Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

35 Order in the Court

Habang naghihintay kayo sa chapter 35, at naku-curious kayo kung bakit si Gelo ang tinawag sa witness stand...

Gusto n'yo ng hint?

Basahin n'yo uli mula sa umpisa ang YHSMD. May mga maliliit na detalye akong binabanggit sa mga chapters na konektado lagi sa mga revelations. Or sa mga upcoming stories ng series ko.

Anyway, sa mga sumubaybay sa series ko, dapat sanay na kayo sa akin. LOLZ!

--------------

Anyway, I decided to post this chapter only at 2,100+ words! 

Yup eto na yung sinasabi ko sa itaas, pero may maiiwang tanong na gusto ko sanang dito na rin masagot sa chapter na ito... nagbago ang isip ko. Kasi gusto kong namnamin n'yo ang eksenang ito.

Sa next chapter masasagot kung paanong nangyari ang chapter 35 na may hint sa  previous chapters.

Expect na baka maikli lang rin ang chapter 36.

Enjoy ... MWAH!

==============

"Objection your honor!" napatayo kahit si Ralph. "The boy is not in the list. And the social welfare has recommendation to protect my client against any form of harrassment--

"Over ruled!"

"But your hono--"

"This is a court of law, Atty. Marquez! If you will keep on injecting that I will allow harassment here, I'll charge you for contempt!"

"My apologies but what I'm trying to say is the kind of questioning may cause emotional and psychological stress to the child. Given the history of how he and his mother--"

"Ms. Dayrit's role to the child is still in question here, Attorney!" pambabara ng abogado ni William.

Nakahigpit ang kapit ko sa braso ni Mike habang halos yakapin na namin si Gelo.

"Mama... nag-aaway po sila?"

"H-hindi... ano...uhm..."

"Meron lang silang hindi napapagkaintindihan, angel," salo ni Mike.

"We were not subpoenaed for this," depensa pa ni Ralph.

"There was," sabi ng judge.

Nagkatinginan kami.

Umiling kami ni Mike sa isa't-isa , ganun din kay Ralph.

May kinuhang papel ang abogado ni William sa mesa nila. Ibinigay ang isang kopya kay Ralph.

"Pinadala sa opisina n'yo ang subpoena kahapon before end of office hours. It was received by the building receptionist. This is the receive copy."

Kinuha yun ni Ralph sabay, "Honor, I'd like to request a recess."

"Granted! This court is in five-minute recess."

Ilang beses huminga nang malalim ang lalaki sa pagpipigil ng asar na hiningi sa kasamang assistant ang phone n'ya. Base sa narinig ko, tumawag ito sa law firm.

Maya-maya'y tinapos ang tawag at pabulong na, "Damn it!"

"Ralph, is that allowed? We were not given ample time to prepare," tanong agad ni Mike.

Pareho kami nang iniisip.

"There is no court ruling na may time frame sa pagsi-serve ng subpoena. Sinadya nilang biglain tayo. Hindi na ako dumaan sa opisina. Dumiretso na ako dito. Fuck!"

"Meron nga?" tanong ko na.

"Yeah, my secretary just learned it now. Patawag na nga s'ya sa akin."

Kinausap nito ang kasamang abogado at isang social worker.

Nang magsimula uli ang hearing,

"Your honor, may I and my associates approach the bench?" paghingi ng permiso ni Ralph.

"Both representatives of the parties may do so."

Mahina silang nag-usap hanggangbumalik sila sa puwesto namin.

"What happened?" tanong namin.

Nagtiim ang bagang ni Ralph at umiling.

"The receptionist is new. Hindi pa yata na-inform na hindi s'ya dapat tumatanggap ng subpoena nang walang go signal galing sa law firm. She did not even call anyone."

"M-mama ko..."

May bakas ng takot sa tinig ni Gelo nag muli s'yang tawagin.

"S-sige na, anak. Andito lang kami," naiiyak man ay binigyan ko s'ya ng ngiti.

"May itatanong lang sa iyo. Dito lang si Papa," salo na rin ni Mike.

Naramdaman ko ang pagpisil pa nang isang kamay sa balikat ko.

