34 Itaga sa Bato
Okay, mga chichi! Here's a 4,800+ words UD for you. Simula na ang pag-akyat sa climax.
=============
Napag-usapan man namin ang posibilidad na ito, pero parang naubusan pa rin ako ng lakas sa narinig. Lalo na at,
"Mike, you have to be at the regional hospital of Bataan early morning tomorrow," dugtong ni Ralph na may isa pang dokumentong inabot.
"Gelo, halika sa itaas. Palit ka ng damit," si Michelle.
Tumango ako sa kanya nang tapikin ako sa balikat. Alam n'yang maselan ang pag-uusapan namin.
"What's that?" si Tito Pab habang nakikibasa sa hawak na papel ng anak.
Nalukot yun nang maisama sa pagkuyom ng kamao ng lalaki.
"Court order for DNA testing," si Ralph uli. "Dr. Garcia will be there, too, to give his sample."
"How about Gelo? Hindi ba dapat ay may consent ni Kennie dahil s'ya ang nakarehistrong ina?" si TIta Dolly.
Umiling si Ralph, "Isa pa po iyan sa inilaban namin. But..." tiningnan ako ng abogado. "You have been ordered to submit your own DNA sample to prove that you're the mother. So, you are part of it."
Naiyak na ako.
"Mama?"
Natahimik kami.
"Bakit ka umiiyak po?" nasilip s'ya sa mezzanine.
"Wala, Gelo. May... ano..." di ko alam ang sasabihin.
"Wait here," si Mike tapos inakyat si Gelo at Michelle.
Makalipas ang ilang minuto, bumaba silang tatlo. Naka-swimming trunks na ang anak ko.
"Mama...?"
"Oh?"
"Su-swimming lang ako po. Wag ka na iiyak, ha? Si Tito Mike na daw ang bahala po."
Nalukot ang mukha ko sa pagpipigl na hindi umiyak sa harapan ng anak ko. Di ko napigilang yakapin si Gelo at halikan sa noo.
Sumama na si Michelle at Kuya Gerry sa itaas.
Saka kami nag-usap uli. Doon ko nalaman na dalwang hearing na pala ang naganap sa Bataan. Si Mike palagi ang naroon. Yun marahil ang naikwento ni Nanay Mila na kapag naroon ang lalaki ay nagpupunta lagi sa munisipyo at may kasamang abogado.
Hindi ko na kinuwestyon kung bakit wala s'yang binabanggit sa akin. Alam ko na ang isasagot ng lalaki.
"We're able to dodge the kidnapping case. What we have now is the custody rights of the child," paliwanag ni Ralph. "Dr. Garcia presented the medical records of your sister. From pre-natal to child birth. Like what we fear, your sister's doctor has witnessed for him. Nagpasa s'ya ng affidavit na ang ate mo talaga ang nanay ni Gelo. Na hindi talaga namatay ang bata when she performed the emergency CS sa kapatid mo. At kasama sa affidavit n'ya ito. Ang original but unregistered birth certificate ng bata. Here's the photocopy."
Hindi ko na inabot. Nakita ko na yun noon pa. Kami ang hindi nagparehistro nun. Ibinalik nina Papa sa doktor ni Ate Racquel dahil pinapalitan sa pangalan ko. Kinuha ng doktor ang kopyang una. Hindi ko inaasahan na lalabas uli ang nasabing birth certificate.
"Ang original birth certificate ang pinarehistro ni William na may paternal acknowledgement n'ya," dugtong ni Ralph. "Our case is getting weaker since... the same doctor signed the birth certificate under your name as Gelo's mother."
Nasapo ko ang mukha sa palad.
Inakbayan ako ni Mike na katabi ko sa sofa.
"If we sue the doctor, Ralph?" singit ni Tito Pab."At least to scare her about losing her license."
"Ginawa na ni Garcia, Dad. Kaya nga kumampi na sa kanya," sagot ni Mike. "Even if we do, she wouldn't care. She got a lump sum of money and her documents are authentic."
"But ours, too! Ikaw na ang tatay ni Gelo," sabat ni Tita Dolly. "Everything is registered in the statistics office, not just in the local registry, right, Ralph?"
"Tita, yun po ang pinapawalang-bisa ni Dr. Garcia. Na ang totoong pagkakakilanlan ni Gelo ang hindi authenticated ang dapat na nakarehistro at kilalanin ng batas."
