Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

32 Belo



"I'm so sorry. Nakalimutan kong ipaalala sa iyo na huwag kang matutulog kapag nagbababad sa bathtub. A lot of people have drowned in their tubs because of that," mahina n'yang paliwanag habang panay ang halik sa tuktok ko.

"Hindi ayos lang..." ang tangi kong naibulong pabalik.

Masakit pa ang lalamunan ko, dala nang pait ng tubig na may halong sabon at ang tila bikig na nakaharang dun dahil sa sinabi ni Mike.

Naiiyak ako sa di ko malamang dahilan. Basta ang alam ko, nagdulot nang busilak na kaligahayan sa akin ang sinabi n'ya.

"Kaya mo bang tumayo?"

Tumango ako. Saka ko naalalang hapitin ang bathrobe pantakip sa hita ko.

Mahabaging madre de kakaw!

Halos nakaangat na pala yun sa singit ko! At ... at...

Kupkop lang ako ni Mike sa kanya kaya hindi ako napaantada ng krus.

Ang hubad kong dibdib, nabasa na ang suot n'yang tshirt!

Nanliit ako bigla.

Naglalaro sa imahinasyon ko kung ano ang itsura ko nang hanguin n'ya ako sa.... nakuuuu!

Nakakahiya na talaga! Wala na akong maitatago sa lalaking ito!

Hinigit ko ang bathrobe. Naramdaman ni Mike yun kaya,

"I... uhm... I'm sorry... Wala akong intensyon na ano...shit...!"

Mas lalong nangapal ang mukha ko dahil tinulungan n'ya pa akong ayusin ang bathrobe. Natataranta pa nga.

"Masakit ba? Ano kasi... I panicked. I had to pump the water out so... I ... I had to ... damn!"

Inalalayan n'ya akong makaupo nang maayos.

"Kaya mo ba'ng magbanlaw mag-isa?"

Santisima! Ano'ng ibig n'yang sabihin? Papaliguan n'ya ako?

Mahal na Birheng Maria! Nagkakasala na ako sa tinatakbo ng isip ko!

"O-oo."

"No, don't stand yet. Wait for me here. Sandal ka muna," tapos nagmamadaling lumabas.

Hala! Paano na ito?

Gusto ko mang samantalahin na magbanlaw na nang mabilis habang wala s'ya ay hindi ko magawa. Nanlalambot ang tuhod ko. Tsaka, masakit ang gitna ng dibdib ko na inabutan ni Mike na hinihimas ko.

Dala n'ya ang isang upuan galing sa pang-apatan n'yang dining set. Inilagay n'ya sa tapat ng labao ng CR.

"Kennie, upo ka dito," ang sabi habang inaalalayan akong maupo sa dalang silya.

"M-mababasa yung upholster," balik ko sa kanya.

"Nevermind that. Uhm, sorry. Masakit pa ba?"

"Ha?"

"Uhm, I mean, your chest. I'm sorry. Nadiinan ko yata nang husto. I panicked when I saw you submerged in the tub and you weren't breathing when I took you out of the water. And I'm not trained to do CPR and mouth-to-mouth resuscitation. "

Nai-imagine ko ang mga sinabi n'ya at itsura ko habang ginagawa yun. Parang gusto ko na uling bumalik sa pagkakalublob sa bath tub!

"Hey..." inangat n'ya ang baba ko patingin sa kanyang naka-squat sa harap ko. "It's alright. I... uhm... I immediately covered you with the robe. It was an emergency."

Di nakabawas sa pag-iinit ng mukha ko ang sinabi n'ya.

Tumikhim s'ya, "Magmumog ka muna while I drain the tub. Lasang sabon ang bibig mo kanina."

Dios mio naman itong si Michael Angelo Sr.!

Inungkat pa eh!

Mabuti na tumalikod na s'ya at alisin ang tub plug. Nakapagmumog na ako ay binabanlawan n'ya pa ang tub.  Pagkatapos,

"Come, sit here. I'll help you rinse."

"Mike naman!" di ko na mapigilan ang magmaktol.

