lang sa pag-uusap namin ni Kapitan sa tarangkahan ng bahay nito.

"Hanggang kailan ka bibisita, iha?"

"Uhm... dito na po ako."

"Diyan ka ba sa simbahan natin made-destino?"

Umiling ako. Tumaas ang dalawang kilay nito na nagtataka.

"Naisip ko po kasi, uhm... kailangan nang titingin sa mga iniwan nina Papa. Hindi tamang sa ibang tao ko pinapaubaya ang pag-aari namin," sabi ko na lang.

Totoo naman yun. Hindi nga lang yun ang pangunahing dahilan ko.

"Nariyan naman si Engr. Montecillo. Umuuwi s'ya dito isa hangang tatlong araw sa isang linggo."

Nagkaroon ako nag pag-asa sa sinabi ni Kapitan.

"Uhm, s'ya kanya po talaga nakabilin ang properties namin. Noon pa po s'ya may SPA kahit bago pa makuha sa amin si ... si G-gelo."

Nagtaka ang mukha nito.

"Bakit po?"

"Hindi pa ba kayo nagkakausap ni Engineer?"

Umiling ako, napakagat-labi at yumuko.

"Hindi pa rin kayo nagkakaayos?"

Di ako sumagot. Nakatingin lang ako sa sapatos ko.

"Wala ba s'yang binabanggit sa iyo na kahit ano, Kennie?"

"Hindi po kami nagkakausap mula noon. Uhm, kanina lang sa phone, pero ano po kasi, busy kasi s'ya kaya sandali lang."

Nagbuntung-hininga ang matanda, "Di ko s'ya masisisi, Roqueña. Nakita namin kung paano s'ya nasaktan sa pagpasok mo sa kumbento kung kailan malapit na kayong ikasal. Kahit kami ay nanghinayang. Tapos heto ngayon at di mo naman pala itutuloy ang pagmamadre."

Alam ko namang hindi nanunumbat si Kapitan. Pero nangilid ang luha ko.

"Huwag mo sanang mamasamain ang mga sinasabi ko, iha. Gusto lamang kitang bigyan nang pauna. Marami ang nagalit sa ginawa mo at nakisimpatya kay Engr. Montecillo na tagarito. Umalis ka kasi uli. Parang tulad noon. Pero nanatili rito si Engineer. Siya at ang pamilya nila ang dahilan sa nakikita mong pagbabago rito. Karamihan sa mga pinapayos ditong bahay, pautang na hinuhulugan sa hardware nila."

Maraming naikuwento si Kapitan na mga pahapyaw. Na dumami nga ang may trabaho lalo na nung magsimulang mag-operate ang resort ng SchulzAS. Ang nasabing resort ang nakipag-ugnayan sa munisipyo para maaspalto ang mga kalsada lalo na ang papunta sa entrance ng resort. Sa susunod raw ay ang proyekto na madagdagan ang mga silid-aralan ng elementarya at high school dito na donasyon ng foundation Madam Alice Schulz. Kasali raw doon si Tita Dolly at mga babaeng asawa ng mga mayayamang kakilala ng mga ito.

May sasabihin pa sana ito tungkol sa mayor namin sa mga Garcia-Abellana pero sinundo na nang isang tanod.

Magalang akong nagpaalam na rin, pati sa mga bumating tao ng barangay.

Parang bumalik lahat sa dati ang pakiramdam ko. Yung tinitingnan lang at palihim na pinag-uusapan. Walang nagtangkang lumapit sa akin.

Ito yata ang sinabi kanina ni Kapitan. Ang medyo ikinaganda lang, wala akong naririnig na mga pasaring.

Napakunot-noo ako pagdating sa tarangkahan nina Estrel. Wala na ang lumang bahay nila. Napalitan nang sementadong bungalo type. Lalo pa at di ko kilala ang lumabas sa bahay nila nang ma-'tao po' ako.

"May isang taon na naming nabili itong bahay at lupa," ang sabi nung nagpakilalang bagong nakatira doon. "Sa Bulacan yata sila lumipat."

"Ah, ganun po ba? Ano, pwede ho bang malaman kung nakuha n'yo ang address?"