"M-mike..." tingala ko sa lalaki. "Paano bukas? Magkakaharap si Gelo at si William."
"Kayo ni Gelo ang magkasama sa iisang lab rooms at time slot. Si Mike at Dr. Garcia ang sa kabila," imporma ni Ralph. "We got a temporary restraining order against any of the Garcias and Abellanas. They are not allowed to be in contact with Gelo or be close less than three hundred meters away until the boy is required to be present in the court. Yun ang nailaban namin when we reached out to DSWD for assistance para maiiwas ang bata sa emotional stress in the early stage of this case. But..."
"But... what?" si Mike.
"You have to postpone the wedding, Mike."
"What the fuck! Why?!"
"The next hearing is on that same day in the morning. Sa Bataan. I tried to fix the civil wedding on Wednesday. Pero Thursday pa talaga ang labas lahat ng license n'yo. Tulad ng sabi ko sa iyo, Thursday afternoon ang pinakamaaga na maari kayong maikasal because we had to wait for the CENOMAR. Walang problema sa availability ng judge na magkakasal. But the documents itself. And even if you marry on Thursday, kailangan pang i-proseso ang papel for complete registration of your marriage which will take a week or two. Kasabay dapat sa paglabas ng legitimation papers ni Gelo as your child."
"I will call your uncle!" deklara ni Tita Dolly.
"Tita..." umiyak na ako. "Huwag na po. Masyado na pong abala. A-alam ko po ang kalakaran sa pulitika. Hindi po ito ganansya para sa nasasakupan ng pinsan n'yo. Personal po ito. Baka... baka ikabagsak po ng posisyon n'y kapag nalaman ng mga kalaban n'ya sa ibang partido."
Natahimik sila. Hanggang magsalita na si Mike.
"Ralph... is it alright to disturb Rob on his honeymoon?"
"Don't bother, son. I will talk to Gen. Agoncillo. He's watching over the agency now that Rob is on leave," sabi i Tito Pab.
Nang gabing yun, sa unang pagkakataon, si Mike ang nasa gitna ng kama sa pagtulog namin. Pagtulog na napakailap pareho sa amin.
Di man kami nag-uusap, alam kong pareho kaming gising dahil ilang ulit s'yang nagbuntung-hininga at pinipisil ang palad kong ipinatong n'ya sa tapat ng dibdib n'ya.
Tapos si Gelo, ilang beses n'yang kinupkop payakap sa gilid n'ya.
Ayoko mang maging negatibo, nakakaramdam ako ng takot sa inaakto ni Mike. Nagpapahiwatig s'ya ng pangamba sa tahimik na paraan.
Madaling-araw kami umalis. Kailangang makauwi muna kami sa bahay dahil mag-uusap uli kami nina Ralph na doon na rin didiretso.
"M-mike..." tawag ko sa kanya.
Karga nito si Gelo na nakatulog uli. Papasakay kami sa isang itim na SUV. Ang klase ng sasakyan na kadalasan ay gamit ng mga matataas na tao sa lipunan, bilang proteksyon.
"Bakit dito?" tanong ko.
"There's a silent threat from the Abellanas, iba pa ang sa mismong asawa ni Garcia. And there's something else that may be connected to the death of your parents."
Napatanga ako sa kanya.
"We will pass by the outskirt of their town first bago makarating sa bayan n'yo. I wanted to make sure you are safe."
"Ano'ng... tungkol kina Papa?"
Umiling si Mike sabay haplos sa ulo ko, "Huwag mo munang isipin yun, sweet. Hinala pa lang ang meron. Hindi pa solido ang ebidensyang nakakalap ng mga tao ni Rob. I will tell you as soon as we are sure, okay?"
Diyos ko!
Bakit nagkakasabay-sabay ang mga ito?
May dalawa pang katulad ng sasakyan namin ang nakasunod sa amin. Pero hindi yun gaanong nakatulong sa nararamdaman ko.
"Kennie, rest while we travel. Hindi ka pa natutulog," sabi ni Mike.
"Ikaw rin naman."
"Come. Let's take a nap. Sabayan natin si Gelo."
Inayos n'ya ang pagkakaunan ng bata sa kandungan n'ya tapos hinapit ako sa kanya.
Sumadig ako sa dibdib n'ya habang nakaunan ang pisngi n'ya sa ulo ko.
"We'll get through this, Kennie," bulong n'ya. "Together."
Ang salita n'yang yun ang pinanghawakan ko hangang makaidlip na nga.
Maliwanag na nang huminto kami sa tapat ng bahay namin. Nakaabang sina Foreman at si Allan, ang assistant engineer ni Mike.
May ilang kapitbahay akong nagsipagsungawan sa mga bintana at bakuran nila.
"Nariyan na sila," ang narinig kong usapan nila.
Ipinasok agad si Gelo na nagising.
"Porman!" tuwang-tuwang nangunyapit ang anak ko sa nakasundong may edad na lalaki.
Tumawa ang may edad na lalaki na agad kinarga si Gelo, "Ang laki mo na agad ah!"
Naglabasan na rin ang mga tauhan ni Mike na pinagkaguluhan ang anak ko.
Napangiti ako. Halatang na-miss nila ang isa't-isa.
Hindi mamatay-matay ang kumustahan at kulitan nila hanggang sa loob.
Sumabay kaming kumain sa kanila ng agahan. Kalahating oras makaaang umalis ang mga ito para magpunta sa project site ay dumating si Ralph, kasama ang mag-asawang Montecillo.
"You will enter from the ER entrance of the hospital," sabi sa akin. "Si Mike, sa harap. Hiwalay kayo ng sasakyan."
"Ayoko," tanggi ko sabay kapit sa braso ni Mike.
Natatakot ako. Ang ospital na pupuntahan namin ay ang bayan na katabi kina William. Yun daw ang napagkasunduan para neutral grounds. Hindi sa amin, hindi rin kina William na teritoryo.
"Kennie, ayoko rin. Pero may media na naroroon. Kailangang hiwalay tayo para mailigaw sila at para di kayo magkasalubong ni William. Don't worry, may advance party na ang security details natin. May back up sa paligid na padala si Uncle Monching. Plus Gerry and Edmund are with you."
"Pab and I will accompany you, too," assurance ni Tita Dolly.
"Paano si Mike? Sino ang kasama ni Mike?" tanong ko.
"I'll be fine," pang-aalo n'ya sa akin."Kasama ko si Ralph and some security detail.Mauuna kaming pupunta nang ilang minuto to get everyone's attention, so you can sneak from the back going in."
Tama lang na nagtiwala ako sa plano nila. Nakita ko ang mga nag-uusyoso sa tapat ng ospital. May tatlong sasakyan pa nga ng media, pagdaan namin.
Madali kaming inasikaso. Akala ko ay mabusisi ang pagkuha ng DNa samples. Kinuhanan lang kami ng dugo, tapos ay may parang cotton buds ang ipinahid sa loob ng bibig.
"Good boy. Matapang naman pala," si Tito Pab matapos kuhana ng dugo si Gelo.
"May sakit ba tayo po, Ma?"
"W-wala. Ano..."
"May titingnan lang sa dugo n'yo," salo ni Tita Dolly.
"Ano po daw?"
"Malalaman natin pag lumabas na ang resulta. Mga ilang tulog pa."
Akala ko ay doon na matatapos ang pagtatanong ni Gelo pero pagdaan naming sa may tapat ng ospital, "Tito Daddy, bakit di natin kasabay si Tito Mike? Ayun po s'ya o!"
Kalalabas nga lang nila sa pangunahing entrada ng ospital.
Narinig ko si Tito Pab na pinamadali si Kuya Gerry makalabas ng compound ng ospital dahil,
"Ma, di ba si ano po yun... yung naglegaro ng robot nung bertdey ko? Si ano ... Tito Willie yata po, tama ba po?"
Sa halip na sagutin ang tanong n'ya, "Upo ka, anak. Baka mahilo ka. Magsasagot ka pa ng worksheets mo na ipapasa natin mamaya."
Halos kalahating oras na kaming nasa bahay nang makauwi si Mike. Halatang nagtatago lang ito nang init ng ulo dahil naroon pa si Gelo.
"Ako na muna ang bahalang tumulong kay Gelo sa worksheets n'ya, iha. Mag-usap kayo nina Ralph," susog ni Tita Dolly tapos bumaling sa asawa. "Hon, tulungan mo si Michael."
Kaya sa dining kami pumuwesto at nag-usap sa mababang tono.
Si Tito Pab ang unang nagsalita, "Sabi ni Gen Agoncillo, mahigpit ding pinababantayan ng mga Garcia ang kaligtasan ng bata. The threat is not from them if it comes to the safety. Mas manggagaling sa mga Abellana. Lalo na si Emily. However, they are also watching over with the processing and result of the DNA test. Michael?"