Kinapitan ko yun nang h indi lumilingon dahil ang mata ko ay nakasunod kay Gelo na alalay nang isang court martial papunta sa witness stand.

Alam kong si 'Nay Mila yun. Sila ni Estrel ang nakaupo roon. Katabi nila ang mga magulang ni Mike at si Michelle. Ang barangay chairman namin at ilang kapitbahay ay nasa ikatlong hilera ay dumalo rin para magbigay suporta.

Kinakabahan ako. May takot na gumagapang sa puso ko kahit sabihin ni Ralph at kasamang social worker na napag-usapang hindi ipe-pressure si Gelo.

"Pwede ba kitang tawaging Gelo?" umpisa ng abogado nina William.

"Opo."

"Sabihin mo nga ang buo at totoo mong pangalan."

"Micheal Angelo D. Montecillo, Jr. po."

"Bakit Montecillo?"

"Uhm... " tiningnan kami ng anak ko.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"... kasi po yun ang pangalan ng papa ko po."

"Sino ba ang sinasabi mong papa mo?"

Tinuro ni Gelo si Mike, "Si Micheal Angelo S. Montecillo Sr. po."

"Paano mo nalamang 'sya ang papa mo? May nagturo ba sa iyo?"

"W-wala po. ano po... kasi... nigagamit ko po sa school tsaka sa test paper ko ganun. Tas nipa-practice namin isusulat lagi."

"Kailan pa?"

"Nung ano po... nung nag-aral po ako tas nakatira sa malaking bahay ni Lola Mommy tsaka Lolo Daddy."

"Sigurado ka, walang nagturo sa'yo, Gelo?"

Umiling lang s'ya.

"Ibig mong sabihin, nung maliit ka pa, di mo kilala ang tinatawag mong papa ngayon?"

Umiling uli si Gelo.

"Ano po... ako po nagsabi na alam ko na 'sya."

"Bakit naman?"

"Uhm... kasi mabait sa akin si Papa. Tas pinagtatanggol kami ni Mama ko. Nituturuan n'ya ko magdrowing tsaka maggitara."

Naramdaman ako ang paghigpit ng kapit ni Mike sa palad ko.

"Good job. Gelo. Good boy," ang bulong pa.

"Tas ano po... madami nagsasbi magkamukha kami. Tsaka ni Lola Mommy."

"Kung titingin ka sa mga tao rito, may iba ka pa bang nakikitang kamukha mo?"

Napigil ko ang paghinga.

"Shit...shit!" bulong ni Mike.

"Objection your honor!" kontra agad ni Ralph.

"Over ruled! Continue," utos ng judge.

"Uhm..." ngumuso ni Gelo. "W-wala po... pero ano..."

"Ano?"

"Si Tito ano...Willie?" tinuro ang lalaki. "Parang magkamukha sila ni Papa ko po."

Diyos ko! Diyos ko!

"Your honor,it looks like the child has been mentally molded to believe in such thing when it is evident that my client resembles the witness."

"Objection your honor. That is not the claim of the witness. The purpose of asking the child is to know his observation and what he knows, not somebody else's. The witness already denies allegation that he was taught who his father is."

"Sustained."

Tumikhim ang abogado, tapos tumingin kay William.

Kinabahan ako nang tumango ang lalaki. Lalo't nagtaas ng noo ang mga magulang nito na kasama n'ya rin ngayon.

"Gelo, sino ang mama mo?"

"S'ya po," itinuro ko. "Ano... Mama... Roqueña ka di ba po?"

May humugong pa na mahinang tawanan doon.

Pero hindi ako kasali sa mga yun. Hindi ko alam kung bakit.

Tumango lang ako sabay pisil sa magkasalikop naming kamay ni Mike.

"Relax, sweet. Our boy is doing great."

Ewan ko. Parang ... ewan ko talaga!

"Very good," sabi uli ng abogado. Tapos tumikhim. "Kilala mo ba ang nanay mo?"

Napasinghap na ako.

"Why?" bulong ni Mike.

Maliban sa reaksyon ko, kagyat na tiningnan ako ni Gelo. Nag-usap ang mata naming mag-ina.

"Gelo, kilala mo ba ang nanay mo? Hindi mama ha, yung nanay. Yung totoo mong nanay," ulit ng abogado .

"M-mama..." nasa tinig n'ya ang paghingi ng tulong.

Hindi ko alam ang gagawin ko!

"M-mama ko..." nanginig na ang boses ni Gelo.

"Huwag kang tumingin sa Mama mo, Gelo. as akin ka tumingin!" patuloy ng abogado ni William. "Hindi ba't mahigpt na bilin at turo sa iyo na huwag kang magsisinungaling?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Gelo sa akin at sa abogado.

"MAMA KO!" umiyak na ito.

"Objection your honor! The question is confusing my client!" tumayo agad si Ralph.

"Over ruled! Gelo, sagutin mo ng tanong!" pati ang judge ay nakahalata na na may lihim kaming mag-ina.

"Kennie... ano'ng meron?" tuliro na rin si Mike na ibinulong yun sa akin.

"Mama ko! Mama ko!" tumayo na si Gelo pra tumakbo sa akin pero hinarang s'ya ng court martial.

May pumigil din sa amin nina Mike para lapitan si Gelo.

"Gelo... anak..." umiyak na rin ako.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang nakakaranas nang ganito ang bata!

Nagsalita na rin ang social worker, "Your honor the child is in distress."

"Please allow another recess, your honor," hiling uli ni Ralph.

"The boy only needs toanswer the question. It appears that Ms. Dayrit had influenced the witness not to talk," sangga agad ng kalabang abogado.

"The boy already answered your question who his mother is," depensa uli ni Ralph. "Your are confusing him."

Pero hindi s'ya pinansin ng abogado ni William,"Gelo, makukulong ang Mama mo kapag hindi ka nagsabi nang totoo! Kukunin s'ya ng mga pulis at paparusahan!"

"Objection! That 's threatening a minor!"

"Order in the court! Order --"

"Gelo, sino at nasaan ang totoo mong nanay mo?!"

"SI NANAY RACQUEL!" biglang hiyaw ni Gelo na umiiyak na. "Si Nanay ko. Racquel pangalan n'ya. Di ko na s'ya nakita! Nipupuntahan lang namin ni Mama dun sa sementeryo."

Natahimik kaming lahat.

"Oh my God!" anas ni Tita Dolly at Michelle.

"Mahabaging langit!"

Hindi ko alam kung si 'Nay Mila ba yun o kung sino sa mga kapitbahay namin.

"W-what?!" hindi makapaniwalang baling ni Mike sa akin. "K-kennie... ano ito? What's this? How... how...What the fuck is this?!"

Nasaop ko na ang mukha ko sa palad at napahagulgol.

"Mama ko! Mama ko!" umiiyak na hiyaw ni Gelo. "Bitaw po!"

Nag-angat ako ng tingin, Patakbo ang anak ko sa akin. Sinalubong ko s'ya ng yakap.

"Mama... sorry po... sorry po..." masinsin ang hikbi n'ya na paulit-ulit na sinabi yun.

"A-ayos lang, anak. Nagsabi ka alng nang totoo," bulong ko sa kanya.

"A-ayaw kita m-makukulong," ang sumisigok na sabi.

Hindi namin pansin ang til pagkakasiyahan sa panig nina William.

"K-kennie... G-gelo..." si Mike.

Naluluha ang lalaki na lumuhod na rin para yakapin kaming mag-ina.

"Papa... h-hindi mo naman ako ilalayo kay Mama ko, di ba?"

Nagkatinginan kami ni Mike.

Lamang, may halong panunumbat ang mata n'ya. Hindi ko alam ang isasagot.

At nawalan kami ng pagkakataon pa na magsalita dahil nahirapan na akong huminga. Tapos nagsalita na ang judge.

"So the truth came out from the boy himself, which this court will give high importance since he is a minor and is knowledgeable who his real mother is. We will be awarding the custody to the Garcia--"

"But your honor, we still have the DNA test," depensa pa rin ni Ralph.

"It will only prove that Mr. Garcia is the father. Your argument is that the mother is Ms. Dayrit and the father is Engr. Montecillo."

Kahit ang social worker ay walang magawa ng iutos na kunin na ni William si Gelo.

"M-mama... ?" nahintakutan ang pamangkin ko nang hawakan s'ya ni William.

"Halika na, anak," ang sabi ng lalaki.

"T-teka po. Hindi ikaw ang papa ko!" hiyaw ni Gelo dahil puwersahan nangkinuha sa amin ang bata sa tulong ngcourt marshalls.

"W-william, sandali lang naman, please," umiyak na pakiusap ko.

Humabol na ako papalabas ng courtroom. Naiwan na ang mga abogado namin.

"Not a chance, Roqueña. Ganti-ganti lang tayo. Hiniling ko na ipakilala mo ako sa bata. Hinayaan mo pang umabot tayo sa ganito."

"William, kakausapin ko lang... k-kahit ngayong maghapon lang... please..."

Humrap uli s'ya sa akin. Puno ng galit ang mata. At hinanakit.

"Ramdamin mo ang naramdaman ko sa mga panahong wala akong malay na may anak kami ni Racquel tapos malalaman ko na malaki na s'ya. Roqueña," nanggigil n'yang sabi. "Ang kung ano ang paulit-ulit na kumakaing guilt sa akin nang malamang kawalang pera ang pumatay sa nag-iisang babaeng minahal ko. At ano? Walang kumontak sa akin! Ni hindi ko man lang nakausap si Racquel kahit sa huling sandali. Bakit hindi kayo humingi sa akin ng tulong nung wala s'yang pampagamot? Na mas pinili n'yang isustento sa anak namin ang nalalabing pera n'yo kesa magpagamot?"

"May asawa ka!" tumaas na rin ang boses ko. "Nagbanta ang asawa at nanay mo sa amin!"

"Kahit na!"

"Pinoprotektahan namin si Gelo!"

"At paano si Racquel? Hindi importante dahil anak s'ya sa unang asawa ng nanay mo?"

"Hindi yan totoo! Inatake na si Ate ng depresyon. Ayaw n'yang kumain at kung anu-ano pa!"

Tinalikuran lang ako nito karga ang pamangkin ko.

"Gelo!" iyak ko na. "W-william... sandali naman!"

Hinawi lang n'ya ang kamay ko.

"Garcia, pakiusap. Ako na ang nakikusap," lumuhod si Mike na nakasunod pala sa amin. "K-kahit dalawang minuto lang sa-bbata."

Lalo akong napahikbi dahil gumaralgal na ang boses i Mike. May isang luha na mabilis n'yang pinalis sa pisngi.

"M-mike..."

"Michael... anak..." naroon na rin pala sina Tita Dolly.

"Hindi!" matigas na tanggi ni William at tumalikod na.

Pero nang mabuksan na n'ya ang pinto ng courtroom,

"Mama ko! Papa! Papa, kunin mo 'ko! Huwag mo ko ibibigay sa kanya!" sigaw ni Gelo kay Mike na nakabukas ang mga braso habang pilit na kumakawala sa yakap ni William.

Nagkagulo na dahil ang hiyaw na yun ni Gelo kay Mike ang nagpawala sa pagtitimpi ng kinikilala n'yang ama.

Ang sumunod kong nakita ay ang pag-aagawan ni Mike at William kay Gelo at ang patuloy na pag-iyak ng bata.

Ang pag-awat ng mga court martial at mga pamilyang kasama namin sa courtroom... ang patuloy na pagsigaw ng judge ng, "Order in the court."

Hindi na ako makalapit. Nagsisikip na ang paghinga ko.

"Mama ko! Mama ko! Tulungan 'yo ang Mama ko!"

"G-gelo..." napaupo na ako sa sahig.

Inaatake na ako ng hika. Hindi ako makahinga.

Sa nanlalabo kong paningin at pandinig, nagkagulo uli sila paikot sa akin.

"Yung inhaler... nasaan ang inhaler ni Kennie?!" mataas na ang boses ni Mike.

"I'm a doctor. Let me help!"

"Don't you fucking touch her! You've already taken my son away!"

Ang hiyaw na yun ni Mike ang huli kong narinig.

==================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b5yhsmd