Napabuga s'ya nang malalim, "Look, Kennie. I've seen what there is to see. You can't even stand."

Maiiyak na ako sa gusto n'yang mangyari.

"I won't peek. I mean, you don't have to take off the robe. Halika na. Kanina ka pa basa. Baka magkasakit ka."

Ayokong gumalaw pero wala na akong nagawa nung buhatin n'ya ang silya kasama ako. Napakapit pa nga ako sa leeg n'ya.  Sa loob ng tub nya ako nilapag kasabay ng silya.

"I told you so," ang sabi n'ya. "Baka hikain ka pa n'yan. Tsk!"

Nakahiga na ako sa kama n'ya, nangangaligkig sa ginaw kahit hininaan na n'ya ang aircon. Di naman ako mainit. Giniginaw lang talaga.

Kaso, madaling-araw, natuloy na nga sa lagnat at pananakit ng lalamunan.

Napuyat si Mike sa pagbabantay sa akin dahil ayokong magpadala sa ospital. Takot ako sa injection. Mabuti nga noong mangyari ang sunog, tulog ako nang lagyan ng dextrose, kung hindi, mahihirapan ang doktor. Malaking pasalamat ko na sa dextrose din pinadaan ang mga gamot. Pero pigil na pigil akong manginig nung alisin na yun nung idi-discharge na ako. Mababa ang pain tolerance ko.

"Kennie, I'll bring you to the hospital. Hinihika ka na," nag-aalalang sabi n'ya na nilagyan ako ng basang bimpo sa noo.

"Ayoko," paos kong sagot. "May inhaler naman ako. Marami pa 'kong Ventolin."

"Tsk!"

Di ko na alam kung niluto n'ya o inorder yung soup na pinilit ipakin sa akin bago painumin ng paracetamol. Nakatulog na ako.

Napaginipan ko sina Papa at si Mama. Katulad noong nangyari ang sunog, hawak nila ako sa kamay, napapagitnaan... tinutugpa ang pinto ng simbahan sa bayan namin sa Bataan. Nakatayo sa labas noon si Sister Linda, kumaway sa amin.

Humigpit ang kapit namin nina Papa at Mama sa isa't-isa. Nakaramdam ako ng excitement lalo at makita ang suot ko.

Ang puting habit ng mga madre.

"Roqueña, bunso," si Mama. "Nasa sa iyo ang desisyon."

"Po?"

"Alam namin, nalilito ka. Ganun talaga. Nanggaling na ako sa kinalalagyan mo ngayon," salo ni Papa.

"Pa...teka lang po," sabi ko, kasi binitawan nila ako ni Mama.

"Kennie..."

Lumingon ako sa tumawag. Si Ate, kapit n'ya sa kamay si Gelo!

Humabol sila para sumamang maghatid sa akin bago ako pumasok sa kumbento.

Nakangiting lumapit ako sa kanila kaya lang nadapa ako nung nasa tapat na nila ako.

"Mama, bakit ka po may ganito?" tanong ni Gelo na hinawakan n'ya ang puting belo na nagtatakip sa buhok ko. "Mainit po yan."

Nangingiting itinukod ko ang kamay sa lupa. Ngiti na nawala dahil si Gelo, hinila ang belo ko. Nawala ako sa balanse kaya napaupo ako.

"Anak, huwag," sabi ko. "Ate, pigilan mo si Gelo."

Ngumiti lang si Ate Racquel, "Nasa sa iyo kung pipigilan mo, Kennie."

"Ha?"

"Mama, uwi na tayo. Nag-usap na kami ni Nanay," singit ni Gelo. "Malapit ko na raw makilala ang Papa ko po."

"Ha?" sinaklot ng takot ang puso ko.

Napatingin uli ako kay Ate Racquel. Nakangiti lang s'ya sa akin.

Hindi maari!

"Ate, bakit? Ikaw ang mahigpit nagbilin sa akin noon. Ayoko, atin lang si Gelo!" naiiyak kong sumamo sa kanya.

Ako na ang tuluyang naghubad ng belong naupuan ko na kaya di ako makatayo agad.

"Kennie, ito oh."