"Yes, Dad?"
"Robert Agoncillo wants to talk to you and Kennie."
"Bakit daw po?" tanong ko na.
"He wants you to know that if they will alter the result as you wanted it to be, you will commit to lying to Gelo forever that the boy's parents are the both of you. The agency will bury the truth. Ayaw nilang nailalagay ang kredibilidad ng agency nila."
"If they can do it, then yes. I will call and confirm it to Tito Robert," matatag na sagot ni Mike.
"I am not really pertaining to you, son. It's Kennie. She's may be good at hiding secrets but not cut to tell lies."
Nakagat ko ang labi.
Ginagap ni Mike ang palad ko, "Sweet?"
Napapikit ako.
"Atin si Gelo, Kennie. Hindi sa mga Garcia."
Ang bilin ni Ate Racquel.
Marahan akong tumango.
Tumikhim si Ralph, "If that is the case, Kennie, dapat ngayon pa lang kalimutan mo nang pamangkin mo ang bata. Anak mo s'ya. Start believing in that lie until you yourself believe it's the truth. That way, it will not be hard for you to stand firm with your claim."
"S-sige."
"Kennie... Mike...the hearing on Thursday, Gelo is required to be there."
"Bakit? Akala ko ba may restraining order?"
"The TRO is only outside the courtroom. But you will be seated away from the other party."
Napuno na naman ako ng pag-aalala. "Malilito si Gelo."
"Mike, we all tried to keep this away from the boy. But it cannot be helped. S'ya ang pinag-aagawan sa kasong ito. With all the cases Marquez law firm handled, this is the longest that I had the child not showing up in the hearing."
"What are we expecting to happen?"
"Kennie will take the stand for cross examination. Wala tayong ibang witness na available maliban sa inyong dalawa, so we better practice Kennie what we have said in the earlier hearings. Kung paano kayo nagkakilala at paanong nabuo si Gelo."
Diyo ko! Tulungan mo po ako!
"How about Gelo?" tanong ni Tita Dolly.
"Wala s'ya sa listahan ng mga iko-cross examine. And if ever he will be, we cannot teach a child to lie. The more they will get confused."
Tinawag n'ya si Gelo at pasimpleng tinanong.
"Gelo boy, sino ang Mama mo?"
"S'ya po. Si Mama ko. Bakit po?"
"Good. Wala. Tinanong ko lang."
Sumingit si Mike, "Kilala mo ba ang Papa mo?"
Umiling ang anak ko, "Hindi po. Pero sabi ni Mama po, paglaki ko, pepede ko na makilala."
Tumangu-tango ang mga nagtanong.
"Pero... parang alam ko na po kung sino eh."
Nagulat kaming lahat.
"S-sino?" kinakabahan kong tanong.
"Si Tito Mike. Kasi pareho na kami na Montecillo tas kakasal sila ni Mama ko. Di ba po, ganun yun?"
Sa gitna nang bumabalot sa aming pangamba, ang anak ko lang pala ang magpapatawa sa amin.
Lalung-lalo na kay Mike.
"Good boy!" niyakap pa nga s'ya ng lalaki, ganun din nina Tita Dolly at Tito Pab. "E di dapat, Papa na ang tawag mo sa akin."
Ngumuso si Gelo, "Sige po. Ipa-praktis ko na po, Papa."
Nahuli ko ang pagkinang ng mata ni Mike. Gaya ko, nagpipigil ng luha.
"So there. That's an honest and genuine answer from a child," si Ralph. "Walang ibang matatawag sa side natin, huli na si Kennie."
Bigla akong kinabahan, "Ralph...si Estrel at Nanay Mila ba?"
"Tapos na silang tanungin. Hindi mo ba sinabi sa kanya, Mike?"
May piping panunumbat na tiningnan ko ang lalaki.
At gaya nang inaasahan ko, "I'm sorry, sweet. Ayoko nga kasing mag-alala ka. Kaya pinapangako ko sina 'Nay Mila na huwag nang magbabanggit sa iyo."
Kaya pala nabanggit ni Nanay na galing sa munisipyo ang kasong isinampa sa amin.
"Wala naman silang sinabing sablay," sambot ni Ralph. "Which is kapani-paniwala dahil pareho lang ang sinabi ng mag-ina sa ilang pinag-witness na kapitbahay n'yo. Na nagulat sila na bumalik ka na may anak na. Na walang kang pinagsasabihan kung sino ang ama. Nagkahinala lang sila na si Mike nga. And that they are confused because there's William claiming. Thing was, nobody knew about Racquel and William's relationship."
"Ang mga magulang lang ni William ang nagpapatotoo. Kahit si Emily ay itinanggi na may karelasyong iba ang asawa n'ya bago pa man sila ikasal."
Alam ni Emily ang tungkol kay Ate dahil ang kapatid ko ang dahilan kaya muntik hindi matuloy ang kasal ng anak ng congressman kay William. Lalo akong natakot para kay Gelo dahil ayaw talaga sa kanya ng babae.
Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit biglang sinusuportahan na ngayon nang husto ng mga magulang si William sa pagkuha kay Gelo, gayong ang nanay mismo ng llaki ang kumausap kina Papa at mama noon sa ilayo si Ate at ang bata.
Yung kay William, kayang abutin nang pang-unawa ko. Mahal na mahal n'ya si Ate Racquel noon na maaring hanggang ngayon. At anak n'ya nga kasi si Gelo.
"How about the civil wedding, Ralph?" ungkat ni Mike. "Kennie can't go outside Bataan until the case is done."
"We can have it moved on Friday morning or afternoon. Kung walang judge na available o gustong magkasal sa bayan na ito, I know someone who can within Bataan."
Inabot nang hapon si Ralph sa amin dahil sinanay n'ya ako sa isasagot ko sa kanya at sa mga maaring maging tanong ng kampo ni William.
"Babalik ako sa isang araw para sa hearing. Practice more on what you have to say. Remember how you and Mike met in Manila," ang bilin bago umalis.
Sumabay na sa kanya sina Tita Dolly.
Tumutulong ako sa mga tauhan ng MonKhAr na maghanda ng hapunan nang tawagin ako ni Mike.
"Sweet, may mga bisita ka."
"Ha?"
"Halika at ayaw pumasok sa gate."
Gulat na gulat ako.
"Magandang gabi, iha," ang barangay chairman namin.
May kasama s'yang ilang mga kapitbahay namin. May dalang mga pagkain.
"Ano, pagpasensyahan mo na itong dala namin. Para di na kayo magluto. Mukhang pagod pa kayo sa ano, uhm..."
Pinigil ko ang mapaiyak, "P-pasok po kayo."
May pangingimi man ay tumuloy sila sa loob. Napuno ng tao ang sala namin.
Bagaman naroon ang pagkailang sa akin, lalo na kay Gelo, nakumbinsi ko ang anak ko na bumati sa kanila.
Hindi nga kasi kami sanay na kinakausap ng mga tao dito sa amin mula nang mamatay sina Papa.
"Pagpasensyahan mo na ang inasal namin sa inyo, Roqueña," sa pangunguna ni Kapitan.
"Uhm, hayaan n'yo na po yun. Ang importante, maayos na po tayo. Uhm, ano nga po pala, si Mike," tila wala sa sarili kong pagpapakilala sa katabi ko gayongalam ko naman na kilala nila ito.
"Kilala naman namin s'ya, iha," sabi nang isa naming kapitbahay. "At... uhm... anu't-anuman ang totoo tungkol sa ano, sa ipinaglalaban n'yo, eh... ang importante, tagarito si Gelo."
Napaiyak na ako. Agad akong niyakap ni Mike.
"Papa, si Mama ko," nag-aalalang sabi ni Gelo.
Kinarga agad s'ya ng lalaki at tila isang pamilya kaming magkakayakap sa harap ng mga bisita.
"Sana... sana, iha, manalo kayo sa kaso," ang malumanay na sabi nang isa sa kanila.
"Oo nga. Para mabuo uli ang pamilya na tinitingala namin."
"Salamat po," si Mike na ang sumagot.
Hindi na kasi ako makapagsalita. Sobrang saya ko ngayong gabi.
Nanatili pa sila sa bahay, kaya pinatuloyt ni Mike ang pagluluto sa mga tauhan n'ya.
"Sabayan n'yo na po kaming mahapunan," anyaya namin.
Hindi nila kami binigo.
Maya-maya ay dumating na rin si 'Nay Mila.
Naiyak na naman ako nang magyakap kami.