"Naku, hindi na namin inalam. Kasi yung anak na lalaki ang kausap namin. Basta ang alam naming mag-asawa, babalik din agad sa abroad yung kausap namin. Yung pinayad namin eh pambayad din sa nakuha nilang nilipatan. Di na namin nakilala yung sinasabi mong Estrel at Mila. Wala sila rito nung una naming tingnan itong property."

Malungkot akong nagpaalam. Susubukan ko na lang na tawagan ang dating numero ni Estrel o 'Nay Mila. Kung mahahagilap ko pa ang numero nila sa gamit ko. Di ko na kasi nakuha ang dating cp ko kay Mike na iniwan ko noon sa kotse nang patakas akong pumasok sa kumbento. O kaya subukan kong hanapin si Estrel sa FB.

Saka ako umuwi.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang bahay namin. Hindi nabago ang istraktura noon pero kita na inayos.

Parang tumingkad ang kulay barnis ng bawat narang kahoy na pundasyon at dingding na mahogany. Bago na ang bakuran na itinerno sa bahay-Kastila. May maliit na pahingahang kubol sa harap ng bakod, na napapaligiran ng bermuda grass at bulaklaking halaman. Dati ay wala ang mga ito doon.

Nawala ang nostalgia sa akin nang mapansing naroon pa rin pala ang sementadong bench at upuan na pinagawa noon ni Mama. Na naging pahingahan nami ni Mike sa gabi para magpaantok. Ang lugar kung saan kami nagkaaminan nang nararamdaman sa isa't-isa.

Hindi lang agad mapapansin dahil natakpan nung kubol.

Walang tao sa bahay. Malamang ay nasa project site ang mga tauhan ng MonKhAr. Problema ko ngayon ay kung paano papasok.

"Kennie!"

Napangiti ako nang malingunan si Allan.

"Itinawag ni Mike na paparating ka. Wala ka raw susi."

Matapos ang saglit na kumustahan, "Ikaw pa rin ang assistant n'ya dito?"

"Di na ako assistant. Ako na mismo ang head engineer sa mga sunud-sunod na projects dito."

"Wow naman! Na-promote ka na pala. Congrats!"

"Salamat. Di pa ako pinapahawak ng mga building projects pero ganito talaga sa simula. Yung maliliit na projects muna. Mga bahay, repairs sa mga kalye, small commercial structures. Pero kapag building kahit low rise, si Mike pa rin ang nagme-mentor sa akin. Halika sa loob."

Pag pasok sa loob, "Di ako makapaniwala na uuwi ka na nung itawag ni Mike. Kahit si Foreman.
Oo nga pala, s'ya pa rin, katulad ko."

Nagkibit-balikat lang ako habang iniikot ang mata sa sala.

"Pinaayos itong bahay. Pinabarnisan ang lahat ng kahoy. Pati plumbing at water system. Iba na rin ang tiles sa mga banyo. Kahit sa dining at kitchen. Mixed concept of modern and Spanish era."

"Allan, ilan kayong nakatira dito?" tanong ko.

Wala naman akong reklamo sa binago. Maganda nga kasi talaga ang gawa.

"Kulang kinse na lang. Pero dun sila sa likod, dinagdagan yung quarters dun tsaka pinaayos ang landscaping sa buong bakuran n'yo kaya maaliwalas na. May mga duyan nga sa likod para pahingahan na rin. Ang laki pala nang sakop ng property n'yo nung pabakuran ni Mike. Hindi lang pansin dahil sa talahib ang mga punong-kahoy. Karamihan, mga tagarito na ang mga tao sa construction. Kami lang ni Foreman ang umuukopa dito sa bahay. Yung guestroom sa itaas ang gamit namin."

"Guestroom?"

"Oo, pinaalis yung mga double-deck sa itaas. Yung mga gamit at furnitures sa basement, pinabalik sa mga kuwarto n'yo. Teka... Kennie!"

Tumakbo kasi ako sa kusina, papunta sa kuwartong inokupa namin dati ni Gelo. Di ko na pinansin ang pagiging makabago ng mga gamit sa dining at kitchen.

"Wala kaming ginalaw d'yan, Kennie. Huwag kang mag-alala. Hindi pinabubuksan ni Mike ang silid mo," asi Allan na nakasunod lang sa akin. "Heto ang susi. Iniwan ni Mike sa akin ang duplicate."

"Bakit?"

"Ewan ko. Just in case lang daw."

Kinuha ko yun. "Salamat."

"Ipapakopya ko ang susi sa buong bahay para meron ka na rin. Ikaw ang may-ari dapat meron ka," ang natatawang sabi. "Alis na ako. Babalik pa ako dun sa ginagawang magkatabing projects sa sentro."

Nahiya na akong itanong sa kanya kung kailan pupunta si Mike dito.

Pagbukas ko sa silid, alam ko kaagad na may ibang pumasok rito. Halos walang alikabok at may naiba sa pagkakalagay sa ilang gamit ko.

Si Mike, malamang.

Nag-inspeksyon ako sa mga gamit ko. Inilabas ko ang mga damit ko doon. Amoy-kabinet na. Lalabhan ko ngayon dahil pang-dalwang araw lang ang binili kong damit mula sa Bohol.

Totoong inayos nga ang bahay at bakuran pagpunta ko sa labahan. Naroon pa rin yung dalawang washing machine na binili ni Mike dati. At nadagdagan nang isang tumble dyer. Isinalang ko na ang mga damit ko at mga tuwalya bago bumalik sa kuwarto ko para ituloy ang pag-aayos.

Pinapalitan ko yung punda at bedsheet nang maalala ang mga plastic boxes sa ilalim ng kama. Yun ang kasunod kong inusisa.

Pagbukas sa lalagyan ko ng mga memento, alam ko agad na may kulang.

Ang magandang box nang mamahaling relo na bigay sa akin ni Ate Racquel.

Kahit naroon ang malaking hinala na si Mike ang kumuha nun, pakiramdam ko ay pinagnakawan ako.

Tinawagan ko si Mike. Gaya kanina, hindi n'ya sinagot sa una. PEro hanggang makalimang subok ako at wala.

Kaya nag-text ako na tinatanong s'ya tungkol sa gamit ko.

Walang sagot hanggang kinagabihan.

Nakilala ko na ang mga tauhang nakatira sa likod, nakakain na kami at lahat, wala pa rin.

At wala ring Engr. Michael Angelo Montecillo na dumating makalipas ang isang linggo.

Gaya nang walang kapitbahay na nangamusta sa akin. Iwas din sa akin ang mga bagong tauhan ng MonKhAr.

Tanging si Allan, si Foreman at Kapitan lang ang nakakausap ko. Isang beses ko lang nakausap yung manager sa resort nina Ms. Andie.

Di na ako umulit pumunta dahil naiilang ako sa paligid. Madalas ay naglalakad lang ako sa tabing dagat. O kaya naman ay nanantili ako sa may batuhang medyo abot ng alon. Doon kasi ay may privacy ako. Tanaw ko lang ang mga turista o mga kababayan ko na namamasyal sa sakop ng property namin.

Mas malala pala ang ganitong pakiramdam kaysa noong bago kami dito ni Gelo. At least noon, naroon ang pakiramdam na kahit negatibo, alam ang presens'ya ko sa bayan namin.

Hindi kagaya ngayon.

Wala namang nagsasalita nang masama epro napaka-transaksyonal makipag-usap sa akin ng mga tao rito.

Yung tipong oo at hindi, meron at wala na tanong at sagot lang.

Kapag magtatanong ako na kailangang mahaba ang sagot, para silang walang narinig. Kahit sina Allan,

"Si Mike na lang ang tanungin mo, Kennie."

"Inutusan n'ya ba kayong huwag magsalita? Ang iwasan ako?" tanong ko sa kanila ni Foreman.

"Hindi, Kennie. Sensitibo kasi ang isyu n'yo. Marami kang na-miss out nung wala ka pa."

"Tulad ng ano?"

Walang sagot.

"Paano kong kakausapin si Mike, eh hindi nga sinasagot ang tawag o text ko. Hindi rin s'ya nagpupunta rito," frustrated kong sabi.

Nanatiling tikom ang bibig nila.

Ang hirap nang ganitong pakiramdam, yung para akong hangin lang na dumaan.

=================

Don't forget to comment and vote!




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b5yhsmd