Kinuha ko ang kamay ni Ate na inabot niya. Akala ko ay ginawa n'ya yun para alalayan akong makatayo.

Natigilan ako. May nakapa ako sa palad n'ya. Binitawan n'ya yun para ilipat sa kamay ko.

Ang mamahaling relo na binigay n'ya sa akin.

"A-ate...paano mo ito nakuha? Nasunog na ito--"

Pero si Gelo na lang ang nakatayo sa harap ko. Nilingon ko sina Papa at Mama sa kanan ko. Andun pa rin sila, kasama na si Ate Racquel. Nakangiti lang na nakatingin sa amin.

"Mama..."

Binalingan ko uli si Gelo, lamang may nakaharang na tila usok sa pagitan namin.

Hindi. Hindi usok. Manipis na tela pala. Puting tela. Na nakasaklob na ulo ko.

May pares nang mahahabang binti ang nakatayo sa tabi ni Gelo. Nakasuot nang itim na slacks at balat na sapatos. Lalaki ang katabi ng anak ko.

Bago pa ako makatingala, yumukod ang lalaki, at inalok ang kamay n'ya.

Kinuha ko yun dahil ang hirap tumayo. Parang ang haba ng suot kong puting damit.

Tinulungan ako ni Gelo na pagpagin ang suot kong... suot kong...

Napasinghap ako. Hindi na ang pang-madreng damit ang...

Nakita ko na sa Google ang suot ko ngayon!

"I do," anas ng lalaking hindi binitawan ang kamay ko.

"Ha?"

Napuno ng kuryosidad ang puso ko.

Hindi malinaw ang mukha nya pero parang kilala ko ang lalaking sinumulang iangat ang belo ng wedding dress na suot ko.

Oo, kilalang-kilala ko!

Napalitan nang excitement at di maipaliwang na tuwa ang nararamdaman ko.

Bigla akong napadilat.

Ang mukha nang natutulog na si Mike ang nabungaran ko.

Hindi ako makagalaw. Maliban sa hindi ko inaasahang tatabihan n'ya ako, heto at mahigpit n'ya akong yakap.

Pinagmasdan ko ang payapang n'yang pagtulog. Ang banayad na paghinga.

Sa di ko mawaring dahilan, wala akong tensyon na nararamdaman kahit alam kong mali na magkatabi kami matulog.

Kusang umangat ang kamay ko sa pisngi n'ya. Hinaplos yun.

Medyo magaspang na sa nagbabantang balbas na papatubo.

Gumalaw si Mike. Bago ko mabawi ang kamay ko ay umangat na rin ang kamay n'ya patakip doon.

Nag-init ang mukha ko nang halikan n'ya ang palad ko at,

"You hungry?"

Halos kalahati lang ang pagkakabukas ng mata n'ya. Antok pa talaga.

Umiling ako. "Naalimpungatan lang."

"Still cold? You were having chills earlier, kaya tinabihan na kita."

"Konte."

Hinapit n'ya uli ako sa kanya tapos inayos ang kumot namin. Hinalikan ako sa noo.

"Go back to sleep. I'll wake you up kapag iinom ka na nang gamot."

"Ano'ng oras na ba? Baka paparating na sina Tita Dolly."

"Baka hapon or gabi pa sila dadating. Sleep."

Di na ako nahiyang sumiksik sa leeg at yakap ni Mike.

Mas masarap sa pakiramdam nang nilalamig kong pakiramdam ang init na dulot ng katawan n'ya kaysa sa makapal na kumot.

Mabilis akong nakatulog uli. Isang mapayapa at walang magulong panaginip.

Gabi na nga dumating sina Tita Dolly.

Kinamusta nila ang pakiramdam ko. Walang nagbabanggit tungkol sa nangyari dahil nariyan lang si Gelo na nakikipag-usap sa fiance ni Michelle tungkol sa mga isda.

Gusto ko mang yakapin ang anak ko, hindi ko magawa. Baka mahawa. Sapat na ang makita ko s'ya na ligtas at masaya.

Nangitim nga dahil puro paglalangoy sa dagat daw ang ginawa.

Sumama sila ni Tita Dolly sa isang fieldwork ng fiance ni Michelle somewhere in Mindanao. May binisitang marine sanctuary.

Nang gabing yun, magkatabing natulog si Mike at Gelo sa sahig ng mezzanine, sapin ang makapal na comforter.

Linggo kinabukasan, nagkulong kaming tatlo sa condo n'ya. Kung puro pahinga ang ginawa ko, abala naman si Mike sa pagbabasa at pagsagot ng emails gamit ang laptop n'ya. Paminsan-minsan ay kay Gelo na tinuturuan sa mga worksheets na ipapasa dahil nagsimula na nga ang anak ko ng home schooling. Kinumbinsi ko pa si Mike na pumasok sa trabaho kina-Lunesan dahil ayaw kaming iwan.

"Kaya ko na naman," sabi ko.

"Papupuntahin ko kahit isang katulong sa bahay."

"Huwag na. Nakakahiya."

"Basta. Kesa mabinat ka."

Si Tita Dolly ang naghatid sa katulong,at di agad umalis, "Mas gusto kong ako magbabantay sa apo ko. "

Nag-iinit ang mata ko tuwing sinasabi yun ng mga magulang ni Mike.

Saka lang pumasok sa trabaho ang lalaki.

Mabuti na rin na naroon si Tita Dolly. May kausap ako na makakatulong para gumaan ang alalahanin tungkol kay William.

"Huwag kang matatakot sa mga Garcia, lalo na sa mga Abellana. May natutulog na kaso sa Ombudsman ang biyenan ni William. Ipapahalungkat ng pinsan ko."

Sa kanya ko rin nalaman na mas mabilis na matatapos ang binili n'yang property ni Mang Donald.

"Pinapamadali ko na para mailipat na yung hardware ko. Ah, Kennie?"

"Po?"

"Kung maiisipan mong bumalik na sa Bataan, ikaw na lang ang mag-manage ng hardware. Pati yung mini-grocery at canteen na itatayo dun. Magkakadikit naman kaya di ka mahihirapan. May mga tao namang kukunin. I just need someone whom I trust to manage the people and the business. Para magamit mo na rin ang pinag-aralan mo."

"Uhm, tatanungin ko po muna si Mike, Tita. Depende po sa mga plano n'ya."

Malapad s'yang ngumiti. "O sige. Uhm, iha?"

"Po?"

"Napag-usapan n'yo na ba ni Michael?"

"Ang alin po?"

Saglit s'yang nag-isip, "Sa palagay ko kasi, ito na ang tamang pagkakataon na pag-usapan n'yo ang pagpapakasal."

"Ah... eh..."

Hindi ako handa sa tanong n'yang yun.

"Teka, huwag kang matensyon," natatawang sabi. "Ang akin naman ay opinyon lang. Isa pa, kayo ni Gelo ang nagpapirmi kay Michael ko sa bahay. Dati, kung wala rin lang trabaho, kasama n'ya sina Aris at Jeff. Kung saan-saan naglalagalag ang tatlong yan. Ganyang pamilyado na si Aris, at malapit na ring mag-asawa si Jeff, kawawa naman ang anak ko. Kaya...uhm... ganun. I'm just thinking out loud as a mother. You understand me, right?"

"O-opo."

Bago maghapunan, heto na nga si Mike. May dalang prutas. Inabot sa akin.

"Musta ka na? Nilagnat ka ba uli?" sinalat agad ang noo at leeg ko. "Where's Gelo?"

"Hindi na. Nasa itaas. Nakatulog na yata."

At ang tingin sa akin ni Tita Dolly, parang sinasabing, "Di ba, tama ako?"

Namula ako.

"Ano'ng meron, 'My?" tanong ni Mike.

Nakita n'ya ang tinginan namin ni Tita Dolly.

"Wala," natatawang sagot ng ina. "Gisingin mo na yung bata. Mahihirapan yang matulog uli mamaya. Paparating na ang daddy mo. Dito na kami maghahapunan bago umuwi."

Naging magaan ang kuwentuhan namin kasama si Tito Pab. Nang malinis na ang pinagkainan, kinumbinsi ko si Mike na hindi na kailangang abalahin si Tita Dolly para bumalik kinabukasan.

"Kaya ko na nga. Si Gelo lang naman ang aasikasuhin ko. Kaya ko na ngang mamalengke para sa ilulutong ulam."

Sumama si Mike pabalik sa bahay ng mga magulang para kunin ang ilan naming damit ni Gelo.

Tinanong n'ya kasi ako kanina kung bakit ako naka-jacket gayong hindi malakas ang bukas ng aircon.

"Uhm, ano kasi... wala akong bra," bulong ko.

Di ko na nga sinabi na naiilang ako na walang panty. Boxers na pinaibabawan ko lang ng string shorts n'ya ang suot kong pang-ibaba.

"Kennie, matulog ka na. Ako na ang maghihintay kay Mike," sabi ni Kuya Gerry.

Pinaakyat s'ya para samahan kaming mag-ina.

Ganun na nga ang ginawa ko. Tinabihan ko si Gelo na nauna nang matulog. Pagod ito dahil maraming hinabol na worksheet na ipapasa para sa home schooling program n'ya.

Madaling-araw, nagising ako para magbanyo. Naroon na si Mike sa sahig, mag-isang natutulog.

"Huwag ka na muna lumabas. Order ka na lang ng food delivery para pagkain n'yo," bilin ni Mike bago umalis kinabukasan.

Ganun uli nang sumunod na araw, kaya nang ikatlo,

"Mike, pwede bang magluto ako? Gusto kong kumain ng lutong-bahay," hiling ko sa kanya nang ihatid naming mag-ina sa pintuan.

Papunta s'ya nang araw na yun sa Bataan. Sa isang araw ang balik n'ya.

Saglit n'ya akong tiningnan. Nagtatalo ang loob tapos huminga nang malalim.

"Sige, pero huwag ka nang umalis. Just order your grocery online or call the supermarket then have everything delivered here."

"Uhm, ako na lang ang bibili sa--"

"NO!"

Napaigtad ako.

"Tito Mike...?"

Kahit si Gelo ay nabigla sa reaksyon n'ya.

"I'm... I'm sorry," napabuga uli s'ya ng hangin sa bibig.

Kinarga n'ya si Gelo tapos ay nilapitan ako at inakbayan pahapit sa kanya.

"Pasens'ya na," ulit n'ya. "Medyo marami lang akong iniisip."

Bigla akong na-guilty.

"Mike... may problema ba?" tingala ko sa kanya.

Tiningnan n'ya lang ako at matipid na ngumiti. Nagkaintindihan kami.

Hindi s'ya makakapagkwento ganitong nariyan si Gelo.

"Tawagan mo 'ko pagdating mo sa Bataan, pwede?" hiling ko uli sa kanya. "Bahaginan mo 'ko tutal kami ang nagdala ng proble--"

Niyakap n'ya kaming mag-ina na sabay, "Sshh... Don't stress yourself. It has nothing to do with that, Kennie."

Hindi ako naniniwala. Pinapagaan n'ya lang ang loob ko. Kaya,

"Gelo, anak, nood ka na muna uli ng movie. May sasabihin lang ako kay Tito Mike," malambing kong sabi.

Agad s'yang sumunod matapos humalik sa pisngi ng lalaki.

Ilang segundo kaming nagpakiramdaman sa may pintuan.

"Mike, ano na ang balita sa kaso ni William?"

"I'm taking care of it."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko," may pagtatampo kong balik sa kanya.

"It's not something I cannot handle, Roqueña. By the way, bukas darating ang isa sa mga lawyers ng firm ni Ralph. He'll bring the final papers para mailipat na sa iyo ang properties ng mga magulang mo."

Tumango lang ako.

"That includes the beach property."

"Sino raw ang may-ari nung fishpens?"

Umiling lang si Mike.

"Papaano tatanggalin ang mga yun doon?"

"SchulzAS will be the one to take care of that. Dadaanin sa legal kaya hindi makakapalag sina--"

Tumikhim s'ya.

"Sino?"

Kinumpas n'ya ang kamay na tila binabalewala ang nasabi n'ya, "You don't have to know."

"Mike!"

"Tss. Mga dayo, Kennie, okay? So don't worry much. MonKhAr, SchulzAs, Ralph's and Rob's companies will make sure to kick them out of your town before you know it."

Napanguso ako.

"Masyado mo kaming ini-spoil ni Gelo, Mike."

Natawa s'ya nang maikli, "Of course. Aalis na ako. Come here."

Niaykap n'ya ako. Umangat din ang kamay ko sa bewang n'ya.

"Salamat..." bulong ko.

"Tss...anything for you, sweet," sabay halik sa sentido ko. "Pinky promise mo sa akin. Hindi kayo lalabas dito ni Gelo hangga't di ko sinasabi, okay?"

Bumagsak ang balikat ko.

"Hey," inangat n'ya ang hinliliit. "Pinky promise?"

Labag man sa kalooban ko, inangat ko rin ang hinliliit ko at ibinuhol sa kanya.

"Okay," matamlay kong sagot.

"This will be temporary, sweet. I'm working on it. You can go swimming sa clubhouse sa rooftop. May gym and spa rin doon."

"Di ako mahilig sa ganun."

"Si Gelo. Pwede s'ya dun. Here, I'll leave my laptop so you can browse through the net."

"Wala kang gagamitin."

"May extra ako sa office. Dadaan naman ako dun ngayong umaga."

Kinuha ko na.

"Watch movies online or sa cable. If you need something or buy something, ask Gerry."

"May pera ako."

Napahawak ito sa sentido. Nakukunsumi na yata sa pagtatampo ko. "Whatever. Just let Gerry know. He's your guardian while I'm away. Or you can call Mom."

Di ako kumibo. Basta nakayuko lang ako.

"Roqueña... look at me."

Nanatili akong nakayuko. Kaya kinabig uli ako nang mahigpit.

"You know why I'm doing this. Ayoko rin na ikulong kayo dito. But I have to because I'm not good at gambling, Kennie. I can't afford na magkakahiwalay tayo ni Gelo," bulong n'ya.

Nalusaw nun ang pagtatampo ko.

"Okay," mahina kong sagot.

"Good girl," tapos hinalikan ako sa tuktok.

"Pakikumusta na lang ako kina 'Nay Mila at Estrel, ha?"

Natigilan uli s'ya.

Hindi pa rin yata s'ya kumportable dahil kay Harold. Kaya binawi ko na lang yun.

"Sige wag na lang. Baka makaabala sa trabaho mo. Tatawagan ko na lang uli sila."

Tumango s'ya tapos nagtanim uli ng halik sa ulo ko bago tuluyang umalis.

Hindi ko na inabala pa si Tita Dolly. Nakakahiya dahil may mga businesses silang mag-asawa na inaasikaso.

Parang ang tagal nang dalawang araw na wala si Mike.

Inabala ko na lang ang sarili at si Gelo sa lessons n'ya at panonood ng mga palabas. Umakyat na rin kami sa rooftop para makapag-swimming si Gelo.

Napirmahan ko na rin ang mga papeles na magsasalin sa pangalan ko sa mga properties nina Papa.

"We will just have all of these notarized today and it's all done. Our department will just hand it over to Atty. Marquez."

"Salamat po," sabi ko sa abogado. "Kami na ni Mke ang kukuha sa opisina ni Ralph."

Tinanggap ko ang pakikipagkamay nito bago s'ya nagpaalam.

Kinagabihan, nag-video call kay Mike para ipaalam yun.

"Very good," ang komento n'ya.

Parang may problema kahit ganun ang sinabi n'ya.

"Mike, gusto mo bang pag-usapan?"

"Alin?"

"Yung problema."

Isang mabigat na buntung-hininga ang binitawan n'ya. Tapos tiningnan lang ako.

Sinasabi ko na nga ba.

"Mike, kasi... kinuha mo na halos lahat. Kahit ang totoo, problema ko lang ito. Nagi-guilty ako na nagiging pabigat kami ni Gelo sa iyo...sa inyo."

"Kennie, sweet...remember this. You're a baggage I'm willing to carry."

May luhang tumulo sa pisngi ko. Mabilis ko yung pinahid.

"Hey... don't cry. Ako na nga ang bahala."

"Ikaw kasi," napahikbi na ako. "Kinuha mo na lahat sa akin. Wala kang itinira. Tapos makikita kitang ganyan. Nahihirapan."

"It's still not tantamount to the years you carried all this by yourself."

"Iba naman yun, Mike. S'yempre anak ko si Gelo."

"Atin si Gelo, Kennie. Huwag mong kakalimutan at palagi mong itatanim yan sa isip mo."

"Alam mo ang totoo, Mik--"

"THAT'S IT AND IT'S FINAL, ROQUEÑA! ATING DALAWA SI GELO. NOTHING MORE, NOTHING LESS!"

Napaigtad ako sa pagtataas ng boses n'ya. Nadagdagan ang luhang umagos sa mata ko.

Hindi ako sanay na napagtataasan ng boses...lalo na kung si Mike.

May pagrerebeldeng umaahon sa puso ko.

Sa garalgal na tinig, "Ang akin lang, tutal ikaw na ang nagsabi, atin si Gelo...sana bigyan mo ako ng partisipasyon para makatulong sa problema."

Napahawak ang lalaki sa sentido n'ya.

"Alright... I'm sorry. Nabigla lang ako."

Umiling lang ako, akmang aalisin ang earphones sa tenga ko.

"Wait! Kennie, sweet!"

Napahikbi uli ako.

"Don't hang up, please. You win, okay?"

Di ako kumibo. Basta di ako nakatingin sa mukha n'yang nakabalandra sa laptop monitor. Pero, di ko rin tuluyang inalis ang earphones.

"Here, let me show you something. Just give me a sec."

Dun lang ako tumingin.

Tumayo si Mike mula sa desk ni Papa. Sunod kong nakita ang higaan n'ya dahil dun nakaharap ang laptop na gamit n'ya.

May kinuha s'ya mula sa leather bag n'ya. Di ko alam kung ano dahil nawala s'ya saglit. Paupo na s'ya uli nang makita sa screen.

Tumikhim si Mike, "You wanted to help, right?"

"O-oo."

Huminga s'ya nang malalim.

"Kennie...?"

"Oh?"

"Before I show you these, I want to tell you something."

"Ano yun?"

"We may be required to come back in Bataan."

"W-walang problema. Kailan?"

"Uhm, that's what I'm trying to avoid, but it may be soon. And it's... it may pose as a problem contrary to what you're saying."

"Ha? Bakit?"

"Court order. Kasama si Gelo sa pagbalik."

Napahawak ako sa dibdib, lalo at bumakas ang matinding frustration sa mukha n'ya. Pilit s'yang ngumiti para bigyan ako ng assurance.

"M-mike..." naiiyak na naman ako.

"I'll find ways para di tayo magkahiwalay. And I already found one."

Saka n'ya inilapag sa harap ng monitor ang hawak n'ya.

Nanlaki ang mata ko. Napabuka ang bibig.

Binuksan n'ya ang dalawang kahita.

"You said you wanted to participate. Here it is, Roqueña."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga yun at sa kanya.

Hindi ko malaman kung mauuna kong ia-appreciate ang malaking diamanteng nakatampok sa engagement ring sa isang kahita. O ang eleganteng pareha ng wedding rings sa pangalawa.

Isa ang sigurado ako.

Gulat na gulat ako. Hindi ko inaasahan na bumili si Mike ng mga ito kahit walang kasiguraduhang sagot mula sa akin.

Naghahalo ang kaba, pagkabigla at di maipaliwanag na tuwa sa akin.

"We'll work this out... for us... for Gelo."

Sa sinabi n'ya, nahagilap ko sa wakas ang dila ko.

"P-pag-usapan natin pag-uwi mo b-bukas."

Nagliwanag ang mukha n'ya.

"No, I'm going home now."

=================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b5yhsmd