"Na-miss kita, 'Nay," sabi ko.
"Ang batang ito," sagot n'ya na nagpupunas ng luha. "Nasaan ba si Gelo?"
"Ay teka. Nasa likod. Nasabik kasi na makipagkulitan kina Tolits. Nasa likod sila at naggigitara."
"Ah, sige. Ako na ang pupunta. Harapin mo muna ang mga bisita mo."
"'Nay, si Estrel po?"
"Nasa trabaho pa. May overtime daw. Sinabihan ko nga na dito na dumiretso. Dapat nga'y kanina pa ako, kaso balita na narito pa ang abogado n'yo kaya napagkasunduan naming huwag muna kayong abalahin. Nagsara pa ako sa bahay nang sabihan ako na pupunta na nga rito sina Kapitan."
Saglit din s'yang bumati sa mga kakilala namin bago nagpunta sa likod-bahay.
Halos hindi naman ako makakain sa kakaestima ng mga bisita, kaya hinila na ako ni Mike sa tabi n'ya sa dining.
"Hayaan mo na muna sila. Kaya nilang kumuha ng pagkain. Nariyan ang mga tauhan ko na tapos na kumain para mag-asikaso. Eat first."
Makaraan ang ilang saglit, "Kennie, what's wrong? Halos di mo galawin ang laman ng plato mo."
Hindi ako makaramdam ng gutom. Sa nakikita ko, para na rin akong nabubusog.
Puno ng mga kababayan namin at tauhan ng MonKhAr ang sala at kusina. May iba pa nga na nasa bakuran nagkukwentuhan.
Si Gelo na inaasikaso ni 'Nay Mila.
"M-mike..." ginagap ko ang kamay n'ya sa ilalim ng mesa.
"Oh?"
"Salamat ha?"
"For?"
"Ito. Ganito dito noon. Nung konsehal hanggang maging vice-mayor si Papa," naluluha kong sabi.
Wala s'yang nagging sagot kundi ang halikan ang palad ko.
May nakapansin na tuloy sa suot kong singsing.
"Engineer... kayo ba'y magpapakasal na?"
Bigla akong namula. Mahinang tumawa si Mike.
"Opo."
"Aba'y dapat dito sa Bataan gawin yan."
"Dito nga ho, pero sa huwes muna, sa Biyernes na nga. Baka may kakilala ho kayong judge na pupuwede?"
Nagkatinginan sila. Tapos saglit na nag-usap nang mahina.
Tumikhim si Kapitan, "Kennie, alam mong kalaban ni Vice ang karamihan ng nasa posisyon ngayon sa munisipyo. At sobra ang palakasan ngayon doon.Iilan lang ang nananatiling tapat sa ama mo. Subukan mo kayang kausapin si Mayor? Ibig kong sabihin yung mayor nung panahon na—"
"Hindi na po," sansala ni Mike."Kami nap o ang bahala sa magkakasal sa amin."
"Ay sya. Ikaw pa ba eh ang dami n'yo na ngang nagagawa ngayon sa bayan namin."
"Oo nga. Eh malamang, wala ring maitutulong ang dating mayor dito. Ayan nga at nananahimik masyado. Wala tayong narinig nang muntik magkagulo dito nang dahil sa fishpens ng mga Abellana. Dati s'yang opisyal at sinuportahan ang proyektong yun ni Vice, dapat nagsalita s'ya," sabat nang isang tatay doon.
"Siyang tunay. Kalaban n'ya dati sa pulitika ang mayor ngayon at mga Abellana. Pagkakataon na sana n'ya. Parang si Vice pa nga ang ramdam na mayor dito noon kesa sa kanya."
"Hayaan n'yo na lang po," sansala ko na. "Kami nap o ang bahala."
Ayokong nauungkat ang pangalan uli ni Papa sa pulitika.
Nakapagpaalam na ang mga bisita ko ay wala pa si Estrel. Kahit si 'Nay Mila ay nagtataka.
Kaya tinawagan n'ya ang anak.
"Ay, ayaw. Wala na yata akong load."
"Ako na po ang tatawag. ano na nga po pala ang bago n'yang number? Hindi ko na nakuha sa inyo nung huli tayong magkausap."
"Aba'y yun pa rin. Naisauli raw ang phone n'ya."
Saglit akong natigilan. Parang gusto ong magtampo kay Estrel. Ni hindi n'ya ako naisipang i-text or tawagan man lang para mangumusta o ipaalam na nabawi ang phone n'ya.
Alam na naman n'ya na ikakasal kami ni Mike. Hindi man lang ba n'ya itatanong sa akin o makikibalita man lang?
Saka ko naisip uli, baka nagdaramdam pa ang kaibigan ko sa nangyari sa kanila ni Harold.
Napanbuntung-hininga ako.
Nangibabaw na unawain na lang si Estrel.
Tinawagan ko na lang. Nagri-ring lang.
Dalawang beses ko pang inulit. Hindi talaga n'ya sinasagot.
Paano ba ito? Pawala na ang battery ng cellphone ko.
Kaya, "Mike..."
"Oh?" lingon n'ya sa akin dahil kausap n'ya si Foreman at si Allan.
"Pwedeng pahiram ng phone. Pa-empty na ang batt ko eh."
"Here."
Yun ang ginamit kong pantawag kay Estrel.
Unang ring pa lang ay sinagot na agad!
Kumunot ang noo ko lalo na at,
"Mike?" masgilang bungad ni Estrel.
"E-estrel, si Kennie ito."
"Ha? Uhm..."
"K-kumusta ka na? Na-miss kita, hindi ka nagpunta dito. Kahit si Nanay, hinintay ka."
"Ahm, ayos naman. Ano, kumusta na? Ano'ng balita sa DNA testing?"
Saglit akong nagkuwento pero pinutol n'ya agad.
"Ano, Kennie..."
"Oh?"
"Next time na muna tayo mag-usap."
May pagtatampong nagsimulang kumalat sa puso ko. "Uhm, busy ka ba?"
"H-hindi. Ano kasi, nagpapahinga na 'ko dito sa bahay. Ano, sobrang masakit ang ulo ko."
"Ay hala! Sorry. Ganito, padala na lang ako ng pagkain mo ha? Nagpunta sina Kapitan. May dala silang mga pagkain. Yung parang katulad nang dati, naalala mo? Tapos nagpaluto si Mike. May sinigang, initin mo na lang para--"
"Kennie... next time na lang ha?" malumanay n'yang putol. "Pasens'ya na talaga."
"Uhm, s-sige. Pagaling ka."
"Oo. Bye."
Sinabi ko kay Nanay Mila na nasa bahay na ang kaibigan ko. Kahit ang matanda ay nagtaka.
"Hayaan n'yo na, 'Nay. Uwian n'yo na lang po si Estrel ng sinigang na bangus. Para may mahihigop s'ya. Baka tatrangkasuhin."
"Eh, s-sige. Salamat, anak."
"Mike, ano 'yan? Sa kaso pa rin ba?" tanong ko nang ilapag ang kape na kusa kong tinimpla para sa kanya.
Nagbabasa ito ng emails sa laptop n'ya habang kumakain ng doughnut sa dining.
"No. Pinag-aaralan ko ang magiging plano sa resort ng SchulzAS d'yan sa lupa n'yo. Bakit di ka pa matulog? Si Gelo?"
"Uhm, yun nga kasi. Dun na muna kami sa silid ko matutulog. Nami-miss ko na yun eh. Si Gelo, nagpapantok na lang."
"Alright."
Tumayo na ako. Pero imbes na pumunta agad sa silid namin, humakbang ako papalapit sa kanya.
Nakamata lang s'ya sa akin.
Nilabanan ko ang hiya. Yumuko ako at dinampian s'ya ng halik sa noo.
"Salamat, Mike."
Natawa s'ya nang mahina.
"Halik sa lolo o ninong yang ginawa mo eh," tapos ngumuso at itinuro yun. "Dapat dito kapag mapapangasawa."
Nag-init ang mukha ko. "Ewan!"
Sabay talikod papasok sa kuwarto namin. Narinig ko pa ang pagtawa n'ya.
Nakahiga na ako ay naiinis pa rin ako. Inis na may halong... kilig?
Ah basta! Naiinis ako kay Mike. Tinutukso n'ya ako.
Hirap na nga akong lunukin ang hiya sa ginawa ko, tapos ganun?
Kinalimutan ko na yun kinabukasan kasi di na naman n'ya inungkat o kung anupaman.
Umalis s'ya nang umaga para bisitahin ang project sa dating kinatatayuan ng Mang Donald's, gayun din sa property namin sa tabing-dagat.
Magsusukat daw kasi sila na ewan.
Pero nagsabi na darating bago mag-alas tres ng hapon.
Lamang, matapos naming makapananghalian at patulugin si Gelo, dumating si Sir Mar.
"Hindi kita mapapatuloy sa loob, Mar. Pasensiya na," hingi ko ng paumanhin.
Naroon man si Kuya Gerry, hinarap ko s'ya sa loob lang ng bakuran namin at hinayaang nakabukas ang gate.
"So, totoo nga, Kennie? Bakit? Alam na naming lahat ang totoo. Bakit itutuloy mo pa rin ang magpakasal sa kanya?"
"Anak namin ni Mike si Gelo."
Sa unang pagkakataon, nagawa kong magsinungaling na hindi nauutal at diretsong nakatingin sa mata ng kausap.
"Kennie naman. Hindi ako naniniwala!"
Napatingin ako sa likurang direksyon ni Sir Mar. Sa kabilang kalsada, naroon si Darcy. Nakatanaw sa amin habang bahagyang nagkukubli sa isang payat na puno.
"Hindi naman kita pinipilit maninwala. Hayun si Darcy, Mar. Sinusundan ka hanggang dito. Kung maari, huwag mo na akong guguluhin. Kasi, pati si Darcy, baka eskadaluhin uli ako. Marami na kaming kinakaharap na problema ngayon. Pakiusap lang."
"Hindi kayo mananalo sa kaso, Kennie. Ipaubaya mo na ang bata sa tatay n'ya."
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng galit sa isang tao.
"Umalis ka na, Mar. Huwag ka nang magpapakita kung sisirain mo ang pag-asa na meron kami. Ngayong unti-unti na uli akong nabubuo!"
"Ginagamit ka lang ni Montecillo, gaya nang paggamit mo sa kanya!"
"Mahal ko si Mike!" mataas na ang tinig ko.
Kung natigilan si Mar, ganun din ako.
Pinagdududahan ko kung kasinungalingan pa rin ba ang sinabi kong yun... dahil parang hindi!
"Get out!"
Napasinghap ako.
Si Mike, nasa bukana nang nakabukas na gate. Madilim ang mukha.
Hindi ko napansin ang pagparada n'ya sa kabilang side ng kalsada.
Di ko na naawat nang pitserahan n'ya ang dati kong bisor at patulak na pinalabas sa gate.
"Huwag ka nang babalik dito, gago!"
"Itaga mo sa bato, Montecillo! Matatalo kayo sa kaso! Iiyak muli si Roqueña sa kagagawan mo!"
Natigalgal man sa banta ni Sir Mar, inuna kong pigilan si Mike na lumabas pa para patulan na talaga si Sir Mar.
May ilang kapitbahay na rin kami na nakialam para paalisin ang dati kong manliligaw.
Sila pa nga ang humingi ng dispensa sa inasal ng lalaki.
Naghahalo ang hiya at takot sa akin.
Hiya dahil baka narinig ng lalaki ang naisambulat ko kay Sir Mar.
Takot dahil galit si Mike. O baka galit na galit nga dahil pinapasok ko sa bakuran si Sir Mar.
Nawala ang pakiramdam na yun dahil mahigpit n'ya akong inakbayan papasok sa bahay.
Walang siyang binanggit na kahit ano maliban sa,
" Agoncillo agency will take care of the DNA test. We will practice for the rest of the day for tomorrow's hearing. We will prove to that asshole that we will win this case. "
"Bakit ba kasi may hearing pa? Hindi na lang hintayin ang resulta ng DNA test?" tanong ko.
"I don't know. Ayaw nilang maghintay nang isa hanggang dalawang linggo para makuha ang bata. O baka nagdududa sila na maaring may makuhang lusot sa DNA mismo. I can't even dig it why the court would allow such hearing kung mao-override din naman lahat ng DNA test result."
Ganun na nga ang nangyari. Maghapon hanggang gabi na paulit-ulit akong tinatanong ni Mike na tila isang abogado.
Si Gelo, sa tabi ni Allan natulog.
Nawalang saysay ang pag-eensayo at puyat namin, dahil hindi ako tinawag sa witness stand.
Bagkus ay,
"We want to cut short this hearing, and call on the child my client is after for, Michael Angelo Dayrit a.k.a. Michael Angelo Dayrit Montecillo Jr., as the witness to cross examine," ang sabi ng abogado ni William.
========================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro