40 Half - truth
I was trembling as I drove to where our driver said he has last seen Kennie.
I already tried calling her number but it was also the driver who picked it up. Naiwan daw sa loob ng kotse.
Nahuli pa nga ako ng traffic enforcer for over speeding and beating the red light. Nakipagtalo pa ako dahil sabi ko ay emergency. I almost got arrested until they saw me at the verge of crying.
"Sumunod kayo sa akin kung gusto n'yo. My fiance was kidnapped!" I shouted.
Doon sila naalarma.
Yung isa sa kanila, nag-convoy sa akin sakay sa motor.
That was the only time I remember to call Rob.
Pagdating ko sa lugar na huling nakita si Kennie, naroon ang driver namin. He was all tensed standing in front of the food chain. May kausap ito na base sa suot na uniform ay manager doon.
Pumarada rin ang kasama kong enforcer. Kaya agad kong hinugot ang lisensya ko sa wallet at binigay sa kanya.
"Bahala na kayo kung ano'ng violation ang gusto n'yong ilagay dyan," abiso ko. "Ang importante lang sa akin ay ang makarating agad dito."
Kinuha naman yun pero sumama para kausapin ko ang manager ng food chain.
"Hindi namin napansin, Sir, Medyo marami kasing customers kanina," ang sabi nung babae matapos kong magpakilala. "Tumawag na kami ng pulis."
"Sir," yung traffic enforcer, inaabot pabalik sa akin ang lisensya ko. "Kunin n'yo na ho. Di ko na kayo titiketan. Sinigurado lang namin na totoo sinasabi n'yo at di kayo maaksidente papunta dito. Sige ho. Mahanap n'yo na sana gelpren n'yo. Alis na ho ako at di namin jurisdiction ito. Tutal may paparating nang pulis."
Nagpasalamat ako.
Dumating ang mga pulis at nagsimulang magtanong sa driver namin. Ganun din sa mga empleyado ng food chain. Walang nakapansin kay Kennie maliban sa isang crew na kinumpirmang nagbanyo doon ang babae, pero hindi n'ya nakitang lumabas o kung ano dahil tapos na sa paglilinis ng banyo.
Doon dumating si Rob at dalawa n'yang agent. Pinakilala ko sila sa mga pulis.
Agad na tinanong ng asawa ni Juno kung maaring makita ang CCTV footage ng establisyimento. Pumayag agad ang manager.
"Have you checked the whole area like if there's a stockroom here or something?" tanong nang isang kasama ni Rob habang sine-set up ang CCTV record.
Ayokong isipin na may umatake kay Kennie at doon s'ya itinago na walang malay... or worst walang—
"Fuck!" I muttered.
I can't. I just can't think of it!
"Nasa kitchen po ang stockroom ng food, at managers' lounge ang imbakan ng novelties, Sir," sagot ng manager. "Imposibleng may makarating doon na hindi makikita dahil puno ng mga empleyado doon."
"Sa men's CR or PWD restroom?"
Tiningnan na namin kanina bago pa po dumating si Sir," turo sa akin.
Natahimik kami nang makitang nagsisimula na ang CCTV.
Kita namin ang pagpasok ni Kennie hanggang sa pinto ng women's CR. Pati ang paglabas doon hanggang sa dining. Huminto s'ya doon at nagpalinga-linga.
Until my browse creased. Sumabay si Kennie sa grupo nang may kaingayang pamilya papalabas... sa kabilang exit. Ang exit na nakaharap sa main road. Tapos naglakad sa kabilang direksyon palayo sa parking area hanggang di na makita sa CCTV.
What's going on? Nalito ba s'ya kung saan ang pinasukang pinto? How could that be? Walang parking space sa nilabasan n'ya kaya nga sa kabilang side s'ya ibinaba ng driver namin.
Nahinto ako sa pag-iisip sa isang tapik sa balikat ko.
"Mike, sa bahay n'yo natin ito pag-usapan," si Rob.
"What?"
Tumikhim ang isang pulis, "Sir, mukhang sinadya n'yang umalis nang hindi n'yo nalalaman."
"Imposible!" tumaas ang boses ko. "Bakit s'ya aalis? Hindi ako iiwan ni Roqueña!"
"Mike, you saw the footage. Common, calm down," pagitna ni Rob.
Ang mga agent ni Rob ang kumausap na sa mga pulis at manager ng food chain dahil hinila na ako ng asawa ni Juno papalabas.
Wala akong magawa maliban sa mahigpit ang kapit n'ya sa braso ko, para akong nawala sa sarili.
Ayaw tanggapin ng sistema ko na kusang umalis si Kennie. Hindi n'ya yun gagawin sa akin.
Kung magkapareho pa sila ng personalidad ni Juno, maniniwala ako. Pero hindi.
They were complete opposites!
My sweet little Kennie would always ask me or let me know where she will go.
Baka... baka naman...
"Mike... hoy!"
Hiniklas ko ang pagkakahawak ni Rob sa akin at patakbong tinungo ang kotse ko. Naiwan ko sa dashboard ang cellphone ko.
Nakalimutan kong tumawag kanina sa bahay. Baka naroon s'ya.
"Wala pa po, Sir," sagot ng guwardya namin. "Kanina pa s'ya umalis. Si Oscar ang nagmaneho para kay Ma'm Kennie."
Nanlumo ako sa narinig. Hindi ko nagawang magpaalam sa guard namin. My mind started ticking. Saan pa? Saan pa?
I composed text messages for Mommy and Michelle to ask if Kennie call—
Tinigil ko ang pagta-type sa cellphone ko.
Walang dalang phone si Kennie. Hindi sila mako-contact ng babae.
Napalingon ako sa bintana ng kotse ko dahil kumatok doon si Rob. Binuksan ko yun.
"Your driver said she left her phone."
"Alam ko, alam ko," frustrated kong sabi.
"Did she do this before?"
"No! She's not like your wife who walks away if mad!" I snapped.
Rob just sighed patiently. Suddenly, I felt guilty. I just made him remember the days he was chasing Juno.
"I'm...I'm sorry, Rob," mahina kong sabi, then clenched my fist. "I'm just so confused. Wala kaming pinagtalunan. I left her at home we were okay. More than okay."
"I know, Mike. I've been there," tinapik n'ya ako sa balikat. "Don't worry. I'll let you find her. I'll drive. Your brain's all over the place."
Naka-convoy sa amin ang sasakyan nang dalawang agent n'ya at driver namin. I called my secretary that I won't be back in the office. Ganun din si Jeff.
"May meeting tayo, 'tol," reklamo nito. "Bakit ba?"
"Kennie's missing."
"The hell?!"
So I told him.
"Sige. Ako na ang bahala sa office," ang nakakaunawang sabi.
"Salamat. Huwag mo nang itawag kay Aris. Nasa bakasyon sila ng pamilya n'ya."
"Sure. Ano'ng plano mo?"
"Kasama ko ngayon si Agoncillo."
"Ah, okay."
Nakakahiya man, mukhang di ito makakaalis bukas para sumunod sa asawa at mga anak sa Germany. Sumama kasi sina Juno kina Andie para magbakasyon.
I may sound selfish but if I have to call Andie and Juno para hinging pabor na di makakasunod si Rob to help me out, I will.
"Naitawag ko na kay Jack na i-check sa mga road CCTVs kung mahahagip doon si Kennie," tumikhim ang katabi ko. "I need your persmission, Mike. She erased all messages and phone call history. I'll get Jack check your fiancee's cellphone activities in the past weeks."
I know the feeling of being monitored and it's kind'a suffocating. Kennie wouldn't like it, too. But if this is the only way to find her,
"Sure," I answered handing him Kennie's phone.
Rob made a call. Then asked me to connect Kennie's phone to his with a cable.
"Jack, it's connected now. Get whatever details you can. Balitaan mo ako as soon as you get something, pati sa CCTV."
Pagdating sa bahay, nag-aalala na rin ang mga katulong. Nagbilin ako na huwag muna ipaalam kina Mommy.
I brought Rob and his agents to my Dad's study to talk in private.
There, they asked me if I noticed something different about Kennie the past few days.
"Nothing drastic, Rob. I think, just like you were teasing me about this morning, she was just having jitters."
"We need the specifics," singit nung isang agent. "Her recent activities when you were not with her."
So, I told them my observations and what I know.
Pinatawag nila ako sa opisina ni KC.
"Oh, Mike? Tuloy tayo sa pre-nup next week ha? Iko-confirm na lang namin yung location," sabi agad ni KC.
"Uhm, yeah. May itatanong sana ako."
"Ano yun?"
"Maihahabol ba ang re-print ng wedding invitation?"
"Ha? Ano'ng re-print?"
I cleared my throat, "Uhm, sorry. Akala ko kasi ay itinawag na ni Kennie."
"Kulang ba? Magdadagdag ba kayo ng bisita? Kasi kung ganun, we need to know para sa seating capacity sa reception."
Nagdalawang-isip tuloy ako kung sasabihin ko, but I have to. Para maihabol ang re-print.
The wedding will push through!
"Naiwala kasi namin yung invitation. Uhm, kaya bang ipahabol, kahit may extra charge."
"Sure. Walang problema."
Tiim-bagang akong nagpaalam sa babae.
I didn't have to tell Rob. My phone is hooked up to a device which they can also listen to the conversation I had.
We were quiet for a while. Rob's phone vibrated. He picked up the call.
"Sure, email me what you got. Thanks, Jack."
"Ano'ng sabi?" agad kong tanong matapos ang tawag.
"Wait," tumunog uli ang phone nito.
I think it was the email because he started reading on his phone. Hindi ako mapakali. Juno's husband's face is expressionless.
And I got more curious when, "Can you call here who usually drives for Kennie if you're out?"
Kaya pinatawag ko si Oscar. Rob said it will be him to ask the questions. However, he asked me first.
"Mike, sabi mo nagpa -check up si Kennie nitong may emergency ang isang project n'yo sa Iloilo, right?"
I nodded.
"Do you know her doctor?"
Napaisip ako saka umiling.
"Kennie was never hospitalized nor visited a doctor when she was in our care here in Manila. Why?"
But Rob turned to Oscar, "Saang ospital kayo nagpunta?"
Saglit na nag-alangan ang lalaki, "Sa Bataan, sir."
"What?! Bakit ang layo? Marami namang ospital dito!" bulalas ko.
"H-hindi ko alam, sir. Basta si Ma'm Kennie ang nagturo ng daan. Medyo natagalan pa nga kami sa biyahe kasi pinapasunod n'ya lang ako sa mga pampasaherong dyip o bus pa-Bataan."
Was this the reason she requested me not to ask Oscar?
If only I knew, I could have recommended a much nearer hospital, for Pete's sake!
"Mike," si Rob, inabot sa akin ang phone n'ya."She received a text message."
Kinuha ko yun at binasa ang laman ng report sa email n'ya.
Pamilyar sa akin ang numero. Pero hindi ko na kinailangang i-check kung sino. Sa laman pa lang ng text message alam ko na kung sino.
Kennie, anak. Pwede ka bang dumalaw dito sa Bataan? Gusto sana kitang makausap ng personal.
Tungkol po saan, Nay?
Basta. Di naman ako makakaalis at nasa ospital ako dito sa atin.
Naku! Bakit po kayo na-ospital?
Dito mo na malalaman, anak.
Sige po.
Nag-alala ako para sa matanda. Baka malala ang sakit. Kaya lang, bakit hindi ako sinabihan ni Kennie? I'm willing to help.
Nahulog ako sa pag-iisip. It still puzzles me why she has to secretly leave. Papayagan ko naman s'yang dumalaw doon. Sasamahan ko pa nga s'ya. And why the fuck did she leave again today this way without anything with her?
"I'm going to Bataan," deklara ko.
"Tumawag ka na rin sa mga staff mo doon. May limang oras na mula nang umalis s'ya. Kung doon ang punta n'ya, naroon na s'ya ngayon. And call the old lady."
Una kong tinawagan si 'Nay Mila. No one picked up the phone. On my second attempt, unreacheable na.
So I called Allan.
Wala raw doon si Kennie. Kakauwi lang rin nila halos. At mukhang wala namang dumating dahil walang binanggit ang mga kapitbahay na madalas na nilang kabatian doon.
"May balita ba kayo kina Nanay Mila?"
"Wala naman. Uhm, teka."
Narinig kong nagtanong s'ya sa mga tauhan namin. Pagbalik,
"Ang huli nilang balita, ilang araw na raw walang tao sa bahay nila. Di naman nila naitanong kung bakit. Alam mo naman itong mga barako natin. Mas gustong manood na lang ng basketball sa TV o kaya makigamit ng computer dito. Minsan, maggitara sa likod habang nag-iinom para makatipid. Bakit, umalis mag-isa si Kennie?"
I opted to tell half the truth, "Yeah. Nagkatampuhan kami."
He chuckled. "Patay tayo d'yan, Mike. Malapit na ang kasal n'yo. Sige, balitaan kita pag dumating."
Pagkatapons nun, magpapaalam na dapat ako kay Rob but, "I got another message from the agency, Mike."
"What?"
"Jack got a clear CCTV footage just at the next road of where Kennie was last seen. Hindi s'ya sa Bataan nagpunta.*
"Where?"
"Sumakay s'ya ng taxi. Tinawagan na sa agency yung operator. Yung operator mismo ang driver. Nagpahatid si Kennie sa Quezon City. Somewhere in Fairview."
Kumunot ang noo ko. Sino ang kakilala n'ya dun?
"I'll forward the address to you. Di na raw nakuha pabalik ni Kennie yung papel na may address. The driver gave the information."
Saglit lang, natanggap ko agad yun.
She went to a church. Only one name came to my mind.
Si Sister Linda. Nabanggit ni Kennie na doon nagpalipat ang hinahangaang madre.
My heart stopped.
No, no!
Baka dadalawin n'ya lang!
I kept telling myself.
However, with the way she left, the situation is saying otherwise.
But she can't! She can't change her mind. She said she loves me. And I can feel it. She chose me!
God forbid!
What I said to her when we went stargazing. It was her I wished and prayed for.
Hindi ko lang yun birong hiling sa bulalakaw. Abot-langit. Taos-pusong hiningi ko s'ya. Something I never did before. Not in my childhood asking for my most wanted toy... Not even when I was still in love with Rika Kristina Kobayashi.
Kay Roqueña lang! I never wanted to have any woman but her!
Tototohanin ko ang sinabi ko sa sarili. Patawarin ako ng Langit pero kung kailangang agawin ko s'ya Diyos, gagawin ko!
I immediately stood up.
"I'll drive you there," Rob offered.
"No. Pack up and follow your family in Germany. I think you've helped more than enough. Just send the bill. Thank you."
Inabot ako ng rush hour kaya lampas.alas otso ako dumating sa simbahang pinaghatiran daw Kay Kennie.
May pailan-ilan pang tao na palabas doon. Tingin ko ay tapos na ang huling misa. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang maghanap kaya naupo ako huling hilera ng mga upuan.
Wala kahit isang sakristan sa paligid.
Nabuhayan ako ng loob nang may lumabas sa side door malapit sa altar. Isang may edad na lalaking naka-polo at itim na slacks na palagay ko ay paring naghubad na ng abito. May clergy collar it.
Binaybay nito ang gilid ng simbahan. Sinalubong ko s'ya at binati.
"Good evening po, Father."
"Magandang gabi, anak. Ano'ng maipaglilingkod ko?"
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik.
"Pasensya na po kung gabi na. Hinahanap ko po si Sister Linda."
"Naghahanda na ang mga madre sa pagkain ng mga bata ng ganitong oras, iho. Maari ba iyang ipagpabukas na?"
"Importante lang po, Father. Please po."
Mataman akong tiningnan bago, "Halika."
Sumunod ako sa kanya palabas hanggang sa likod na nasasakupan pa rin ng bakuran ng simbahan. There I saw a structure similar to the church but of lower rise. Umakyat kami sa limang baitang na hagdan.
Bago kumatok si Father, "Si Sister Linda ba talaga ang ipinunta mo rito, anak?"
Nagdalawang-isip ako. Baka kung sasabihin ko ang totoo ay hindi n'ya ako papasukin. Magwawala talaga ako rito.
But then again, I thought of Kennie.
She wouldn't like that. Mahal n'ya ang simbahan. Ayan nga at dito ko s'ya ngayon pinupuntahan.
"Hindi po," matapat kong sagot.
Tumango ito, "Ano ang gagawin mo kung ... hindi s'ya sumama pauwi sa iyo?"
"Hindi ko pa po alam. Pero isa ang sisiguraduhin ko. Ikagalit n'yo man, hindi ko hahayaang mag-madre si Roqueña."
Tumangu-tango uli ito.
"Kung anuman ang balak mong gawin ngayon, magpakahinahon ka lalo't sa harap ng mga bata."
"Opo."
Saka n'ya binuksan ang may kalakihan at may kabigatang pinto.
I first saw a receiving area. Then we headed a hallway on the right where the sounds of children and women laughing, talking and crying are coming from. There were also the clattering sounds of plates and utensils.
My heart leaped.
In that mixture of voices, I know that voice who said, "Dahan-dahan lang. Ayan tuloy. Teka nga."
I controlled the urge to run towards the end of that hallway which I believe is a big mess hall where orphans here eat.
Nagpahuli ako nang ilang hakbang. Saglit na natahimk ang mga naroroon saka bumati.
"Magandang gabi po, Father!"
"Magandang gabi," saka tumikhim. "Sister Linda, may bisita ka."
Saka ako humakbang papasok. Agad na umikot ang mata ko sa mga naroroon.
Nasaan si Kennie? Sigurado ako na boses n'ya ang narinig ko kanina.
Tumigil ang mata ko sa paghahanap dahil may isang madre na nasa katanghaliang edad ang lumapit.
"Magandang gabi, Mike."
Kilala n'ya ako!
My sweet little Kennie is really here!
"Good evening po, Sister," bati ko pabalik. "Uhm, hinahanap ko po si--"
"Mamaya natin pag-usapan, anak," ang malumanay na sabi. "Halika, tulungan mo kaming mag-asikaso sa mga bata."
Tumango ako. Si Father naman ay tinapik ako sa balikat bago tumalikod palabas sa lugar na yun.
Hindi ko alam kung saan o paano ako magsisimula sa gagawin sa mga bata hanggang igiya ako nang matandang madre sa isang batang lalaki.
Nadagdagan ang bigat sa puso ko. Naalala ko si Gelo. Kaedaran n'ya ang batang lalaki na tila may sumpong.
Tatanungin ko pa lang ang pangalan ng bata nang may suminghap.
Agad akong nag-angat ng tingin sa direksyon na sa palagay ko ay ang kusina.
"Kennie... sweet!"
Agad na pinisil ni Sister Linda ang balikat ko at nag-angat ng kamay kay Kennie.
"Pakainin na natin ang mga bata," ang malumanay uli na sabi.
Tila maamong tupa na sumunod si Roqueña. Sa kabilang mesa s'ya tumulong kasama ang ilan pang hindi ako sigurado kung madre ba talaga dahil iba ang itsura sa mga suot nang dalawang madreng kagaya ni Sister Linda.
Kaya tahimik na rin muna ako sa inatas na gawain sa akin.
Although, I couldn't help throw glimpses at my Kennie's direction, who seems to avoid my gaze.
It's alright, so long as I see her. And I'm relieved that she wasn't wearing anything similar to a nun's dress. She's still wearing a regular attire when we go out for shopping.
There were a few instances I saw her hands tremble kapag hindi maiwasang magkalapit kami habang nag-aasikaso sa mahigit kumulang limampung bata ngayon dito.
And yeah, my knees shook, too.
Pigil na pigil ako na hindi s'ya biglang yakapin sa mga pagkakataong yun!
And the more I tremble when the children were done with dinner and were sent to their assigned sleeping rooms.
But the wait wasn't over. I was invited to join the nuns and stay-in volunteers. I accepted and made sure that I get to sit beside my Kennie.
I know that it may be awkward for all the women here but I don't care.
I want them to know that they shouldn't influence or feed more ideas in Kennie' mind about nunhood. Because my sweet Kennie is not free to do so. She is bound to carry my name very soon!
Walang imik ang katabi ko kahit ako mismo ang naglagay ng pagkain sa plato n'ya matapos ang maikling dasal.
The moment I've been waiting for happened after we ate and the kitchen was cleaned. Tumulong na nga ako para mapabilis.
Gusto ko nang makauwi kami ni Kennie at ilayo s'ya sa lugar na ito. Masama mang isipin, the next time I want her near or in a church is on our wedding day!
Sister Linda let us talk in the receiving area while the others left to go to bed.
The moment I've waited shook my well-being when she didn't even let me talk or utter any question once we got seated.
"Mike, umuwi ka na," agad n'yang sabi.
"Uuwi na tayo," pagtatama ko sa sinabi n'ya.
"D-dito lang ako, Mike. Dito na ako simula ngayon."
Maybe I sounded stupid with my next question, but I just don't want to accept where her words are leading to.
"Hanggang sa kasal natin, dito ka muna?"
Umiling lang s'ya at yumuko. Alumpihit na pinaglaro ang mga daliri sa kandungang n'ya.
"D-dito mo ba gustong magpakasal tayo, sweet? S-sasabihin ko kay KC. Kaya pa naman sigurong ayusin ang—"
"Mike... tama na. Alam mo ang ibig kong sabihin."
Umiling ako paulit-ulit.
"H-hindi, sweet. Umuwi na tayo."
Tumayo na ako at inabot ang kamay sa kanya. Ni hindi n'ya yun tiningnan.
"Kennie, let's go home. It's getting late. Nakakaistorbo na tayo sa kanila," pilit ko. "We still have to prepare for our out of town trip for New Year."
Wala. Walang salitang namutawi na mula sa kanya.
Nagsimula nang umakyat ang init sa mata ko.
"Sister Linda," baling ko sa madre na katabi n'ya. "Pauwiin n'yo na ho si Kennie."
"Anak, kusa s'yang nagpunta dito," ang malumanay na sabi.
Napatiim-bagang ako. Saka tumingin kay Kennie.
"K-kennie," di ko na naawat ang pagkinig ng boses ko. "A-ano bang problema? P-pag-usapan natin. Makikinig naman ako."
Saka n'ya nag-angat ng mata sa akin.
Lalo akong kinabahan sa nakita ko roon.
May halo mang lungkot... naroon ang pinalidad.
"I'm sorry, Mike. Naisip ko nitong mga nakaraan araw, hindi pala ako handang mag-asawa."
"K-kennie..."
"Mas gusto ko'ng mag-madre."
==================
A big hint is here for revelations in the ending!
=================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro